Pinoy Reads Pinoy Books discussion

326 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments (showing 1-50 of 825) (825 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 16 17

message 1: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Anong librong Pinoy ang huli mong nabasa? Anong masasabi mo. Puwede mong ilagay ang link ng review mo dito.

Mine was this:

Sugar and Salt by Ninotchka Rosca
Sugar & Salt
by Ninotchka Rosca

Here is the link to my review: (3 stars)


message 2: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Soledad's Sister ni Jose Dalisay. Ang gusto ko talagang basahin muna ay Killing Time in a Warm Place pero ito lang ang meron sa bookstore. Ang galing ng umpisa nito na may pamagat na "The Woman in the Box", mula sa Palanca-winning short story ng author. (review)


message 3: by Ayban (last edited Sep 25, 2012 09:35AM) (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Ito ang huli kong binabasa, at kasalukuyang binabasa ang ikalawang antolohiya(na wala pa sa GR booklist)

Mga Kuwento ni Lola Basyang

4 stars to, nakakatuwa kasi ang mga istorya, pambata at magaang basahin, mga elemento ng kaharian, prinsesa, halimaw atbp.
Mga Kuwento ni Lola Basyang by Severino Reyes


message 4: by Jim (new)

Jim Agustin (Jim_Pascual_Agustin) | 88 comments Isa Lang ang Pangalan Mga Tula by Rebecca T. Añonuevo Isa sa mga aklat na nabili ko noong huli akong dumalaw sa Pilipinas. Nakahagilap din ako ng iba pa niyang aklat. Balak kong magsulat ng review isang araw... kailan kaya?


message 5: by Bethany (last edited Sep 25, 2012 02:11PM) (new)

Bethany  (Book Noy) | 1028 comments huli kong mga binasa;

My Imaginary Ex by Mina V. Esguerra Baha-Bahagdang Karupukan by Jim Pascual Agustin Road Trip by Ru Dela Torre Back on Track Shifting Back to Grace by Ru Dela Torre

maganda silang pang-inspirasyon at nakagagaan ng pakiramdam. 4 stars sila para sa akin.


message 6: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Po, salamat sa pagpapaala-ala. Gagawa ako ng thread para kay Mina. Interesting yang "Road Trip" na yan ha.


message 7: by Bethany (last edited Sep 25, 2012 03:17PM) (new)

Bethany  (Book Noy) | 1028 comments tnx!... maganda itong bagong book club lahat Pinoy Books


message 8: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
It's about time, Po.


message 9: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Natapos ko na basahin ang The Gold in Makiling ni Macario Pineda na isinalin mula sa Tagalog ni Soledad S. Reyes. Kabuklat-buklat (page-turner?) na libro. Isang love story na may mga elemento ng pantasya, mito, alamat, at nasyonalismo. Subukan ko irebyu later. Rekomendado ito.


message 10: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Kakaiba rin pala ang libro na yan. Mula sa Tagalog sinalin sa ingles at sa ingles mo nabasa. Hahanap nga ako ng kopya ko. Salamat, Ryan.


message 11: by Jayvie (last edited Sep 27, 2012 12:21AM) (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Mga Angst Ng Isang Di-Mahapayang Gatang ni Resty Mendoza., Mahusay, bagay na bagay sa mga taong maraming reklamo sa buhay.


message 12: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Salamat, Jhive. Mukhang interesting. Available ba yan sa NBS?


message 13: by Ezekiel (new)

Ezekiel del Rosario (ezekielnorwin) | 8 comments Wag Lang Di Makaraos 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)  by Eros S. Atalia

100 Dagli ang huli kong nabasang Pinoy na libro. Nakita ko Sir K.D. na nabasa niyo na 'tong librong to, pero I would recommend this to anyone kase ang gaan lang basahin at sigurado ako, sa 100 kwento na nasa librong 'yun, kahit isa, may magpapangiti sa inyo.


message 14: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
O magpapaiyak o aantig sa puso ninyo.


message 15: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments K.D. wrote: "Salamat, Jhive. Mukhang interesting. Available ba yan sa NBS?"

Available po :) yan yung bagong labas din ng Visprint bago yung "A Bottle of Storm Clouds".,.


message 16: by Ezekiel (new)

Ezekiel del Rosario (ezekielnorwin) | 8 comments Nakita ko nga nung WIT'12 nung nirelease nila yung 'A Bottle of Storm Clouds.' Nice to see Visprint venturing in the YA scene, with the addition of Karen Francisco's Naermyth.


message 17: by Ezekiel (new)

Ezekiel del Rosario (ezekielnorwin) | 8 comments K.D. wrote: "O magpapaiyak o aantig sa puso ninyo."tama!


message 18: by K.D., Elder (last edited Sep 28, 2012 06:28PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Jhive, sorry naman. Di ko yan nakita sa NBS Bestsellers kahapon. Next time siguro.

Zeke, I admire Visprint. Laging makabuluhan ang mga libro nila. Nabasa ko na ang Naermyth. Maganda.

Sa "Wag Lang Di Makaraos", hanggang ngayon naiisip ko pa rin yong "Birthday Cake." Para sa akin, pruweba yan na may saysay ang libro. Yong pag may ayaw umalis sa isip mong mga imahen ilang buwan o ilang taon man ang lumipas.

Kahapon, natapos kong basahin ang pangalawang aklat ni Samar:

Halos Isang Buhay Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela by Edgar Calabia Samar
Halos Isang Buhay
ni Edgar Calabia Samar

Narito ang aking rebyu : (4 stars).


message 19: by Ogie (new)


message 20: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Oppa, ganda yan. Ang dagang nasa inidoro! Paanong pinapalo ang daga sa pamamagitan ng martilyo na di nasisira ang inidoro? Palagay mo?


message 21: by Hannah (new)

Hannah (kamehamewave) | 5 comments It's Not That Complicated Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012 by Eros S. Atalia

Binasa ko sya sa Powerbooks at di ko gaano nagustuhan. Pinakapaborito ko pa rin yung Wag Lang Di Makaraos.


message 22: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Hannah, pareho tayo. Maganda lang ang title nya. Tsaka nasa cover si Edgar Allan de Guzman (ang bestfriend ni Mr. Fu).


message 23: by Ultimotomasino (new)

Ultimotomasino | 25 comments Ang huling librong nabasa ko sa Filipiniana ay ang "Olvidon" ni F. Sionil Jose. Actually, tatlong magkakasunod na gawa niya binasa ko-una "The God Stealer" tapos "Waywaya".
Pero mas gusto ko ang koleksiyon niya ng Waywaya (pero maganda rin Olvidon) kasi parang in chronological order yung positioning ng stories based sa timeline ng history ng Pilipinas. Sobrang naiyak ako sa short story niya na "Progress". Yun talaga e. As in nung binabasa ko siya andun yung "hatak" na tatapusin mo talaga siya. Nung natapos ko yung kuwento, feeling ko, na-betray ako nung ending kasi magkasama kaming naglakbay ng pangunahing tauhan at pakiramdam ko, pati ako nanakawan 'di lamang ng materyal na gamit kundi pati ng karangalan.
Grabe, galing talaga. Hwooh!


message 24: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Salamat sa pagbabahagi ng iyong karanasan, Ultimotomasino. Babasahin ko nga yan.


message 25: by Paolo (new)

Paolo | 26 comments Ang Mundong Ito ay Lupa by Edgardo M. Reyes

Galing talaga!


message 26: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Salamat at nagustuhan mo, Paolo. Very subtle ang characterization doon sa character na nagpatiwakal.


message 27: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments @ Ultimo- plus 1 sa sinabi mo, maganda ang Waywaya, chronological effect gang sa 70's era. Astig ang "Progress" ayun angs paborito kong short story sa Waywaya. Sa Olvidon yung kay Crepusculo Lepidoptera at kay Sunbeam. Hehe. Nabasa mo na yung Puppy Love? Maraming magadang stories dun, paborito ko yung Endings, lalo na yung Twilight.


message 28: by Ogie (new)


message 29: by K.D., Elder (last edited Oct 01, 2012 04:43PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Oppa, maganda yan! Gusto ko yong paggamit nila kay Bernardo Carpio!

Natapos ko na ngayong umaga lang ang:
Sa Kasunod ng 909 by Edgar Calabia Samar
SA KASUNOD NG 909
ni Edgar Calabia Samar

Narito ang aking rebyu: (3 stars).


message 30: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Nalimutan ko na yung huling Pinoy na nabasa ko. Base sa journal ko ito yung mga binasa ko kamakailan lamang

Candido's Apocalypse ni Nick Joaquin
Cave and Shadows ni Nick Joaquin
Catch a Falling Star ni Cristina Pantoja-Hidalgo
Ilustrado ni Miguel Syjuco
Looking Back ni Ambeth Ocampo
Philippine Speculative Fiction, Volume 6
Soledad's Sister ni Jose Dalisay


message 31: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 155 comments Hula , Multo , Faith Healing, Attbp.; Expose ng Occult sa Pilipinas  by Hiram Pangilinan

Hula , Multo , Faith Healing, Atbp.
Exposé ng Occult sa Pilipinas

Nakakatakot basahin. Kasi non-fiction sya. :)


message 32: by Rise (new)

Rise | 1399 comments @ Krizia: Mukhang mga pang-award ang nabasa mo. Hindi pa ko nakabasa ng akda ni Pantoja-Hidalgo. Di pala sya novel.

@ Reev: Title at cover palang nakakatako na.


message 33: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments @Ryan: required reading ng kapatid ko ang akda ni Pantoja-Hidalgo kaya binasa ko rin. :)


message 35: by K.D., Elder (last edited Oct 04, 2012 07:12AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Oo. Definition #5.


message 36: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Counted yan, hindi foul. ü


message 37: by K.D., Elder (last edited Oct 04, 2012 09:42PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Natapos ko na kahapong umaga ang:
The Gold in Makiling A Translation of Ang Ginto sa Makiling by Macario Pineda
THE GOLD IN MAKILING
by Macario Pineda
(Translated to English by Soledad Reyes)

Here is the link to my review: (5 stars).


message 38: by Rise (last edited Oct 05, 2012 12:22AM) (new)

Rise | 1399 comments Deserving talaga ng gold medal yang nobela ni Pineda. Konting koreksyon lang, K.D. Ngayong taon lang lumabas ang translation dahil sa sentenaryo ng kaarawan ng manunulat. Si Doro ang kinausap ng journalist, hindi pinakilala yung journalist pero malamang alter-ego ni Pineda yun kasi nagsusulat din sya sa magasin ng Liwayway. Edmond nga ba ang buong pangalan ni Edong? Di ko na matandaan. Tinulungan sya ni Maria Makiling dahil sa pagtulong nya sa pipit. Kaya gusto ko rin ang banat nito na may kasamang environmentalism at advocacy for animal welfare. :)

Gusto ko ang linya mo na to: "It feels so refreshing in this world full of people whose cynical hearts have been hardened and disillusioned by their past lovers who cheated, dumped or manipulated them." At ang huling talata ng review mo ay dapat bigyan pa ng isang "like" na butones.


message 39: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Edong nga at di Edmond. Salamat, Ryan.


message 40: by Paolo (new)


message 41: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Kababasa ko lang din nyan, Paolo. Nung isang buwan. Bibihira ang ganyang babasahin na lumabas sa kasagsagan ng diktadurya ni Marcos.


message 42: by Paolo (new)

Paolo | 26 comments Noon din po ito lumabas? Buti hindi po napagtripan si Lualhati Bautista ng mga PC?


message 43: by Rise (new)

Rise | 1399 comments 1984 sya lumabas. Na-lift na ang martial law pero nasa kapangyarihan pa rin si Marcos.


message 44: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Paolo, gusto ko yang librong yan. Maganda rin yong pelikula.


message 45: by Paolo (new)

Paolo | 26 comments Sir KD, maganda po talaga iyung libro. Pinapanuod ko na rin po ngayon yung pelikula. Si Piolo pala si Jules.


message 46: by K.D., Elder (last edited Oct 07, 2012 05:02PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Oo. Nanalo yatang Best Supporting dyan si Piolo. Di pa sya gaanong sikat noon.

(10/8) Kababasa ko lang. Isang upuan.

Lovestruck Love Mo Siya, Sure Ka Ba? by Ronald Molmisa
LOVESTRUCK
by Ronald Molmisa

Ito yong review ko: (4 stars).

'Love it! Congrats, Ronald Molmisa!


message 47: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Kababasa ko pa lang:

Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Presbitero D. Modesto de Castro
URBANA AT FELIZA
ni Father Presbitero Modesto de Castro

Maganda.

Ito ang rebyu ko: (5 stars)

Walang kagatol-gatol na 5 stars.


message 48: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Sa palagay mo, K.D., bakit kaya di na required reading ang Urbana at Feliza?


message 49: by K.D., Elder (last edited Oct 12, 2012 12:06AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Kinupasan ng ng panahon. Yong ilang payo ng saserdote kay Urbana ay nakakatawa na:

1) Huwag mamimintana ang dalaga
2) Huwag magbibihis ng aninag na damit
3) Ang patingkayad ng upo (upo ng unggoy)
4) Atbp (di ko maala-ala ngayon)


message 50: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hahahaha pero naalala ko yan wag mamintana ang dalaga, kasi raw para ka raw nakabitin na ubas tinutuksong pumitas at kumain ang sinumang mapapadaan


« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 16 17
back to top