Pinoy Reads Pinoy Books discussion

459 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 451-500 of 820 (820 new)    post a comment »

message 451: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments Mayroon ako dati ng GIFT OF SLEEP at THIRD WORLD OPERA ni Dumdum... nalusaw ng bahang dulot ni Ondoy. Mas gusto ko yata ang mga tula niya sa mga naunang aklat na iyon kaysa sa bagong sampol na ibinahagi dito. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik diyan para makabili ng kopya, maganda ba ang buong aklat, Rise? Magkapitbahay pala kami ni Dumdum... UST Publishing House din siya! :)


message 452: by Rise (new)

Rise Yayks, Jim, sayang ang 2 libro nya. Mahirap n a siguro hanapin kasi 1980s pa sila pinablish.

Nagustuhan ko ang kabuuan ng koleksyon ni Dumdum. Natapos ko basahin sa isang upuan lang.

Narito ang 10 pang tula nya, makikita lahat sa bagong aklat, pati yung tulang "Maguindanao" tungkol sa malagim na nangyari:

http://www.palancaawards.com.ph/2011M...


message 453: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments salamat, Rise. 51 pages lang ang bagong aklat ni Dumdum? Magkano siya? Binasa ko ang ilang tula sa link mo, salamat. May nagustuhan ako, mayroon ding pinagdudahan. Off-record discussion na lang tayo hahaha... ayokong open to public ang comments ko kay Dumdum. Prengs kami. :)


message 454: by Rise (new)

Rise Jim, 120 o 150 yata ang book, di ako sigurado. 51 pages.


message 455: by Tin (last edited Aug 20, 2013 08:01PM) (new)

Tin (rabbitin) | 8 comments In My Mother's House by Joni Cham In My Mother’s House by Joni Cham Here's my two cents :)


message 456: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tin, hindi sya Pinoy book?


message 457: by Tin (new)

Tin (rabbitin) | 8 comments K.D. wrote: "Tin, hindi sya Pinoy book?"

Hi K.D. Oo, Pinoy Book. Winner of the Special Jury Prize in the Novel Category (Premio Jose) at the Premio Tomas: The UST Quadricentennial Literary Prize. Nagustuhan ko siya. Medyo malungkot nga lang ang mood ng istorya. Pero nagandahan ako sa pagkakasulat. :D


message 458: by Marice (new)

Marice | 9 comments Tin wrote: "In My Mother's House by Joni ChamIn My Mother’s House by Joni Cham"

Saan pwede mabili ito?


message 459: by Tin (new)

Tin (rabbitin) | 8 comments Marice wrote: "Tin wrote: "In My Mother's House by Joni ChamIn My Mother’s House by Joni Cham"

Saan pwede mabili ito?"


Hi Marice! From what I've heard, I think it's only available in Central Books. I think they also have retail outlets aside from their online bookstore. :)


message 460: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tin, salamat sa impormasyon. Bibili nga ako nyan sa Central. :)


message 461: by Tin (new)

Tin (rabbitin) | 8 comments K.D. wrote: "Tin, salamat sa impormasyon. Bibili nga ako nyan sa Central. :)"

Walang anuman K.D. :)


message 462: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Huling binasa:

Personal Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita by Rene O. Villanueva

at:

emmanuel Portraits of Christ by Fr. Armando Abeleda Tangi, ssp


message 463: by Rise (last edited Aug 24, 2013 04:47AM) (new)

Rise Katatapos lang basahin:

Adventures of a Child of War by Lin Acacio-Flores

Great novel about WWII from the point of view of a child. Pwedeng isapelikula ang istorya nito. Recommended for young and old readers.

The Tracks of Babylon and Other Poems by Edith L. Tiempo

Great selection of poems by a true master. Here's one of them.


What Distance Gives

When you reach for me in that obscure
World where like ashes of the air
Your eyes and hands and voice batter
With a stark and ghostly urgency
The transparent doors of my closed lids,
I struggle to confine the precarious grace,
The force, the impulse of this fantasy:
Yes, I grieve. But in its sure
Wise way it is this grief that bids
The ghost to go.
This is the reality we stand to lose:
That the push of muscle-strength
Is also a dear enfolding brute embrace
Of reason shocking all our length.
The loss is gain for the will to choose
The distance-given right to know.


message 464: by Juan (new)

Juan | 1532 comments may mga tula talagang sadyang kaya akong pahintuin sa unang tingin o basa pa lang tulad nito..

Rise salamat sa pagbabahagi! ang ganda!


message 465: by Rise (new)

Rise Walang anuman, Juan. Ganyan din ang epekto sa akin ng mga tula ni Edith Tiempo. Gusto ko na tuloy maging completist nya.


message 466: by Juan (new)

Juan | 1532 comments anu-ano ba ang akda niya? partikular sa tula at nobela pati kritisismo?


message 467: by Rise (new)

Rise Tula, nobela, maikling kwento. Lahat ng klase yata meron sya. Pero paborito ko so far mga tula nya.


message 468: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Kakatapos lang :

Ang mga Kwento ng mga Supot sa Panahon ng Kalibugan by Aga Khan
Ang mga kwento ng mga Supot sa Panahon ng Kalibugan - 3 Stars - Rebyu

Anim na Sabado ng Beyblade at Iba Pang Sanaysay by Ferdinand Pisigan Jarin
Anim na Sabado ng Beyblade - 5 Stars - Rebyu


message 469: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
5 stars talaga? Hehe. Minsan pag nauna kang magbasa ang taas ng bigay mo. Parang BAKA hehe.


message 470: by Jessica (last edited Sep 09, 2013 11:00AM) (new)

Jessica (jessicaelarsen) | 120 comments Hm... matagal na rin akong di nadadalaw. So, update lang sa katatapos lang basahin!

Love Your Frenemies by Mina V. Esguerra Love Your Frenemies by Mina V.

Not five stars but close :)


message 471: by Jayvie (last edited Sep 10, 2013 01:34AM) (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments K.D. wrote: "5 stars talaga? Hehe. Minsan pag nauna kang magbasa ang taas ng bigay mo. Parang BAKA hehe."

Heheh, sensya na kuya KD :) Nagiging mataas ata ang mga ekspektasyon nyo kapag mataas ang naibibigay kong rate sa mga libro. heheh.

Dito kasi sa Anim na sabado ng beyblade nakarelate ako sa maraming kwento kaya ayun. Mataas ang binigay ko :) Saka nakilala ko na pala yung author nito at talagang natuwa ako sa kanya. hehehe


message 472: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Jhive nakapunta ka ba sa Aklatan nitong Sabado?


message 473: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Juan wrote: "Jhive nakapunta ka ba sa Aklatan nitong Sabado?"

oo pre, ikaw ba ?? hindi ata tayo nag-abot umalis na kasi ako ng mga 2pm. Sayang dala ko pa naman yung 'Kwentong Siyudad' saka 'Laro sa Baga' nahiram mo sana.


message 474: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
okay lang jhive. mayron din ako nyan. di ko pa lang nabasa. minsan kasi iba pag na-meet natin ang author e.


message 475: by Josephine (last edited Sep 10, 2013 02:22PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Kakatapos ko lang basahin ito galing kay Rise (for donation sa mga mag-aaral, di ko na-resist na di basahin lol)

To the Evening Star by Simeon Dumdum Jr.


message 476: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Jhive wrote: "Juan wrote: "Jhive nakapunta ka ba sa Aklatan nitong Sabado?"

oo pre, ikaw ba ?? hindi ata tayo nag-abot umalis na kasi ako ng mga 2pm. Sayang dala ko pa naman yung 'Kwentong Siyudad' saka 'Laro s..."


Jhive talagang hindi tayo magtatagpo dahil wala ako dun. Pasensya pare, sa susunod na lang, hindi ko lang alam kung kelan. Pero dadalhin ko yung hinihiram mo. Salamat!


message 477: by Rise (new)

Rise Josephine wrote: "To the Evening Star by Simeon Dumdum Jr."

Quick read lang 'to, di ba. Gusto ko ang estilo ni Judge Dumdum, hindi flowery ang mga tula nya.


message 478: by Juan (new)

Juan | 1532 comments minsan ayaw kong basahin yung tula na masyadong mabulaklak at madugo. Siguro depende rin ito sa mood ng babasa at sa nilalaman ng tula.


message 479: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Madugo yong kay Axel Pinpin at yong kay Jose Ma. Sison hehe


message 480: by Juan (new)

Juan | 1532 comments wala pa akong kopya nung kay Axel, nababasa ko lang sa bukas na kopya sa tindahan. Madugo nga lalo na't iba ata ang pananagalog niya/nila at may mga salita talaga akong hindi alam pero sa tema nakakasakay naman, nakukuha naman.


message 481: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Minsan nga isasama kita sa bahay at ikaw na ang magkalkal ng mga libro ko hehe. Mayroon akong 2 Axel Pinpin hehe. Tatlo pa yata. Kasi yong "Batang Matatabil" eh may Tagalog, may English.


message 482: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Waaahhh! KD gusto ko iyon! hehe! game ako dyan!


message 483: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, minsan dalhin kita sa bahay. Magayos tayo ng mga libro ko. Hehe. Lahat nang gusto mong hiramin na Pinoy books, puwede hehe! Ikaw lang ha? Kasi magulo ang bahay namin. Kakahiya hehe


message 484: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ok lang! sanay ako diyan. basta pramis yan ha! hehe! yehey!


message 485: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sure. I-schedule natin sa October!


message 486: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments Huling binasa na tagalog.... Tall Story by Candy Gourlay


message 487: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tagalog ka dyan hehe.


message 488: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments Tagalog Autor nmn yun ha!!! Pending pa yung 8 diwata e!!


message 489: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pinoy book o librong pinoy yon.

Kahit ingles o tagalog ang wikang ginamit.

Tall Story - ang Mataas na Kuwento (isinalin ng Precious Hearts) hehe.


message 490: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments Pinaka huling tagalog ata na binasa ko n tagalog, PHR book....busit na busit pa ako noon...nakaka 10 page palang ako, alm ko n yung kuwento kaya tinigil ko...


message 491: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ako rin. Di ako nakatapos ng PHR. Hehe. Kinakati ang buong katawan ko. Hehe. Nagkakaroon ako ng pantal all over hehehe


message 492: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments Anu yan kuya allergy?


message 493: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo. Epekto ng pagbabasa ng romanse.


message 494: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Rise wrote: "Josephine wrote: "To the Evening Star by Simeon Dumdum Jr."

Quick read lang 'to, di ba. Gusto ko ang estilo ni Judge Dumdum, hindi flowery ang mga tula nya."


Oo, sobrang bilis ko natapos... nagustuhan ko kasi. Kundi ko nagustuhan di pa 'yan tapos hanggang ngayon hehe :P Ganyan ako sa mga books in general.

Di ko na-resist na di basahin, maganda kasi 'yung cover. Maganda rin ang istilo nya. :)


message 495: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments hehehehe....tagalog n romance nsusuka aq ewan ko b kung bkt...


message 496: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos ko lang basahin ang "Armando" ni Jun Cruz Reyes kaninang paggising ko.

Maganda. Kuwento ng isang mataas na pinuno ng CPP-NPA noong 70's at 80's. Namatay sya sa sakit noong tayong 2000.

Yong mga unang nabasa kong akda ni Amang Jun, sabi ko bakit sya "mainit" sa mata ng militar (na dinetalye nya sa "Huling Dalagang Bukid"). Narito pala ang sagot. Doon kasi sa "Tutubi, Tutubi" at "Utos ng Hari" di pa sya masyadong militant. Dito, sa "Armando" parang ang lapit nya sa mga "kassma" para maisulat ang ganito ka-detalyeng libro.

As usual, mahusay ang pagkakasulat. Hindi cheesy at ramdam mo ang buhay ng isang kabataang namundok noong 70's dahil sa isang ideology na pinaniniwalaan nya at ipaglalaban habang sa huling sandali ng buhay nya.

Mabuhay ka, Ka Cleto/Ka Simeon/Ka Armando (Teng)!


message 497: by Juan (new)

Juan | 1532 comments waaahhhh! nakakainggit ka!


message 498: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hintay ka sa pagyayaya ko sa iyo sa bahay namin. Magkakalkal tayo ng mga puwede mong hiramin hehe.


message 499: by Juan (new)

Juan | 1532 comments wooooohoooooo!!! sabik na ako!


message 500: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Rise wrote: "Huling binasa ... Maganda pa ang Daigdig, nobela ni Lazaro Francisco na lumabas sa Liwayway magazine noong 1955. Malalim ang pananagalog. Bigyan ka ba naman ng mga linyang tulad ng: "Natanaw niya a..."

Rise panalo to! pero hindi naman ako panghihinaan ng loob para hindi basahin ang mga lumang akda na ito.


back to top