Bebang Siy's Blog, page 53
September 22, 2013
Obligasyon kong maglayag
Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
—Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!
For more quotes from your favorite Pinoy authors, go to:
http://pinoyreads.tumblr.com/page/4

Published on September 22, 2013 00:26
Top writers grace day one of 9th Creative Writing Workshop
Josef Brian Ramil
14 September 2013, 7:46 p.m.
- ACCLAIMED writers shared their expertise with budding Thomasian writers on the first day of the Varsitarian's Creative Writing Workshop (formerly Fiction Workshop) at the Tan Yan Kee Student Center Saturday.
Now on its ninth installment, the workshop featured Faculty of Arts and Letters professor and Palanca awardee Eros Atalia, fictionist Beverly Siy, and poet Rebecca Añonuevo as panelists on its opening day.
parasa buong artikulo, i-click lamang ito:
http://www.varsitarian.net/news/20130...
Maraming salamat, Varsitarian!

Published on September 22, 2013 00:21
September 21, 2013
The Next Big Thing-A Chain Letter for Writers-from Ariel Tabag, an Ilocano Writer
Ariel Tabag
10 Enero 2013
Dalawang linggo na yata ang nakalilipas (tagal na pala) mula nang makatanggap ako ng private message sa FB mula kay Bebang Siy, ang awtor ng It’s A Mens World. May pinasasagutang set of questions tungkol sa nasulat at/o susulatin pang libro. Tapos ipapasa ko rin daw sa limang kakilala kong awtor. Pumayag ako kasi nakakahiya namang tanggihan ang mga kapwa manunulat lalo pa’t magkasama kami sa UP Workshop.
(Siya nga pala, “manang” ang tawag ko sa kaniya mula noong malaman kong Ilokana ang kaniyang nanay, at tinatawag naman akong “adding”; ang “manang” ay ate sa aming mga Ilokano at ang “ading” ay tawag sa mas nakababata; nakakatuwa kasi mas matanda ako kay Manang Bebang.)
Noong sinabi niyang kailangan kong i-post ito sa aking blog, naalala ko na kaya pala niya tinanong minsan kung may blog ako.
Sabi ni Manang Bebang, mamimili ako kung 'yung nailabas ko nang libro o 'yung ilalabas ko pa lang na libro ang tatalakayin ko. Dahil wala pang katiyakan kung kailan lalabas ang susunod kong libro, ‘yung tungkol sa dalawa kong libro na nailabas ko noong 2011 ang babanggitin ko dito.
Ayun.
1) What is the title of your latest book?
Halos sabay itong Karapote, na koleksiyon ng aking mga kuwento sa Ilokano, at itong Samtoy, na koleksiyon ng mga kuwentong Ilokano ng labing-tatlong manunulat na Ilokano na sinalin ko sa Filipino.
2) Where did the idea come from for the book?
Itong Karapote, dahil nakasampung taon na akong nagsusulat sa Ilokano kaya inipon at pinili ko na ‘yung mga pinakagusto kong kuwento. Bale umabot ng labing-tatlong kuwento.
Itong Samtoy naman, work of love para sa mga kapwa manunulat na Ilokano at sa Panitikang Ilokano. Para may maiambag din kaming mga Ilokano sa Panitikang Filipino.
3) What genre does your book fall under?
Karamihan tungkol sa pagiging Ilokano. Lalo na itong Samtoy. Kung gusto mo may malaman tungkol sa mga Ilokano, magandang basahin ‘to.
4) What actors would you choose to play the part of your characters in a movie rendition?
Sa Karapote na ‘to. Dahil labing-tatlong kuwento ‘yun, labing-tatlong artista naman: Nash Aguas, Buboy Villar, Bea Alonzo, Zaijian Jaranilla (dalawang kuwento), Paulo Avelino, Vhong Navarro, Jiro Manio, Dingdong Dantes, Coco Martin, Ramon Bautista, Gerald Anderson, Tado.
5) What is the one-sentence synopsis of your book?
Labing-tatlong kuwentong tungkol sa mga Ilokano.
6) Who published your book?
‘Yung sa Karapote, GUMIL at ng asawa ko. ‘Yung Samtoy, tumulong ang NCCA.
7) How long did it take you to write the first draft of the manuscript?
‘Yung Karapote, 2003 ‘yung pinakaluma at 2010 naman ‘yung pinakabago. Naunang nalathala lahat ang mga ‘to sa Bannawag, ‘yung pangunahing magasin ng mga Ilokano.
Halos mga ganyang taon din nalathala ‘yung mga sinalin kong kuwento na napasama sa Samtoy.
8) What other books would you compare this story to within your genre?
Siguro, mga koleksyon ng kuwento na mula rin sa mga rehiyon.
9) Who or what inspired you to write this book?
Sa pagsusulat ng kuwento, mga Ilokano, siyempre, ang inspirasyon ko lalo na ng tatay ko.
Sa estilo naman, marami yata akong nasulat na parang John Steinbeck. Noong mga pahuli na, Alberto Moravia.
Sa paglilimbag naman, nainggit ako sa mga Tagalog na naglalabas ng libro. Sabi ko, kung halimbawa may 40 milyong Tagalog, siguro naman may 20 milyong Ilokano. Kaya kung may bibili sa mga aklat nila, may bibili rin sa amin. Saka para ma-inspire din ang mga iba pang mga Ilokanong manunulat na maglimbag ng libro, na maglimbag din ng kanilang mga akda na hindi lamang umaasa sa Bannawag para malimbag (ang mga ito).
Sa tingin ko, marami pang puwedeng sulatin tungkol sa mga Ilokano na hindi kailangang mailathala sa Bannawag. May mga Ilokano, sa tingin ko, na naghihintay ng kanilang babasahing Ilokanong libro. Ito sana ang matugunan naming. Kung kaya, parang eksperimentasyon din itong paglilibro ko.
Mabanggit ko lang pala na bihira sa aming mga Ilokano ang maglabas ng libro na mga Ilokanong akda. Siguro, mga isang daan titles palang ang nailalabas namin. Marami ito kung ikumpara mo sa iba pang mga rehiyonal na wika/panitikan. Pero kung ang target mo ay medyo sumabas sa agos ng Panitikang Tagalog, kakaunti talaga. Kaya ‘yun, sana mainggit namin ang mga manunulat na Ilokano sa paglilimbag ng libro, at ma-inspire naming ang mga Ilokano sa pagbabasa ng Ilokanong libro.
10) What else about the book might pique the reader’s interest?
Gaya ng nabanggit ko, tungkol sa kulturang Ilokano ang lahat ng mga kuwento sa Samtoy. Kaya kung naghahanap ka ng materyal, itong librong ‘to ang kasagutan.
‘Yung Karapote naman, may kumakalat na balita na nagugustuhan daw ng mga mambabasa ‘yung kuwentong Karapote (kaya ito rin ang napili kong pamagat ng libro).
Dahil nga pala sabi ni Manang Bebang na mas masaya kung mas maraming awtor mulang rehiyon ang mapasahan ko ng mga katanungan, heto ang limang mga awtor (apat na mga Ilokano at isang Cebuano) na pinagpasahan ko ng mga katanungan. Balikan niyo sila pagkaraan ng dalawang linggo:
Roy V. Aragon (dadapilan.com)
Joel B. Manuel (agbannawag.blogspot.com)
Sherma E. Benosa (bilingualpen.com)
Mighty C. Rasing (mightyrasing.com)
Richel C. Dorotan (itatanongkopalangangblogspot.comniya)

Published on September 21, 2013 23:24
Thesis, Smile!
Puwede nang kunan ng retrato ang mga thesis sa Archives Section ng UP Diliman.
Although isa ako sa nakikinabang sa bagong rule na ito, hindi ako komportable dito. Copyright advocate ako. Alam kong paglabag ito sa karapatan ng may akda ng thesis. Ang pagkuha ng retrato sa isang akda ay isang paraan ng pag-reproduce dito. Para din itong pagphotocopy, mas hi-tech lang ang pagkuha ng retrato dahil hi-tech ang gadgets na kailangan para maisagawa ito: point and shoot na camera, camerang DSLR o iyong type na masalimuot, tablet, smart phone at iba pa.
Noong unang panahon sa UP Diliman, bawal ang pag-photocopy sa thesis o sa anumang bahagi nito. Kahapon, nang tanungin ko ang librarian kung puwede na bang i-photocopy ang thesis (dahil nakita kong pinapayagan niya ang pag-picture-picture ng isang lalaking estudyante sa hawak nitong thesis), ang sagot niya ay hindi puwede. Hindi raw kasi puwedeng ilabas ang thesis.
Oo nga naman. Kapag pinayagan ang pag-photocopy ng thesis, puwedeng maluray-luray ito. Hardbound pa naman ito kaya talagang magdi-disintegrate ang quality ng binding kapag ibinuka ito para i-photocopy ang kahit isa lamang na pahina.
Pero naniniwala ako na isa ring dahilan (at ang mas malalim na dahilan) kung bakit hindi maaaring ipa-photocopy ang thesis ay para mahirapan sa pagkopya ang sinumang nais kumopya ng bawat salita na nakasaad dito. Mapipilitang magbasa ang researcher na may pagnanasang kopyahin lamang ang mga salita sa thesis. Mapipilitan siyang mag-research. Kasi kung hindi niya gagawin iyon, paano niya malalaman kung aling bahagi ng thesis ang kailangan niyang kopyahin word per word?
Kapag puwedeng i-photocopy ang thesis, mas madali na para sa tamad na researcher ang magkaroon ng kopya ng lahat ng sinasabi ng may akda ng thesis. E, di may kopya na si Tamad, so anytime at anywhere ay puwede na niya itong buklatin, basahin, kopyahing muli at iba pa. At kung enterprising si Tamad, puwede niya ring i-photocopy muli ang thesis at ipagbenta ang mga kopya nito.
llegal lahat ng iyan. So tamad na nga, ilegal pa.
Tulad ng sabi ko sa umpisa ng sanaysay na ito, ang pagpayag ng isang library para piktyuran ang materyales at mga koleksiyon ng mga akda nila ay para na ring pag-oo sa photocopying. Pisikal na materyal lamang ang napoprotektahan ng library kapag ipinagbabawal nila ang photocopying pero ang essence ng thesis ay hindi nila napoprotektahan, dahil pumapayag sila sa pag-picture dito.
Ano ang assurance ng library na hindi ia-upload ng photographer ang buong thesis na piniktyuran nito? Wala namang pinapirmahan sa lalaking kasabay ko sa Archives Section. Basta na lang itong naglabas ng camera (‘yong mamahaling camera, mind you! Mayayaman na talaga ang mga taga-UP ngayon!) at nagpiktyur nang nagpiktyur. Ang ingay-ingay pa nga ng klik-klik niya, istorbo sa iba pang researcher that time.
Ano ang assurance ng library na hindi magli-leak sa internet o sa anumang uri ng medium ang mga retrato ng thesis?
Wala.
Kawawa naman ang may akda ng thesis. ‘Yong pinaghirapan niya, baka nasa isang blog na pala at pinagkakakitaan ng isang enterprising na researcher! And all because pinadali ng UP Archives ang proseso ng pagkuha ng bawat pahina sa mga thesis na nasa kanilang pag-iingat.
E, sa kabilang banda, bakit hindi na lang piktyuran ng UP ang mga thesis doon at i-upload na lang sa kanilang website ang lahat? Bakit kailangan pang dayuhin ng isang researcher ang UP Diliman, akyatin ang Archives Section, mag-request ng thesis sa counter, maghintay, magbigay ng ID kapag nariyan na ang thesis, kunin ang thesis at umupo sa isang tabi at saka mag-picture?
Ano ang essence ng mga prosesong ito? Na saksakan talaga ng tagal, anlakas kumain ng oras.
Kung ang pagpayag sa pagpipiktyur sa thesis ay para sa convenience ng researcher ng Archives, bakit hindi nila i-all the way ang proseso? Nagiging kumbinyente lang ito sa mga may camera. At sino ba ang may camera? Ay, di iyong may pera!
I am for convenience. Sabi ko, di ba, isa ako sa nakikinabang sa bagong rule na ito? Pero kung
ilegal, di makatarungan at pagnanakaw na maituturing ang paraan para lang maranasan ko ang convenience na ito, aba’y dapat kong pag-isipan nang bonggang-bongga ang proseso.

Published on September 21, 2013 04:43
September 20, 2013
Friday the 13th
Napakasaya ng nagdaang MIBF 2013. Lantutay ako sa pagod pero okey lang. Keri lang. Kasi nakapagpasaya naman ako ng kapwa.
Noong Biyernes, 13 Setyembre 2013, 10 am, sa main stage ng MIBF, SMX Convention Center, inilunsad ng Chikiting Books/LG & M Corporation (an imprint of Vibal Publishing) ang aking Marne Marino kasabay ang iba pang aklat mula sa nasabing publisher: ang Bonggang Bonggang Batang Beki, Sandwich to the Moon, Photo Album at iba pa.
Wala ako sa Grand Launch. Sayang. Sobra pa naman akong excited dahil first children’s book ko si Marne! Noon ay nasa library ako ng Letran High School, nagto-talk sa members ng kanilang Book Club tungkol sa pagsulat ng horror story na ang setting ay Letran.
Nagkaroon ako ng problema sa iskedyul. Matagal nang nai-set ang talk ko sa Letran. Dapat ay August nga ito kaya lang, naospital ang aking contact sa library na si Mam Jem. Nang magbalik siya, nai-set ito nang Sept. 13. Umoo ako kahit alam kong MIBF season ito, wala namang nagsabi sa akin na may mangyayari palang Grand Launch ang Vibal that same day. Nang malaman kong Sept. 13 din ang Launch, umaga rin, nagulat ako. Pero hopeful pa rin akong makakarating ako sa Launch. Sa Letran, 7:30 am ang umpisa ng aking talk. Dalawang batch daw ang aking audience, at tag-one and a half hours ang bawat batch. Calculate-calculate. Pung. 10:30 am, tapos na ‘ko. Magta-taxi na ako after para makaabot pa ako ng 11:00 a.m. sa MIBF. Tinext ko si Miss Carla ng Vibal para sabihin na ihuli na lang ang pagpapakilala sa aklat na Marne Marino. Oo, anya naman.
Excited na excited ako. Bumili ako ng dilaw na helmet sa Recto a few weeks ago. Binilhan ako ni Poy ng pulang overalls (sa Recto din). Aakyat ako sa main stage na ang suot ay ang suot ng bidang si Marne sa cover ng aklat. Matutuwa ang mga bata, siguradong maku-curious sila sa akin at eventually, sa hawak kong libro.
Pagdating ko sa Letran HS Library, wala pa ang audience ko. Nagkuwentuhan kami ni Mam Jem, sa kanya ko nalaman na magkakaroon pala kami ng break, from 9:00- 10:30 a.m. Oh my God. Nalungkot ako. Nanghinayang ako. Pero di bale, kako, ‘andoon sa launch si Ronier Verzo at si Poy, ang illustrator at translator (at boypren ever!) ng Marne. Di bale, di bale. Makakapag-picture-picture sila, ayos na rin.
Right after ng ikalawang talk ko, nagpasalamat na ako kay Mam Jem. Ibinaon ko na lang ang bigay niyang lunch, sa MIBF na lang ako kakain. Gusto ko nang makita si Marne. Ito rin kasi ang unang beses na makikita ko ang akdang ito in book form. Woooh, wooh! Excited lang talaga.
Pagdating ko doon, sinalubong ako nina Poy at Ronier (Jo ang palayaw niya). Hindi raw nai-announce ang Marne sa main stage. kinausap ko si Carla.
Aba, aba, bakit hindi naipakilala si Marne sa main stage?
(Issue talaga sa amin ‘to, kami na ang mga stage mother ni Marne hahahaha!)
Sinong nagsabi, tanong-sagot ni Carla. Ako pa mismo ang nagkuwento sa audience kung tungkol saan ang Marne!
Ay, sori. Bingi lang pala ang dalawang ito, hahaha!
Anyway, nagdesisyon kami (ako, Poy at Jo) na magtanghalian muna bago maglako ng Marne. Para mas may energy, di ba? Sa CR kung saan kami nagtanghalian, nagpalit ako ng damit. Red overalls na.
Siyempre, pinagtitinginan ako ng ibang customer doon. Pero keber. Ilegal ba sa isang magandang diyosa ang mag-red overalls? Hahaha! Hindi, so ayun. Pagsapit ng 2:00, bumalik na kami sa Vibal booth. Mula noon hanggang magsara ang MIBF, nagbenta kami nang nagbenta sa lahat ng dumadaan sa Vibal booth. Lako, actually, is the correct term hahaha, para talagang isda ang turing ko sa aklat namin.
Mam, Sir, bili na po kayo. Ako po ang may akda. Pirmahan ko po pag bumili po kayo ngayon. Siya po ang illustrator, pipirmahan din po niya.
Marami ang naku-curious pero hindi bumibili. Pero marami rin ang natutuwa. At nagpapa-picture. At finally, bumibili. Pero halos lahat ng bumili nang araw na ‘yon, kaibigan at kakilala namin ni Poy, hahaha! Okey lang. I’m happy to see our friends at the MIBF. Kuwentuhan nang konti, piktyuran nang konti. Natatawa sila sa ginagawa ko. Natatawa sila sa costume ko. Natatawa sila sa mga pose ko. That’s good. Dahil natatawa rin ako na natatawa sila.
Bago tuluyang magsara ang MIBF, lumipat pa ako sa booth ng Anvil. Naglako rin ako ng Mens doon, sa mga nagmamadali sa pamimili kasi nga closing time na.
Mens, mens, regla po, regla kayo diyan, sabi ko. Susunod-sunod lang si Poy sa akin. Tapos magtatawanan kami. Me mga napapalingon kasi sa akin, natatawa, tapos ayun na, tuloy-tuloy kong iaalok sa kanya ang aklat. Me isa akong napabili! Isang babaeng mukhang estudyante. Yes.
I’m so happy, umuwi man kami na sobrang pagod. Knock out nga kami sa bus, kasi that Friday, 4:30 pa lang ng umaga, gising na ako, 5:30 a.m. bumibiyahe na ako pa-Letran. So mga 10:00 ng gabi, sa malamig na kutson ng bus pa-Quezon City, tulog na tulog ako, kami.
Ay, teka, first day pa lang namin iyon sa MIBF 2013!

Published on September 20, 2013 04:04
September 17, 2013
Read Philippines Book Club Meet up at the 34th Manila International Book Fair
BY Miss Wanda of The Yellow Library
It was a rainy Sunday afternoon when my stunning reading buddies and I went for some fantastic book shopping at the 34th Manila International Book Fair! Being the book nuts that we were, we didn't let the weather keep us from grabbing some great deals! Thanks to one of our members Ms Ivy and to National Book Store, our entrance was free!
We met some great people, including the very friendly Ms. Beverly Wico Siy, author of It's A Mens World, our April Book of the Month discussion at Read Philippines which we thoroughly enjoyed! Ms Bebang was very accommodating. Even though she was all dressed up she took the time to mingle with her readers and chat with us! Thank you Ms Bebang, hope all authors are like you!
We also met and had a signing with Kajo Baldisimo, illustrator behind the celebrated series Trese.
All that shopping made us tired so the best part was the refreshments afterwards. Thank you to my Read Philippines buddies! I had a great time! Looking forward to our next meet up! To those who were not able to make it, we missed you and we empathize with you! Till the next meet up!
Reposted here with permission from the author. For photos, please go to this link:
http://wandafulworldofbooks.blogspot....
Thank you, Miss Wanda and Read Philippines! Hanggang sa uulitin po!

Published on September 17, 2013 00:24
September 14, 2013
10 Tips to Make the Most out of the 34th Manila International Book Fair Without Burning a Hole in your Wallet
by Wanda of The Yellow Library
If you're a book lover like me I know you have a tendency to splurge on books! But you also can't resist going to the book fair this year, so here are a few tips on how you can maximize and economize at the same time!
1. Get free passes
National Book Store, Fully Booked, and several other book stores and publishers are giving away free entrance passes like these to the book fair! Visit their stores and get your hands on one of them to save on the P20 entrance fee! Yes it may just be P20 but better to let that go into your transpo, snacks or book budget instead!
2. Know the exhibitors and activities
Do your homework prior to your visit so you can plan your trip accordingly. Get as much information as you can about who's going to be there and what's happening.
Also interesting to note is National's schedule of activities which include several book signings with local and international authors alike. Looking forward to those this Sunday!
3. Meet authors and have your books signed
It's not everyday that you meet authors, and it's free! (other than the cost of the book itself, of course.) Purchase is not strictly required for most signings so if you're really tight on the budget, you can even bring your previously purchased books to the fair and have them signed by your favorite authors there. I'm not sure what the value of signed books are but I think they're definitely worth more than unsigned ones!
4. Buy books by local authors
Don't be like my former self who didn't even bother to cast locally published books a glance. After a friend's recommendation, I was amazed to discover the quality and variety of local books, not to mention the fact that they are soooooo affordable! The Precious Pages booth is the place to grab some of these great finds, especially the Visprint area which carries some noteworthy titles.
5. Go with your book lover friends and pool your purchases to get freebies
What's a fair without the company of friends? Get your reading buddies to go with you so you can pool your purchases and get freebies with minimum purchase requirements. The minimum might seem too high at first but pooling your purchases will make it easier to reach!
6. Get free refreshments
If all that shopping has made you hungry, skip the trip to Starbucks and grab a cup of FREE coffee at the Goodwill Bookstore booth instead! You save P150 and there's even a sofa where you can crash on!
7. Let your kids join in the games and activities
I didn't bring my son with me but I'm sure he would've enjoyed the various games and activities. Several booths had toys and games that kids could enjoy for free, plus interactive storytelling sessions. Check the schedule of activities for more details. Here's a photo of Alex the Lion of Madagascar taking photos with fans!
8. Grab great deals
This is it! What we came to the book fair for! The point of all that saving was so that we could spend more money on books! Yehey!
9. Learn in the various seminars and forums
The exhibit area is just the tip of the iceberg! Check out the schedule of activities for a wide range of learning sessions held at the function rooms including "How to Write your own Book" by Isagani Cruz on Saturday at 6 pm, The Filipino Reader Conference at 5:30pm, and storytelling sessions on Sunday.
10. Have fun!
The best part of all! Not so hard to do when you're surrounded with books!
So far this is the list I came up with. If you want to add some more, by all means please write them in the comments below! Thanks for reading and enjoy at the fair!
Reposted here with permission from the author.
For the complete version of this article (with photos), please check this link:
http://wandafulworldofbooks.blogspot....
Thank you, Miss Wanda and Read Philippines!

Published on September 14, 2013 00:35
September 12, 2013
costume party itey!
bukas, sa launch ng marne marino, ako ay naka overall at dilaw na helmet. gagayahin ko ang suot ni marne sa aking pambatang aklat.
naisip ko kasi na mas maa-aattract ang mga batang hindi ko kakilala kapag may naka-costume sa aming booth. sana nga maging effective. sana dumugin kami. sana marami kaming mabenta.
hindi ko pa nabibili yung overall. kasi naman, nagpatumpik tumpik pa ako noon. nakakita na nga ako ng isang overall sa may recto, di ko pa binili. ang mahal, e. P450. pero yun nga, kanina, naisip ko, hindi lang naman ito gagamitin nang isang beses lang. kaya puwede na rin. ano ba naman yung P450 kung maaaliw naman ang batang posibleng maging reader for life dahil sa isang aklat-pambata?
kaya si poy luluwas nang maaga bukas. siya ang bibili ng overall para sa akin. doon din, sa may recto. tapos dadalhin niya ito sa mibf, pati na ang dilaw na helmet (na binili ko rin sa recto sa halagang P100) at doon kami magkikita, doon na ako magpapalit ng damit. me talk kasi ako sa letran bukas, 730am. tungkol sa fiction writing ang talk. matagal na itong naisked kaya di puwedeng di ko attend-an. bigla biglang nagtext ang vibal na aabot daw ang marne para sa launch. ayun! magpapa moa na ako pagkatapos ng letran!
noong sept 7 naman, sa aklatan 2013, naka bridal gown ako to the highest level. as in gown. belo na lang ang kulang.
ang nag-sponsor ay ang larrina's bridal collection, isang shop sa may scout borromeo, south triangle, QC. (magkakaroon ako ng hiwalay na blog entry tungkol dito bilang pasasalamat sa kanilang pagpapahiram ng gown.)
originally, naisip kong gawin ito para sa MIBF. last year kasi meron silang mibf ambassadors. kasama diyan si tado, si stanley chi at si ramon bautista. naisip ko, wala silang babae. puwede kaya akong mag-apply? at book loving bride ang gusto kong maging peg! dahil una, book loving naman talaga ako hahaha at ikalawa, ikakasal na ako sa disyembre! so swak na swak. pati makakatulong din ito sa pagpromote ng sequel ng mens world dahil tungkol iyon sa quest para sa tunay na pag-ibig.
so kinontak ko sina mam karina at mam gwenn ng anvil para malaman kung puwede akong mag-apply bilang mibf ambassador. sabi ni mam karina, hindi raw siya sigurado kung may mibf ambassadors pa this year. sabi naman ni mam gwenn, kontakin ko si mam tinet ng primetrade asia dahil ito raw ang nagde-decide hinggil sa mibf ambassadors. tinanong ko kung puwede akong humingi ng endorsement letter kay mam gwenn. kasi di naman ako kilala ni mam tinet. at di ko rin siya kilala, baka di seryosohin ang offer ko! ang sagot sa akin ni mam gwenn, di daw nila puwedeng gawin ang mag-endorse dahil napakarami daw nilang writer. baka raw may magtampo sa mga ito.
so hindi ko na ito inisip. wala, hindi nga siguro talaga puwede.
lungkot na lungkot ako nang ikuwento ko ito kay poy. tapos sabi niya, bakit hindi mo na lang yan gawin sa aklatan? pakiusapan natin si mam nida. baka pumayag siya.
aba'y oo nga naman! tutal, ako naman ang magho-host ng event. mas marami pang exposure ang aking book loving bride peg!!!
so kinontak ko si mam nida (ng visprint at ang organizer ng aklatan 2013) at umoo siya agad. tuwang tuwa siya, pati na si kyra, ang kanyang assistant. kakaiba raw yung naisip ko. sabi ko pa, puwede kayang gumawa kami ng parang poster na ako ang tampok, naka bridal gown and all?
puwedeng puwede!
ayun na! here comes the bride sa Aklatan. naku ang saya, andaming natuwa sa suot ko. at andami ring nagpa-picture. na-curious din sila sa aking libro. marami din ang napabili out of curiosity ahahaha!
weee!
wagi!

Published on September 12, 2013 11:20
win
dang!
yan ang pakiramdam ko sa dami ng nangyayari at sa dami ng kailangang gawin!
pero bago ang reklamo, isang balita muna ng biyaya.
friends, my dear, dear friends, aprubado ang appeal ko sa CSAPG. puwede na akong magproposal defense ngayong sem, bago mag Oct 11 to be exact. yeba!
shet napatalon talaga ako, literal, sa tuwa nang marinig ko ito kay Ate blandie ng aming graduate studies office. sabi ko na pag me gustong gustong gusto ka, at ginawa mo ang lahat para mangyari ito, mangyayari ito.
salamat sa lahat ng tumulong sa akin para maisakatuparan ito. thank you kina:
sir jimmuel naval
mam marot flores
sir apo chua
mam noemi rosal
mam lilia quindoza santiago
sir nelson nava turgo
mam melania flores
mam ruby gamboa alcantara
sir vim nadera
ate blandie
ate jane
ate susan
hilakboters
wennie
rita
jing
mar
haids
at siyempre pa, si
poy
poy
poy
!
andami kong inistorbo para lang ma-complete ko ang requirements ko, grabe. maraming salamat sa inyong lahat. humihingi ako ng paumanhin sa aking kakulitan. heto at nagbunga naman ng maganda hahaha! salamat, salamat! sisiguraduhin kong matatapos ko na ang lintik na papers na ito.
pag nalampasan ko to, mag pi phd na ako ng malikhaing pagsulat.
para sa panitikan, para sa bayan!

Published on September 12, 2013 11:02
sked ni Bebang Siy sa 34th MIBF
Kitakits po tayo!
Sept. 13, Friday, 11am to 12 noon, Stage area at Vibal Booth
Book launch ng Vibal, kasama po rito ang Marne Marino.
Nasa launch ang author (ako po), ang illustrator na si Ronier Verzo, ang editor na si Geraldine Verzo at ang translator na si Ronald Verzo
Sept. 14, Saturday, 5:30 pm to 6:30 pm, Anvil Booth
Book launch ng Tambalan nina Nicole Hyala at Chris Tsuper
Nasa launch po ang mga author, ang editor (ako po), ang artist at ang project head na si Joyce
Sept. 15, Sunday, 1:00 pm to 2:00 pm, Vibal Booth (tentative pa po ang slot namin dito)
Book signing ng Marne Marino
Nariyan po ang author (ako po), ang illustrator na si Ronier Verzo at ang translator na si Ronald Verzo
Sept. 15, Sunday, 4:00 pm to 5:00 pm, Anvil Booth
Book signing ng Its A Mens World
Nariyan po ang author (ako po) at ang book designer na si Ronald Verzo
mga 30 minutes to 1 hour before or after ng mga binanggit kong oras at araw, matatagpuan ako sa NBDB booth, nagpo-promote.
Tara na!

Published on September 12, 2013 10:37
Bebang Siy's Blog
- Bebang Siy's profile
- 136 followers
Bebang Siy isn't a Goodreads Author
(yet),
but they
do have a blog,
so here are some recent posts imported from
their feed.