Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Huling Binasa
Mabiro pala sya. Siguradong masaya ang Valentine's Date natin. Ano na bang itatawag natin dyan? Dati "First Date Walking Tour" eh ngayon?

Matagal na pala akong di nagpo-post. Ito yong mga nabasa ko noong mga nakaraang lingo:
SI TATANG AT MGA HIMALA NG ATING PANAHON
ni Ricky Lee
Maganda ang marami sa mga kuwento. Halo ang fiction at non-fiction. Parang ika-10 taon yata ni Ricky Lee sa pagsusulat kaya't tinipon niya ang mga naunang nyang sinulat. May nanalo sa Palanca, mga mga nalathala sa Philippine Colegion, Philippine Free Press at kung saan-saan pang magazine o pahayagan.
Ito ang rebyu ko: (3 stars).
PSEUDO ABSURDO KAPRITSO ULO (PAK U)
Pinili kong basahin upang bigyang puwang ang mga bagong kuwentista. Gustong-gusto ko kahit na parang inipit ka sa umpisa. Para kasing sinasabi sa umpisa na kung di mo magustuhan, eh kasi nakakahon ang isip mo. Pero nagulat din ako dahil may mga magaganda o nakakabiglang kuwento. Marami lang mura ngunit parang expected na kasi titulo pa lang.
Ito ang rebyu ko: (4 stars).
SIGWA: ISANG ANTOLOHIYA NG MAIIKLING KUWENTO
ni Milagros Carreon, Ricardo Lee, atbp.
Binasa ko ito dahil may 2 kuwento rito si Efren R. Abueg eh kasalukuyan o nakatakdang basahin ng pangkat ang Mga Agos sa Disyerto. Parang kini-claim rin nito sa sila ang bagong Agos noong lumabas sila ng 1972.
Ito ang rebyu ko: (3 stars).
SENTIMENTAL: MGA TULA NG PAG-IBIG, LUNGKOT AT PAGLIMOT
ni Rio Alma (Virgilio S. Almario)
Unang kalipunan ng tula ni Rio Alma na binasa ko. Binigyan kasi ako ni Bebang ng papasko na may pirma pa ni Rio Alma. Maganda.
Ito ang rebyu ko: (3 stars).
FRUITCAKE
by Eraserheads
It's a children's book written by the members of Eraserheads and edited by Jessica Zafra. I think you will like this better if you are a fan of E-heads. I think there are songs of them whose lyrics can be found in the story.
This is my review: (2 stars).
PATIKIM
ni Mark Angeles
Unang kalipunan ng tula ni Mark Angeles na kilala rin bilang Macoy Dacuycoy. Maganda. May kurot sa puso. Nagustuhan ko.
Ito ang rebyu ko: (3 stars).
MGA KALULUWA SA KUMUNOY
ni Efren R. Abueg
Maganda ang pagkakasulat. Lutang ang karakter ni Marilou. Backdrop ang Martial Law. Maikli pero punung-puno ng mga twists.
Ito ang rebyu ko: (3 stars).
ANG HAYOP NA ITO!
ni Rio Alma (Virgilio S. Almario)
Mas nagustuhan ko yong "Sentimental" dahil ako ay sentimental. Inuna ko yon dahil pakiramdam ko, mas magugustuhan ko. Ano naman ang mababasa rito? Puro hayop? sabi ko sa sarili ko. Kaso maganda pala. inassociate ang mga hayop sa tao at mga karanasan natin.
Ito ang rebyu ko: (3 stars). May isa pang di namin nasasagot ni Beverly. Tulong naman.

4stars. Buti na lang hindi masyado mahaba. Naihabol pa bago matapos ang taon.
Naku, maganda pala ang nobelang iyan, Mara anak. Salamat.
Jim, mapayapang bagong taon din sa iyo dyan sa South Africa. Mauuna kaming mag-bagong taon hahaha. Sana'y maging masaya ang ating bagong taon hehehe.
Jim, mapayapang bagong taon din sa iyo dyan sa South Africa. Mauuna kaming mag-bagong taon hahaha. Sana'y maging masaya ang ating bagong taon hehehe.

A good background to the reading of the Rosales novels. For a copy of this just ask jzhun.

Maano bang sa 'yo ko na lang hiramin 'yang Taguan-Pung, Manong? Ala'y mabungkal mo ga sa tumpok ng ireng mga aklat mo 'yan, pagpapasalamat ko na.
Aba'y oo. Nakita ko ga iyan noong huli akong maglinis. Kaso'y dapat akyatin ulit kung ikaw gay hihiram.

mas wasak ba siya kumpara sa PAKu?

Salamat, Kuya Dee! :)

Sa Peb. 17 na lang.
Salamat! Labyu! :)

Iniisip ko kung mag-cameo kaya si bertong badtrip at boy bastos sa PakU. Hwoooh. Hardcore.

at talagang natuwa ako sa kanya! ^_^ Looking forward to reading more Mina Esguerra books. :)
Maganda nga yan. Unang Mina Esguerra ko rin sya at tuluy-tuloy na. Salamat sa pagse-share, Jho. Mabuhay ka!

Kuya D, binasa ko 'to kagabi, eh one hour lang ang tulog ko noong nakaraang gabi [kakabasa, ugh]. Kahit puyat na puyat na puyat na ako, hindi ako inantok kasi napapatawa ako noong book. ^_^

Nakita ko rin ang mga iyan, Jhive. Mura lang at nagdadalawang isip ako dahil wala pa nga dito sa Goodreads. Walang ISBN whatsover. P120 ang mas makapal. P100 ang mas manipis. Tapos yong manipis kako puwedeng basahin habang nasa bookstore hahaha. Binili mo?

natawa naman ako.. kaya lang yung mga ibang nagtatanong sa formspring ni Ramon Bautista minsan nakakainis.

Malungkot ang mga pangyayari subalit magtuturo ng mga aral tungkol sa relasyon, pag-ibig, pagsasama, at muling pagbangon at harapin ang kinabukasan.
Beatrice, alam mo bang professor pala yan si Ramon Bautista? Sabi ng kaibigan ko na nagaral doon di sya pinapansin sa loob ng UP campus. Para sa akin, iyang karakter nya na pino-project ay paraang tugon sa komersiyalismo. Mas matindi kaysa kay Bob Ong (kung prof nga rin sya) o singpareho ni Eros Atalia. Mga professor na sumusulat ng ayon sa tinggin nila ay tatangkilikin ng mga mambabasa. Kahit na ligwak o sobrang mas mababa sa taas ng alam nila (masteral o doctoral lang naman). Natatawa naman tayo. Pero minsan naiiisip ko, paranoid na kung paranoid, tinatawanan din nila tayo dahil sa babaw natin hahaha.
Nakakalungkot mang isipin, Jzhun. Hindi na rin masisi ang mambabasa. Seryoso na ang buhay, kailangan bang seryoso pa rin ang binabasa? Lalo na sa mga kabataan na sobra ang pressure sa paga-aral. Hirap na hirap araw-araw, tapos pagka-graduate, punung-puno ng pangarap pero either magiging unemployed o underemployed lang.

@Kuya D., honga... lalo naman ang drama ng buhay ko, db? kaya minsan lang ako magbasa ng malulungkot. Naalala ko tuloy ang comment ng friend ko doon sa isang collection namin, sabi nya, maganda raw yung book kaya lang... baka naman daw maglaslas na yung mga mambabasa. Hahaha! Natawa ako, but I kinda got her point when I saw people crying over the book and I figured, baka minsan na lang kami magpa-publish ng books gaya ng Brightest saka Daily Servings, masyadong seryoso. Ah, ewan ko, mahirap magdesisyon.

Nais lang sigurong ipabatid ni Manong Frankie pairalin natin sa tuwina ang sentido komun o common sense. :)
Kung sabagay may punto ka, puwedeng magpatawa pero may lalim. Kagaya ng "Bakit Baligtad" ni Bob Ong o wag na tayong lumayo: ni Bebang Siy sa "It's a Mens World." Kung lalaliman mo (dahil malalim ka), lalalim ang mga librong ito. Pero kung mababaw ka naman, tawa ka lang ng tawa akala mo komedi lang ang libro. Yong kay Ramon Bautista, may kaunting lalim din: tungkol sa mga praktikal na payo ng isang grown up sa mga kabataan na nasasawi sa pagibig o nalulungkot dahil walang love life hahaha.

Katatapos ko lang basahin ang librong ito, at aminado akong hindi ko tinatantanan ang mga kwento ni Bebang Siy . Nagulat na lang ako na nasa huling pahina na pala ako. Kung kaharap ko siya gusto kong sabihin, "Ms Bebang, teka lang magkwento ka pa!" haha galing galing!

Katatapos ko lang basahin ang librong ito, at aminado akong hindi ko tinatantanan ang mga kwento ni Bebang Siy . Nagulat na lang ako na nasa huling pahina na pala ako. Kung kaha..."
Hi! Ara, may rebyu ako niyan, ano masasabi mo? sakto lang ba?..ganyan din iyong naging pakiramdam ko. Bitin noh!? haha! abangan ang "It's Raining Mens".
Books mentioned in this topic
Strange Intimacy: Essays on Dressing Up and Consumption (other topics)Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing (other topics)
Para Kay B (other topics)
Lahat ng B (other topics)
After Lambana (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Christine Temblique (other topics)Alexander L. Lacson (other topics)
Edgardo M. Reyes (other topics)
Manix Abrera (other topics)
Bebang Siy (other topics)
More...
ano ang suot natin sa ating valentines date? excited na ako. kaka-PM ko lang kay sir rogelio ordonez. sabi niya, malamang makakarating siya (kung nakabalik na siya that time from jupiter) HAHAHAHA baliw din, e, no?