Bebang Siy's Blog, page 61

March 4, 2013

Isang Rebyu sa Dulang The Collection ni Floy Quintos

Ano ang mga sinasabi/gustong sabihin ng dula?



Ang pinakabagong dula ni Floy Quintos na The Collection ay isang farce tungkol sa mga importanteng lunan at bagay na matatagpuan sa Pilipinas at sa kulturang Filipino. Ang mga ito ay binibili ng mayayaman (mula sa loob o labas man ng bansa) upang maging bahagi ng kanilang “koleksiyon.” Ilan sa mga ito ang Banawe Rice Terraces at isang antigong imahen ng Birheng Maria na gawa sa ivory.



Ang buong dula ay komento sa kung paanong pinahahalagahan ng mga Filipino ang sarili nitong mga cultural icon. Dahil sa kahirapan, hindi nauunawaan ng karaniwang Filipino ang halaga nito sa bayan at sa sariling kaakuhan. Matining pa rin ang tinig ng sikmura kaya’t kahit ang bahagi ng sariling kaakuhan ay handa nang ipagpalit sa kaunting pera (P40,000!).



Isa rin itong komento sa minsa’y absurdong paraan ng pag-iisip ng mga makapangyarihan sa lipunan, halimbawa ay ang lubhang mayayaman. Wala silang iniisip kundi ang kanilang sarili. Sa pamagat pa lang ng dula, The Collection, ipinakikita na rito kung paanong mas pinahahalagahan ang wants ng sarili kaysa ang ano pa man, kahit pa sabihing extreme ang wants na ito. Ang collection ay pagtitipon ng mga bagay na kadalasan ay may iisang tema. Kadalasan, ang halaga nito ay nasa mata lamang ng collector at wala naman talaga sa mata ng ibang tao. Ngunit sa pagkakataong ito, ang halaga ng koleksiyon ay pambansa (or so we thought!).



Kinatawan ng sumusunod na tauhan ang matinding gutom na ito para lang sa isang collection:



1. Si Tatiana na ginagamit pa ang relihiyon para lang mapasakanya ang ivory na birhen.



2. Si Alphonse na ginagamit pa ang sining (pelikula, fashion, visual arts) para sumikat at magkamal ng salapi at mapasakanya rin ang ivory na birhen.



3. Si Helena na siyang nakaisip na magbigay ng pera sa mahihirap bilang bahagi o parte ng mga ito mula sa mapagbibilhan ng importanteng lunan o bagay mula sa Pilipinas, ay ginagawa ang lahat ng paraan para magmukhang malasakit sa mahirap ang bawat desisyon ng kanilang grupo. Wala siyang pakialam kahit twisted ang realidad na kanyang inihahain sa media/lahat ng tao.



4. At siyempre si Manolo, na parang balon sa lalim ang kasakiman at lahat na lang ay gustong mapasakanya. At gagawin niya ang lahat (particularly, paandarin ang makina ng sariling salapi) makuha lang ang ninanais.





Paano ipinakita sa anyo ng dula ang mga gustong sabihin ng dula?





1. Sa panahon



Ang dula ay isinet sa isang futuristic na panahon. Balang araw, parang nagbabanta ang dula, ganito ang mangyayari sa Pilipinas.



2. Sa mga costume



Halimbawa ay ang absurdo (at nakakatawang) mga creation ni Alphonse na kumakatawan sa paraan ng kanyang pag-iisip.



3. Ang presensiya ng crowd



Ang crowd na minsan ay mamamayang Filipino sa kasalukuyan, mamamayang Filipino noong unang panahon (panahon ng Babaylan at Hermana), minsan mga reporter at minsan naman ay clubgoers. Dahil sa presensiya nila, naramdaman kong itinatawid ng mandudula ang konsepto ng excess. Extreme excess. Na laging hindi maganda ang anuman na sobra. Sumasakit ang ulo ko kapag lumalabas ang crowd na ito sa entablado. Naiingayan ako, naaasiwa ako sa dami nila, nakakapalan ako sa mga nagaganap sa entablado. Para akong nalulunod sa sabay-sabay na pagkilos/pagsasalita/pag-iingay.

Palagay ko, kahit ito ay isang device ng mga lumikha ng dula. Isang napakahusay na device kung tutuusin.



4. Ang set design



Isa ito sa pinaka-highlight ng dula. Dahil dito, mas malinaw ang daloy ng kuwento. Napag-iiba-iba ng set design ang panahon at lunan. Napakahirap itong ma-achieve dahil ang kuwento ay parang stream of consciousness, tuloy-tuloy, walang patda, anything goes. Ngunit nagawan ito ng paraan ng set designer. Maging ang pangungutya sa mga tauhan ng dula ay naiparamdam ng set design. Halimbawa nito ay ang mga eksena nina Tatiana, Alphonse at Helena at ang face-off nina Manolo at Stephen Yan.





Ano-ano ang mga eksperimentong nakita o napansin?



Para sa akin ay ang futuristic na setting. Bago ito sa aking pananaw sapagkat mabisang nabitbit ng mga lumikha ng dula ang sentiments ng iba’t ibang Filipino na mula pa sa hinaharap. Kumbaga, ‘yong buong mind set at emotional status ng mga Filipino sa hinaharap ay nailagak sa dula at produksiyon na ito. At nagdulot ito ng takot sa akin dahil napakaposible ng lahat batay sa paraan ng pag-iisip at mga hakbang patungkol sa sariling kultura ng karaniwang Filipino ngayon.





Bago rin para sa akin ang paggamit sa imahen ng birhen para mapalitaw ang iba’t ibang nature ng tao: ang kapangyarihan (ng Babaylan), ang purity at innocence (ng Hermana), ang kaignorantehan (ng taumbayan noon at ngayon) at ang kasakiman (ng mayayaman). Sa tuwing susulpot sa entablado ang birhen, may nagaganap sa mga tauhan. Para silang tinatalupan sa harap ng manonood. Hinuhubaran sila hanggang sa malantad ang kulay ng kanilang mga buto. Naging lubhang makapangyarihan ang dula para sa akin dahil nag-iba ang pagtingin ko sa mga birhen. Akala ko noon, iisa lang ang kayang gawin nito, ang maging batis ng inspirasyon at pag-ibig ng Diyos para sa mga Katoliko. Hindi pala. Napakarami nitong kayang gawin, napakarami nitong kapangyarihan. Remember the Hermana, ang panawagan ng dula, nang hindi maligaw ang ating mga kaluluwa.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on March 04, 2013 02:04

February 26, 2013

Huwat? Biyaya na naman?

Ay, hindi po ako nagrereklamo. Thank you, thank you talaga sa Supreme Being!



Ang suwerte ko talaga, friends. Grabe na ito.



Kanina ay pumirma ako ng publishing contract with Vibal. Para sa aking kuwentong pambata na Marne Marino.



Noong 2009, may nakita akong contest sa pagsulat ng kuwentong pambata. Ang paksa ay seaman at ang kanilang pamilya. Agad akong nag-conceptualize. Agad akong nagsulat. Pero dahil sa wikang Ingles ito, it took me 400 years. Joke. Mga ilang buwan din. Tapos pina-check ko nang pina-check ang grammar sa bespren kong manunulat sa Ingles na si Russell Mendoza. At ang mga detalye sa high school classmate kong seaman na si Nestor Oscares, at sa isa ko pang kakilalang seaman na si Alex Vadil. Baka kasi magkamali ako e tungkol sa barko iyon at sa iba't ibang kuwarto nito at sa mga taong nagtatrabaho sa barko, wala naman akong experience sa pagtatrabaho doon, mahirap na.



Tapos, isinubmit ko na ang kuwento with the highest hopes na mananalo ito.



Bakit?



1. I believe maganda ang kuwento ko.

2. Bago ang mga nakalagay doon. Wala pa akong nababasang kuwentong pambata na pinaksa ang iba't ibang taong nagtatrabaho sa barko at ang mga bahagi ng barko.

3. Hindi masyadong kilala ang contest, malamang konti lang ang sasali rito.

4. Medyo challenging ang tema: buhay seaman. Siguradong mas konti pa ang sasali rito.



(You see, nagkaka-confidence lang ako kapag kaunti ang kalaban. Kasi pag kaunti ang kalaban, siyempre, tumataas ang chance ng bawat kalahok na manalo. Noong college ako, ito lang ang dahilan kung bakit nananalo ako sa mga contest. Aapat ang sasali, minsan lima, at pag university-wide, marami-rami na 'yong entries. Mga anim. Nakaka-2nd o 3rd place tuloy ako. Ansaya, di ba?)



Pagkatapos, inabangan ko na ang petsa kung kailan nila ia-announce ang winners: August 4.



Pagsapit ng August 3, may natanggap ako from them:



You are getting this in response to several follow-up inquiries, and because you submitted an entry to or contacted us earlier about the XXXXXXX Storywriting Contest.



We have narrowed down our selection to a few finalists. Based on that, we are now in the process of selecting the final winners. We hope to have the results within the month, and announce by email to everyone who submitted an entry.



Because this is the first time we're doing this, we are being very careful in how we proceed. The care we take now will set a precedent for the future. Thank you for your patience and understanding, and thank you for your continuing interest in the XXXXXXX Storywriting Contest.



Okey. Masaya pa ako, highest hopes pa rin. Kinokontak ako. This is a good sign.



After a few days, I got another email from them. Eto ang sabi:



You are getting this because you are among those who submitted an entry.



Some of you are asking what exact day we will announce the winners.



Our answer is we can't say exactly what day we will announce the winners. If you are one of the winners, however, you need not worry that you will miss the announcement because we will let you know right away in three ways -- by email, by phone call or text message, and by a letter sent to your mailing address.



The list of winners will be posted in our blog as well, and also emailed to everyone who submitted an entry.



Thank you for your patience and understanding.



Yes, panalo na ako. Imagine, pinapadalhan ako ng ganitong email kahit na hindi naman ako nangungulit. I was so excited. Ilang araw na lang makikita ko na ang pangalan ko sa listahan ng mga winner! Sikat!



Pag-slide pa ng ilang araw, nakatanggap na naman ako ng email. Good news na ba? Heto ang sabi:



Hi,



We want you to know that we will announce the ten winners of the XXXXXXX Storywriting Contest on Monday, September 7. The announcement will be made in our blog http://XXXXXXXXXX.blogspot.com and also by email to everyone who submitted an entry.



At the same time, each individual winner will be notified by email, by text or voice call, and by a letter sent to their mailing address on file.



Ang tagal naman. Atat na atat na akong ma-award-an!



Humambalos na parang malaking alon ang September 7. At yes! Talo ako.



Anak ng balyenang binubungang araw, pinatagal pa, talo rin naman pala. Yay. Pero ako namang talaga ay hindi nasisiraan ng loob. Anumang oras, anumang panahon, anumang pagkakataon. Sabi ko, magkakaroon ka rin ng moment to shine, Marne. I can feel it. Tapos umiyak ako. Nang time kasi na 'to ay walang nangyayari sa aking career at sa aking lovelife. Lalo na sa aking pag-aaral. Sabi ko, ano ba? Ito na lang, ipagkakait mo pa, ha, tadhana? What's up? Lahat na lang ng kapigha-pighating pangyayari, isinaboy mo na sa mura kong mukha, katawan at isip. What's up?



Umiyak ako for 400 solid years.



Tapos itinago ko sa pinakasuluk-sulukan ng USB ko ang kuwentong pambatang Marne Marino.



Fast forward to 2011. Nang tinatapos ko na ang It's A Mens World na manuscript, naisip kong isama ang Marne Marino bilang huling bahagi ng essay na Ang Aking Uncle Boy. Ito ay tungkol sa uncle kong seaman na nagsikap at nakapagpaaral ng sangkaterba niyang anak. Ang panganay ay isa na ngayong doktor.



So 'yon na nga. Idinugtong ko sa essay ang Marne Marino. Tapos inialay ko kay Uncle ang akdang iyon. Waiter ang Uncle Boy ko, for almost forty years! So naisip ko, sa ranggo, hindi sila nagkakalayo ni Marne Marino na isang oiler. Si Marne ang bida sa aking kuwentong pambata at ang oiler ay isa pinakamabababang ranggo na mapapasukan sa isang barko.



Na-publish na nga ang Marne Marino, sa wakas. Na-publish sa It's A Mens World. Pagkaraan niyon ay hindi ko na ito inisip muli. Kumbaga, made na ang kuwentong pambata kong ito. Ganap na.



But wait. There's more!



After a few months, kinontak ako ni Rio Brigino ng Vibal. Matagal na kaming magkakilala, noon pang time na inilunsad ang Wikipilipinas with Sir Bobby Anonuevo. Mga 5 or 6 years ago. Since then, lagi na kaming nagkakabungguang collar bones nitong si Miss Rio sa iba't ibang event para sa mga manunulat at aklat.



Nag-PM siya sa akin sa Facebook. Natuwa raw siya sa Mens at relate na relate sa maraming akda roon. Thank you ako nang thank you. Masarap makatanggap ng ganitong comment mula sa readers, ha? Parang inaakbayan ng kaluluwa nila ang kaluluwa ko. Parang sabi, ay, putcha, pare, di ka nag-iisa. been there, done that. pero hello, kung nagpatalo tayo sa mga ka-nega-nahan ng sitwa-sitwasyon, di sana tayo pangisi-ngisi ngayon habang naka-de kuwatro at painom-inom na lang ng sparkle sopdrink.



So, andun ako, sa harap ng computer at sinisimot pa ng kaluluwa ko ang ilang butil ng sparkle, nang biglang sambitin ni Miss Rio ito: Bebang, baka gusto mong i-publish with Vibal ang Marne Marino mo as a children's book?



Inay. Nakakagitla naman ang 'But wait, there's more' na 'to. Putcha talaga.



Siyempre, umoo ako. Okey po, Miss Rio! Tapos smiley. Tipong pa-cool effect lang kahit na tumango-tango ako na parang nagdi-dribble ng apatnapung basketbol at kasinlaki rin ng basketbol ang mga mata ko. Okey, okey, ipapakontak daw niya ako kay Bea Alegre ng opis nila. Okey, okey po, kako.



Nagpalitan kami ng email ni Miss Bea. Inabisuhan niya akong i-clear ko raw sa copyright issues ang akda. Agad kong kinontak si Mam Karina Bolasco ng Anvil at sinabi sa kanya ang offer ng Vibal. (Joint copyright kasi ang Mens. Bale ako at Anvil ang may hawak ng karapatang-ari. E, since part ng Mens ang Marne Marino, kailangan kong humingi rin ng permiso sa kanila, sa Anvil, para sa paggamit nito.) Nagpadala si Mam Karina ng letter na nagpapatunay na puwede kong gawin ang kahit anong gusto kong gawin sa Marne Marino. Ipina-scan namin ito at in-email agad sa Vibal. Tapos inumpisahan ni Poy ang pagsasalin sa Filipino ng Marne Marino. Kinontak din niya si Jo (Ronier Verzo sa tunay na buhay), ang kuya niyang graphic artist, na siyang napipisil namin para sa illustrations ng aklat.



Nangyari ang mga ito noong 2012.



Ngayon, ngayong 2013, meron na akong cover page at first page illustrations, at rough draft ng illustrations ng buong aklat. Humingi rin ako ng sample contract sa Vibal. Naisip ko ring ipasalin sa Ilokano ang aking akda at baka mapasama sa reading list sa mga grade school class na mother tongue na ang gamit sa pagtuturo. (Kaya magkakaroon na ng bagong career ang nanay kong si Tisay. Ipapasalin ko sa kanya ang Marne! Wow, from T to T. From tong-itera to translator! Ikaw na, Tisay!)



Pagbukadkad ng Pebrero 2013, nakipag-set na ako ng meeting with Vibal peeps para sa pagtalakay ng ilang tangkay sa kanilang kontrata. At hindi ko na pinatagal ang negosasyon, e putik, baka rosas na, maging kamote pa kung magpapabandying-bandying ako.



Kaya, kaninang umaga, 10:38 a.m. ng 26 Pebrero 2013, pinirmahan ko na ang kontrata. Dinilaan ko rin ang aking hinlalaki at saka idiniin ito sa ibabaw ng aking lagda. Nag-iwan din ako ng ilang patak ng dugo sa ibabaw ng aking pangalan (for DNA checking purposes). Ganyan lang talaga pag seryoso kang tao tulad ko. Gusto ko nga rin sanang mag-iwan ng ilang hibla ng buhok at article of clothing (tulad ng panty) kundi lang ako pinigilan ni Miss Rio.



OKEY NA. OKEY NA 'TO, MISS BEB!



!!!



Okey.



So after more than 1000 years (and after kong manghiram ng Betadine at band aid sa first aid kit ni Manong Guard ng Vibal), magiging ganap nang pambatang aklat ang aking Marne Marino.



!!!



Wah. Ang saya lang.



Salamat sa kilo-kilong suwerte at biyaya mula sa Supreme Being. I owe You!



At super higit sa lahat, buti na lang at nagpapasalamat talaga ako, kusang ine-eject ng mga DNA ko ang konsepto ng pagsuko.



Rakenrol, mehn.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 26, 2013 00:11

February 21, 2013

Publishing Rates para sa mga tula

Ito ay kinalap ni Mr. Jason Chancoco ng Naga. Siya ay ilang taon na ring contributor ng mga tula at artikulo sa mga mababanggit na publikasyon.



Homelife- P250

Kabayan-P400

Tulay Magazine-P600

Tomas-P600-P800

Ani-P600-P800

Silangan Shimbun-P800

Sunday Inquirer Magazine-P750-1000

Panorama-P350-400

Sunday Times -P500

Philippines Free Press-P500

Philippine Graphic- P400-P500

Liwayway-P250-350

Mirror-P500



Ang ibang publications, compli copies lang ang bayad.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 21, 2013 23:04

February 9, 2013

sa piling ng mga manunulat

kahapon at kagabi, maghapon, magdamag akong nasa piling ng mga manunulat. at lagi't lagi ay hindi ako nabibigo. masagana na naman ang ani, ani ng inspirasyon.



kasi nakikita ko silang masaya anuman ang estado nila sa buhay. nakikita ko silang may malasakit sa kapwa, sa kaibigan lalo na.



precious, precious moments.



i will always write no matter what. ito ang iilan sa mga bagay na sigurado ako sa aking sarili.



para sa panitikan, para sa bayan.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 09, 2013 21:44

BASTA WRITER, SWEET LOVER



A post-Valentine poetry party



We invite you to prove this on February 17, 6:00 pm in the garden area of Bali Hai, Visayas Avenue.



Poetry. Music. Wine. Chocolates.



Gate: P100 with free "love potion" and chocolates



Bring love poems for the open mic.



Bring your lovey dovey.



Brought to you by the Freelance Lovers Guild of the Philippines and Bali Hai Garden Restaurant (http://balihaigardenrestaurant.com/)



Guest readers who have confirmed so far:



Ceres Abanil

Rustum Gil Casia

Lourd de Veyra

Vince Dioquino

Ramil Gulle

Karen Kunawicz

Gabriela Lee

Vincenz Serrano



Performers who are joining us on the 17th:



Diwa de Leon

Jeff Pagaduan

Escape the C.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 09, 2013 20:56

February 8, 2013

selective katam

kakaiba rin itong katamaran ko. kapag para sa eskuwela, saka lang umaatake. amp.



ba't ganon?



baka di talaga ako makatapos ng masters! anak ng...





 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 08, 2013 21:58

Updated things to do

1. edit ang nuno

2. submit nuno to mam nida

3. write gospy

4. edit essays from marawi

5. translate ken spillman's work

6. email the cv of poy to mam susan and to angge

7. write outline for the miriam talk

8. compile all comics script

9. try to write poetry for kids from the comics script-isali sa palanca, baka manalo

10. try to write poetry based on sagada story-isali sa KWF baka manalo

11. try to write one more chapter for high school-isali sa palanca, baka manalo

12. write kapikulpi column



wah. ito lang ang nagawa ko kahapon. dami pa things to do!



eto pa pala. proposal for ramon magsaysay! hay, tambak!

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 08, 2013 19:51

February 7, 2013

Things to do

1. edit ang nuno

2. submit nuno to mam nida

3. write gospy

4. edit essays from marawi

5. translate ken spillman's work

6. email the cv of poy to mam susan and to angge

7. write outline for the miriam talk

8. compile all comics script

9. try to write poetry for kids from the comics script-isali sa palanca, baka manalo

10. try to write poetry based on sagada story-isali sa KWF baka manalo

11. try to write one more chapter for high school-isali sa palanca, baka manalo

12. write kapikulpi column



dami ko nainom kape kanina. kelangan ko kasi talagang tapusin ang poetics para sa paparating na workshop. putcha para akong sumulat ng thesis!



ngayon di pa ako inaantok! kaya blog-blog na muna.



so far, nakakasulat ako, halos araw-araw, sa aking journal. at dito sa blog. so far, nakakapag-50 na sit up ako halos araw-araw. kapag kunwari di ko nagawa today, may utang akong 50 kinabukasan.



today, 190 sit ups ang kailangan kong bunuin hehehe bakit me butal? kasi nung isang araw 200 ang utang ko. kahapon, ang nagawa ko lang kanina ay 60. so 140 na lang. e plus 50 pa today? so 190 lahat. sige na, umpisahan ko na ito.



see you tomorrow!







 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 07, 2013 11:14

February 6, 2013

ninongs, ninangs, venue at iba pa

sir rio-ok

sir vim-ok

mam marot-ok

mam ruby-ok

mam jeanette-ok

sir ricky-ok

sir era-sasabihan na raw ni poy.

mam alma- na-inform na



nag-email na ako kay mam alma, reply na lang ang hinihintay namin. SAna pumayag siyang talaga. at si sir era. yay!



venue



mag-eemail ako ng proposal sa ramon magsaysay. inemail ko kanina si kiel, na-excite siya sa idea namin, sabi niya, magsubmit ako ng formal na proposal sa kanila. sana magawa ko na ito. di ako makatrabaho sa kakaisip sa venue!



yun nga lang, 200 lang yata ang capacity ng RM. baka pumalo sa 250 ang guests namen! susmaryosep.



kung di ubra sa RMC (kung madecline ang aming proposal), baka dito kami:



paco park -kaso rizal day! yaaaa! baka di kami payagan!

kanlungan ng sining-sa luneta ititch

chinese garden-kasama ito sa original na pinagmunihan namin



at mag-iisip pa ng iba pang venue. (kung meron po kayong ma-suggest, please, palagay sa comment, thanks in advance!)



souvenir



sabi ni poy, journal na lang daw ang ipamigay namin. sabagay yun naman ang una naming idea. so kelangan ko nang magbasa ng maraming aklat. yung journal kasi parang book of quotes tungkol sa pag-ibig. siyempre pa, sulat ng mga manunulat sa wikang filipino. madugo ang research dito hehehe at ang paghingi ng permiso sa mga utaw.



motif



til now wala pa kaming mapagkasunduang kulay. easiest way out ko ay pink and purple. kung mapagod na ako sa kakaisip ng motif, yan na lang. okay din sa akin ang orange. or pink at aqua. (ayan na naman ako, papalit palit ng isip!)



book fair



reading room c/o sandy allan beltran-ok

pandora's books online c/o maru-ok



ieemail ko sina mam karina at mam nida para sumali sila sa book fair hehehe andun ang mga writers nila sa wedding namin! sana bumili ng books ang ibang attendees para makapagpa-sign sila sa authors.



iniisip ko, itabi ang candy buffet sa book fair. pati ang photo booth. para talagang pupuntahan ng mga tao hahaha kaya lang gusto ko yung cake ay nasa gitna ng candy buffet. e pano yun? either katabi namin ang candy buffet at ang book fair or malayo sa amin ang cake at pupunta kami sa candy buffet kapag kailangan na naming mag cut ng cake? hmm...



book exchange



im seriously considering this. magdadala ng lumang aklat ang lahat ng attendees. mas luma, mas ok. tapos pipirmahan nila tapos yun, magbo book exchange kami, siyempre kelangan me pirma hehe marami sa attendees ay published authors na. o di ang precious ng autograph! ang saya lang!



gown



nung isang araw, napadaan ako sa glorietta (after ng meeting namin sa ayala museum), waaah, yung tindahan ng tela doon, nagdisplay ng pinagpatong-patong na telang puti sa isang manikin, mukhang wedding gown. shet ang ganda talaga. so pumasok ako at tiningnan kung magkano kaya ang telang nakakulapol sa manikin. P2000 per yard. potah kamusta naman?



hay, ganito pala pag ikakasal na hahaha di makaisip ng ibang bagay kundi ang wedding! yay!



god bless our plans! amen! go 2013!!!









 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 06, 2013 05:41

February 4, 2013

Power trip, anyone?

Lungkot na lungkot ang anak ko kagabi pag-uwi niya. Iyon pala, may iniisip. Nang ikuwento niya sa amin ang nangyari noong uwian nila, in-encourage namin siyang isulat ito at i-submit ang sulat sa teacher o head ng CAT. Kung maipapadala niya sa campus paper, mainam din.



Pinroofread ko lang (gitling, spelling, etc. ) at heto na:





SALAYSAY NG ISANG ESTUDYANTE NG RMCHS



Noong February 4, 2013, bandang 7:00 p.m., uwian na kaya magkakasama kami ng mga kaibigan ko na sina Eunice Romanillos, Sarah Regacho, Cristine Abrasaldo na taga-II-Bonifacio at si Abigail Faniega na taga-II-Mabini. Naglalakad kami sa corridor ng 3rd floor ng Main Building kasabay ang ibang mga kapwa estudyante.



Habang naglalakad, may grupo ng magkakaibigan na nagtatawanan at nag-uusap nang biglang may sumigaw na lalaking CAT na may kasamang babae na CAT din. “MAG-IINGAY PA KAYO!” pagalit ang tono nila sa grupo ng magkakaibigan, kaya nagsialisan na lang sila. Sumunod ang dalawang CAT sa amin hanggang makababa sa 2nd floor. Nagtatawanan at nagkukuwentuhan kaming magkakaibigan habang pababa na sa hagdan. Pahiwalay na ko sa kanila para pumila sa pila ng mga lalake (tuwing uwian hinihiwalay ang pila ng lalaki at babae. Pinaghihiwalay ito ng mga CAT mula sa tapat ng mga hagdan at daanan hanggang sa paglabas ng gate) nang biglang may sumigaw na lalaking CAT sa amin, “ANG IINGAY NINYO! NASA PALENGKE BA KAYO?!” galit din ang tono nito sa amin. Sumagot naman ako sa kanya sa maayos na tono, “Kuya nasa school po kami.” Palakad na ako ulit pero sabi niya, “Namimilosopo ka pa!” Nagulat naman ako sa sinabi niya kasi hindi ko naman intensiyon na mamilosopo kaya ang sabi ko, “Bakit? Tama naman ‘yong sinabi ko, a?” May nagsalita ulit na lalaking CAT ang sabi niya, “Sasagot ka pang bakla ka, e.” Nagsalita naman ‘yong kaibigan ko na si Cristine na, “Kuya hindi naman siya bakla, e” pero sininghalan siya ng babae na CAT ng “SASAGOT PA KAYO, E!” Tiningnan ko ‘yong lalaking nagsalita sa akin sabay talikod at sinabi sa sarili ko na, “Hindi ako nag-aral dito para pagsalitaan mo ako nang ganyan.”



Isinulat ko ito para lalong maintindihan ng mga tao ang sitwasyon ko at ang ginagawa ng ibang CAT na tatawagin kong Power Tripping. Ito ‘yong klase ng bullying na kung saan ginagamit mo ang authority o antas mo para makapang-abuso ng iba sa verbal o pisikal o iba pang paraan. Ang ginawa ng dalawang lalaki at ng ibang babaeng CAT ay Power Tripping at verbal bullying. Nang marinig ko ang sinabi sa akin at ang pakikitungo ng mga CAT sa loob ng school ay hindi ko talaga ito nagustuhan. Hindi ko rin maisip na may ganon palang estudyante at CAT pa. Kaya natanong ko sa sarili ko na ganito at ito nga ba ang paraan ng pagtuturo sa CAT? Ganito ba sila mandisiplina ng kapwa estudyante? O sadyang ginagamit lang nila ang pagiging CAT para makapagsalita ng hindi maganda sa iba? Paano sila igagalang ng mga estudyante kung sila mismo, hindi naman nagpapakita ng paggalang sa kapwa?



Hindi ko isinulat ito para siraan ang CAT. Isinulat ko ito para malaman ng lahat ng kapwa ko estudyante na naabuso din ng ibang CAT na hindi sila nag-iisa at may karapatan silang makapagsalita at kaya nilang ipaglaban ang karapatan na ‘yon. Isinulat ko rin ito sa pag-asang titigil na ang power tripping ng mga CAT.



May iba namang paraan para magpatahimik o pagsabihan ang ibang estudyante. ang paraan na ‘yon ay ang MAKIPAG-USAP NANG MAAYOS, hindi ‘yong sisigawan at sasabihan ang kapwa estudyante ng hindi magandang salita. Gusto ko makilala ang iba pang estudyanteng nakaranas nito at gusto ko rin matigil na ang maling pagdidisiplina o ano pa man ang maling paraan ng mga CAT.



____________________

SEAN ELIJAH W. SIY

II-Bonifacio



Ang salaysay na ito ay ipinost nang may pahintulot ng may-akda.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 04, 2013 20:24

Bebang Siy's Blog

Bebang Siy
Bebang Siy isn't a Goodreads Author (yet), but they do have a blog, so here are some recent posts imported from their feed.
Follow Bebang Siy's blog with rss.