Bebang Siy's Blog, page 48
March 20, 2014
Maskara (Isang Maikling Kuwento)
Ito ay revised version ng isang akdang sumailalim sa subject na Malikhaing Pagsulat 210 sa patnubay ni Dr. Jun Cruz Reyes.
Maskara
ni Beverly Siy
Di mo akalaing mauuwi sa patayan ‘yang ginawa mo, ano? Nakialam ka pa kasi sa buhay nilang tatlo. Nakialam ka pa kasi sa buhay ni Christian. Ipinadala mo pa kasi ‘yong clippings galing sa mga diyaryo at libro. Mano bang hinayaan mo na lang sana si Ina na umusad sa araw-araw niya nang walang alam sa totoong pagkatao ni Christian? Mano bang hinayaan mo na lang siyang mabuhay sa impiyerno sa piling ng lalaking iyan? Mano bang hinayaan mo na lang iyong bata, si Nina? Ano ba ang napala mo? Wala. Concern-concern ka pa kasi. Gaga.
Tigilan mo na ‘yang pagngungunguyngoy mo sa harap ng TV. Wala rin namang silbi iyang mga luha mo. Baka ma-dehydrate ka pa niyan sa ginagawa mo. Inom ka muna ng tubig. Lakad. Doon ka sa kusina.
Iyan, tama, huminga ka nang malalim. Hinga lang nang hinga. Damhin mo ang hangin sa baga mo para luminaw nang konti iyang isip mo. Pagkatapos mong simutin iyang nasa baso at bago ka magdrama dito sa kusina, patayin mo na muna ang TV. Ganyan. O, balik na sa kusina. Upo, upo. Kailangan mong kumalma. Kailangan mong pag-isipan kung ano ang susunod mong hakbang. Lalantad ka ba o magtatago? Posibleng madawit ka sa imbestigasyon.
Nakita sa crime scene ang clippings na ipinadala mo kay Ina. Nakakalat ang mga iyon sa sahig, malapit sa dark room ni Christian kung saan natagpuan ang dalawa. Basang-basa ng dugo ang clippings na matiyaga mong inipon nang ilang buwan. Para saan? Para makatulong kay Ina. Para matuklasan ni Ina kung anong uri ng hayop si Christian.
Iyon lang naman talaga ang gusto mong mangyari. Kawawa naman kasi si Ina. Naïve na naïve. Wala na kasing magulang, sila na lang dalawa ng kapatid niyang si Nina. Di ba, nabalitaan mo, kade-debut pa lang ni Ina nang maging sila ni Christian. Katutuntong lang ng eighteen. Ano ba namang alam niyon sa buhay? Anong alam no’n sa mga putangamang tulad ni Christian? Animal. Animal talaga. Alam na alam kung sino ang pinakamainam na bibiktimahin.
Ngayon, kahit pa malinaw na si Ina ang gumawa ng lahat kay Christian bago siya maglaslas ng sariling pulso, siguradong nire-review na ng mga pulis ang mga narekord sa CCTV at log book ng mga guwardiya ng subdivision. Diyan ka madadawit. Nag-log book ka at nag-iwan pa ng ID sa mga guwardiya noong pumasok ka sa subdivision nina Christian, di ba? Para lang maisuksok sa ilalim ng kanilang gate ang sobre ng clippings.
Kaya malamang, naka-line up ka nang puntahan ng pulis. Lalantad ka o magtatago?
Kung lalantad ka, mauungkat ang naging relasyon ninyo ni Christian. Mauungkat kung anong uri ng kababuyan ang dinanas mo sa kanya. Kailangang idetalye mo ang mga ito, para maunawaan nila kung sino si Christian at kung ano ang posibleng dahilan kung bakit nagawa iyon ni Ina sa ka-live in niya.
Kailangan mong ikuwento na noong ikaw pa ang kinakasama ni Christian, bago kayo mag-sex, manonood muna kayo ng porn na ang tampok ay mga Japanese na teenager. Kailangan mong ikuwento na ginagawa niya sa iyo ang ginagawa ng mga Japanese na lalaki sa kapareha nilang dalaginding. Pinagbibihis ng puting sando bra at panty bago himasin at pigain ang buong katawan. Pinagsusuot ka rin niya niyan. Bakit nga ba? Para daw malinis kang tingnan. Para mukhang virgin. Pagkatapos ay reretratuhan ka niya suot-suot ang puting sando bra at panty. Pinipisil-pisil din niya ang magkabila mong pisngi sa gitna ng pagtatalik. Reretratuhan ka niya uli, close up naman. Ayaw din niyang may bulbol ka kaya linggo-linggo ang pag-aahit mo nito.
Sinakyan mo na lang ang lahat ng hilig ni Christian. Dahil mahal mo siya. Dahil siya ang ideal man mo. Kasingguwapo ni John Lloyd Cruz, mabait, sikat na photographer sa magasing panlalaki, may kaya at sobrang sipag sa trabaho. Noong nagsama kayo, maski disoras ng gabi, nagtatrabaho ito sa kanyang dark room. Minsan, buong gabi at magdamag itong nagla-laptop doon. Wala ka namang magawa kundi ipagtimpla siya ng kapeng pampagising para matulungan siyang matapos ang sangkaterbang trabaho. Pati mga elementary school kasi, pinapasok niya, kahit maliit lang ang kita sa mga ito. Barya-barya, ika nga ni Christian. Class picture, ID picture ng mga bata. Kahit ang pinakamalikot at pinakamakulit na bata ay kaya niyang kunan ng magandang anggulo. Magiliw siya sa mga ito lalo na sa batang babae. Kaya, mahapding-mahapdi man sa loob mo, kailangan mong aminin sa mga pulis na naloko ka ni Christian. Akala mo, perfect boyfriend ito, tipong husband material. Medyo “weird” lang siya pagdating sa sex pero hinayaan mo na lang iyon. Kailangan mo ring aminin na naging tanga ka. Na huli na’t ipinagpalit ka na niya kay Ina nang matuklasan mo kung anong uri ng lalaki si Christian. Sino kasi ang mag-aakala na “ganito” rin pala siya sa lahat ng batang babaeng makatagpo niya?
Oo, nakakahiya. Sobra. Pero importante ‘yang mga bagay na nalalaman mo. Kaya okey lang iyan, lumantad ka na. Makakatulong ka pa. Kung magtatago ka ay lalo ka lang gagawan ng kontrobersiya. Mas pag-uusapan ka. Lalong-lalo na ng mga kapamilya at kaibigan ninyo ni Christian. Wala ka namang nagawang krimen. Hindi mo naman alam na may violent tendency pala si Ina. Ang akala mo, pagkabasa sa mga clippings na ipinadala mo, ay kokomprontahin lang nito si Christian. Ang akala mo, ang pinakamasamang resulta na ng ginawa mo ay ang hiwalayan ng dalawa. Hindi mo naman naisip na kayang pumatay ni Ina.
O, ba’t ka tumatayo? Saan ka pupunta? Bubuksan mo na naman ang TV? Huwag na. Steady ka lang. Buksan mo na lang ang bentilador para umikot ang hangin. Upo lang. Magsalin ka uli ng tubig sa baso. Iyan, ganyan. Huwag ka nang manood ng TV. Mag-aalala ka lang. Siguradong ibabalita na naman sa susunod na news program ang nangyari. Ipapakita na naman ang bahay at ang akto ng paglalabas ng bangkay nina Christian at Ina. Makikita mo na naman iyong mapa-mapa ng dugo sa kumot ng isa sa mga bangkay na nakasakay sa stretcher. Pag narinig mo na naman ang balita, mapapaisip ka na naman kung gaano kaya karaming dugo ang tumagas kay Christian sa dami ng taga sa kanyang katawan. Lalo na sa leeg. Di ba, sabi sa balita, halos humiwalay ang ulo ni Christian sa sarili nitong katawan? Ano nga uli iyong natagpuan sa crime scene? Butcher knife? Gaano kaya kalaki ang butcher knife ni Ina? Kasinlaki kaya ito ng butcher knife ng suki mong matadero sa palengke? Halos isang dangkal ang talas niyon. Kapag ipinangtaga, kahit anong salag ng taong tatagain, makakahiwa. Nang malalim. Mahaba-haba at malalim na hiwa. Isang taga sa leeg, malamang na kamatayan ang katapat. Pero hindi yata nakontento si Ina sa isang taga lang. Hindi pa nabanggit sa balita kung ilan ang taga pero sabi ng nag-uulat, marami raw ang tama ni Christian sa katawan. Tinadtad daw ito. Tinadtad na parang baboy.
Sa palagay ko, tama rin ang ginawa ni Ina kay Christian. Malamang kasi na pinagdadaanan din ni Ina ang lahat ng pinagdaanan mo sa baliw na iyon. At marahil, kung hindi sa tulong ng clippings mo, ay hindi rin mauunawaan ni Ina ang ugat ng hilig ni Christian pagdating sa kama. Kaya sa isang banda, tama rin iyang ginawa mo kay Ina. Iyang pagpapadala mo ng clippings. Kailangang makilala niya sa lalong madaling panahon ang totoong Christian. Kung hindi niya ito matutuklasan agad, baka ang nakakabata niyang kapatid na si Nina ang mag-suicide sa hinaharap. Kawawa, di ba, samantalang wala namang sala iyong bata. Dahil siguradong dadaan nang ilang ulit si Nina sa mga kamay ni Christian. At baka hindi lang kay Christian, baka kamo pati sa mga kaibigan nitong “photographer” din. Katulad ng… katulad ng muntik nang mangyari sa iyo.
Ilang araw bago ang out of town assignment na iyon kung saan kasama ang mga kaibigan niyang “photographer,” biglang dumating ang balita na hindi na makakasama sa inyo ang model na kukunan ng retrato. Dahil kasama ka naman sa biyaheng iyon, napapayag ka nila na ikaw na lang ang magmodel ng ilang damit na panloob. Katawan lang naman kasi ang kukuhaan ng retrato at wholesome naman iyon, paliwanag ni Christian. Puting sando bra at panty ang costume, kaya okey lang sa iyo. Something familiar. At hindi bastos. Isa pa, hindi ka pababayaan ni Christian. Tiyak din na gentleman din ang mga kaibigan nito. Matitino at disente rin tulad ni Christian.
Mabuti na lang, mabuti na lang at dinatnan ka ng mens sa unang araw ng shoot. Imposibleng hindi tagusan ng dugo ang puting costume na kailangan mong isuot. Kaya minabuti ni Christian na i-cancel na lang ang pagkuha nila ng retrato mo. Wala ka pang bahid ng pagdududa kay Christian noon. Tiwalang-tiwala pa. Kung natuloy ang shoot, ano na kaya ang nangyari sa iyo? Baka napagpiyestahan ng iba’t ibang camera ang katawan mo. Baka ibinebenta na ngayon sa internet ang mga picture mo.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Ina, hindi ba gagawin mo rin iyon kay Christian? Lalo na kung may nakakabata kang kapatid tulad ni Nina, at natuklasan mo ang tunay na dahilan kung bakit si Nina lang ang pilit na isinama ni Christian sa out of town “photography session” kasama ang mga kaibigan nitong “photographer” din?
Paano nga pala ang mga kaibigan ni Christian kapag lumantad ka? Baka kung ano ang gawin nila sa iyo? Baka… baka ngayon ay pinag-iisipan ka na nang masama at hinahanap ka na nila. Baka pagbantaan ka para di ka magsasalita. Para di ka lalantad. Kilala mo silang lahat, e. Kaya nga dapat talaga ay unahan mo na sila. Makipagtulungan ka na sa pulis, ngayon na. Tiyak na hindi pa makapagsalita si Nina sa trauma. At hindi niya lubos na kilala ang mga photographer na kaibigan ni Christian. Ikaw. Ikaw ang nakakaalam. Ng tungkol sa kanila. Ng tungkol sa lahat. Tama, sige, magbihis ka na. Palagay ko, ito ang pinakamatapang mong desisyon sa buong buhay mo. Hindi lang ito para sa sarili mong peace of mind, para din ito sa ikatatahimik ng isip ng lahat ng posibleng maging biktima pa ng mga tulad ni Christian.
A, teka. Ano ‘yon? A… Naririnig mo ba? Parang may kumakatok. Teka. Saglit. Punyeta. May kumakatok nga. O, kumalma ka. Huwag kang mataranta. Baka naman pulis na iyan. O baka… baka… sila. Bakit naman kasi walang ibang tao dito sa bahay? Nasaan ba si Ate Dang? Si Jayjay? Gabi na, a. Natrapik ba ang mga punyeta? Punyeta. Kumalma ka. Huwag kang iiyak-iyak diyan. Ngayon pa. Ano na ang gagawin mo? Bubuksan mo ba ang pinto?

Published on March 20, 2014 08:32
March 14, 2014
bisita
may um-attend ng klase namin kay Sir Jun noong Huwebes.
si dong abay lang naman.
haha! fangirling ang lola nyo!
thank you kay tops brugada para sa larawan!
masaya ako na malungkot
noong last day ng klase namin kay sir jun.
sad dahil:
1. chinaka-chaka ni sir ang top 5 na aklat na ibinahagi ko sa klase.
(may assignment kasi kami pagkatapos ng isang linggong writing break at iyon ay ang pagbabahagi sa klase ng limang aklat na paborito namin.)
eto ang akin:
a. virgintarian ni mayette bayuga
b. makinilyang altar ni luna sicat cleto
c. isang babae sa panahon ng pagbabangon ni efren abueg
d. personal ni rene villanueva
e. what we talk about when we talk about love ni raymond carver
una sa lahat, hindi naman yan ang super top 5 ko. siyempre meron akong paborito sa mga aklat ni sir rio. pero dahil warla warla ang dalwang lolo, hindi ko na binanggit ang aklat ni sir rio sa klase.
ikalawa, hindi naman super priority si raymond carver. gusto ko siya at ang estilo niya pero kung top 5 talaga ang pag-uusapan, hindi siya kasali. mas pinoy talaga ang taste ko, e! hahaha! anyway, isinama ko si carver dahil napansin ko kapag nagle-lecture si sir jun, natutuwa siya kapag me binabanggit na foreign author ang mga kaklase ko. so ayan, nagsama ako ng isa.
ikatlo, love ko si mam mayette bayuga. love ko rin ang virgintarian. isa ito sa mga unang aklat na binili ko noong college ako. pero baka di rin siya pumasok sa top 5 na top 5 ko. isinama ko siya dito dahil napansin ko na love siya ni sir jun at nagagalingan din siya kay mam mayette. isinama ko rin siya para sabihin kay sir jun na love ko ang mga women author na pinay.
si mam luna at sir rene, hanga ako sa kanila dahil mahuhusay sila at naging guro ko pa ang mga ito. alam mo yung mahal mo yung libro dahil nakadaupang-palad mo yung taong gumawa nun?
nang mag-share ako sa klase binanggit ko nang mabilis ang 5. tapos sabi ni sir, bakit iyan ang binabasa mo? you are what you read!
tapos marami pa siyang sinabi na kapag isiniwalat ko rito at mabasa ng mga author ng aklat na ibinahagi ko e magkatampuhan abot hanggang langit.
pagkatapos maglitanya ni sir, sabi ko, kaya ko po gusto ang makinilyang altar e dahil natutuwa po ako sa humor ni mam luna. napakatalino po niyang magpatawa dahil subtle na subtle ito. (sa kagaya kong parang slapstick na, kailangan ko talaga ng model para sa pagtitimpi sa pagpapatawa). sinabi kong ito ang nagustuhan ko kay mam luna sapagkat sa tingin ko, hindi napapansin ang humor ni mam sa mga akda niya. lagi na lang yung serious side ng kanyang mga akda ang napapansin.
sabi ni sir jun, kaya maganda ang akda ni luna e dahil filmic ang kanyang mga eksena. anong humor-humor?
nagsalita uli nang mahaba si sir jun.
tapos nagpatuloy ako. si carver po kaya ko po gusto ay dahil wala pong malalim na salita sa mga akda niya. puro one-two syllables ang salitang ginagamit niya pero ang ganda-ganda po ng resulta. gusto ko rin po ang paraan niya ng paghandle sa mga domestic issues dahil matimpiin po ang kanyang mga kuwento.
sabi ni sir, carver? hindi naman importanteng writer yan! ba't yan ang binabasa mo?
aray naman, sabi ng pride ko.
hahaha
anyway, super chinaka niya ang top 5 ko. that night even before kami sumapit sa pagbabahagi ng 5 aklat, di na maganda ang mood ko. nade-depress ako habang nakikinig ako sa kanya. hindi dahil nakaka-depress ang sinasabi niya o naiinsulto ako sa mga lumalabas sa bibig niya kundi dahil si jun cruz reyes siya at ganon ang takbo ng kanyang isip. siguro lang, bumabalik na naman ako sa ugali kong dinidiyos ang mga idol na manunulat.
dati kasi na-depress na ako. ganito rin ang nangyari, nakilala ko nang husto ang big time na writers ng bansa.
may napagsabihan akong kaibigan tungkol sa disappointment kong ito at sa depression. ang sabi lang niya sa akin, tao rin lang naman kasi sila bebang. huwag mo silang dinidiyos, at medyo lumuwag ang dibdib ko mula noon.
ngayon, bumabalik ang same feelings :(
si sir jun, maraming inaaway tapos tinatalakay niya ang mga ito sa klase haha galit siya sa mga kapwa niya manunulat sa wikang filipino. galit siya sa mga manunulat na gumagamit ng malalalim at mahahabang salita. na kung sumulat daw ng akda,ay, akala mo 1920's pa ipinanganak.
(to be continued...)

Published on March 14, 2014 23:17
March 13, 2014
Last day low

Published on March 13, 2014 07:57
March 12, 2014
thesis it!
alam mo yung pakiramdam na pinipilit mo ang sarili mo na gawin ang isang bagay na hindi mo gusto?
ano ba tawag diyan? pagpuputa?
iyan ang pakiramdam ko ngayon. tuwi na lang haharapin ko ang letseng thesis na ito.
hindi ko gusto ang ginagawa kong thesis. kaya doble ang hirap ng paggawa nito para sa akin. nagsisisi na ako sa kinuha kong kurso.
sana noong college ko pa ito naranasan. sana noong college ako nagkamali sa pagpili ng kurso. noong college, mas marami akong panahon at pasensiya para sa ganitong uri ng hamon.
ngayong matanda na ako, feeling ko naiinsulto ako. ba't kailangan ko pang pagdaanan ang ganito kalaking hirap sa research samantalang marunong naman ako? hindi naman ako boba, nauunawaan ko naman ang mga usapin sa panitikang Filipino.
araw-araw, kinakabahan ako tuwing haharap ako sa ginagawa ko.
araw-araw, pinipilit ko ang sarili ko na gawin ang kailangang gawin.
bakit ko nga ba ginagawa ito?
para lang sa ma diploma.
pagka-graduate ko rito, I think I will feel so puta. a certified puta.

Published on March 12, 2014 19:53
mga gusto kong ma-achieve ngayong 2014
1. matapos ang thesis.
2. maka-graduate.
3. matapos ang translation para sa ramon Magsaysay center.
4. matapos ang editing ng aklat ni mam mye ng msu marawi.
5. mailabas ang mga aklat ni sir Windsor at mam mayette bayuga.
6. mailabas ang nuno sa puso/boys2mens.
7. mailabas ang raining mens.
8. maipanukala at mailabas ang children's story about IP sa IPOPHL.
9. makapagsalin ng mga akda ni Ken Spillman.
10. maumpisahan ang pagsasalin ng RWTO.
11. makapagsalin ng nobela ni John Green.
12. makapaghanap ng magandang university for EJ.
13. magkaraket nang marami.
14. makapag-thank you sa lahat ng tumulong sa kasal, sa lahat ng dumalo at sa mga ninong at ninang.
15. masundan si marne marino
16. madagdagan ang essay anthology na dyip tips
17. madagdagan ang nobelang high school
18. matulungan si poy sa units niya.
19. makapag-enrol sa Ph.D. open u na lang.
20. magkaroon ng magandang pagkakakitaan.
21. magkaroon ng 50k si poy sa stocks.
22. makapagdeposit ng 5k sa cocolife.
23. mag-baby.
24. magkaroon ng maraming journal.
25. makapag-volunteer work.
26. makapag-guest sa mga school.
27. makapamasyal sa dec. 30

Published on March 12, 2014 06:59
Origin ng talinghagang bukambibig na lutong macao
ang ibig sabihin ng talinghagang bukambibig na lutong macao ay isang paligsahan na mayroon nang naka-set na winner bago pa man mag-umpisa ang paligsahan.
Halimbawang gamit sa isang pangungusap:
Lutong macao naman ang labanan ng San Miguel at Purefoods basketball teams.
Saan nagmula ang talinghagang bukambibig na ito? Bakit macao of all Chinese places?
Ito ang nakasulat sa aklat na The History of the Burgis nina Mariel N. Francisco at Fe Maria C. Arriola:
Lutong macao, aftr the quick Chinese method of stir-fry cooking (because ingredients are already pre-cut into small uniform pieces) has become a contemporary term for any pre-arranged deal through bribery -- an alleged specialty of the Chinese. Example: a rigged bidding, basketball game or political election.

Published on March 12, 2014 05:29
Origin ng talinghagang bukambibig na balimbing
Pag sinabing balimbing ka, ang kahulugan niyon ay pumapanig ka sa kung sino ang may kapangyarihan sa kasalukuyan. Maaaring nagpapalipat-lipat ka ng kampo dahil ang totoong sinusundan mo ay ang kapangyarihan at hindi ang kampo.
akala ko, kaya ganito ang kahulugan ng balimbing ay dahil sa kanyang lasa. ang prutas na balimbing ay maasim na manamis-namis. dalawa ang lasa, hindi mo masabi kung alin talaga sa dalawa ang lasa nito.
at akala ko rin, may kinalaman ang kulay ng balimbing sa matalinghagang kahulugan nito. berde ito na medyo dilaw. dalawa ang kulay, hindi mo masabi kung alin talaga sa dalawa ang kulay nito.
pero ito pala ang pinagmulan ng kahulugan ng talinghagang bukambibig na balimbing:
The Starfruit (or Ang Balimbing)
A starfruit sports many sections
Depending on who wins elections
It lives by a rule:
Don't cleave to a fool
And painlessly changes direction.
-Francoise Joaquin, 1986
Ayon sa aklat na The History of the Burgis nina Mariel N. Francisco at Fe Maria C. Arriola, naging paborito ng sambayanang Pilipino ang prutas na balimbing noong unang mga taon ng pananakop ng Amerikano. Ginagamit ang salitang balimbing para tukuyin ang ilang burgis na Filipino na tatlong ulit na nagpalit ng pinapanigang kampo sa loob lamang ng maikling panahon (mula noong patapos na ang pananakop ng Espanyol, pakikipagnegosasyon ni Aguinaldo sa mga Amerikano para sa kasarinlan ng Pilipinas at ang mga unang taon ng pananakop ng Amerikano).
therefore, hindi pala sa lasa o sa kulay nagmula ang matalinghagang kahulugan ng balimbing kundi sa hugis nito! katulad ng sinabi ng maikling tula sa itaas, ang katawan ng balimbing ay nahahati sa maraming kanto. actually mukha siyang mahabang star. at bawat kanto pala ay tinitingnan ng karaniwang Pilipino bilang isang panig.

Published on March 12, 2014 05:22
March 4, 2014
Introduksiyon sa Divistorya
‘Te, ano pong hanap n’yo?
Pasok po.
Meron kami niyan dito.
Maligayang pagdating sa Divistorya, kaibigan!
Ang Divistorya Koleksiyon ng Sanaysay at Tula ng Kabataang Filipino ay binubuo ng 17 tula at 30 sanaysay na isinulat mula Enero hanggang Pebrero 2014 sa loob at labas ng aming classroom. Ito ang huling kahingian sa aking klase, Filipino 1, ng ikalawang semestre ng akademikong taong 2013-2014.
Labinlima ang mga manunulat nito at sila ay mga estudyante ng Filipino 1 ng Philippine Cultural College, isang bagong kolehiyo sa Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila. Iba-iba ang kursong inaaral ng aking mga estudyante. Mayroong kumukuha ng BS Business Administration, ng BS Information Technology, ng BS Tourism, at ng BS Hotel and Restaurant Management. Ang mga estudyante ko ay nasa 17 hanggang 21 taong gulang at naninirahan sa Maynila, Malabon, Caloocan City, Quezon City at Valenzuela City.
Ang aklat na ito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang una ay naglalaman ng tula at ang ikalawa, sanaysay. Itinampok sa mga akda ang sumusunod:
1. pagbiyahe mula sa tahanan hanggang eskuwelahan, hirap at panganib sa public transportation, at masalimuot na mga kalye ng Divisoria,
2. buhay-kolehiyo, pagpili ng paaralan at kurso at nakilalang mga kaibigan (at crush), at;
3. kultura ng Filipino Chinese na makikita sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ipinanukala ko ito sa klase noong Nobyembre 2013. Naisip kong ipuhunan sa akda ang napakagandang lokasyon ng aming kolehiyo sapagkat ilang minutong lakaran lang ay nasa kasagsagan na kami ng Divisoria.
Divisoria, ang marumi, mabantot at masikip na Divisoria.
Na sa totoong buhay ay sentro ng kalakalan ng Maynila. At ayon pa sa Wikipilipinas.org ay sentro ng kalakalan ng buong National Capital Region. Sakop nito ang Binondo, Tondo at San Nicolas.
Dahil sa pagiging sentro ng kalakalan, likas lamang na napakaraming uri ng tao, bitbit ang sariling wika at kultura, ang nagkakatagpo-tagpo rito. Samakatuwid, napakayaman ng Divisoria, hindi lamang sa larangan ng kalakalan, kundi pati sa kultura. Ay, bakit nga ba bihira itong maitampok bilang isang batis ng mga personal na naratibo?
At sa palagay ko, ang nararapat na magbahagi ng mga naratibong ito ay walang iba kundi ang mga indibiduwal na nakakaranas ng ganitong lunan. Isang malaking bentahe ang punto de bista ng aking mga estudyante, silang mga nasa Divisoria araw-araw (maliban na lamang kung walang pasok), linggo-linggo, mapa-Chinese New Year o Christmas season.
Tuwang-tuwa ako sa mga isinulat nila. Sa mga akda ay lumabas kung gaano sila ka-observant sa kapwa, kung ano ang pananaw nila sa pagkakatulad at pagkakaiba ng kulturang Filipino at Chinese, kung gaano nila kamahal ang sariling pamilya, at pati ang mga tradisyon na bagama’t noong una’y hindi nila lubos na maunawaan ay pinagsisikapan naman nilang sundin at maipagpatuloy, kung gaano kaimportante ang kaibigan (at crush) at mga kasama sa eskuwela bilang support group sa kolehiyo, kung paano nilang sinusuri ang problemang panlipunan, at kung paano nila kinikilala ang lugar at ang kultura nito mula sa kanilang puwesto.
Hindi man malay ang mga estudyante noong isinusulat nila ang kanilang mga akda, ang aklat na ito ay maaaring makapagbigay-inspirasyon sa mga taga-Divisoria at taga-Maynila na maglahad pa, magkuwento at lumikha ng marami pang naratibo.
Tungkol saan? Tungkol sa mga sarili sapagkat ang kanilang lugar, ang puwesto ng mga kalakal, ang kanilang tahanan, ay isang napakayaman na tagpuan.
Iyan ang dahilan kung bakit laging naririnig dito ang mga katagang:
‘Te, ano pong hanap n’yo?
Pasok po.
Meron kami niyan dito.
Maligayang pagdating sa Divistorya!
Beverly W. Siy
Kamias, Quezon City
Marso 2014

Published on March 04, 2014 19:37
Self-Defense For Women Workshop on March 15, 2014

In celebration of women's month, Peace Blossoms Internal Arts Society together with other martial arts groups from different disciplines will hold a Self-Defense For Women Workshop on March 15, 2014, Sat, 1 to 3 pm, at 73 Sct. Dr. Lazcano St., near Tomas Morato, Quezon City. Workshop fee is PhP 600/head. The workshop is a collaboration of the different martial arts groups and different techniques will be taught to provide a more holistic approach. For reservations, contact 0906 487 0539.
Copyright ng larawan: Ronald V. Verzo II.

Published on March 04, 2014 03:50
March 3, 2014
Divistorya
Maglulunsad ng koleksiyon ng akda ang mga estudyante ko sa Philippine Cultural College sa 10 Marso 2014. Ang pamagat ng koleksiyon ay Divistorya, isang kalipunan ng akda tungkol sa Divisoria, pagbibiyahe papunta rito, kulturang Tsino, PCC, buhay-kolehiyo at pakikipagkaibigan.
(Gusto ko mang mag-imbita ay dini-discourage ng school admin ang pagpapapunta ng outsider sa mga event ng estudyante. Kasi may high school, elementary at pre school departments ang PCC at karamihan sa mga estudyante rito, may kaya.
So may konting security issues. At medyo kinakabahan din ang admin sa output ng mga estudyante. Internal na lang daw muna.)
Ine-edit ko ngayon ang mga akda nila.
I am so happy.
#1 reason:
mas nakikilala ko ang mga estudyante ko batay sa kanilang mga isinulat at mga sulatin tungkol sa kanila (may isang akda na tungkol sa friendship at inisa-isa nito ang paglalarawan sa mga kaibigan ng may akda ngayon).
#2 reason:
Marami din akong natutuhan tungkol sa Chinese traditions. Isa sa mga paksa ng mga sulatin ay Chinese New Year.
#3 reason:
Noong sumapit ako sa final editing phase ng koleksiyon, saka ko lang na-realize na, i belong! i belong to this group of young people. Karamihan sa kanila ay Filipino-Chinese na hindi marunong mag-Chinese. Karamihan sa kanila ay hindi mayaman. In fact, puro scholar sila ng kolehiyo. (Ang College Department ay parang CSR ng buong paaralan. As in corporate social responsibility. kawanggawa, ganon. Mahal ang tuition ng h.s., elem at preschool at iba ang target market nito kumpara sa college dept.) May mga estudyante pala akong nakikipanirahan lang sa mga tiyahin, may estudyante pala akong produkto ng broken home.
Grabe, ito ang mga batang puwedeng magsulat ng iba pang bersiyon ng its a mens world!
#4 reason
wala pang kalipunan ng akda tungkol sa divisoria. yung kalat dito, yung mga tindero, yung trapik, yung mga kalsada. ang koleksiyon nila ay isang malaking ambag sa panitikan ng maynila! OMG OMG.
(pero siyempre, hindi naman super literary ang mga akda. hindi naman creative writers talaga ang mga estudyante ng PCC. iba-iba ang kanilang major, ni walang kinalaman sa writing o communication arts ang mga ito. Yung iba, marketing management, yung iba, tourism, yung iba, information technology, yung iba, hotel and restaurant management.
in short, pinatatawad ko na ang pagkukulang sa literary department.)
mamyang gabi, isusulat ko na ang introduksiyon para sa aklat na ito.
don't worry, my friend, ipopost ko rin ito sa aking blog. drop by uli in the next few daze!

Published on March 03, 2014 22:02
Bebang Siy's Blog
- Bebang Siy's profile
- 136 followers
Bebang Siy isn't a Goodreads Author
(yet),
but they
do have a blog,
so here are some recent posts imported from
their feed.