Pinoy Reads Pinoy Books discussion

459 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 501-550 of 820 (820 new)    post a comment »

message 501: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Huli kong binasa ay Humming in my universe: random takes on everything ni Jim Paredes. Multi-talented itong tao na to. Sana makakita pa ako ng iba niyang libro.


message 502: by Rise (new)

Rise Juan wrote: "Rise panalo to!"

Magaling si Lazaro Francisco. Pati yung "Daluyong" nya nabasa ko. Nakakawasak ng damdamin ang kwento.


message 503: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mabasa nga yang "Daluyong" na yan. :)


message 504: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Pang-pelikula nga yung "TIMAWA" niya! ang galing din ng kuwento, yung transisyon ng panahon (Pre-war to post war), lugar (Amerika-Pilipinas) pati yung mga karakter (Timawa-Karangalan/Kadakilaan) na simple lang naman ang pagkalarawan pero sa pagpapatuloy ng istorya naiipon at sobrang lakas ng dating sa damdamin yung salimuot ng mga tauhan.


Naiimagine ko yung mundo nila noong mga panahon na iyon.

Natutuwa din ako habang binabasa yung mga linya ng karakter na Amerikano pero nasa wika natin. Parang nanunuod lang ng pelikulang english na naka-Tagalized.

Parang naging cliche nga lang yung dulo kung iisipin na ito nga'y isang pelikula.


message 505: by Rise (new)

Rise Tama, parang dubbed lang ang mga dayalogo nila sa Amerika. Ang lalim managalog ng mga Amerikano haha.


message 506: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ^hahah! kakatuwa nga e!


message 507: by Juan (new)

Juan | 1532 comments sino na po ang nakapagbasa sa inyo dito ng MENS REA ni Lakambini Sitoy? nahihiwagaan lang ako sa kanya! hehe!


message 508: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hindi pa ako. :) Pero may nabasa na akong short story nya. Magaling!


message 509: by Juan (new)

Juan | 1532 comments wow! mukha nga po, nahihiwagaan ako tsaka ang nakaka-aliw yung pangalan nya. . hehe!


message 510: by Jessica (new)

Jessica (jessicaelarsen) | 120 comments Questions! Counted ba kung idadag rito ang English but Filipino translated books? ex. PHR's Filipino version of Danielle Steel books?


message 511: by Rise (new)

Rise yes, counted.


message 512: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kababasa ko lang ng:

1) "Makbet" (Macbeth) ni William Shakespeare na sinalin sa Tagalog ni Rolando S. Tinio na isang Pambasang Alagad ng Sining sa Teatro

Medyo nabigatan ako sa tema kasi trahedya ito. Fall ni Makbet bilang tao. Mas naka-relate ako sa "Hamlet" dahil doon sa relasyong ama-anak na lalaki. Para tuloy mas gusto ko si Shakespeare pag comedy kagaya noong una ko ring nabasa na "Midsummer Night's Dream."
Tapos nakapanood pa ako early this year ng play nito sa CCP.

2) "Pamhinta X" ni Louie Cano.

First time kong magbasa ng akda ni Louie Cano. Maganda naman. Mayroon ritong 100 na mga payo para sa mga beki. Praktikal at realistic. A must read para sa mga kafatid. Eye opener hehe!


message 513: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Katatapos ko lang:

Bones of Contention
at Looking Back 4-CHULALONGKORNS ELEPHANTS parehong kay Sir Ambeth Ocampo.

Nagspeed reading ako para mabasa ni Azalea, Tatay at kuya niya itong dalawa lalo na yung Bones.

Salamat Rise sa Chulalongkorns at iba pang libro! isusunod ko yung iba! ang saya-saya!


message 514: by Josephine (last edited Oct 11, 2013 02:36PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Huling binasa:

A French FairyFail by Jessica E. Larsen of our very own Jessica Larsen,

Mina V. Esguerra's Young and Scambitious by Mina V. Esguerra ,

Guardians of Tradition The Gawad sa Manlilikha ng Bayan by Mae Astrid Tobias ,

and:

Bones of Contention The Andres Bonifacio Lectures by Ambeth R. Ocampo


message 515: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kababasa ko pa lang kahapon ng pinakahuling obra ni Bebang Siy:

Marne Marino by Bebang Siy
MARNE MARINO
by Bebang Siy

Doon sa nakabasa na ng It's a Mens World, naroon ito e. Kaso dito in full colors ang pictures. Nakakaaliw!


message 516: by Juan (new)

Juan | 1532 comments katatapos ko lang basahin ito as in ilang minuto pa lang ang nakalilipas!

Pitong Bundok ng Haraya

maisingit lang. Si Alejandro G. Abadilla (AGA) tinaguriang Father of Modern Philippine Poetry ay taga Blumentritt. Doon sa iskwater ng North Cemetery ayon dito sa librong ito. So magkalapit lang sila ni ROV na taga-La Loma diba'
Pero orginally Salinas, ROsales Cavite siya galing.


message 517: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kababasa ko lang kagabi:

Dumot by Alan Navarra
DUMOT
ni Alan Navarra

Maganda! Masarap basahin.


message 518: by Josephine (last edited Oct 21, 2013 05:02PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Ito ang kakatapos ko lang basahin noong Sunday.

Real Life by Dolly M. Palisada

Ito 'yung book na nabili ko noong book launch noong Saturday. May mga inspiring stories, meron ding nakakalungkot.


message 519: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jho, aabangan ko yan hehe!


message 520: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments K.D. wrote: "Jho, aabangan ko yan hehe!"

Haha, meron daw sa CentralBookstore kuya or CentralBooks. Light read... kahit na mabigat sa dibdib 'yung stories per se, it was written in an objective manner - no dramatics - kaya natapos ko kaagad. ^_^


message 521: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Makadaan nga mamaya sa Central Books. Thanks, Jho. :)


message 522: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments K.D. wrote: "Makadaan nga mamaya sa Central Books. Thanks, Jho. :)"

Sana'y magustuhan mo, Kuya! :)


message 523: by Apokripos (last edited Oct 21, 2013 09:27PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Katatapos lang basahin...


Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako (at iba pang kwentong kasinungalingan na di dapat paniwalaan) by Eros S. Atalia

Nakakatawa, pero mas nagustuhan ko yung mga dagli sa ikawalang bahagi, ta's yung Intoy Syokoy na ginawaran ng Palance para sa Maikling Kuwento.

Matatapos na (dalawang kabanata na lang na inireserba kong basahin mamayang gabi bago matulog)...


Ligo Na U, Lapit Na Me by Eros S. Atalia

Pak na pak sa tulad kong sawi. JOKE!
Itatawa na lang ang lahat!
Pinag-iisipan din kung bibili ng pirata ng isinapelikulang aklat. JOKE ULI! Hihihi! :D

Mukhang susunod-sunirin ko na ang basa ng mga akda ni Eros. Salamat sa warehouse sale ng Visprint. :))


message 524: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Eros na eros si Jzhun hehehe! Wagas!!!


message 525: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Huling binasa ko ay ang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? At Iba Pang Technique Kung Paano Makaka-Move On sa Wasak na Puso by Ramon Bautista
Nakakaaliw, yun lang. Haha


message 526: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos ko lang basahin at i-review:

Ang Banal na Aklat ng mga Kumag by Allan N. Derain
ANG BANAL NA AKLAT NG MGA KUMAG
ni Allan N. Derain

Si Sir Allan ay isa sa mga kasama sa bahay ni Sir Egay. Nagtuturo sila pareho sa Ateneo. Chinat ko si Sir Egay kanina. Kasi siya ang nagsabi sa akin na basahin ang Iskrapbuk ni Sir Allan pero nauna kong binasa ito dahil bago at ayaw bilhin ni Juan (noong magkasama kami) dahil mahal raw: P400.

Pero sulit naman. Mahusay at very imaginative ang pagkakagawa. Gumuguhit din sya. Ang mga litrato ng kung anu-anong religion o diyus-diyusan na nasa mga pahina ng libro ay mismong guhit ni Sir Allan.

Well, di ko pa sya na-meet. Naisip ko lang nai-promote sa inyo dahil sobrang nag-enjoy ako sa librong ito. Kung napapagod na kayo sa mga Diary ng Panget o Precious Hearts o mga horror Pinoy books, go for this. Di rin drama. Di rin iyakan. Matatawa ka at mamamangha. Mamamangha kasi di ko alam kung inaano ka ni Sir Allan.

Inaano - kung ano ang gusto nyang reaksyon mo. Ganoon ka interesante.


message 527: by Juan (new)

Juan | 1532 comments wow! Pero pramis naman KD bibilhin ko yan. Batay na rin sa review mo-Panalo!


message 528: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Kakatapos ko lang basahin ito:

Ngumiti si Andoy by Xi Zuq

May review na rin saka may entry sa blog ko:

http://josephinelitonjua.wordpress.co...


message 529: by Josephine (last edited Dec 05, 2013 02:03PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Reminiscing, kaya binasa ko ang isa sa mga romance pocketbook na binasa ko noong Elementary pa ako:

Ito ang Pag-ibig

Kaya pang sumakay sa taxi noon sa halagang P20.00 lang. ^__^


message 530: by Ineng (new)

Ineng | 10 comments huling nabasa kong libro ay sulat ni Paulo Coelho, By the River Piedra I Sat Down and Wept

napaka...higit pa sa maganda at magaling!! must read.
sakto lang din sa panahon dahil malapit na ang feast ng Immaculate Conception nang matapos ko. :)


message 531: by Jessica (last edited Dec 12, 2013 04:19PM) (new)

Jessica (jessicaelarsen) | 120 comments Hmm... Huling tagalog book na binasa:

A Hanky-panky Love by Haze Prado

rated with 3 stars


message 532: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Huling binasa ko yong dalawang libro ni Pastor Ed Lapiz:
Siksik, Liglig, at Umaapaw Work, Invest, Save, Give Atbp. by Ed Lapiz
SIKSIK, LIGLIG AT UMAAPAW: WORK, INVEST, SAVE, GIVE ATBP

May pitong tips si Pastor Lapiz para maging prosperous. Kasama dyang yong pagtitipid.

At ito:

18 Things To Consider While Young / 14 Things To Refuse While Young by Ed Lapiz
18 THINGS TO CONSIDER WHILE YOUNG /
14 THINGS TO REFUSE WHILE YOUNG

Applicable ito para sa mga kabataang kagaya ninyo.


message 533: by Pacs (new)

Pacs Pacala (pacspacala) | 11 comments Katatapos ko lang basahin yung "Tatlong Gabi, Tatlong Araw" ni Eros Atalia.

Pinakamalupit na naisulat ni Sir Eros.


message 534: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Pacs wrote: "Katatapos ko lang basahin yung "Tatlong Gabi, Tatlong Araw" ni Eros Atalia.

Pinakamalupit na naisulat ni Sir Eros."


Thanks for sharing, Pacs. :) Hindi pa ako nakakapagbasa ng mga akda niya. I really should start reading one. :D


message 535: by Pacs (new)

Pacs Pacala (pacspacala) | 11 comments Josephine, ito na ang pang anim na libro niya. At sobrang malayo ang istilo nito sa mga naunang libro ni Sir :))


message 536: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pacs, saan ako makakabili ng librong yan?

Mabuti naman at nagbago ng istilo si Eros. Pinakagusto ko so far yong libro nya ng mga dagli dahil pang mas angkop sa mga may edad na na gaya ko. Yong Intoy-Jenny saga, okay rin naman pero parang mas catered yon sa mga kabataan.

Kaya looking forward ako dito sa bagong akda nya. Ito yong nanalo sa Palanca di ba?


message 537: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Pacs wrote: "Josephine, ito na ang pang anim na libro niya. At sobrang malayo ang istilo nito sa mga naunang libro ni Sir :))"

@Pacs, naku, andami na, napag-iiwanan na ako haha.


message 538: by Pacs (new)

Pacs Pacala (pacspacala) | 11 comments @K.D. Nag-book launch siya noong Sabado sa UST. Eto yung piyesa niyang nanalo sa Palanca. Sobrang iba tong librong to. Umi-Stephen King pero dinig na dinig pa rin ang distinct na boses ni Sir Eros (yung boses na parang sa Intoy Syokoy, hindi yung Intoy-Jen).

@Josephine. Light read naman si Sir Eros, so yakang yakang tapusin.


message 539: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Pacs wrote: "@K.D. Nag-book launch siya noong Sabado sa UST. Eto yung piyesa niyang nanalo sa Palanca. Sobrang iba tong librong to. Umi-Stephen King pero dinig na dinig pa rin ang distinct na boses ni Sir Eros ..."

Thanks, Pacs. Sige, isasama ko ang mga works niya sa listahan ng mga babasahin ko. ^__^


message 540: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pacs, sige. Tama ka, gusto ko yong Intoy Syokoy na character.

Ang hirap lang sa kalu-launch na libro. Nakapananabik ang paghihintay kung kelan magpapakita sa bookstores. Kaya mahilig akong mag-attend sana ng launch pero di nakarating sa radar ko yang kay Eros sa UST.


message 541: by Juan (new)

Juan | 1532 comments mkhang hindi ko rin nabalitaan ang book launching na yan? asan ba ako nun? samantalang naka-kamayan ko pa siya sa nagdaang FilReaderCon sa Ateneo. Anyway, busy lang talaga.. heheh!

KD Hindi bale, kung wala ka pang kopya ng obra ng anak, meron ka namang obra ng ama, Walang Iba kung hindi ang KARAYOM ni Sir Rey Atalia. Boom!


message 542: by William (new)

William M. II | 79 comments Punta rin sana kami ni Ka Rey sa book launching ni Eros kaso nasabay nga sa BLTX.

Salamat uli sa 'yo Kuya Doni at sa grupo sa pagsuporta sa mga manunulat na Pinoy.

Kay Ma'am Bebs, naiwan ko pala ang ipinahiram mong balabal na ginawang cover table. Sorry at naging nakalimutan kong kunin.


message 543: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan, tama ka. Saan pa nga kaya nagmana si Sir Eros kundi kay Sir Rey.

William, di ko na pinamigay ang mga librong donated mo. Kakaunti kasi ang dumalo sa party kaya inipon ko na lang muna. Marami pa namang events ang PRPB.

Salamat ulit. Sana sumama ka pala sa amin noong gabing yon. Ang saya. Tawa ako ng tawa sa binubuo nilang sci-fi post apocalyptic, etc story.


message 544: by William (new)

William M. II | 79 comments Oks Kuya Doni next time na lang 'pag may chance.

Sayang nga at 'di ako nakasama.Pero at least, nakasama ko naman kayo sa BLTX.


message 545: by K.D., Founder (last edited Dec 16, 2013 03:37PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
i>William wrote: "Oks Kuya Doni next time na lang 'pag may chance.

Sayang nga at 'di ako nakasama.Pero at least, nakasama ko naman kayo sa BLTX."

Sabagay, tama ka dyan, William. Babasahin ko na nga pala ang "Adik sa Facebook" mo at aalamin kung totoo yong isang comment ng detractor mo hehe.

Katatapos ko lang basahin kaninang umaga:

Kung Nanaisin Mga Tula by Romulo P. Baquiran Jr.
KUNG NANAISIN
ni Romulo Baquiran

Iba yong atake nya sa mga tula. Parang di ko gamay. Kumpara kunwari kina Jim Pascual Agustin o Axel Pinpin. Yong kay Baquiran, parang mas complex ang prose. Yong bagsak ng mga salita di predictable. Yong images na nacre-create parang flashes of screenshots sa halip na mas picturesque kagaya ng kay Jim. Di rin political na forte ni Axel Pinpin.

Di ko tuloy masabi kung gusto ko o hindi. Yong mga poems na nagustuhan ko, naka-dog ear, binasa ko ulit. I really don't know how to feel about Baquiran's poems. Later na lang sa rebyu ko. :)


message 546: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Gusto ko diyan yung tulang gumamit ng gay-lengwa
at madami atang improvisation diyan ng mga salita. parang diverse ang tema.


message 547: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Huli kong binasa ay

Gerilya ni Norman Wilwayco, Nagkamit ng Unang Gantimpala. Puno ng Angas si Tony at doobie ng doobie! haha! may ilang tagpo na parang cinematic at meron din namang cliched na. Overall-Wasak!


message 548: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "Gusto ko diyan yung tulang gumamit ng gay-lengwa
at madami atang improvisation diyan ng mga salita. parang diverse ang tema."


Oo nga. May 1-2 tula na biglang "nagkaganoon" si Baquiran. Noong binabasa ko yon di ko napigilang di magtanong ha ha! Ang galing kasi. Tapos di ba pag kausap mo sya di mo aakalaining marunong sya ng gay lingo? :)


message 549: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "Huli kong binasa ay

Gerilya ni Norman Wilwayco, Nagkamit ng Unang Gantimpala. Puno ng Angas si Tony at doobie ng doobie! haha! may ilang tagpo na parang cinematic at meron din nama..."


Ang "Mondomanila" yata ang naisa pelikula na directed by Khavn de la Cruz.


message 550: by Juan (new)

Juan | 1532 comments tama po kayo!


back to top