Bebang Siy's Blog, page 44
June 22, 2014
Mula sa mambabasang si Cam Arcilla
Hello po! Salamat sa pagtanggap ng request ko dito sa Facebook. Gusto ko lang sabihin na katatapos ko lang po basahin nung libro niyong It's A Mens World (nabili ko sa Mt. Cloud sa Baguio) at sobrang nagustuhan ko siya. Ang galing niyo po! Sana makilala ko kayo ng personal sa susunod.

Published on June 22, 2014 21:17
June 12, 2014
back log almost done
hay sa wakas, unti-unti nang nauubos ang back log namin.
ito yung mga hindi namin nagawa o natapos bago kami ikasal dahil sa kasal, haha!
mam mye's terminal 1 ebook-done
uploading ng authors sa panitikan.com.ph-done
design ng souvenir na journal-almost done (printing na lang)
raining mens cover and revision-done
nuno sa puso cover and revision-done
so yung revision na lang ng salin para sa magsaysay ebook
at...
thesis :(
nge :(
:(

Published on June 12, 2014 09:23
mga aklat mula sa iba't ibang kultura at ang pagsasalin sa filipino
noong sunday, nagpunta kami sa marikina nina poy at ej. it was to meet up with the ishikawa family for a tai chi session.
pagkatapos mag-tai chi, nag-almusal kami sa tropical tapos ay nag-ikot-ikot sa riverbanks mall. isa sa mga nakita namin at nilapitan ay ang kiosk ng precious pages.
and what did we see?
hindi lang romance novels. meron ding children's books (siyempre from lampara publishing, ang children's book publisher ng precious pages). meron ding komiks from black ink (another publisher, though di ako sure kung sa precious din ito). meron ding wattpad novels. naroon din ang translation ng 50 shades of gray at iba pang foreign popular books na nasa wikang filipino.
pero nanlaki talaga ang mata namin sa...
like water for chocolate. nasa wikang filipino na! ang translator ay si mam fanny garcia.
at...
the alchemist. ang translator ay si sir edgardo maranan.
omg. grabe. ang galing talaga ni sir jun matias! nakuha niya ang rights to translate. grabe. grabe.
bakit hindi naisip ito noon ng kahit sinong publisher? or kahit anong academic institution? or ng komisyon sa wikang filipino? ayan, nalaglag tuloy sa isang commercial publisher ang rights to translate.
although, ang pros naman, magagaling na translator pa rin ang kinuha ni sir jun para sa dalawang akda na ito at pihado akong mama-market nang husto ang mga salin. unlike kung academic institution ang nag-publish, tiyak na iilan lang ang makakabasa niyan, dahil medyo olats mag-market ng aklat ang mga academic institution.
ang tanong, may bumibili ba ng mga foreign popular book na nasa wikang filipino?
yes! meron! marami!
kahapon, nakipag-meeting ako kay Mam Joyce Bautista ng Scholastic, Inc. (Philippines) sa opis nila sa ortigas. (ang meeting ay parang application ko bilang translator at editor ng ilang YA title ng Scholastic, Inc. sa Singapore at Malaysia. )
isa sa mga napag-usapan namin ay ang title nilang Geronimo Stilton. even before this meeting, nalaman kong nakuha rin ni sir jun matias ang rights to translate ng series na ito. omg, omg. yan ang reaksiyon ko nang marinig ko ang balitang iyan mula mismo kay sir jun matias. mahal ko kasi ang geronimo stilton (although hindi ako nagkakopya niyan kahit kailan kasi mahal, binabasa ko lang iyan sa national, hehe). at iniisip ko, dapat ganito talaga ang paraan ng pagkakasulat ng mga aklat sa ngayon sa Pilipinas. Dapat playful sa font, sa texts, sa illustration, etc. actually, pangarap kong makagawa ng aklat na kamukha ng geronimo stilton!
sabi ni mam joyce, nagulat na lang daw sila nang malaman nilang ang rights to translate ng geronimo ay na kay sir jun na. dumirekta raw kasi si sir jun sa italy. apparently, andoon ang head office ng scholastic, inc. hindi raw ito dumaan sa office sa pinas, sa kanila, kaya wala silang kaadi-idea na iba na ang may karapatan para ilimbag ang cute na cute na si geronimo sa wikang filipino.
napagkuwentuhan din namin ni mam joyce ang mga salin na ibinebenta ng precious pages. akala ko, walang bumibili ng mga iyon dahil pangit ang review sa quality ng salin. pero sabi ni mam joyce, dahil na-curious din siya sa benta ng mga salin na ito, tinanong daw niya noon ang isa niyang kakilala sa national tungkol sa sales ng mga nasabing aklat. at... maganda raw ang performance ng mga aklat! not bad daw. pumi-pick up. iyon ang words ni mam joyce.
ibig sabihin, me market talaga.
wah. andami kong na-realize noon bilang isang manunulat.
1. shocks. parang good news at bad news ito sa akin.
good dahil mas marami na ang makakaunawa sa mga banyagang aklat na may wisdom talaga para sa mambabasa (kahit magkaiba pa ang kultura ng author at reader).
good dahil maha-hire akong translator kung sakali. dagdag income ito sa akin. makakatulong ito na malinang pa ang talino ko sa wikang filipino.
bad dahil dadagsa pa ang mga banyagang aklat at kakumpitensiya pa ito ng mga lokal na aklat.
bad dahil imbes na nagsusulat na lang ng sariling akda ang mga tulad kong manunulat ay nagsasalin kami.
bad dahil parang kaunti lang ang naisasalin na akdang filipino patungo naman sa wikang ingles o sa iba pang wika para maibenta sa ibang bansa.
2. kaya siguro nagiging madali ang pag-buy and sell ng rights to translate ay dahil market ang tingin sa atin ng banyagang publishing company. market ang bawat Filipino, basta't marunong magbasa. market, meaning pagkakakitaan.
sabi sa akin ni mam joyce, kung mapipili raw ako bilang translator/editor, ang aking kontrata ay magmumula sa singapore at malaysia. sila ang ka-deal ko. hindi ang scholastic philippines.
nalungkot ako sa pahayag niyang ito. kasi ibig sabihin, hindi scholastic philippines ang magde-develop ng reading material. hindi rin ito ang magpa-publish ng libro, kundi ang scholastic singapore at malaysia.
gusto ko sanang itanong kung mayroon kayang dine-develop na mga aklat ang scholastic philippines para naman sa Pilipinas at sa ibang bansa. kaya lang hindi ko na ito naitanong kay mam joyce. sana meron. dahil kung wala, ano kung ganon ang scholastic philippines? isa lang itong ahente ng (foreign) scholastic books sa pilipinas. tagatinda lamang dito sa pilipinas. hindi creator. hindi source ng mga aklat para sa pilipinas at sa ibang bansa.
pagkatapos ipaliwanag sa akin ni mam joyce ang iba pang detalye ng translation project, pinahiram niya ako ng dalawang YA na aklat na imported. pumili raw ako doon ng isang bahagi para isalin. iyon ang dalawa sa mga planong ipasalin ng scholastic singapore/malaysia. ipapasalin iyon sa wikang filipino.
muli, nalungkot ako. (though sasaya ako kapag napunta sa akin ang proyektong ito. dahil siyempre, una, sa prestige, hello, scholastic iyan, ikalawa, sa ibabayad sa akin at ikatlo, aklat pa rin ito, magpo-promote ng reading sa kabataan). nalungkot ako dahil nakita ng singapore at malaysia ang pilipinas (at ang mga pilipinong nagbabasa sa sariling wika) bilang market ng kanilang mga aklat.
iniisip ko kung kelan kaya mare-reverse ang ganitong sitwasyon. iyong tipong makita naman ng mga philippine publisher ang buong daigdig bilang market ng mga akda ng mga Pinoy. na hindi lang naman sa ingles puwedeng isalin ang mga akda natin. dahil maraming-marami at malaking-malaki ang market na hindi naman ingles lang ang alam na wika.
parang tayo di ba? hindi lang naman ingles ang alam nating wika. filipino rin.
kaya nga tingnan nyo, nagkukumahog ang matatalinong publisher na isalin sa ating wika ang mga aklat mula sa iba't ibang kultura.

Published on June 12, 2014 09:12
Maliliit na Kalayaan
Para sa kolum na Kapikulpi nina Beverly Siy at Ronald Verzo
Ngayong Araw ng Kasarinlan, magandang pagmuni-munihan kung tunay nga bang malaya ang ating bansa. Marami siguro ang magsasabing hindi pa tayo malaya. Kung susuriin ang kultura ng ating kabataan, ay, oo, matatanto nating alipin pa rin tayo ng dayuhan. Dahil sa matinding ebidensiya ng colonial mentality.
Pag tinanong mo ang kabataan ngayon, puro K-pop at Japanese anime ang paborito nila. Sa musika, si Taylor Swift ang nangunguna. Sa pelikula, mga walo sa sampung sinehan, produkto ng Hollywood. Sa porma, pag imported ang brand ng damit, mas cool. Hay. Sa pagkain na lang siguro talaga tayo makabayan. Wala nang tatalo pa sa dinuguan, adobo, kaldereta at mangga with bagoong sa hapag.
Bagama’t may mga ganitong uri ng preference ang mga Filipino (at kabataang Filipino, in particular), hindi rin natin maikakaila na sa kasalukuyan, malaya ang bawat Filipino na piliin ang kanyang gusto. Malaya ang bawat isa na magsalita ng kanyang isip at saloobin. Malaya na magpunta sa gusto niyang puntahan (basta’t kaya ng kanyang bulsa at kompleto ang mga hinihinging dokumento). Malaya sa paggamit ng wikang naiibigan niya. Malaya na mag-aral ng gusto niyang aralin (basta’t kaya ng kanyang bulsa, again, at kompleto ang mga hinihinging dokumento). Malayang lumikha ng kahit anong akda. Malayang pumili ng advocacy. Malayang pumili ng tao, bagay, hayop o konsepto na nais ipagtanggol. Malayang mag-isip tungkol sa kalayaan.
Siguro para sa iba, maliliit ang kalayaan na ito. Pero, hindi ba, ang anumang maliit kapag marami at pinagsama-sama ay nagiging malaki at dakila?
Ito ay ilan lamang sa mga dapat nating ipagdiwang. At sana, kapag inisip natin ang kabuuan ng maliliit nating kalayaan, ang mabubuong imahen ay mukha ng mga bayaning Filipino. Utang natin sa kanila ang lahat ng ito.
Kung may tanong, komento o mungkahi, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.

Published on June 12, 2014 08:18
June 7, 2014
ang mahal kong si Sir Rene
Ang ganda-ganda ng article na ito. Naging guro ko si Sir Rene O. Villanueva at sobrang inspiring siya at ang buhay niya. (Kahit nakakabuwisit talaga ang mga panlalait niya sa pangit kong akda, yayks)
www.philstar.com/2010-philippine-star...
Every time I write, I think of him and Sir Rio. Sila ang idol ko sa dahilang hindi sila tumitigil sa pagkatha. They continue/d to do what other "older and veteran" writers just dream about (na lang. eventually.).
Write.
I will always write. i believe this is the reason why i was born in the first place.

Published on June 07, 2014 07:41
Proposed back cover texts
nasa final stages na ng pre-production ang raining mens. sa wakas!
at hiningian na ako ng back cover text. heto ang aking mga ipinanukala:
Proposed back cover text number 1:
Habol ako nang habol. Minsan, naisip ko, iba naman ang habulin ko. Pero nang mga panahon na ’yon, saka ka todong magpapakita ng giliw. Sa akin.
Tingnan mo, nagpapahabol ka rin.
Wala namang problema. Kahit habambuhay kitang habulin, okey lang sa akin.
Pero ipinapangako ko, alam mo, pag naabutan kita, hindi na kita pakakawalan. Yayakapin kita, hahalikan sa buong katawan, pagsasawain ko talaga ang mga labi ko. Tapos ikukulong kita sa aking matagal ding naghintay na mga palad. Nanamnamin ng mga daliri ko ang bawat balahibo mo. Hahaplusin kita nang hahaplusin. Pagkatapos, dahan-dahan kong pipilipitin ang leeg mo. Pipilipitin ko ito nang pipilipitin hanggang sa mapugtuan ka ng hininga.
Proposed back cover text number 2:
Nag-abot ang dalawa. Nagpambuno sila. Pagulong-gulong sa sahig. Natagpuan ko na lang na may hawak akong kutsilyo, iyong ginagamit sa kusina. Sabi ko, pag di kayo tumigil, sasaktan ko ang sarili ko. Hindi ko na hinintay ang tugon ng dalawa, hiniwa-hiwa ko ang likod ng palad ko. Nagkanda-stripe-stripe ang aking kamay. Pulampula ang bawat sugat. Tuloy-tuloy ako, ni hindi ako nag-aangat ng tingin. Biglang humaba ang kutsilyo, naging espada ng samurai.
Ako naman ang dahilan nito, paulit-ulit ko raw na ibinubulong sa sarili. Saka ko itinusok ang espada sa aking tiyan. Itinanim ko ito, tuloy-tuloy hanggang sa ang mismong handle na ng espada ang nakalapat sa aking sikmura, at para bagang dalubhasa sa harakiri, pinihit ko nang 45 degrees ang nakasagad nang espada. Bumagsak ako, padapa. Lalo itong bumaon, wari’y dugong nakatundos sa aking likuran.
Proposed back cover text number 3:
Noong unang panahon, naniniwala ako na kapag masayang-masaya ka, ang kasunod na eksena ay ikalulungkot mo nang bongga. Pag tawa ka nang tawa, asahan mong pagkaraan, iiyak ka.
Matagal na akong hindi naniniwala diyan. Nalimutan ko na nga na naniwala pala ako diyan once upon a time.
Kahapon, nangyari uli ito sa akin.
Ang saya-saya ko. Kasi nakatapos ako ng trabaho at akda. At bihira ’yon, a. Matagal kasi bago ako makasulat. Kailangan munang may pagkahigpit-higpit na deadline bago ako makatapos ng trabaho. At akda.
E, di natigmak ako sa tuwa? Nakatapos , e. Yahoo, yahoo.
Tapos kahapon din, nabalitaan ko, out of nowhere, na ang isang bagay na sobrang gusto ko noong-noong-noon pa, napakaraming taon ko nang pinangarap, ay hindi na pala puwedeng mapasaakin magpakailanman forever and ever magpasawalanghanggan amen.
End. Period. Kaboom-bookzhdash-chuk-chuk-tongks.
Naglaho ang luwalhati sa aking puso. Hanggang ngayon, nangingilo pa ako sa lungkot.
Hindi talaga puwedeng lagi kang masaya. Iyan ang isang palatandaan ng pagiging mortal.
Proposed back cover text number 4:
Binitbit ko siya palabas ng bahay at inilapag ko sa bangketang katapat ng tarangkahan namin. Tiyak akong may dadampot sa kanya rito. Iyon na ang magsi-CPR. Mouth to mouth pa siguro. Wala na akong pakialam.
Tanghaling umalis ako ng bahay, sinulyapan ko pa siya bago ako tumawid sa kabilang bangketa. Bye, ‘ka ko, salamat pero hanggang dito na lang tayo. Parang kumislap ang munting bakal sa kanyang strap.
Luha?
Biglang nagmadali ang suot kong sandals para makalayo sa lugar na iyon. Walang lingon-likod kaming umusad.
Pag-uwi ko noong gabi, wala na ang luma kong sandals. Sabi na nga ba, mabilis lang, sandali lang siya doon, makakatagpo agad siya ng bagong mga paa. Presentable naman kasi siya nang iwan ko. May konting tuklap-tuklap lang siya pero okey pa rin overall.
Pagpasok ng bahay, pagkahubad ng suot kong sandals, inatake ako ng emo-moments.
Nasaan na kaya siya ngayon? Masaya kaya ang bago niyang kasama? E, siya kaya, masaya? Nagkakasundo kaya sila? Baka nabibigatan siya sa talampakan nito. Baka nasusugatan niya ang bukong-bukong ng bago niyang paa. Magtagal kaya sila?
Sana nga. Mahirap naman iyong paulit-ulit kang iwan at ibilad sa bangketa.
Proposed back cover text number 5:
Minsan, pinandadakot ko ng tae ng kuting iyong tabloid na ’yon. Minsan naman, pinansasapin ko ito sa sahig bago umpisahan ang assignment sa MAPE, isang artwork na gawa sa basag-basag na balat ng itlog. Pero ang madalas ko talagang ginagawa sa Abante ay ang basahin ito.
Mula headline, columns, horoscope hanggang sports articles, binabasa ko. Pero ang pinakasinusundan ko ay ’yong Xerex, kasi nakakatawag-pansin ang wika nito. May sandata, wala namang gera. Antulis-tulis daw ng lapis pero hindi makasulat bagkus ay umiiyak. Ano ’yon? Automatic akong napapaisip kahit hindi ako pinipilit. Walang teacher sa tabi ko pero napapa-analyze ako. May dalawang bundok na hindi matayog, pag tinapik, aalog-alog. Paano nangyari iyon? Naaalog tuloy ang imahinasyon ko, napapalipad, napapasisid. Speaking of sisid, may hiyas daw na laging sinisisid. Perlas ba ito? Kung oo, bakit hindi na lang sabihing perlas imbes na hiyas? Hindi ba minimina ang karamihan sa mga hiyas? At bakit naman sisid ang salitang ginamit? May minero bang mahilig mag-swimming? Di ba siya mapapasma kung pagkatapos magmina, siya naman ay bubulusok sa tubig? Ba, takaw-sakit.
Kaya lagi kong inaabangan ang Xerex, ang weird ng mga tauhan dito. But wait, there’s more. Ang lawak pa ng vocabulary niya, kung makapaglista ng mga salita, mahihiya ang thesaurus. Hipo, kapa, salat, haplos, himas, lamas, dakma, lapirot, lamutak, at hindi pa nakokontento ang manunulat ng Xerex, dinodoble pa niya ang mga salita kung minsan.
Salat-salat
Kapa-kapa
Himas-himas
Lapi-lapirot
Lamu-lamutak
Parang may musika, di ba? May musika gamit lamang ang mga salita. Ahmeyzeng.
Proposed back cover text number 6:
Muli akong tumawag sa super school. Inilatag ko ang kalagayan ko: thirteen years nang solo parent, pa-extra-extra lang sa trabaho, walang sustento ang ama ng bata, kahit kailan, kahit magkano. Di pa po ba exempted ’yon?
Hindi po, sagot ng kausap ko sa telepono. Wala pong exemption. Kailangan po talaga, lahat ng estudyante rito ay may mga magulang, nanay-tatay, kasal.
Di ako makapaniwala.
Walang anak ng solo parent diyan sa inyo?
Ay, meron po.
A, meron. Iyon naman po pala! Bakit po ninyo tinanggap? Dapat tanggapin ninyo na rin po ako! I mean, ito pong anak ko.
Ma’am, namatay po ang tatay ng bata bago sila naikasal. Ayaw naman nang mag-asawa ng nanay. Kaya single pa ho siya hanggang ngayon.
Matulin akong umuwi para ibalita kay EJ ang lahat. Anak, ’ka ko, ito na, ito na. Ito na ang tinatawag na option.
Sumang-ayon naman siya. Puwede nga, Ma, sabi niya. Tapos hininaan niya ang sariling boses kahit dadalawa lang naman kaming talaga sa bahay. Parang may kung anong makulimlim na sasabihin.
Proposed back cover text number 7:
Habang kumakain kami, masuyong-masuyo ang bawat tingin sa akin ni Zal. Ako, nangingiti. Ano nga ba ’tong ginagawa ko? Naglalandi lang ba? Mahal ko na bang talaga si Zal? O masaya lang ako kapag kasama siya? Wala nga kaya siyang girlfriend? Mahal niya kaya ako? Baka sex lang talaga ang habol nito.
Teka, ano ba? Tama pa ba ito? Kung sex nga lang ang gusto niya, ayos lang ba sa akin ’yon? Gusto ko rin bang makipag-sex sa kanya? O baka naman gusto ko lang siya, period? Di kaya gusto ko lang makipaglandian? Ba, magkaiba ’yon. Landian saka aktuwal na sex. Laking pagkakaiba.
Di ko masagot ang sariling mga tanong. Sumasama sa bawat dighay ang natitira kong huwisyo.
Pagkakain, bumalik na kami sa kuwarto. At paglapat ng pinto, tinanong ko na siya ng, “Gusto mo bang
(talagang pinutol ko itong last proposed back cover text. as in last word ang bang. hehe)
sabi ni poy, masyado raw bayolente o dark ang mga napili ko. e kako, ganon talaga. hindi naman happy ang libro. kung mas light pa sa mga iyan ang pipiliin ko, baka madismaya ang reader sa pagbabasa niya ng aklat.
pero, teka, whatdyathink?
kung yan nga ang nasa likod ng libro, babasahin nyo ba ang content ng aklat?

Published on June 07, 2014 03:54
maikling kuwento?
nawiwirdohan ako sa terminong maikling kuwento. bakit? may anyo ba tayo ng panitikan na mahabang kuwento? palagay ko, 'yang maikling kuwento ay bulag na pagsasalin sa short story ng mga kano.
dapat kuwento lang ang salin niyan. kasi kailangan lang naman yan para i-differentiate na prosa ang form ng akda (at hindi tula) at fiction ang laman nito (at hindi totoo, kathang isip lang).

Published on June 07, 2014 03:27
June 5, 2014
Student Media Congress Registration, Now On-Going
Registration for the second DLSU Student Media Congress (SMC), the biggest media congress in the metro, opened last May 26, 2014, and will close on June 23, 2014. The congress will take place in De La Salle University – Manila and is scheduled to run on July 25 – 26, 2014.
Contact:
Don Pablo - Publicity Head
09178094575
don_pablo@dlsu.edu.ph
Hey, register kayo rito. Ang ganda, sulit! Was here last year as a speaker about copyright and writing. Kasama uli ako rito this year. Ang topic ko ay Copyright for Young Authors. Will be with FILCOLS' Alvin Buenaventura. See you!

Published on June 05, 2014 03:46
NBDB Kapihan with Writers
The National Book Development Board is inviting its registered writers, artists, editors, translators, and other individuals in the publishing industry to an afternoon of ideas exchange on June 18 2014 at 1:00PM. This kapihan session will be held at the NBDB Office located at Unit 2401, Prestige Tower, F. Ortigas Jr. Road (formerly Emerald Avenue), Ortigas Center, Pasig City.
Sam Sotto, Mina Esguerra, Carljoe Javier, Beverly Siy will share their experiences as well as their advocacies related to Filipino authorship, publishing, copyright protection, and readership. This will also serve as a venue for creators to discuss various issues and concerns they face among themselves, with the objective of arriving at concrete and sustainable solutions.
Admission is free but pre-registration is required. Kindly confirm your attendance by contacting Rita Quinto at 570-6198 local 806 or rita@nbdb.gov.ph.
Interested participants who are not currently registered with the NBDB are also welcome. They may file their application for free upon registration during the event.
Kitakits dito, mga kapatid sa panulat!

Published on June 05, 2014 03:26
INVITING EVERYONE to UP Cebu. On Travel-writing: A lecture by Shivaji Das
INVITING EVERYONE to UP Cebu. On Travel-writing: A lecture by Shivaji Das, author of "Journeys with the caterpillar". June 28, 2014 Saturday 1:30-3:00 pm at UP Cebu AVR 2. Free Admission.

Published on June 05, 2014 03:21
Bebang Siy's Blog
- Bebang Siy's profile
- 136 followers
Bebang Siy isn't a Goodreads Author
(yet),
but they
do have a blog,
so here are some recent posts imported from
their feed.