Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Huling Binasa
message 51:
by
Beverly
(new)
Oct 12, 2012 08:51PM

reply
|
flag

Bebang, nabasa mo na! Oo nga. Parang di na applicable ngayon di ba? Tapos yon ding naninilbihan at yong dumadalaw na bagong tao (binata). Huwag daw iiwan na silang dalawa lang. Paano na ang privacy? Tapos ang dalaga raw huwag maghahatid sa lalaki sa paglabas. Alam mo lola ko noon napagalitan ang pinsan kong dalaga kasi hinatid ang boyfriend sa may gate ng bahay. Lola ko pinangananak noong 19th century. So, siguro totoo ito noong time na yon.

Ganda ng rebyu mo, Ryan.
Paolo, kailan kaya isi-sine yan, no? Para sa akin mas maganda yan kaysa "Amapola." Trilogy yata ang balak ni Ricky Lee dyan pero parang di sila magkaka-tugma. Parang walang recurring character.
Paolo, kailan kaya isi-sine yan, no? Para sa akin mas maganda yan kaysa "Amapola." Trilogy yata ang balak ni Ricky Lee dyan pero parang di sila magkaka-tugma. Parang walang recurring character.

Salamat, K.D. Medyo mixed ang review na nabasa ko kay Ricky Lee kaya iniisip ko pa kung ita-try ko sya bilang novelist. As screenwriter hanga ako sa mga naisulat nya pampelikula.
Ryan, ngayong taon lang. Pero may picture ang profile nya dito sa GR. Palagay ko sya pa ang naglagay nyan. Sayang di natin (PRPB-GR) inabot.
Maganda naman ang mga kuwento ni Ricky Lee. Maayos naman. Para ka lang nanonood ng sine. Parang punung-puno ng drama. Alam mo yong every "x" number of pages eh may emotional highlight.
Maganda naman ang mga kuwento ni Ricky Lee. Maayos naman. Para ka lang nanonood ng sine. Parang punung-puno ng drama. Alam mo yong every "x" number of pages eh may emotional highlight.

Paolo, mase-sense mo nga sa mga istorya nya na isa syang mabuting tao at ama.
Paolo, nakabili na ako kanina noong koleksyon ng maiikling kuwento ni Edgardo Reyes. Naroon nga yong tungkol sa 2 bata at pansit.
Title noon dito sa "Sa Aking Panahon" ay "Buhay." Maganda.
Ay, kababasa ko lang pala nito kahapon:
Una, di ko ito agad pinansin. Akala ko, promo ng NBS. Yon pala libro.
Okay naman. Ito ang rebyu ko: (2 stars) - means "It was okay!"

Naku, classic ko na yan. Ricky Lee. Ricky Reyes. Ricardo Lo. Buti di ko na sinasama si Ricky Belmonte at si Ricardo Cepeda.

Nabangit nga yan sa "Sa Aking Panahon." Unang pagkikita ni Ricky Lee at Edgardo M. Reyes, mabait daw si Ricky at si Ricky pa ang pumunta kay Reyes dahil gusto niyang makita ito. Tapos, biglang mga rebyu yata na tinira ang akda niya.
Di ko na matandaan ang intro ng "Kuko" pero walang gatol na 5 stars sa akin ang buong libro. May mga intro naman kasi na maganda at nakakatulong talaga sa pagintindi ng nobela. Kaso, ang "Kuko" puwedeng walang intro. Madali naman siyang intindihin.

Katatapos ko rin ngayon ng una ninyong binasa ni Paolo na akda ni Edgardo M. Reyes.
SA AKING PANAHON
ni Edgardo M. Reyes
14 na Maiikling Kuwento ni Reyes mula 1959-1994.
Ranking ko:
1st: Ang Gilingang Bato (best ever short story in Filipino para sa akin so far at this point)
2nd: Daang-Bakal
3rd: Buhay
4th: Ang Kayamanan ni Ingkong Talyo
(Tabla sana ang "Buhay" at "Ingkong Talyo" kaso di ako masaya sa ending ng "Inkong Talyo.")
Ito ang rebyu ko: (4 stars) "I really liked it!"

Hindi pa ako nakabasa ng Sicat. Para kasing ang lalim ng pamagat: "Dugo sa Bukang Liwayway." Parang matutuyuan ako ng dugo habang nagbabasa. Hindi kagaya ng pamagat ng EMR: "Kuko ng Liwanag" "Laro sa Baga" "Uod at Rosas". Parang magaan lang sa pakiramdam. Ang mabigat-bigat lang ay "Ang Mundong Ito ay Lupa." Alam mo agad na mabigat ang drama. Pero hindi!
Ang nabasa ko ay yong sa asawa niya. Dahil din sa pamagat: "Unang Ulan ng Mayo" Ganda, di ba? Sinasabing ang unang ulan ng buwan na iyan ay mahusay sa mga sakit.
Ang nabasa ko ay yong sa asawa niya. Dahil din sa pamagat: "Unang Ulan ng Mayo" Ganda, di ba? Sinasabing ang unang ulan ng buwan na iyan ay mahusay sa mga sakit.

Jhive, nabasa ko na yan. Sobrang ewan. Ang greatest turn off ay yong mga frames na biglang kakain sila ng "Boy Bawang" o "Lipps" candy. Yong komiks, promotion na ng movie. Pati yong story, hinaluan pa ng komersyalismo. Tapos babayad ka pa ng P125 yata.
Pero, noong mabasa ko na producer bukod pa sa actor dito si Dingdong, parang naawa naman ako na nagbigay ako ng 1 star sa komiks na yan. Kung may mag-Google kasi, malamang review ko (dito sa Goodreads) ang isa sa lalabas.

Katatapos ko lang basahin ang napakagandang antolohiya:
MGA AGOS SA DISYERTO
nina Efren R. Abueg, Dominador B. Mirasol, Rogelio L. Ordonez, Edgardo M. Reyes at Rogelio R. Sikat.
Ito ang rebyu ko: (4 stars)

MGA AGOS SA DISYERTO
nina Efren R. Abueg, Dominador B. Mirasol, Rogelio L. Ordonez, Edgardo M. Reyes at Rogelio R. Sikat.
Ito ang rebyu ko: (4 stars)

panonoorin namin ito para makapanghusga na rin hahahaha
kilala rin si sicat as playwright. pinakasikat niya ang tatalon. monologue ng isang dyipni driver.
yung anak nina roger sicat at ellen sicat na si luna sicat cleto ay napakahusay ding writer. prodigal at makinilyang altar. playwright din siya. isa siya sa mga nagsalin ng vagina monologue nung kasikatan nito a few years ago.
ang galing di ba? sana may gumawa ng aklat tungkol sa ganitong uri ng mga pamilya. kasi marami, sina pete lacaba, marra lanot at ang anak nilang si kris lacaba.
ang mag-asawang tiempo, writer din ang anak nila si rowena (nakalimutan ko ang present surname niya kasi mahaba) torrevillas yata
KD sa agos sa disyerto, pwede mo ba i rank kung sino ang pinakamagaling sa grupo na to? hahahaha pero dito lang sa agos ang batayan ha.
Beverly, salamat sa mga impormasyon. Nasa Apendiks din ng libro yang tungkol sa "Tatalon" ni Rogelio R. Sicat. Tapos doon sa "Agos@45" naroon si Luna Sicat-Cleto. Di ko alam o di ko inisip kung kaano-ano ni Rogelio yon. Basta alam ko, kasi nabasa ko ang "Unang Ulan ng Mayo" eh si Ellen Sicat, na nagsulat noong patay na ang asawa nya at nanalo pa ng Palanca.
Yay sa Pete Lacaba, Marra Lanot at Kris Lacaba. Naririnig ko na ang Kris Lacaba pero Marra Lanot, parang doesn't ring a bell.
Edith Tiempo? Di ko pa rin nabasa yan. Parang ang lungkot noong cover ng "The Builder" eh. Nakita ko siya kahapon sa NBS Harrison.
Sige, ito na, based sa fourth edition ng "Mga Agos sa Disyerto:"
1. Rogelio R. Sicat
2. Edgardo M. Reyes
3. Dominador B. Mirasol
4. Rogelio L. Ordonez
5. Efren R. Abueg
Ranking ng stories:
1. "Tata Selo" ni Sicat
2. "Gilingang-Bato" ni Reyes
3. "Impeng Negro" ni Sicat
4. "Lugmok na ang Nayon" ni Reyes
5. "Si Anto" ni Ordonez

*Binanggit din si Tata Selo sa nobela ni Sicat na "Dugo sa Bukangliwayway.
Kuya Doni, pwede ko bang mahiram yang librong yan :D

For the Nth time, Tata Selo ulit, dito naman sa huli kong binasa Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe. Tila nagiging isang santo na o figura sa pampanitikang Pilipino ang ngalang Tata Selo at tila may isang katangian. O baka ako lang ito, pilit ko lang hinahanap ang Tata Selo sa katangiang gusto kong makita sa kanya. Dahil kung titingnan iba ang Tata Selo ni Reyes at Sikat.Hindi kaya ang Selo ay isang multo na hinugot na sa tauhan ni Rizal sa El Fili, yun nga lang, Tandang Selo ang tawag sa kanya.

Parehong nakakakurot sa puso ang kuwento ng dalawang Tandang Selo na 'yan.
Isa pa sa mga paborito kong maikling-kwento ni Sicat Ang Silindor ni Doy.
Hindi ko alam kong ano ang pangalan ng may-akda ngunit isa sa mga paborito kong maikling-kwento Ang Tampipi. Na-depress talaga ako nang binasa ko yan noong nasa mataas na paaralan pa ako. May timpla siya ng estilo ni Guy de Maupassant at "twisted ending" sa tradisyon ni O. Henry. Ang problema lang di na ko makahanap kung saang koleksyon napapasama sa ngayon ang nabanggit na kuwento.

Baka masama dito ang mga kwentong nabanggit mo, jzhun.
Katatapos ko lang basahin ang Layb Life.
LAYB-LIFE
ni Michael A. Pinto
Sorry. Sayang lang ang pera at panahon. Ito ang rebyu ko: (1 star)

LAYB-LIFE
ni Michael A. Pinto
Sorry. Sayang lang ang pera at panahon. Ito ang rebyu ko: (1 star)

Natapos ko yan, siguro mga three months na ang nakakaraan. Hehe.. Suggestion naman ng iba pang books dyan oh.

Recommendations ... Hmmm, anong paborito mong genre (novels, urban fantasy, mystery, poetry, essays, plays, history)?
Lyra, kabibili ko pa lang ng kopya ko ng aklat na yan kahapon. Gagawing kong Halloween read next week.
Binisita ko ang profile mo, mukhang ang bagay sa iyo ay Speculative Fiction series. Baka magustuhan mo. Try mo rin ang Trese series. Fantasy yon. Sigurado akong magugustuhan mo. Cool din.
Binisita ko ang profile mo, mukhang ang bagay sa iyo ay Speculative Fiction series. Baka magustuhan mo. Try mo rin ang Trese series. Fantasy yon. Sigurado akong magugustuhan mo. Cool din.

Recommendations ... Hmmm, anong paborito mong genre (novels, urban fantasy, mystery, poetry, essays, plays, history)?"
uhm, lahat po ng nabanggit except sa poetry and essay. :)

Binisita ko ang profile mo, mukhang ang bagay sa iyo ay Speculative Fiction series. Baka magu..."
Thanks po sa suggestion! Idadagdag ko na yan sa listahan ng mga bibilin kong books.:)
Lyra, bihira na ang kabataang kagaya mo na lahat ng genre ay paborito hindi lang ang poetry at essays. Di ka mahirap bigyan ng recommendations. Magsimula ka siguro kay Bob Ong at Lualhati Bautista. Sa romance naman, mahusay daw si Martha Cecillia ng Precious Hearts Romance.
Katatapos ko lang basahin ang:
ETSA-PUWERA
ni Jun Cruz Reyes
Ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa kategoryang Nobela sa Filipino noong 1998 during the Philippine Centennial Literary Contest na isinagawa bilang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas. Nagwagi rito ito sa National Book Award (tingnan sa isa sa mga threads).
Narito ang rebyu ko: (4 stars).

Thanks po. Nakabasa na ko ng mga libro ni Bob Ong at talaga pong nag enjoy naman ako. Siguro mga books naman ni Lualhati Bautista ang babasahin ko. Salamat po ulit sa suggestions.
Binili ko sa Komikon 2012 at natapos kong basahin ang:
MIDNIGHT TRIBUNAL (Trese #5)
by Budjette Tan
Nagustuhan ko pa rin. Ito ang rebyu ko: (3 stars).

MIDNIGHT TRIBUNAL (Trese #5)
by Budjette Tan
Nagustuhan ko pa rin. Ito ang rebyu ko: (3 stars).

Pampalipas oras nga lang. Nasira ang résumé ni Budjette Tan dito. Maaaring maganda ang movie (di ko pa napanood) pero masyado na talagang derivative ang istorya ng mga aswang. Siguro kelangan na mag-imbento ng bagong "aswang" kasi mukhang gasgas na.
Books mentioned in this topic
Strange Intimacy: Essays on Dressing Up and Consumption (other topics)Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing (other topics)
Para Kay B (other topics)
Lahat ng B (other topics)
After Lambana (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Christine Temblique (other topics)Alexander L. Lacson (other topics)
Edgardo M. Reyes (other topics)
Manix Abrera (other topics)
Bebang Siy (other topics)
More...