Pinoy Reads Pinoy Books discussion

458 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 401-450 of 820 (820 new)    post a comment »

message 401: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jhive, mukhang maganda nga. Salamat sa pagbabahagi. :)


message 402: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Maganda yan kuya. hahah Promise.


message 403: by K.D., Founder (last edited Apr 20, 2013 06:33PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos ko lang basahin at i-rebyu ang 20 individual illustrated books na inilabas ng Anvil mula noong 2004 hanggang 2011.

1) Ang Plautin ni Periking / Periking's Flute - 2004, 2007
2) Rosamistica - 2004, 2007, 2013
3) Ang Mahiwagang Biyulin / The Enchanted Violin - 2004
4) Ang Parusa ng Duwende / The Dwarf's Punishment - 2004
5) Ang Alamat ng Lamok / The Legend of the Mosquito - 2004
6) Si Pandakotyong / Pandakotyong - 2004
7) Ang Prinsipe ng Mga Ibon / The Prince of the Birds - 2005 & 2013
8) Ang Prinsipeng Mahaba ang Ilong / The Prince with a Long Nose - 2005
9) Ang Binibining Tumalo sa Mahal na Hari / The Maiden Who Defeated the King - 2005
10) Ang Prinsipeng Duwag / The Cowardly Prince - 2005
11) Ang Kapatid Ng Tatlong Marya / The Brother of the Three Marias - 2007
12) Ang Palasyo ng mga Duwende / The Palace of the Dwarves - 2007
13) Ang Pitong Tanga /The Seven Idiots - 2007
14) Anting-Anting / The Amulet - 2007
15) Ang Sultan Saif / Sultan Saif - 2011
16) Ang Pag-Ibig ni Maryang Sinukuan / The Love of Maryang Sinukuan - 2011
17) Pedrong Walang Takot / Fearless Pedro - 2011
18) Ang Mahiwagang Kuba / The Enchanted Hunchback - 2011
19) Ang Prinsipeng Unggoy / The Monkey Prince - 2011
20) Labindalawang Masasayang Prinsesa / Twelve Merry Princesses - 2011

Nakatuwaan ko lang kumpletuhin dahil ibibigay ko ang lahat ng kopya ko sa Museo Pambata. Naging interesado rin ako dahil yong iba dyan ay naroon sa dalawang tomo ng koleksyon na inilabas ng Tahanan Books:
Mga Kuwento ni Lola Basyang (Volume 1) by Severino Reyes (Volume 1) at Mga Kuwento ni Lola Basyang (Volume 2) by Severino Reyes (Volume 2)

Kagaya ng:
Volume 1 - #15, #16, #17
Volume 2 - #1, #7, #9

Pinaikli at pinadaling basahin ang mga original na maiikling kuwento ni Severino Reyes. Magaganda ang mga drowings kaya parang 5 minutes lang basahin ang bawa't isa. Mas matagal pa ang mag-rebyu at magisip ng moral lessons hahaha.


message 404: by K.D., Founder (last edited Apr 20, 2013 04:10AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kung pipili ka lang ng 1 hanggang 3 para ma-try magbasa ng illustrated versions ni Christine S. Belen, doon ka na sa at least twice nang na-published that most probably means mabili ang libro. Na-confirm ko ito dahil di ko agad tiningnan ang copyright dates bago basahin ang libro:

Ang Tatlong Pinakamaganda:
Una - Rosamistica
Pangalawa - Ang Plautin ni Periking
Pangatlo - Ang Prinsipe ng mga Ibon

Kung gusto mong regaluhan ang pamangkin o anak o inaanak mo ng librong Pinoy, go for these three!!!


message 405: by Rise (new)

Rise Daluyong by Lazaro Francisco

Daluyong ni Lazaro Francisco

Isa sa pinakamagandang nobelang Pilipino na nabasa ko. Buhay noong 1950s ang inilalarawan dito, kasama ang isyu ng mga maylupa at ang mga 'kasama' (tenants) nila. Lubhang matatas ang pananagalog kaya magandang basahin. May kwento ng pag-ibig sa gitna ng nobela at hindi lang kurot ang hatid kundi nakakawasak ang librong ito.

Ito ay sequel ng Maganda pa ang Daigdig. Mas maiging basahin muna yun.

Himno ng Apoy sa Gubat ng Dilim by MJ Rafal

Himno ng Apoy sa Gubat ng Dilim nina Arlan Camba, Pia Montalban, at MJ Rafal

Intense. Isa pang librong nangwawasak ng kamalayan at nagpapaigting sa simbuyo ng damdamin. Ang tatlong makatang tinipon dito ay mga rock stars. Dulot ay katarsis para sa mga mulat at sa mga manhid, sa mga taong ang paboritong kulay ay pula at di-pula.


message 406: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments intense talaga, ser Rise? :P rock stars pa!! hehe...

salamat sa basa at sipat ser, nakakataba ng puso. :)


message 407: by Rise (new)

Rise Walang anuman, MJ.

:)


message 408: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, salamat naman at nagustuhan mo ang mga obra ni kakwebang MJ :)


message 409: by Rise (new)

Rise Salamat din, K.D.


message 410: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Huling Pinoy book na binasa:

Ermita A Filipino Novel by F. Sionil José
ERMITA
by F. Sionil Jose

Ben, Rise, Biena, Ella, atbp.
Kailan na ang susunod nating FSJ? Open ako kahit sa "Viejero", "Gagamba", "Bacnang", "Sin" o kung alin ang gusto mo.


message 411: by Rise (new)

Rise Kung chronological, Gagamba yata ang sumunod sa Ermita. Open ako kapag available ang libro sa pinakamalapit na bookstore.


message 412: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Interim Goddess of Love (Interim Goddess of Love, #1) by Mina V. Esguerra by Mina Esguerra


message 413: by Alden (last edited May 21, 2013 01:13AM) (new)

Alden | 9 comments Katatapos ko lang basahin ang mga ito:

The Best of Mang Ambo by Larry Alcala Unang Ulan ng Mayo by Ellen L. Sicat

Yung The Best of Mang Ambo, okay siya. Comic strip compilation ni Larry Alcala, nakasulat sa Ingles pero Pinoy na Pinoy ang humor. Binigyan ko ito ng tatlong bituin. Maganda rin 'yung Unang Ulan ng Mayo na binigyan ko naman ng apat na bituin.


message 414: by Rise (new)

Rise Alden wrote: "
The Best of Mang Ambo by Larry Alcala Unang Ulan ng Mayo by Ellen L. Sicat
"


Yung kay Ellen Sicat nakikita ko sa bookstore. Maidagdag nga sa wish list.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments K.D. wrote: "Huling Pinoy book na binasa:

Ermita A Filipino Novel by F. Sionil José
ERMITA
by F. Sionil Jose

Ben, Rise, Biena, Ella, atbp.
Kailan na ang susunod nating FSJ? Open ako kahit sa "Viejero", "Ga..."


Basahin natin ang Gagamba ni F.Sionil


message 416: by Yna (new)

Yna Paez (itsynaslife) | 1 comments I Saw Da Sign: 100 Funny Pinoy Signages by Summit books.

https://www.goodreads.com/book/show/1...

Nakaka-amuse siya actually. :)


message 417: by Jessica (last edited May 23, 2013 05:53AM) (new)

Jessica (jessicaelarsen) | 120 comments Sa wakas natapos ko rin! *nose up* Hahaha! :D

Mga Agos Sa Disyerto by Efren R. Abueg

Proud na proud ako kahit na nagkaroon yata ako brain hemorrhoid dahil sa dami ng malalalim na salita na ngayon ko lang nakasalubong kahit na sabihin pang sa Pilipinas ako lumaki.

K.D I'll be submitting another set of review soon :) mas purong Tagalog this time. (view spoiler)


message 418: by Jerald Vernon (new)

Jerald Vernon Torres | 2 comments canal dela reyna yta required reading pa sa school


message 419: by Rise (new)

Rise Jerald Vernon wrote: "canal dela reyna yta required reading pa sa school"

Jerald, kamusta ang Canal de la reina?


message 420: by Rise (new)

Rise Huli kong binasa: 100 Kislap ni Abdon M. Balde Jr. Isandaang kuwentong bilang na bilang ang mga salita, tig-iisang pahina lamang, pero bawat isa ay may hatid na sindak, hagalpak, kiliti, pagkapraning, pagkawindang, o pagkamangha.


message 421: by Rise (new)

Rise Baha-Bahagdang Karupukan ni Jim Pascual Agustin

Mga tula na malayang taludturan. Maiiksi, tig-iisang pahina lang bawat isa halos. Pati mga linya ay maiiksi rin. Hindi mahirap intindihin dahi napakapayak ng pagkakasulat, pati mga ginamit na salita ay hindi ganoon kalalim, ngunit ang panulat ay may sariling lalim, may sinserong damdamin. Sari-sari ang mga paksa: pag-ibig, paglalakbay, kahirapan, pagka-homesick, mga makapigil-hiningang tanawin, mga makapigil-hiningang engkwentro, mga balitang napanood sa TV at nabasa sa dyaryo, atbp.


message 422: by Jerald Vernon (new)

Jerald Vernon Torres | 2 comments @Rise ayos naman but I can't remember a thing except Nyora tentay


message 423: by Jessica (last edited Jun 11, 2013 06:49PM) (new)

Jessica (jessicaelarsen) | 120 comments Huling binasa at unang kuwentong binasa mula kay Mina.
Fairy tale fail Fairy Tale Fail by Mina V. Esguerra
at
Turuan Mong Muling Magmahal Ang Puso by Shane Miguel
Ini-add ko ito ng simulan kong basahin pero nang matapos ko nang basahin. Pumutok lang ang butsi ko.


message 424: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Huling binasa:
Hanggang Sa Muli Homecoming Stories for the Filipino Soul by Reni R. Roxas
HANGGANG SA MULI: HOMECOMING STORIES FOR THE FILIPINO SOUL
Edited by Reni R. Roxas

Maraming magagandang essays dito. Tungkol sa mga Fil-Am na dumalaw sa Pilipinas.


message 425: by Rise (new)

Rise Ikalabindalawang Gabi (Twelfth Night) ni William Shakespeare, salin ni Rolando S. Tinio

- si Viola ay isang magandang babae ang nagpanggap na isang lalaki matapos lumubog ang barkong sinasakyan, nagtrabaho sya bilang kawal sa ilalim ng isang duke na nanliligaw sa isang magandang kondesa. nahulog ang loob ng nagpapanggap na lalaki sa duke, ang kondesa naman ay umibig kay Viola na akala nya'y isang tunay na lalaki. may kambal si Viola, si Sebastian, na lalong magpapagulo sa eksena. isang komedya at istorya na pag-ibig na wagas na wagas ang pagkakasalin.

Anong sarap ito? Saan patungo?
Nababaliw ako, o kaya'y nangangarap.
Bayaang lumalim pa ang tulog na maningning.
Kung ganiton'ng mangarap, huwag muna akong gisingin!


Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela ni Edgar Calabia Samar

naglalahad ng makabagong teorya ng nobela, partikular ang "nobela ng pagsisiyasat", mula sa pag-aaral ng mga nobelang Pilipino at mga akda ng mga banyaga (Umberto Eco, Paul Auster, Murakami Haruki, at Roberto Bolaño). subtle na malupit ang librong ito. tama si juan, pwedeng ipagpalit ang tanghalian.


message 426: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hehe. Nabasa mo na rin ang "Twelfth Night" sa wakas. Ako hindi pa.

Oo. 4 stars sa akin ang librong yang ni Sir Egay. Pagkatapos ko yang basahin, nakapanayam namin sya at marami akong tanong habang naglalakad kami sa Ateneo campus hehe.


message 427: by Rise (new)

Rise Isang upuan ko lang binasa, K.D. baka susunod kong basahin yung orihinal ni Shakespeare.

nakapanayam namin sya at marami akong tanong habang naglalakad kami sa Ateneo campus hehe

lucky you.


message 428: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pumunta ka dito sa July 27-28, bibigyan ka namin ng isang oras with Sir Egay hehe.


message 429: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Rise ang galing diba! pinagsama nya yung malikhain at iskolar na pagsisiyasat sa pagsusulat. Kaya nga Busog na busog ako dyan..

KD wag mo ko kalimutan kung sakali na magkikita kayo ni Idol! hehe!


message 430: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan, sa San Pablo Field Trip, kumpirmado nang sasama si Sir Egay. :)


message 431: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Pumunta ka dito sa July 27-28, bibigyan ka namin ng isang oras with Sir Egay hehe."

waaa. isang oras lang? joke. hindi ako makapag-commit.


message 432: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hindi. Iiwanan namin kayo sa isang lugar sa gabi ng inuman tapos magusap kayo one-on-one hehe.


message 433: by Rise (new)

Rise baka me magpakitang tyanak. wehehe. marami nga akong tanong tungkol tungkol sa mahinang danas ng nobela ng paghihimagsik sa Pilipinas. rakenrol.


message 434: by Juan (new)

Juan | 1532 comments KD ang tamis naman nun, one on one!

Rise Interesante yung mga itatanong mo
at kung pwede makikinig na lang ako senyong dalawa..


message 435: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Hardcore tong mga huli kong nabasa!!
Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe by Jun Cruz Reyes BAKA NG INA MO! O bakit hindi palaging mother knows best. by Ronaldo Vivo Jr.

Parehas 5 stars!!


message 436: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jhive, talaga? Excited na ako sa "Baka" hehe


message 437: by Juan (new)

Juan | 1532 comments BAKA! BAKA! BAKA! parang gusto ko ng BAKA..
MAkakain nga..


message 438: by Rise (new)

Rise maki-BAKA! wag matakot!


message 439: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Ito ang huli kong binasa: The Best of Youngblood by Jorge Aruta


message 440: by Faye (new)

Faye (asdfayeiouvwxyz) | 58 comments Josephine wrote: "Ito ang huli kong binasa: The Best of Youngblood by Jorge Aruta"

May copy din ako nyan :D I liked that compilation.


message 441: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Almira wrote: "Josephine wrote: "Ito ang huli kong binasa: The Best of Youngblood by Jorge Aruta"

May copy din ako nyan :D I liked that compilation."


haha, oo nga :) maganda sya.


message 442: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos ko lang kagabi:

EL3 In the Service of the Filipino Worldwide by Eugenio Lopez III
EUGENIO LOPEZ III: IN THE SERVICE OF THE FILIPINO WORLDWIDE
by ABS CBN Publishing

Maganda! Nag-enjoy ako doon sa mga testimonies ng pamilya niya. More than doon sa mga business-related matters.


message 443: by Juan (new)

Juan | 1532 comments KD ok yan ah..

katatapos ko lang nito at binabalikan para kumuha ng quotes..
Ka Amado

Ang dami kong napulot dito! kung nagkataon pala na nakausap lahat ni Amang yung mga dapat niyang makapanayam mas makulay at makikilala natin ng husto si Ka Amado...


message 444: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan, tunay ka! Kulang na kulang ang Pinoy Lit ng mga libro tungkol sa buhay ng mga naunang manunulat. Sa abroad, marami sila. Tsk tsk.


message 445: by Juan (new)

Juan | 1532 comments sobrang nakakainggit nga lang ang mga authors abroad dahil maraming nagawang pag-aaral sa buhay nila bilang manunulat, philosopher, poet et al.

parang mulat na mulat sila at yung vision nila sobrang laki ng scope sa panahon.

parang automatic na na dapat may nagtatangi, may nag-aaral sa mga account ng mga taong ito para sa hinaharap.

parang ganyan yung naiisip ko sa kanila. parang kelan lang ang ating mga bayani namatay kasama na ang mga manunulat natin pero parang kulang tayo sa mga pag-aaral sa buhay nila upang magkaroon tayo ng kabuuan.

buti mayroon tayong Rizal na pambato, may natatangi tayo.

Kapag anak ka talaga ng letra at sining may maiiwan kang ambag sa lipunan na siyang magpapakilala sa iyo at sa panahon mo.

At buti may Ka Amado tayo na sa aking palagay ang kanyang panulat ay nag-bigay satin ng iba pang uri ng Panitikan. May pagkakakilanlan.

Mukhang kailangan magbigay tayo ng atensyon sa Ating Panahon.


message 446: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos ko lang ngayong umaga:

Kangkong 1896 by Ceres S.C. Alabado
KANGKONG 1896
ni Ceres S.C. Alabado

Guhit Larawan ni
Carlos Valino, Jr.

GUSTONG-GUSTO KO. Isa sa pinakamagandang librong Pinoy na tumatalakay sa isang bagitong katipunero. Mahusay na pagkakalarawan ng aktuwal na digmaang Filipino-Kastila noong 1896. Kung naibigan ninyo ang pagsulpot ni Mabini sa "Po-on" (Rosales Saga 1), try nyo ito. Si Tandang Sora ay abalang-abala hehe.


message 447: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Naku natapos mo na po!

Ang ganda ganda nito!

Pakiramdam ko kasama ako sa eksena noong panahon nila!


message 448: by Rise (new)

Rise Dalawang tula mula sa huling 2 librong nabasa ko: Marginal Annotations and Other Poems ni Edith L. Tiempo at To the Evening Star ni Simeon Dumdum Jr.


From Spelling It Out
Edith L. Tiempo

How like a spell the dusk falls
On the jaded eyes.
It's not day or dark, in that deviant time
When the ways of rhyme
And the ways of reason
Do not play the sorcerer's part;
Just disarray, the random, distortions.
The turns and twists, surprise, surmise,
When the wavery decibel calls
The world to intimations,
In this twilight of the heart
Where a freakish glimmer reinvents,
And we startle
Into a place of perpetual
Sheer astonishments.


Thank You
Simeon Dumdum Jr.

To think that I owe you my deepest thanks,
And I have done nothing except sit here,
As though expecting someone to appear
Suddenly on the path between the banks
Of flowers, but the glare of noontime blanks
The eyes, and happily the inner ear
Catches your voice ever present and clear,
Calls on the mind and the heart to close ranks,
And begs the mouth to mutter something true,
And hands to reach for the path and to pick
A rose or two before someone arrives,
And then who knows if that someone is you
Because you're in my mind, and I am quick
To celebrate the linkage of our lives.


message 449: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Rise parehong maganda! Parang nagsagutan sila..


message 450: by Rise (new)

Rise Juan, magaling sila pareho na makata. Yung kay Tiempo sa Booksale meron, 20 lang.


back to top