Pinoy Reads Pinoy Books discussion

458 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 301-350 of 820 (820 new)    post a comment »

message 301: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
MJ, true. Pero ang learning ay depende sa tao. :)

Po, wagi. Kung makapag-promote ng rebyu hahaha.


message 302: by Beatrice (new)

Beatrice (beatricemasalunga) | 20 comments @Kuya D. - sorry late reply, ngayon ko lang po nabasa yung comment. Professor pala si Ramon Bautista, pero okay ang libro niya kasi straight to the point yung mga sagot niya dun. Nakakatawa din kasi yung mga nagtatanong sa kanya.. Kung tutuusin ang babaw ng problema ng mga taong nagtanong dun, sadyang may pinaghuhugutan lang siguro.


message 303: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama. Parang ano nga eh. Yong di kayang itanong ng isang teenager sa kanyang mga magulang, nagagawa nilang itanong kay Ramon Bautista. Okay naman ang mga sagot nya di ba? Hindi naman mapapariwara ang mga nagtatanong.


message 304: by Beatrice (new)

Beatrice (beatricemasalunga) | 20 comments Natutuwa ako sa sagot niya. May sense. :)


message 305: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama. Pranka at may kabuluhan.


message 306: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tagal ko na palang di nakapag-updayt ng mga huling nabasa ko. Pasensiya na at na-bisi. Gusto ko ring ilagay dito kahit parang marami na kasi para makatulong na maka-enganyo sa paglalagay ng maliit na mga puna (notes) sa bawat aklat:

Mga Kaluluwa Sa Kumunoy by Efren R. Abueg
MGA KALULUWA SA KUMUNOY
ni Efren R. Abueg

>>> Maganda naman. Tungkol sa dalawang magsing-irog na napagitna sa pulitika noong panahon ng Batas Militar (Martial Law) ni Pres. Marcos.

Threesome by Mark Angeles
THREESOME
ni Mark Angeles

>>> Si Macoy Dacuycoy! Pangatlong libro niya ito. Koleksyon ng mga tula. Madaling basahin pero masaya dahil mahusay syang kumalembang ng dapat kalembangin hahaha!

A Question of Heroes by Nick Joaquín
A QUESTION OF HEROES
ni Nick Joaquin

>>> Isa sa hindi ko malilimutang nabasang aklat na pangkasaysayan. Parang mas mahusay (para sa akin) na magsulat si Joaquin ng non-fiction. Dito, ang mga bayaning nakagisnan nating magigiting (ayon sa ating mga guro) ay ipinakitang mga tao muna bago naging mga bayani. Mga taong may kahinaan din at nakagawa ng mga pagkakamali. Mga maling desisyon. Parang tayo rin.

Estremelenggoles by Virgilio S. Almario
ESTREMELENGGOLES
ni Rio Alma

>>> Ang ibig yatang sabihin ng salitang iyan ay doble-kara, double-bladed, two-faced o kabalintunaan. Maraming magagandang tula rito. Nakakaaliw basahin.

Sila... Noon Oral ng Kasaysayan ng 9 ng Manunulat sa Tagalog by Efren R. Abueg
SILA... NOON: ORAL NG KASAYSAYAN NG 9 NA MANUNULAT SA TAGALOG
ni Efren R. Abueg

>>> Ganda. Narito't nagsasalita ang mga patay na mga makata, kwentista, manunulat ng mga nagdaang panahon. Kasama ang magasawang Matute, Liwayway Arceo, Benjamin Pascual, atbp. Mga panayam ni ERA sa kanila noong mga buhay pa sila (dapat lang. Otherwise, creepy ito hahaha). Marami kang matututunan tungkol sa pagsusulat noong panahon ng 20's hanggang 80's kasama na noong panahon ng hapon. Naging artista pala si Aling Liwayway?


message 307: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
The Summer Solstice and Other Stories by Nick Joaquín
THE SUMMER SOLSTICE AND OTHER STORIES
by Nick Joaquin

>>> Tatlong kuwento sa Ingles ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin. Nagustuhan ko yong kuwento tungkol sa multong nagpapakita tuwing bisperas ng Bagong Taon. Tsaka yong Tadtarin (na naging Tatarin noong isa-pelikula) ay narito. Maganda!

Personal Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita by Rene O. Villanueva
PERSONAL: MGA SANAYSAY SA LUPALOP NG GUNITA
ni Rene O. Villanueva

>>> Isang aklat na tungkol sa mga personal na karanasan ni Villanueva. Hindi ko ito basta makakalimutan. Mahusay syang magkuwento. At halos mga 5 taon lang ang agwat ng edad namin kaya marami sa karanasan niya ay parang naganap sa panahon ko.

Margosatubig The Story of Salagunting by Ramon L. Muzones
MARGOSATUBIG: THE STORY OF SALAGUNTING
ni Ramon L. Muzones

>>> Original na nasulat sa wikang Hiligaynon. Noong ma-serye ito noong 1940's sikat na sikat sa Visayas. Lumakas ang benta ng magasin kung saan ito lumabas ng linguhan. Isinalin ito sa Ingles ng isang manunulat para sa kanyang doctoral thesis. Nais ng manunulat na iyon na magkamalay tayo na mayroon isang Ramon L. Muzones (buhay pa) na may karapatang maging Pambansang Alagad ng Sining. Di lang puro manunulat na Filipino o Ingles ang may karapatang bigyang pagkilala sa parangal na iyan.

Ginto ang Kayumangging Lupa by Dominador B. Mirasol
GINTO ANG KAYUMANGGING LUPA
ni Dominador B. Mirasol

>>> Si DBM ay nasali lamang sa "Agos sa Disyerto" noong pang-tatlong limbag nito. Pinalitan niya si Ave Perez Jacob (pangalawang limbag) na pumalit naman kay Eduardo Bautista Reyes (unang limbag). Kaya medyo sabi ko, ay saling pusa pala si Mirasol. Wag ka, dito sa aklat na ito, naaliw ako sa kanya. Ganda ng pagkakahabi ng kuwento. Walang sinabi ang ibang sinulat na nobela ng Agos boys.

Bibliography of Filipino Novels 1901-2000 by Patricia May B. Jurilla
BIBLIOGRAPHY OF FILIPINO NOVELS
by Patricia May B. Jurilla

>>> Napaka-informative lalo na kung interesado ka sa mga nobelang Tagalog at Ingles na sinulat at lumabas sa Pilipinas mula noong 1901 hanggang 2000. Marami kang matututunan dito. Gaya ng ang mga Tagalog novels pala ay sobrang sikat noong 1900's hanggang 1920's. Tapos natabunan ng mga akda sa Ingles. Nagsimulang bumawi noong 1960's dahil sa Agos boys.

Saan Papunta ang mga Putok? by Rogelio L. Ordoñez
SAAN PAPUNTA ANG MGA PUTOK?
ni Rogelio L. Ordonez

>>> Ito ang galit na libro. Galit sa mga Amerikano. Galit kay Marcos. Galit sa simbahan. Narito rin ang 3 kuwento ni RLO na nasa Agos (pang-apat na edisyon) pero may isa rito na sobrang lungkot na kuwento. Tungkol sa mag-amang mahirap. Madudurog ang puso mo sa lungkot.


message 308: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Fairy Tale Fail by Mina V. Esguerra
FAIRY TALE FAIL
ni Mina V. Esguerra

>>> Hindi dahil kaibigan ko si Mina V. pero sa mga hindi pa nakakabasa nito, pumunta na sa Booksale o Powerbooks o National Book Store at bumili ng kopya at basahin ngayon Valentine's Day. Por pabor. Maganda ang libro kahit na sabihin pang romanse ang genre nito. Hindi siya nakakainsulto dahil masinsin at mahusay ang pagkakalahad ni Mina V. Hala, bili na!

Diwalwal Bundok ng Ginto by Edgardo M. Reyes
DIWALWAL: BUNDOK NG GINTO
ni Edgardo M. Reyes

>>> Hay, pagdating sa pagkukuwento, wala pa ring tatalo kay Edgardo M. Reyes. Sapol. Galing. Kakaiba ito sa ibang aklat niya dahil hinaluan niya ng non-fiction ang kuwento dahil totoong may Diwalwal sa Compostela Valley sa Mindanao. At totoong dumagsa ang mga tao roon noong early 80's dahil may natagpuang mina ng ginto. Grabe. Ganda nito!

Salingkit a 1986 Diary by Cyan Abad-Jugo
SALINGKIT: A 1986 DIARY
by Cyan Abad-Jugo

>>> Ang ibig sabihin ng "salingkit" ay saling-pusa (kit, kitty, pusa). Bata pa si Cyan noong 1986 revolution. High school. Sinulat nya ito parang diary ni Anne Frank. Pero di sing-drama. Light lang. Kung may thematic reading ka sa anibersaryo ng People's Power revolution sa Peb 25 at nagiisip ka kung anong libro ang maganda, ito na ang bilhin at basahin mo. Sulit lalo na kung 70's or 80's baby ka.

Himagsik ng mga Puno (Tapat Journal ng Bagong Nobelang Filipino Tomo II-01) by Khavn De La Cruz
HIMAGSIK NG MGA PUNO (Ika-4 na labas ng TAPAT Journal)
ni Khavn de la Cruz

>>> 5 stars ito sa akin. Ganda. Kung ikaw ay pareho kong natutuwa sa kakaibang klase ng pagsusulat, subukan mo itong si Khavn de la Cruz. Oo siya yong direktor ng indie films. Galing!!!

At syempre, layunin ng TAPAT Journal ni Edgar Calabia Samar (oo, pet project nya ito) na maglabas ng mga nobela at kuwento na bumabasag sa kumbensyon ng pagsusulat na nakamulatan na natin). Mabuhay si Edgar Samar!

Ninoy, Cory and Noynoy by Yvette Fernandez
NINOY, CORY AND NOYNOY
ni Yvette Fernandez

>>> Marahil nakikita mo na ang librong ito na nahahalintulad doon sa "Nanay Coring" at "Big John"? Ito yong pangatlong pambatang libro ni Yvette Fernandez. Maganda pa rin. Nakatulong ka pa sa charity work para sa literacy ng mga estudyante sa public school kapag bumili ka nito.

Cory An Intimate Portrait by Margie Penson-Juico
CORY: AN INTIMATE PORTRAIT
ni Margie Penson-Juico

>>> Kung mahal mo si Tita Cory at gusto mo syang maala-ala, bumili at magbasa ka ng librong ito. Lahat ng nakasama nya sa trabaho at personal na buhay, nagkukuwento rito tungkol sa kanya. Masarap basahin dahil parang kaylan lang eh siya ang presidente natin. Ngayon, ang anak na niya.


message 309: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Ako naman kuya, Love your Frenemies, kakatapos ko lang! ^_^ Maganda! :D


message 310: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Smaller and Smaller Circles A Novel by F.H. Batacan
SMALLER AND SMALLER CIRCLES
by F. H. Batacan

>>> Nanalo ito ng Gawad Palanca. Si F. H. Batacan ay Pinoy na nagtra-trabaho sa Singapore. Kakaiba ang kuwento dahil taliwas sa maraming akdang Pinoy na puro kahirapan o pagibig o pulitika o romanse ang tema. Ito ay isang: mystery-suspense-thriller. Kaya sa mga detractors ng Panitikang Pilipino, tigilan na ang kakapintas sa Librong Pinoy hahaha.

The Best Philippine Short Stories Of The Twentieth Century by Isagani R. Cruz
THE BEST PHILIPPINE SHORT STORIES OF THE TWENTIETH CENTURY
Compiled by Isagani R. Cruz

>>> Mula sa "Dead Stars" ni Paz Marquez Benitez, ang kauna-unahang kuwentong nasulat sa Ingles na nalimbag sa Pilipinas noong 1925 hanggang sa "Touch" ni Lakambini Sitoy na lumabas noong 2000, mababasa sa antolohiyang ito ang pinaka as in pinaka, magagandang short stories na nasulat sa Ingles sa buong Pilipinas. Hindi lang mga manunulat na taga-Maynila kundi meron ding mga taga Mindanao at Visayas at ibang panig ng Luzon. Kung may isang librong Pinoy kang balak basahin o itago (matapos basahin) sa bookshelves mo, ito na yon! Sigurado akong yong mga anak o apo mo makikinabang rin dito. Marami sa mga ito ay binasa mo rin noong nasa elementary, high school o college ka, kaya nakakapagpaalala rin noong spring chicken ka pa lang at walang muwang sa mundo hahaha.

Ang Pagdating ni Elias Plaridel At Iba Pang Piling Mga Kuwento by Ave Perez Jacob
ANG PAGDATING NI ELIAS PLARIDEL AT IBA PANG PILING MGA KUWENTO
ni Ave Perez Jacob

>>> Mahusay pala si Ave Perez Jacob. Parang mas mahusay pa sya kaysa sa ibang mainstays sa "Agos sa Disyerto." Hindi lang saktong ganoon lagi ng tema ng mga kuwento nya. Alam mo yong "Panitikan ng mga Anak-Pawis." Marami siyang mga kuwento tungkol sa buhay ng mga tao noong panahon ng Hapon, buhay ng mga bilanggo at buhay ng mga rebelde sa bundok. Nabilanggo kaya si Ave Perez Jacob? O naging kasama sa bundok? Buhay na buhay ang mga kuwento nya eh.

Pinoy Komiks Rebyu by Randy Valente
PINOY KOMIKS REBYU
ni Randy Valente

>>> Kung ikaw ay mahilig sa komiks, para sa iyo ang aklat na ito (na anyong komiks din). Narito ang kasaysayan ng komiks sa Pilipinas at ano na ang kalagayan ng industriya ng komiks sa ating bansa. Hala, bago magbalak na pumunta na naman sa Komikon, basahin muna ito para sa kasaysayang maaaring di mo alam. Kagaya ng nangyari sa ATLAS at GASI publications na dati'y sikat na sikat.

Flores de Mayo Tatlong Piling Kwento by Chu Ching Tam
FLORES DE MAYO: TATLONG PILING KUWENTO
ni Chu Ching Tam (Chinese text) at sinalin ni Joaquin Sy (sa Tagalog)

>>> Thematic read ko ngayon dahil sa Chinese New Year. Ang tatlong kuwento ay nasusulat sa Filipino at Chinese. Kaya't kung Chinese ka, puwede ka pa ring magbasa ng Pinoy Book na ito. Kuwento ng mga Tsinoy sa Pilipinas. Kung paano sila nag-struggle noong unang panahon para kilalaning mga Pilipino rin. Nakakatawa rito yong tanong na kung magkaka-giyera ba ang Tsina at Pilipinas dahil sa Spratly Islands, kanino kakampi ang mga Tsinoy na nakatira sa Chinatown (Binondo)? hahaha. Nauna ko na itong tinanong noon na pabiro sa team mate ko sa work na pure Chinese (pero dito na pinanganak) di sya nakasagot hahaha.


message 311: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayan, napahaba yata ang pagbabahagi ko ng mga aklat na kailan lang ay nabasa ko (Disyembre, Enero hanggang Pebrero). Marami na pala. Kaya't kung may duda ka na mayroon talagang makabuluhan o may kasaysayang mga Pinoy Books, ayan sila! Pawang magaganda ang mga iyan. Di nakakahiyang isabay sa mga foreign books!


message 312: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Josephine wrote: "Ako naman kuya, Love your Frenemies, kakatapos ko lang! ^_^ Maganda! :D"

Hindi ko pa nabasa yan, Jho. Naunahan mo ako hahaha! Pero may kopya na ako. Baka kasi maubusan ako ng Mina V. na libro kaya't inuunti-unti ko. Pang chocolate lang sa drawer ko sa office. Sa sobrang sarap, dapat unti-untiin at nang magtagal!!!


message 313: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments ang galing mo KD ang bilis mo magbasa!


message 314: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments si boyfriend ang nagdesign ng cover ng salingkit!!! (one proud gf ang peg! hahahaha) at may pinoy version yung cory, intimate portrait. interesado ako sa pinoy komiks rebyu!!!! yung kay patricia may jurilla, ang comment ng mga manunulat sa filipino, sana isinama raw ang mga romance novel kasi hindi yata nagsawa ang publiko dito ever since na isinilang ito. kaya indi siya talaga nanamlay. (e hindi yata kina count ang romance novel as novel :(


message 315: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Balak kong tapusin lahat ng Pinoy Books ko sa shelves ngayong taong ito, Beverly hahaha.

Yay! Maganda ang cover ng "Salingkit"!!! May Pinoy version nga yang "Cory" pero pinili ko ang Ingles. Ewan ko kung bakit.

Sige, dalhin ko ang "Pinoy Komiks Rebyu." Sa yo na. Ibabalik ko ba sa iyo yong "Personal" (Hiram ba yon o bigay mo na?)

Tama ka, di nga sinama ni Jurilla ang mga nobelang romanse. Siguro masyadong marami!!!! hahaha.


message 316: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Natapos kong basahin ang mga sumusunod:


The Kobayashi Maru of Love by Carljoe Javier

Okey na okey sa tulad ko ng geek at brokenhearted. Sakto sa panlasa ng kasalukuyang henerasyon. Balak ko rin sanang bilhin 'yong inilathala ng Visprint (4th Edition) para lang makita ang pagkakaiba at basahin na rin ang bago, extra at bonus tracks na materyal na idinagdag ayon sa may-akda.


The God Stealer by F. Sionil José

Magandang ipanghalili ang unang koleksyon ng mga maiikling katha ni Manong Frankie matapos kong basahin ang limang nobela sa ilalim ng Rosales Saga. Bukod sa mga temang tulad ng social justice at morality, ang nagustuhan ko rito'y ang range ng mga mga pinapaksa ng mga kuwneto niya. Tunay international ang kalibre ni Manong. Ang sarap niyang basahin, madali talagang sakyan ang kanyang style.


message 317: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hindi ko pa parehong nabasa yan, Jzhun. Inggit ako! hahaha.


message 318: by Rise (last edited Feb 11, 2013 05:00AM) (new)

Rise Ang nabasa ko sa Rosales saga ay hanggang The Pretenders na. (view spoiler)

Katatapos ko lang din ng Walong Diwata ng Pagkahulog ni Edgar Calabia Samar. Maaring mahulog ang loob mo dito. Postmodernismo ang estilo kaya medyo magulo ang pagkakalahad. May impluwensiya ni Haruki Murakami at may sariling atake ng magical realism.


message 319: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maganda ang pagkakakuwento nya. Parang jigsaw puzzle na ikaw na lang ang magbubuo sa isip mo. Kakaiba.


message 320: by Rise (last edited Feb 11, 2013 05:54AM) (new)

Rise Agree. At ang maganda ay mukhang di nag-fit ang lahat ng mga piyesa ng puzzle. Nandun ang hamon na bigyang kahulugan ang pagkakasunod-sunod ng tila mga random na eksena. Unti-unting nagkakahugis ang isang naratibo kung saan ang huling hantungan ay ... (friends, basahin ang Walong Diwata ng Pagkahulog para malaman).


message 321: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Hindi ko pa parehong nabasa yan, Jzhun. Inggit ako! hahaha."

Kuya D., mas inggit ako dahil mas marami kang nababasa sa mga panahong ito. Ako'y sadyang busy-busyhan talaga. Ha ha ha! :D


message 322: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Rise wrote: "Ang nabasa ko sa Rosales saga ay hanggang The Pretenders na."

Rise, (view spoiler)


message 323: by Rise (new)

Rise on "The Pretenders": Yes. (view spoiler)


message 324: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments wow slamat KD! !!! yung personal,bigay ko yan sayo!


message 325: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Beverly. Sa mga gustong manghiram ng Personal, paki-sabi. Puwede kong dalhin sa Peb 17. Kaso, ibabalik ha? Sobrang ganda ng libro at gusto kong ingatan. Syempre, dahil bigay rin sa akin ng kaibigan kong si Beverly yon kaya di ko kayo hihiwatan hangga't di nababalik sa akin hahaha.


message 326: by Rise (new)

Rise Salamanca ni Dean Francis Alfar.

Ang galing! Na-tempt ako bumili ng koleksyon ng mga kwento nya na The Kite of Stars.


message 327: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Rise wrote: "Salamanca ni Dean Francis Alfar.

Ang galing! Na-tempt ako bumili ng koleksyon ng mga kwento nya na The Kite of Stars."


Rise, si Alfar yung isa sa mga major proponent ng Speculative Fic dito sa Pinas di ba? balak ko ring basahin yang si Dean.


message 328: by Majuchan (new)

Majuchan | 15 comments You Know You're Filipino If... A Pinoy Primer by Neni Sta. Romana-Cruz

Maiksi pero nakakaaliw.


message 329: by Rise (new)

Rise MJ wrote: "si Alfar yung isa sa mga major proponent ng Speculative Fic dito sa Pinas di ba?"

Tama! Playwright din sya at graphic writer.


message 330: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, nabasa mo na agad ang pinadala ko! Grabe ang bilis mo!!!

Majuchan, nakikita ko yang librong yan. Nakakaaliw rin pala. Salamat sa pagbabahagi. Mabuhay ka!


message 331: by Rise (new)

Rise K.D., may kung anong magneto (o salamanca) na humila sa akin sa libro. page-turner!


message 332: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sus, kailangan ko nang makita ang kopya ko at tingnan kong uubra ang magnetong iyan. Hahaha!


message 333: by Rise (new)

Rise try mo, k.d. may pagka-Ang Ginto Sa Makiling ang dating. at kakaibang ispekulatibong akda.


message 334: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige. Noong mga nakaraang weekends lang kasi, wala akong ganang magbungkal ng mga salansan ng aklat kong babasahin pa. Sana sipagin ako ngayong Sabado o Linggo. :)


message 335: by Ella (new)

Ella (bellasearcher) | 11 comments Po wrote: "Dead Stars by Paz Marquez Benitez,One Day by David Nicholls

Malungkot ang mga pangyayari subalit magtuturo ng mga aral tungkol sa relasyon, pag-ibig, pagsasama, at muling pagbangon at harapin ang ..."


di pa ako tapos magbasa nito pero naging interesado ako dito dahil napanood ko ang movie version nito tapos gusto ko ung setting nila (oo panatiko ako sa ideya na makapunta sa Inglatera at Pranses) :)


message 336: by Ella (new)

Ella (bellasearcher) | 11 comments Majuchan wrote: "You Know You're Filipino If... A Pinoy Primer by Neni Sta. Romana-Cruz

Maiksi pero nakakaaliw."


Nung nasa kolehiyo ako kung di ako nagkakamali nung nabasa ko ito. Tama ka maiksi pero nakakaaliw pero totoo :)


message 337: by Ella (new)

Ella (bellasearcher) | 11 comments Beatrice wrote: "Huling Binasa:

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? At Iba Pang Technique Kung Paano Makaka-Move On sa Wasak na Puso by Ramon Bautista

natawa naman ako.. kaya lang yung mga ibang nagtatanong sa..."


nabasa ko na ding itong libro na ito. Tama ka minsan nakakainis ung mga nagtatanong sa kanya sa Formspring. Oo nga pala makikita si Prof RB sa UP tuwing Huwebes (kung tama ang pagkakaalala ko); naalala kong bigla ito dahil nuong Disyembre, VW day dito sa Pilipinas ay ginanap sa QC Hall Grounds at nakausap namin si Tado Jimenez (na nagkataon ay mayroon siyang stall doon at bumili kami ng libro nio na "Bio-Eulogy" at syempre nagpapapirma na ako sabay papiktyur kasama siya at nagkuha ng bidyo sabay pakiusap sa kanya na gawin ang pamosong linya nila sa programang "Strangebrew" na "Erning, ilabas mo ang auto (at ako ang "pumapel" na Erning hehe) at sabay sabi ng "Tama!". Magkakasama sila sa grupong Dakila at nuon pa di ba magkakatropa sila ;).
Pero mabalik lang sa libro ni RB, simple ang mga sagot niya, minsan ang dating parang papilosopo ang sagot pero totoo! Maaaring ung iba eh magdamdam (unti!) at maaaring ang iba ay matawa. Hehe! Gusto ko ang kanyang notebook, klasik na klasik ang piktyur niya duon sa pabalat. Sa katunayan, nagbigay ako ng kopya ng libro niya at ng Bio-Eulogy ni Tado Jimenez sa matalik na kaibigan ko na umuwi dito samandali sa Pinas dahil may mga inasikasong mga pampamilyang aktibidad at siyang bumalik mula sa Estados Unidos. :)


message 338: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Ella wrote: "Beatrice wrote: "Huling Binasa:

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? At Iba Pang Technique Kung Paano Makaka-Move On sa Wasak na Puso by Ramon Bautista

natawa naman ako.. kaya lang yung mga iban..."


how strange the Strangebrew is. :D

fan din ako ng Strangebrew hanggang Brewrats bago ito mawala nang bilhin ang 99.5 at naging tipikal-joke-time-radio ito. :)

Ella, sa tinagal-tagal mong nagbabasa, umibig ka na ba?

hehehe


message 339: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments aba may pinapatunguhan ang mga ganyang tanungan hahahaha!!!


message 340: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Me naririnig ba akong bagong tambalan diyan, friends?

Ano?

Majella ba kanyo?

hahahaha


message 341: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Majella! Wagi!!!

Sama ako ng sampu :)


message 342: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Ayan na Ella, hindi mo na kailangang lumangoy sa dagat at habulin ang paglubog ng araw. Andyan na si MJ para gawing makulay ang bawat araw mo.

Go Majella Loveteam :) Goodmorning!


message 343: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments ^ayan ang problema sa mga katukayo. Madam, ibang Ella pa rin yan~

At lalangoy pa rin ako sa papalubog na araw. Kasi may pait pa rin ang aking kalagayang-puso. HAHAHAHAH (Ella bawal magkalat!) :P


message 344: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments batid ni "Ella" ang sinabi ko. Hindi iyon isang pick-up line. :P HEHEHE.

bagamat kinilig ako sa Majella. haha!


message 345: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Parang kayo na nga!!! Kasi tinanggap mo. Kalahati na lang ang dapat trabahuhin hahaha! Teka, di pa kayo nagkita eh kinilig ka na? :)


message 346: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments alam yan ng mga nanunuod ng Strangebrew, ser KD. :D


message 347: by Ella (new)

Ella (bellasearcher) | 11 comments K.D. wrote: "Majella! Wagi!!!

Sama ako ng sampu :)"


lol parang Magellan hehe


message 348: by Ella (new)

Ella (bellasearcher) | 11 comments MJ wrote: "Ella wrote: "Beatrice wrote: "Huling Binasa:

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? At Iba Pang Technique Kung Paano Makaka-Move On sa Wasak na Puso by Ramon Bautista

natawa naman ako.. kaya lang ..."


hehe yan ung wasak na tanong ni tado nun pag nag iinterview sila sa strangebrew


message 349: by Ella (new)

Ella (bellasearcher) | 11 comments MJ wrote: "Ella wrote: "Beatrice wrote: "Huling Binasa:

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? At Iba Pang Technique Kung Paano Makaka-Move On sa Wasak na Puso by Ramon Bautista

natawa naman ako.. kaya lang ..."


haha Erning ilabas mo ang auto


message 350: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Ella wrote: "MJ wrote: "Ella wrote: "Beatrice wrote: "Huling Binasa:

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? At Iba Pang Technique Kung Paano Makaka-Move On sa Wasak na Puso by Ramon Bautista

natawa naman ako....."


boom... :D


back to top