Rogelio L. Ordoñez's Blog, page 4

December 23, 2014

Paglisan At Daratnan

(Tula)


sa makulimlim na enero’y lilisanin ko na

mahalumigmig at nakukumutan ng niyebeng

nanginginig na kalupaan ng manitoba

waring dambuhalang puting papel iyong

itinakip sa malawak na damuhang

hindi na yata humihinga

matatakasan ko na rin

nangangagat na lamig

sa buto ng mga kasukasuan

at litid ng kalamnan

matatakasan ko na rin

hanging sinlamig ng bangkay

at sumasampal sa mukhang

wala na yatang pakiramdam

umuulos, tumatarak iyon

maging sa puso’t isipan

ngunit ano nga ba ang naghihintay

at aking daratnan

sa la tierra pobrezang aking sinilangan

at kadluan ng di masukat na pagmamahal?


tiyak, naroroon pa rin

malamig pa sa niyebeng karalitaan

sa libingan ng mga buhay na kalansay

mga nilikhang namamaluktot sa ginaw

sa ilalim ng mga tulay

mga tulay na nag-uugnay

sa pangarap at kabiguan

sa mga bangketa, parke’t damuhan

himlayan ng mga kaluluwang nananagimpan

tiyak, naroroon pa rin

nakabalabal na lamig ng kapighatian

sa mga dampa sa liblib na kanayunan

sa mga asyenda’t bukirin ng kasakiman

tiyak, naroroon pa rin

nagyeyelong luha’t pighati

sa mga pabrikang gilingan ng laman

at sa nakaluhod na mga barungbarong

sa balikat ng esterong nagbalatay

sa katawan ng gubat ng kalungsuran.


oo, tiyak, naroroon pa rin

naghihintay at aking daratnan

sa pusod at dibdib

ng la tierra pobrezang pinakamamahal

lamig ng di madakmang pag-asa

sa puklo man ng mga eskinita

o suso ng tambakan ng basura

o sa mga pook ng pagdurusang

hinahagupit ng mahanging niyebe

ng pagsasamantala’t inhustisya

mula sa buktot na burukasya

at moog ng uring mapagsamantala

ngunit pasasaan nga ba

sa pamamagitan ng maalab na pakikibaka

ng may budhing panlipunang mga anak ng bayan

matutunaw rin ang mga niyebe

ng karalitaan,kalungkutan at pagdurusa

lalo’t namumuo nang lubusan ang daluyong

o tsunami ng ngitngit ng sambayanan

at lulunurin ng niyebeng matutunaw

lahat-lahat sa palasyo ng kasakiman!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on December 23, 2014 19:40

September 21, 2014

Sad Few Notes on Creative Writing

Originally posted on :


One striking fact about Philippine Literature (English or Filipino) is that our creative writers have been, and still are, suffering a very unpopular verdict from the reading public. This kind of notoriety is quite appalling, considering the professed literacy of our society.



The situation strikes us sharply. For between a choice, say, of Emile Loring’s “What Then Is Love?” or some novels in comics form of Carlo Caparas on one hand and, on the other hand, of Nick Joaquin’s “The Woman With Two Navels” or Ninotchka Rosca’s “Twice Blessed” (1993 American Book Award) or her novel “State of War” that clearly depicts the lives of ordinary people under the Marcos dictatorship, the choice is decidedly ready-made: Joaquin and Rosca suffer the tyranny of unpopularity not because they are unacceptable writers but, simply, their elegant style does not excite the taste buds of ordinary readers. This is also true as regards…


View original 531 more words


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 21, 2014 14:59

September 7, 2014

Lumuluha Tayo’t Nananaghoy

(Tula)


lumuluha tayo’t nananaghoy

hindi dahil ipinagdaramdam natin

ang sarili nating mga kasawian

o dinudurog ang sarili nating mga puso

ng mga dagok ng karalitaan

lumuluha tayo’t nananaghoy

dahil napagmasdan natin

ang mga aninong walang masulingan

at mga katawang ginagahasa ng karimlan

sa mga gabi ng ating paglalakbay at paglalamay

sa paghahanap ng liwanag sa gubat ng dilim at sagimsim

lalo’t walang kumikindat ni isang bituin

sa papawirin ng ating sagradong mithiin.

lumuluha tayo’t nananaghoy

dahil patuloy na binubukalan ang ating mga mata

ng mga luha ng dalamhati ng lahi

habang naglilingkisan sa telon ng balintataw

mga eksena ng malagim na pelikula

sa ating pinakasisintang la tierra pobreza.


lumuluha tayo’t nananaghoy

dahil hitik sa matimyas na pagmamahal ang ating mga puso

hindi para sa ating sarili

hindi para sa ating sikmura’t katawang dinudusta

sa maalindog na mga templo’t palasyo ng mga pinagpala

bawat araw, namumukadkad ang pagmamahal

sa himaymay ng ating laman

dahil mga ugat nati’y karugtong ng mga ugat

ng mga sawimpalad, ng uring dayukdok at binubusabos

silang walang habas na ikinakadena

ng mga diyus-diyosan sa bilangguan ng dalita’t dusa

lumuluha tayo’t nananaghoy

dahil dugo nila’t dugo nati’y nagmumula sa iisang batis

ng sagradong mga pangarap at adhikain

at kapwa natin nakikita ang mabining pagdausdos ng hamog

sa dila ng naninilaw na mga damo

sa burol man o sabana ng pakikibaka

oo, tigib ng pagmamahal ang ating mga puso

para sa laya’t ligaya ng bayang pinakasisinta.


oo, lumuluha tayo’t nananaghoy

dahil hitik ang ating puso ng matimyas na pagmamahal

dinadaluyan ng malasakit at pakikiramay

sa lahat ng naglalagos ang mga titig

sa mga bubong na pawid sa kabukiran

sa inaagiw na mga eskinita sa kalunsuran

at nagdarasal na mga barungbarong

sa balikat ng nagbalatay na estero

mulang tripa de gallina hanggang canal de la reina.

lumuluha tayo’t nananaghoy

dahil bumubulwak sa ating mga puso

matimyas na pagmamahal

ngunit nag-aalab ang ating mga utak

habang nagdiriwang sa mesa

ng karangyaan at mapagsamantalang kapangyarihan

silang mga diyus-diyosan ng balintunang lipunan

at titiguk-tigok naman ang lalamunan

ng gumagapang na masang sambayanang ibinubulid

sa kumunoy ng kahimahimagsik na karalitaan.


oo, lumuluha tayo’t nananaghoy

ngunit ito’y hindi magpakailanman

kapag tuluyang naglagablab ang mga apoy

ng sigang sinindihan sa ating dibdib

ng mga aninong kalansay na ngayon

magbabanyuhay rin ang lahat

bawat patak ng ating luha’y huhulmahin

sa pandayan ng layang dakila

at magiging mga palasong itutudla

sa puso’t lalamunan ng uring baligho

para sa ganap na katubusan

ng uring alipin at dayukdok

at ganap ding kasarinlan

ng lugaming la tierra pobreza!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 07, 2014 21:34

August 16, 2014

Let’s Shut Off The Curtain

(Poem}


let’s shut off the black curtain
stop the staging
of the zarzuela of stupidities
of illusions and deceits
already unmasked
are the charlatanic
scheming “holy” bastards
of this putrid,wormy guild
of the obnoxious ruling class
is there anyone who’ll confess
he marauded the kitchen
of the masses of the land?


let’s shut off the black curtain
stop the show of inanities
for so long a time now
arid and quivering
are the people’s throats
they who are always short of food
short of clothes, short of money
no house, no piece of land
no nothing at all
while in the palace of plunderers
glutonnously feasting
are society’s pains in the ass.


let’s shut off the black curtain
what blockish shows you wish
to flaunt again
in the stage of moronic shits?
slumbering no more are the people
being awakened now
by the onslaught of penury and grief
even the swollen moon
stares like an indignant eye
while the country is gripped
by ghastly lurid nightmares
when the early dawn cracks a smile
what the people wish to see
is the performance of justice
severed heads dangling on clothesline
rows of bodies with torn flesh
squirting blood sprinkling the grass.


let’s shut off the black curtain
let flow on the stage
the blood of satanic men
let it water the withering dreams
of the masses continuously being oppressed
their sacred lives being transgressed
by the conscienceless ruling class.


let’s shut off the black curtain
“not all are sleeping in the darkness of night”
they now are awakening
seething with rage are their brains
wishing to slash with their bolos
the shrubby path of their dreams
so their wretched lives metamorphose
and, at last, they can smell
the sweet scent of joy and glory
in their beloved la tierra pobreza!


(My English version of ISARA NA NATIN ANG TELON)


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on August 16, 2014 05:43

June 22, 2014

Isara Na Natin Ang Telon

(Tula)


isara na natin ang itim na telon

wakasan na pagtatanghal

ng sarsuwela ng kahangalan

ng ilusyon at panlilinlang

nahubaran na ng maskara

mga pumapapel na santo-santito

sa bulok, inuuod na lipunan

wala bang isang demonyo man lamang

aaminin ang kasalanang

siya ang nandambong

sa paminggalan ng bayan?


isara na natin ang itim na telon

wakasan na ang pagtatanghal

ng mga kabalbalan

matagal nang tuyung-tuyo’t

titiguk-tigok ang lalamunan

ng madlang kulang sa kanin at ulam

kulang sa damit, kulang sa pera

walang bahay, walang lupa

walang-wala, ayon sa isang makata

sa palasyo naman ng mga pinagpala

nagpapakabundat mga impakto ng lipunan.


isara na natin ang itim na telon

ano na namang kahangalan

nais pang itanghal

sa entablado ng kasinungalingan?

nagigising na rin ang madla

sa daluyong ng dusa’t dalita

nanlilisik na rin pati ang buwan

habang binabangungot ang bayan

dula na ng katarungan

nais nilang matitigan

pagmulat ng kinabukasan

mga ulong ibinibitin sa sampayan

mga katawang nilalaplap ang laman

sirit ng dugong idinidilig sa halaman.


isara na natin ang itim na telon

dugo ng mga lapastangan

paagusin sa tanghalan

idilig sa nabansot na pangarap

idilig sa mga punla

ng pula, pulang mga rosas

hanggang tuluyang mamukadkad

at magsabog ng halimuyak

sa lupaing binaog ng mga mandurugas

silang iilang diyus-diyosang

pinaglalaruan lamang

sagradong buhay ng dinustang mamamayan.


isara na natin ang itim na telon

“di lahat ay natutulog sa dilim ng gabi”

nagigising na ang madlang manonood

sa sarsuwela ng inhustisya’t kawalanghiyaan

nag-aalab na ang kanilang mga utak

nais tabasin ng mga tabak

madawag na landas ng pangarap

upang magbanyuhay busabos na buhay

at malanghap sa wakas halimuyak

ng luwalhati’t ligaya

sa pinakasisintang la tierra pobreza!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 22, 2014 20:48

May 23, 2014

Panayam Noon Kay Ka Roger Rosal

(Panayam)


Bilang pagsariwa sa rebolusyonaryong mga alaala ni Ka Roger Rosal, pagkilala sa paninindigan ng kanyang anak na si Andrea, at pakikiramay sa mapait at wala sa panahong pagkamatay ng kanyang apong si Diona, minabuti naming ilathala sa Pluma at Papel ang aming panayam sa kanya noong nalalapit na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan, Marso 29, 2013. Una itong nalathala sa labas ng PINOY WEEKLY ( may petsang Marso 23-Abril 1, 2003).


ROGER AT ROGER –


AGRESYONG US: LALABANAN NG CPP-NPA-NDF


1.Sinasabi ninyong sa paglusob ng US sa Iraq ay lumalakas ang banta ng agresyong US sa Pilipinas? Bakit?

————————


Kahit naman wala pang pananalakay sa Iraq, palaging nakaamba sa Pilipinas ang agresyon. Kaya nga pinipilit ilusot ng gobyerno ni GMA ang Balikatan, ‘yun ang simula. ‘Yung mga Amerikano, nagpunta sa Kabikulan, nagsiyasat sila kung saan puwedeng maglunsad doon ng “joint humanitarian assistance” — ‘yan ay panimula na. Nauna ang Afghanistan, sumunod ang Iraq. Baka ang sumunod ay North Korea. ‘Yung dito sa Pilipinas ay tuluy-tuloy sapagkat kailangan nila ang Pilipinas para maging base sa Southeast Asia.


2.Kung tuwirang lumahok sa sagupaan ang tropang Amerikano dito sa bansa, ano ang gagawin ng CPP-NPA? Nakahanda ba at kakayanin ng Bagong Hukbong Bayan ang ganitong agresyon ng mga Kano?

——————


Malinaw sa mga Komunista’t rebolusyonaryo kahit noong umpisahan pa lamang ang rebolusyong ito na ang pangunahing kaaway ay ang imperyalistang Estados Unidos, at sa malao’t madali ay makakaharap nang tuwiran ang tropang militar ng Estados Unidos.

Kung magkaroon man ng agresyon, ang kasalukuyang digmang sibil sa Pilipinas ay matatransporma bilang isang pambansang rebolusyonaryong digma at maraming mga patriyotiko, mga Pilipinong nagmamahal sa bayan ang lalahok at hahawak ng sandata para sa rebolusyong pinamumunuan ng Partido Komunista pagkat hindi nila papayagang mayroong ibang dayuhang p’wersa o tropa na mangibabaw o manalakay dito sa ating bayan. Mas bibilis ang pag-unlad ng rebolusyon, at ang NPA ay sinisikap na makapaghanda d’yan. Matagalang digmang bayan ang tumalo sa Estados Unidos dun sa Vietnam, eh. ‘Yun din ang naging daan para magtagumpay ang Tsina sa panahon ni MaoZedong. Dun sa Afghanistan, dalawang “superpower” ang tinalo ng mga kapatid na Mujahideen, ang Estados Unidos at ang sosyal imperyalistang Unyong Sobyet.

Ang Bagong Hukbong Bayan ay nakahanda nang gawing mga target militar ang tropang Amerikano. Halimbawa, kung lalahok sa Balikatan ang mga Amerikano, at sila’y magkamaling tumahak o lumapit sa larangang gerilya, makakasagupa nila dito ang mga yunit panlaban ng Bagong Hukbong Bayan.


3.Paano nakatutulong ang mga “sympathy strikes” laban sa gerang US sa Iraq?

—————


Sa kasalukuyan, ‘yung sinasabing koalisyon ng mga mananalakay sa Iraq ay binubuo ng mga imperyalistang Estados Unidos at Bretanya at saka ‘yung mga pangunahing papet na gobyerno, tulad ng gobyerno ni GMA. Kaya anumang atake sa mga papet na gobyerno at iba pang kolonya ay atake laban sa Estados Unidos.

Ang pagbagsak ng mga papet na gobyernong ito ay pagpapahina sa kabuuang lakas, saklaw o impluwensiya ng EU sa buong daigdig. Kaya nga hinihikayat ng rebolusyonaryong kilusan ang lahat ng mamamayan, lahat ng mga organisasyon na mag-ambag ng kanilang kakayahan — ‘yan man ay kilos-protesta, o iba-ibang anyo ng pagtutol na kanilang makakayanan. Samantalang sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) naman ay ang pagpapatindi ng atake, ng opensibang militar sa papet na gobyernong Macapagal-Arroyo.

Para mapabilis ang pagpapatalsik kay GMA ay maglulunsad ng maraming atake sa kanayunan sa militar ang BHB, marahil pati na ang MILF. Tulad ng pagpapatalsik kay Estrada na naging posible sa isang pag-aalsang bayan… dahilan sa ‘yung sandatahang lakas ni Erap ay tinira nang tinira ng BHB sa kanayunan.


4.Ano ang inyong pagsusuri sa tunay na lakas ng AFP at rehimeng Arroyo?

———–


Ibayong mas marami at mas malakas ang reaksyunaryo at mersenaryong AFP at PNP. Pero tulad nang sinabi ni Chief of Staff Dionisio Santiago, ang kalagayan daw ngayon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay hindi maaaring tumagal ng isang araw man lamang sa isang labanan kung sakaling sisiklab ang isang digmaang kaugnay ng pagsalakay ng Estados Unidos sa Iraq.

Pero sa totoo, ang kahinaan ng AFP ay dahil sa napakabulok na gobyernong sibilyan na humahawak sa kanila. Ganun din sa AFP, laganap ang kurakutan, maraming mga heneral ang sangkot sa mga sindikato ng krimen kaya matindi ang demoralisasyon sa hanay ng mga sundalo.


5.Gaano naman kalakas ang CPP-NPA-NDF?

————-


Ang CPP-NPA-NDF ay nakapagtayo na ng mahigit na 128 larangang gerilya sa buong bansa, na ang pinakamaliit ay platun at pinakamalaki ay kumpanya. Sa susunod pang mga taon, sisikapin ng NPA na ‘yung mga antas platun ay maitaas sa antas kumpanya para pare-pareho nang lakas kumpanya ang mga larangang gerilya.

Ang kasalukuyang lakas ng NPA ay katumbas ng siyam na brigada o dalawapu’t pitong batalyon. May ilang libong mga regular na mandirigma at sampu-sampung libong milisya, ‘yung mga reserba ng NPA sa mga barangay. Ganundin ang daan-daang libong “core” ng depensa na nakapaloob sa mga samahang pangmasa na itinatayo ng rebolusyonaryong kilusan sa bawat barangay na kanilang kinikilusan. Maliit pa rin kung ihahambing sa lakas at laki ng reaksyunaryong hukbo pero matindi ang pagkakaisa, aral na aral dahil galing sa Ikalawang Dakilang Pagwawasto. Matatag, determinado at handang-handa sa pagharap sa anumang maaaring gawin ng reaksyunaryong sandatahang lakas.


6.Sinasabing sa malapit na hinaharap, hahantong sa patas-lakas ang bakbakan ninyo ng militar. Paano ninyo ito maisusulong?

———-


Kapag ang 2/3 ng kabuuang bilang ng mga munisipyong ‘yan ay nakilusan na ng isang platun ng Hukbong Bayan ay madali na laang maitaas ang antas ng pakikidigmang gerilya. Ibig sabihin ngayon ay nasa taktikal na yugto ng estratehikong depensiba ang antas ng digmang bayan. Kapag naabot na ang 2/3 ng kabuuang bilang ng mga munisipyo, maaari nang itaas sa sinasabing estratehikong pagkakapatas. Mga ilang taon pa seguro ang dadaan, pero tiyak hindi magtatagal ang mga bagay na iyan.


7.Ano rin po sa kabuuan ang hinaharap ng kilusang rebolusyonaryo sa Pilipinas?

———–


Napakabilis na ang isinulong ng rebolusyonaryong kilusan. Sa pahayag ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang ganap na tagumpay ay maaaring makamit ng rebolusyong Pilipino sa mga unang dekada ng kasalukuyang milenyo.

Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay nananalig na ito’y makakamit sapagkat ang mga imperyalista sa pangunguna ng Estados Unidos ay hindi makakaahon sa krisis ng imperyalismo. Kaya nga naglulunsad sila ng gera. Ito naman ang nagsisilbing magandang sitwasyon para makapagpalakas ang mga p’wersang rebolusyonaryo di lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig. Buo ang determinasyon ng rebolusyonaryong kilusan na makamit ang tagumpay sa unang dekada ng kasalukuyang milenyo.#


======= Marso 23, 2013


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on May 23, 2014 03:26

March 30, 2014

Will Search For You Always

(Poem)


will search for you always

in the blazing fire

and fleeting embers

when gloomy is the night’s

horizon of fright

will search for you always

in the heart and blood

of the oppressed class

in the bended spines

of exploited workers

and enslaved farmers

yes, will search for you always

by the shore of my soul

while onrushing are the waves

and hissing is the lightning

and rumbling is the thunder

in the panorama of love

for our liberating aspirations.


yes, will search for you always

in the pricking amorseco

along the yellowish path of hope

of barren, grieving ricefield

will search for you always

in the intertwining cogon grass

on hills and savannas

in the crawling cadena de amor

on forgotten graves

of dedicated warriors

for the freedom and glory

of the downtrodden class

and the emancipation

of la tierra pobreza

from the manacles of injustices

and chains of exploitation.


yes, will search for you always

in every dusk bidding adieu

or on mornings the dews descend

on desolate blades of grass

hoping we’ll soon meet

as our veins are conjoined

by the onslaught of penury and grief

and our blood simmers

with the kiss

of the easterly wind

of rampaging protests

and our hearts embrace

the revolution of love’s dedication

for the emerald-filled future

of our beloved land.


yes, will search for you always

and we’ll meet and rejoice soon

when the talahib fully blooms

and blood flows

from the calvary’s ovary

and drown we will

the worm-infested face and body

of the exploitative ruling class!


(My English version of LAGI KITANG HAHANAPIN)


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on March 30, 2014 20:42

March 27, 2014

Lagi Kitang Hahanapin

(Tula)


lagi kitang hahanapin

sa lagablab ng apoy

sa namamaalam

na mga alipato

kung gabing kulimlim

papawirin ng panimdim

lagi kitang hahanapin

sa puso’t dugo

ng mga sawimpalad

sa nahukot na gulugod

ng inaliping magsasaka

at binusabos na manggagawa

lagi kitang hahanapin

sa pasigan ng kaluluwa

sa ragasa ng mga alon

sa singasing ng kidlat

at dagundong ng kulog

sa kalawakan ng pagmamahal

sa mga layuning mapagpalaya.


oo, lagi kitang hahanapin

sa sundot ng amorseko

sa nanilaw na pilapil ng pag-asa

sa nagbitak na pinitak

ng bukiring naninimdim

sa naglilingkisang mga kugon

sa burol man at sabana

sa gumagapang na cadena de amor

sa limot nang libingan

ng mga mandirigma

para sa laya’t ligaya

ng sambayanang masa

at katubusan ng la tierra pobreza

sa tanikala ng inhustisya

at kadena ng pagsasamantala.


oo,lagi kitang hahanapin

magmaliw man ang dapithapon

lumuha man ang mga damo

pagpitada ng umaga

magtatagpo rin kita

dahil pinagdugtong ang ating ugat

ng daluhong ng dalita’t dusa

dahil pinakulo ang ating dugo

ng habagat ng protesta

at pinaglapat ang ating puso

ng rebolusyon ng pagsinta

para sa pinakamamahal nating

la tierra pobreza

kadluan ng madugo nating mga alaala

lunduyan ng ngitngit at himagsik

ng binubusabos nating lahi.


oo, lagi kitang hahanapin

at magtatagpo rin tayo’t magniniig

kapag ganap na namulaklak ang mga talahib

at agasan ng dugo ang obaryo ng kalbaryo

lulunurin sa wakas

inuuod na mukha’t katawan

ng uring hari-harian!


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on March 27, 2014 12:06

January 26, 2014

To Hear No More

(Poem)


i wish to hear no more

the rhythmic melodies of words

in vague phrases and paragraphs

no more do i like to hear

the clanking of rhetorics

like galvanized sheets

molded on the roof of an old bus

that could hardly run on a stony road

no more, no more do i like to hear

the marching cadence of lyricism

in many blindfolded lines

of crawling stanzas of poems

no more will my heart beat

through the touch

and caress of stunted syllables

my mind would just be tormented

by convoluted messages

shattered might be my eardrums

by the deafening cries

of a lonely heart swimming

in the sea of despair

singing only the sadness

of two separated grieving souls

weaving in poems the litanies of grief

and the delusion of a mind

enslaved by the love-stricken moon.


on the paper’s face

i wish to see the sputum of words

the bloody arms of lines

the rebellious metaphors of sacred dreams

of the prostrate masses on clayish soil

the flaming lyrics of the people’s brain

yes, i wish to hear in every stanza

the hissing of bullets

the roaring of bombs

in the poetic struggle

of the oppressed class

i wish to hear

in the encoded hymns

on the masses’ breast

the cussing of the wind

in the deep night

the dashing of lightning

on the face of darkness

the earsplitting thunder

in barren hills

the exploding protests

in the city’s bosom

the reverberating shouts

of a noble soul

cohabiting always

with the country

he loves forevermore.


yes, i wish to see no more

the framed pictures of deluded love

or torrid kisses of lustful lips

am oftenly blindfolded

by love’s illusions

you’ve painted

on the curtain of my eyes

lurking in my mind’s room

are numerous revolting images

slaves of darkness

tortured by the starless nights

when shall all these metamorphose?

scrawny arms

wrinkled faces

bended backs

emaciated bodies

twisted intestines

while feasting are the lords

on the abundant table

of flesh and blood

of slaves with rumbling bellies

while they

the demigods in gold palaces

savor the aged wines

the roasted pig

the sexy lass

when would they drop a speck of pity

on the palms of the downtrodden class

from whom they derived their awesome wealth

when would they give the dispossessed

a scoop of rice

to satisfy the kid’s growling stomach

where only air so oftenly dwells?


no more, no more

i wish to hear

the melancholic elegy

the praying ode

the squeking epic

the toothless words

the lame stanzas

that don’t spit

on the greedy face

of rapacious crooks

now, i wish to see

on wrinkled papers

flaming letters

in barren fields

burning words

reducing to ashes

the oppressors of the poor

i wish to see razor-like stanzas

slashing the breast

of fear and grief.

i wish to see no more

the lethargic words

so weak to invigorate

the people’s consciousness

yes, i like to see words

with violent waves

with surging storm

smashing the shores

of exploitation and injustices

let glare the sun’s heat

let shout the thousand words

let the rain be sharp arrows

or angry onrushing bullets

piercing the black heart

of the exploitative class

cracking the skulls of those

who’ve betrayed

the now and then

of a nation slaughtered

by the insatiable ruling class

blazing letters

flaming words

stanzas invectives full

armed with bombs and guns

would murderously incinerate

the shady palaces

of lords of corruption and greed!


(My English version of AYOKO NA!)

the crooks and plunderers


1 like ·   •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on January 26, 2014 19:19

January 7, 2014

Still Sleeping Is The Black Nazarene

(Poem)


how many packs of cigarettes, lolo hugo,

do you have to sell through the day

to buy pancit guisado

in be ho’s restaurant

at the corner of elizondo

for your waiting grandchild

inside a kneeling praying shanty

on the shoulder of the murky estero?

could you not just take home

plenty of holy bread

from the altar of father san pedro

and soak in holy water your cold rice?

the food might taste like stewed lamb

in the mouth of your crying haggard wife.


still sleeping is the black nazarene

inside the glossy glass coffin.


even you walk on oftentimes, lolo hugo,

from the spouting mouth

of the streets of r. hidalgo

down to the pulsating breast

of bilibid viejo

your feet could not kick a peso

nor a bread from heaven falls

nor your hands

be wet with porridge

cigarettes of those addicted like you

yes, cigarettes, and cigarettes

would make your eyes glare, lolo hugo.


still sleeping is the black nazarene

inside the glossy glass coffin.


how many decades had past, lolo hugo,

yet you’re still retailing cigarettes?

we’ve met so many times

at the bosom of plaza miranda

during the many seething bloody protests

against the grim unjust dictatorship

we’re both young and strong then

and could still run and board a jeepney

but now we’re both jerking grandpas

struggling so hard to survive

hoping against hope for a better life.


still sleeping is the black nazarene

inside the glossy glass coffin.


how many bell’s tolls, lolo hugo,

reverberated in your ears?

how many hymns and psalms

made you dream forevermore?

cigarettes! cigarettes!

though forbidden to be smoked everywhere

but poisonous is not the carbon dioxide

from the vehicles exhaust pipes

for us scavengers of whatever graces

from the pockets of our merciful god

how would you feed then

your dear waiting grandchild?


still sleeping is the black nazarene

inside the glossy glass coffin.


but we couldn’t tell, lolo hugo,

soon the black nazarene might wake up

through the kisses and embraces

of his millions of devotees

he might stand up and move

through the masses and prayers

of blessed father san pedro

then the nazarene would brandish

his big wooden cross

and behead the greedy mammals

in the palace of injustices

and slash open

the bellies of bureaucratic crooks

so they couldn’t grab and monopolize

the blessings we so rightly deserve.


still sleeping is the black nazarene

inside the glossy glass coffin.


yes, we couldn’t tell, lolo hugo,

once the black nazarene wakes up

we’ll raise the chalice of blood

we’ll make the enslaving haciendas

and factories of greed and penury

and the moss-covered bastions

of bureaucratic crooks

hear the chorus of gunfires and bombs

and the rampaging procession of the masses

would surge on to liberate

the oppressed-downtrodden class

from the manacles of injustices and greed

so, you, lolo hugo,

could take home pork lechon and adobo

for your waiting dear grandchild.


yet, now, lolo hugo,

still sleeping is the black nazarene

inside the glossy glass coffin!


(My English version of NATUTULOG PA RIN NAZARENONG ITIM. Lolo is the common term in Filipino for grandfather; estero is a murky stinking canal usually within the city; pancit guisado is sauted noodles.)


 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on January 07, 2014 18:37