Rogelio L. Ordoñez's Blog, page 2
October 1, 2015
Maglulunoy Ako Sa Iyong Mga Alaala
(Tula)
nilalagnat na init ng katanghalian
hininga ng iyong pag-ibig
sa pinakamamahal mong bayan…
rumaragasa ang hangin sa pamamaalam
nang ikaw ay tumimbuwang
sa masukal na kakahuyan.
walang kumikindat ni isang alitaptap
noong gabing nagdarasal
malamlam na mukha ng buwang
nakatitig sa daluhong ng karimlan.
lumuha ang mga damo
nanangis ang mga ibon
sa saliw ng mga putok ng kalaban
at bumulwak sa iyong dibdib
dugo ng lahing kayumangging
hitik sa matimyas na pagmamahal
sa uring alipin at dayukdok
at bansang laging nakalugmok
sa dusa’t alipin ng himutok.
maglulunoy ako sa iyong mga alaala
isisilid sa pulang sutlang supot
nagliliyab kong mga pangarap
buong ingat itatago sa baul ng adhika
lagi iyong tatanuran ng iyong gunita
habang umaali-aligid ulap ng pangamba
at dumaramba mga alon ng inhustisya.
oo, maglulunoy ako sa iyong alaala
kasing tingkad iyon ng pulang mga rosas
sa halamanan ng pagsinta
kasing init iyon
ng lagablab ng pakikibaka
kasing dalisay ng nektar ng gumamela.
maglulunoy akong lagi sa iyong alaala
at laging mag-aalab himagsik ng dugo ko’t diwa!
nilalagnat na init ng katanghalian
hininga ng iyong pag-ibig
sa pinakamamahal mong bayan…


September 13, 2015
Red Flowers Of My Dreams
(Poem)
i will pluck just a few red flowers
in the desolate garden of my dreams
tenderly, so tenderly,
i will kiss every flower
beneath the glaring high noon sun
and when the dusk caresses
and the cloud smacks
the aghast moon’s face
carefully, so carefully,
i will insert the petals of red flowers
between the pages of a sobbing book
i am the offspring of my history.
just a few red flowers
just a few i need
for my blood to swim in my veins
just a few red flowers
for my heart to beat incessantly
for my mind to be aflame
and let the wind’s wings
carry the rebellious sentiments
of a race being oppressed
while hissing are the bullets
in the bosom of tears and grief.
yes, just a few red flowers
i will pluck and kiss
in the desolate garden of my dreams
for me not to forget
am the offspring of my history!


September 9, 2015
Pulang Bulaklak Ng Mga Pangarap
(Tula)
pipitas lamang ako
ng ilang pulang bulaklak
sa ulilang hardin ng mga pangarap
buong ingat na sasamyuin
sa nakapapasong katanghalian
at paghimas ng dapithapon
at paghalik ng ulap
sa mukha ng nakatulalang buwan
buong ingat kong isisingit
mga petalya ng pulang bulaklak
sa mga pahina ng lumuluhang aklat
supling ako ng aking kasaysayan.
ilang pulang bulaklak lamang
ilan lamang ang kailangan
upang lumangoy ang dugo sa mga ugat
ilang pulang bulaklak lamang
upang sumikdo ang puso
upang diwa’y maglagablab
at ilulan sa pakpak ng hangin
himagsik ng inaaliping lahi
habang mga punglo’y umaangil
sa sinapupunan ng dusa’t hilahil.
ilang pulang bulaklak lamang
aking pipitasin
sa ulilang hardin ng mga pangarap
upang di ko makalimutang
supling ako ng aking kasaysayan!


August 23, 2015
Kanino Ko Ibubulong?
(Tula)
kanino ko ibubulong
alimura ng utak na kumukulo
at himagsik ng pusong nagdurugo?
kanino ko ibubulong
himutok at pagdaramdam
ng mga katawang inilugmok ng karimlan
sa mga bangketa ng kalunsuran?
kanino ko ibubulong
hinagpis ng bitukang nabalumbon
tagulaylay ng mga matang luhaan
lagi’t laging nakatitig sa kawalan
ng papawiring walang hanggan?
kanino ko ibubulong
lagutok ng mga buto
ng pawisang katawan ng obrerong
inalipin ng kasakiman?
kanino ko ibubulong
daing ng butuhang mga bisig
ng nakaluhod na sakada sa tubuhan
at bukiring nitso ng mga bituin?
kanino ko ibubulong
hinagpis ng munting mga daliring
nagkakalkal ng basurahan
para magkalaman ang tiyan?
maririnig kaya ito
ng diyos ni abraham
o ng uring mayamang walang pakiramdam?
maulinigan kaya ito ng binging lipunang
namanhid na yata ang budhi’t isipan?
kanino ko nga ba ibubulong
dalamhati ng lahing sumisiksik sa kamalayan
at mga eksena’y nagmamartsa sa kaisipan?
ibulong ko na lamang kaya
sa naglilingkisang cadena de amor
sa limot na’t ulilang libingan
sa ragasa ng marahas na habagat
sa madawag na kaparangan
sa lagaslas ng mga ilog
sa dibdib ng kabundukan
sa mahamog na mga bulaklak
sa pusod ng kagubatan
sa dagundong ng alon
sa naninimdim na pasigan
sa tungayaw ng mga kulog
at sagitsit ng mga kidlat
sa makulimlim na kalawakan?
kanino ko ibubulong ko ang lahat-lahat?
sa singasing ba ng mga punglo
upang malinaw na marinig, maunawaan
ng uring gahaman at tampalasan
litanya ng dusa’t bagabag
ng nakabartolinang mga sawimpalad?
kanino ko nga ba ibubulong
dalamhati ng uring ginagahasa ng lungkot
dahil sa mga diyus-diyosang budhi ay baluktot
walang pakialam sa kinabukasan
ng bansang hinuthot angking kayamanan?
tiyak mga bulong ko’y mauunawaan
ng mga kadugo at kauri lamang
kataling-pusod at kaisang-diwa
sa kalbaryo ng dusa’t dalita
walang hinahangad kundi makalaya
sa tanikala ng pagkatimawa
lagi’t laging bumabangon sa pagkagupiling
upang milyong sulo ay paglagablabin!


August 16, 2015
Huwag Mo Siyang Ituring Na Baliw
(Tula)
huwag mo siyang ituring na baliw
hitik ang kanyang utak
ng pulang mga bulaklak ng pagliyag
umiindak sa kanyang puso
malagablab na mga dila ng apoy
tutupok sa lipunang nabubulok
x-ray ang kanyang mga titig
naglalagos sa nilulumot na pader
ng inhustisya’t pagsasamantala
sa moog ng mga panginoon ng dusa.
huwag mo siyang ituring na baliw
radar ang kanyang mga tainga
naririnig tagulaylay ng mga nagdurusa
sa kagubatan man o kalunsuran
ng mapang-aliping umiiral na sistema
kumikiwal sa mga ugat ng kanyang bisig
sumisilakbong dugo ng banal na adhika
habang nangalalaglag sa naninilaw na damuhan
at bukiring makulimlim at naninimdim
mga luha ng dalamhati ng lahing dinusta.
huwag mo siyang ituring na baliw
nag-aapoy sa kanyang dila
mga balaraw ng protesta
mga palaso ng pakikibaka
umaalon ang paghihimagsik
sa himaymay ng kanyang laman
laban sa uring naghahari-harian
at nagbebenta ng kinabukasan
ng masang sambayanang
titiguk-tigok ang lalamunan.
oo, huwag mo siyang ituring na baliw
manapa’y buong pagsuyo mo siyang yakapin
kapag nagsalubong ang inyong landas
at mararamdaman mong iisa ang pintig ng inyong puso
magkatalik ang inyong dugo
magkarugtong ang inyong pusod
nag-uusap ang inyong hininga
mga mata’y umaapaw sa pagsinta
sa mahalimuyak na laya’t ligaya
ng nakabartolinang la tierra pobreza.
oo, huwag mo siyang ituring na baliw
manapa’y magkaagapay ninyong tahakin
nagniningning na landas ng mga bituin
at madamdamin ninyong awitin
sa saliw ng koro ng bomba at punglo
“himno ng apoy sa gubat ng dilim”
upang mga nota’y mataginting
na ilulan ng amihang naninimdim
upang gisingin mga nahihimbing
at paliguan ng halik ng araw
bawat dampa ng mga kauring
matagal nang alipin ng dalita’t dusa!


August 5, 2015
Unan
(Tula)
(masidhing pinapangarap ng isang batang babaing matagal nang nakatira’t natutulog sa bangketa)
totoong unan lamang
laging naglulunoy sa iyong pangarap
sa halos limang taon nang paglalakbay
sa lumuluhang gabi ng dilim at sagimsim
sa bangketa man ng recto o abenida
sa gubat ng lungsod ng dalita’t dusa.
totoong unan lamang
kahit gawa lamang sa lumang basahan
at di sa malambot na bulak ng mayaman
kapiling mong matutulog sa bangketa
bulag na ina at amang lupaypay sa pagpadyak
sa traysikel ng buhay at pag-asa.
oo, isang totoong unan lamang
huwag nang isang parisukat na kuwarto
sa barungbarong man sa gilid ng estero
huwag nang isang tablang bangkinito…
sapat na kapirasong karton at malamig na semento
habang pinaglalaro sa utak
mga lapis at libro
mga papel at kuwaderno
mga letra at numero
hubad na pisara’t daliri ng yeso
mga pandesal at biskotso
at mga ngiti ng kawalang-malay
sa ilang oras na paglalakbay
sa munti’t nakabilanggong mundo.
oo, isang totoong unan lamang
kahit punda’y katsa o kamiseta
isang totoong unan lamang
hindi kapirasong bato
o nilamukot na mga diyaryo
upang mapayapang mahimbing
naglalagalag na isipan
at sandaling matakasan rumaragasang hilahil
sa bawat gabi ng pananagimpan
para sa pagsilay ng umagang makulimlim
at lagi’t laging naninimdim
di matamlay na apuhapin
sa bituka ng nagtatanod na kariton
alinman sa dadalawang unipormeng
halinhinang humahalik sa katawan
sa pagpasok sa pampublikong paaralan
at sa paglalakbay ng isipan
daluhungin man lamang kahit saglit
ng anag-ag ng pag-asa
puso’t diwang nangungulila
sa mailap na mga petalya ng rosas
ng lantay na pagsinta.
oo, isang totoong unan lamang
tangi mong pangarap
sa bawat paghimlay
sa malupit at marahas
madilim na gabi ng buhay!


July 23, 2015
Plunderers Of Public Fund We Are Not
(Poem)
plunderers of public fund we are not
we did not purchase power
we did not crave for it
though oftentimes rumbling are our bellies
we did not swallow our honor and dignity
we did not masticate our shame
shadows we are holding vigil at night
amidst the glare of the lonely moon
in the hilly forest of liberating dreams
weaving we are the melodies of freedom
for our incarcerated land
in the bastion of lords
of injustices, penury and grief.
plunderers of public fund we are not
inside air-conditioned rooms we are not
that’s why
only the whirling wind
caresses our face and limbs
we have no porcelain plates
we have no expensive goblets
we have no steaming sopa de gallina
succulent pork lechon or sappy steaks
our callous hands are our spoons and forks
for our cold-cooked rice, fishes from creeks
camote and ampalaya shoots
we heartily relish on banana leaves.
plunderers of public fund we are not
that’s why we are always telling the truth
we are not hoodwinking the masses
with outright lies and illusions
of propagandized progress for all
hissing is our rebellious breath
flaming are our hands
seething are our brains
with sacred aspirations
to emancipate, at last, our enslaved land.
yes, plunderers of public fund we are not
like you we are not
pawning our beloved land’s future
just for you to stay in power more and more
we are dedicated warriors of freedom and honor
sacred purpose is our muse
the people’s welfare
our everlasting love
and fervently we cherish only
the yearnings of bleeding hearts
yes, a society not tormented
by the injustices and greed
of the exploitative class!


July 19, 2015
PANATANG MAKABAYAD
(panunumpa sa tungkulin ng mga pulitikong kawatan)
iniibig ko ang pilipinas
aking lupang ninanakawan
tahanan ng mga kauri kong tulisan
pinahihintulutan akong magnakaw magpakailanman
upang maging mayaman, makapangyarihan at mapanlinlang.
dahil mahal ko ang aking kapakanan
susuwayin ko ang mga batas
at lagi kong pangangalagaan ang aking lukbutan.
tatalikuran ko ang mga adhikaing marangal
kahit magdusa masang sambayanan.
buong sigasig akong magsisikap
na maragdagan pa ang aking kayamanan
kahit ikamatay ng aking nasasakupan.
sa aking buong buhay sa panunungkulan
tatalikuran ko ang karangalan
at magsisikap akong maging ganap na tulisan
sa isip, sa salita, at sa gawa
para sa pananatili ng aking kasakiman.
kasihan at pagpalain nawa ako ni satanas!


June 24, 2015
Listen To Us, Speaking Are Our Spirits
(Poem}
listen to us
speaking are our spirits…
not the deceiving words
of scheming charlatanic politicians
not the enticing words
of profit-greedy inhumane capitalists
not the drumbeatings
of the exploitative ruling class…
they who are plunderers and crooks
sucking our sweat and blood
they who always masticate
our flesh and limbs.
full of nauseating realities
are our words in a rotten society
paradise of a chosen few.
listen to us
and beware and be shocked…
incarcerated still is our beloved land
rapaciously being raped by your foreign gods
and unscrupulous gluttonous lords.
you bastards always make her suffer
in the calvary of penury and grief
you devils always nail her to the cross
of darkness and fear and hopelessness
you bastards vehemently torture her
our ever suffering la tierra pobreza.
listen to us
speaking are our spirits…
listen you bandits
in the palaces and mansions of power and greed
you with bulging bellies
and mouths always full
with stolen blessings and wealth.
listen to us
we, who have no house, no land, nothing at all
we, who are like rats
dwelling under the bridge
crawling on the estero’s putrid shoulders
meandering in criss-crossing dark alleys
of repugnant city’s intestine and breast.
yes, we also are like slumbering dogs
in parks and sidewalks
scavenging for leftover food
in some forsaken garbage dumps
to appease our empty stomachs
which most often than not
only air and bubbles dwell.
listen to us
speaking are our spirits…
we, who always begged then for pity and care
we, who always stared then
at the twinkling stars on a firmament serene
we, who always conversed then
with dancing fireflies on dark nights
we, who always looked up then
at the moon’s luminous face.
yes, kneeling and praying still we are
before the altar of grease and machines
in enslaving city’s factories of greed
yes, wailing still we are
before swaying stalks of palay
and robust sugarcanes
in haciendas and ricefields of grief
and mixing still our sweat and tears
with the dewdrops of grieving shrubs
as loneliness embraces every blades of grass
being kissed and caressed
by the tender or whirling wind.
when will the dark shadows of despair
vanish on our land’s heaving breast?
listen to us
speaking are our spirits…
seething is our brain
simmering is our blood
revolting is our heart
our eyes see not
even a glimmer of pity and hope
while you continuously exploit us
trampling upon our dignity and rights
incarcerating our future
and selling it more and more.
listen to us
speaking are our spirits…
and beware you exploiters and crooks
we are now praying the new rosary of hope
not the litanies of begging as slaves
but flaming words are now rushing out
from our shivering mouths.
listen to us
speaking are our spirits…
we will sing no more the lyrics of despair
we will recite no more the poem of tender love
will dash out from our mouths
harsh words of unyielding struggle
for the freedom and glory
of our beloved land.
yes, because no more slumbering we are
in the darkness of night
dilated and full of hatred now are our eyes
seeing clearly the deceiving films
you always flash before us…
beware you crooks and exploiters
the hissing of lightning
the yelling of thunder
the wheezing of bullets
will slash to pieces
your face benumbed by slaps of silver and gold.
loathsome and hatred full
the trigger of freedom!


June 21, 2015
Pakinggan Ninyo Kami, Espiritu Nami’y Nagsasalita
(Tula)
pakinggan ninyo kami
espiritu nami’y nagsasalita…
di ng doble-karang mga pangungusap
ng salamangkerong mga pulitiko
o ng ganid sa tubong kapitalistang hunyango
at iba pang kampon ng uring dorobo
silang lumalaklak sa aming pawis at dugo
ngumangasab sa aming bituka’t laman
manapa, mga salita nami’y hitik
sa nakasusukang reyalidad
ng lipunang bulok at dapat paghimagsikan.
pakinggan ninyo kami
at magimbal sana kayo…
nakakadena pa rin
kahabag-habag naming bayan
ginagahasa ng mga amo ninyong dayuhan
at iilang kabalat na naghahari-harian
lagi ninyong inilalampaso sa kalbaryo
ng dalita’t dusa’t inhustisya
lagi ninyong ibinabayubay sa krus
ng dilim at pangamba’t kawalang-pag-asa
lugami naming la tierra pobreza.
pakinggan ninyo kami
espiritu nami’y nagsasalita…
kayong mga diyus-diyosang
namumuwalan ang bibig
at bundat ang tiyan
sa yaman at grasyang inyong kinamkam.
pakinggan ninyo kami
kaming “walang bahay, walang lupa, walang-wala”
noon pa ma’y sabi nga ng isang makata
para kaming mga dagang naglulungga
sa ilalim ng mga tulay
gumagapang sa balikat ng mga estero
palikwad-likwad sa sanga-sangang eskinita
sa maalingasaw na bituka’t katawan ng kalunsuran
para rin kaming mga asong nakahimlay
sa mga parke, bangketa’t
gilid-gilid ng mga dalampasigan
nag-aabang ng tira-tirang pagkain
at nagbubungkal ng mga basurahan
para magkalaman lamang kumukulong tiyan.
pakinggan ninyo kami
espiritu nami’y nagsasalita…
kaming umaamot ng kalinga’t habag
sa mga bituin sa kalawakan
sa mga alitaptap sa karimlan
at mukha ng buwang malamlam.
nakaluhod kami at nagdarasal
sa mga makina’t grasa’t granahe
ng mapang-aliping pabrika sa kalunsuran
nananambitan kami
sa mabubulas na mga palayan at tubuhan
ng mga asyenda’t bukirin sa kanayunan
at lagi’t laging sumasanib aming pawis at luha
sa hamog ng damuhang nananambitan
dahil yakap-yakap ng kalungkutan
ng habagat man o amihan.
kailan mapapawi ang dilim
sa dibdib ng bayan naming
alipin ng lagim at sagimsim?
pakinggan ninyo kami
espiritu nami’y nagsasalita…
mga utak nami’y kumukulo
sumisilakbo ang aming dugo
naghihimagsik ang aming puso
di man lamang maaninag
ng mga mata namin ang pagsuyo
di man lamang namin marinig
mga bulong ng pag-asa
habang araw-araw
kami’y inyong sinasamantala
dignidad namin ay dinudusta
kinabukasan nami’y ibinabartolina
at walang pakundangang ibinibenta.
pakinggan ninyo kami
espiritu nami’y nagsasalita…
at magimbal sana kayo
nagdarasal na kami ng sariling rosaryo
kaming mga alipin at binubusabos ninyo
di na litanya ng pagmamakaawa
kundi mga butil na ng pagbabanta
naghahabulang mga salita
sa aming nanginginig na bunganga.
pakinggan ninyo kami
espiritu nami’y nagsasalita…
ayaw na naming awitin
kundiman ng pagkabigo
o tulain tagulaylay ng pagsuyo
dadagundong na sa mga bibig namin
mga nota ng magiting na pakikibaka
para sa pinakasisintang la tierra pobreza
at di na mga kuwerdas ng gitara
kakalbitin ng mga daliring
sumawa’t namanhid na sa paghaharana
at sapagkat kami’y namumulat na
at di nahirating humimbing na lamang
sa pusikit na karimlan ng gabi
nanlilisik na kami ngayon
sa mga eksenang mapanlinlang
ng pelikulang lagi’t laging ipinipiring
sa telon ng aming mga matang
matagal nang inulila ng luningning.
magimbal na sana kayo…
sagitsit ng kidlat
tungayaw ng kulog
daluyong ng galit
singasing ng punglo
dudurog sa inyong mukhang
nangapal sa sampal ng pilak at ginto
nagngingitngit na’t nagwawala
gatilyo ng paglaya!

