Bebang Siy's Blog, page 50
February 11, 2014
Interview tungkol sa kasalang Beboy
This will come out in poc.net on Valentine's.
Thank you, kapatid na Filliffe Anorico, sa iyong mga nakakalokang tanong!
1. Bakit po ninyo napili ang “aklat” para maging tema ng inyong kasal?
Pareho kaming book lovers. Pareho din kaming manunulat at ang love story namin ay umikot sa pagmamahal sa panitikan. Kaya palagay namin, it’s time to feature in our wedding what made us find each other: books!
I met Ronald Verzo when I was a researcher for panitikan.com.ph. He was the president of Cavite Young Writers Association during that time and Prof. Vim Nadera, Jr., my boss (sa panitikan.com.ph) and former college professor assigned me to research about writers organizations. So he gave me Ronald’s number, I got in touch with him and we met for an interview.
Since then, nagkagusto na pala siya sa akin (kuwento niya hehe after naming maging kami). Hindi ko naman ito napansin noon. Saka hindi ko rin iniisip kasi I was in a long term relationship with someone I thought I would grow old with.
Tapos after the interview, lagi pa rin kaming nagkikita dahil sa mga literary project ng CYWA at ng aming volunteer organization (Dagdag Dunong Project). In-introduce ko sa CYWA ang Unang Halik sa Panitik: Pagtuturo ng Tula, ito ang nanay ng STS (Sining ng Tugma at Sukat ng LIRA). Bago ko dalhin ang STS sa LIRA, maraming beses na namin itong nagawa ni Ronald sa lalawigan ng Cavite sa anyo ng Unang Halik sa Panitik. Dahil doon, naging close kami ni Ronald and for the first time, I had a guy friend whom I could talk to, face to face, about literature, writing, writers, books and art. Lahat kasi ng ex ko, mga halang ang bituka, harharhar, joke! Lahat sila, walang kinalaman sa mga nabanggit ko. Kung saan-saan ko kasi napulot, hahaha. ‘Yong isa, salesman ng kung ano-ano, ‘yong isa, engineer na naging kahero sa isang groserya sa US, ‘yong huli, scuba diver.
Kaya it was so refreshing to have Ronald by my side during that time. Dahil sa kanya, I was always thankful, I felt appreciated, I felt important kahit na lagi akong inaapi nang panahon na iyon ng mga kasama ko sa organisasyon at sa ginagalawan kong lit circle.
Tapos iyon, I decided to break up with my bf during that time tapos naging kami na ni Ronald. Saka ko lang na-realize na ang surname niya ay Verzo. Aba, literary pa rin? I think we were really meant to be.
So nagpapasalamat talaga ako sa mga aklat kasi kung hindi ako minahal nito, at hindi ako binigyan ng kasiyahan ng mga ito, I won’t find my true love.
So read up and find the love of your life, hihihi.
2. Mas naging magastos/matipid po ba ang ganitong uri ng tema sa kasal?
Oo. Haha! Kasi ayaw ko ng fresh flowers. Nanghihinayang ako sa pera para sa bulaklak. Imagine, mamamatay din the next day, malalanta. And yet, libo-libo ang halaga? Nakakainis, di ba? So sinabi ko ito kay Ronald (Poy ang nickname niya). Naisip namin, imbes na flowers ang table centerpiece sa reception, books na lang. E, libre pala ang flowers sa caterer namin, kinausap namin ang caterer tungkol dito. Kaya imbes na flowers, ang ibibigay na lang niya ay iba pang freebies at mga cake na maliit para sa aming mga ninong at ninang (na hindi naipamigay dahil nakalimutan ng aming wedding coordinator). So okey na rin, di ba?
Kaya sinukat namin ang venue at ang mesa, gaano karaming aklat ang kailangan namin? Teng…teng…teng.. Around 600! So halos lahat ng aklat sa bahay, inihanda na namin. Humiram din kami ng aklat sa isa naming kaibigan na book lover din at book club moderator, si Doni Oliveros ng Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) Book Club.
Dahil ang color motif ng kasal ay masyado nang makulay (lahat ng kulay ng bugambilya), naisip ng aming venue designer na si Kulay Labitigan na gawing puti ang lahat ng nasa venue: table cloth, books, upuan, at iba pa. So kailangan naming ibalot sa puti ang 600 aklat. Grabe.
Noong umpisa, ‘yong mga kapatid (Rianne at Ging Verzo) at isang kasambahay (Hazel) nina Poy ang nagbalot ng aklat. Tapos niyon, pamangkin ko (Joshua Dominic Siy) at kaklase niya (Exanne) naman sa bahay namin. Tapos mga kaibigan namin na sina Mae Catibog, Maru de Castro ng Pandora’s Books Online, Jon Lazam, Rap Ramirez, Wendell Clemente ng Rental Monsters, Joshelle Montanano at ang mag-asawang sina Azee Barbero-Ramos at Juan Angelo Ramos.
So mga twice a week noong Disyembre, itong mga kaibigan namin ay pumupunta sa bahay para magbalot ng aklat at para tumulong na rin sa paggawa ng iba pang pandekorasyon sa reception.
Di nagtagal, nagtatawag na talaga kami ng grupo ng kaibigan para lang matapos ang pagbabalot ng 600 aklat bago ang wedding day dahil kulang na talaga kami sa oras. Hiningi na namin ang tulong ni Kuya Doni at mga kasapi ng PRPB na sina Vonn Howard “Po” Villaraza, Jason Vega, Clare Almine, Zim dela Pena, Phoebe Andamo, Clai Flores, Ingrid Membrere, Yani Dimaunahan, Ella Betos at Reev Robledo. Kami ang nag-provide ng mga tape, puting papel at tela na pambalot sa aklat tapos buong maghapon silang magbabalot ng mga aklat.
Napakasaya ng proseso kasi nagkikita-kita kami rito sa bahay, nagkakakuwentuhan tungkol sa buhay-buhay at mga aklat. Instant bonding time ng grupo at magkakaibigan.
Pero talagang magastos din. Hindi namin na-foresee ang pagdadala ng mga aklat sa venue. Alangan namang maglakad mag-isa ang mga aklat, di ba? Hay naku. So, nag-arkila pa kami ng sasakyan para madala ang mga ito sa venue noong umaga ng wedding day at para maibalik ang mga ito sa bahay pagkatapos ng kasal.
Sa iba pang gagamitan sana ng flowers, nakatipid din naman ako. Halimbawa, ang aking bridal bouquet ay ako lang ang gumawa at ang ginamit ko rito ay isang gothic romance novel ng Precious Pages. Maputi kasi ang papel nito compared sa iba pang romance novel. Second hand lang ‘yong aklat, natagpuan ko lang sa bahay ng nanay ko at hiningi ko lang ito, so walang cost. Ang gastos ko lang ay ‘yong butones sa ibabaw ng bawat paper flower. P5.00 ang bawat isang butones, 15 butones. Binili ko ang mga ito sa tindahan ng mga sewing needs na malapit sa amin, as in 1 minute walk away lang. Labingtatlong piraso ng paper flowers ang ginawa ko kaya may sobra pa akong dalawang butones. Ginawa ko ang bouquet ko sa loob lamang ng dalawang oras, three days before the wedding. Na-Google ko lang ang directions sa paggawa nito kaya wala ring cost ‘yon.
Ang flowers naman para sa aking entourage ay ginawa ng friend kong si Azee for free (kasi mahal niya kami, haha!). Nag-provide kami ng materials tulad ng glue, tissue paper core, colored paper at mga photocopy ng manuscript na It’s Raining Mens, ang paparating na sequel ng aklat kong It’s A Mens World. So, ayun. Wala rin itong masyadong cost kasi nga puro papel lang ang ginamit. (Unfortunately, hindi namin nagamit ang paper flowers na gawa niya kasi naiwan ang mga ito sa hotel noong wedding day )
Para naman sa aking bridal car (na mobile library ng Museo Pambata), hindi rin kami gumamit ng fresh flowers. Colored paper flowers uli ang ipinandekorasyon dito ni Azee at ng PRPB friends namin. So, hindi rin ito magastos.
Overall, matipid ang aming book-themed wedding at talaga namang swak sa badyet ng dalawang manunulat na nagmamahalan at walang masyadong perang pangkasal.
Pero, at kailangan talagang i-stress ito, naging posible lamang ang lahat dahil sa limpak-limpak na labor of love ng aming mga kapamilya at kaibigan. Kung susumahin ang professional fee ng mga taong tumulong sa aming kasal, baon na baon kami sa utang. Kaya taos-puso talaga aming pasasalamat. Kung hindi dahil sa kanila, pagkapurdoy-purdoy ng kasalang Beboy.
3. Anu-anong pagsubok ang kinaharap ninyo sa proseso ng preparasyon?
Bilang magjowa? Marami! Nagkaproblema kami sa pagiging sobrang hands on. Gusto kasi ni jowa, siya ang gagawa ng imbitasyon. E, antagal ng conceptualization process niya. Kaya medyo na-late ang submission namin ng design sa Visprint Publishing (regalo nila ang pag-print ng aming wedding invitation). Kaya late na naming naipamigay ang imbitasyon. Pero na-realize ko rin na hindi na uso ang printed invitation nowadays. Text at FB na lang talaga. Sa kaso namin, dumating naman ang mga bisita kahit na hindi nila nasilayan ang aming printed invitation.
Ito pa, ayoko kasi ng sinusurpresa ako. Kasi ayoko ng mga gastos na unnecessary. Kaya gusto ko, lahat, alam ko. E, itong jowa ko, maarte. Gusto niya, may surprise-surprise pa para sa akin. Gusto niya, iba ang belo na isusuot ko (okey na ako sa belo na libre lang dahil kasama na sa aking wedding gown package) kaya secretly ay nagpabili pa siya kay Azee ng bagong belo, which is additional gastos, di ba? Nakakainis. So, iyon, nagtatalo kami roon.
Nagkaproblema rin kami sa pera kasi trickle ang pagdating ng aming suweldo, payment sa mga raket at iba pa. Mabuti na lang at laging may dumarating na tulong na hindi namin inaasahan. Nagpauna ng bigay ang ninang naming si Mam Ruby Alcantara, ninong na si Sir Efren Abueg, at ang kaibigan naming si Irene Chia. Malaking bagay pala talaga iyong tulong before the wedding. Kasi kung hindi, malamang na may utang kami sa kung sinong supplier the moment na ikinakasal kami at nakaharap sa altar.
4. Anu-ano po ang naging suliranin sa mismong araw ng kasal?
Ang major e, matatawa ka, nagdugo ang ulo ko. Literal.
So ako na, eto na, lalakad na ako papasok ng simbahan. My last walk as a single, unmarried person in my entire life.
Nakasarado ang pintuan ng simbahan. Nasa loob na ang lahat ng tao. Ako at ang kaibigan kong si Azee (na hair and make up artist ko rin that day) nasa loob pa ng mobile library/bridal car. Nandoon din si Miss Melody Remorca, kaibigan ko na storyteller. Tinawag na kami ng aming wedding coordinator na si Maru (friend din namin).
Te, ikaw na. Diz iz it. Lalakad ka na, sabi niya sa akin.
Bumaba ako ng mobile library, kasunod ko si Azee, akay niya ang trail ng aking wedding gown. Kabuntot namin si Miss Melody. Pagharap ko sa pinto ng simbahan, nilipad nang nilipad ang aking belo. Habang inaayos ni Azee ang aking belo, may narinig akong nagsalita mula sa kabila ng pinto.
Malapit na pong buksan ang pinto. Kayo na po, ha. Antabay lang. Five… four…
May countdown pa? sa isip-isip ko. Kabadong-kabado na ako noon. Lalo pa akong kinabahan. Numbers? Numbers? Haha. Kaya nga ako nag-writer, e.
Pero ganon pala ang pakiramdam ng magba-bridal walk. Kabado ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging hitsura ko at kung ano ang iisipin ng mga tao pagbukas ng pinto. Pumasok din sa isip ko, na wala nang urungan ito. Ikakasal na ako. Habambuhay na commitment. Yari ka, Bebang, sabi ng isang parte ng utak ko. Pag maling desisyon ito, tiyak na di ka magpapa-annul, perang malinaw ‘yon. Kuripot ka pa naman. Nyak, nyak, nyak. Numbers? Numbers!
Lipad pa rin nang lipad ang belo ko.
Three… sabi ng nasa kabila ng pinto.
Ayan na. Ayan na. Ayan na ang forever, kako sa sarili.
Pinakalma ng taong nasa likod ko ang belong nagwawala at gustong lumipad sa kawalan. May humagod sa buhok ko, may nagsuksok ng mga hairpin, may humagod ulit. Ang kulit pa rin ng belo. Bigla-bigla, may tumusok sa bumbunan ko. Putik, ang hapdi. Aruy. Aruy. Pero kumalma na ang belo ko. Hindi na nililipad. Ano ‘yong masakit? Aray talaga. Hairpin! May bumaon na hairpin sa ulo ko! Anak ng bakal naman, o.
Two… sigaw ng tao sa kabilang pinto.
Azee! Azee! sigaw ko. Tanggalin mo iyong huling hairpin na itinusok mo! Tanggalin mo! Masakit! Ang hapdi! Dali! Dali! Aray!
May iba pang tao na lumapit sa amin. May humagod uli sa buhok ko. May kumapa sa mga hairpin. May kumakapa sa bumbunan ko.
One…
Biglang nagpulasan silang lahat palayo sa akin. Naiwan akong nag-iisa sa harap ng sarado pang pinto.
Na-imagine ko ang matalas na dulo ng hairpin, tumutusok sa utak ko. Nang mga panahon na iyon, nakalimutan ko na may bungo pa pala tayo. So akala ko, mamatay na ako. Nakalimutan ko na rin ang kasal, ang lalaking pakakasalan ko, ang habambuhay na commitment, ang gastos sa annulment, ang pagiging kuripot ko. Ang tanging nasa isip ko ay ang ganda ko naman, Lord, para mamatay sa tetano.
Pumikit ako. Tapos hinigpitan ko ang hawak ko sa aking bouquet.
Pagdilat ko, bukas na ang pinto ng simbahan.
Lumipad ang lahat ng aking pangamba.
(Naglakad ako papalapit sa altar nang tumutulo ang dugo sa aking batok. Later on, nalaman namin na si Miss Melody pala ang nataranta at nagtusok ng hairpin sa aking ulo.)
5. Ano sa palagay ninyo ang epekto ng temang ito sa inyong mag-asawa?
Well, na-affirm ang aming pagmamahal sa aklat. Naisip namin na puwede naman pala talaga naming isabuhay iyong pagmamahal namin sa pagbabasa, sa panitikan, sa pagsusulat.
Dumami rin ang aming kaibigan as a couple. Noon, hindi namin super ka-close ang karamihan sa tumulong sa amin, pero dahil sa theme namin, naging mas close na kami sa mga taong ito, na may katulad na pagmamahal sa mga aklat. Marami kaming nakilala na kapareho namin ang pananaw sa mga aklat.
Naranasan din namin ang ma-feature sa ilang blog dahil sa kakaibang tema ng aming kasal. At proud kaming magjowa kasi napanindigan namin ang tema na iyon.
Ang pinakabonggang epekto siguro ay iyong naganap sa pamilya namin. Nalaman ng family namin kung gaano kami kaseryoso sa aming mga advocacy, sa writing, sa reading. Iyong nanay at mga kapatid ko, namangha sila na andami pala talaga naming kaibigan sa industriya. Kasi ‘yong pagiging writer di ba wala namang physical na manifestation? Siguro, doon sa wedding, na-realize nila na, nakita, nadama, nahawakan at nakasalamuha nila ‘yong pagiging writer namin ni Poy. Sa kasal, nandoon ang mga manunulat at mambabasang kaibigan namin. Ganon din siguro sa family ni Poy.
6. Paano sa tingin mo naiiba ang kasal ninyo sa mga “pangkaraniwang kasal”?
a. Iyong theme. Palagay ko wala pang gumagawa nito sa Pilipinas. Ang bridal car ko ay isang mobile library. Siguro wala pa ring gumagawa nito sa Pilipinas. Karamihan ng mga picture ko sa loob ng bridal car/mobile library, may librong kasama, nakakatuwa! At palagay ko, naiiba rin ang mga table centerpiece naming, kasi gawa sa libro! Kasi usually, flowers or fruits iyan, at iba pang eleganteng pandekorasyon. Pero iyong sa amin, lahat ay books talaga.
b. Ang designer namin ng venue ay hindi taga-wedding industry. Si Kulay ay isang visual artist, at theater space ang madalas niyang dinidisenyuhan. Kaya naman, walang kamukha ang design sa aming reception. Imagine, books at book shelves ang dekorasyon ng stage? Kakaiba, di ba?
c. Iyong bridal shoes ko nga pala ay pinagkaguluhan din. Andaming nag-picture dito. Customized kasi, gawa ni Ajie Alvarez-Taduran, isang writer at artist na taga-Quezon City. Nagdrowing siya ng mga eksena sa buhay namin ni Poy sa rubber shoes na binili ko sa Divisoria. May kapareho ba ako ng wedding shoes sa buong mundo? Siyempre, wala, haha!
d. Wala nga rin pala kaming presidential table. Dahil meron kaming principal sponsors (na mga batikang manunulat ng mga akdang Filipino) na medyo magkasalungat ng politika sa buhay, hehe. Kaya imbes na pagsamahin sila sa isang mesa, napagdesisyunan naming huwag na lang mag-presidential table. Naisip din namin na mabo-bore ang parents namin sa table na iyon kung sakali dahil hindi naman galing sa industriya ang parents namin ni Poy. Lalo na ‘yong nanay ko, baka mag-nosebleed lang iyon habang kausap ang mga writer, haha! E, later on, nalaman namin, hindi pala um-attend sa reception ang dalawang magkasalungat ang chorva sa buhay. Hay naku. ‘Kainis.
e. Iyong aming prenup video na gawa ng award winning film maker na sina Jon Lazam at Rap Ramirez (friends ni Poy) ay hindi tungkol sa amin o sa relasyon namin. It was a short film, ang ganda-ganda. Panoorin mo, nasa Vimeo. Usually ang mga prenup video ay tungkol sa magjowang ikakasal. Pero iyong sa amin, hindi. At ang setting nga pala nito ay library, book-related pa rin.
f. Sa reception, wala kaming games for single people. Dapat meron kaso naubusan kami ng oras. Kaya ang ginawa na lang namin, tinawag namin ang lahat ng taong tumulong sa wedding. Puro single naman ang mga ito. Sabi ko, “gusto po naming kayong pasalamatan.” Pinapunta namin sila sa harap, sa may stage tapos sabi ko, “picture-picture!” Noong pumo-pose na sila, bigla akong tumalikod at inihagis ko ang aking bouquet. Nagulat silang lahat. Bumagsak ito sa tapat ni Maru, ‘yong wedding coordinator. Tapos, nagreklamo si Maru, kasi tumalbog daw ‘yong bouquet ko. Hindi daw talaga siya ang natapatan nito. So sabi ko, “sige, ulit, ulit.” E, di tumalikod ako at inihagis ko uli ang bouquet. This time, bumagsak ito sa harap ng lalaki naming kaibigan, na photographer din namin that day. Si Karl Orit. Sabi namin ni Poy, tutal babae’t lalaki naman sila, sila na ang magga-garter ceremony. Nyahaha!
g. Palagay ko, kakaiba rin ang wedding dahil sa aming love story. Para talaga siyang “written” in the stars, haha! I’ll send you an essay that will explain this further.
h. Higit sa lahat, dahil sa community of writers and readers, nag-flourish ang pag-iibigan namin sa isa’t isa ni Poy. Dahil sila rin ang mga involved sa pag-oorganisa ng aming kasal, parang sila rin ang nagkasal sa amin.
7. Ano ang mensaheng gusto ninyong iparating sa madlang nakasaksi sa inyong kasal?
Haha, wala namang madla doon, Filliffe! Joke time ka, ha? 99% ng naroon ay kaibigan, kapamilya at kaindustriya. Iyon lang sigurong mga nagbukas ng pinto, usher at usherette, waiter at waitress at iba pa ang kabilang sa madla kasi hindi namin kilala. Sila ba ang bibigyan ko ng mensahe dito sa tanong mo?
8. Anu-anong pagbago ang nangyari sa inyong relasyon kumpara noong mag-bf pa lang kayo?
Wala naman masyado. Kasi live in kami bago kami ikasal. Dito pa rin siya sa apartment namin nakatira. Share pa rin kami sa expenses sa bahay. Lagi pa rin kaming nagkukuwentuhan tungkol sa mga nababasa at napapanood namin. Lagi pa rin kaming nag-uusap tungkol sa anak ko, si EJ, at sa pamangkin ko, si Iding. Lagi pa rin kaming magkasama. Pumupunta pa rin kami sa bahay ng parents niya at sa bahay ng nanay ko kapag may okasyon. Madalas pa rin kaming pumupunta sa mga literary event.
Pareho pa rin naming kinukulit ang isa’t isa pagdating sa mga deadline ng raket. Nagtutulungan pa rin kami kapag may project ang bawat isa sa amin. Masaya pa rin kami every morning. Masaya kami araw-araw kasi we are so compatible sa personal o sa professional side ng aming personality. Kaya walang masyadong nagbago. Nagko-complement kami. Tipong kung ano ang hindi ko kaya, kaya niya. Kung ano ang hindi niya kaya, kaya ko. So hindi kami masyadong nagkakaproblema.
Siguro mas dumalas lang at naging kongkreto, mula nang ikasal kami, ang mga usapan tungkol sa pagkakaroon ng supling. Balak namin, late this year magseseksi-seksihan kami para sa first half ng 2015 ay may baby na kami! Wee!

Published on February 11, 2014 22:57
February 6, 2014
Wasak
Kagabi, sa klase namin kay Sir Jun Cruz Reyes, na-realize ko na marami pa talaga akong dapat aralin.
‘Kala ko, marami-rami na akong alam kaya makakapasa na ang mga akda ko sa klase.
Maling-mali ang akala kong ito.
Nilampaso’t ginawang pamunas sa puwet ang dalawa kong akda: ang Memory Lane at Dyip Tip. Na feeling ko e sobrang nakakatawa at witty, winner na, isang basahan pa lang.
Eto ang mga puna ni Sir JCR sa dalawa kong akda:
-walang design
Hindi malinaw kung ano ang gustong i-achieve ng akda. Nagpapatawa ba ito? (sabi rin ni Sir JCR na what is the tone of the story?) Commentary ba sa pop culture? Masyadong maikli (ang Memory Lane) para mabatid kung ano ang design ng akda.
Sasabihin ko na sana ang pinagmumulan ng mga akda ko. Na dalawa ito sa mga essay na binubuo ko tungkol sa pagsakay ng dyip. Para siyang guide. Pero dahil madaldal si Sir, hindi ko na ito naisingit. Kaya paulit-ulit siyang nagsabi na walang design-walang design. Hay.
-walang dramatic present. As usual. Kasi raw hindi raw ma-imagine kung nasaan ang tauhan na
nagsasalita sa naratibo.
Sa una ko kasing piyesa na isinumite sa kanya, ang maikling kuwentong “Birhen,” ito rin ang problema. Kung maikling kuwento raw ang isinulat ko, dapat malinaw sa reader kung nasaan ang tauhan, lalo na ‘yong POV, at anong panahon ang pinagmumulan nito. Ang tawag daw dito ay dramatic present.
Sa Birhen, oo nga, hindi malinaw ang dramatic present. Para sa reader.
Pero para sa akin, malinaw iyon. Ang dramatic present ay ngayon. Kaya, nagmukha siyang sanaysay.
Sabi ni Sir JCR, puwede naman daw akong gumamit ng flashback. Pero dapat ay mag-trigger ng flashback. May nahawakan daw siyang gamit o di kaya ay may nakausap siya that would prompt the character to think of the past. Ang pumasok sa isip ko nang time na narinig ko ang payo na ito, hindi ba lumang style na ‘yan? Erk. Parang bigla akong nakornihan!
But I am thinking of revising my work. Kaya siguro nahihirapan din ang mga bumasa ng Birhen na ma-distinguish kung ito ba ay sanaysay o fiction. Baka itong dramatic present na nga ang sagot!
Pero naisip ko rin, hindi ba’t mas maganda kung hindi malaman ng reader kung sanaysay nga ba ang binabasa niya o fiction? Does it matter? Mag-iiba ba ang pagtingin niya sa akda kung sanaysay ito? Kung fiction ito? Bakit hindi natin guluhin paminsan-minsan ang utak ng reader? Puwede naman.
Nag-discuss din si Sir tungkol sa term na essay at non-fiction. Sabi niya, bakit hindi mo gamitin ang non-fiction (na termino)? Huwag matakot sa termino sa Ingles. Kasi nag-e-evolve ang form. Mula sa sanaysay, naging investigative journalism, naging literary journalism, tapos ngayon, naging non-fiction. Gamitin mo ang term na iyan, sabi niya.
Hindi ako sumagot. Mula nang sabihin niya ito, non-fiction na nga ang terminong ginamit ko pag bumubuka ang bibig ko sa klase.
Pero ang nasa isip ko, para sa akin, essay pa rin ito. Isang informal, personal na essay. Hindi ito non-fiction. Naaartehan ako sa terminong ‘yan. Anong klaseng termino ba ‘yan? Sa mundo ng mga dictionary, ang tawag dito ay negative definition. Ang hina-highlight ay ‘yong wala, ‘yong hindi nag-e-exist. So non-fiction. Ibig sabihin, hindi gawa-gawa. Hindi kuwento. Kundi nangyari talaga. So bakit hindi na lang sabihin, real? Reality? True? Bakit kailangang tuntungan ang salitang fiction? Samantalang ang kahulugan nga ng fiction ay gawa-gawa lang? Bakit gagawing tuntungan para sa something na totoo ang mga something na hindi totoo?
Para sa akin, ang terminong non-fiction ay mas nagbibigay-diin sa fiction. E sa totoong buhay, secondary ang fiction. Ang truth at ang reality ang nangunguna.
Kaya siguro naimbento ang term na non-fiction, e dahil feeling ng mga fictionist, sila ang mas superior kesa sa mga nagsusulat ng totoo. Kaya para sa point of view nila, non-fiction ang mga ito. Kumbaga, “the other.”
-litaw na litaw ang middle class na POV
Sa akdang Dyip Tip, ang opening sentence ko: First time kong makakita ng ganoong babala. Sabi ni Sir JCR, ang wika raw ay hindi pangmasa. Medyo mas mataas kaysa sa masa.
Sa isip-isip ko, huwat? Hahaha… ano bang uri ng masa ang nasa isip ni Sir? Hindi ba’t napakakaraniwan ng “first time” sa pananalita ng karaniwang Pinoy?
Anyway, hindi ko na ito kinontra. Nagsabi pa siya ng iba pang ebidensiya tulad ng ikinuwento ko tungkol sa ice cream na Rocky Road. Kasi ginawa kong analogy ang pagkain ng ice cream at ang pagtulog sa tabi ng driver.
Heto ang bahagi ng essay na tinutukoy ko:
Ikalawa, noong bata ako, lagi kaming nag-aaway ng kapatid kong si Colay. Pero hindi ko iniinda ang mga sugat ko o galos o gasgas o pagkalagas ng buhok sa ilang engkuwentro namin ng sabunutan. Ang pinakamaigting na alaala ko sa mga away namin na hanggang ngayon ay nagdudulot sa akin ng pagkainis ay noong may matindi akong ubo at lumantak siya ng ice cream sa harap ko.
Isang napakatangkad na basong punompuno ng ice cream ang hawak-hawak niya. Pagkalagkit-lagkit ng titig sa akin ni Colay habang ipinapasok niya ang isang kutsara ng rocky road sa kanyang bibig. Tapos isinara niya ang mga labi niya. Naiimadyin ko ang rocky road, bilog na bilog pa sa loob ng kanyang bibig. Mapapaubo ako sa inggit. Iyong yumuyugyog-yugyog ang balikat na uri ng ubo.
Maiinis akong lalo kasi mapapapikit ako at mapapayuko. At pipigilin ko ang ubo ko sa pamamagitan ng pagtatakip ng bibig. May bimpo na, may kamay pa. Tumatagos pa rin ang ubo! Dinig na dinig ito ng tatay ko at lalo siyang makukumbinsi na hindi pa ako puwedeng kumain o uminom ng kahit na anong malamig.
Ahuhuhubo-ubo-ubo-hohohoh. Ang saklap namang talaga.
At pag-angat ko ng tingin ay hinahatak na ni Colay ang kutsara papalabas mula sa nakatikom niyang mga labi. Tapos ngingiti si Colay nang pagkatamis-tamis. May bahid pa ng rocky road sa ngipin.
Ito ang tunay na kahulugan ng salitang torture.
Masahol pa sa animal ‘tong kapatid kong ‘to.
Well, ‘yang damdamin kong ‘yan, ‘yan din ang nararamdaman ng mga driver na may katabing pasaherong napakasarap ng tulog.
‘Yon daw pagbanggit-banggit ko ng ice cream, ‘yan daw ang senyales ng pagiging middle class.
Huwat? Hahaha… parang feeling ko, ang idea ni Sir sa mahirap e napaka-oldies! Diyosmio. Anyway, hindi ako sumagot tungkol dito. Dahil alam kong hindi talaga ako taga-middle class haha. Lumaki ako sa hirap, ‘no? Rare ‘yang ice cream moment na ‘yan, haha. Kaya nga sabik na sabik akong makapag-ice cream, hindi ko kaya iyon naparamdam sa bahaging iyan ng sanaysay?
-masyadong feeling superior ang nagsasalita rito
Dito ako muntik nang maiyak. Dahil hindi ito ang kondisyon ng utak ko nang isulat ko ang mga akda. Sa Dyip Tip, pinangalanan kong Paul Goso ang kundoktor ng dyip at San Chai naman ang ale na kapasahero ko. Masyado ko raw iniinsulto ang kundoktor. Ano raw ang gusto kong palabasin? Na mukhang aso ang kundoktor? Bakit San Chai ang ale? Ano’t alusyon sa Koreanobela ang napili ko? (Although hindi Korean si San Chai, hindi ko na kinorek si Sir.) Ito bang akdang ito ay patama sa Pop Culture?
Wah. Siyempre, hindi. Nagpapatawa lang ako. Feeling ko, nakakatawa ang pangalang Paul at ang apelyidong Goso dahil katunog siya ng pangalan ng asong kaibigan ni Marimar. Nag-isip lang ako ng karaniwang pangalan (John, Paul, Joel, Mark, etc.) tapos nag-isip ako ng sikat na icon noong 90’s. Naalala ko si Pulgoso at si San Chai.
Sabi pa ni Sir, masyado raw mayabang ang nagsasalita sa akda. Wala raw konsiderasyon sa kapwa, ‘kala mo kung sino, ganon.
Sa Dyip Tip kasi, pinagagalitan ko ang isang imaginary pasahero. Ito ‘yong mga mahilig matulog sa tabi ng driver. Sinabi ko roon ang mga dahilan kung bakit hindi dapat matulog ang isang pasaherong katabi ng driver.
Sabi ni Sir JCR, anong pakialam mo kung pasahero ako at gusto kong matulog? E, kung pagod na pagod ako sa trabaho, 5 oras ang biyahe at 4 na oras lang ang tulog ko? Anong gagawin mo kung ang pasahero ay construction worker na sagad sa hirap ang ginagawa maghapon? Anong gagawin mo kung call center agent iyan na nakatira sa napakaingay na lugar, me mapuputak na mga kapitbahay at nagtitilian sa hapon ang mga bata, hindi conducive sa tulog ang bahay niya? Hindi mo pa rin siya patutulugin sa dyip?
Nang mga panahon na sinasambit ito ni Sir JCR, hindi ako sumasagot. Workshop iyon, e. Alam ko, mabibigyan ako ng panahon para sagutin ang lahat ng tanong at komento. Kaya pagkatapos niyang i-workshop ang akda ko, nagsalita talaga ako. Ipinagtanggol ko ang bandera ng aking pagkatao.
Sir, kako, sa akda pong iyan, hindi ko po sinabing huwag matulog sa dyip. Ang sabi ko po, huwag matulog sa tabi ng driver. Dahil nga po, puwede itong maging delikado dahil nagmamaneho si Manong.
Sabi niya, kahit pa. Wala kang karapatang sabihin iyan dahil imaginary ang pasahero mo. Hindi mo alam kung bakit gusto niyang matulog. Ke sa tabi ng driver iyan o hindi.
Patuloy kong ipinagtanggol ang sarili ko. Pero dahil teacher siya, nanindigan din siya sa kanyang mga sagot.
May mga sumusulat sa akin na readers, ganito para sa kanila ang mens world. Dahil sa mens world, ganyan-ganyan, blah-blah. Yung message daw ng mens na __________ ay nakatulong sa kanya at na-enrich siya blah-blah. Kadalasan, ang mga mensahe na sinasabi ng readers ay hindi ko naman inilagay sa mens. Pero natagpuan iyon doon ng mga reader. Ang suwerte ko. kasi akala nila ay inilagay ko ang mga ito doon.
This time, ang malas ko. Wala akong inilagay na patungkol sa pangmamata sa kapwa o sa mas mahirap na tao pero iyon ang nabungkal dito ni Sir JCR. Hindi ako dapat magalit. Hindi ako dapat maiyak. Ganon talaga. May mga mensaheng nakapaloob sa akda na hindi ang manunulat ang naglagay niyon. O hindi niya sinasadyang mai-insert iyon doon.
Kaya kelangan talaga ng doble-tripleng ingat sa pagsusulat. Dapat maging sobrang conscious ako sa isinusulat ko at kailangang matuto akong tingnan ito mula sa iba’t ibang anggulo para mabago ko ang mga kailangan pang baguhin at para ma-anticipate ko rin ang reaksiyon ng mambabasa.
Hindi na akin ang akda ko. Malaya ang mambabasang bumungkal ng mensahe sa akda, kung gusto nila.
Payo rin ni Sir JCR, dapat ang pinagtatawanan mo ay ‘yong mas mataas sa iyo. Hindi ‘yong ka-level mo lang o iyong mas mababa sa iyo. I am fully aware of this! Nag-moderate kaya ako ng talk tungkol sa pagiging politically incorrect ng humor. Kaya talagang kino consider ko rin ang power play kapag humihirit ako ng mga patawa.
-may mga exaggeration na sloppy ang pagkakasulat
Isang halimbawa ay “maagap kong sinalo ang perang papel.”
Oo nga, hindi sinasalo ang perang papel hahaha! Lilipad ‘yon pag sinalo mo ‘yon.
Isa pang halimbawa, “yumungyong ang ulo.”
Ang nasa isip ko, ‘yong nakatingala na parang sumasahod ng patak ng ulan. Sabi ni Sir JCR, ang yumungyong, ‘yong ganito. Tapos inaksiyon niya ang yumungyong. Tumungo si Sir JCR.
Tama. May mga lapses ako doon. Ire-revise ko ang mga bahaging ‘yon.
Bago matapos ang klase, may isa pang sinabi si Sir JCR na talagang ikinasama ng loob ko. Eto:
“Ang sensibility mo rito, makata ng LIRA. ‘Yong feeling mo, ikaw lang ang tama. Ganyan ang mga makata ng LIRA.”
OMG. Ang personal naman nito, haha. Inis na inis ako. Kasi una, hindi ko kino consider ang sarili ko na makata ng LIRA. Hindi pa ako makata. Taga-LIRA ako, oo, pero hindi ako makata. Marami pa akong kakaining bigas para makasulat ng tula. Ikalawa, hindi totoong ganyan ang makata ng LIRA. May mangilan-ngilan na know it all, pero harmless naman ang mga ito, at very expressive lang sa kanilang mga opinyon. Kung feeling nila, may mali sa kanilang nababasa o naririnig, sasabihin nila ang tama. Pero hindi yata nila quality ‘yong “feeling na sila lang ang tama.” Ikatlo, para ipasok ang politika sa konteksto ng pag-workshop ng akda, foul ‘ata ‘yon. E, noong moment na iyon, e buweltahan ko kaya si Sir ng… “kumusta po ba ang lagay ninyo sa BLIND ITEM? Naka-sked na po ba kayong maipadala bilang winner ng BLIND ITEM award?” Matuwa kaya si Sir?
Tiyak na hindi. Tatadyakan siguro ako no’n mula Faculty Center hanggang Padre Faura, Ermita.
All in all, isa ito sa pinakagusto kong workshop sa trabaho ko. Andami kong natutuhan. Nalaman ko rin kung gaano at paano ko ipagtatanggol ang mga akda ko kapag nagkapitpitan na ng bayag. Kahit pa ang namimitpit ay isang higante.

Published on February 06, 2014 21:12
February 5, 2014
Walang hanggang pasasalamat
Pasasalamat
Kay God, sa lahat ng biyaya. Sobra na ‘to, ha? Pero di po ako nagrereklamo. Thank You po talaga sa lahat.
Sa Visprint lalo na kay Mam Nida Ramirez sa paniniwalang may kakayahan ang aklat na ito na magdagdag ng kislap-diwa sa kabataang Filipino at kay Kyra Ballesteros, na nagtiyaga at
nagpasensiyang makipag-ugnayan sa amin ni Poy para lang matapos at mabuo na ang Boys2mens.
Kay Eros Atalia at sa Atalia brothers sa pag-imbita sa akin na maging mangkokolum ng lingguhang pahayagan (print at online) na Responde Cavite.
Sa mga mambabasa ng Responde Cavite na nag-text o nag-email sa akin para sa pagtitiwala. (Sana ay nakatulong sa inyo ang mga kalokohan sagot ko.)
Sa mga dati kong co-faculty at estudyante sa USTe sa pagbibigay ng ilang tanong at problema na itinampok ko rito. (Binago ko naman ang mga pangalan n’yo, e. ‘Wag wori, ahehe.)
Sa lahat ng taong nagbigay sa akin ng alalahanin at problema mula 2009-2011. (Buti talaga at dumating kayo sa buhay ko dahil kung hindi, fiction ang kalahati ng librong ito. Imagine?)
More pasasalamat
Sasamantalahin ko na rin ang pahinang ito para magpasalamat sa mga naging naging bahagi ng aming bookish wedding na ginanap noong 30 Disyembre 2013 sa Simbahan ng San Agustin, Intramuros at Ramon Magsaysay Hall, Malate, Maynila.
Una, sa pamilyang Wico-Siy lalo na kay Tisay, na nagtawag ng mga kamag-anak namin sa Pangasinan, nakita ko ulit sila, in flesh! Kay Daddy Ed sa pagpapakalma kay Tisay. Kay Colay sa pagsipot sa kasal namin, nang naka-make up at gown, wow talaga. Kay Sak sa pakikipag-coordinate nang matindi para masigurong ready ang buong pamilya sa aming much awaited day. Kay Incha sa matiyagang pag-uukay-ukay sa Mindoro (kung sa’n siya naka-base) para lang masaplutan ng gown at barong ang lahat ng members ng aming pamilya. Kay Budang sa pakikipagbati sa nanay naming si Tisay after 100 years of solitude. Kina Ate Ronnie at Charina sa pag-aabay in their bright-colored gowns, ponkan na ponkan. Sa lahat ng pamangkin ko lalo na kay Iding sa pagiging bahagi ng aming entourage.
Sa best man ko (Yes, friends, wala akong maid of honor. Ang meron ay best man ng bride.) si EJ, ang aking bebe, na naglatag ng pagkahaba-habang pasensiya para lang unawain ang nanay niyang bridezillang gorilya, na ilang buwan ding naging fierce mula kilay hanggang bunganga. (Rawr.)
Sa pamilyang Verzo para sa emotional (and most especially, financial!) support. Kay Mama Nerie para sa patnubay at pagbibigay ng Xanor (pampakalma) sa akin during the most trying/crying times, kay Papa Ronye sa presence, kay Ging sa paghahanda ng mga gagamitin sa kasal, kay Jo sa pagdisenyo ng bebpoy paper craft at Save-the-Date bookmark at kay Doc Rianne na nagbalot ng pandekorasyong aklat sa kanyang clinic. St. Therese Dental Center po sa tapat ng SM Bacoor, now open. Thank you po talaga, lalong-lalo na sa tatlong lechon, ahahay!
Kay best man Wendell Clemente sa walang sawang pagpapahiram ng sasakyan at/o pagmamaneho para magjowang walang alam sa kahit anong bagay na kinakargahan ng gasolina at diesel, sa Mt. Pulag Dokyu, at siyempre pa, sa presence kapag nag-e-emo ang forever emotional na groom. Salamat sa suporta kay Poy MULA PROPOSAL HANGGANG WEDDING DAY. Ang tatag, grabe. (Pa’no na kaya kung wala ka, Wend?) Pasasalamat pa rin kay Wendell’s love and only Lisa Que, para sa pangungunsinti kay W. Salamat din sa (business nilang) Rental Monsters para naman sa LCD projector at lights and sound system at kina Gab at Rangie para sa technical assistance.
Kay Mam Nida Ramirez at sa Visprint peeps para sa aming bookish na imbitasyon, weee! At sa pagiging bahagi ng mini-book fair. Love, love, love.
Sa aming mga ninong at ninang: Sirs Efren Abueg, NA Virgilio Almario (National Artist po. Hindi Not Applicable), Ricardo Lee, Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Jr., Jimmuel Naval, Pedro Cruz Reyes, Jr. at Mams Ruby Gamboa Alcantara, Jeanette Coroza, Elena Cutiongco, Ma. Crisante Nelmida-Flores, Alma Miclat at Matilde Santos para sa pagmamahal, guidance, suporta at mainit na pagtanggap sa tambalang Beb at Poy. (Saka po sa mga regalo, thank you, thank you po!) Karangalan po namin ang maging inaanak ninyo.
Sa lahat ng Sir William’s Girls: Tisay, Sak, Biangks, Eris, Tabs & Abs Yap, Maru, Joshelle, Tin, Azee, Beng, Mars Mercado, Marie at Claire Agbayani, para sa pinakamakamundong bridal shower. Ang hairy ng macho dancer n’yo, ha?
Kina Jon Lazam at Rap Ramirez para sa pagiging kaibigan kapag may gera ang bride at groom, sa pagiging manunulat, direktor at cinematographer ng pinakamahalimuyak na prenup film ng taon, ang “Bugambilya.” Thank you rin sa pagiging program director sa reception. At lalo na sa pagiging bahagi ng fun factory sa aming bahay.
Sa bespren kong sina Eris at Ronald Atilano para sa pagmamahal at sa pagbabayad ng pagkamahal-mahal na church fee. (Sa’n nga ba napupunta ang P25k/one hour wedding mass, Father? Sa kandila?) at sa anak nilang sina Una at Kali para sa pagpa-flower girls.
Sa Hilakboters/PanPilPipol: Mar Anthony dela Cruz, Rita dela Cruz (na kumuha pa rin ng retrato kahit nakabestida. Effort!), Wennielyn Fajilan, Lourdes Zorilla-Hinampas, at Haidee Pineda para sa assistance sa misa, pagiging wedding mass coordinator, readers, at offerors, at sa napakarami at makabuluhang mga bagay (isang nobela kung ililista lahat pero ang pinaka-worth mentioning talaga ay ang condomful na surprise bridal shower).
Sa talented dokyu team headed by Vivian Limpin. Heto ang members: Elmer Grampon, Karl Orit, Nel Avior, Jo Lontoc at Rayts. Ang gaganda ng mga picture. Alam naming marami sa mga shot diyan, buwis buhay: pilipit-leeg-kamay-braso-tuhod dome shots, tingkayad-to-the-heavens zoom out shot, at ngalay-ngilo-all-in-one-kelan-ba-matatapos-ang-piktyur-piktyuran-na-‘to-anak-naman-ng-kodak-di-pa-ako-nakakakain-baka-maubusan-ako-wag-naman-lord-please moments.
Kina Harold and Michelle Encomienda-Emnace at ang kumpanya nilang i-Digitizer para sa nakakatuwa/iyak na onsite video. (Sobrang gaan katrabaho ang team, highly recommended!)
Kay Anna Marie de Castro para sa pagiging wedding coordinator, OIC sa mini-book fair sa reception, “factory worker”, program assistant, shock absorber (Sponge Bob ang peg!), middle man, prenup wardrobe consultant, at higit sa lahat, cheerleader super friend.
Kay Mae Catibog para sa pagiging prenup production manager, assistant program director, venue designer at performer ng makabagbagdamdamin na, unforgettable pang song and dance finale sa reception.
Kina Dennis Gupa sa lahat ng uri ng suporta, Gideon Yebron para sa pagpapahiram ng ilaw for prenup shoot at kay Mam Edith ng UP LB Layb. Kay Bumbo Cruz para sa behind-the-scenes pictures ng prenup.
Kina Happy at Viva Andrada ng F*art o Fashion Art para sa bridal gown na ginamit noong photoshoot para sa imbitasyon.
Sa housemate naming si Erwin Lareza para sa pagpapasensiya sa mala-jungle na bahay noong wedding prep daze at sa pagiging member din ng dokyu team. (Gurls, single pa ‘to, seryoso. Matangkad siya, guwap… er, matikas, matikas lang, pero matalino at may matatag na trabaho, ano pa hahanapin mo? Sulit na ‘to. O, cellnumber: 0915-8632829.)
Kay Kuya Doni Oliveros at sa Pinoy Reads Pinoy Books Book Club members na sina Vonn Howard “Po” Villaraza, Jason Vega, Clare Almine, Zim dela Pena, Phoebe Andamo, Clai Flores, Ingrid Membrere, Yani Dimaunahan, Ella Betos at Reev Robledo para sa pagdadala, pag-aasikaso at pagbabalot ng mga libro, paggawa ng mga souvenir na bookmark (na nagsilbing table place holders na rin) at pagbibihis sa mobile library para ito ay maging isang bridal car na makulay ang buhay.
Kina Mams Zarah Gagatiga, Maricel Montero at Charlot Cachuela ng Museo Pambata para sa pagpapahiram ng mobile library na siyang naging bridal car namin. (Andaming natuwa, grabe, sa simbahan pa lang. Wari mo ay photobooth, nagpa-picture ang mga bisita (at turista!) sa bumper nito.)
Kay Azalea Barbero-Ramos para sa accessories at hair & make up ko mula prenup shoot hanggang sa araw ng kasal, sa pag-aalaga sa akin buong umaga HANGGANG SA aking bridal walk, at marami pa (Nasa ibaba, look down, young man, look down.).
Kay Juan Ramos para sa pagiging assistant sa aming prenup shoot at sa paggitara ng kantang Panalangin habang papalapit ako sa altar, at (with Azalea at Ivan>>>) sa paggawa ng poybeb paper crafts, paper bouquet ng mga abay, mga baso at vase na pang-table centrepiece, paper flowers sa mobile library at pagbabalot ng mga librong pandekorasyon sa mesa.
Kina Mams Carmencita Abella, Kiel Fernandez, Angeli Alba at Sir Manuel Hizon ng Ramon Magsaysay Foundation para sa pagpapagamit ng venue ng aming kasal, ang Ramon Magsaysay Hall.
Sa kapwa ko bride na sina Rio Brigino-Lim para sa Vibal Publishing presence sa mini-book fair namin at Tin Ocenar soon to be Misis Campos (para sa look # 1 bridal gown), daghang salamat din sa emotional support noong preps. Alam n’yo kung ga’no ka-stressful ‘yon kaya sobrang salamat talaga. Kay Ajie Alvarez-Taduran para sa pinagkaguluhang wedding shoes! Exceptional kasi ang disenyo, higit sa lahat, it was so us. Eyebags na eyebags pa lang, e.
Sa Kasing-kasing Kids para sa paggupit ng poybeb paper crafts at petals ng mock paper bouquet sa fun factory, gayundin kay Joshelle Montanano na tumulong din sa venue set up. Kay Marie Ganal na nagpahiram ng bookshelves na ginamit sa stage. Sa Imuralla ladies: Kristina Beltran, Lora Lynn de Leon, CJ Latosa at Jean Moleno para sa heart-shaped confetti na gawa sa (lumang) pocketbook, foreign pocketbook hehe, at emotional support thru FB chat.
Kina Eris Atilano at Eros Atalia para sa pag-e-emcee at pagbibigay-aliw on the spot sa mga bisita ng aming wedding reception.
Kina Mam Rebecca Anonuevo at Atty. JP Anthony Cunada para sa super sarap at super bigatin na wedding cake. Tatlong kilo. !!! Cake na tatlong kilo. !!! Kina Jenelyn Tabora at Nikka Osorio-Abeleda para sa caaaaaaaaaaaaaannnnnnnnnndddddddyyyyyyyyy buffet. Andami lang talaga. Umaapaw. Salamat! Kay Mam Imelda Lopez ng Kubiertos para sa fun pre-wedding meetings, yumyummysulit na pagkain at maasikasong catering services.
Kay Mam Karina Bolasco at Anvil Publishing para sa bookshelf na ipinangdisenyo sa venue. Kay Kulay Labitigan para sa bookish venue design (Waging-wagi!) at sa pagpayag na maging fun factory worker din sa aming bahay. Kay “very reliable” Darwin Senido para sa video services.
Sa mga nagperform: ____, da singing bahista Ronald Paguta, da singing poet Ser Joel Costa Malabanan, da violinist John Carlo Tulinao at singer _______, da very Pinoy Lakbay-Lahi at Mam Mary Ann Salvador, da balagtaseros Dax Cutab, Loaf Fonte at RR Cagalingan, da balladeer ala-Marco Sison Sir Charlson Ong, Badong Biglaen, Adam David at Chingbee Cruz, Mae at EJ.
At siyempre kay Poy. (Ang BNH ko, my friends, as in brand new husband, mainit-init pa.) Super salamat sa pagbibigay sa akin ng isang natatanging kasal, na punumpuno ng dalawang klase ng pagmamahal: pagmamahal as in erotic love. Wekdefek? What I mean is, romantic love. At pagmamahal sa makabuluhang papel, as in love for books.
Only kids and books for us, Poypoy, foreverandeverloveyoutsuptsup. (Insert matang korteng lips at ang isa, korteng puso.) Ik-ik-ik-ik-ik-ik. (Iyan ang tunog ng kiligayahan.)

Published on February 05, 2014 07:15
Pasasalamat na walang hanggan
Pasasalamat
Kay God, sa lahat ng biyaya. Sobra na ‘to, ha? Pero di po ako nagrereklamo. Thank You po talaga sa lahat.
Sa Visprint lalo na kay Mam Nida Ramirez sa paniniwalang may kakayahan ang aklat na ito na magdagdag ng kislap-diwa sa kabataang Filipino at kay Kyra Ballesteros, na nagtiyaga at nagpasensiyang makipag-ugnayan sa amin ni Poy para lang matapos at mabuo na ang Boys2mens.

Sasamantalahin ko na rin ang mga pahinang ito para magpasalamat sa mga naging naging bahagi ng aming bookish wedding na ginanap noong 30 Disyembre 2013 sa Simbahan ng San Agustin, Intramuros at Ramon Magsaysay Hall, Malate, Maynila.

Kay Mam Nida Ramirez at sa Visprint peeps para sa aming bookish na imbitasyon, weee! Love, love, love.

Sa lahat ng Sir William’s Girls: Tisay, Sak, Biangks, Eris, Tabs & Abs Yap, Maru, Joshelle, Tin, Azee, Beng, Mars Mercado, Marie Ganal at Claire Agbayani, para sa pinakamakamundong bridal shower. Ang hairy ng macho dancer n’yo, ha?

Kay Anna Marie de Castro para sa pagiging wedding coordinator, OIC sa mini-book fair sa reception, “factory worker”, program assistant, shock absorber (Sponge Bob ang peg!), middle man, prenup wardrobe consultant, at higit sa lahat, cheerleader.

Kay Joshell Montanano at sa Kasing-kasing Kids para sa paggupit ng poybeb paper crafts at petals ng mock paper bouquet sa fun factory. Sa Imuralla ladies: Kristina Beltran, Lora Lynn de Leon, CJ Latosa at Jean Moleno para sa heart-shaped confetti na gawa sa (lumang) pocketbook, foreign pocketbook hehe, at emotional support thru FB chat.

January 16, 2014
Mula kay Aimee Lorraine Keh-Lee
This post first appeared in this blog:
http://wandafulworldofbooks.blogspot....
2013 in Review: My Reading Stats
by Aimee Lorraine Keh-Lee
2013 is the year of Philippine Literature in my reading life. According to the stats in my book catalog, I read a total of 35 books in 2013, out of which a significant percentage were Philippine Literature. On top of this, the best book I read was It's a Men's World by Bebang Siy. My best discovery was the Trese series by Budjette Tan and Kajo Baldisimo. I was so engrossed that I finished the series in one night!
Room by Emma Donoghue (not local) also struck me as a memorable and gripping read. Then finally, the most pleasantly enjoyable ones, as always, are Alexander McCall Smith's installments in the No. 1 Ladies' Detective Agency series, Isabel Dalhousie series and 44 Scotland Street series They are like tea and biscuits on a lazy afternoon. :)
Books I read in 2013
Here is a quick snapshot of what I had read:
Philippine Literature - 34%
Fiction -34%
Classics - 14%
Mysteries and Thrillers - 12%
Biographies and Memoirs - 6%
My books read (35) is 4 books down from 2012 when I read 39 books. But I'm still happy to have been able to even read 35 books because 2013 was a really busy year for me. I was nursing our new baby and my work was in full swing - I was working from 9 am to 8 pm Mondays to Fridays. It was a miracle I still found time to read at all. :)
When it comes to my acquisitions, I got a total of 40 new books this year as follows:
Philippine Literature - 35%
Fiction - 33%
Classics - 15%
Mysteries and Thrillers - 10%
Biographies and Memoirs - 5%
Children's - 2%
In terms of the format of these acquisitions:
pBooks - 85%
eBooks - 15%
Obviously I still die to hold a physical book in my hands and bask in the glorious scent of freshly printed paper :) !
About 20% were free (given as gifts or as reviewer copies), and the rest were purchased by me from the following stores:
The Book Depository - 50%
Fully Booked - 15%
National Book Store - 12%
Amazon - 3%
Others - 20%
As you can see, I'm a nut for The Book Depository just like last year, especially for books by Alexander McCall Smith!
So that's about it, my reading stats for 2013. What's yours?
Ang ganda ng stats na ito. Gayahin natin, fellow booklovers!
Thank you, Aimee! More power to your blog.

Published on January 16, 2014 04:34
January 15, 2014
ang aming cord
DIY ang aming cord. ako lang ang gumawa.
noong una, ang naisip ko ay serye ng pearls o kahit anong beads na cute ang kulay.
nang mabanggit ko sa kaibigan kong si kristina beltran na ako ang gagawa ng cord namin, sabi niya, wow, maganda iyan. ako rin gusto ko, ako ang gagawa ng sa amin (pag ikakasal na siya).
tapos sabi niya, mahilig daw siya doon sa mga may meaning-meaning na bagay. halimbawa, sa cord daw, may nakapagsabi raw sa kanya na dapat tatlo ang tali nito na nakatirintas sa isa't isa. Kasi raw, ang nire-represent ng isang tali ay si God, ang isa, ang bride at ang isa pa ay ang groom. Mas matibay daw ang pagsasama ng bagong mag-asawa kapag ganon ang ginamit na cord.
wow! bumbilya moment. ang ganda naman, kako. gagawin ko rin iyan.
pero dahil hindi naman tali ang cord namin, nag-isip ako kung paano akong magpupulupot ng tatlong string of pearls/beads. baka masira ko ang cord bago pa man ito magamit. ngek.
so ang naisip ko, colors na lang ang magre-represent kay God, kay bride at kay groom.
isang araw, nagpunta na nga ako sa Divisoria. doon ako bumili ng beads-beads at saka tali (umabot sa P160 lahat-lahat).
sa beads, tatlong kulay ang pinili ko: baby pink, dark pink at violet. bugambilya shades pa rin. pinakamarami ang baby pink na beads dahil ito ang pinakamalapit sa puti.
tapos pagkaraan ng ilang araw, nagpunta naman ako sa Welmanson sa Quiapo para bumili ng krus (P40 mga limang piraso, dalawa lang ang ginamit namin, kaya 'yong natirang mga krus ay ibinigay namin kay Ging, ate ni Poy) at pendant na letter P at B (P20 yata ang isa).
Sa Las pinas ko ginawa ang cord. ginawa ko ang cord habang nakikipagkuwentuhan ako sa nanay kong si Tisay.
maliban doon sa tatlong color representing god, bride and groom, spontaneous na ang iba pang elements ng ginawa kong cord tulad ng...
1. nilagay ko sa gitna ang krus, pagkatapos niyon ay may 8 beads sa magkabilang side. each bead representing each year na magkakilala kami ni poy.
tapos after ng 8 beads each side ay ang letters P at B, initial namin ni poy
2. tatlong beads para sa bawat kulay at tatlo ang kulay na pinagsalit-salitan ko para buong cord ay tatlo ang nagbibigkis: ako, si poy at siyempre si god.
3. nang maubos na ang iba't ibang kulay na beads, puro pink beads na lang ang ginamit ko. ito yung nag-close sa cord. nearest color sa white ang baby pink beads. and white for me means wedding!
ito na ang cord nang ilagay sa amin. pa-otso raw ang paglagay sa bride and groom (nakalagay din ito sa misalette na hawak namin).
si adam david at si karen encomienda ang aming abay para sa cord. si adam, super friend ko. parang bunsong kapatid. malaki ang nagawa niyan para sa amin ni poy. lalo na nung samahan niya si poy sa isang workshop sa cavite hahaha. nakita pa raw ni adam na umiyak iyak si poy (yikes, dahil sa mga nangyayari sa amin that time, sori di ko ma-reveal ngayon. sobrang komplikado kasi!)
si karen naman, pinsan ni poy. na nakuwentuhan niya noong naglalandian este nagpapalipad-hangin pa lang si poy sa akin hahahaha naikuwento raw niya ako kay karen kaya naging bahagi si karen ng aming pre-relationship phase.
back to the topic.
kahit payak at medyo chipangga ang beads, masayang masaya ako sa cord namin. kasi ito ang isa sa matatawag na talagang amin, tipong walang katulad. at saka lahat ng element at parts ay makabuluhan sa aming relasyon. masaya rin ako na nabuo ko ito sa piling ni tisay.
this must be a cord from the Lord ;)
(Copyright owner of photos 1 and 2: Bebang Siy. Copyright of photo 3: Vivian Nocum Limpin.)

Published on January 15, 2014 09:59
Post-apocalypse
sa wakas, nakapag-blog din!
maligayang 2014 sa ating lahat!
na-miss ko ang blog ko, grabe. tagal-tagal ko nang gustong magsulat lalong lalo na yung time na feeling ko para na akong tae sa puwet na hindi mairi-iri. my gulay.
gusto ko man ay di ko piniling mag-blog nung panahon na yon dahil alam kong marami akong matatamaan, marami akong masasaktan. pero everything is in my heart naman. will write all about these things soon. very soon.
sobrang saya ko na nakaraos kami. matiwasay. masaya at bongga. hahaha! kahit na sobrang tinipid ang produksiyon! bongga pa rin ang kasal.
at masaya rin kami na nandoon ang elements na napaka importante sa amin ni poy. mula sa simbahan hanggang sa dulo ng reception.
after the wedding, parang ayoko na munang makipag-usap at makipagkuwentuhan tungkol sa kasal. umay na umay na ako hahaha ayoko na rin munang isipin ang mga bagay na hindi namin nagawa noong kasal. andami kaya!
1. hindi nabigyan ng thank you gift ang mga ninong at ninang. kasi nalimutan namin. so inuwi na lang ng friends and relatives ang cakes at halaman na gift namin.
2. hindi nakapagbigay ng souvenir! omg. hindi nakaabot ang aming souvenir.
3. pormal na makapag-thank you sa lahat ng taong naging bahagi ng aming special day.
lahat ito, bumabagabag sa isip ko pagkabalik namin galing sa marinduque. so lagi akong galit. lagi akong kinakabahan. para akong magnanakaw na hindi pahuhuli.
at isang gabi, bigla na lang akong nagwala. as in binalibag ko lahat ng gamit at libro namin sa bahay. muntik pa akong magbasag ng mga plato.
bakit? aning-aning lang?
wala. di ko rin alam.
kinailangan pang magka-iyakan kami ni poy para lang maunawaan ko ang nangyayari sa akin.
di ko na nakayanan ang pressure. pumipintig kasi sa isip ko, andami dami kong pinagkakautangan ng loob. ayoko ng ganung feeling. nahihiya ako. para sa akin, dapat magka closure na ang lintik na kasal na yan. dapat, pasalamatan na ang lahat. lahat ng nagpunta, lahat ng tumulong, lahat ng nagbigay ng regalo, lahat ng nakaalala. pasalamatan na yang mga yan. now naaaa. yan ang sabi ng isip ko every minute of every day.
yan din ang time na napakagulo ng bahay. nakahambalang pa ang lahat ng ginamit noong wedding. lahat ng mga libro, naka-shelf, nakapatong sa sahig, mesa, sofa, hagdan. ang kuwarto, isang malaking trash can na me kama sa gitna. nasira pa ang drawer ng aparador kaya nakabuyangyang sa gitna ang lalagyan namin ng mga salawal.
parang walang tahimik na bahagi ng bahay.
kaya nalukring ako.
lukring level up.
para akong si stitch, destroyer talaga ang peg. lahat ng libro, ibinato ko, pati yung mga nananahimik na libro (mga hindi ginamit sa wedding). lipad-lipad sa ere. lahat ng art materials kinalat ko uli sa sala. pati mga papel-papel. hinampas ko ng walis si ej. ilang beses. kasi ayaw pang matulog, 4:00 am na! sabi ko wag nang magligpit. ayaw sumunod, pinagpapapalo ko ng walis tambo. patuloy ako sa pagwawala. nung nadampot ko ang mga plato,saka lang ako nahimasmasan.
favorite ko kasi ang mga plato sa bahay namin.
hindi. joke lang.
sabi ni poy, tama na yan beb.
tapos umakyat na ako ng kuwarto. tapos naiwan sila ni ej sa baba.
maya-maya, nag-iyakan na kami ni poy. natakot ako. putek baka bigla akong hiwalayan nito.
ayun, bumaha ng sori.
ewan ko kung normal ba yun sa bagong kasal. yung feelings ko. ewan . sobra akong natakot na may makalimutan akong pasalamatan. andami kasi talagang effort ng mga tao sa paligid namin. napaka-imposible talaga ng kasal na yun kundi dahil sa tulong nila. takot na takot ako na may masabi sa akin na hindi ko man lang sila na-appreciate. takot na takot ako. baka malunod na ako sa mga gawain, trabaho, nang hindi pa nakakapagpasalamat. baka sabihin nila ang ingrata ko, namin.
kalma lang, kalma lang sabi ni poy.
buti at nandoon siya,baka di ko nakayanan ang pressure na galing mismo sa utak ko.
now i know what paranoia means.

Published on January 15, 2014 01:20
January 14, 2014
ilang kaisipan tungkol sa Printed at Digital Books
Ang mga tanong ay mula kay Isabelle Tee, estudyante ng Fil40 ni Mam Ruby Gamboa Alcantara sa UP Diliman. Siya at ang mga kagrupo niya ay may ulat tungkol sa Wikang Filipino sa Agham at Teknolohiya.
1. Kung kayo po ay papapiliin, nanaisin niyo po ba na digital or printed ang pag publish ng works niyo? Bakit iyon?
Pareho. Printed kasi medyo hindi pa handa ang karaniwang Filipino para sa digital books. Gusto ko naaabot ng karaniwang Filipino ang aking mga akda.
Digital dahil gusto ko naman, pag handa na ang karaniwang Filipino sa pagbabasa ng digital books, ay nariyan lang ang aking akda.
Mas madali ring mai-market ang mga aklat na may digital copy. Kaya advantage din kapag may digital book ka.
Isa pa, para naman ito sa mga kababayan natin sa abroad. Mas madali sa kanila ang pagbili ng digital books kasi mas mura ito at madali lang ang pag-download pagkatapos nilang bumili sa ebookstore. Unlike kapag printed ang aklat, kailangan pa itong i-ship at kailangan pang gumastos nang malaki sa shipping.
Ang audiobooks naman ay hindi pa patok dito sa atin. Pero useful iyan lalo na sa mga visually impaired nating kababayan. So, gusto ko rin na magkaroon ng audiobook ang aklat ko para "mabasa" ng mga visually impaired ang aking akda.
2. Ano po ang mas comfortable kayong basahin/gamitin; printed na mga libro o e-books at audiobooks? Bakit po kayo doon mas komportable?
Doon pa rin ako sa printed na aklat. Hindi ako ma-gadget na tao, kasi. Mas komportable ako doon kasi hindi kailangang isaksak sa kuryente, hindi na lo-lowbatt, at hindi kailangang uber ingatan. Ilalagay mo lang sa bag mo at anytime basta may ilaw, puwede mong basahin. Nakakailang naman kasi 'yong iingatan mong huwag mabagsak o maupuan o mabasa ang librong binabasa mo. Medyo kasi hindi rin ako maingat sa mga gamit kaya ganon hahaha!
Mahalaga na mayroon at maraming digital books sa wikang Filipino. Isa itong patunay na mayroon tayong readers sa sarili nating wika kahit pa advanced na advanced ang teknolohiyang ginagamit para lamang makabasa ng akda.
Salamat, Isabelle and friends!
(Copyright owner ng photo 1: Bebang Siy. Copyright owner ng photo 2: Ronald Verzo.)

Published on January 14, 2014 02:55
December 27, 2013
Mula kay Sir Len Galang
Kanina, itinext ito sa akin ni Bb. Faye Melegrito:
Hi, Faye, good pm. I just finished reading the book you gave me. Cute, nagustuhan ko siya. Napaka-light ng stories and the way Bebang wrote it, (magaling siya) parang nakikipagkuwentuhan lang sa harap ko na berks (hehe). Maraming salamat. I enjoyed reading it. Happy new year to you!
-Len Galang, manager of Public and Media Affairs Department at Pag-IBIG Fund.
Refreshing!
kasalukuyan kasing nalulukring na ako sa pag-aasikaso ng kasal :(
Salamat, Faye. Salamat, Sir Len.
Happy 2014! Ayan na!

Published on December 27, 2013 05:04
December 22, 2013
Love yourself
Nag-present si Vin Pagtakhan, ang prinsesa (president, actually) ng loveyourself.ph sa awards night ng Saranggola Blog Awards 2013 na ginanap noong Dis. 21, 2013 sa Roof deck, La Verti Residences, Buendia cor. Taft Ave., Makati.
ang loveyourself ay isang org ng mga volunteer na nagbibigay ng Free HIV testing sa kahit na sinong Pinoy/Pinay. Ang opis/clinic nila ay matatagpuan sa Malate. everything will be confidential siyempre.
hindi lang testing ang ipinamimigay dito nang libre, kundi pati HIV/AIDS education, condoms, lubricants at iba pang bagay na makakatulong sa pagtatamo ng safe sex lalo na para sa mga MSM (men having sex with men).
napakarami kong natutuhan sa mga ikinuwento ni Vin tungkol kanilang organization. heto:
1. lahat ng bansa sa buong mundo, pababa ang bilang ng HIV/AIDS incidence. Sa Pilipinas lang ang pabaliktad ang trend, tumataas ito.
2. dati, OFW ang nai-infect ng HIV/AIDS. ngayon, youth at young professionals ang karaniwang nai-infect. most of them are men.
3. dati 10 clients lang sila araw-araw. ngayon, pumapalo na sa 40-50 clients ang kanilang ine-entertain everyday. most of them are 18-24 years old. minsan, may 17 years old.
4. out of 40-50 clients, 8-10 ang babae. at isa hanggang dalawa sa kanila ay nagpa-positive sa HIV/AIDS pagkatapos ng testing.
5. 15% naman ng lalaking nagpapa-test (mula sa 40-50 clients na binanggit ko) ang nagpa-positive sa HIV/AIDS pagkatapos ng testing.
6. pag nagkaroon ka ng HIV/AIDS, hindi naman katapusan ng mundo. kaya wag matakot magpa-check up. wag matakot magpa-test kung may duda ka sa iyong sexual health. free ang testing sa loveyourself.ph. walang dahilan para hindi mag-undergo nito.
7. pag may HIV/AIDS ka, habambuhay na ito sa katawan mo. Parang high blood o diabetes. may maintenance drugs kang iinumin para patuloy na mabuhay.
8. kung nag-undergo ka ng HIV/AIDS test sa loveyourself at positive ang result, lahat ng treatment mo ay magiging libre. ang babayaran mo lang ay P135 para sa isang card sa ospital, the rest will be free. isa lang ang ibig sabihin nito, there are people who care for those who have HIV/AIDS. hindi nila hahayaang masayang ang buhay mo nang ganon-ganon lang. bless these people! ambait-bait nila.
nakakatuwa ang org na ito.
nung nagtatrabaho ako sa NGO for women, i never thought of this angle or this kind of HIV/AIDS victims. ang laging nasa isip ko, women who have OFW husbands who infected them with HIV/AIDS. lalo na yong mga asawa ng seaman. sobrang faithful si babae, samantalang si lalaki, kaliwa't kanan ang pakikipagtalik sa kung sino-sinong babae sa abroad, pag-uwi rito ni lalaki, siping agad kay misis, nalintik na!
kawawang misis. walang kamuwang-muwang.
times have changed. may umusbong na sektor na mataas ang risk na mahawahan ng HIV/AIDS at iyon ay ang MSM.
walang nag-a-address sa risk na ito mula sa kahit anong ahensiya ng govt. sector. kaya talagang dapat suportahan ang group of volunteers sa likod ng loveyourself.ph.
sabi nga ng kanilang intro:
they are 100% volunteers.
100% love.
so there. i heart loveyourself.ph. heart them too.

Published on December 22, 2013 23:52
Bebang Siy's Blog
- Bebang Siy's profile
- 136 followers
Bebang Siy isn't a Goodreads Author
(yet),
but they
do have a blog,
so here are some recent posts imported from
their feed.