Pinoy Reads Pinoy Books discussion

458 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 151-200 of 820 (820 new)    post a comment »

message 151: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Euriz wrote: "alam niyo yung Diary ng Panget?? sa watt pad daw yun.. hehe :)"

Sinong may akda?


message 152: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, dalhin ko sa Dec 1. Pagusapan na lang ninyo ni Ayban kung sinong unang may time manghiram.


message 153: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Sige, dalhin ko sa Dec 1. Pagusapan na lang ninyo ni Ayban kung sinong unang may time manghiram."

Itay, pahiram din ako ng libro! Kayo na po ang bahala kung ano. Yung magandang mairerekomenda ninyo :)


message 154: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, dadalhin ko ang "Mga Kuko ng Liwanag." Mayroon sana akong erotika pero parang di magandang ako bilang ama mo ay magpapahiram sa iyo ng ganoon.


message 155: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Sige, dadalhin ko ang "Mga Kuko ng Liwanag." Mayroon sana akong erotika pero parang di magandang ako bilang ama mo ay magpapahiram sa iyo ng ganoon."

Sige po, Itay! Salamat ng madami :)


message 156: by Euriz (new)

Euriz | 2 comments Paolo wrote: "Euriz wrote: "alam niyo yung Diary ng Panget?? sa watt pad daw yun.. hehe :)"

May libro ba yon? Wala naman yata. Wattpad lang yon."


yes. wattpad lang un.. pero sabi nila mganda daw yun.. :)


message 157: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Presbitero D. Modesto de Castro

Katatapos ko lang basahin. Napapangiti ako habang nagbabasa. Maganda. Marapat lang din gawan ng magandang review.


message 158: by Rise (new)

Rise Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez.
Malakas ang talab ng librong ito. Maaksyon at hitik sa eksenang kapanapanabik.


message 159: by K.D., Founder (last edited Nov 09, 2012 10:42AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara anak, iba ang hagod ng librong ito, di ba? Simple pero may kuwento at punung-puno ng paglalarawan noong mga panahong iyon. Sinimulan kong basahin ang "Tandang Basyong Makunat" sa desktop ko sa opisina kahapong tanghali at halos ganoon din. Ang panggo-goyo ng mga prayle na magdasal at mangumpisal at sumunod sa kagandahang asal ang mga Pilipino. Yon lang ang itinuturo nila sa paaralan at isinusulong sa libro. Naala-ala ko lang si Rizal sa Fili. Walang itinuturo sa klase nina Placido Penitente ang prayle kundi ang walang katuturang diskusyon tungkol sa salamin.

Ryan, salamat sa teaser. Maisunod nga yan.


message 160: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Mara anak, iba ang hagod ng librong ito, di ba? Simple pero may kuwento at punung-puno ng paglalarawan noong mga panahong iyon. Sinimulan kong basahin ang "Tandang Basyong Makunat" sa desktop ko sa..."

Opo, Itay! Iba talaga. Simple pero kapupulutan ng aral. Sinimulan ko na din po basahin ang Tandang Basyong Makunat kagabi.


message 161: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hala, ba't may karakter na ang pangalan ay Dislawin? Parang fantasy ba itong "Luha ng Buwaya?"


message 162: by K.D., Founder (last edited Nov 11, 2012 04:08AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
A, yon naman pala. Maisunod nga yan pagkatapos ng "Dugo sa Bukang-Liwayway" natin. Salamat, Paolo.


message 163: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Hahaha! Ang alagad ng mga buwaya, si Dislawin, nakikita ko sya bilang kommon na kontra bida, alepores ng ng buwaya na laging naka auto, o yung owner type jeep, tapos nakamaong at leather jacket, hahaha. Ganun ko na napipikture. Haha


message 164: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hala, stereotyping.


message 165: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Haha. Naalala ko yung "Lumayo ka sa akin" ni Bob Ong. Hehe. Bwahaha


message 166: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayan na naman ang "Lumayo." Sana'y wag makasira sa pagkakaibigan ang aklat na yan.


message 167: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayan na naman ang "Lumayo." Sana'y wag makasira sa pagkakaibigan ang aklat na yan.


message 168: by Rise (new)

Rise Mukha kasing lawin. hehe. Grabe nga ang pagkakalarawan ng eksena na yun, Paolo. Pinutol pa talaga sa gitna bago binalikan!

Ayban, ang sumagi sa isip ko ay para syang batang Paquito Diaz.


message 169: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Hahaha, hindi yan. Pero ayoko pa rin sa "Lumayo" Haha.
Pero fan pa rin ako ni Bob Ong, LOL


message 170: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayban, parang pilit na pilit yong huling pangungusap.


message 171: by K.D., Founder (last edited Nov 13, 2012 01:24PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
I just finished reading this wonderful collection of well-written essays:

The True and the Plain A Collection of Personal Essays by Kerima Polotan
THE TRUE AND THE PLAIN: A COLLECTION OF PERSONAL ESSAYS
by Kerima Polotan

She's good and I wonder why is it only now that I bumped into this book? Baka kayo rin, di pa ninyo na-sample-lan ang prose ni Polotan.

Associated lang sya sa mga Marcoses during her time. But it does not matter now.

Here is my review: (4 stars).


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @Kuya Doni pde ba mahiram? para ba siyang si Truman Capote or Harper Lee?


message 173: by K.D., Founder (last edited Nov 13, 2012 01:25PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, dalhin ko bukas. Oo, parang Capote na memoirs (in the form of essays). Parang It's a Mens World din pero ingles at mahusay rin syang magsulat. Salamat.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments wow! cge dadalhin ko iyong Esquirre magazine, magaganda rin iyogn sinulat nila ng mga Filipino writers


message 175: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Po.


message 176: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Sa wakas narito na ang aking suring aklat ng It's A Mens World!

Rebyu mula sa aking blog.

Rebyu mula sa Goodreads.

Dinugo ako habang sinusulat 'yan. Haha! :D


message 177: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Sa wakas narito na ang aking suring aklat ng It's A Mens World!

Rebyu mula sa aking blog.

Rebyu mula sa Goodreads.

Dinugo ako habang sinusulat 'yan. Haha! :D"


ang ganda naman ng rebyu ni jzhun!


message 178: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments natapos co ding basahin ang "tandang basiong macunat" na binigyan co ng 3 stars.

palibhasa,i kinaiinisan co ang karakter ni Proper,kung kaya minsan,i di co binabasa. inabot tuloy ng 4 na araw ang aquing pagbabasa


message 179: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "Sa wakas narito na ang aking suring aklat ng It's A Mens World!"

*thumbed*


message 180: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jzhun, wala kang kupas.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Jzhun, Wagas ang rebyu mo!...Galing!...sa sobrang ganda nagka-mens tuloy ako haha! joke!...Ikaw na!...


message 182: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dinugo?


message 183: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Po wrote: "Jzhun, Wagas ang rebyu mo!...Galing!...sa sobrang ganda nagka-mens tuloy ako haha! joke!...Ikaw na!..."

haha. nagka-mens talaga? hindi kaba tinagusan, Po? :p


message 184: by Rise (new)

Rise Tumagas, tapos tumagos?


message 185: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Nov 14, 2012 07:59AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments https://www.summitmedia.com.ph/images...

Short Stories:
1.Down Santolan Road by Jose Dalisay Jr.
2.Death Star by Charlson Ong
3.Aurora by Dean Francis Alfar
4.Dialektika: Mga Dyurnal ni H by Lav Diaz
5.Moroy by Angelo Lacuesta

Other Short Stories
1.There are other things besides brightness and light
2.The Pilgrimage
3.Dimsum night out
4.Jesse, departing
5.What Boy Salazar did not know
6.Summertime
7.Strange gift
8.persona non grata
9.Ferris wheel
10.Mother we have guests
11.Ronnie Joins the band
12.Shelf Life
13.Relentless

Grabe! ang ganda sulit ang 195pesos ko!.Mas naka-relate ako sa Moroy at Dialektika. Tapos napagkamalan pa ako Bading sabi ng pinsan kong babae dapat ay FHM ang binili ko daw sabi ko habol ko lang iyong Filipino Writers hehe! Isa lang kc un pics ni Andi huhuh! lahat puro lalaki na haha!...May interview din sa isang writer pangalan niya ay Martin Amis.


message 186: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Eksayted na akong magbasa nyan, Po.


message 187: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Natapos ko late this week ang mga sumusunod:

Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante
SI TANDANG BASIO MACUNAT
by Fray Miguel Lucio y Bustamante

Ito yong rebyu ko: (3 stars).

at

Dugo sa Bukang-Liwayway by Rogelio R. Sikat
DUGO SA BUKANG-LIWAYWAY
ni Rogelio R. Sicat

Ito yong rebyu ko: (3 stars).

Nagustuhan ko pareho kahit luma na.


message 188: by Ella (new)

Ella (bellasearcher) | 11 comments Huling nabasa ko ay kakatapos ko lang na "Bakit di ka Crush ng Crush Mo?" ni Ramon Bautista. Sana magkaron ng book discussion kahit online lang kasi magaganda ung topics na napag usapan dito. Yun lang po. Salamat :)


message 189: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ella wrote: "Sana magkaron ng book discussion kahit online lang kasi magaganda ung topics na napag usapan dito. Yun lang po. Salamat :)"

Bukas naman ang grupo upang magsimula ka ng isang open forum para sa aklat at sa iba ring nais magbasa, kahit pa roon sa mga trip lang mag-troll. Haha! :D


message 190: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Go, Ella!


message 191: by Mara (last edited Nov 20, 2012 02:01AM) (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Maikli lamang ang kwento pero kapupulutan ng aral.

Sa Ano Nabubuhay Ang Tao

Sa Ano Nabubuhay Ang Tao by Sofronio G. Calderon


message 192: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Katatapos ko lang basahin ang

Ang mga Anak Dalita by Mariano, Patricio

nabitin ako sa pagbabasa, pero maganda naman
po ang kaniyang istorya :)


message 193: by K.D., Founder (last edited Nov 20, 2012 01:02PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paolo, salamat sa pagpapaalala kay Christine. Noong mag-open ako at nakita ko ang tokayo mong si Paolo Coelho. Ay, sabi ko, nasa TFG ba ako? Tapos noong makita ko ang post mo, ay, nasa Pinoy Books pala. Wala lang inaantok pa yata ako.

Wag ka, tokayo mo si Paolo Coelho. Baka nga dapat try mong magsulat kasi. Paolo ka rin. Magala-Bob Ong ka. Patawa. Paolo Kuhelyo.

Mara anak, dami mong nabasa ah. Yan una ay original na kuwento ni Leo Tolstoy. Nagulat nga ako't naroon sa Gutenberg project. May translation pala at lumang translation pa sa lumang Tagalog. Wala talagang kupas si Count Leo Tolstoy.

Ang binabasa ko sa mga ibinigay mong pdf sa akin ay iyong "Ang Mananayaw" kaso lagi akong lumalabas sa lunch time so di na ako nakakausad mula sa pahina 15. Kaya di ko pa nilalagay dito.


message 194: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Nov 20, 2012 01:52PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments The True and the Plain A Collection of Personal Essays by Kerima Polotan
The True and the Plain by Kerima Polotan
5 stars

It's A Mens World by Bebang Siy
It's A Mens World by Bebang Siy
5 stars


message 195: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Itay, maiikli lang po sila. kaya ng isang upuan lang. Saka pag nasa mood po ako, mabilis ako magbasa talaga. hehe.. Maganda po yung "Sa Ano Nabubuhay ang Tao" Isusunod ko po yung "Mananayaw"


message 196: by Rise (new)

Rise Leo Tolstoy sa Tagalog? Nasa public domain ba yan?


message 197: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Opo kuya Ryan. May translation sa Tagalog :) Gusto nio po ba ng kopya? May nagbahagi lang po sakin eh.


message 198: by Rise (new)

Rise Sige, Mara. Paki-send ng kopya. Pm ko sa yo email ko.


message 199: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Ryan wrote: "Sige, Mara. Paki-send ng kopya. Pm ko sa yo email ko."

Kuya, naipadala ko na po. Sana po ay magustuhan nio :)


message 200: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nagsisimula ang lahat sa pangarap, Paolo. Ang guhit ng iyong palad ay nasasa iyong mga kamay.


back to top