Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Huling Binasa

Rize, good luck na lang sa "z" mo hahaha! Mas cool ngang tingnan. Mayroon yata ako ng kopya ng aklat na yan. Mailinya nga someday. Si Soledad Reyes yong nagsalin sa "Ginto sa Makiling" ni Macario Pineda, di ba? Magaling nga sya. :)
Beverly, good luck naman kung pupunta si Nibra sa bahay nyo. Sabagay, malay natin. Sa may Kamuning lang daw sya eh. So, tatawid lang ng EDSA, Kamias na hahaha!
Isang buwan na pala simula noong huling kong i-post ang mga nabasa ko. Para di naman flooding ng thread, ginagawa ko na lang buwanan ang paglalagay ng mga nabasa ko dito. Positive lang ang sinasabi ko rito. Di ko na nilalagay masyado ang negative (sa rebyu ko na lang yon) para maengganyo kayong basahin ang libro.
Heto sila (isang buwang binasa) hahaha:
CONVERSATIONS WITH MARIA CLARA
(Friars Minor Southern Philippines, 2012)
by Father Antonio Ma. Rosales
Nabili ko sa Bridges, Greenhills. Sinulat ng isang pari na nagmimisa weekly sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park. O di ba sosyal ang mga sinasalba nyang kaluluwa? Hahaha. May intro ni Ambeth Ocampo kasi parang close sila. Tungkol sa imahinasyon ni Fr. Rosales (malikot ang imahinasyong at mapagpatawa raw ang paring ito) na di namatay si Maria Clara sa kumbento at nabuhay hanggang sa edad na 97. Ito ang mga interviews na nakuha sa cassette tape sa mga lumang gamit ng monghang madre. Kaintriga lang, di ba?
SA BAGWIS NG SINING: MGA NANGAUNANG MANUNULAT NG CAVITE
(Cavite Studies Center, 2005)
ni Efren R. Abueg
Nabili ko ito sa C&E Quezon Avenue at binasa ko bago kapanayamin natin si Ka Efren. Effort niya ito upang ipakilala sa mga mambabasang Pinoy ang mga nauna sa kanyang mga manunulat sa Cavite. Si Ka Efren ay tubong Cavite (gaya ni Ka Roger) kahit ngayon ay nasa Las Pinas na siya. Marami palang manunulat na mahuhusay sa Cavite noong araw at karamihan sa kanila ay mahuhusay na makata. Parang Cavite at Bulacan yata karamihan ang mga Balagtasista. Sana makagawa pa si Ka Efren ng mga ganito. Dami mong matututunan tungkol sa kasaysayan ng mga manunulat ng mga lumang aklat na nakikita mo lang sa National at walang bumibili hahaha.
LOVE YOUR FRENEMIES
(Summit, 2011)
by Mina V. Esguerra
Kung romance ang paborito mo, wag mo itong papalagpasin. Maraming makaka-relate ditong mga kababaihan lalo na yong parang mataray ang dating. Sabagay, lahat naman ng babae mas maganda may konting taray para di masabing easy to get. Mas challenging rin sa aming mga lalaki kung medyo kami ang nagche-chase hahaha. Yon lang. Basta, maganda ito.
TALONG/TAHONG: MGA KUWENTONG HOMOEROTIKO
(Anvil, 2011)
ni Rolando B. Tolentino (Editor)
May mga kuwentong harapan (bulgar) na kabaklaan. Meron din halos parang wala at mas maganda (para sa akin) yong medya-medya lang o yong halos wala at babasahin mo between the lines. Yong papakiramdaman mo pa at magtataka ka nasaan ang kabaklaan? May ilang kuwento ng lesbiyana at yon pa nga ang nagustuhan ko dahil parang typical (ayan na naman ang term) na love stories na heterosexual. Ang gustong gusto ko rito ay yong sinulat ni Rolando B. Tolentino at Alvin Yapan (ang isa sa hinahangaan ko sa kasalukuyan at gusto kong makita kaso sikat na yata sya hahaha).
EVERYTHING I NEED TO KNOW ABOUT LOVE I LEARNED FROM PAPA JACK
(Summit Media, 2013)
by John Gemperle (totoong pangalan ni Papa Jack)
Nakakatawa naman. Minsan-minsan kasi nakikinig ako kay Papa Jack lalo na noong madalas akong hatinggabi na kung umuwi at nakalampas na ang oras ng pagtulog ko. Eh masakit na ang mata ko kakatinggin sa computer sa office. Kaya naka-relate ako rito sa libro. Masaya, prangka, pambasag ang mga jokes hahaha!

JUAN MASILI O ANG PINUNO NG TULISAN
(Popular Bookstore, 1906)
ni Particio Mariano
Nabili ko sa Popular Bookstore sa halagang P30. Nobelang sobrang klasiko. Nalimbag noong 1906. Reproduction na lang itong kopya ng Popular pero sobrang nakakaaliw kasi imaginin mo na sinulat ito mga ilang taon matapos ang rebolusyon o ang pagkamatay ni Rizal. Kaya't punung puno sya ng metaphors tungkol sa paglaban sa maykapangyarihan pero walang tinukoy kong Kastila o Amerikano. Parang ingat si Mariano pero ramdam mo kung sino ang tinutukoy na kalaban.

MONSTRESS
(Ecco, 2012)
by Lysley Tenorio
Pumunta si Tenorio dito sa Pilipinas at nag-book launch sa Powerbooks (yata) noong Pebrero 9, 2013. Kaso birthday ng asawa ko kaya di ako nakapunta. Sobrang ganda noong maraming mga kuwento rito lalo na yong huli dahil kuwento ng pamilya nila sa mga unang buwan nila mula sa maliit nilang bahay sa Rizal (Morong kung di ako nagkakamali) tapos sa isang bahay sa California. Ramdam mo yong alienation ng mga pamilyang Pinoy na biglang binunot sa kanilang inugatang lugar dito sa Pilipinas. Nagustuhan ko rin yong kuwento ng mga ketongin. Mahusay itong si Tenorio (Phil-Am professor at writer). Para sa first collection of short stories, sobrang ganda! Pamatay!

PEPE: THE LOST YEARS OF RIZAL #1
(Precious Pages Corporation, 2012)
by Ron Mendoza
Komiks. English. Maganda naman. Nakakaaliw ang hitsura ng batang Rizal at yong mga kababalaghan (fantasy ito eh) kagaya ng lumilipad na kalabaw hahaha. Wala lang. Kaso parang di kumita ito dahil wala pang Book 2 hanggang ngayon samantalang yong iba na lumabas ang Book 1 noong nakaraang Komikon, meron na! Sana maraming bumili nito para magkaroon ng Book 2.

DOCTRINA CHRISTIANA
(Popular Bookstore, 1593)
by Fray Juan de Plasencia
Pinakaunang librong nalimbag sa Pilipinas. Kaya mo yan? Nabasa mo na ba yan? Hahaha. Mga dasal na gustong ituro sa atin ng mga kastila kaya't ang mga dasal na iyan (Ama Namin, Aba Ginoong Maria, atbp) ay nasusulat sa Chinese, lumang Tagalog, Latin, Kastila at Baybayin). Tapos sa dulo may English text. Nakakatuwang i-try basahin ang lumang Tagalog at Latin. Tapos sundan mo na lang ng pagbasa sa English sa dulo. Mayroon ditong mga tips kung paano makarating ang kaluluwa sa langit. Aliw! hahaha

ON LIGHTER DREAMS (CALLOUS COMICS #4)
(Callous Comics, 2011)
by Carlo Jose San Juan
Kuwento ng dalawang doktora na ang isa ay may guardian angel, este duck hahaha. So yong mga desisyon nya o kung nalalagay siya sa bingit ng kamatayan, tinutulungan siya ng guardian duck niya. Kung gusto mo yong fantasy tapos isa kang doctor o para-medical, nakakatuwa ito dahil ang setting mostly sa hospital. BTW, na-meet ko si Dr. San Juan sa nakaraang Komikon. Imagin, doctor na gumagawa ng komiks. Nakakatuwa lang makitang ang doctor nakabantay sa mga comics niya at handang makipagusap sa mga parukyano (at hindi pasyente). Hobby lang daw, sabi nya.

Hardcore. Maganda talaga ang librong ito. (Wag mo nang palampasin ang pagkakataon, nibra.)

Sya nga ang tagasalin. Sya rin ang sumulat ng mga intro sa reissue ng Ateneo Press ng iba pang nobela ni Pineda.
Temporaryo lang itong name ko. hehe.

NOT ON OUR WATCH: MARTIAL LAW REALLY HAPPENED. WE WERE THERE
(Publications Group, 2011)
by Jo-Ann Maglipon (Editor)
Librong sinulat ng mga LEADS-CEGP 6972 (League of Editors for a Democratic Society - College Editors Guild of the Philippines 1969-1972). Sa madali't sabi, mga editors ng mga pahagayan sa malalaking unibersidad sa Pilipinas noong panahon ng Martial Law. Ibig sabihin, mga matatalinong kabataan na nakaranas ng kabuktutan ng Batas Militar. Grabe di ba, imagin mga kabataang nagsusulat tapos naaresto, nakulong, pinahirapan, tinortyur ng militar at ang iba ay pinatay. Sumulat sila ng librong ito ngayong mga 60+ ang edad nila para siguruhing ang mga kabataan ngayon ay magkaroon ng matibay na kamalayan sa mga nangyari noong unang sigwa (first quarter storm).

THE BEST OF CHICO, DELAMAR AND GINO'S THE MORNING RUSH TOP 10, BOOK 2
(Summit Books, 2012)
by Chico Garcia, Delamar Arias, Gino Quillamor
Mas maganda kaysa doon sa unang libro. Nakakaaliw ang mga jokes. Pero kung lagi ka nang nakikinig baka di ka gaanong tamaan kasi alam mo na ang jokes. Yon lang.

PITONG BUNDOK NG HARAYA (SEVEN MOUNTAINS OF IMAGINATION)
(UST Publishing House, 2011)
ni Virgilio S. Almario (Translator: Marne Kilates)
Pinakamagandang (so far) librong nabasa ko tungkol sa diskusyo ng Panitikang Filipino. Dito ko nalaman ang interpretasyon sa mga unang tula sa Pilipinas. Nakaalam ng buhay ni Francisco Balagtas, Jose Corazon de Jesus, Amado V. Hernandez at kung sinu-sino pa at kung alin-alin pang mga tula ang di mo na maririnig ngayon pero sobrang ganda. Ang pitong bundok na itinuturing dito ay yong mga karakteristik ng tula (haraya) na dapat naroroon sa tula upang masabing ang makata ay isang Balagtasista hahaha. Hirap lang i-explain pero maganda ito. Kapital "M".

ALAMAT NG DUHAT: THE LEGEND OF THE JAVA PLUM
(Lampara Publishing House, 2012)
ni Segundo D. Matias, Jr.
Sinulat ng may-ari ng Precious Hearts Romance hahaha. Nanalo ang librong ito ng Palanca. Maganda. Alamat ng duhat (yong prutas na juicy na maitim at nagma-mantsa sa damit) hahaha. Ngayon lang ako nakabasa ng alamat ng duhat. Merong pinya (yong pinaka-popular) tapos noon ewan ko na. Mayroon ba kayong alam na alamat ng saging, papaya, kaymito, balimbing, atpb?

THE CAT PAINTER
(Adarna House, 2006)
by Becky Bravo
Nakakatuwa. Cute yong mga pusa na pinipintahan sa langit. Ang moral lesson: wag maging kontento sa status quo. Panatilihing mas gumaganda habang tumatanda. Chos. Hahaha.

BARAKO...BARAKING
(Southern Voices Printing Press, 2011)
by Cindy L. Dizon-Gealogo
Isa pa ring pambatang libro na binasa ko para sa Mayo sa storytelling natin sa Museo Pambata. Maganda ang hangarin ng libro. Ipakita sa mga bata na ayos lang din kung ang ina ang nagtratrabaho sa labas ng bahay (sa ibang bansa halimbawa) at ang tatay sa bahay. Kaya naging baraking ang barako. Nakakatuwa!

ANG HUKUMAN NI SINUKUAN
(Adarna House, 2009)
ni Virgilio S. Almario
Pambata. Natutuwa ako na kasama malamang ito sa Top 3 sa poll natin. Madaling basahin at siguro lively itong basahin. Mahusay ang pagkakakwento dahil makata kasi si Rio Alma so may mga tugma-tugma. Tapos tawang-tawa ako doon sa sexual innuendo. Having met Rio Alma noong Biyernes, I am sure sinadya niya ang innuendo hahaha. Nakakatuwa lang.

JUST ADD DIRT
(Adarna House, 2009)
by Becky Bravo
Meron ba kayong pamangkin, anak o kapatid na ayaw maligo? Ipabasa ninyo ito sa kanila hahaha. Meron akong pinsan noon sa Baguio na tamad na tamad maligo! Itutulak ng tita ko sa banyo para lang maligo. Iiyak pa yon. Halos kaladkarin na para maligo anoba. hahaha. Babae yon ha. Elementary hahaha.

MOLAVE AND THE ORCHID AND OTHER CHILDREN'S STORIES
(Solidaridad Publishing House, 2004)
by F. Sionil Jose
Apat na mga kuwento ni Ka Frankie. Magaganda lahat. Gusto kong makita yong puno ng Dalipawen pagpunta natin sa Rosales. Nalungkot ako dahil parang di ito papasok sa Top 3 pero ayos na rin. Mababasa rin ninyo ito balang araw kasi ang 2013 ay taon ni F. Sionil Jose sa PRPB. Kaya ayun! Maganda ito. Tanungin nyo pa kay Ayban hahaha.

ALAMAT NG KAWAYAN (THE LEGEND OF THE BAMBOO)
(Lampara Publishing House, 2009)
by Segundo D. Matias, Jr.
Kung ikaw ay tatay at may anak na lalaki o ikaw ay anak na lalaki na may tatay (labo hahaha), basahin mo itong librong ito. Makaka-relate ka kasi kuwento ito ng mag-ama. Ang anak ay tinuruan niyang maging panday na kagaya niya. Tapos pala ang mga sandatang pinapanday nila ay ginagamit sa digmaan at wala silang kaalam-alam. Ganda!

ANG IKAKLIT SA AMING HARDIN
(Twamkittens, 2012)
by Bernadette Villanueva-Neri
Nanalo ng Palanca awards. Tungkol sa pamilyang may dalawang nanay (lesbiyana). Tungkol sa di maipaliwanag na sitwasyon ng isang batang babae, si Ikaklit, dahil tinutukso siya ng kanyang mga kaklase na tomboy ang mga nanay niya. Mahusay ang pagkakalahad at maganda ang aral na ipinapahayag.

PARA SA HOPELESS ROMANTIC
(Lodestar Press, Inc., 2013)
ni Marcelo Santos III
Romance na nasusulat sa Tagalog at bagong graduate lang ang awtor (batang-bata) mula sa kolehiyo - PUP. Pinauso raw nitong batang ito ang Love Story on Video (LSOV) na kuwentong nasa video at habang nagbabasa ka ay may background na emo music. Galing ng ideya di ba? Kaya't ngayon may libro na rin siya. Limang kuwentong magkakadugtong. Mga tauhang may iba't ibang nararanasan sa pag-ibig. Cheesy na kung cheesy. Mushy na kung mushy. Trip trip lang. Kung trip mo ang romance, go! hahaha
Yon lang. Next month na lang si Osong Marso hahaha!

May isa pang bersyon ang librong yan(self published)..parehas na mga kwento rin yata pero mas kasama nang mga komiks strip (parang graphic novel ba), yun nga lang nahihirapan ako maghanap nun, limited edition kasi.
5 kuwento pero tatlong bahagi. Kasi pair pair sila tapos yong ikatlong bahagi, yong love story na lang ng girl. Yon yong creativity kasi nagpapalit ng POV.
Wow. Meron pang may komiks. Ayos na rin sa akin ito. Kuwento lang ang habol ko. Tsaka wala akong tiyagang maghanap. Sana regaluhan na lang tayo ni Marcelo hahaha.
Wow. Meron pang may komiks. Ayos na rin sa akin ito. Kuwento lang ang habol ko. Tsaka wala akong tiyagang maghanap. Sana regaluhan na lang tayo ni Marcelo hahaha.
Go, Ara. Masaya yan. Basta wag masyadong seryoso sa pagbabasa at wag ikumpara sa "Po-On." Light lang. Light hahaha!

Yung nobela Timawa ni A. C. Fabian 1950s pa lumabas pero madaling basahin, hindi ganun kalalim ang Tagalog. Akala ko positibo ang ibig sabihin ng timawa, hindi pala. Tungkol ito sa interracial love story ng isang Pilipino at Amerikana, tungkol sa WWII, atbp.
The Kite of Stars and Other Stories - mga speculative fiction. Idol ko na itong si Dean Francis Alfar. Galing ng imahinasyon. Ito ang link sa isang award-winning story nya na nasa libro (highly recommended): "Six From Downtown".
Di ko pa nabasa ang mga ito. Basta ngayong taong ito. Maraming nagsasabing magaling si Dean Francis Alfar. Salamat sa pagbabahagi. :)

Grabe si Ding dito >.< hayok na hayok!!! hahaha
medyo mahaba yung nobela pero bitin pa rin ako.,
andaming misteryo..
at gusto ko pang subaybayan yung buhay ni Teng ... tsk tsk (limang nagkikislapan at nagniningning na mga bituin)

medyo mahaba yung nobela pero bitin pa rin ako.,
andaming misteryo..
at gusto ko pang subaybayan yung buhay ni Teng ... tsk tsk (limang nagkikislapan at nagniningning na mga bituin)"
Ako gustong kong malaman kung ano na ang nangyari kay Dee. Tumira kaya siya sa ibang bansa? Nag-asawa rin kaya ng panibago si Ding? Maraming posiblidad. Ang tindi lang ng kurot sa puso noong ending... huli na ang lahat. *buntog-hininga. 8`(
hahaha. ito na ang pinaka-erotikong pinoy na akda para sa akin. susunod ang "lumbay ng dila"
sige na, mag-tema tayo ng erotiko later this year hahaha.
sige na, mag-tema tayo ng erotiko later this year hahaha.

O kaya doon sa mga "palabas" na pinamumunuan ni Kuya Nick kung saan bumida rin si Pepe! Hahaha! :D

Physiological Fieldtrip. *cue music: "Your Body is a Wonderland by John Mayer*
Hahaha! :D
Naiiskandalo ang mga bata nating kakweba...
Jzhun, wala na akong alam ng ganoon. Kung tama ang gunita ko, ang field trip ng "Laro sa Baga" puwedeng sa isang bayan sa Bulacan (dito ang bahay ni Nanang Carmen) o sa Baguio (pumunta roon ang lovers at doon nag-do) o sa Tutuban (tama ba, dito ang tindahan ni Ninang Carmen). Puwede rin kung saan lumaki si Edgardo Reyes.

Di ba taga-Cavite si Ding? O baka mali ang pagkakaala-ala ko? *kamot ulo*
Pwede ring isa sa mga activity natin ang pagtawid sa nagbabagang uling. Hahaha! :D
Pero parang mas trip ko 'yung sa Baguio! Tas doon gagawa ng milagro sa gitna ng strawberry fields. Haha! :D Joke lang po!
Masarap nga sa Baguio kaya lang di talagang malaki ang papel ng lugar sa nobela di kagaya ng Rosales saga na parang karakter na rin yong bayan partikular na ang Balete tree. Doon, parang naga-aral lang si Dee sa SLU (alma mater ko) tapos may dorm sa tapat (meron nga roon) at doon sila unang naglampungan ni Ding hahaha. Ding-Dee!

Kung ako ang tatanungin, gusto ko nga uling basahin ang Laro Sa Baga. High school pa ang una't huling basa ko n'yan. Pinagtyagaan ko kahit na photocopy lang dahil idol ko na nga sa pagsulat si Edgardo M. Reyes. Ta's tawa ako nang tawa, di kasi alam ng mga librarian na erotika na pala binabasa ko. Muwahahaha! :D (Kaya siguro nagkaganito na ko).
Aktuwali nyan, kailangan naman sa kuwento ang seksuwal na elemento. Kaya parang di ko talaga matawag na erotika (sa palasak na definition nito). Hindi nga ako na-arouse habang nagbabasa. Pero noong pinanood ko na at nakita si Ara, iba na ang usapan yon hahaha.

Kahit mayroon ako ng screenplay, di ko pa rin napapanood 'yung pelikula n'yan. Kamusta naman kasi't bata pa ko nun, baka kung anong isipin ng magulang ko. Lalo na noon curious-curious ako kung paano ang transisyon sa pinilakang tabing, gusto ko na ngang hiramin sa Video City, e.

The Builder by Edith L. Tiempo - isang detective story. Sa labas ng unibersidad sa Dumaguete, nasaksihan ng isang physics professor ang kanyang isang estudyanteng babae na pinalo ng isang motorista ng isang tubo bakal sa likod ng ulo. patay.
144 pages lang. by page 90, alam na ang identity ng killer. sa una ay tila hindi na importanteng malaman ang motibo ng pagpatay. maraming insights ang nobela at medyo satisfying pero hindi ganun ka-exciting dahil ... boring. minor novel mula sa nag-iisang female National Artist for Lit.
akala ko ay inconclusive ang istorya, okay na rin pero ipinaliwanag lahat ng loose ends sa epilogue.
Ang pamagat ay tumutukoy sa pagpapatayo ng bahay mula sa sariling pagsisikap: "What's in a name, what's in whatever amazing accomplishment anyone built in a lifetime? – it's the builder, the father of his works, he has the honor."
Rise, mukhang dapat ko nang basahin yan. Salamat sa pagpaala-ala. Wala pa ngang ibang National Artist for Literature na babae ano? Tsk. Sana si Gilda Fernando na.
Jho, di pa rin ako nagkapagbasa ng Young Blood eh Book 4 na pala?
Jho, di pa rin ako nagkapagbasa ng Young Blood eh Book 4 na pala?

Matagal na naman pala akong di nakapag-update. Feel ko lang mag-rant today haha:
ANG ROMANSA SA PAGSAGIP SA USONG MARSO
ni Virgilio S. Almario (Pambasang Alagad ng Sining)
Ganda. Sci-fi na poetry collection. First time in the Philipine history of literature. Memorable din kasi naroon kami (Beverly, MJ, Ryan at Biena) sa launching na nataong birthday din ni Rio Alma na isang Pambansang Alagad ng Sining at ang dami-dami naming na-meet na mga manunulat na Pinoy. Tapos yong special number ng group nina Vim Nadera, iniisip ko pa rin anong ibig sabihin hahaha.
TO SHARE WHY I LIKE MY NEIGHBOR SKYPE AND HER TUMLER NAMED TWITTER
by Jayson Benedicto
Pangalawang aklat ni Jayson Benedicto. Kung ang type mo ay light book at nakakatawa, subukan mo ito. Nakaka-amuse din.
KA AMADO
ni Jun Cruz Reyes
Mahusay at kakaibang istilo ng pagsusulat ng biography. Ginawan ng paralelismo ni Jun Cruz Reyes ang buhay niya at ni Ka Amado V. Hernandez. Marami akong napulot na mga facts about AVH. Ganda!
TREE (ROSALES SAGA #2)
ni F. Sionil Jose (Pambansang Alagad ng Sining)
Second installment of the Rosales saga pero parang simula ng hiwalay ng kuwento tungkol kay Espiridion at Don Vincente. Kakaiba ang atake: tagni-tagning mga pangyayari sa buhay ng mga tao sa Cabuwagan, Rosales, Pangasinan. Tapos sa gitna ng mga pangyayaring iyon ay ang puno ng balete sa gitna ng bayan.
MY BROTHER, MY EXECUTIONER (ROSALES SAGA #3)
ni F. Sionil Jose (Pambansang Alagad ng Sining)
Dito ipinakita na si Don Vicente at kung paano ang mayaman ay nagpapahirap sa mga kaawa-awang mga nilalang sa Rosales. Sobrang kapupuotan mo ang taong kagaya ni Don Vicente.

TUGMAANG MATATABIL: MGA AKDANG ISINULAT SA LIBINGAN NG MGA BUHAY
ni Alex Pinpin
Mahusay. Naengganyo akong bilhin ito kasi kay Rise na nagtranslate ng ilang poems ni Alex. Tapos na-meet ko pa sa KM. 64 10th year anniversary si Alex so binili ko pa yon 2 libro niya. Mabait at very accommodating ang long hair na si Axel. Political activist at nakulong sa panahon ni Gloria.

THE PRETENDERS (ROSALES SAGA #4)
ni F. Sionil Jose (Pambansang Alagad ng Sining)
Dito ang kuwento ni Tony Samson at ang katrianggulo ng kanyang pagibig. Mahusay ang pagkakasulat. Shocking ang ending. Grabe.

SIMPLY JESSE: THE STORY OF JESSE ROBREDO
by Yvette Fernandez
Librong pambata tungkol sa buhay at kamatayan ni Sekretaryo Robredo sa mata ng kanyang bunsong anak na si Jillian. Ganda!

PASYONG MAHAL
ni Padre Amador W. Cruz
Ang thematic read ko noong Semana Santo. Di ko lang kinanta. Pero masaya kasi naala-ala ko pa noong kabataan ko sa probinsya at nagpapa-basa ang nanay ko sa loob ng bahay namin.

MGA KUWENTO NI LOLA BASYANG (VOLUME 1)
ni Severino Reyes
Nakakatuwa. Brings back memories of childhood days.

MASS (ROSALES SAGA #5)
ni F. Sionil Jose (Pambansang Alagad ng Sining)
Huling aklat ng Rosales saga. Naiintindihan ko kung bakit may nagsasabing pinakamagandang aklat ito ng series. Punung-puno kasi ng mga pangyayari. Sarap basahin, di ba Ben?

MGA PILAT SA PILAK: MGA PERSONAL NA SANAYSAY
ni Eugene Y. Evasco
Mga mga sanaysay dito na sobrang ganda! Si Evasco pala ay manunulat ng mga aklat na pambata.

BEHIND BARS AND BEYOND
ni Jose Maria Sison
Mga tulang sinulat ni Ka Joma sa loob ng bilangguan. Nanalo sa Southeast Asian WRITE award sa Thailand. Nakatuwaan ko lang basahin kasi influential na tao si Ka Joma sa ating bansa.

WALANG HAGDAN PATUNGONG LANGIT /
SIMULA NG WAKAS
ni Rey Atalia
Dalawang nobela sa isang librong parehong sinulat ng tatay ni Eros Atalia. Nakakagulat ang istilo ng tatay kumpara sa istilo ng mas sikat na anak.

HIMNO NG APOY SA GUBAT NG DILIM
ni MJ Rafal, Pia Montalban at Arlan Camba
Mga tulang sinulat ng tatlong magagaling na mga batang manunulat at isa sa kanila ay ang "ating" si MJ. Basahin ninyo ito at para makilala mong lubusan si MJ. Mahuhusay silang tatlo!
Katatapos lang kahapon:
BULAKLAK SA TUBIG: MGA TULA NG PAG-IBIG AT HIMAGSIK
ni Joi Barrios
Pinaghalong tigas (feminista) at lambot (pagibig) na parang dalawang hiwalay ng katangian ni Joi Barrios. 5 STARS ITO SA AKIN. At Ella, mai-inlove ka sa mga tugmaan ni Joi Barrios. Kahanga-hanga!

Tungkol sya sa filipino super heroes. kung pano maging superhero sa isang third world country. sabi daw nila sobrang american style ang komiks nto pero sakin astig nga e. pinoy na pinoy yung kwento.

BULAKLAK SA TUBIG: MGA TULA NG PAG-IBIG AT HIMAGSIK
ni Joi Barrios
Pinaghalong tigas (feminista) a..."
Hardcore. Me kopya ako neto. May translation pa ito ng mga tula facing the original. Nakita ko na itong si Joi Barrios sa isang book launch/parangal kay National Artist N.V.M. Gonzalez nung estudyante pa ko.

Nakita ko na naman ang pangalan ko! <3 Pahiram ako sa susunod na pagkikita? :)
Katatapos ko lang basahin ang buong serye ng Crime Fighting Call Center Agents (Indie-komiks nina Noel Pascual at AJ Bernardo. Ben, gusto ko basahin mo ito at mairita sa kakornihan ng kwento hahaha! Nakakairita siyang basahin sa kainitan ng tanghaling tapat, pero nawiwili ako sa kalokohan ng mga tauhan, ganyan na ganyan kasi ang kultura nila sa call centers. :P
Ella, ikaw kasi ang naala-ala ko kapag nakakabasa ako ng mga akdang sobrang tungkol sa pag-ibig. Marami sa mga tula dito yong parang kakabog ang dibdib mo dahil sa sobrang ganda ng pagkaka-capture ng nararamdaman ng isang babaeng nagmamahal. Salamat at hinihiram mo hahaha. Dahil gusto ko talagang mabasa mo. At alam kong magdadalawang isip ka pag nakita mo ang librong ito dahil P450!!! Mahal yata talaga ang mga aklat ng tula gaya ng sabi ni Jim Pascual Agustin. Dahil mahirap isulat at dahil kakaunti lang talaga ang bumibili (kumpara sa nobela't antolohiya ng maiikling kuwento). Sige, dadalhin ko itong kopya ko sa susunod nating pagkikita.
Clare, nabasa ko na rin yan. Ang tanging nakakatawa ay yong naka-tricycle ang superheroes hahaha. Tama ka, pinoy na pinoy!!!
Clare, nabasa ko na rin yan. Ang tanging nakakatawa ay yong naka-tricycle ang superheroes hahaha. Tama ka, pinoy na pinoy!!!

Nairita ako sa unang aklat! NAKAKALOKA. Ganun rin kasi ang pakiramdam ko kapag umaga na. LIGTAS NA ANG LAHAT! ahahahah
jzhunagev wrote: "Malay natin, isang Crime-Fighting Call Center Agent nga si Ben a.k.a Ben Tumbling. :D"
Ay oo, malay natin biglang magtambling si Ben sa kakornihan ng aklat na ito! ahahahahah
Katatapos ko lang basahin ang aklat na ito

Edit: Ngayong madaling araw katatapos ko lang basahin ang Wasted by Gerry Alanguilan. Kabog ang kwento. Panglalaki ang aklat. Tapos yung drawing ng main charater na si Eric kamukha ni Gerry, at yung best friend nya (view spoiler) ["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>

Heehee... :D

MGA KUWENTO NI LOLA BASYANG (VOLUME 2)
ni Severino Reyes
May tanong ako: si Severino Reyes ang original na sumulat ng Lola Basyang dahil isinerye ito sa Liwayway. Tapos si Christine S. Belen ay nag-masters at naging thesis niya ang serye. Inilabas ang dalawang volumes (12 stories each) ng Tahanan at nire-write niya ang ilang kuwento at ginawang illustrated (may mga drowing) ng Anvil. Inilabas as individual books. Sino na ngayong ang author 'pag pinasok ko dito sa GR bilang librarian? Kung pareho sila, sino ang dapat mauna?

Si Christine S. Belen naman ay ang annotator nito.
Ayan ang sa tingin ko ang mas magandang setup para sa cataloging ng libro. :)
Sa kabilang dako ng mga balita... wala pa rin akong sipi ng mga nasabing libro. Mukhang maganda siyang katuwang habang binabasa ang Ermita: A Filipino Novel. Reality and Fantasy. ^_^
Jzhun, yong mga ina-add kong individual illustrated books ng Anvil, ganoon ang ginagawa ko. Pero yong mga nadatnan ko na Christine S. Belen ang author tapos inilagay ng kung sino mang unang nagpasok ang pangalan ni Severino Reyes sa titulo. Halimbawa: "Ang Mahiwagang Kuba / The Mysterious Giant (Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ni Severino Reyes)."
Pero salamat. Yan din ang paniwala ko habang binabago ko ang ginawa noong unang librarian hahaha.
Pero salamat. Yan din ang paniwala ko habang binabago ko ang ginawa noong unang librarian hahaha.

May Mga Lihim Kami ni Ingkong ni Luis Gatmaitan.
Ito ang pinakaunang kwentong pambata na binigyan ko ng limang puntos.
Books mentioned in this topic
Strange Intimacy: Essays on Dressing Up and Consumption (other topics)Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing (other topics)
Para Kay B (other topics)
Lahat ng B (other topics)
After Lambana (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Christine Temblique (other topics)Alexander L. Lacson (other topics)
Edgardo M. Reyes (other topics)
Manix Abrera (other topics)
Bebang Siy (other topics)
More...
From Darna to Zsazsa Zaturnnah: Desire and Fantasy: Essays on Literature and Popular Cuture ni Soledad S. Reyes
May 5 sanaysay tungkol sa popular culture (komiks, pelikula, FPJ, Pacman, telebisyon, atbp.) at 2 sanaysay tungkol sa panitikan (nobelang Ingles at Tagalog). Isa na akong "fan" ni Soledad S. Reyes. Magaling syang magpaliwanag kahit akademiko. Maraming bagay ang matututunan. Halimbawa ay kung bakit hindi kailangang basta na lang isantabi ang mga produkto ng popular culture (teleserye, mga formulaic na pelikulang aksyon at pantasya, pelikulang slapstick, Precious Hearts Romances pocketbooks). Kailangan ay tingnan sila sa konteksto ng kultura at panahong pinanggalingan nila.
Sa panitikan na bahagi naman ng aklat, magaling nyang naipaliwanag ang epekto ng kolonyalismo sa pag-unlad ng nobelang Ingles at Tagalog, ang mga pagbabago ng istratehiya at tema ng mga nobela sa paglipas ng panahon, at ang iba't ibang mode of production nito.