Pinoy Reads Pinoy Books discussion

458 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 101-150 of 820 (820 new)    post a comment »

message 101: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kapag nagbalik-bayan si Wilwayco, imbitahan natin sa book discussion nitong "Responde." Ito ang pinakagusto ko sa lahat ng sinulat nya.


message 102: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Nasa Australia pala si sir Iwa :) at kakabirthday lang pala niya nung October 20..


message 103: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo. Muntik na namin syang maging guest noong Friday. Sina-suggest nya na Skype pero parang bitin. Bilib na ako. Pati birthday nya, alam mo.


message 104: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Nasa facebook kuya.. hahahah .. nagulat kasi ako nung sinabi mong magbabalik-bayan kaya pinuntahan ko fb account niya.... akala ko kasi nasa pinas siya ngayon, abroad na pala.,. bigtime anu po.


message 105: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo. Australia roon. English speaking.


message 106: by Rise (last edited Oct 30, 2012 08:29AM) (new)

Rise Kelan kaya ang balik ni Iwa. Sige imbitahan natin.

Huli kong binasa: El Filibusterismo, na isinalin ni Ma. Soledad Lacson-Locsin. Sinimulan ko ito nung isang taon, pero ngayon ko na lang ulit nahalungkat. Walang kupas si Rizal sa kahit anong translation, pero itong version ni Lacson-Locsin ay talagang makaka-devastate ng 5 out of 5 sa atin (pasintabi kay Ricky Lee). Sinubukan ko basahin yung Penguin translation sa bookstore, masyadong stiff ang pagkasulat.


message 107: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan, mabuti naman at binasa mo ulit. Nakakatuwang basahin ang Fili right after Noli. Parang buong-buong makikita mo ang ibig ipahayag ni Rizal sa dalawang nobela. Alin ang mas gusto mo sa dalawa? At bakit?


message 108: by Rise (new)

Rise Mas gusto ko ang Fili dahil sa mas umaatikabong ideyolohiya ng pagbabago at himagsik. Mas marami ding kumprontasyon sa pagitan ng magkasalungat na pananaw. Ganap na pagkalarawan sa pagsubok na maisakatuparan ang terorismo at anarkiya laban sa umiiral na pamahalaan. (Nauna pa sa The Secret Agent ni Joseph Conrad.) Mas radikal, sa isang salita. Pang-Halloween din ito dahil sa patuloy na pagmumulto ng nakaraan sa kasalukuyan. Rakenrol.


message 109: by Tin (new)

Tin (rabbitin) | 8 comments Elmer by Gerry Alanguilan.
Elmer by Gerry Alanguilan

Elmer Review Here


message 110: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Huli kong nabasa, Criselda Yabes, Letters from Palawan. nung una gandang-ganda ako. nung nasa 3/4 na ako hanggang ending, napangitan ako. as in parang ngeee parang nawalan ng talino at cultural sensitivity yung nagsusulat. pagka ganito ang feeling ko sa isang aklat, pakiramdam ko nadaya ako nang bongga :(


message 111: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hello, tin. Ang ganda ng review mo. Naintriga tuloy ako sa aklat. Noong nakita ko ito noon sa bookstore, akala ko corny. Hindi pala! Try kong hanapin uli :)


message 112: by Rise (new)

Rise Beverly wrote: "Huli kong nabasa, Criselda Yabes, Letters from Palawan. nung una gandang-ganda ako. nung nasa 3/4 na ako hanggang ending, napangitan ako. as in parang ngeee parang nawalan ng talino at cultural sen..."

'Letters from Palawan': scratched from wish list. Turn-off nga kung walang cultural sensitivity.


message 113: by Tin (new)

Tin (rabbitin) | 8 comments Beverly wrote: "hello, tin. Ang ganda ng review mo. Naintriga tuloy ako sa aklat. Noong nakita ko ito noon sa bookstore, akala ko corny. Hindi pala! Try kong hanapin uli :)"

Hello Beverly! Kung walang nagrecommend sakin, malamang hindi ko din maiisip na bilhin ito, kasi parang weird siya. Although weird nga talaga siya, pero in a good way. Haha. Maganda yung kwento. :D


message 114: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tin, nagustuhan ko rin yang "Elmer." Kaso di ko lang ma-imagine na nagkakaroon ng sexual relation ang tao at ang (view spoiler). Sorry.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments wow!... Tao at hayop? alam ko nabalita na iyan eh. Kung ndi ako nagkakamali isang binatilyo ang gumawa niyan haha! weird ah? mala-haruki murakami?


message 116: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po, pag ganyan na ang usapan, parang buhay na buhay ka. Naging 1001 na ang 1Q84. Parang gusto ko na tuloy bumili at basahin.


message 117: by Tin (new)

Tin (rabbitin) | 8 comments @K.D.: Ako nga din, yung part na yon and medyo nahirapan akong paniwalaan. Pero okay naman yung the rest of the story.

@Po: Mga ganito din yung mga aklat ni Murakami?


message 118: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tin, tama ka.


message 119: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Oo, Ryan. Parang nalungkot ako doon sa treatment niya sa huling 3/4 ng aklat hanggang makarating siya ng ending. lumabas ang pagiging urban dweller niya, elite at intellectual. samantalang ang ganda ng pagkakalatag niya sa umpisa nung adhikain niya at nung proyekto niya na naisaaklat nga. sad :(


message 120: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Beverly, buti na lang at wala pa akong kopya ng aklat na yan.


message 121: by Rise (new)

Rise Huling binasa ... Maganda pa ang Daigdig, nobela ni Lazaro Francisco na lumabas sa Liwayway magazine noong 1955. Malalim ang pananagalog. Bigyan ka ba naman ng mga linyang tulad ng: "Natanaw niya ang isang matarik na talimusod ng bulaos na patumpa sa itaas ng pampang. Katapat ito ng malalim na lungaw ng ilog." Tapos merong "lalaking may suwiki at salakab". Yayks. Pero hindi naman laging ganun, sa kabuuan ay madaling intindihin ang kwento. 4 stars.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Tin wrote: "@K.D.: Ako nga din, yung part na yon and medyo nahirapan akong paniwalaan. Pero okay naman yung the rest of the story.

@Po: Mga ganito din yung mga aklat ni Murakami?"


@KD halina't basahin natin ang IQ84.

@Tin, oo! may book cia na ganun ang istorya nakalimutan ko lang iyong title eh.


message 123: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan, nabasa ko na rin yan dahil required reading sa 3rd year high ng anak ko. Pinabasa nya sa akin para mag-discuss kami. Malinaw at buo ang kuwento pero sobrang luma ang Tagalog. Corny ang dulo. Parang big production number.

Po, gagawin ko yang wish list ko sa Christmas. Siguro sa office o sa kuya ko. Di puwede sa Goodreads. Masyadong mahal. Unless, papapaskuhin mo ako?


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments sure KD, sabi mo eh kaso bk paperback copy lang?


message 125: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yey! Sige. P600+ di ka ba nabibigla? Hayahay ang buhay! :)


message 126: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Malinaw at buo ang kuwento pero sobrang luma ang Tagalog. Corny ang dulo. ..."

Okay lang sa akin ang ending, parang fairy tale. Masyadong optimistic. Basahin ko later ang sequel nito na Daluyong.


message 127: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Cinematic: sa itutok ng bundok. May dambana. May pari lumalakad. Parang may mga sugatan. May mga umaawit (yata) ng awiting makabayan. Tapos parang may sinag ng bukang-liwayway.


message 128: by Rise (new)

Rise Sa Dambana ng Kagitingan sa Bataan. Pinapalabas na tila mga bayani din ang mga tauhan dahil sa kanilang mga ipinaglabang prinsipyo. Kumanta yata yung pari ng makapanindig balahibong Ave Maria or something. Mala-Hollywood ending kasi sa background may labanan pa ng mga Huk at sundalo ng Pamahalaan.


message 129: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yun yun. Wala lang. Parang naala-ala ko ang mga pelikula ni Tony Ferrer at Jun Aristorenas o yong "Bakya Mo Neneng" ni Joseph Estrada.


message 130: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Huling binasa:


Afraid The Best Philippine Ghost Stories by Danton Remoto

Hindi naman talaga nakakatakot, ngunit madaling maintindihan at may ilang maiikling kwento na maganda ang pagkakabanghay at pagkakasulat.

Paborito ko ang mga isinulat nila Carlos Bulosan (tungkol pa rin sa multo, pero nakakatawa at may magandang twist sa huli) at iyong kay Cristina Pantoja-Hidalgo (tungkol naman sa multo ng nakaraan at relasyon nito sa anino ng kasalukuyan).

Wala pa akong suring-aklat, bibigyan ko ito ng tatlong bituin.


message 131: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tatlong bituin. Di na masama. Ibig sabihi'y nagustuhan mo rin kahit paano.


message 132: by Rise (last edited Nov 04, 2012 09:25PM) (new)

Rise Huling binasa: O Kaligayahang Walang Hanggan Yeh! (Kikomachine Komix, #4) by Manix Abrera

pagpapatuloy ng mga mahapding pakikipagsapalaran ng mga estudyante at guro sa pamantasan. tromatik. 4 stars.


message 133: by K.D., Founder (last edited Nov 05, 2012 05:37AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos ko lang ng librong sabi ni Louize ay nagkalat sa PUP (Polytechnic University of the Philippines). Sa libro, tinawag nila itong The Poorman's University of the Philippines.

Ang mga Kwento ng mga Supot sa Panahon ng Kalibugan by Aga Khan
ANG MGA KWENTO NG SUPOT SA PANAHON NG KALIBUGAN
nina Nante Ciar, Lenin Karlos, Edrick Carrasco, Dekki Morales, Eman Nolasco, Aga Khan at Elvin "Almighty" Rillo

Ranking (pinakamagaling magsulat)

1st: Eman Nolasco
2nd: Dekki Morales
3rd: Lenin Karlos (anak raw ng isa sa Agos boys)
4th: Elvin "Almighty" Rillo
5th: Edrick Carrasco
6th: Nante Ciar
7th: Aga Khan (sya pa naman ang pinakamaganda ang pangalan)

Overall, hindi bastos. Basta wag ka lang masyadong squemish pagdating sa sex at nagmumurang author. May frontal picture ng isang lalaking... supot! Kita lahat!

Ito ang rebyu ko: (3 stars).


message 134: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments KD nakaka shock naman kasi ang pamagat hahahaha akala ko tuloy medyo bold bold


message 135: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Ryan wrote: "Sa palagay mo, K.D., bakit kaya di na required reading ang Urbana at Feliza?"

Naalala ko ito noong bata pa ako, high school pa. Kinompara kasi ang babaeng "makabago" at ang babaeng "makaluma", mga panahon ng aking ina at ama at lolo at lola. :)


message 136: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Beverly, pang-shock talaga. Kung may MENS ka, may SUPOT sila!

Ella, maganda yang "Urbana at Feliza." Sa katunayan, binigyan ko yan ng tumataginting na 5 STARS!


message 137: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
I just finished reading:

Rainbow Haven, Loves' Cradle (Kilig Republic #16) by Karl Marx S.T.
RAINBOW HAVEN, LOVES' CRADLE
by Karl Marx S.T.

Karl is our member. This is his first published book. Let's support him. Hindi lang naman dahil sa member. Nakakaaliw din ang librong ito. Grabe lang.

Ito ang rebyu ko: (3 stars).

Kung mahilig ka sa romance, this is a MUST-READ!!!


message 138: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Puro yata Pinoy books ang natatapos kong basahin this week.

Kagabi, I finished reading the 2nd of my 2 Halloween reads for 2012:

A Bottle of Storm Clouds Stories by Eliza Victoria
A BOTTLE OF STORM CLOUDS
by Eliza Victoria

Overall, I liked it.
Here is my review: (3 stars).


message 139: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Gerilya by Norman Wilwayco

Natapos ko ang librong ito, dalawang araw na ang nakakaraan, Minsan napapakamot ako sa ulo dahil nalilito ako kung sino na ang nagsasalaysay. Pagdating sa bandang dulo naguluhan ako ng bahagya, kaya binalikan ko ulit yung naunang chapters. Sa kalahatan, nagustuhan ko naman ang istorya. Maganda.


message 140: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo. Nakakalito. Ayaw ko yong mga nobela, pinapahirapan ka pa. Hindi na lang magkuwento. Maganda naman yan.


message 141: by Rise (new)

Rise Tungkol sa 'Gerilya', gusto ko yung parte na hindi mo alam kung sino ang nagsasalaysay (view spoiler)


message 142: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kuya D., dapat talagang mahiram ko na ang kopya mo ng Gerilya at Mondomanila!

Palit tyo ng libro. :)


message 143: by Yeng (new)

Yeng (aleleivargas) | 8 comments Mga mam, mga sir, ilang pages po ba ang paboritong libro ni hudas? Salamat :)


message 144: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jzhun, sige, hahanapin ko. Sa katunayan, dapat pala bago mag-Dec 1 eh maghalungkay ako ng mga libro at i-dispatsa na ang mga dobleng kopya. Makikita ko rin ang Mondomanila at Gerilya. Sana di ko pa naipamigay o naipahiram at di pa bumabalik. Malay ko bang magkakaroon ng PRPB!!!

Yeng, wala akong idea pero alam ko di naman siya mas manipis o mas makapal kaysa sa mga ibang libro niya. Alam ko, pinakamakapal ang "Bakit Baligtad" at "Lumayo." Pakiramdam ko lang. Pinakamanipis ang "Alamat ng Gubat."

Hintay hintay ka lang, baka naman may sasagot sa iyo.


message 145: by Yeng (new)

Yeng (aleleivargas) | 8 comments Salamat po! :)


message 146: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Yeng wrote: "Mga mam, mga sir, ilang pages po ba ang paboritong libro ni hudas? Salamat :)"

170+ pages yata yun :)


message 147: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Gusto mong hiramin ang "Etsa-Puwera?" Baka doon mas magandahan ka.

Katatapos ko pa lang:

Re-Viewing Filipino Cinema by Bienvenido L. Lumbera
RE-VIEWING FILIPINO CINEMA
by Bienvenido Lumbera

Sine! Sine! Sine!
Enjoy mag-reminisce ng mga sineng napanood ko noong 80's at 90's.

Rebyu ko: (3 stars).

Magustuhan ko!


message 148: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments Wow, gusto kong mabasa iyan, KD! Tatay ko si Sir Bien. Hindi lang niya alam. hahahaha


message 149: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? by Bob Ong

Nagustuhan ko ito. Gagawan ko pa ng review.


message 150: by Euriz (new)

Euriz | 2 comments alam niyo yung Diary ng Panget?? sa watt pad daw yun.. hehe :)


back to top