Bebang Siy's Blog, page 56

July 20, 2013

Paliit nang paliit!



ni Beverly W. Siy para sa KAPIKULPI o Kapiraso ng Kulturang Pinoy, isang kolum sa Perlas ng Silangan, lingguhang pahayagan sa Cavite





Kamakailan ay naibalita sa akin ng aking publisher, ang Anvil Publishing, na may bumabang memo sa kanila mula sa National Book Store (NBS). Ang Anvil ang publishing arm ng NBS. Thirty percent na lamang daw ng total space ng bawat NBS branch ang maaaring gamitin para sa pagbebenta ng libro. Hindi ko na itinanong sa aking publisher kung bakit. Ngunit ang hinala ko, isa sa mga dahilan ay ang pagbaba ng benta ng mga libro sa NBS. Malaki ang posibilidad na ibang produkto ang kumikita sa bawat branch ng NBS kaya kailangang dagdagan ang espasyo para sa mga produktong iyon at bawasan ang para sa iba pang produkto na maliit ang ipinapasok na kita, produktong tulad ng mga libro.



Ano ang implikasyon nito sa mga tagapaglathala ng aklat at sa mga awtor?



Matindi ang implikasyon nito sa maraming tagapaglathala ng aklat at mga awtor sa Pilipinas. Ang NBS ang pinakamalaking tindahan ng aklat at sila ang pinakamalaking outlet at source ng mga aklat sa Pilipinas. Kung liliit ang espasyo nito para sa mga aklat, ibig sabihin ay iilang aklat na lamang ang puwedeng mai-display sa loob ng NBS.



At kung ganon ay mas titindi ang kompetensiya ng bawat libro. Mag-aagawan na kasi sa shelf space ang bawat libro. Dapat ay mabenta ang libro sa loob ng isang buwan, kung hindi ay tatanggalin na ito sa shelf at isosoli na ito sa pinagmulang publisher. Kumbaga, kung hindi ka nabebenta, alis ka na. Papalitan ka ng iba pang puwedeng ibenta. Mas maiksi na ang pasensiya ng NBS sa slow moving products tulad ng libro.

Okey lang ‘yon ngunit kung ganito ang batayan para mapanatili ang libro sa mga shelf ng pinakamalaking book store chain sa Pilipinas, paano na ang naggagandahang libro na sasadyang kaunti ang buyer? Matatanggal na sila sa shelves. Mapapalitan na sila ng mga librong popular at maraming buyer. Alam naman natin, kahit saang kultura, na ang popular na mga aklat ay hindi laging maganda at hindi laging angkop para sa isang lipunan. Maaaring sikat lang ito at maaaring sa kasamaang palad ay wala nang ibang katangian.



Maaari ding maiwan sa shelves ang mumurahing uri ng mga aklat dahil ang mga ito ang madaling mabili dahil sa kanilang presyo. Ito ‘yon mga aklat na manipis, maliit at simple ang pagkakayari. Kung maraming pahina ang isang aklat, hard bound ito o di kaya ay magandang-maganda ang pagkakayari, tiyak na mahal ito. At kung mahal ay mas kakaunti ang buyer. At kung kaunti ang buyer, maaaring mataganggal sa shelf space sa tindahan ng aklat.



Sa isang banda, good news naman ito sa maliliit na bookstore at iba pang uri ng book seller. Hahanapin sila ng mga publisher para mabagsakan ng mga aklat na pambenta. Dahil maliliit pa naman ang mga bookstore at bookseller na ito, wala pa siguro ang magtatangkang maglunsad ng anumang uri ng monopolyo. Maaaring mas mababa ang hingiin nilang komisyon o diskuwento mula sa publisher para sa bawat aklat na kanilang ibebenta, mas mababa kaysa sa kasalukuyang komisyon o diskuwento na hinihingi ng NBS na 40-60% ng suggested retail price ng bawat aklat.



Mapipilitan din ang mga publisher na mag-isip ng dagdag na paraan para maibenta o makapag-retail nang tuwiran ang kanilang mga aklat sa publiko. Sa America, ang kanilang music industry ay nakipag-partner sa ilang establishment na hindi naman talaga tindahan ng music CD. Halimbawa, maaaring makabili ng mga CD ng Beatles at ni Paul McCartney sa mga branch ng Starbucks.



Ang patuloy na pagkaunti ng tindahan ng libro o pagliit ng espasyo para sa mga libro sa iba’t ibang tindahan sa Pilipinas ay isang nakakalungkot na indikasyon ng pagbaba ng benta ng mga libro dito sa atin. Kung magtutuloy-tuloy ang pangyayaring ito, maaaring dumating ang panahon na wala na talagang mabebentang libro sa Pilipinas dahil wala nang interesadong bumili nito.



Nakakita na ba tayo ng bansang hindi mahilig sa libro pero umasenso? Hindi pa, wala niyan, non-existent ang ganyang uri ng bansa.

Kaya ngayon pa lang, mahalagang magawaan na ng paraan ang suliraning ito. Dapat magsama-sama ang lahat ng tao, institusyon, ahensiya, organisasyon na may kinalaman sa publishing industry para mag-brainstorm ng dagdag na paraan para makapagbenta ng aklat sa publiko.



Kung may tanong, mungkahi o komento, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com.



 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on July 20, 2013 04:02

July 17, 2013

Re : National Book Development Trust Fund (NBDTF)

Re : National Book Development Trust Fund (NBDTF)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -



Dear Sir/Madam:



The National Book Development Board is now accepting applications for the 2013 writing grant. We are calling upon authors with manuscripts for books to apply for the grant. The chosen manuscripts will receive a grant of at least P200,000.00 each.



Manuscripts should be on any of the following topics:



1) Local history of a province written in English or Filipino;

2) A Novel written in Ilocano;

3) Biography written in Cebuano; and

4) Appropriate livelihood/New technologies in entrepreneurship.



Attached are copies of the Implementing Rules and Regulations of R.A. 9521, Submission Guidelines and application form for the grant. You can also download the IRR and application form from our website www.nbdb.gov.ph. For further questions, kindly email Digna Tayag at digna.tayag@nbdb.gov.ph or call (02)687-1805 / (02)929-3887 loc. 804.



Deadline of submission of applications is on 30 August 2013.



Thank you for supporting the book publishing industry.



Sincerely,







Dir. WILFRED M. CASTILLO

Officer-In-Charge





Att.:a/s.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on July 17, 2013 20:00

Submission Guidelines for Grants from the National Book Development Trust Fund













Submission Guidelines for Grants from the

National Book Development Trust Fund





1. The National Book Development Board (NBDB) is calling upon authors with

manuscripts for books with the following topics to apply for grants:



a) Local history of a province written in English or Filipino;

b) A novel written in Ilocano;

c) A biography written in Cebuano; and

d) Appropriate livelihood/New technologies in entrepreneurship.



All applicants must note the conditions provided for in Rule VI Section 3 of the

Implementing Rules and Guidelines of RA 9521 (go to www.nbdb.gov.ph for the

IRR).



2. The deadline for the submission of proposals/applications for a grant shall be August

30, 2013.



3. All manuscripts should be in 12-point type, with at least one-inch margins, and

sequentially numbered pages in 8 1/2“ x 11” bond paper in quadruplicate copies. A

digital copy should also be included in the submission. The author’s name, address,

telephone number, and email address should be typed at the top of the first page.

Contributors are asked to include a brief biographical note with their submissions.



Requirements:



a. The applicant’s curriculum vitae (in the case of a juridical entity, its SEC, BIR, DTI and/or CDA registrations, as may be applicable, and the curriculum vitas of the authors of the proposed project);

b. A sworn statement indicating that the applicant’s project is an original and unpublished work, and that the applicant has authored/produced the work;

c. A proposal on the project to be undertaken; and

d. Either of the following:

• Quadruplicate copies and a digital copy of a draft equivalent to twenty-five percent (25%) or more of the entire manuscript, research or multimedia work in progress; or

• Quadruplicate copies and a digital of a draft of the manuscript, research or multimedia work to be rewritten or improved upon prior to publication (such as, but not limited to, a thesis or dissertation to be rewritten into book form).



4. Chosen authors will be given a grant of P200,000.00 each. Grantees will be announced on a suitable date chosen by the NBDB.



5. Should there be no manuscript of good quality as determined by constituted advisory committees on the chosen topics, the NBDB reserves the right not to award a grant to any applicant.





For further requirements, refer to the Rules and Regulations Implementing Republic Act No. 9521 which may be downloaded from www.nbdb.gov.ph.















 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on July 17, 2013 19:59

Para sa Intersect, ang opisyal na pahayagan ng Southern Luzon State University-Tiaong

Nais kong pasalamatan si Jord Earving ng Intersect, ang opisyal na pahayagan ng Southern Luzon State University-Tiaong. Siya ang nagpadala sa akin ng kakaibang questionnaire na ito. Ang output ng kakaibang interbyu sa akin ay malalathala sa issue ng Intersect na lalabas ngayong semestre.

-bebang



***



(Personal na mga Datos muna:)



Pangalan: Beverly Wico Siy

Araw ng kapanganakan: Disyembre 10, 1979

Tirahan: 128 K-8th Street, Kamias, QC 1102

Mga Magulang: Resurreccion Magat Wico, Roberto Ho Siy

Mga kapatid: Columbia, Kimberly, Charisse Ann, Erres

Educational Background (Filipino kunwari):

Philippine Christian University Union Elem. School (Malate)

Philippine Christian University Integrated Science High School (Malate)

University of the Philippines (Diliman) kolehiyo at graduate studies

Mga akdang nalimbag: medyo marami ito. pero ang libro: Mingaw, 2006, Philsprint Publishing (erotic novel), It’s A Mens World, 2011, Anvil Publishing (creative non-fiction) at paparating ang Marne Marino, 2013, Vibal Publishing (children’s book)



Paboritong lugar at sitsirya:



Lugar? gusto kong laging puntahan? Mga museo. Kahit anong museo. Saka mahilig ako sa dagat. Favorite ko rin ‘yong mga lugar kung saan nakakapanood ako ng sunset.



Sitsirya? Chippy na sinasawsaw sa cheez whiz. Mahilig din ako sa Boy Bawang lately. ‘Yong BBQ flavor. Saka Clover. Ang laki-laki, mura lang! sawsaw din sa cheez whiz!



Trav: Ate Beb Ang, bumati ka muna sa mga mambabasa ng panayam na ito.



Hello! Kumusta kayo? Magandang araw! Ahahhaha feeling ko talaga, radyo ito, ano? Haha!



Interview starts here:



Trav: Kailan mo nalamang may panawagan ka sa pagsusulat?



Naku, hindi ako conscious. Nag-umpisa kasi ako, high school. Gumagawa ako ng spoof ng paper namin sa school. Ako sumusulat ng mga joke, ng mga kuwentong nakakatawa tungkol sa mga terror na teacher, ganyan. Tapos pagdating ko ng kolehiyo, pinili ko ang kursong BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino kasi tipid siya hahaha wala kasi akong pera at walang magpapaaral sa akin noong kolehiyo ako. Kaya hindi puwedeng magastos ang pipiliin kong kurso. Ayun, nagtuloy-tuloy na ang pagsusulat ko ever since.



Trav: Paano ka ba kasi nag-umpisa?



Ayan, nasagot ko yata agad ‘yong tanong hahaha!



Trav: Anong reaksiyon/motibasyon/pang-alo mo sa sarili sa tuwing may hindi nakaka-appreciate ng sining mo?



Sport ako. Dati pa man, alam kong meron talagang hindi makaka-appreciate ng akda ko. Okey lang sa akin ‘yon. As in.



Hindi ko na lang iniisip ang mga taong hindi maka-appreciate sa akda ko. Sayang ang energy ko sa kanila hahaha! Kahit saang larangan naman, hindi ka dapat magtagal sa isang sitwasyon kung saan hindi ka naa-appreciate. Eventually, bababa ang morale mo, maaapektuhan ang pagiging produktibo mo. Kaya the best na ‘yong ikaw na mismo, magsara ng pinto sa ganitong sitwasyon.



Isa pa pala, galing ako sa hirap. Galing ako sa pinakamahihirap na trabaho. Para sa akin, napakasuwerte kong tao dahil tinatamasa ko ang kung anong mayroon ako ngayon sa pamamagitan ng pagsusulat, isang propesyon na sobra kong mahal. Kaya ang mind set ko, wah, hindi ako dapat panghinaan kung may hindi maka-appreciate ng akda ko. Para ‘yan lang, e. Lahat ng nararanasan ko ngayon, blessing talaga, e. Sino ako para magreklamo? Kahit marami pa silang hindi maka-appreciate, wala akong K para magreklamo or mag-inarte. Sobra-sobra-sobra pa rin akong blessed, hello! Baka bigla akong batukan ng Diyos kung mang-away ako ng mga di nakaka-appreciate. “Hoy, Bebang, ang arts mo lang!” sisinghalan ako ni God. Tipong ganyan.



Trav: Bukod sa Dada Isda, anong akda mo pa ang paborito mo?



Ang Lugaw, Bow. Nasa It’s A Mens World. Favorite ko ito kasi parang pakiramdam ko, naipakita ko dito kung gaano kami kamahal ng tatay ko kahit na medyo bad siyang uri ng tatay. Kasi ganon ang ibang mga tatay. May gago, may tarantado. At higit sa lahat, may kanya-kanyang weird na paraan ng pagpapakita ng pagmamahal.



Marami pa akong paboritong trabaho. ‘Yong buong Mens World na aklat. Kasi ‘yong kuwento sa likod no’n, maganda. It was just a requirement sa isang penalty course sa masters. Imagine, penalty course? Di ba, negative siya sa buhay ng isang mag-aaral? Pero ‘wag ka, ito pala ‘yong maghahatid sa akin ng ibayong biyaya. Hay. Ang saya lang talaga.



Isa pa ay ‘yong Marne Marino. It was a loser! Sa isang contest. Pero kahit hindi siya nanalo, pinilit ko pa rin na malathala siya. Idinugtong ko siya sa isang sanaysay ko sa Mens World k ahit na hindi naman siya bagay doon. Kasi Ingles! E, ‘yong buong aklat, Filipino. Sabi ko, sayang kasi kung hindi mababasa ng iba. Kahit natalo ito sa kontes, parang me alindog naman ito kahit papaano. Me asim. Hahahaha!



Ngayon, isa na siyang napakagandang aklat. At ang nag-publish ay isa sa pinakamalaking publishers sa Pilipinas! Wah. Ang saya uli, di ba?



Sobrang mahal ko ang mga akda na ito. Kasi parang mga anak na puro palpak, panget, abnormal sa paningin ng ibang tao. At ako bilang nanay, hindi ako nag-give up. Hindi talaga ako sumuko. Hindi ako palasuko sa kahit anong bagay. So, patuloy kong inalagaan, pinagyaman ang mga akda kong ito. Ayan, nagbinata at nagdalaga na! hahahaha! Parang rags to riches ‘yong kuwento ng mga akda na ‘yan, di ba? Kaya paborito ko sila.



Trav: May ritwal ka ba bago magsulat? May oras ba na mas feel mong magsulat?



Wala. Hahahaha! Sa pelikula lang yata ang mga ganyan, ritwal-ritwal.



Wala rin akong oras na itinatakda. Pero ako ‘yong tipo ng manunulat na kapag nakaisip ng isusulat at nabigyan ng deadline, hindi muna magsusulat hangga’t hindi dumarating ang bingit ng kamatayan este ang deadline.



Pero by that time, alam ko na ang isusulat ko. Kasi iniisip ko na ang isusulat ko. Kahit ano pa ang ginagawa ko, iniisip ko na ito. Naliligo, kumakain, namamasyal, naglalakad, pumapasok sa trabaho, nagtatrabaho, nakikipag-usap sa ibang tao, nasa loob ng dyip, ng tricycle, ng pedikab, nakatayo sa LRT. Kasabay ng lahat ng iyan ang pag-iisip ko sa isusulat ko.



Kaya pag ako umupo para magsulat, wala nang baklasan sa upuan ‘yon. Nagagalit ako kapag may pinagagawa sa aking iba, halimbawa, kapag pinapakain na ako, ako pa ang galit, hahahaha! Kasi nasisira ‘yong pag-iisip ko, e, napuputol! Momentum ba. So ayun. Kadalasan din, hindi ako naliligo. Maliligo ako either bago ako umupo o kapag natapos ko na ‘yong akda. Kung mahaba ‘yong akda, maliligo lang ako kapag sobrang pagod na ako sa kakasulat. Pero dahil pagod na ako, wala, hindi na ligo, wisik-wisik na lang. Yerk. Kaya hindi ako dapat tabihan kapag nagsusulat ako. Bukod sa nagsusungit ako, ambaho ko pa. Amoy-kilikiling stagnant.



Trav: Gumagamit ka ba ng Panda o HBW? (hindi ito kasama sa i-pu-publish:)



Hahahaha Kahit anong ballpen, ginagamit ko. Netong nakaraan, nakakabili na ako ng gusto kong ballpen. Me konti nang pera, e. Hahaha! Dati kasi, laging hingi lang. Or free lang. Ngayon, bumibili na ako, madalas green at violet na ballpen. Kasi gusto ko, madaling makita ‘yong isinulat ko. Noong bata ako, ang ballpen ko ay Panda. Ngayon, bihira na ang Panda, kaya paminsan-minsan, HBW ang ginagamit ko. Ang mura kasi.



Trav: Nagbabasa ka ba ng mga bestsellers ng mga banyagang manunulat? (Kung oo, nabasa mo na yung Narnia at Hunger Games? Hindi rin kasama sa i-pupublish yung sagot dito sa panaklong:)



Bihira. Hindi ko pa nabasa ang mga sinabi mo. Pero pareho kong napanood ang pelikula ng mga ‘yan. Sinubukan kong basahin ang Twilight, after a few chapter, napapangiti lang ako. Parang Precious Pages naman. Mas magagaling pa ang writers natin dito ng romance novels! Mas mahaba lang itong Twilight. E, kailangan kasi makapal ang libro nila para maibenta nila nang mahal, di ba? Pero content wise, hindi naman nalalayo sa galing ng Filipino writers ang mga manunulat ng banyagang librong bestsellers tulad ng Twilight.



Nabasa ko ang complete set ng Spiderwick Chronicles. Anim na aklat ito. Pero very YA ito. Young adult. Mas pambata kaysa sa mga binanggit mo.



Trav: Sinong paboritong mong manunulat?



Marami. Rio Alma, Rene Villanueva, Luna Sicat Cleto, Abdon Balde, Jr., Mayette Bayuga, Rosario Cruz-Lucero, Genoveva Edroza-Matute (idinagdag ko itong huli ngayon)



Foreign: Raymond Carver, Anna Quindlen



Sa mga bata: Russell Mendoza, Eliza Victoria, Ferdinand Jarin, Vladimeir Gonzales, Adam David, Anna Ishikawa, Mykel Andrada, Sarah Grutas, Lester Dimaranan (Cavite writer, bata pa ito, wala pang libro), Naya Valdellon (idinagdag ko ngayon sina Lester at Naya) at siyempre pa, si Ronald Verzo (boyfriend ko ‘to, at taga-Quezon din, sa Alabat. Magaling siya sa poetry at criticism.)



Iyan pa lang ang naiisip ko ngayon hahaha marami pa iyan.



Trav: Kung may pagkakataon ka, kanino mo gustong makipag-collaborate?



Ang ganda ng tanong! Kay Bob Ong! Hahahaha! It’s an honor!



Trav: Inaabangan namin (kasama ni pusa) ang It’s Raining Mens. Matagal pa po ba?



Hopefully sa Manila International Book Fair. Sa September iyon. Kailangan mai-release siya bago kami ikasal hahaha para mas may dating! Sa Disyembre na ang kasal namin, e. Baka wala nang bumili kapag tapos na ang kasal, haha!



By the way, hindi ito pang-18 and below. I’m sorry. May malupit na malupit na piyesa sa loob na palagay ko e talagang di puwede sa 18 and below.



Panuto: Sagutan ng buong katapatan ang sumusunod na tanong: Parang exam talaga! Hahaha!



1. Bilang Tsinay, kanino talaga ang Panatag Shoal? Hahahaha hindi ko iyan masasagot. Pero ang akin, alamin ang kultura ng mga taong nakatira sa isang pulo, kung Pinoy ang kultura (lalo na ang wika), atin ang pulong iyon. Obvious ba? Pero kung hindi, hindi. Kung mixed, paghatian na lang ng dalawang bansa! Bakit, imposible ba iyon? Hahaha!



2. Bilang nanay, pabor ka ba sa RH Law? Pabor ako sa lahat ng batas na mag-e-empower sa mas mahihina at sinasamantalang uri.



3. Bilang manunulat, ang sining ay ______? Isang joke. Joke lang!



4. Bilang taga-hanga, nakita mo na ba si Bob Ong? Hindi pa po  how I wish.



5. Bilang mabuting tao, pauunlakan mo ba kami kung kukumbidahin ka naming sa gaganapin naming Mini-Con/Writing Camp? Wow! Oo naman! Hahaha ako nga ang nagsabi kay Jord. Sabi ko kaya kong pumunta sa inyo kasi malapit lang pala at mura ang pamasahe! Kayang kaya ko abonohan! Hehe kung mag-eeroplano, ‘yon ang good luck. Kapos ang beauty ng bulsa ko haha!



Yey! Gusto ko ‘yan, ha? See you!



(Final Words)



Sa lahat ng interesadong magsulat, sana sumulat kayo nang sumulat. Lagi ninyong iisipin, walang ibang magsusulat ng mga bagay na naiisip ninyo kundi kayo lamang. Kasi ang imahinasyon ng tao ay parang thumbmark, walang magkaparehas. As in talagang unique sa bawat isa sa atin.



Uleeeeet! Walang ibang magsusulat ng naiisip ninyo kundi KAYO LAMANG.



Yown.



Sulat lang nang sulat!



Trav: Ate , Imbitahan mo sila na magbasa ng akdang Pilipino/sumulat sa wikang Filipino/tumagkilik ng mga manunulat na Pinoy



Kailangan nating magbasa ng mga akdang gawa dito sa atin. Ng mga akdang nakaka-relate tayo. Ng mga akdang tungkol sa karaniwang Filipino. Sa ganitong paraan, natututo tayong magproseso ng ating sariling danas at sariling kaisipan. Mas nae-empower tayo pag dumadaan tayo sa nasabing proseso. At eventually, mas yumayabong tayo bilang mga tao.



Importante ring makabasa ng mga akda tungkol sa ibang lahi, tungkol sa ibang kultura. Pero ang napapayabong lamang nito ay ang dunong natin tungkol sa iba, ang dunong natin tungkol sa kung paano tayong makikisama sa kanila.



Pero ang dunong tungkol sa ating mga selfie, matatagpuan lamang iyan sa mga akdang gawa sa sariling bansa.



Amen.



Para sa panitikan, para sa bayan.





Ate Bebs, Ung personal na datos balak kong gawing bionote mu yun na maigsi tas’ yung interbyu ayan na yun.



Ok sa akin! Ang saya ng interbyu na ito hahaha para akong nasa radyo!



Kung meron po kayong suggestions para mapaganda to. Go!



Lagyan mo ng mga larawan. Kuha ka sa fb ko tapos pakita mo sa akin para masabi ko sayo kung sino ang kumuha ng larawan (for credit). Hatawin sa lay out yung artik. Yung parang sa mga magazine na pambabae, candy magazine ganyan,para medyo hip at medyo cool ang dating hahahaha!



Tas’ gagawa ako ng book review nyu pwedeng sa English naman yun? Or sa Filipino? Sa tingin nyu po?



Sa Filipino na lang. Ikaw talaga!



Thank you po! 



Thank you rin sa iyo. SUPER! Cyber hugs, Jord!

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on July 17, 2013 04:08

July 1, 2013

2013 NCCA WRITERS’ PRIZE

Dear Literary writers,



NCCA ACCEPTS ENTRIES FOR THE

2013 NCCA WRITERS’ PRIZE





The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) through its Plan/Policy Formulation and Program Division (P/PFPD) – Arts Section, announces its acceptance of entries to the 2013 NCCA WRITERS’ PRIZE. Guidelines and application forms may be downloaded in its website: www.ncca.gov.ph. They are also available at the Plan/Policy Formulation and Program Division (P/PFPD), Room 5-B, 5th Floor, NCCA Building, 633 General Luna Street, Intramuros, Manila.



This year’s categories are:



Poetry – Bikolano language

Novel – Ilokano language

Essay – Cebuano language

Short Story – Filipino language

Drama – Waray language



Deadline for submission of entries is until July 31, 2011.



Queries may be addressed to Ms. MYLENE N. URRIZA, Tel. No. 527-21-92, loc. 508 or 522-2084 (DL), and e-mail address: mylene.ncca@yahoo.com.





---

MYLENE NARCISO-URRIZA

Project Development Officer III

Arts Section

Plan/ Policy Formulation & Programming Division

NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS

633 General Luna St. Intramuros, Manila, Philippines 1002

Mob. #:(0949) 833.2608

Tel. #:(+632) 527.2192 loc 508 or (+632) 522.2084

Fax #:(+632) 527.2198

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on July 01, 2013 17:30

June 26, 2013

missing you

wala naman, i just miss writing.



parang puro na lang kasi editing at lakwatsa ang nasa isip ko lately. di makasulat tuloy.



kelangan ding dumalo sa mga pampamilyang gawain, ayun. dami talaga kalaban ng isang karaniwang manunulat. pero ang totoo niyan, sarili lang talaga ang kalaban, wala nang iba. kung seryoso ka sa isang bagay, kahit pa anong mangyari, di mo yan bibitawan. gagawin mo yan at isasakatuparan mo kahit pa mahirap ito sa kasalukuyan mong sitwasyon.



noong linggo nagpunta ako sa mini reunion at updating session ng B-52. ginanap ito sa bahay ni mam bambi harper. eto ang iba pang dumalo:



bambi harper-siyempre siya ang me ari ng bahay, siya rin ang nagpakain at nagpainom sa amin, na tipsy ako sa dami ng libreng red wine

thomas david chavez

emmanuel velasco

john jack wigley

gabriela lee (with francis quina)

richard gappi



lahat sila, may pag-usad sa writing project na inihain noong Abril sa UP writers workshop sa baguio.



lahat sila! except gabby, bambi and me.



hahaha lahat except kaming girls! hahahaha si bambi kasi me tinapos na collection of essays about history. si gabby, medyo nabusy sa pag-ibig. ako, medyo na-busy sa pag-aaral. pero ang orihinal kong plano, dadagdagan ko talaga ng kahit isang paragraph ang novel in progress ko na high school a few days before the reunion. at least, me pag usad kahit konti.



e wala. andaming nangyari. andaming pinalampas na oras. sabi ng pagkakataon, im sorry, good bye.



gusto kong matapos ang nobelang ito. actually, mini novel siya. kasi pakiramdam ko maiikli lang ang bawat kabanata ko. wala akong masyadong problema sa storyline buo na nga e, natapos ko na nung abril pa. ang pino problema ko, paano ko siya gagawing literary. paano ang choice of words, paano ang dialogue ng mga tauhan at iba pa.



pero kunwari, older writer me talks to feeling newbie writer me: ang gawin mo lang diyan, bebang, isulat mo lang muna. wag ka na muna masyadong mag-worry sa kung ano-anong bagay. ang importante, matapos mo ang unang borador. saka mo na isipin ang choice of words, dialogue etc. nag-aalala ka na, wala ka pa ngang nagagawa.



atsetse! sori naman!













 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 26, 2013 21:20

hello again, rejection!

Na-reject na naman for the 2nd time ang translated version ko ng isang children's book. oh my. anyway, sana makapasa sa ikatlong publisher. magaling pa naman ang writer ng children's book na isinalin ko. nakakahiya sa kanya. kilala ito sa asian region ohmigulay ibig sabihin me problema talaga sa translation ko, hindi sa akda niya. naku naku!



me 3rd at 4th option pa ako sa particular book project na ito. pag hindi pa rin natanggap, kelangan ko nang kausapin uli ang author. baka puwedeng i-self publish na lang namin ito. ebook muna siyempre at mahal ang printed version!



here's to good vibes! yeyeye!



atin ang 2013!







 •  1 comment  •  flag
Share on Twitter
Published on June 26, 2013 21:08

Nationwide Literature Education Series Visits Legazpi



The literary and youth volunteer group Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), in partnership with the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) and the National Commission for Culture and the Arts (NCCA), will begin its 2013 series of free seminar-workshops at Bicol University, Legazpi City, Albay on June 28, 2013.







The 23rd edition of the “Sining ng Tugma at Sukat” (STS; Art of Rhyme and Meter) will also be held in partnership with the local hosts, namely the Provincial Government of Albay and Bicol University.







Started in 2008, the STS is a nationwide education outreach program that has toured 22 towns and has served 1,272 people, mostly public school teachers and students. It aims to help advance literature, language, patriotism, and the beneficiaries’ communication skills through the teaching of native literary works and forms.







For 2013, the STS program is part of the larger project titled “Sulong: Dangal ng Filipino,” which includes day-long seminar-workshops on the “Sagisag Kultura” (cultural icons of the Philippines) and the National Orthography. Several of the tentative venues for STS 2013 are Roxas, Capiz; Iligan, Lanao del Norte; Koronadal, South Cotabato; Tuguegarao, Cagayan; Tacloban, Leyte; Naga, Camarines Sur; Cebu City; and several satellite events in Metro Manila.







Founded in 1985, LIRA is a nationally recognized, volunteer-run, education NGO; the oldest organization of poets in Filipino; and one of the country’s premier literary groups. In pursuance of its mission of advancing literature, language, and patriotism, the organization holds a yearly five-month-long poetry clinic held for the most part in UP Diliman. The STS is an effort to bring part of this clinic outside of Metro Manila.







In 2011, LIRA was declared as one of the Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) in Malacañang Palace by President Benigno Simeon C. Aquino III, making LIRA the first literary group in the TAYO Awards’ nine-year history. In 2012, LIRA was named by the National Outstanding Volunteer Awards as the National Capital Region’s outstanding volunteer organization.







Heading the STS Legazpi team as its lecturer is the award-winning poet Dr. Michael M. Coroza of the Ateneo de Manila University. The program is directed by Phillip Kimpo Jr., LIRA president, with the help of Beverly W. Siy, immediate former president and creator of the STS. Kimpo and the KWF’s Kriscell Largo Labor are the local coordinators for STS Legazpi. Parties interested in helping or participating in the program can contact the STS team at pykimpo@gmail.com.







 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 26, 2013 20:20

back to school!

hay. nagtuturo ako uli. at hindi ko inasahang sasakit ang ulo ko sa ingay at kawalang-bahala ng mga estudyante.



akala ko dati, nami-miss ko na ang pagtuturo kaya binalikan ko ito. pero ngayong unti-unti ko na namang nararanasan ang maliliit at nakakairitang problemang kinakaharap ng mga guro, parang gusto ko na uling umatras. parang gusto ko na lang forever na magsulat.



alam kong hindi ko dapat personalin ang pagdadaldal ng mga estudyante. kaya lang, nakakaapekto lang talaga ang presence ng maingay at malikot na ulo sa loob ng klase. hindi ako maka concentrate sa mga gusto kong ibahagi. naiinis ako, nagagalit ako. at alam kong unfair ito sa mga nakikinig. na mas marami kaysa sa maingay at nagdadaldal.



kapag naiinis at nagagalit ako, napipika na ako nang tuluyan. ang tendency ko ay magbigay ng activity para iyong maingay ay finally masa-shut up dahil kailangan niyang sagutin ang mga pinasasagutan ko. alam kong mali ito, maling-mali ang motivation ko sa pagbibigay ng gawain. so kelangan ko talagang dagdagan ang aking pasensiya.



pero sana naman, 'yong mga estudyante rin, sana maunawaan nila na dapat silang tumahimik at makinig sa oras ng klase. kung ayaw nila, ay di lumabas na lang sila at magpamarkang absent. bakit ang unfair nila? uupo sila doon tapos hindi naman makikinig, at hindi lang basta hindi makikinig, makikipagkuwentuhan pa sa iba. nadadamay pa ang iba. nasaan ang malasakit sa kapwa?



bihira akong manita sa klase dahil kolehiyo na ang tinuturuan ko. siyempre, hindi na bagay ang pagsasaway. sana ma-realize din ito ng mga college student. ganito ang perspective ng mga taong ginagawa ang lahat para makatulong sa kanilang pagkatuto.









 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 26, 2013 19:39

June 21, 2013

scrabble tayo!





noong summer, isinama ko si iding sa scrabble tournament. naganap ito sa food court ng alimall, cubao, quezon city at buong araw na idinaos. iilan lamang ang manlalaro, wala pa yatang bente pero napaka-memorable nito para sa amin ni iding dahil ito ang first time naming makapunta sa isang scrabble tournament.



lumaban si iding mula 10am hanggang mga 430pm. ganyan kalupit pala ang mga tournament ng scrabble. siyempre pa, gulat na gulat ang pamangkin ko kaya di mabilang ang pagkakataon na tinutulugan niya ang kanyang mga kalaban. lalo na kung matagal tumira ang kalaban.



masayang nag-umpisa ang tournament. hinati sa dalawang grupo ang lahat ng contestant. merong collegiate level at merong open. sa open napunta ang pamangkin ko dahil hindi siya college student. si iding ay incoming grade 8 pa lang.



ang mga nakalaban ni iding sa open ay isang 8 years old na bata, isang 12 years old na bata, at mga apat na matanda. as in mga 50-70 years old na yata. oo, magkakahalo-halo ang bata at matanda sa open group.



nasa tabi ako ng mesa kung saan lumalaban si iding ng scrabble. papalit-palit ng mesa ang lahat ng manlalaro sa bawat round dahil papalit-palit din ang kanilang mga kalaban. isa sa mga di ko malilimutang kalaban ni iding ay isang matandang lalaking itatago natin sa pangalang Broniluigi. sa unang tira niya, simple lang ang sagot niya. something like nail. four letter word na walang plus-plus o bonus-bonus. tapos tumira na si iding. pagkatapos ay siya uli, si broniluigi. ang itinira niya ay isang salitang may pitong letra. umabot yata sa halos isandaan ang kanyang iskor. hindi na-gets ni iding kung bakit sobrang laki ng iskor ni broniluigi. paulit-ulit niyang binilang ang itinira ni broniluigi. until inexplain ni broniluigi na plus 50 points pala kapag naitira ang lahat ng letra ng isang player.



nanlumo si iding. ipinatong niya ang baba niya sa mesa at wala sa sariling tumitig sa sarili niyang mga letra.



sa buong laro nila, napansin ko na parang nagmamadali sa pagbibilang ng iskor si broniluigi. dalawang ulit siyang nagkamali ng bilang, kulang ang points na ibinigay niya sa kanyang sarili. at komo sigurista kami ni iding, binibilang din namin ang iskor niya. kaya nalalaman namin na kulang nga ang ibinigay niyang points sa sarili niya.



sabi niya pag sinasabi ko na, kulang po ang bilang ninyo sa sarili ninyo.



ay, oo nga, salamat, ha? salamat sa pagiging honest mo, sasagot siya.



pero mukhang beteranong player na itong si broniluigi kaya hindi bumenta sa akin ang pamali-mali niya ng bilang sa sariling iskor. me kutob akong sinasadya niya iyon para malaman kung marunong nga kaming bumilang ng iskor o puntos. lagi niyang minamadali ang pagbibilang kaya hindi namin siya nasasabayan. ang nangyayari, nagdedeklara na siya ng puntos bago pa kami makatapos sa pagbilang ng puntos. pero hindi kami nagpapa-intimidate ni iding. tinatapos namin ang pagbibilang kahit pa nakatunganga doon sa amin si broniluigi sa bagal namin.



e ano kung mabagal nga kami?



kung hindi namin ginawa iyon ay baka



1. maisip niyang wala kaming pakialam sa mga iskor. dahil anlaki na ng agwat ni iding kay broniluigi, imposible na talagang mahabol, tipong 100 versus 400 points labanan, para saan pa ang iskor di ba? pero kasama sa rule ng laro ang pagtatala ng tamang iskor kaya ginawa talaga namin iyon ni iding.



2. maisip niyang hindi nga kami marunong mag-point system kaya kung ano lang ang banggitin niya ay tatanggapin na namin nang buo at maluwalhati. at siyang isusulat sa scoresheet.



3. maisip niyang kayang-kaya niya ang maliit at batang player tulad ni iding at ang may pagka-stage mother pero aanga-angang tita nitong tulad ni beb.



may mga instance din na antagal ng kamay niya sa pouch kung saan dinudukot ang tiles ng letra. nalaman namin nang araw na iyon na bawal magtagal ang kamay sa loob ng pouch. basta dukot lang nang dukot. hindi dapat nagbababad ang kamay sa pouch dahil wala namang dahilan para magtagal doon ang kamay ng kahit na sinong manlalaro. pero itong si broniluigi, may ilang ulit siyang pagdukot kung kailan parang pinipintahan niya ang letra sa bawat tile. pero siyempre hindi namin masasabi iyon, kutob lang, dahil hindi naman transparent ang pouch.



dahil sa tagal ng kamay niya sa pouch, di ko maiwasang mapatitig sa bawat kilos ng kanyang kamay. napansin ko tuloy ang ilang ulit na pagsasara nang mahigpit ng kanyang hinliliit at palasingsingan. sobrang higpit na parang me nakaipit doon na something na siyempre bawal mahulog kundi ay mabubuko siyang nag-iipit ng tiles o letra.



anyway, me kutob talaga ako na magulang si broniluigi.



naramdaman din siguro ito ni iding kaya hindi na nag-e-effort si iding na makatira ng mataas na puntos na salita. wala nga naman siyang maitira kasi puro vowel ang napupunta sa kanya. ang nailalapag niya ay puro it, on, to at iba pa.



finally natapos ang kanilang game. three to four times ang lamang ni broniluigi, not so surprisingly! hahahaa



lulugo lugong nagtanghalian ang pamangkin ko. nakasabay namin ang isa sa dati kong kakilala sa isang org ng mga writer. kinumusta ko ang impression niya kay broniluigi.



tadan!



sabi niya, ay iyon ba? madaya iyon e. madaya talaga, saka madalas nagpapatalo yan sa umpisa para mapunta siya sa mahihinang kalaban at nang makaungos siya nang husto sa mahihinang kalaban, para mapataas niya ang overall niyang points sa isang buong tournament. kung sa magaling kasi siya natatapat, hindi siya makapunto nang mataas.



nge. sabi na, beterano ang broniluigi na ito!



nagkibit-balikat si iding. buti at pareho kami ng naisip.



"me ganyan talaga. ingat-ingat na lang tayo."



sa isip ko'y naalibadbaran ako. ano ba naman ang lalaking iyon? si broniluigi?! nang makakita ng taong mas maliit at mas mahina sa kanya, ang mindset niya ay pagsamantalahan ito! agad-agad? pagsamantalahan agad-agad? ni hindi binreak in.



well, me ganyan talaga. ingat-ingat na lang tayo sa kanila. sila na kung tawagin ay kabigero. ang bawat sandali ng kanilang buhay ay idinidisenyo nila sa paraan na makakapangabig sila sa pinakamaximum na paraan.



oh well.



out of 7 games, 3 ang naipanalo ni iding. not bad for a first tournament di ba?



naka top man lang ba si broniluigi?



HINDI. BWAHAHAHAHA. yan ang napapala ng may maiitim na budhi.



itim. itim na itim.



kasing itim ng bagong t-shirt na binili namin para kay iding bilang premyo niya sa tatlong wins.



kamiseta na simbolo pa ng tahimik na pagpoprotesta. sa mga tulad ni broniluigi.









Ang copyright ng larawan ay kay Bebang Siy.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 21, 2013 12:00

Bebang Siy's Blog

Bebang Siy
Bebang Siy isn't a Goodreads Author (yet), but they do have a blog, so here are some recent posts imported from their feed.
Follow Bebang Siy's blog with rss.