Rogelio L. Ordoñez's Blog, page 3

June 21, 2015

Pakinggan Ninyo Kami, Espirito Nami’y Nagsasalita

(Tula)


pakinggan ninyo kami

espirito nami’y nagsasalita…

di ng doble-karang mga pangungusap

ng salamangkerong mga pulitiko

o ng ganid sa tubong kapitalistang hunyango

at iba pang kampon ng uring dorobo

silang lumalaklak sa aming pawis at dugo

ngumangasab sa aming bituka’t laman

manapa, mga salita nami’y hitik

sa nakasusukang reyalidad

ng lipunang bulok at dapat paghimagsikan.


pakinggan ninyo kami

at magimbal sana kayo…

nakakadena pa rin

kahabag-habag naming bayan

ginagahasa ng mga amo ninyong dayuhan

at iilang kabalat na naghahari-harian

lagi ninyong inilalampaso sa kalbaryo

ng dalita’t dusa’t inhustisya

lagi ninyong ibinabayubay sa krus

ng dilim at pangamba’t kawalang-pag-asa

lugami naming la tierra pobreza.


pakinggan ninyo kami

espirito nami’y nagsasalita…

kayong mga diyus-diyosang

namumuwalan ang bibig

at bundat ang tiyan

sa yaman at grasyang inyong kinamkam.

pakinggan ninyo kami

kaming “walang bahay, walang lupa, walang-wala”

noon pa ma’y sabi nga ng isang makata

para kaming mga dagang naglulungga

sa ilalim ng mga tulay

gumagapang sa balikat ng mga estero

palikwad-likwad sa sanga-sangang eskinita

sa maalingasaw na bituka’t katawan ng kalunsuran

para rin kaming mga asong nakahimlay

sa mga parke, bangketa’t

gilid-gilid ng mga dalampasigan

nag-aabang ng tira-tirang pagkain

at nagbubungkal ng mga basurahan

para magkalaman lamang kumukulong tiyan.


pakinggan ninyo kami

espirito nami’y nagsasalita…

kaming umaamot ng kalinga’t habag

sa mga bituin sa kalawakan

sa mga alitaptap sa karimlan

at mukha ng buwang malamlam.

nakaluhod kami at nagdarasal

sa mga makina’t grasa’t granahe

ng mapang-aliping pabrika sa kalunsuran

nananambitan kami

sa mabubulas na mga palayan at tubuhan

ng mga asyenda’t bukirin sa kanayunan

at lagi’t laging sumasanib aming pawis at luha

sa hamog ng damuhang nananambitan

dahil yakap-yakap ng kalungkutan

ng habagat man o amihan.

kailan mapapawi ang dilim

sa dibdib ng bayan naming

alipin ng lagim at sagimsim?


pakinggan ninyo kami

espirito nami’y nagsasalita…

mga utak nami’y kumukulo

sumisilakbo ang aming dugo

naghihimagsik ang aming puso

di man lamang maaninag

ng mga mata namin ang pagsuyo

di man lamang namin marinig

mga bulong ng pag-asa

habang araw-araw

kami’y inyong sinasamantala

dignidad namin ay dinudusta

kinabukasan nami’y ibinabartolina

at walang pakundangang ibinibenta.


pakinggan ninyo kami

espirito nami’y nagsasalita…

at magimbal sana kayo

nagdarasal na kami ng sariling rosaryo

kaming mga alipin at binubusabos ninyo

di na litanya ng pagmamakaawa

kundi mga butil na ng pagbabanta

naghahabulang mga salita

sa aming nanginginig na bunganga.

pakinggan ninyo kami

espirito nami’y nagsasalita…

ayaw na naming awitin

kundiman ng pagkabigo

o tulain tagulaylay ng pagsuyo

dadagundong na sa mga bibig namin

mga nota ng magiting na pakikitunggali

para sa pinakasisintang la tierra pobreza

at di na mga kuwerdas ng gitara

kakalbitin ng mga daliring

sumawa’t namanhid na sa paghaharana

at sapagkat kami’y namumulat na

at di nahirating humimbing na lamang

sa pusikit na karimlan ng gabi

nanlilisik na kami ngayon

sa mga eksenang mapanlinlang

ng pelikulang lagi’t lagi ipinipiring

sa telon ng aming mga matang

matagal nang inulila ng luningning.

magimbal na sana kayo…

sagitsit ng kidlat

tungayaw ng kulog

daluyong ng galit

singasing ng punglo

dudurog sa inyong mukhang

nangapal sa sampal ng pilak at ginto

nagngingitngit na’t nagwawala

gatilyo ng paglaya!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 21, 2015 01:04

June 1, 2015

Dawn in the Heart of La Tierra Pobreza

{My English version of my MADALING-ARAW SA PUSO NG LA TIERRA POBREZA — my apologies for the influence of a few lines of a poem about Africa by Patrice Emery Lumumba, the first President of the Democratic Republic of Congo who was murdered by his political opponents on the alleged prodding of the CIA of America)


for a few years more than three centuries

you, indio, of my la tierra pobreza

suffered like a brute

pulverized and turned to ashes were your bones

scattered by the harsh wind

on grieving hills and ricefields

by the white lords of tyranny and grief.

your masters erected glittering temples

to protect your soul

to maintain your sufferings.

their right was to whip and torture you

your right was to weep and die.

they implanted and sculpted on your body

endless hunger, endless chains

death was like a large crawling snake

from the shrubbery forest

ready to treacherously bite you.

they laid on your neck poverty’s iron ball

they ravished your wife

the sparkling pearl of your home.

they raped your land and gold.

resounding like the sounds of drums

in the pitch-dark nights

the wailing of disgraced souls.

hustling like the rapids

the flow of tears and blood

of victims of injustices.

yes, from a foreign land

they travelled and docked

on the seashore of your motherland.

their cross and swords pierced your mind

to rapaciously rule your beloved land.

in every large tracts of land they grabbed

they made your sons their beasts of burden.

in their factories of greed

your sons’ arms were their screws and hammers

while preaching god is merciful to his brethren

but you are always grieving, indio

till your blood boiled

till your heart revolted

and you strewn to the wind

the melody of grief and pain

and kindled the fire of revolution

and slashed the necks of your oppressors.

but hence came new demigods

who again enslaved you

and still continuously enslaving you

in cahoots with your plunderers fellow indios!


yes, indio, of my la tierra pobreza

you were slaves for centuries

and still are slaves today

of the lords of sorrow and exploitation

but in the blazing fire

ignited by shadows now mere heap of skeletons

your valiant sons and daughters

will continuously dance

will always be vigilant

in the darkness of night

on mountains and fields of grief

and they will pour their blood

on now yellowish grass of hope

for the freedom and glory

of your beloved la tierra pobreza

you so fervently desire.

stare at the breaking of dawn

smell the scent of joy

the tender wind will wipe-out from your face

the tears of grief of our race

when, alas, at last

the talahib is on fire

blazing with embers full

on mournful hills and savannahs…

rejoice, indio

gloriously dance

dawn will inevitably turn-up

in the heart of our la tierra pobreza!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 01, 2015 03:02

May 31, 2015

SA MGA MAKATA NG INAALIPING LAHI

(pasintabi sa ilang linya ni Juan Hernandez Cruz ng Puerto Rico)


kapag ang mga tula’y

nagsisimulang gumiba’t dumurog sa mga pader

para bigtihin ang mga pulitiko

at mapagsamantalang uri sa nabubulok na lipunan

kapag naghuhumiyaw ang mga tula

at umiilanlang at rumaragasa sa hangin…

iyon ang oras ng totoong mga makata

iyon ang oras na dakila…

parang palaso’t punglong itutudla

ng tunay na makata ang kanyang mga tula

habang pinagmamasdan

ang pagbagsak sa lupa

ng mga tinudla…

iyon ang dakilang araw!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on May 31, 2015 15:54

May 29, 2015

SO CRUEL TO THINK OF ADIEU

(A poem NOT for lovers per se)


suddenly, yes, suddenly,

i know all will end

in a fleeting moment of awakening

those lingering illusions of love

those tempting stares and smiles

and  tender caresses on the arms

are mere pieces of shattered glass

scattered on desolate blades of grass.

i know everything will come to pass

like footsteps on the sand

like flashes of lightning on the sky

or the last gasps of a dying man.


so cruel to think of adieu

for am certain after parting

painful memories will scorch my flesh

and pierce my mind.

your shadow will stalk me

in every deserted streets

together we’ve strolled

in every poetic places

we’ve built our castles

of liberating dreams.

how can i learn to forget

when in every minute

memories cascade

in the waterfall of my brain?


but can you still remember me

as time silently passes by

especially at dusks

when loneliness is as cold

as the dewy december dawns?

can you still remember me

in the years to come

in your world of sacred dreams

even faded are the pictures

and  tenderly, so tenderly,

the dried leaves of memories

begin to fall and kiss

the parched earth of despair?

can you still remember

the old rag you most needed then

when your shivering soul

feverishly groped for love’s embrace?


when gone you are

and wish no more

to glimpse at me and behold

what can i do

but to embrace my solitude

and hope forevermore

that in this time and space

in the rebellious moment

of my forsaken life

you will again walk by

like my favorite music

so many, many times

am always yearning to hear

though violently slashing my heart

and continuously paralyzing

my meandering tormented soul.

so cruel, yes, so cruel

to always think of goodbye!


———————————

KAY LUPIT ISIPIN ANG PAMAMAALAM


alam kong matatapos ang lahat

sa isang iglap lamang

sa isang sandali ng pagkamulat

madudurog na parang salamin

ang ilusyon ng pagmamahal

gayundin ang mapang-akit

na mga ngiti at titig

at masuyong haplos sa bisig.

alam kong mapapawi ang lahat

gaya ng mga bakas ng paa

sa buhanginan

o saglit na pagguhit ng kidlat

sa kalawakan.


kay lupit isipin ang pamamaalam

dahil tiyak kong pagkatapos ng lahat

dadalawin ako ng mga gunitang

magpapakirot sa kaisipan

at papaso sa kalamnan.

susundan akong lagi ng iyong anino

sa mga lansangang niyapakan

sa mga pook na naging kastilyo

ng ating mga katawan.

paano nga ba mapag-aaralan ang paglimot

kung sa bawat sandali ng pag-iisa

parang tubig na bumubulwak

ang mga alaala?


ngunit maalaala mo pa kaya ako

sa paglipas ng mga panahon

lalo na kung mga dapithapong

ang karimlan ay nagpapatindi sa pangungulila

at ang kalungkutan ay sinlamig

ng mga madaling-araw ng disyembre?

maalaala mo pa kaya ako

sa paglipas ng mga panahon

sa iyong daigdig ng mga pangarap

kahit malabo na ang mga larawan

at banayad na nangalalaglag

at humahalik sa lupa

ang mga tuyong dahon ng gunita?

maalaala mo pa kaya ang isang lumang balabal

na kinailangan sa mga sandaling

ang kaluluwa’y nagiginaw sa pagmamahal?


kung wala ka na

at tuluyang ayaw na akong makita

ano pa nga ba ang magagawa

kundi yakapin ang pag-iisa

at patuloy na asahang

sa isang iglap na sandali ng buhay

ay muli kang magdaraan

kagaya ng musikang

paulit-ulit na pinakikinggan

kahit humihiwa sa puso

at nagpapamanhid sa kaisipan…

kay lupit isipin ang pamamaalam!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on May 29, 2015 19:20

March 21, 2015

Dancing Are The Shadows

(Poem)


on the screen of my mind

dancing are the shadows

of former comrades

who had all departed long ago

but had left indelible imprints

of rebellious memories

on hills and cliffs

of unyielding struggle

against the exploitative

gluttonous ruling class

lyncean eyes

clenched fists of protest

heaving breasts

of anger and rebellion

feet violently kicking

the shrubby path

of liberating dreams

accusing forefingers

against the conscienceless demigods

of a rotten worm-infested society.


dancing are the shadows

even on the curtain of my eyes

not the pandanggo or rigodon

of the rich and powerful

not the dance of joy

of plunderers of public funds

but performing they are

war dances of valiant struggle

like the buza of russia

or it-tahtib of egypt

or combat hopak of ukraine

or yarkhushta of armenia.

dancing are the shadows

and i will not soundly sleep

till i see thousands

and thousands of flaming torches

in the darkness of my beloved land!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on March 21, 2015 18:43

February 23, 2015

Umiindak Ang Mga Anino

(Tula)


umiindak ang mga anino

sa telon ng kamalayan

mga kasamang namaalam

ngunit nag-iwan

ng iniukit na mga bakas ng alaala

sa mga burol at talampas ng pagsinta

nanlilisik na mga mata

mga kamao ng protesta

mga umaalong dibdib ng natipong ngitngit

at nag-aalab na paghihimagsik

mga paang marahas na sumisikad

sa palanas at madawag na gubat

mga hintuturong nanunumbat

sa manhid na budhi’t kaisipan

ng iilang hari-harian

sa bulok, inuuod na lipunan.


nagsasayaw ang mga anino

maging sa kumot ng balintataw

di pandanggo’t rigodon

ng mga makapangyarihan

o sayaw ng pagdiriwang

ng uring gahaman sa yaman ng bayan.

manapa’y umiindak sila

sa ritmo ng pakikibaka

tulad ng buza ng rusya

o it-tahtib ng ehipto

o combat hopak ng ukraine

o yarkhushta ng armenia.

nagsasayaw ang mga anino

at di ako mahihimbing

hanggang di nasisilayan

lagablab ng libong sulo

sa karimlan ng aking bayan!

————————————————————

(buza, it-tahtib, combat hopak at yarkhustha —

mga sayaw ng pakikidigma)

————————————————————-


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 23, 2015 19:42

February 19, 2015

Mambeberso Tayo

(Tula)


mambeberso tayo

ng inuuod na lipunang

walang urbanidad ni dignidad

dahil sa iilang diyus-diyosang tanging hangad

sikmura’t bulsa nila ang tanging mabundat.

mambeberso tayo

ng marawal na reyalidad

dahil sa mga panginoong walang pakundangan

sa sagradong kapakana’t karapatan

ng masang sambayanang lugami sa karalitaan

gayong nagdiriwang sa mesa ng kapangyarihan

silang mandarambong sa pondo ng bayan.

oo, mambeberso tayo

ng hinaing at mumunting mga pangarap

ng milyun-milyong mga sawimpalad

na laging alipin ng dusa’t bagabag

habang hustisya’y bulag at grasya’y mailap.


oo, mambeberso tayo

di ng masabaw at malibog na pag-iibigan

sa mga teleserye ng paglalambingan.

mambeberso tayo

di ng himutok ng mga pusong dinurog

ng nakababaliw na pagmamahal

at nabubuhay sa ilusyong hatid

ng bilog at buwang malamlam.

mambeberso tayo

di ng bumabalong na luha ng kapighatian

sa mga eksena ng paghihiwalay

sa mga kuwento’t telenobela

ng nanggigitatang pagmamahalan.

mambeberso tayo

di ng pantasya’t kahangalang

naghambalang mga drakula’t aswang

o mga darna’t spider man

sa lipunang walang pakundangan sa ating katinuan.


manapa, oo, mambeberso tayo

ng dagundong ng kulog

at sagitsit ng kidlat

ng oda ng granada

at sonata ng bomba

ng tungayaw ng punglo

at epiko ng pakikibaka

ng sambayanang masa

lalo’t naghahari’y

talamak na inhustisya

ng uring mapagsamantala.

oo, mambeberso tayo

ng protesta ng hukot na gulugod

at brasong halos buto’t balat

ng ngitngit sa impis na dibdib

ng himagsik sa humpak na pisngi

ng rebelyon ng matinding galit

sa mga matang binabalungan

ng luha ng dalamhati ng lahi

at malinaw na nakakilala

sa dilaw na mga petalya ng pagdurusa

ng sambayanang masa!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 19, 2015 20:26

January 24, 2015

Natitigan Ko Mukha Ng Pagdurusa

(Tula)


natitigan ko

mga mukha ng pagdurusa

nakaukit sa mga bangketa

ng sanga-sangang mga kalsada

nakapaskel sa dibdib ng mga eskinita

naghilera sa balikat ng canal de la reina

sa kalunsuran ng mga pangamba.

nakapinta rin ang mga iyon

sa naninilaw na damuhan

nakatulala sa mga pilapil at pinitak

ng kabukirang di sibulan ng pag-asa.


natitigan ko

mga mukha ng pagdurusa

sa mahaba ko nang paglalakbay

sa pagitan ng dilim at liwanag

sa mga burol at sabana

hanggang sa aspaltadong mga kalsada

mga mukha iyong malamlam ang mga mata

kumikibot mamad na mga labing

umaamot ng kapirasong ligaya

sa kulimlim na papawirin

ng dalita’t dusa.


oo, natitigan ko

lahat na yata ng uri ng mukha ng pagdurusa

umuukilkil, nanunumbat

sa puso ko’t kaluluwa

gumugutay sa himaymay ng aking laman

humahagupit sa pinto ng isipa’t katinuan

ano ang iyong ginawa nang parang ulilang sigang

unti-unting naghihingalo ang apoy ng pag-asa

sa mga mukhang kamukha ng iyong mukha?

mahimbing ka na lamang bang matutulog

sa daluyong ng pagsasamantala’t inhustisya?


oo, natitigan ko’t laging umaali-aligid

mga mukha ng pagdurusa

ano ang iyong ginawa nang makita mong

sila’y humihikbi’t lumuluha

sa hangin at sinag ng araw ay nagmamakaawa?

ano ang iyong ginawa

nang maulinigan mo hinaing

ng mga labing natatakam

at nangungulila sa kapirasong pag-asa?

matutulog ka na lamang ba’t magpapantasya

o hihimukin ang lahat nang kamukhang

ihasa’t iwasiwas ang tabak ng laya’t ligaya?


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on January 24, 2015 20:18

January 10, 2015

Sa Enero 15, 2015 (sa pagdalaw ni Jorge Mario Bergoglio — Papa Francis ba o Kiko?)

(Tula)


pagsayad na pagsayad

ng mga paa sa lupa

ni jorge mario bergoglio

sa enero 15, 2015

sa lupain ng mga indio

(papa francis ba o kiko?)

huwag kang bastos, impakto

kung maaari’y lumuhod ka

sa maruming lupa

mag-antanda at magpatirapa

siilin ng halik

maalikabok na kalsada

maaaring taglay ng kanyang talampakan

isang libo’t isang laksang orakulo

at mga milagrong magpapalaya sa iyo

sa karalitaan, inhustisya’t kaalipinan

kapag iniwasiwas niya kanyang mga kamay

(papa francis ba o kiko?)

singhutin mo ang hangin

buong giliw na samyuin

amoy monosidyo man ng mga tambutso

o pawis ng daragsang milyong deboto

huwag kang ngumiwi, impakto

tanda iyan ng kawalang-galang

basta maghosana sa kaitaasan

purihin ang kanyang kamahalan

(papa francis ba o kiko?)


maging akong ereheng naturingan

dahil di naniniwala sa mga ritwal

ng mga sakristan at pari sa simbahan

sa paulit-ulit na pagrorosaryo’t

saulado’t pare-parehong mga dasal

ngayo’y ganap na nagpupugay, humahanga

sa mga salitang kanyang binitiwan

sumanib yata puso’t isipan

ni karl marx sa kanyang kamahalan

(papa francis ba o kiko?)

kaya simbahan, sabi niya’y dapat kumalinga

sa mga sawimpalad at maralita

sumpain daw nawa’t kabakahin

iilang dorobong diyus-diyosang

namamayagpag sa bulok na lipunan

silang mapagkunwaring mga santo’t santa

sa mga pabrika’t empresa

at asyenda ng pagsasamantala

silang mga mandarambong sa burukrasya

silang mga hari-hariang walang kabusugan

sa pawis at dugo ng masang sambayanan

silang patuloy na taliba ng inhustisya

at naglulublob sa pambansang yaman

at saganang grasyang

mula diumano sa poong maykapal

isinabog niya sa lupa’t umaapaw

sa di matingkalang habag at pagmamahal

para dapat sa lahat niyang nilalang.


huwag kang bastos, impakto

erehe ka man o demonyo

baka tainga mo’y putulin

ng matapang na si san pedro

anghel de la guardia

ni jorge mario bergoglio

(papa francis ba o kiko?)

sit laus plena

sit sonora

sit jucunda

sit decora

basta mag-antanda at magdasal

baka umulan ng kanin at litson sa kalsada

mapuno ng puto seko’t puto bungbong

mga barungbarong sa canal de la reina

bumaha ng bigas at de lata

sa mga dampa sa mga nayon ng pangamba

at di dalawin ng bagyo’t kalamidad

nananangis na mga lugar

ng lungkot at kawalang-pag-asa.


malay mo, impakto

baka may milagro nga

kahit maging si padre burgos ay di naniwala

basta mag-antanda at magdasal

huwag kang bastos, malay mo, impakto

baka paglisan ni jorge mario bergoglio

(papa francis ba o kiko?)

sa binaog na lupain ng mga indio

libre nang pabinyag, pakasal, pamisa

sa lahat ng simbahan nila

at libre na rin mga maralita

para makatikim kahit aspirina

sa mamahaling mga ospital nila

at makapag-aral na rin sa wakas

anak ni juanang basa at pedrong tigas

sa pangmayama’t esklusibong paaralan nila

maging hanggang kolehiyo’t unibersidad

upang si demonyong juan at pobresitang petra

di lumaking gago’t tanga

at may kahanga-hangang talino’t

maaaring makihalubilo’t makipagtsismisan

sa nagbabanal-banalang alta sosyedad

at makipagdaupang-palad, makipagngitian

sa mga santo-santita’t patron

ng ipokritang urbanidad at moralidad.


ngunit, ngayon pa lamang…

diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa

akong erehe mong anak

buong pagpapakumbabang humihingi ng tawad

mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa

patawarin anak mong nagkasala

baka kapag nagmisa

si papa francis sa luneta

ni hindi ko masulyapan man lamang

nagniningning niyang tiara

tiyak na guguwardiyahan siya

ng mga impaktito’t impaktita

ng umaalingasaw na burukrasya

gayunpaman, papa francis o kiko

servus servorum dei

hosana in excelsis

benedictus qui venit

in nomine domini

purihin ka ng inaliping mga indio

sa mahigit na tatlong dantaon

at alipin pa rin hanggang ngayon.


o, diyos ni abraham…

mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa

(papa francis ba o kiko?)

patawarin anak mong nagkasala

pagtitiisan ko na lamang pagmasdan

sa bote ng hinebra ng la tondena

sa restawran ni chekwa sa ermita

iyong anghel de la guardia

michaelem archangelum

nakaamba kumikislap na espada

sa plato ng kambing pulutan

may bendita ng ketsap papa

diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa

mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa

patawarin anak mong nagkasala

dalangin ko na lamang sa tuwi-tuwina

sumanib nawang ganap sa katauhan mo

kamahal-mahalang jorge mario bergoglio

(papa francis ba o kiko?)

marangal at mapagmahal na puso’t diwa

ng idolo naming milyong maralita

sa lupain ng dusa’t dalita

si karl marx na lalaging dakila

sa mata naming busabos at timawa

sa pagsasamantala’t inhustisya

ng iilang diumano’y pinagpala

sa lipunang lubhang balintuna!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on January 10, 2015 12:45

December 31, 2014

2014 in review

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2014 annual report for this blog.



Here's an excerpt:



The Louvre Museum has 8.5 million visitors per year. This blog was viewed about 80,000 times in 2014. If it were an exhibit at the Louvre Museum, it would take about 3 days for that many people to see it.


Click here to see the complete report.


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on December 31, 2014 12:29