Pinoy Reads Pinoy Books discussion

458 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 201-250 of 820 (820 new)    post a comment »

message 201: by Rise (new)

Rise Mara wrote: "Kuya, naipadala ko na po. Sana po ay magustuhan nio :)"

Thanks, Mara!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Mara wrote: "Opo kuya Ryan. May translation sa Tagalog :) Gusto nio po ba ng kopya? May nagbahagi lang po sakin eh."

Doc Mara, pa-send din po ako ng tagalog ni Mang leo Tolstoy...tnx!


message 203: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Po wrote: "Mara wrote: "Opo kuya Ryan. May translation sa Tagalog :) Gusto nio po ba ng kopya? May nagbahagi lang po sakin eh."

Doc Mara, pa-send din po ako ng tagalog ni Mang leo Tolstoy...tnx!"


Po, mali ka! Hindi "Doc", Chef po! Haha..


message 204: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Dati nang nabasa ngunit ngayon ko pa lang nagawan ng rebyu...


Afraid The Best Philippine Ghost Stories by Danton Remoto

Goodreads review

Book review posted on the blog

Trick or treat! >:[


message 205: by Christine (new)

Christine | 1 comments sorry ;D


message 206: by K.D., Founder (last edited Nov 22, 2012 03:03AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Christine, no need to say sorry. Wala namang problema yan.

Noong isang araw, natapos kong basahin ang aklat na ito tungkol sa mga homosekwal na sinulat ng mga bagong sibol na kwentista:

Michael's Shade of Blue Anthology 13 Stories of Love, Hunger and Paranoia by Michael Juha
MICHAEL'S SHADE OF BLUE ANTHOLOGY: 13 STORIES OF LOVE, HUNGER AND PARANOIA

Tagalog o medyo Taglish (yong iba). Bookpaper. Malinis. Konti ang typo errors. Maganda ang pagkakasulat. Kung hindi ka nandidiri sa relasyong lalaki sa lalaki, try mo. Buksan mo lang ng malawak ang isipan mo. Ang ganitong relasyon ay nangyayari sa totoong buhay, kung kaya't bakit hindi puwedeng sulatin? Basta ba maayos at hindi baboy, di ba?

Ito ang rebyu ko: (3 stars).

Yong si Patrice Marco ay ang matagal na ring kasapi natin dito sa PRPB, si Karl Marx S.T. Tapos yong iba sa kanila, unti-unti nang umaanib sa ting pangkat. Pansinin sa ibaba ng homepage ang mga bagong sumaping sina Rovi at Michaeljuha. Sila ay 2 sa mga sumulat ng mga kuwentong napapaloob sa aklat na ito. Sana'y tangkilikin natin ang akda ng mga bagong manunulat lalo na kung maganda naman kagaya nito.


Ngayong araw na ito'y natapos ko rin ang maikling lumang nobela ni Rosauro Almario. Unang nalimbag noong 1910.

Ang Mananayaw by Rosauro Almario
ANG MANANAYAW
ni Rosauro Almario

Nakakatuwa dahil lumang tagalog pero di sing-luma ng pagkakasulat ng "Si Tandang Baciong Makunat." Salamat sa anak kong si Mara sa pagbibigay sa kanyang amba ng pdf copy mula sa Project Guttenberg.

Ito ang rebyu ko: (3 stars).


message 207: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sinimula't tinapos ko ngayong araw ring ito:

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? At Iba Pang Technique Kung Paano Makaka-Move On sa Wasak na Puso by Ramon Bautista
BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO?
ni Ramon Bautista

Okay lang sya. Ito yong rebyu ko: (2 stars).


message 208: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments grabe ang bilis mo magbasa KD! may quota ka yata every week!


message 209: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Wala naman, Beverly. Mabilis lang talaga akong magbasa. Opps, meron dito sa GR na 2012 Reading Challenge at behind ako ng 9 books.

Katatapos ko lang nga pala ng isang libro na sinulat ng isang Filipino-American author na si HAN ONG.

Ayan, kung may BOB ONG na nakatira dito sa Pilipinas, may HAN ONG na nag-migrante sa America noong siya ay 16 anyos pa lamang. Siya ay isang Chinese-Filipino bago naging Filipino-American.

Fixer Chao by Han Ong
FIXER CHAO
by Han Ong

Ito ang rebyu ko: (3 stars).


message 210: by Rise (last edited Dec 02, 2012 09:21AM) (new)

Rise Huling binasa ko ay ang Fiction Issue ng Esquire Philippines (November 2012), inedit ni Luis Katigbak. Nung isang buwan ko pa nabili ang magasin (matapos ibandera ni jzhun krus) pero nitong Sabado ko lang nabasa. Isang upuan lang ito sapagkat 18 istorya lang ang laman, tapos lima lang dito ang talagang maikling kwento, ang naiwan ay flash fiction na. Nag-iisa lang ang kwentong Tagalog: "Dialektika: Mga Diyurnal ni H" ng batikang direktor ng pelikulang indie na si Lav Diaz. Nakakasorpresa ang kwentong ito tungkol sa bagong kasal na mag-asawa sa kanilang honeymoon. Hindi boto ang ina ng lalaki sa babae at maaaring gagawin ang lahat basta masira ang relasyon ng dalawa. May halong takot ang katapusan ng istorya. Ang apat na maikling kwento sa English ay pawang sinulat ng mga batikang kontemporaryong Pilipinong manunulat: sina Jose Y. Dalisay Jr., Charlson Ong, Angelo R. Lacuesta, at Dean Francis Alfar. Pinakamagaling para sa akin yung "Aurora" (kay Alfar), sumunod yung "Moroy" (kay Lacuesta). Kakaiba ang estilo ni Alfar. Noirish. Hango ang piyesa nya sa isang nobelang sinusulat pa lamang--ang A Field Guide to the Streets of Manila. Nagsasalita ang mga kalye ng Maynila dito! Sila ay buhay! At magaling ang pagkaprosa ng mga salita.

Hindi ko nagustuhan ang kay Dalisay at Ong. Parehong pangkaraniwan lang ang pagkakalahad ng kwento at bagamat pwedeng ituring na "standalone", ang kwento nila ay nagbuhat sa mga nobelang sinusulat pa rin. At pwedeng hindi nga ganun ka-stand alone dahil mahina ang pagkasulat. Hindi ako ganun kasabik na abangan ang mga nobelang pinagmulan nito. Ito pala ang pangunahing problema ko sa kauna-unahang Fiction Issue na ito ng Esquire Phils.. Sa 5 maikling kwento dito, walang talagang dalisay na "maikling kwento". Lahat ay pawang hinango sa mga "novel-in-progress" ng mga manunulat. Bakit hindi nabigyan ng puwang ang mga katutubong kwentong talagang inisip na ilimbag bilang isang kwento at hindi kinahoy lang na parte ng nobela? Sa kaso ni Alfar at Lacuesta, hindi naman problema ito dahil maganda ang excerpt na nandito.


message 211: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Meron ako ng magazine na yan, Ryan. Pinahiram sa akin ni Po. Mabasa nga. (Salamat, Po).


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Sana nagustuhan mo kuya Doni...Magaganda naman ang mga kwento pero sang-ayon din ako kay Ryan..Go! Ryan nryan musikahan hehe joke


message 213: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ilalagay ko nga yan dito bilang libro para ma-count sa 2012 Reading Challenge ko.


message 214: by Rise (new)

Rise Ayun, salamat K.D. Maidadagdag ko rin yan.

Po, magandang simulain ito ng Esquire Phil. na hindi lang nagbibigay ng panahon sa fashion kundi may espasyo para sa fiction. Fashion, fiction. Winning combination.


message 215: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Basta laging litaw ang makinis na pisngi ng langit, bebenta yan! hahaha


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ryan wrote: "Ayun, salamat K.D. Maidadagdag ko rin yan.

Po, magandang simulain ito ng Esquire Phil. na hindi lang nagbibigay ng panahon sa fashion kundi may espasyo para sa fiction. Fashion, fiction. Winning c..."


Tama! ka Ryan..pero kaya ko rin binili iyon ay dahil kay Andy haha!


message 217: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Po wrote: "Tama! ka Ryan..pero kaya ko rin binili iyon ay dahil kay Andy haha!"

Dahil kay Andy Batangantang! :D


message 218: by Rise (new)

Rise LOL. *Dinamay pa si Andy B.*

Magandang marketing strategy yan. Bakit di naiisip ng mga publisher na lagyan ng maririkit na bituin sa kober ng Noli, Fili, Mga Ibong Mandaragit, at iba pang klasiks.


message 219: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ryan wrote: "Magandang marketing strategy yan. Bakit di naiisip ng mga publisher na lagyan ng maririkit na bituin sa kober ng Noli, Fili, Mga Ibong Mandaragit, at iba pang klasiks."


Oo nga. Panghalina sa mga kalalakihan. Di ba nga ang PHR para mahikayat ang mga kababaihang mambabasa may matitipuno, makikisig na kalalakihan na nasa pabalat. Yiihiieee! :D


message 220: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments K.D. wrote: "Basta laging litaw ang makinis na pisngi ng langit, bebenta yan! hahaha"

Naku 'tay, ikaw ha! Kaya ang dami mong anak eh. :P


message 221: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Dinamay nio pa sa usapan ang pinsan ko! Lagot kayo kay kuya Andy! Haha..

Katatapos ko lang basahin ang Luha ng Buwaya na binigyan ko ng 5stars :)


message 222: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara anak, sino si Kuya Andy? Diyata't transvestite sya? Eh di ba may anak na yon?


message 223: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Mara anak, sino si Kuya Andy? Diyata't transvestite sya? Eh di ba may anak na yon?"

Itay, diba po ang cover ay si Andi Eigenman, eh si Jzhun kasi biglang siningit yung pangalan ni kuya Andy Batangantang ng Book Love Pilipinas. Haha.. Cia po ay online seller ng mga books


message 224: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Parang yan yon nakita ko kanina sa Bookay Ukay.


message 225: by Rise (new)

Rise Mara wrote: "Katatapos ko lang basahin ang Luha ng Buwaya na binigyan ko ng 5stars :)"

5 stars para kay Ka Amado. woo-hoo.


message 226: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Alin bang "Threesome" yan? Yong kay Mark Angeles?


message 227: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Ryan wrote: "Mara wrote: "Katatapos ko lang basahin ang Luha ng Buwaya na binigyan ko ng 5stars :)"

5 stars para kay Ka Amado. woo-hoo."


Tama, Kuya! Mabuhay si Ka Amado!
Mabuhay ang mga magbubukid at taga Bagong Nayon!


message 228: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Meron na akong libro ni Jun Cruz Reyes na "Ka Amado" Mabasa nga. Isusunod ko na agad sa "Luha ng Buwaya."

Isipin mo, Jun Cruz Reyes na hinahangaan ko, sumulat ng talambuhay ni Amado V. Hernandez na hinahangaan ko rin. Double whammy!


message 229: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Meron na akong libro ni Jun Cruz Reyes na "Ka Amado" Mabasa nga. Isusunod ko na agad sa "Luha ng Buwaya."

Isipin mo, Jun Cruz Reyes na hinahangaan ko, sumulat ng talambuhay ni Amado V. Hernandez n..."


Itay, pahiram din ako pagkatapos ninyong basahin


message 230: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, Mara anak. Ang kisig ni Amado sa larawan sa harap ng pabalat.


message 231: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Sige, Mara anak. Ang kisig ni Amado sa larawan sa harap ng pabalat."

Yehey! Salamat, Itay!


message 232: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Walang anuman, Mara anak.

Dami kong nabasang libro. Nagloloko lang na computer sa bahay at dito sa office pag naggi-GR, hindi lahat nagagawa. May mga links na ayaw mag-respond.

Tsaka na lang ako magaayos ng mga shelves. Inuman na lang muna asikasuhin.


message 233: by Rise (new)

Rise Paolo wrote: "Ryan, bibilhin ko iyong threesome, 2 stars? Malalaman natin. hehe"

Balitaan mo kami, Paolo. Favorite ko yung Tagalog na mga tula na parte ng aklat. Hindi masyado sa English at salin na parte.


message 234: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments katatapos ko lang basahin ang that kind of guy ni mina esguerra. napaka cerebral pala ng chic lit ni mina hahaha thank you KD sa gift mo! dahil sayo nakabasa ako ng mina esguerra!


message 235: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments tapos ko na ring basahin ang sagad sa buto, ni romulo p. baquiran, jr. nakakatawa ito. pero tungkol siya sa malungkot na pangyayari, naaksidente ang awtor at sumulat siya tungkol doon at sa process ng healing niya. two thumbs up!


message 236: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Buti naman at nagustuhan mo. Matutuwa si Mina!


message 237: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Katatapos ko lang basahin ang Ben Singkol na binigyan ko ng 4stars.


message 238: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara anak, di ka ba nagre-rebyu? Pinuntahan ko ang profile mo, kasi interesado ako sa pananaw mo sa mga aklat nakatatapos mo pa lang basahin, parang wala akong nakitang mga rebyu mo.


message 239: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mga nabasa ko noong nakaraang linggo:

Distrungka by Teo T. Antonio
DISTRUNGKA
ni Teo T. Antonio

Maganda. May 8 tula na sobra kong nagustuhan. May mga tula rito na tungkol sa mga sikat na mga awtors kagaya ni Nick Joaquin at Dominador Mirasol.

Ito ang rebyu ko: (3 stars).

Mingaw by Frida Mujer
MINGAW
ni Frida Mujer

Sorry naman. Wala akong makitang tamang larawan ng aklat na erotikong ito ni Bebang Siy (alias Frida Mujer). Sa aliyas pa lang, panalo na!

Ito ang rebyu ko: (3 stars).

Luha ng Buwaya by Amado V. Hernandez
LUHA NG BUWAYA
ni Amado V. Hernandez

Gustung-gusto ko pero hindi siya amazing kagaya ng iba sa inyo. Siguro kasi ang pamilya ko ay milupa at hindi sakada. Nakulangan lang ako sa paglalarawan na hindi balanse. Parang one-sided. O kuripot lang talaga akong magbigay ng rating?

Ito ang rebyu ko: (4 stars).


message 240: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Mara anak, di ka ba nagre-rebyu? Pinuntahan ko ang profile mo, kasi interesado ako sa pananaw mo sa mga aklat nakatatapos mo pa lang basahin, parang wala akong nakitang mga rebyu mo."

Itay, hindi pa ako nakakagawa ng mga rebyu. Pasensya na po.

Katatapos ko lang basahin ang Looking Back.


message 241: by Amylene (new)

Amylene (yeahimclumsy) | 2 comments A Bend on the Road :)


message 242: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pinoy book ba yon, Amylene?


message 243: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Itay K.D, nakagawa na ko ng aking rebyu para sa Luha ng Buwaya. Gagawan ko din ang Ben Singkol :)


message 244: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Mara anak. Babasahin ko ang mga iyan.


message 245: by Amylene (new)

Amylene (yeahimclumsy) | 2 comments Oops Haha hindi pala...LOL. :D Kung Pinoy Book eh, Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo ni Ramon Bautista :))


message 246: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayan, Pinoy na pinoy yang si Ramon Bautista. Salamat, Amylene!


message 248: by Vheel (new)

Vheel Laborera | 16 comments Kababasa ko lang ang It's A Mens World ni Bebang Siy, grabe sobra akong nagalak at nasiyahan sa kanyang mga anecdotes at mumunting kwento sa mga bagay-bagay. Sayang lang hindi ako nakasama sa katatapos lang na "book adventure" ng samahan at nakisalamuha sana ng personal si Binibining Bebang. :)


message 249: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Vheel, puwede ka namang sumama sa Peb 17 sa diskusyong ng "Agos" tapos magbibigay tayo ng ilang sandali para sa mga gustong magpa-pirma, magpa-picture at magtanong kay Bebang Siy. Regular na parte na yan ng meet up ng grupo. Pribilehiyong ibibigay kay Beverly dahil sya ay isang author at maraming tagahanga tapos siya ay moderator ng pangkat natin.

Tapos, sana magsimula ka nang magbasa ng "Mga Agos sa Disyerto" at nang maging aktibo ka sa diskusyong online man o in person (sa Peb 17). Valentine's date na rin ng pangkat yon.


message 250: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Dating nabasa, ngayon ko lang nagawan ng rebyu:

Utos ng Hari at Iba Pang Kuwento ni Jun Cruz Reyes


back to top