Pinoy Reads Pinoy Books discussion

458 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 751-800 of 820 (820 new)    post a comment »

message 751: by Karlo Mikhail (new)

Karlo Mikhail (karlomongaya) | 21 comments just reread this book Ambil: Mga pagsubok pahiwatig & interbensiyon tungo sa pagbabagong-buhay, perhaps one of the first post-conceptual writings in Pilipino. Sa mga gusto ng bago, pwede niyo ito mabasa dito sa link. :)


message 752: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "K.D. wrote: "Mai-guest nga yang si Tinio! "

Kelangan na natin ng midyum para mai-guest si Tinio. Hahaha.

Dumaan ako sa UP nung Thursday (speaker sa ACLE) at nakita ko na may palabas na Haring Lea..."


Sayang. Dapat siguro updated tayo sa mga news tungkol sa mga play na ganyan. Ako, nagiging aware lang pag naririnig ko sa FM radyo habang nagtratrabaho o kapag nasa sasakyan. Halimbawa, noong manood ako ng "Noli Me Tangere: The Musical" sa radyo ko lang nalaman na may ganoon. Normally sa mga friends ko sa FB walang mahilig sa mga play na ganyan. Hindi siguro yan pang hipster (counter culture) haha.


message 753: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Karlo Mikhail wrote: "just reread this book Ambil: Mga pagsubok pahiwatig & interbensiyon tungo sa pagbabagong-buhay, perhaps one of the first post-conceptual writings in Pilipino. Sa mga gusto ng bago, ..."

Di ko pa nasubukan si San Juan. Mabasa nga yong bagong book nya. Salamat, Karlo.


message 754: by Rise (new)

Rise Karlo Mikhail wrote: "just reread this book Ambil: Mga pagsubok pahiwatig & interbensiyon tungo sa pagbabagong-buhay, perhaps one of the first post-conceptual writings in Pilipino. Sa mga gusto ng bago, ..."

Di ko ma-download. haha. wala akong FB at di naka-register sa Google-Plus


message 755: by Rise (new)

Rise 1. Pitong Kuwento ni Anton Chekhov, salin ni Fidel Rillo

2. Ang Kuwintas at Iba Pang mga Kuwento ni Guy de Maupassant, salin ni Allan N. Derain

3. Niyebe ng Kilimanjaro at Iba Pang Kuwento ni Ernest Hemingway, salin ni Alvin C. Ursua

4. Ang Metamorposis ni Franz Kafka, salin ni Joselito D. Delos Reyes

Pitong Kuwento by Anton Chekhov Ang Metamorposis by Franz Kafka
Niyebe ng Kilimanjaro at Iba Pang Mga Kuwento by Ernest Hemingway Ang Kuwintas at Iba Pang mga Kuwento by Guy de Maupassant

Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagpasinaya ng bagong serye ng publikasyon na tinatawag na "Aklat ng Bayan", isang malaking proyekto na bahagi kumbaga ng "Aklat ng Karunungan" at magtatampok sa likas na galing ng wikang Filipino. Kasama sa proyektong ito ang pagsasalin ng mga obra maestra ng pangdaigdigang panitikan. Kudos sa KWF sa naisip nilang makabuluhang pakulo! Ito ay maaring ihanay sa iba pang pambansang proyekto (Library of America, Library of Korean Literature, Modern Library of Indonesian Literature).

Ang apat na kababasa ko lang ay nakuha sa MIBF. Tunay ngang nagpapakita ng galing ng mga manunulat ng Pilipino na bigyan ng kapantay at kaakibat na salin ang mga klasikong akda nina Kafka, Chekhov, Hemingway, at Maupassant.

Kung tutuusin marami pang dapat ayusin ang serye na ito. Marami pa ring typographical error na tyak na hindi naman makikita sa orihinal na akda. Ang salin ay dapat gawin nang makinis at dapat na masusi ang pag-edit dito. At hindi naman siguro ganun kaliit (maliit nga ba?) ang bayad sa mga tagasalin at mga editor ng KWF para tipirin ang kalidad ng pagpapalimbag? Isa pa, gobyerno ang nagpapatakbo sa KWF at pati na rin sa NCCA na syang nagbibigay ng grant sa pagsasalin, kung kaya pera ng bayan ang ginagamit para dito. Sana lang ay ayusin nila kasi talagang nakakadiskaril ang pagbabasa kung maya't maya ay may maling baybay na mapupuna.

Isa pa, hindi rin malinaw kung ang ilang salin ay talagang nagmula sa orihinal na wika o kaya ay adaptasyon ng salin sa Ingles. Si Fidel Rillo ba ay bihasa sa Ruso? Si Allan Derain ba ay ginamit ang orihinal na Pranses at direktang nagsalin sa Filipino? Si Joselito D. Delos Reyes ba ay nag-aral ng Aleman? Ligtas si Alvin Ursua sa Ingles ni Hemingway. Mas mainam kung sinabi kung anong bersyon ang ginamit sa pagsasalin - sa orihinal ba ng lengguwahe o sa isa sa mga salin sa Ingles? May implikasyon ito sa transparency at intellectual copyright. Maari namang isulat sa copyright page na ang salin ay direktang ginawa mula sa orihinal na wika.

Ang dami kong reklamo. Pero maganda lang kung aayusin ang programang ito dahil totoo namang maganda ang layunin at kapaki-pakinabang sa lahat ng mambabasa.


message 756: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Ryan wrote: "1. Pitong Kuwento ni Anton Chekhov, salin ni Fidel Rillo

2. Ang Kuwintas at Iba Pang mga Kuwento ni Guy de Maupassant, salin ni Allan N. Derain

3. Niyebe ng Kilimanjaro at Iba Pang Kuwento ni Ern..."


May kopya din ako ng Kuwintas at iba pang mga kuwento ni Guy de Maupassant (paborito ko kasi sya nung HS). Uhh sa tingin ko bumatay lang sila sa English translation ng mga libro nito tas saka isinalin sa Filipino. Di ko pa nababasa hehe peor titingnan ko din. Maganda nga sana to.


message 757: by Rise (new)

Rise Clare wrote: "May kopya din ako ng Kuwintas at iba pang mga kuwento ni Guy de Maupassant (paborito ko kasi sya nung HS). Uhh sa tingin ko bumatay lang sila sa English translation ng mga libro nito tas saka isinalin sa Filipino. Di ko pa nababasa hehe peor titingnan ko din. Maganda nga sana to. "

Sana lang ay naging transparent ang publisher at sinabi kung kaninong Ingles ibinatay ang pagkasalin (sakali mang hindi sinalin direkta mula sa orihinal).

Napakaganda nga ng kwentong iyan, hindi kumukupas. Nasa teksbuk din namin sa hayskul. Ang galing ng twist (pasabog) sa dulo. Yung iba pang kwento ni Maupassant sa parehong koleksyon ay magaganda rin.


message 758: by Karlo Mikhail (new)

Karlo Mikhail (karlomongaya) | 21 comments Naku hindi tama yan. Naalala ko lahat ng mga librong nabasa ko na translated from another translation nakaindicate kung kay sinong original translation ang basis ng ikalawang translation.


message 759: by Rise (new)

Rise Karlo Mikhail wrote: "Naku hindi tama yan. Naalala ko lahat ng mga librong nabasa ko na translated from another translation nakaindicate kung kay sinong original translation ang basis ng ikalawang translation."

Ganoon nga dapat. karapatan ng mambabasa malaman kung ano ang pinagbatayan ng aklat.


message 760: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Ryan wrote: "Clare wrote: "May kopya din ako ng Kuwintas at iba pang mga kuwento ni Guy de Maupassant (paborito ko kasi sya nung HS). Uhh sa tingin ko bumatay lang sila sa English translation ng mga libro nito ..."

Yun nga lang. Sana sa susunod maisip nila yan. Sayang din eh. Oo magaganda nga. Iba gumawa ng twists si Maupassant saka palaging may ginagamit syang bagay, as in objects. Galing lang.


message 761: by Rise (new)

Rise Guillermo Tell = Wilhelm Tell by Friedrich Schiller

Guillermo Tell = Wilhelm Tell ni Friedrich Schiller, salin sa Tagalog ni José Rizal

Si Schiller ang nagbigay ng isang saknong ng tula na nasa unahan ng akdang Noli ni Rizal. Mula sa Aleman (German), isinalin ni Rizal sa Tagalog ang huling dula nito na Wilhelm Tell. Pinapakita ang galing ni Rizal na bagamat nakapagsulat ng kanyang magnum opus na mga nobela sa Kastila, ay nakapagsalin mula German papuntang Tagalog. Makikita ang malaking impluwensiya ni Schiller sa Noli at Fili dahil tungkol ito sa pagkagising ng sambayanan sa di makatarungang "pananakop" ng mga maykapangyarihan at pang-aabuso sa mga tao. Ang pinakamadramang eksena dito ay ang pag-uutos ng tauhan ng emperador sa bayaning si Tell na tudlain ng pana ang mansanas na ipinatong sa ulo ng mismo nyang anak!

Natapos ni Rizal ang Guillermo Tell noong 1886, isang taon bago lumabas ang Noli.


message 762: by Rise (new)

Rise Si Janus Sílang at ang Labanáng Manananggal-Mambabarang by Edgar Calabia Samar

Si Janus Sílang at ang Labanáng Manananggal-Mambabarang ni Edgar Calabia Samar

Compulsive reading ang bagong yugto ng pakikipagsapalaran ni Janus. May bagong mundong tinatatag si Sir Edgar gamit ang mga lumang materyales ng kababalaghan at engkanto. Bagamat mahahalintulad ang ilang karakter at eksena sa mga popular na pelikulang banyaga, may sariling pambayang punto de bista ang pagkakalahad ng istorya. Updated na ang mito ng pinagmulan ng mundo. At ang labanán ay nakatuon hindi lang sa tagisan ng lantay na kapangyarihan kundi sa mental na pakikipaglaban ni Janus sa sarili nyang mga agam-agam bilang isang kabataang naharap sa mga matinding pagsubok sa buhay. Isang taon na naman ang gugugulin sa paghihintay ng kasagutan at closure sa cliffhanger sa dulo ng istorya. Sinu-sino ba itong 77 púsong na ito? Ano ang kinalaman nito sa 88 na mabagsik na pamamaraan ng bárang? Next level na ang istorya. Dyusko, sana hindi na umabot sa Level 99 ito.


message 763: by Rise (new)

Rise Gagambeks at mga Kuwentong Waratpad by Mark Angeles

Gagambeks at mga Kuwentong Waratpad ni Mark Angeles

Pang-aliw ang kwento ni Angelo/Gelo aka Gagambeks, isang ulila at mahirap na naghahanap ng 'future boyfriend'. Dahil sa hirap at masamang kapalaran, napilitang magtrabaho sa pabrika ng patahian si Angelo at doon ay na-expose sa mga di-makatarungang patakaran ng pabrika. Nasabak ang byuti ni Gagambeks sa pakikipaglaban ng karapatan ng trabahador ng pabrika. At di nya malaman kung ang hunk na kumidnap sa kanya ay kontrabida ba o nakikisimpatya.

Sa mga kwentong waratpad naman, ang pinakaangat sa akin ang mga titulong Genuine Paltik, Samurai, Casafuego, at Lazarus. Mula sa pagtutula, lumabas na sa closet (kumbaga) si Mark Angeles dahil sa pinakita nyang paraan ng pagkukuwento na napapanahon, kolokyal, at kalog. Katulad ni Lazarus, lumabas na din sa kweba ang matalim nyang panulat.


message 764: by Rise (new)

Rise Alinsunurang Awit by Mesándel Virtusio Arguelles

Alinsunurang Awit ni Mesándel Virtusio Arguelles

Manipis lang ang aklat, 44 pahina. Pero maganda ang pagkasalansalan ng mga awit (tula) alinsunod sa tinakdang haba ng taludtod at linya. May anim na taludtod, bawat isa ay may tatlong linya pero gagap ang makahulugang pakahulugan sa mga matipid na salita. Sunud-snuran sa panulat ng makata ngunit tila may sariling pagpapasya ang mga ideya. Doble bista ang mga imahen at hiwaga ng talinghaga ng tulang pag-ibig at panibugho, pagkagiliw at pagkamuhi. Ito ay koleksyong nakasentro sa puso at damdamin pero tamang restrained lang ang pagbitaw ng mga salita. Hayag pero di cheap ang sentimyento.


message 765: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "Si Janus Sílang at ang Labanáng Manananggal-Mambabarang by Edgar Calabia Samar

Si Janus Sílang at ang Labanáng Manananggal-Mambabarang ni Edgar Calabia Samar

Compulsive reading ang ..."


Haha. Kaya nga nagdadalawang isip pa ako kung babasahin ko na ito. Biro mo, isang taon pa ang hihintayin ko.


message 766: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "Alinsunurang Awit by Mesándel Virtusio Arguelles

Alinsunurang Awit ni Mesándel Virtusio Arguelles

Manipis lang ang aklat, 44 pahina. Pero maganda ang pagkasalansalan ng mga awit (tula) alin..."


Gusto ko ang cheap pero dapat tagos sa puso!


message 767: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Haha. Kaya nga nagdadalawang isip pa ako kung babasahin ko na ito. Biro mo, isang taon pa ang hihintayin ko. "

Ako nagdadalawang-isip kung bibilihin ko pa ang book 3. Baka umabot pa ito ng book 12. Ayoko nabibitin lagi. Haha


message 768: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Gusto ko ang cheap pero dapat tagos sa puso!
"


Marami sa teleserye gabi gabi. Ambigat lagi ng pakiramdam pag nanood.


message 769: by Bananafriz (new)

Bananafriz | 180 comments Huling binasa: Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon Janus Silang ni Egay Samar

Hanggang ngayon iniisip ko padin yung tiyanak. :D


message 770: by Juan (new)


message 771: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments Jayps wrote: "Sa mga Kuko ng Liwanag, ni Edgardo M. Reyes"
Nabasa ko iyan noong 1990s... maganda. May rebyu akong sinulat noon na nalathala sa Midweek yata.


message 772: by Rise (new)

Rise Kung Baga sa Bigas Mga Piling Tula (UP Jubilee Student Edition) by Jose F. Lacaba Light by Rob Cham A Field Guide to the Roads of Manila and Other Stories by Dean Francis Alfar

1. Kung Baga sa Bigas: Mga Piling Tula ni Jose F. Lacaba
- Tunay na haligi ng panulaang Pilipino. Kumbaga sa bigas, piling-pili ang mga tula dito.

2. Light ni Rob Cham
- Encore!

3. A Field Guide to the Roads of Manila and Other Stories ni Dean Francis Alfar
- Ako ay completist ni Dean Francis Alfar!


message 773: by K.D., Founder (last edited Nov 29, 2015 07:11AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
One More Chance by Juan Miguel Sevilla Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga by Jack Alvarez Riverrun by Danton Remoto Sixty in the City by Lualhati Bautista

1. One More Chance by Juan Miguel Sevilla
- hmmm, pwede na lalo na siguro kung fan ka noong movie

2. Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga ni Jack Alvarez
- buhay ng isang bading sa Saudi Arabia

3. Riverrun by Danton Remoto
- buhay ng isang batang bading sa Floridablanca, Pampanga noong 60's at 70's (pwedeng maging tour ito)

4. Sixty in the City ni Lualhati Bautista
- kung meron kang isang slot para sa alin man sa apat na ito, piliin mo na ito!


message 774: by Rise (new)

Rise Memoir ba yang kay Lualhati o fiction?


message 775: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Fiction, Ryan.

Pero parang siya yon. Sangayon si Clare dyan.


message 776: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Fiction, Ryan."

okay. mas gusto ko ang fiction.


message 777: by K.D., Founder (last edited Dec 13, 2015 05:20AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Para sa Hopeless Romantic Extended Edition by Marcelo Santos III Mahal Mo Siya, Mahal Ka Ba? by Marcelo Santos III Louie Jalandoni Revolutionary An Illustrated Biography by Jonal Staal The Arrow with a Heart Pierced Through Him by Antoinette Jadaone

1. Para sa Hopeless Romantic by Marcelo Santos III
- reread para sa panayam kay Marcelo sa Enero 9. Para pati makasama sa online discussion ni Ronie

2. Mahal Mo Sya. Mahal Ka Ba? ni Marcelo Santos III
- mas madaling basahin kaysa sa "Hopeless" at "Broken-Hearted" dalawang mas naunang aklat na sinulat ni Marcelo.

3. Louie Jalandoni: Revolutionary (An Illustrated Biography) by Jonas Staal
- graphic biography of the rebel priest, Fr. Jalandoni. It is interesting probably to people who knew him during the turbulent years of Martial Law (70's and early 80's). Fr. Jalandoni is now 80 years old and still hiding from the authorities

4. The Arrow with a Heart Pierced Through Him by Antoninette Jadaone
- the short story at the beginning sequence of the 2015 blockbuster indie film "The Thing Called Tadhana" starting Angelica Panganiban and J. M. de Guzman

If you only have time for one book, make it #1. Magbasa na at sumali sa panayam sa Enero 9, 2016. Gaganapin sa Summit Media sa opisina ni Ronnie Padao.


message 778: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Huli kong binasa:


Etsa-Puwera by Jun Cruz Reyes

Ang lupit ni Amang Jun sa nobela na 'to. Wala na kong ibang sasabihin, bukod sa maganda. Kung mahilig kayo sa post-modernist, ito siguro ang bagay sa inyo. Pero yung pagiging post-modernist niya hindi naman gaanong halata. Basta, dadlahin ka na lang ng kanyang prosa. Oh, yeah!


message 779: by K.D., Founder (last edited Dec 31, 2015 01:12AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mga huling binasa:

Move On. Walang Forever! by Marcelo Santos III Sa Amin, Sa Dagat-Dagatang Apoy by Mayette M. Bayuga Halina Filipina by Arnold Arre The Solemn Lantern Maker A Novel by Merlinda Bobis

1. Move On. Walang Forever! ni Marcelo Santos

Binasa ko bilang paghahanda sa Enero 9. Yon lang. Mga maiikling kuwento o dagli tungkol sa mga kaibigan nyang sawi sa pag-ibig. Mayroon ding survey sa ilang artista sa ABS-CBN kung naniniwala sila sa Forever.

2. Sa Amin, Sa Dagat-Dagatang Apoy ni Mayette Bayuga

Mas malawak ang sakop ng naratibo kumpara sa Ang Banal na Aklat ng mga Kumag ni Allan Derain. Mas mapaglaro ang prosa. Mas maraming diskusyon at di matatawaran ang matulaing prosa na hindi mo laging mababasa sa isang manunulat na Pinoy. Tama si Poy Verzo, mahusay si Mayette Bayuga!

3. Halina Filipina by Arnold Arre

Maganda. Hindi corny. This is easier to understand compared to his Martial Law Babies at Trip to Tagaytay. Dito pa lang ako sumaludo kay Arre. Gustung-gusto ko yong characterizations ni Cris at Halina. Tsaka yong sobrang contemporary ng setting. Yong hindi laging Maktan o mga estudyante (noong una) ng UP ang mababasa mo.

4. The Solemn Lantern Maker: A Novel ni Melinda Bobis

Better than Banana Heart Summer. Ito kasing banana, wala masyadong social relevance. Pa-sweet memories lang noong nakatira pa sya sa may Ermita. Itong "Solemn", akala mo pa-sweet rin dahil thematic read ko ito para sa Pasko 2015. Yon pala hindi, maraming diskursyo sa napapanahong suliranin ng bansa.

If you only have one slot for these 4 pinoy book, go for the last one by Bobis. But read it next Christmastime (2016) kasi mas masarap basahin pag Pasko.


message 780: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Blast From Two Pasts by Kristel Villar

review to follow


message 781: by Rise (last edited Feb 06, 2016 09:17PM) (new)

Rise Ang Balabal ng Diyos / Ang Silid ng Makasalanan by Rosario de Guzman Lingat Stringing the Past An Archaeological Understanding of Early Southeast Asian Glass Bead Trade by Jun G. Cayron The Alien Corn by Edith L. Tiempo The Birthing of Hannibal Valdez by Alfrredo Navarro Salanga

1. Ang Balabal ng Diyos / Ang Silid ng Makasalanan ni Rosario de Guzman-Lingat
- Dalawang nobela ni Gng Lingat, isang maestro ng panitikang Filipino. Nabasa ko na dati ang The Cloak of God pero binasa ko ulit dito sa orihinal na Tagalog. Mindfuck ang nobelang ito.

2. Stringing the Past: An Archaeological Understanding of Early Southeast Asian Glass Bead Trade ni Jun G. Cayron
- Kasaysayan ng kalakalan sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas base sa mga pag-aaral ng beads na nakuha sa isang shipwreck sa timog Palawan.

3. The Alien Corn ni Edith L. Tiempo
- Ikatlong nobela ni Gng Tiempo na aking nabasa. Ikatlong "murder mystery." Lahat ay nakakainis. Pa-deep at hinahaluan ng mistisismo ang isang madugong krimen. Ngunit sadyang interesante ang kanyang punto de bista (kahit na pangit ang estilo nya ng pagsusulat) at dahil diyan babasahin ko ang natitirang dalawa o tatlo nya pang nobela kahit na ... sobrang naiinis ako sa paraan nya ng pagsusulat.

4. The Birthing of Hannibal Valdez ni Alfrredo Navarro Salanga, may kalakip na salin sa "Pilipino" ni Romulo A. Sandoval
- Machong nobela ito. Nakatuon sa patriyarkal na pinag-ugatan ng kasaysayang digma ng Pilipino laban sa Kastila at Amerikano. Ang istoryang inilalahad ni Leon Valdez, ang pangunahing tauhan, ay batbat ng ngitngit at madugong pagtutunggali. Paghihiganti, amok, misogyny, colonial mentality, pagkaganid, fratricide.


message 782: by Rise (new)

Rise The Pact of Biyak-na-Bato and Ninay by Pedro A. Paterno

The Pact of Biyak-na-Bato and Ninay ni Pedro A. Paterno, salin ng National Historical Institute at ni E. F. du Fresne

Si Pedro A. Paterno ang %#&*@ ungas at balimbing na ilustradong Pilipino na nagkompromiso sa Pilipinas para ipagbili ang sariling pagkakakilanlan sa mga Kastila. Halatang-halata sa bersyon nya ng mga pangyayari kung paano nya buhatin ang sariling bangko at ipagmalaki ang kanyang naging papel para akitin ang duwag at mukhang perang si Aguinaldo at mga rebolusyonaryo (kuno) na patulan ang hinihinging demand ng mga desperadong Kastila. Andaming palabok at mabulaklak na salita ang ginamit ni Paterno para iangat ang sariling imahe. Rekomendadong basahin ang "The Pact of Biyak-na-Bato" para makilala ang pagkatao ng isang sellout na nabulag sa impluwensiya at kapangyarihan ng mga Kastila. Pera-pera lang talaga.

Sabi nga ni Ambeth Ocampo, ang "The Pact of Biyak-na-Bato" at "Ninay" ay parehong gawang "fiction." Ang "Ninay" ang tinuturing na kauna-unahang nobelang Pilipino. Unang nalimbag noong 1885, nauna ito ng dalawang taon sa Noli (1887) ni Rizal. Pumapaksa sa nabigong pag-iibigan nina Antonina Milo y Buisan at Don Carlos Mabagsic. Puno ng dalamhati, makadurog-pusong pagpupuyos ng damdamin, at mga kagilagilalas na pangyayari katulad ng Biyak-na-Bato. Ang "Ninay" ay matulaing nobela at amain ng lahat ng didacticism na makikita sa 95% na akdang Pinoy. Dinaig pa si Nick Joaquin sa pagka-Hispanophile. Masasabing prototype ang "Ninay" ng Noli at Love in the Time of the Cholera pagdating sa heartbreak at misery.


message 783: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Pero interesante ang buhay ni Pedro Paterno lalo na roon sa interpretation ng buhay niya ni Nick Joaquin sa Question of Heroes. Character din siya, by way of historical fiction, sa nobela ni FSJ na Vibora.


message 784: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "Pero interesante ang buhay ni Pedro Paterno lalo na roon sa interpretation ng buhay niya ni Nick Joaquin sa Question of Heroes. Character din siya, by way of historical fiction, sa nobela ni FSJ na..."

Palagay ko nga magandang materyal sa fiction at biography ang makulay nyang pagkatao. Balimbing sa panahon ng Kastila, balimbing sa panahon ng Amerikano.


message 785: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Minsan Pa by Jessica E. Larsen

review to follow. Andami ko ng utang na review. *cries*


message 786: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments @Rise: Agree! Siya at mga tulad niyang mga historical figure ang dapat ginagawan ng bio pic at di na yung mga palasak na bayani. They, too, have many things to teach about our history.


message 787: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "They, too, have many things to teach about our history."

Sana gawan ng pelikula ang "makukulay" na buhay nina Juan Luna, Artemio Ricarte (na paksa ni FSJ sa Vibora! na nabanggit mo), at Jose P. Laurel na puppet president ng panahon ng Hapon. Yung honest to goodness na portrayal.


message 788: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang gaganda ng mga nabasa mo, Rise. Masyado akong busy kaya puro simula ang mga binabasa ko at di ko natatapos! Babawas-bawasan ko nga ang Facebook hahaha!

Gusto ko ring mabasa ang marami dyan sa mga nilista mo!


message 789: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Don't Forget the Parsley And More from My Positively Filipino Family (Don't Forget the Soap Book 2) by Marie Claire Lim Moore

review to follow


message 790: by Josephine (new)


message 791: by Rise (new)

Rise A Roomful of Machines by Kristine Ong Muslim A Blade of Fern A Novel About the Philippines by Edith L. Tiempo Testament and Other Stories by Katrina Tuvera

6. A Roomful of Machines ni Kristine Ong Muslim

Unang aklat ng tula ni Kristine at ako'y talagang isang ganap na tagahanga. Nakabasa na ako ng dalawa nya pang libro ng tula at pawang magaganda. Karamihan sa mga aklat at chapbook nya ay published ng presses mula sa ibang bansa. Nitong nakaraang taon lang yata nakapag-publish sa Pinas ang makata (Lifeboat, UST Pub. House). May sariling publishing model at strategy ang makata kung kaya marami na syang tula na lumabas sa mga international literary zines at journals. Rerebyuhin ko ang koleksyong ito sa aking blog.

7. A Blade of Fern ni Edith L. Tiempo

Unang nobela ng Alagad ng Sining na si Gng. Tiempo. Ito na ang ikaapat na nobela niya na nabasa. Mabagal ang istorya at may pagka-mistiko. Yung tipong pagtapos ng huling pahina, hindi mo alam kung tungkol saan ang binasa mo.

8. Testament and Other Stories ni Katrina Tuvera

Unang koleksyon ng maikling kwento ni Bb. Tuvera, anak ng batikang manunulat na si Kerima Polotan. Sadyang mahinahon ang panulat niya kumpara sa kanyang ina pero may kakaibang magneto at lirisismo.


message 792: by Rise (last edited Mar 04, 2016 10:02AM) (new)

Rise Ilustrado by Miguel Syjuco

9. Ilustrado ni Miguel Syjuco

I'm a bit underwhelmed after my second reading of the book, perhaps because the novelty of the structure has worn off. MS often writes beautifully and I do appreciate the crude jokes he inserts in the novel to make it less serious than it already is. He just can't shake off the bourgeois perspective of his story no matter how much he plays around the idea. His depiction of a non-revolutionary Edsa 5 (with a lot of alternative endings) is depressing.

I don't see myself reading this again, so anybody who wants a copy of the book can mooch it off me. If you have no problem with a second-hand book with lots of pencil notes/underlining/encircling on the texts and margins. Just reply here. First one to request gets my copy. (And since I'm downsizing my shelf, I might add other books to the requester.)


message 793: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Ryan wrote: "Ilustrado by Miguel Syjuco

9. Ilustrado ni Miguel Syjuco

I'm a bit underwhelmed after my second reading of the book, perhaps because the novelty of the structure has worn off. MS often writes ..."


Rise! Gusto ko :)


message 794: by Rise (new)

Rise Okay, Clare. It's yours. Will pm you.


message 795: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Congrats, Clare! :)


message 796: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, text me your address again please. I want to ship a book to you. (whether you like it or not hahaha)


message 797: by Josephine (last edited Mar 25, 2016 04:11PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Songs of Our Breakup (Playlist #1) by Jay E. Tria

Review to follow


message 798: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dahil Buwan ng Panitikan ngayon, Abril 2016, ang huling binasa ko ay ito:

Mga Lagot na Liwanag by Michael M. Coroza
MGA LAGOT NA LIWANAG
ni Michael M. Coroza

Maganda dahil halo ang free verse at yong parang Florante at Laura (tradisyonal) na apat na linya at labindalawang pantig (sukat).

At dahil naroon sa ALAB Kampo Balagtas si Michael Coroza at lubos kaming nahusayan sa kanya noong Balagtasan, kaya hinanap ko agad kung anong libro ng tula ang meron ako sa shelves at binasa agad-agad.


message 799: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Rise, text me your address again please. I want to ship a book to you. (whether you like it or not hahaha)"

Ohmaygahd, natanggap ko na, Kuya D. Muchos salamat sa napakainteresanteng aklat.


message 800: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "K.D. wrote: "Rise, text me your address again please. I want to ship a book to you. (whether you like it or not hahaha)"

Ohmaygahd, natanggap ko na, Kuya D. Muchos salamat sa napakainteresanteng a..."


Walang anuman, Rise. Basta naramdaman kong ang aklat na nilu-launch ay magugustuhan mo, maaalala kitang bilhan haha


back to top