Bebang Siy's Blog, page 33

October 27, 2015

april in the cruelest month

kaninang umaga, 8:00 am, nagpasya akong uminom ng gatas kahit na alam kong dapat ay umaalis na ako ng bahay papunta sa Greenmeadows (sa Greenmeadows ako nagtu-tutor ng Filipino). one hour ang palugit ko sa biyahe =7 minutes na lakad hanggang sakayan sa K-J st., 13 minutes pa-15th Avenue, 20 minutes pa-Greenmeadows via Libis, at 20 minutes na lakad mula sa kanto ng Greenmeadows Jollibee hanggang sa bahay na pupuntahan ko.

dahil mainit ang tubig na ipinanggatas ko, hinintay ko pa itong lumamig nang konti. 8:10 am na ako nakaalis ng bahay. lakad-takbo na naman ang peg ko sa kahabaan ng kalsada namin, ang k-8th Street. pero malayo pa lang, pansin ko nang trapik papuntang aurora boulevard. shet, kako, male-late na akong tunay. ang ginawa ko, naglakad ako nang ilang kanto, naisip kong baka mas mabilis pa kung lalakarin ko na lang ito.

pero bigla akong nakakita ng tricycle. alam nito ang pasikot-sikot para makarating ako sa aurora blvd. cor. 15th ave. manong, magkano? tanong ko. bente lang, sagot niya. wag nyo pong idaan sa trapik ha? sabi ko. oo, akong bahala, sagot niya. at pinaarangkada na nga niya ang tricycle. mga 8 minutes lang, nasa aurora blvd na kami. sabi nya, ayun po ang 15th. ave. itinuro niya ang isang kanto mula sa kinaroroonan namin. baba agad ako ng tricycle, bayad at tawid. harvard st. pala iyong pinagbabaan sa akin. paglingon ko sa direksiyon na pa- 15th ave., napansin ko ang couple sa unahan ko. naghihilahan, para silang nagta-tug of war. mapapangiti pa sana ako, kasi ang unang pumasok sa isip ko e naghaharutan iyong dalawa.

aba, hindi pala!

hawak ng lalaki ang pulsuhan ng babae, nagpupumiglas ang babae. kinakatkat niya ang kamay ng lalaki. ang ginawa ng lalaki, sinampal niya ang babae gamit ang libre niyang kamay. pak.

gimbal ako. pota. anong nangyayari? binilisan ko ang lakad ko.linga-linga ako, saan ba may pulis? aba parang taxi, kung kailan mo kailangan, wala!

iyong babae, nagtakip ng mukha gamit ang libre niyang kamay. siguro gumagawa siya ng sampal shield. niyugyog ng lalaki ang pulsuhan ng babae. halatang galit ang boses ng lalaki, hindi ko lang maintindihan ang sinasabi nito. binilisan ko ang lakad ko papunta sa nagsasampalan. putcha, dapat may umawat dito. pulis, pulis. Linga uli ako. wala talaga. binilisan ko pa ang lakad ko.

e binilisan din ng dalawa ang lakad nila! by the time na nasa kanto na kami ng 15th avenue at aurora, nakaisang sampal pa ang lalaki. ang gulo na ng buhok ng babae. bawat taong madaanan nila, nililingon sila, pero walang ginagawa. as in tingin lang talaga ang ginagawa. ako naman, binibilisan ko pa rin ang lakad ko, pati paglinga-linga ko. WALANG PULIS, OH MY GOD. pero iniisip ko na rin kung makakasakay pa ng dyip pa-Greenmeadows ako sa area na iyon. punuan na kasi ang dyip pagdating sa kantong ito. so parang nanghihina ako habang bumibilis ang paa ko dahil alam kong mas maliit ang tsansa kong makaabot sa tamang oras sa Greenmweadows.

tumawid ang couple sa kabilang panig ng 15th avenue. May hardware doon, at sari-sari store. nanampal na naman iyong lalaki. shet. shet. pota. isang tumpok ng lalaki ang dinaanan ng couple sa may tapat ng angel's burger. ang ginawa ng mga ito, sumunod lang ng tingin. huwaw, useful creatures. tumawid na rin ako. puro bus kasi sa may bandang bakery ng 15th ave. nakailang sampal na ang lalaki, tangina nagpa-panic na ako. dumaan kami sa condo kung saan nag-oopis ang filcols. naiisip kong kumaliwa doon at baka makahingi ako ng tulong sa guard ng condo doon, saka kina kuya ricol at ran. kaso baka naman biglang mawala iyong dalawang sinusundan ko.

noong malapit na ako sa dalawang nakatalikod, bigla silang lumiko sa nakabukas na pinto ng isang junk shop. liko rin ako. pagbaling ko, nakita kong nakahandusay ang babae, sapo niya ang tiyan niya. naka-duster siyang dark brown, gulo-gulo ang buhok at stressed na stressed ang itsura: kunot ang noo, tinatakasan ng kulay ang mga mata. sa bandang ulunan niya, isang matabang lalaki na may edad na. nasa 50's siguro. kalbo at malaki ang tiyan sa kanyang pagkakaupo. may kausap siya sa cellphone. nasa kaliwa ko si mr. sampalista. hindi pala siya katangkaran, halos ka-height ko lang, at mukhang early 20's. may hitsura.

sabi ko kay mr. sampalista, hoy, tumigil ka na. kanina ka pa, a! bawal yang ginagawa mo.

sabi ni mr. sampalista, sino ka ba? anong pakialam mo?

nguyngoy lang ang babae. nakaupo pa rin sa sahig.

sagot ko, bawal 'yang ginagawa mo. ibig sabihin, labag sa batas! pipiktyuran kita!

binuksan ko na ang bag ko at hinanap ang camera.

sabi ng lalaki, ito kasi, e, sabay turo sa babae, sinusundan ako!

shet. natigilan ako. baka magnanakaw iyong babae. baka dinudukutan niya ang lalaki o hinahablutan ng cellphone.

sabi ko na lang, e di... maghanap kayo ng presinto. doon kayo mag-usap.

nakita ko na ang camera sa aking bag, nakalabas pala ang baterya nito, ampoga. so in-assemble ko pa sa harap ng dalawa ang camera para mai-on ko ang tangi kong armas.

biglang bumangon ang babae, ate, wag po, wag n’yo po siyang piktyuran. kasalanan ko po kung ba’t niya ako sinasaktan. wag po, maawa po kayo.

hindi umimik ang lalaki. humihingal siya, siguro'y sa sobrang inis. mapula ang eyebags niya, halatang inis at pagod na. nakatingin lang sa amin ang matabang matandang lalaki.

sabi ko, manong tumawag nga po kayo ng pulis.

Tumango si manong. hindi tinatanggal ang cellphone sa tenga niya.

nag-hysterical ang babae. ate, kuya, wag po! huhu, wag po. ako po ang kawawa pag ginawa nyo yan. iiwan po nya ako!

huwat? ano to, sa isip-isip ko. iiwan? tagasaan ba sila? wala ba siyang pamasahe?

Nanatiling walang imik si mr. sampalista. Tas lumabas ito ng junk shop. tumingin pa muna sa akin at sa camera, bago naglakad palayo.

lumabas din ako. sumunod ang babae, hawak niya ang laylayan ng bestida niya. umiiyak pa rin siya. ate, wag, ate. uhuhu.

lumabas din ang matandang lalaki, na palagay ko ay may ari ng junkshop. tatlo kami, sinundan namin ng tingin si mr. sampalista.

anong oras na? putcha, late na ako. pero parang weird na basta na lang biglang iwan ang babae doon.

asawa mo 'yon? tanong ni sir MJO (mukhang junkshop owner).

hindi po. hindi kami kasal, live in po. pero baka po kasi iwan niya ako. magsusumbong na ‘yon sa pamilya niya.

anong isusumbong niya? tanong ko. umaarangkada na naman ang numero unong tsismosa sa buong barangay ng kamias hahaha!

kasi po kanina, gusto ko sanang paliguan niya anak ko, may anak po ako sa pagkadalaga. ‘yon po ang isusumbong niya.

ilang taon na, tanong ko. mga 8:25 na ito. wala, late na ako, habang nakatayo ako sa harap ni ate, pasimple akong tumitingin sa mga dyip, punuan talaga. so... pagbigyan na lang ang tsismosa kong esophagus.

apat po. anak ko ‘yon sa pagkadalaga (yes, inulit talaga ni ate ito), sabi niya sa pamilya niya, pamangkin ko lang ang anak ko. kaya di po nila alam na may anak ako. kanina, inutusan kong paliguan niya, sabi, mamaya na. e pinilit ko siya, kasi may bukol iyong anak ko, kailangan pong makaligo na yon.

tapos ganyan na? sinasaktan ka na? tanong ni sir MJO.

kasi po ang kulit ko, sinundan ko pa po siya sa labas.

e kahit na. hindi ka nya dapat sinasaktan. para yun lang, e, sabat ko.

nagalit po talaga siya. iiwan na po nya ako. huhuuhu. Ngawa na naman si ate.

hayaan mo na, mabuti nga, hiwalayan mo na ‘yan. gusto mo ba ‘yan, sinasaktan ka?

wow ang galing magsalita ni sir mjo. salute.

buntis po kasi ako huhuhu

sabi ng neurons ko: fuuuuuck. Buntis ka pa pala.

sabi ng bibig ko,e di lalo mong dapat hiwalayan yan! kung di ka buntis, baka sobra pa ginawa niyan sa 'yo.

hindi, kasalanan ko naman po kasi.

i was like... helo, girl, bagong milenyo na, dalawa na ang babaeng presidente ng pilipinas. me tumatakbo pa ngayong 2016, malamang manalo rin. bakit hinahayaan mo pa ring maapi-api ka ng taong dapat nga e mag-aalaga at magpoprotekta sa iyo? iba na ang panahon para sa ating mga babae, 'te. anube.

pero hindi iyan ang lumabas sa bibig ko, siyempre. the ever tsismosa in me asked, anong pangalan mo?

april po.

anong apelyido mo?

karadal (or caradal, kasi binigkas lang naman niya, hindi ini-spell.)

ilang taon ka na?

23.

tagasaan ka? si sir MJO na ito.

taga-Samar po. Samar din po siya.

hindi, saan kayo nakatira ngayon?

Diyan po sa may 178 po. imation. (or aymeyshon something. yan ang bigkas niya. at yes, naalala ko ang number ng bahay dahil kamukha ito ng sa amin, 128!)

saan papunta iyong ka-live in mo? baka balikan ka niya rito, tanong ko.

sa katipunan po.

aaa, may sakayan na rito papuntang katipunan. di na siguro babalik iyon dito, sabi ni sir MJO.

8:35 na. ano na, kumusta ang tutorial career ko?! pero ano na ang gagawin ko sa babaeng ito? parang walang pera, nakasuksok ang kamay niya sa bulsa ng kanyang bestida. mukha pa rin siyang nagugulumihanan. magbibigay ba ako ng pera? sasamahan ko ba siyang mag-report sa pulis o barangay? patingin-tingin siya sa direksiyon na pinuntahan ng lalaki. hahabulin pa ba niya iyon? anak naman ng...

april, punta ka na lang sa barangay. I-report mo yung ginawa niya para magka-record siya, sabi ko na lang. kating-kati na akong umalis.

po? hindi po, ayoko po.

hmmm... ano bang magandang sabihin? nakatanga na lang kami ni sir MJO sa kanya. dead air.

hiwalayan mo na 'yan, ha? sabi ko.

oo, ne, bata ka pa, makakahanap ka pa ng magmamahal sa iyo. kahit pangit, basta hindi nananakit, sabi ni sir MJO.

in fairness, rhyming. haha nakakatuwa talaga si sir, hindi ko akalaing napakahusay magsalita. ang itsura kasi ay iyong parang tumanda na sa katatambay lang sa kanto, malaki tiyan, pakamot-kamot sa bahagi ng bewang na pinagbakatan ng brip.

oo nga, tama. uulitin niya sa iyo 'yan pag di mo siya hiniwalayan, sulsol ko na rin.

paglingon ko sa kalsada, naka-spot ako ng taxi na paparating. tiningnan ko si sir mjo. manong, kayo na po ang bahala. late na po kasi ako.

pumara ako't bumaba ng bangketa. mabilis kong binuksan ang pinto at hindi na ako lumingon. Umusad nang kaunti ang taxi. Wala na kami sa tapat ng junk shop.
sabi ng orasan sa dashboard: 8:42. ikukuwento ko ba ito sa estudyante ko? baka isipin niya, nasisiraan na ako ng ulo. the other week, nakakita ako at nagpapulis ng nagja-jakol. iyon, ikinuwento ko sa kanya at takot na takot siya para sa akin. pero etong insidenteng ito, pag ikinuwento ko sa kanya, baka isipin niyang produkto lamang ng creative juices ang lahat at gumagawa lang ako ng excuse sa pagiging late.

hindi lang iyan ang naisip ko habang ninanamnam ko ang aircon sa taxi (bihira lang kasi akong magtaxi). inisip ko rin si april. sigurado ako, mas matitinding sampal pa ang matitikman niya mamya pag nagkita na sila ni mr. sampalista sa kanilang bahay. lalong manggagalaiti iyon kay april dahil may tumulong dito at ipinahiya pa siya (si mr. sampalista) ngayong umaga. sigurado ako, pag nalaman ng pamilya ng lalaki na may anak sa pagkadalaga si april, aapihin na rin ng mga ito si april. sigurado rin ako, pagkapanganak niya ay bubuntisin siyang muli ni mr. sampalista. sigurado rin ako, by the time na maisip ni april na worthless talaga ang lalaki at karapat-dapat lang talagang iwan ito, mga pito na ang anak nila.

ang sakit sa dibdib.

dapat na ba akong matuwa dahil kahit paano ay nahinto ang pananampal ni mr. sampalista kay april dahil sa pangingialam ko? hanggang doon na lang ba talaga ang kaya kong gawin?

e putcha, ang hirap naman kasing tumulong nang all the way kapag weekday. kalahati ng puso mo, gustong magdulot ng pagbabago. ang kalahati, bumibiyahe na papunta sa trabaho.

sabi nga ni heneral luna, kuwarta o kahon? pera o bayong? kapwa o datung?

pumili ka.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 27, 2015 02:30

October 23, 2015

one hundred

kahapon, nagpunta ako sa filcols para daanan ang mga token mula sa DLSU Manila para sa katatapos lang na student media congress 2015. pagkababa ko ng dyip, naghanap ako ng mabibilhan ng merienda para sa staff ng filcols na sina kuya ricol at ran. malapit sa opisina nila along 15th avenue, cubao, may isang bakery. at nakakita ako ng tinapay na parang masarap kainin. kaso medyo mahal (P22.00 ang isa) at konti na lang ang pera ko sa bag. sa tapat ng bakery ay angel's burger. tawid ako. nakita ko ang buy 1 take 1 nilang cheeseburger: P34.00 lang. ayos. kaya umorder na ako sa babaeng nagluluto ng burger sa loob ng de-rehas na burger stand.

pagka-order ko ay inilabas ko ang one hundred pesos ko at mabilis na inabot sa babae. kako, habang nakasalang ang mga burger ko ay puwede na niya akong suklian, makatipid man lang nang ilang minuto nang araw na iyon. pero hindi niya agad ako sinuklian. nakatayo siya sa tapat ko. may inasikaso pa siyang kung ano doon. sa pagitan namin ay ang bag ko, ang rehas, at isang plastic drawer na maraming level (in that order). humawak din siya sa calculator sa may tabi ng rehas. tapos pinagsilbihan niya ang nag-iisang kustomer na naabutan ko, isang lalaking nagpalit pa ng damit habang nakaupo sa bench at naghihintay ng order. iniabot ni ate ang dalawang burger sa lalaki. tanong ng lalaki, may coleslaw ba ito? sabi ni ate, wala. umorder ng coleslaw ang lalaki. mula sa tapat ko, lumayo si ate para kumuha ng coleslaw sa ref. tapos ay bumalik siya malapit sa tapat ko para buksan ang mga plastic na lalagyan ng coleslaw. nainggit ako, tinanong ko si ate kung magkano ang coleslaw. P3.50, sabi niya. umorder na rin ako. the whole time ay palipat-lipat ako ng tingin kay ate, sa lalaki at sa mga burger ko na nakasalang sa prituhan.

si ate ay nasa 30s. natutuwa ako sa aura niya kasi parang hindi mainit sa lugar ng kanyang trabaho. mukha siyang fresh. mamula-mula ang kanyang pisngi, may bahid ng gold ang kanyang buhok. hindi siya tumitingin sa akin kahit kapag kinakausap niya ako. noong nakatingin ako sa kanya, ang iniisip ko, magkano kaya ang suweldo ni ate? siguradong maliit lang ito. ang tiyaga naman niya. iyong may ari ng angel's burger, mayaman na. merong angel's burger along anonas at minsan, nasusumpungan kong nakaparada malapit dito ang pagkalaki-laking truck ng angel's burger. wow. lumaki ang negosyong ito kahit napakamura ng buy 1 take 1 niyang mga burger. ilang oras kaya ang shift niya? siya lang ba mag-isa sa buong araw? bakit hindi pa niya ako sinusuklian?

mayamaya pa ay naluto na ang mga burger ko. siningil ako ni ate. nagulat ako. sabi ko, nagbayad na po ako. sabi niya, hindi pa. nag-panic ako. ako, hindi pa nagbabayad? e asan na ang one hundred ko? binuksan ko ang mga kamay ko, wala. binuksan ko ang zipper ng bulsa ng bag ko, wala. binuksan ko ang bag ko at sinilip ang dalawang bulsa sa loob kung saan ako naglalagay ng perang papel, wala. iniangat ko ang bag ko at tiningnan ang ilalim nito, wala. iniangat ko ang dalawang notebook na dala ko at tiningnan ang ilalim ng mga ito, wala. napatingin ako lalaking kustomer. sabi niya sa akin, hindi ko napansin, miss.

napatingin ako kay ate. nakatingin siya sa akin for the first time! wala ka pang inaabot sa akin, sabi niya.

putcha. rewind uli ang utak ko. nagbayad na ako! iyon ang unang-una kong ginawa pagkakita ko sa presyo ng buy 1 take 1 na cheeseburger at pagka-order ko. sinabi ko kay ate, nagbayad na ako. pero ipinilit pa rin niya na hindi.

kaya ang ginawa ko, sinubukan ko uling hanapin ang one hundred sa poder ko. siya naman, ibinalot na niya ang mga burger ko at inilusot sa rehas. sabi niya, kahit pumasok ka pa rito at hanapin iyan!

inilusot ko ang kamay ko sa rehas para isa-isahin ang pagbubukas sa lahat ng level ng plastic na drawer. lalagyan pala iyon ng mga tissue at plastic na sapin ng burger. wala ang one hundred. nagpalinga-linga ako. sabi ni ate, hawak-hawak mo iyon kanina pero di mo iyon inabot sa akin. talaga lang, ha, sa isip-isip ko. na bad trip na ako sa kanya. habang sinu survey ko ang lugar, baka may CCTV at na-record ang pagbabayad ko, lintik lang ang walang ganti, ang naisip ko ay ilang beses na kaya niyang ginawa iyon? iyong magpapanggap na hindi pa nagbabayad ang kustomer para mag-abot uli sa kanya ng pera?

wala, walang CCTV! sabi ni ate, kahit pumasok ka pa, halika, halika rito, tingnan mo. tapos may binuksan siyang drawer na gawa sa kahoy. iyon yata ang kaha. walang one hundred dito, sabi niya.

walang one hundred d'yan? aba, sa isip-isip ko, baka mapasubo ka sa akin, ate.

e, sori, mapagpatol ako, pumasok nga ako sa loob ng angel's burger. isa pa, last one hundred ko na iyon, e, kaya kailangan talagang mahanap ko ito.

pagpasok ko ay may dumating na mga babae, umoorder ng burger. isinalang ni ate ang mga order nila at habang hawak ang tong sa isang kamay, hinatak ng kabilang kamay niya ang malaking plastic na drum na ginawang basurahan. iniangat niya ang mga basura doon at isinaboy sa sahig. wala rito. o kahit tingnan mo sa basurahan! ano ba 'yan? hindi ko sisirain ang sarili ko sa isandaan. wala akong imik, nakatingin ako sa basurahan sa sahig. tapos tumapat ako sa bunganga ng basurahan. bigla niyang niyakap ang basurahan. kahit itaktak ko pa ito, wala! sabi niya. bigla niyang binuhat ang basurahan. sabi ko, 'wag na. hindi ko naman sinasabing kinuha mo. pero tuloy-tuloy niyang itinaob ang basurahan. sumabog ang basura sa gitna ng angel's burger. o, ayan, tingnan mong maigi, sabi niya, sabay dampot sa mga plastic-plastic na nagkalat. sabi ko, 'wag na. ako na, nagluluto ka. napatingin na ako sa dalawang babaeng nag-order kanina. pero astig si ate, panay pa rin ang halukay sa mga basura. sabi niya, okey lang iyan, madali naman ang maghugas ng kamay.

lumayo na ako sa basura. binalikan ko ang spot na kinatatayuan niya kanina, katapat ng plastic na drawer. sa baba nito ay may isang tabo ng tansan, wala pa rin ang one hundred. iniangat ko ito, wala. tiningnan ko ang gilid ng lutuan, wala. nagpatuloy sa pagluluto si ate. nasa likod namin ang mga basura. napatingin ako sa calculator. napatingin ako sa lalaking kustomer.

saan napunta ang one hundred ko?!

habang nagluluto si ate, sabi niya, tingnan mo pa sa ref. lumapit naman ako at binuksan ang pinto ng ref. puro karne. mukhang matitigas na karne. hindi ko na ito hinawakan o pinakialaman. sabi ni ate, para isandaan lang, sisirain ko ang trabaho ko? sige, tingin pa. tingnan mo na lahat.

huwaw. ang yabang pa. nakakapikon. lumapit ako sa drawer na gawa sa kahoy, malapit ito sa pader ng angel's burger. hindi ko napansin na lumapit siya doon kanina, pagkabayad ko ng one hundred ko. pero naalala kong ang claim niya ay walang one hundred doon. kaya binuksan ko ang kaha. magulo ang pera, sabog-sabog ang mga perang papel. sa ibabaw ng lahat, isang one hundred ang parang kare-recover lang sa pagkakatupi sa kanya. call it lukso ng datung, dama kong iyon ang pera ko. sabi ko, sabi mo, wala kang one hundred dito?

sabi niya, hindi ako nagpunta diyan kanina, ano? ayan, bag ko 'yan, sabay turo niya sa isang backpack na nakapatong sa mga plastic na upuan sa tabi ng kaha. kahit tingnan mo pa.

siyempre, hindi ko na binulatlat iyon dahil mapapansin ko naman nang bongga kung inilagay niya doon ang one hundred ko o ang pera ng iba. Sabi ko na lang kay Ate, nagbayad na po ako.

pero ang nasa isip ko, putik, ang laki ko na, naloloko pa ako ng mga ganitong tao?!

sabi niya, wala pa talaga. wala ka pang inaabot sa akin.

hindi ko na po mabibili ang burger kasi wala na akong pambayad. huling pera ko na iyon, sabi ko.

ano ba yan, singhal niya, tapos, ibinigay na niya ang mga order ng dalawang babae. tas, bumaling sa akin si ate, abono pa ako, ganon? inis na inis siya sa akin. pero paano siyang mag-aabono samantalang nasa kanya na nga ang one hundred ko?

pagkalabas ko, sabi ko na lang, hindi ko na po makukuha ang mga burger. huling pera ko na iyon, e. wala na po akong maiaabot sa inyo.

gimbal si ateng. hindi siguro ginagawa sa kanya ito ever. iyong mga taong nakukupitan niya, naglalabas na lang ng iba pang pera para bayaran ang inorder na mga produkto. ako, hindi. sa isip-isip ko, kung ibebenta mo pa ang mga burger na ito, wapakels na ako riyan. pero hindi buong P100 ang makukuha mo sa akin, langya kang babae ka, dahil kung hindi mo maibebenta ang mga burger, kung magpasya kang iuwi na lang ang mga ito, kailangan mo pa rin silang bayaran sa kaha! bawas na iyon sa P100.

ang ending? umalis na ako nang hindi naglalabas uli ng pera. iniwan ko ang mga burger sa kanya.

sa isip-isip ko, amputik, naisahan ako, one hundred pesos! ang exciting talaga ng bawat araw dito sa metropolis, hahaha!

pagsulyap ko kay ate, dinadampot na niya ang mga basura sa sahig. ayan, mala-confetti kasi ang ginawa mong pagsaboy, sa isip-isip ko. pero wala pa rin akong imik dito.

nang talikuran ko na ang buong eksena, tanging banta ng puso ko, o, iyo na ang one hundred, isusumbong na lang kita. Magkarekord ka lang, ok na ako.

kaya wag siyang magkakamaling ulitin itong istayl niya, putcha, dahil siguradong bibingo siya sa records ng sarili niyang opisina.



 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 23, 2015 10:57

Pag Naglaho ang Lohika


ni Beverly W. Siy para sa kolum na Kapikulpi mula sa Perlas ng Silangan Balita ng Imus, Cavite

Ngayong may sanggol akong anak, na-realize ko kung bakit kadalasan ay walang sense ang mga nursery rhyme o mga kantang pambata. Halimbawa nito ay ang Sitsiritsit, Alibangbang at Penpen de Sarapen.

1. Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto, salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri, parang tandang...

2. Penpen de sarapen
De kutsilyo, de almasen
Haw haw de karabaw
De batuten...

O, di ba? Tingnan ang #1, parang walang logic. Ano ang ibig sabihin ng sitsiritsit? Bakit nag-enumerate ng mga insekto (alibangbang, salagubang) ang persona? Bakit ang ending ay tungkol sa babaeng nasa kalye at kakaiba kung umasta? Anong konek?

O, tingnan naman ang #2, ganon din, para ding walang logic! Pangalan ba ng tao ang Penpen? Apelyido ba niya ang de sarapen? Bakit siya may kutsilyo? Ano ang almasen, Espanyol ba iyan? Bakit naging tunog-Ingles ang kasunod na linya: haw haw de karabaw? At ano ang batuten? Puwede ba iyang ulamin tulad ng batotay?

Nakakaloka.

Ganito kasi iyan, napaka-impromptu kasi ng proseso ng paglikha sa mga ganitong akda. Pag karga mo ang baby at ngawa pa rin ito nang ngawa kahit anong gawin mong yugyog para ito ay makatulog, mapipilitan kang kumanta o humabi ng musika gamit ang iyong bibig. Dahil biglaan, napipilitan, wala ka sa mood, kung ano-anong salita lang ang lalabas sa iyo at kung ano-anong tono ang gagamitin mo. Basta, meron. At basta, mapatahan ang hawak mong sanggol.

Heto ang isa sa mga ginagamit kong pampatulog sa apat na buwan kong anak na si Karagatan, kinanta ko ito gamit ang isang twisted version ng kantang pambata na Ako ay May Lobo.

Ako ay may baby,
Karagatan ang pangalan,
Smile-smile sa akin,
Umutot na pala!
Heto siya, patulog na,
Kawawa ang mama,
Pot-pot-pot-pot-pot. (Repeat until fade.)

Medyo may logic pa nga itong sa akin kasi may gabay pa ako, ang kantang pambata na Ako ay May Lobo. Ngayon, imadyinin natin iyong mga lumikha ng Sitsiritsit at Penpen. Malamang ay walang padron o model sa isip ang mga gumawa niyan habang pinipilipit nila ang sariling mga utak para tuloy-tuloy ang kanilang mga salita, na eventually ay naging kanta.

Masayang proseso ang paggawa ng walang sense na mga nursery rhyme at kanta. Masaya kasi walang masyadong rules, okey lang kung may logic o wala, wala ring nagdidikta ng sukat, kahit gaano kahaba o kaikli ang akdang gusto mong bigkasin, puwede, mas nakakaantok, mas maganda dahil ang goal mo naman ay ang makapagpatulog ng sanggol, at higit sa lahat, walang pakialam ang nag-iisa mong audience sa iba pang bagay. Ang tanging gusto niya ay marinig ang boses mo at ang iyugyog mo siya ayon sa paraan ng iyong pagbigkas sa bawat linya.
Pero hindi kailangang magkaroon ka ng baby para makagawa nito, ha?

Kahit sino, kahit saan, kahit kailan ay puwedeng-puwedeng gumawa o mag-compose ng ganitong akda. Walang requirement!

Kaya ang bibig ay ihanda
Sa dugtungan ng salita.

Pag naglaho ang lohika,
Lalaya na ang haraya.

Kung may tanong, komento o mungkahi, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 23, 2015 08:00

October 15, 2015

Venue Hunting para sa Binyag ni Dagat

Venue hunting na naman ako para sa binyag ni Dagat at birthday ko sa December. Dahil mas star ang binyag ni Dagat sa event na ito, kailangan ay lutang ang theme na tubig o karagatan sa magiging salusalo. Kaya naisip kong sa Manila ulit gawin, para malapit sa dagat!
Siyempre pa, gusto ko sanang mabinyagan siya sa simbahan na kinalakhan ko, ang Ermita Catholic Church. Diyan ako kinumpilan noong 1995. (Kaya nga lang ay naiwala ng simbahan ang papeles ko! Haha, kaya kinailangan kong magpakumpil uli noong 2013 para maikasal kami ni Poy.)
Anyway, maraming-marami akong tiningnan na kainan at venue sa kahabaan ng Manila Bay.

1. Binalikan ko siyempre ang Manila Yacht Club, at nagkita uli kami ni Sir Tony Antupina. 30k ang minimum consummable amount ng room nila (Diamond Room) na gusto ko sanang pagdausan ng reception ng binyag. Good for 50-60 pax na iyong room. Not bad, di ba? Kaso mo, medyo namamahalan ako sa pagkain (example: pancit bihon P240, at isa sa cheapest na ang dish na iyan)! Parang ang konti ng mabibili kong pagkain sa presyo nila. Ang gusto ko lang dito, very reliable. Once na nagpa-reserve ka, tuloy-tuloy na. Wala nang cancel-cancel. At napakaganda rin ng service, talagang maalaga si Sir Tony. Hindi rin ito crowded dahil kakaunti lang ang nakakaalam na open ito to the public. Maganda rin ang Diamond Room, disente at sobrang presentable. At siyempre, pang-display photo ang view ng sunset dito!

2. Dumaan ako sa Max’s Malate. Nakupo, anliit ng function rooms kahit dalawa na ito na magkadikit at gagamitin daw as one sa aming event. Ang mahal din ng food, nasa P596.00 per head! Pero in fairness, andami namang food. Plated nga lang, hindi buffet. Saka hindi rin kita ang sunset at dagat mula sa function room. Definitely, hindi ko ito pipiliin.

3. May nadaanan akong row ng mga kainan/inuman, iyong una kong nilapitan ay MJ’s Bar and Cafe. Sarado ito dahil sa isang private function. Isang lalaking tagaroon ang nag-entertain sa akin. Siya pala ang marketing ng MJ’s Bar and Cafe. Sa labas ng kainan, may pinalaking menu, as in lifesize kaya nakita ko na affordable ang pagkain nila, nasa P100-200 per dish. Ang kaso, parang hindi masyadong pormal ang set up ng kanilang resto. Iyong kulay ng mga upuan at dingding sa loob, red, yellow green, etc. Hindi papasa ito sa magulang ni Poy. Sabi ni Carlos, meron pa raw silang venue sa taas at tiyak daw na magugustuhan namin. Pero hindi ako ipinasyal ni Carlos sa itaas. Dinala niya ako sa ....

4. Aquasphere! Ang tagal ko nang hinahanap ito! Sa internet ko lang din ito nakita, at balita ko, 8k ang bayad para sa 12 hrs na upa. Tapos ang gaganda ng photos sa internet. Pero nang makita ko na ito sa personal, nadismaya ako. Nakaangat sa lupa ang kalahati ng height ng pool! Hahaha, saka hindi masyadong malaki ang pool, parang kasinglapad at kasinghaba lang ito ng isang lipat-bahay truck. Medyo nadiliman din ako sa lugar, kahit pa binuksan ni Carlos ang mga ilaw. Meron ding isang room na airconditioned. Kasama na raw iyon sa ire-rent namin kung sakali. Malaki ito, at walang laman sa gitna. Sa gilid, nakasandal ang apat na tabi-tabing lazy boy, isang mahabang sofa naman sa isa pang gilid. Itim ang kulay ng mga upuan na ito. Hmmm.. bakit black!?! Malapit sa pinto, napansin ko ang isang transparent na salamin, para itong bintana pero hanggang sahig ang salamin. Para saan iyon? May magsasayaw ba sa labas at manonood naman ang nasa loob? Kapag naliligo ka sa pool, puwedeng-puwede kang pagmasdan ng mga tao sa loob sa pamamagitan ng salamin. Naisip ko tuloy na baka ginagamit ang venue na iyon sa mga stag party. Hahaha! Nagbago na ang tingin ko sa kulay ng swimming pool, ngek! Sabi ni Carlos, 14k ang upa doon, 12 hrs na. Kung ang MJ’s Bar and Cafe ang kukunin ko for catering sa halagang P260/head (ito ang pinakamura, pagkain lang ito, iba pa ang 14k na bayad para sa Aquasphere, maipapa-book na nila ako ngayon. Dahil sobrang in demand ang lugar na ito lalo na pag December, isang linggo lang ang palugit na nahingi ko sa kanya para makapag-confirm. Pero, waley na, hindi na ako mesmerized sa lugar! In fact, natakot aketch, haha!

5. Pagkatapos naming mag-usap, naglakad pa ako nang kaunti. Tapos may nasalubong akong baptismal reception tarpaulin, nakabitin, pag-angat ko pa ng tingin, isang waiter ang nagdidilig ng halaman sa second floor ng isang redesigned container van. Sabi niya, pasok po, Mam. Akyat po! At sumunod naman ako. So... nakarating ako sa Martinilly’s Coffee Shop! Ang ganda ng loob. Cute, actually. Pang-mommy and baby daughter ang dating at ang kulay ng interiors. Maaliwalas, maliwanag ang ilaw. Ang problema, maliit ang mismong coffee shop. At ang food, pangmeryenda type lang. Sabi ng chef at ng isa pang waiter, kasya raw ang 40 doon, binilang ko ang chairs, less than 40! Hay. Sayang. Pero ang maganda roon, salamin ang harapan kaya kitang-kita ang sunset. Parang mas maganda doon na mag-date at hindi mag-reception ng binyag. It turned out, caterer din pala sila. Meals start at around P300+. Meron daw silang inirerekomendang venue: La Terraza. May itinuro sila sa lugar kung saan ako nagmula (sa bandang Aquasphere). Baka marami pang events venue sa area na iyon, sayang hindi ko na-explore. Anyway, natuwa ako rito kasi sobrang helpful ng staff at sila ang pinakaunang nag-text sa akin tungkol sa query ko. Professional indeed! More power to this resto.

6. Naglakad pa ako hanggang makarating ako sa Padre Faura! OMG. Mahabang lakad talaga, I know. Pero magaan ang pakiramdam ko that night, kaya kering-keri lang. Dumaan ako sa Miramar Hotel, tiningnan ko rin ito noon, para sa kasal namin. Art deco kasi ang interiors pati siyempre ang labas. Ang problema ko rito, maliit din ang restaurant nila. Nang magtanong ako sa loob, sinabihan ako ng waitress na maghintay ng manager sa lobby. I waited for about 15 minutes. Nang dumating ang manager, may dala itong ready made na quotation, nasa P700+ per head. Kumusta naman, vaket ang mahal, sa isip-isip ko. Nag-thank you na lang ako at ni-note ko ang bagong gising look ni manager, saka ako mabining lumisan.

7. Napadpad din ako sa Luneta Hotel. Na sobrang ganda, exterior, interior, perfect. Kumikinang! Samantalang noong bata ako, yero-yero lang ang nakikita ko dahil binakuran ito at hindi ka masyadong makakalapit sa mismong building kasi any moment, baka may bumagsak. Condemned ang peg! Pero ngayon, huwaaa, ang ganda talaga. ang kintab din ng sahig. Meron silang restaurant na malapit sa lobby. Ang problema, kalat-kalat ang chairs! So hindi magkakakitaan ang mga bisita. Meron daw function hall sa itaas pero sarado raw, not for viewing as of the moment, sabi ng napaka-cute at napakatangkad na lalaki sa front desk. Binigyan lang niya ako ng calling card. Saka siya sumenyas sa akin ng call me, call me. CHAROOOOOT!

8. Naglakad pa ako at tumawid sa UN, nakarating ako sa Harbour View. Nakita ko na ito noon, noong naghahanap ako ng venue para sa surprise bday ni poy, pero pumasok pa rin ako sa loob. surprise! Walang bago, hahaha! Naka jut out pa rin sa dagat ang kahabaan ng restaurant. Napakaraming tao sa loob, grupo-grupo. Christmasy ang feel dahil sa christmas lights sa kisame. I like it! ang problema ko rito, mahal. Around 7k per table, good for 10pax. Sad. Pagdating ko sa parking lot, napansin ko na may breakwater sa gilid at marami ang nagde-date! Good thing, hindi siya madilim at may mga nagbabantay sa entrance ng compound ng Harbour View kaya siguro safe na rin para sa mga lab burds, haha. Parang masarap tumambay dito minsan! May nakasalubong akong isang group ng FEU students (hello, uniform!), tatambay ang mga ‘to panigurado. Yay, nakakainggit. Alala ko tuloy tambay days namin nina Eris nung high school. High school talaga. Noong college kasi, inuman na ang tambayan namin, putcha, hahaha. Noong high school, mga ganito ang tambayan namin, iyong mga lugar na nakakapagkuwentuhan kayo, asaran. Parang tubig sa breakwater. Ambabaw lang namin noon, hahaha.

9. Paglabas ko ng compound ng Harbour view, kumaliwa ako at tumambad sa akin ang Manila Ocean Park at Hotel H20. I decided to check the Liquid Buffet eklavu na nakita ko sa internet. P250/head lang daw dito. Kaso mo, walang katao-tao kaya wala akong mapagtanungan. Nakarating ako hanggang sa pinakaloob, para palang mall sa loob itong Manila Ocean Park. Kahit pala hindi ka papasok ng MOP, puwede kang kumain sa mga resto dito. May Wendy’s, North Park at isang coffee shop, New York something yata ang pangalan. Sa ground floor, may nakita akong tarpaulin, ang sabi: weekend lunch buffet P350/head, kakahanap ko ng restaurant na malapit, napa-elevator ako at napadpad sa.... Makan-makan Village. May mangilan-ngilang customer. Agad akong in-assist ng isang matangkad at payat na babaeng naka-brace. Nagtanong ako kung sa kanila ang resto na nagpapa-Weekend Lunch Buffet. Oo raw, pero hindi raw doon ang venue ng buffet. Nasa baba raw ito. at wala na raw ang taong naka-assign doon. Binigyan na lang niya ako ng parang flyer (parang lang kasi malaki ito at matigas. Kumbaga first class na flyer!) at ang mga package nila ay nag-uumpisa sa ... P888/head. Huwaaaat? Binasa ko uli. Pang debut at wedding pala ang package na iyon. Nakalma naman ako. Binigay ko ang contact details ko sa magiliw na receptionist. Ibibigay daw niya iyon sa tamang tao. Sayang yung P350/head na buffet! Sana puwede kami doon, 70-80 pax at sana rin, kita ang dagat sa venue. Let’s wait and see!

10. Nakakita ako ng ibang exit sa loob ng Makan-makan. Doon na ako nag-exit. At nakarating ako sa White moon bar. Ang dilim-dilim na bar, aba marami din ang customer that night, ha? Hindi ko nabilang pero marami-raming gumagalaw sa dilim, haha! Walang bubong sa lugar na iyon, mga sofa ang upuan. At ang entertainment ay walang iba kundi... ang napakagandang view ng CCP, Manila Yacht Club at MOA area. Haaay, i fell in love. Puwede ba sa binyag ito? pagagabihin namin ang mga bisita?! Hahaha, baka mabatukan ako ni Mama Nerie nito. Anyway, nag-inquire pa rin ako. Around P340 ang boodle fight meal. Around P250 ang isang simpleng meal. Puwede! Cheap, cheap, cheap, cheap! Hindi naman super cheap pero kung ikukumpara sa mga package na iniaalok sa akin, cheap na nga ito, di ba? Tas ang ganda pa ng view. Hindi na kailangang i-entertain pa ang mga bisita. Ang problema e ang panahon. Kako sa lalaking nag-entertain sa akin, paano po pag umulan? Iyon lang ang talo nyo rito, mam. Hindi na po kayo puwedeng magcancel kasi nabili na namin ang ingredients by that time. Doon po tayo sa hallway, pag umulan. Sasandal daw kami sa salamin ng makan-makan. Ngeee, hassle. Dadaan-daanan naman kami do’n! Hay. Sayang. Pero ibinigay ko pa rin ang aking contact number at email. Hiningi ko rin ang sa kanila. Sabi pa ng lalaki, marami na raw ang nagpakasal doon. Pinasara ang buong white moon. Bongga. Malaki ang place, pero palagay ko, hindi namin maookupa ang lahat ng iyon. So keri lang naman na nasa isang tabi lang kami ng White Moon kung sakali. After one day, i got a quotation from them, shet nasa P700 + per head. Haha! Pero puwede pa rin naman daw mag-ala carte, so no worries, actually.

11. Lumabas na ako sa nearest exit mula sa White Moon, nag-elevator muli at nagtanong sa guard sa may entrance ng MOP kung nasaan ang Liquid buffet. Surprise! Nadaanan ko na pala iyong entrance noon kanina. Ang entry ay natatabingan ng mga railing. May pababang hagdan. Dahil wala ngang ibang tao doon, iniusog ko ang railing at bumaba. May nakita akong malaking aquarium sa sahig. Tapos weird shapes ng pools at iba pa. meron ding parang fountain sa kanan. May mga lalaki na nagkukumpulan sa isang mababang aquarium. Lumapit sa akin ang isa, kalbo, sabi niya, ano po iyon? Sabi ko, hinahanap ko po ang liquid buffet. Sabi niya, ito po iyon, sabay turo sa mga upuan na lampas ng parang fountain. Paglingon ko, huwaaa, andaming upuan at mesa! Mahigit 100 siguro. Hindi aircon ang lugar, at iyong parang fountain ay pool pala ng hotel. doon daw nagsi swimming ang mga batang guest ng Hotel H20. Huwat? E, parang pinalaking kubeta lang iyong design ng tiles hahaha tapos me fountain lang sa gitna! Paglapit ko sa Liquid, pa akong pumasok sa isang kuweba. Sa presyo, ok! Pero sa ambience, bagsak ito, pang-bar ang aura, e. madilim at delikado pa ang pagbaba sa area na iyon, iyon ngang tinahak kong hagdan, basa-basa pa. Siguro sa araw, mas ok siya tingnan. pero di ko talaga type kasi parang masikip na ang lugar kapag nagkatao na roon. Sabi ng lalaki, lagi raw puno ang Liquid dahil sa buffet. Nakapila pa raw ang mga susunod na customer. Siyempre, ang mura, e! Sabi ni Kuya helpful, kontakin ko na lang ang Liquid sa internet. Sabi ko, ok po, kasi nakita ko na ang FB page nito. bago ako umalis napansin kong ang laman pala ng mababang mga aquarium ay.... rays! Manta raw, eagle ray, etc. aba, bigla akong napaisip. Kakaibang experience nga naman kapag dito kami nagpabinyag, makakakita sila ng iba’t ibang ray. For free. Hmm... pero saglit lang iyong tingin at kita. Mas matagal iyong kain. So... bagsak ito sa akin!

As of today, ang Weekend Lunch Buffet ang aming napipisil. Dahil grabe mag-follow up si Aezell, ang taong naka-assign dito. Joke lang yan. hehe ang totoo, dahil mura rito at madaling kausap si Aezell. Nagustuhan din ni Poy ang White Moon dahil nang i-Google niya ito, ang gaganda ng pictures ng sunset mula sa view rito. Sa Sunday,balik MOP ako to check the venue and the buffet food. Baka kasi chaka pala ang food haha! Siyempre, importante pa rin ang pagkain kesa sa anupamang kaartehan,haaha!
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 15, 2015 07:31

September 27, 2015

Isang Rebyu para sa Heneral Luna

Gandang-ganda ako sa pelikulang Heneral Luna ng direktor na si Jerrold Tarog. Ang pelikula ay handog ng Artikulo Uno Production ngayong 2015. Tungkol ito sa buhay ni Heneral Antonio Luna, ang pinakamahusay na heneral ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Inilahad dito ang background ni Luna, hindi lang pala siya mahusay na taong militar, siya rin ay isang mahusay na manunulat at musikero. Ang pamilyang pinagmulan niya ay kabilang sa alta sosyedad noon kaya't naipadala sila ni Juan Luna sa Europe para mag-aral. Karamihan sa kanyang mga kapatid ay nasa larangan ng sining. Inilahad din sa pelikula ang mga pangarap ni Luna para sa bayan, alam niyang traydor ang America, alam niyang pananakop ang puntirya nito sa atin at hindi talaga pakikipagkaibigan. Naniniwala siyang makakaalpas tayo sa daklot ng bagong mananakop sa pamamagitan ng armadong pakikipaglaban. Pero pasumpong-sumpong ang mga labanan, kakaunti ang armas, kakaunti na lang ang sundalo natin dahil katatapos lang nating gerahin ang mga Espanyol. Higit sa lahat, kakaunti ang suporta ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo sa mga hakbang at batas na ipinapatupad ni Luna. Bukod dito, may mga kalaban din sa politika si Luna, sabi sa pelikula, isa ito sa naging sanhi ng kanyang brutal na kamatayan.

Narito ang aking mga papuri at puna sa pelikula:

Pros:
1. As usual, napakahusay ng acting, lalo na ng lead actor na si John Arcilla. Noong umpisa ay natatabaan ako kay John. Hindi ako makapaniwalang ganon ka-chubby si Heneral Luna nang panahon ng digma. Pero nakita ko ang isang aktuwal na picture ni Luna sa libro tungkol sa kanya na ini-release ng Anvil kasabay ng pelikula. Heyheyhey, chubby nga si Heneral!

Muli, sa acting, nadadarang ako sa tuwing makikipagtalo si John/Luna sa pulong ng gabinete. Tama ang timpla ng kanyang ngalit, hindi OA ang bitiw ng mga salita kahit nanggagalaiti na siya kina Felipe Buencamino, Pedro Paterno at sa mga kumakampi rito. Gusto ko rin ang versatility ng kanyang acting, mula sa seryoso, galit na mode hanggang sa nagmamalasakit, komikal at karinyosong mode, perfect na perfect.

Si Nonie Buencamino ang gumanap bilang Buencamino at talaga namang nakakaasar siya, ang sarap sampalin, kung makakatagos lang ang kamay ko sa screen. Si Mon Confiado rin ay napakahusay bilang Emilio Aguinaldo. Kumbinsido akong eengot-engot talaga siya't hindi makagawa ng desisyon nang hindi kumokonsulta kay Apolinario Mabini (si Epi Quizon ang gumanap dito) at sa iba pa niyang alipores. Dati, ang mga role ni Mon ay goon, rapist, kidnapper sa kung saan-saang pelikula. Ngayon, presidente na siya ng Pilipinas. Tanong lang sa nag-cast, talaga bang sinadya ito para alam agad ng manonood na si Aguinaldo ang kontrabida sa pelikulang Heneral Luna?

Nagustuhan ko rin ang acting ni Mylene Dizon bilang Isabel. Si Isabel ang love interest ng heneral pero siya ay fictional character ayon kay Ria Limjap, ang marketing coordinator ng pelikula. Naka-attend kasi ako ng advance screening at talk ng Heneral Luna sa Philippine Literary Festival na ginanap sa Raffles Hotel Makati noong Agosto. May nagtanong kay Ria tungkol sa katauhan ni Isabel. Sabi ni Ria, si Isabel ay pinagsama-samang babae na naging kasintahan ni Luna. (Oo, namatay nang single si Luna! Walang asawa't walang anak!) Dahil alta nga ang pamilyang pinagmulan ni Luna, ang kanyang mga naging kasintahan ay mula rin sa mga maykaya at makapangyarihang pamilya. Ang bahagi naman ng pagkatao ni Isabel na nagsasabing miyembro ito ng Cruz Roja o Red Cross ay inspired naman ng totoong bayani ng Pampanga, si Nicolasa Dayrit-Pamintuan. Bayani siya dahil napatagal niya ang negosasyon nina Heneral Luna at Heneral Maskardo, dahil dito ay na-delay ang kanilang engkuwentro. Imagine kung natuloy iyon? Pilipino versus Pilipino sa panahon na sinasakop tayo ng mga Amerikano. (Pero paunawa: hindi naging girlfriend ni Luna si Nicolasa, ha? Hahaha!)

Gusto ko rin ang acting ni Arron Villaflor bilang Joven, isa ring fictional character. Isa siyang batang journalist na gustong magtatag ng bagong diyaryo at iniinterbyu si Heneral Luna the whole time. Alegorya ito dahil ang Joven sa Espanyol ay kabataan. Kung ibang pa-cute na actor ang isinali sa cast, baka naging masyado itong conscious sa itsura niya. Si Arron, smooth ang acting. Hindi siya nakakainis, hindi rin niya tinatalbugan sa eksena ang kanyang mga kasama. Nakita ko rin ang seriousness na inaasahan mula sa isang journalist na nagpupumilit makisabay sa lifestyle ng kanyang subject/interviewee.

Si Ketchup Eusebio bilang Capt. Janolino, ang unang umarya ng taga kay Heneral Luna, ay mahusay din ang akting. Nagustuhan ko ang aura niya noong comedy scene pa lang nila ni Heneral. Pero kumulimlim din ang mukha noong bigla siyang nagpakita at lumapit kay Heneral Luna para hiwain ng bolo ang mukha nito. Ang intense ng acting, ng mukha ni Ketchup, ng aura. Napakadilim!

Mahuhusay din sina Joem Bascon bilang Capt. Paco Roman at Archie Almeda bilang Capt. Rusca. Si Joem, matagal ko nang paborito iyan. Consistent ang acting, napanood ko na siya sa Binhi, kapares si Mercedes Cabral, at sa iba pang pelikula. Dito sa Heneral Luna, walang masyadong importanteng linya siyang binitawan, sayang. Siguro ay gusto lang ng direktor na mapokus sa heneral ang kuwento. Walang masyadong mahugot sa acting ni Joem dito bilang Capt. Roman.

2. Ang ganda ng cinematography kasi very cinematic ang karamihan sa mga eksena. Gusto ko iyong ginawang pagfa-flashback para ipakita kung anong klaseng pamilya ang pinagmulan ni Luna. Nag-umpisa ang flashback sa pagbubukas ng pinto ng isang bahay at ang pagpasok dito ng isang batang Luna. Hazy ang eksenang iyon at para kang pumasok sa isang well-maintained na museo na may very articulate na tour guide. Pumasok ang bata sa sala hanggang sa hapag tapos ay lumabas uli ito papunta sa nagpipintang si Luna, pag liko nila ay nasa Casa Armas na sila, isang fencing club na itinatag ni Luna para maging training ground ng mga kabataang Filipino. Ipinakita rin doon ang isang restawran na naging inspirasyon ni Juan Luna para sa painting niyang The Parisian.

Maganda rin iyong battle scenes kahit na medyo kakaunti na lang ang mga sundalong Filipino noon (tipid-tipid sa production cost!) sa field. Kung dinagdagan pa nang konti, sa panig natin at sa panig ng Amerikano, ayos na ayos na sana. Na-highlight din sa cinematography ang mga ilog, parang at bukirin sa Pilipinas (bagama't medyo may pagkakalbo na ito na palagay ko ay hindi masyadong realistiko. Siyempre, mas madahon noon ang mga lugar natin.) Napakaganda rin ng eksena ng pagpatay kay Luna. Pag napanood mo ito, hindi mo ito malilimutan kailanman. Brilliant din iyong pagkaka-frame ng huling saglit sa eksenang ito kung saan nagmukhang Spoliarium (painting ni Juan Luna na nanalo sa Spain) ang paglilipat sa bangkay nina Luna at Roman.

Hanggang dito na muna. Ipagpapatuloy ko sa susunod na pagkakataon ang pagsusulat ng rebyu na ito. Pasensiya na po. Balik po uli kayo.



Cons:




1 like ·   •  1 comment  •  flag
Share on Twitter
Published on September 27, 2015 07:15

Logo Design at Copyright

Nagkakagulo ngayon sa mundo ng logo design at copyright. Apparently, may isang grupong maghahabla sa IPOPHL dahil ninakaw daw nito ang design na ginawa nila at ito ay ginawang logo ng IPOPHL. It turned out, may middle man sa naging transaksiyon dito. At ito ay ang Design Center of the Philippines. Inutusan ng IPOPHL ang DCP na gumawa ng logo. Ang ginawa ng DCP, nag-hire ng agency para lumikha ng logo. Nang magawa na ito, ang DCP ang nag-present sa IPOPHL at inapprove naman ito ng IPOPHL. Hindi alam ng agency, ginagamit na pala ang kanilang dinisenyong logo!

Aha! Sino ngayon ang dapat managot? Kaabang-abang.

Pero sa ngayon, heto ang statement ng IPOPHL mula sa kanilang website na ipophil.gov.ph:

IPOPHL statement on its logo This statement is in reaction to the article posted on September 22, 2015 by one Kristian Kabuay entitled “Intellectual Property Office of the Philippines steals Baybayin logo”, in the website baybayin.com and other similar posts and blog comments. The IPOPHL logo was designed by the Design Center of the Philippines (DCP) in consultation with IPOPHL officials sometime in August 2011 pursuant to a Memorandum Of Understanding dated July 2011. The concepts of creativity, innovation, colors, and various facets of IP, served as guidance for the logo design. The IPOPHL logo was launched in October 2011 and has been in continuous use to date. The issue on the logo came to the attention of the IPOPHL only on May 25, 2015 or after almost 4 years from its launching, when Baybayin Buhayin, Taklobo Baybayin, Inc. and John Nicolas Lacap Leyson (herein called Baybayin Group) through its counsel sent a demand letter, demanding, among others, for compensation for the design, concept and use of the logo. It must be stressed that IPOPHL has never met nor transacted with any of the officers or members of the Baybayin Group from conceptualization until finalization of the logo. Contrary to the allegation that the Baybayin Group was ignored by IPOPHL officials, meetings with the Group were called on four separate occasions (June 8 and 24, July 14, and August 3, 2015) to clarify their claims and address their concerns. However, when asked how the issue could be resolved, the Baybayin Group, in one of the meetings, reiterated their demand that they be compensated and quoted the amount of PhP 500,000, which IPOPHL declined outright, considering that the same had no factual and legal basis. Baybayin characters are commonly used as in the logos of several government agencies such as the National Museum, National Library, NCCA, AFP and others. Baybayin is an ancient script, and no one has the exclusive right to use it. - See more at: http://www.ipophil.gov.ph/#sthash.eoF...




 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 27, 2015 05:49

September 17, 2015

thesis proposal presentation ng MP majors sa BulSU

nanggaling ako sa thesis proposal presentation ng mga estudyanteng nagme major ng malikhaing pagsulat (MP) sa Bulacan state university. at hanga ako sa mga itinanghal na panukalang proyekto.

(at nainggit ako na meron silang ganon. noong time ko as an undergrad (sa ibang paaralan), wala pang thesis proposal presentation. iisa lang ang titingin sa thesis mo. iyong adviser lang. wala ring defense ng thesis noon. magsa submit ka lang ng final version ng thesis. kaya nakakatuwa na may ganitong dagdag na activity para sa mga nag-aaral ng MP kasi mas maraming ang titingin sa proyekto mo. mas mapupulido mo ito. mas mapapaganda ang mismong thesis.

walo silang nag-present kanina. dalawang estudyante na susulat ng sanaysay at anim naman ang susulat ng dagli.

sanaysay

ang unang presentor ay puzzle ang trope. medyo buhaghag at vague pa ang kanyang ideya sa isusulat. sabi niya, magsusulat siya tungkol sa mga bagay na bumubuo sa sarili. something like that. ang nasa isip ko, ano nga iyon, te? hahaha ang kulit. batay naman sa outline niya, ang plano nya ay isulat ang buong buhay niya. which i think is too much for a book of essays. mas maganda pa rin na me limit o focus ang topic ng sulatin. tapos katatanong namin, lumitaw na namatayan pala siya ng tatay noong bata pa siya pagkatapos ay nagtrabaho ang mama niya sa ibang bansa. lumaki siya sa tiyahin. at iyon daw ang gusto niyang isulat. there you go! ayun ang focus.

ang ikalawang presentor ay ang intern ko dati. si cathlee olaes. ang trope niya ay biyahe. medyo gasgas, oo, pero ang focus niya ay ang maniobra (na siya ring tentatibong pamagat ng koleksiyon). sabi niya, itatampok sa kanyang koleksiyon ang mga biyahe niya sa buhay (literal at metaporikal) kung saan naligaw siya o nakaengkuwentro ng dead end pero dahil sa pagmamaniobra ay ligtas siyang nakakarating sa patutunguhan. ang pagmamaniobra para sa kanya ay katumbas ng pagtanggap sa nakaharap na problema, pagkatuto mula rito at eventually ay pag-move on. natuwa ako sa title dahil may salitang obra at isa iyon sa tinanong ko kung napili ba niya ang salitang iyon dahil sa obra. hindi raw, ahahaha! inilantad din niya ang takot niyang bumiyahe mag-isa halimbawa pa-metro manila. nang ungkatin ko ito, sinabi niya na wala kasi siyang kasama at wala kasing sasakyan. so lumabas na medyo may pagka-middle class ang kanyang punto de bista. pero ang nakakatuwa rito ay promdi rin punto de bista. promdi na middle class. ang nai-suggest ko rito, mas maganda na ipaliwanag niya ang bulacan bilang kilometro zero niya.

dagli


connect-disconnect
kaibigan ni cathlee si ac, ang presentor. ilang beses ko nang na-meet ang batang ito sa mga pampanitikang okasyon. masigasig talagang matuto tungkol sa panitikan at pagsulat. hindi ko masyadong na-appreciate noong una ang kanyang presentation. ang haba kasi ng paliwanag niya tungkol sa broken family, ang kanyang paksa. ipinaliwanag din niya kung paanong naaapektuhan ang bawat miyembro ng pamilya kapag dinaranas nila ito. may binanggit din siya na burol at libing na hindi ko talaga naintindihan. sa buong presentasyon niya, ang nagustuhan ko lang at naintindihan ay ang halimbawa niya ng dagli. ito ay isang facebook chat ng isang anak at ng ama nito tungkol sa pagbili ng bahay. ang gaan ng mga salita. ang gaan ng flow pero ambigat ng ending. boom. hindi mo aakalain na ganon ang ending. therefore, ang talino ng design. later, nong nag-uusap na kaming mga panelist sa bawat paper ng mga bata, naikuwento ni bayviz (isa sa mga guro sa bulsu at naging kaklase ko sa MP noong undergrad at siyang nag-imbita sa akin sa BulSu) ang konteksto ng burol at libing na nabanggit sa thesis proposal. may namatay na kamag-anak sa ama si ac. at doon mismo, sa burol at libing, nalaman niyang may first wife at mga anak ang kanyang tatay. ang tatay niya ay isang ofw. so ang gusto palang isulat ni ac ay ang nangyayaring disconnect sa kanilang magtatay sa tuwing magko-connect sila dahil iniri-reveal ng kanyang tatay sa kanya ang lahat-lahat sa mangilan-ngilang pagkakataon ng pagko-connect nila sa isa't isa. ang galing, di ba? matalino ang design. kailangan lang i-revise ang thesis proposal dahil mas nagpokus iyon sa pagpapaliwanag sa konsepto ng broken family.

namamahay
valiant ang pangalan ng nag-present. pinakagusto ko ito sa lahat dahil ang ganda at very filipino ang konsepto ng namamahay. sabi ni valiant, ang tagal nilang nangupahan sa Maynila. nang makabili sila ng bahay sa bulacan, lumipat sila agad dito pero saka siya nakaramdam ng matinding pagka-out of place, saka siya namahay. lagi raw niyang nami-miss ang buhay nila sa caloocan. so tungkol din ito sa displacement, pero this time, hindi maynila o sentro ang nagdi-displace sa kanya kundi ang provincial at periphery. ang galing di ba? ang winner ay ang pagkakahati ng mga akda: at home na makikitaan daw ng parikala dahil at home ang termino, ibig sabihin ay nasa bahay na nilang talaga ang kinaroroonan niya pero feeling nga niya ay hindi pa rin siya at home. ang ikalawa naman, terrace, dahil ang lugar daw na ito sa bahay ay alanganing nasa loob at alanganin ding nasa labas. gandang-ganda rin ako sa halimbawa ng akda niya na tungkol sa isang kauuwi lang na OFW. Pinagkaguluhan ng pamilya niya ang maleta niya. siya, hindi pinapansin. nagkaroon tuloy siya ng panahong mamasdan ang mga picture frame sa sala. buong pamilya ang naroon, siya lang ang wala. saka siya nagtanong sa sarili, gaano tna nga ba katagal siyang nawala?

silang nananatili
may problema ako sa panukalang pahayag nito dahil may pagka-awkward ang pagkakasulat. pero napakaganda ng konseptong papel na ito. kabaliktaran ito ng namamahay. ang writer ay ilang ulit na lumipat ng apartment kasama ang kanyang pamilya. napadpad sila sa baguio, benguet at, finally, bulacan. para bagang wala silang sense of permanence. pero ang nakakapagtaka roon, parang na-at home ang persona sa ganon, sa palipat-lipat. may mga naiiwan, nananatili mula sa mga bagay na saglit lang at panandalian. iyon ang itatampok niya sa kanyang mga sulatin. kung sa namamahay, naninibago siya at di mapakali sa something permanent, ito namang silang nananatili ay kampanteng kampante sa mga hindi permanente. may pagtalakay din sa women's issues ang kayang ipinakitang akda na tungkol sa isang tenant na wala nang perang pang-upa kaya katawan na lang ang ibabayad sa may ari ng apartment. mahusay magtimpi ang panulat niya.

bagong nayon
wala sa naratibo ng mga taga baliwag ang pag-unlad ng baliwag, iyan ang panukalang pahayag. dito ako pinakahanga dahil extensive ang pagbabasa ng presentor na si michael angelo. tanging siya ang nagbasa ng mga lumang aklat (halimbawa ay ang magmamamani ni teofilo sauco). karamihan sa mga librong nabasa at nakatala sa thesis proposal ng ibang estudyate ay puro contemporary pinoy books (benta si eros sa kanila, si amang jcr at si abdon balde, jr.) at halos pare-pareho ang title/genre at iba pa. napakalinaw din ng gustong mangyari ng writer sa thesis niya kasi may focus agad ang kanyang paksa (danas ng pagbabago sa landscape ng baliwag) at ang paraan ng pagpresent niya sa harap, napaka-passionate, halata na personal niyang krusada ang proyekto, tubong baliwag kasi siya. kung sa iba, hindi idinedeklara ang kilometro zero, ito tukoy na tukoy: ang baliwag. na-appreciate ko rin ang gagawin niyang pagtalakay sa changes na nagaganap sa isang lugar (ginawa ko rin ito sa mens world, complete with mapa pa!). ipapakita rin niya hindi talaga beneficial ang changes na ipapatupad.

iglap sa danas ng teknolodyi

malisya


to be continued... antok na po ang writer!

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 17, 2015 11:52

September 16, 2015

Thesis Proposal Presentation ng MP Majors sa BulSU

kauuwi ko lang mula sa thesis proposal presentation ng mga estudyanteng nagme-major ng malikhaing pagsulat (MP) sa Bulacan State University. hanga ako sa mga itinanghal nilang panukalang proyekto.

(at nainggit ako na meron silang ganon. noong time ko as an undergrad (sa ibang paaralan), wala pang thesis proposal presentation. iisa lang ang titingin sa thesis mo. iyong adviser lang. wala ring defense ng thesis noon. magsa-submit ka lang ng final version ng thesis mo. kaya nakakatuwa na may ganitong dagdag na activity para sa mga nag-aaral ng MP kasi mas marami ang titingin sa proyekto mo. mapupulido ito at mapapakinis pa. mas mapapaganda ang mismong thesis.

walo silang nag-present kanina. dalawang estudyante na susulat ng sanaysay at anim naman ang susulat ng dagli.

sanaysay

ang unang presentor ay puzzle ang trope. Piraso at iba pang sanaysay ang kanyang pamagat. medyo buhaghag at vague pa ang kanyang ideya sa isusulat. sabi niya, magsusulat siya tungkol sa mga bagay na bumubuo sa sarili. something like that. ang nasa isip ko, ano nga iyon, te? hahaha ang kulit. wala siyang binanggit na ispesipiko. batay naman sa outline, ang plano nya ay isulat ang buong buhay niya. which i think is too much for a book of essays. mas maganda pa rin na me limit o focus ang topic ng isang libro. tapos katatanong namin, lumitaw na namatayan pala siya ng tatay noong bata pa siya pagkatapos ay nagtrabaho ang mama niya sa ibang bansa. lumaki siya sa tiyahin, at iyon daw ang gusto niyang isulat. there you go! ayun ang focus.

ang ikalawang presentor ay ang intern ko dati. si cathlee olaes. ang trope niya ay biyahe. medyo gasgas, oo, pero ang focus niya ay ang maniobra (na siya ring tentatibong pamagat ng koleksiyon). sabi niya, itatampok sa kanyang koleksiyon ang mga biyahe niya sa buhay (literal at metaporikal) kung saan naligaw siya o nakaengkuwentro ng dead end pero dahil sa pagmamaniobra ay ligtas siyang nakakarating sa patutunguhan. ang pagmamaniobra o pagkabig sa manibela para sa kanya ay katumbas ng pagtanggap sa nakaharap na problema, pagkatuto mula rito at eventually ay ang pag-move on. natuwa ako sa title dahil may salitang obra at isa iyon sa tinanong ko kung napili ba niya ang salitang iyon dahil sa obra. hindi raw, ahahaha! inilantad din niya ang takot niyang bumiyahe mag-isa halimbawa pa-metro manila. nang ungkatin ko ito, sinabi niya na wala kasi siyang kasama at wala kasing sasakyan. so lumabas na medyo may pagka-middle class ang kanyang punto de bista. pero promdi. so, promdi na middle class ang punto de bista. ang nai-suggest ko rito, mas maganda na ipaliwanag niya na bulacan ang kanyang kilometro zero.

dagli

connect-disconnect
kaibigan ni cathlee si ac, ang presentor. ilang beses ko nang na-meet ang batang ito sa mga pampanitikang okasyon. masigasig talagang matuto tungkol sa panitikan at pagsulat. hindi ko masyadong na-appreciate noong una ang kanyang presentation. ang haba kasi ng paliwanag niya tungkol sa broken family, ang kanyang paksa. ipinaliwanag din niya kung paanong naaapektuhan ang bawat miyembro ng pamilya kapag dinaranas nila ito. may binanggit din siya na burol at libing na hindi ko talaga naintindihan. sa buong presentasyon niya, ang nagustuhan ko lang at naintindihan ay ang halimbawa niya ng dagli. ito ay isang facebook chat ng isang mag-ama tungkol sa pagbili ng bahay. ang gaan ng mga salitang ginamit niya sa kanyang akda. ang gaan ng flow pero ambigat ng ending. boom. hindi mo aakalain na ganon ang ending. therefore, ang talino ng design. later, nong nag-uusap na kaming mga panelist tungkol sa proyekto ng mga estudyante, naikuwento ni bayviz (isa sa mga guro sa bulsu at naging kaklase ko sa MP noong undergrad at siyang nag-imbita sa akin sa BulSu) ang konteksto ng burol at libing na nabanggit ni ac sa proposal niya. may namatay na kamag-anak sa ama si ac. at doon mismo, sa burol at libing nito, nalaman niyang may first wife at mga anak ang kanyang tatay. ang tatay niya ay isang ofw. so ang gusto palang isulat ni ac ay ang nangyayaring disconnect sa kanilang magtatay sa tuwing magko-connect sila (via FB chat) dahil iniri-reveal ng kanyang tatay sa kanya ang lahat-lahat sa mangilan-ngilang pagkakataon ng pagko-connect nila sa isa't isa. ang galing, di ba? matalino ang design. kailangan lang i-revise ang thesis proposal dahil mas nagpokus iyon sa pagpapaliwanag sa konsepto ng broken family.

namamahay
valiant ang pangalan ng nag-present. pinakagusto ko ito sa lahat dahil ang ganda at very filipino ang konsepto ng namamahay. sabi ni valiant, ang tagal nilang nangupahan sa Maynila. nang makabili sila ng bahay sa bulacan, lumipat sila agad dito pero saka siya nakaramdam ng matinding pagka-out of place, saka siya namahay. lagi raw niyang nami-miss ang buhay nila sa caloocan. so tungkol din ito sa displacement, pero this time, hindi maynila o sentro ang nagdi-displace sa kanya kundi ang provincial at periphery. ang galing di ba? ang winner ay ang pagkakahati ng mga akda: at home na makikitaan daw ng parikala dahil at home ang termino, ibig sabihin ay bahay na nilang talaga ang kinaroroonan niya pero feeling nga niya ay hindi pa rin siya at home. ang ikalawa naman, terrace, dahil ang lugar daw na ito sa bahay ay alanganing nasa loob at alanganin ding nasa labas. gandang-ganda rin ako sa halimbawa ng akda niya na tungkol sa isang kauuwi lang na OFW. Pinagkaguluhan ng pamilya ng bida ang maleta nito. pero ang mismong bida, hindi pinapansin ng sariling pamilya. nagkaroon tuloy siya ng panahong mamasdan ang mga picture frame sa sala. buong pamilya ang naroon, siya lang ang wala. saka siya nagtanong sa sarili, gaano na nga ba katagal siyang nawala sa kanilang tahanan?

silang nananatili
may problema ako sa panukalang pahayag nito dahil may pagka-awkward ang pagkakasulat. pero napakaganda ng konseptong papel na ito. kabaliktaran ito ng namamahay. ang writer ay ilang ulit na lumipat ng apartment kasama ang kanyang pamilya. napadpad sila sa baguio, benguet at, finally, sa bulacan. para bagang wala silang sense of permanence. pero ang nakakapagtaka roon, parang na-at home ang estudyanteng ito sa ganon, sa palipat-lipat. kaya ang para sa kanya, may mga naiiwan, may nananatili kahit sa mga bagay na saglit lang at panandalian. iyon ang itatampok niya sa kanyang mga sulatin. kung sa koleksiyon na namamahay, ang mananaig na damdamin ay ang paninibago at di mapakali sa something na permanente, ito namang silang nananatili ay kampanteng kampante sa mga hindi permanente. ang ipinakitang akda ng estudyanteng manunulat ay tungkol sa isang tenant na wala nang perang pang-upa kaya katawan na lang ang ibabayad sa may ari ng apartment. mahusay magtimpi ang panulat niya. at nakakatuwa rin na may usaping pangkababaihan na nasangkot sa dagling ito.

bagong nayon
wala sa naratibo ng mga taga baliwag ang pag-unlad ng baliwag, iyan ang panukalang pahayag. dito ako pinaka-impressed dahil extensive ang pagbabasa ng presentor na si michael angelo santos. tanging siya ang nagbasa ng mga lumang aklat (halimbawa ay ang magmamamani ni teofilo sauco na taga baliwag din). karamihan sa mga librong nabasa at nakatala sa thesis proposal ng ibang estudyate ay puro contemporary pinoy books (benta si eros sa kanila, si ricky lee, sina amang jcr at abdon balde, jr.) at halos pare-pareho ang title/genre at iba pa. napakalinaw din ng gustong mangyari ng writer sa thesis niya kasi may focus agad ang kanyang paksa (danas ng pagbabago sa landscape ng baliwag) at ang paraan ng pagpresent niya sa harap, napaka-passionate, halata na personal niyang krusada ang proyekto, tubong baliwag siya. kung sa iba, hindi idinedeklara ang kilometro zero, ito tukoy na tukoy: ang baliwag. na-appreciate ko ang gagawin niyang pagtalakay sa changes na nagaganap sa isang lugar sa pamamagitan ng pagkukuwento ng kuwento ng mga kababayan niya (ginawa ko rin ito sa mens world, complete with mapa pa!). ipapakita rin niya hindi talaga beneficial ang changes na nagaganap sa kanilang lugar.

iglap sa danas ng teknolodyi
epekto ng iba't ibang media sa kabataan ng kontemporanyong panahon ang paksa ng akda. nais talakayin ng estudyante rito ang pagiging fleeting ng mga bagay-bagay lalo na sa mundo ng internet at social media. para sa kanya, isang iglap na lang ang lahat, wala nang nagtatagal at iyon ay dahil sa pagpasok ng teknolohiya sa pagkatao ng tao, particularly ng kabataan. ang maganda sa plano ng estudyante ay hindi lang siya sa pormal na mga teksto kukuha ng datos o ng ideya kundi maging sa confessional pages sa FB, testimonials sa internet, love stories sa radyo at balita sa TV. sa lahat ng nag-present, siya lang ang may planong lumabas sa mundo ng mga aklat para sa kanyang sanggunian. ang sample niyang akda ay nagsaad ng personal niyang danas nang makatagpo ng mamahalin sa pamamagitan ng isang website para sa mga naghahanap ng lovelife. nagkakilanlan sila nang maigi sa Facebook pero di nagtagal ay nag-break din sila, ni hindi man lang nagkita ang dalawa. ang kanilang relasyon ay nabuo sa isang iglap ngunit nagtapos din sa isang iglap. by the way, teknolodyi talaga ang spelling ng estudyante sa salitang iyan.

malisya
haunting ang laman ng kanyang proposal. mga erotikang dagli ang nais niyang isulat pero ang isa sa mga tatalakayin niya ay ang karanasan ng mga batang nakaranas ng sexual abuse. medyo nalito ako. paanong magiging erotika iyon? buti na lang at naitanong ito ni makis sa estudyante. ang paliwanag ng estudyante, nais niyang ipakita na ang mga tulad niyang nakaranas ng sexual abuse noong bata ay nag-iiba ang tingin sa mga bagay-bagay. halimbawa, nagiging malaswa ang simpleng pagkain ng ice candy. sa lahat ng proposals, ito ang consistent sa gamit ng salita. mahalay all the way. pero walang bago rito at madali ito kung tutuusin dahil madaling matukoy ang mga salitang puwedeng-puwedeng gamitin kung nais mag-joke tungkol sa sex. akala siguro ng estudyante ay bago ito at daring dahil sa kanilang lahat, siya lang ang tatalakay sa sex. back to proposal, sabi ng estudyante, gusto niyang patunayan sa mga tao na kapag ang isang kabataan ay may malisya ang tingin sa bagay-bagay at malisyoso magsalita, hindi ito dahil sa malisyo lamang ang estudyante, gusto niyang sabihin na may malalim na dahilan kung bakit iyon ganon. at ang dahilan nga ay usually raw nakaranas ng sexual abuse ang ganong kabataan. ganon nga raw ang nangyari sa kanya at sa marami sa kanyang kakilala. Hindi ako masyadong nakapag-react dito dahil ang slow ko that time, parang internet lang hahaha pero nakapagsalita na ako nang maayos noong kami-kami na lamang mga panelista ang nag-usap-usap. ang verdict, hindi erotika ang dagli na gustong isulat ng estudyante. nagkamali lang ito ng gamit ng salitang erotika. ang sample niyang akda ay napakaganda. very disturbing! tungkol ito sa tatlong batang naglalaro ng taguan.



pagkatapos ng presentasyon ng lahat ng estudyante, nagpulong ang mga panelista (ako, sina professors deane camua, bayviz calleon, makis magaling, orly pineda at rael -sori nalimutan ko ang apelyido niya!) at kinalap ang mga rekomendasyon para sa bawat estudyante. pagkatapos niyon ay nagmungkahi ako na kilalanin ang kahusayan at strength ng bawat presentor sa pamamagitan ng paggawad ng.... either isang pirasong C2 or isang piraso ng tinapay with tuna, hahaha

so eto iyong mga ginawaran at ang kanilang strength at kahusayan

PINAKA-MMK award- Piraso at iba pang sanaysay
PINAKA-WELL WRITTEN ang hand out award- iglap sa danas ng teknolodyi
PINAKAMAHUSAY NA PRESENTOR award- bagong nayon
PINAKAMAHUSAY NA KONSEPTO award- maniobra at iba pang sanaysay
OVERALL NA PINAKAMAHUSAY award- Namamahay
PINAKA-EKSPERIMENTAL sa anyo ng sample na akda award- connect -disconnect
PINAKA-WINNER SA MAMBABASA award- may permanente sa panandalian
PINAKAMAHUSAY NA MANUNULAT batay sa sample na akda- malisya

sabi ni deanne, ang course na MP ay kadalasang nagiging second choice lang ng mga estudyante sa BulSU. Tipong kapag bumagsak sa Engineering, doon lilipat, sa MP. Nakakalungkot, 'no? Pero hindi naman isolated case ito. Ganyan din naman sa UP. ang daming nagtapos doon ng MP o Creative Writing, na ang dating major ay Engineering, Chemistry, Math at iba pa. Kung ikukumpara kasi sa ibang course, hindi pa ganon kapopular ang MP kaya kakaunti pa lang ang talagang nag-eenrol dito o di kaya ay ang pumipili rito bilang first choice nilang kurso.

Mukhang matagal pa bago magkaroon ng sariling quota ang kurso na ito. mukhang matagal pang magiging tagasalo ng estudyanteng galing na sa ibang kurso ang kursong MP. mabuti na lang, sa ngayon ay napapanatili ang mataas na kalidad ng mga output sa kursong ito sa pamamagitan ng matinding pag-aalaga ng mga guro sa talento ng mga MP student. kabi-kabila ang mga workshop at presentasyon ng akda tulad ng poetry reading at pagpapalabas ng dula. nakita ko ang sigasig ng mga guro para magabayan sa kanilang pagsusulat ang mga estudyante. kapag nagsasalita sina Bayviz at Makis noong nangangalap na ng rekomendasyon ang mga panelista, halatang kabisado nila ang akda at poetics ng kanilang estudyante.ibig sabihin, tutok sila sa mga ito.

isang hakbang tungo sa pagpapatatag ng kursong MP ang pag-i-institutionalize ng thesis proposal defense ng mga graduating student. kaya binabati ko ang lahat ng guro, kasapi ng admin at pati na ang mga estudyante sa pagtataguyod nito. congrats talaga. napakahirap nitong gawin. ubos-oras-energy-pera. pero pinagsisikapan ninyo pa rin itong magawa at magawa nang mahusay. sana ay tularan kayo ng iba pang pamantasan o anupamang educational institution na may kursong Malikhaing Pagsulat o Creative Writing.

Para sa panitikan, para sa bayan.






 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 16, 2015 11:52

September 15, 2015

Sa Tandag (Isang tula para sa mga lumad)

ni Beverly W. Siy

Dalamhati ang nagdala
sa pagal na mga paa
ng laksa-laksang mga saksi
sa pagbaril kay Onil.*

Sa naglalawang luha at luksa,
Isiniwalat nila sa kapwa salat
Ang paisa-isa at paunti-unti
Na pagkitil sa kanilang uri.

Talamak ang terorismo sa naturang teritoryo.
Tinipon nila ang sariling mga tinig:
Sapagkat magkasabwat ang batas at ang nakatataas,
Kailanman ay di makakarma ang nakaarmas.

*Palayaw ni Dionel Campos, isa sa mga pinuno ng lumad na pinatay diumano ng puwersang Magahat-Bagani noong 1 Setyembre 2015 sa Lianga, Surigao del Sur.



 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 15, 2015 13:54

Sa Tiyan ng Maliliit (Isang tulang pambata tungkol sa kalikasan)

ni Beverly Siy

Akala ng isda, pagkain.
Akala ng ibon, puwedeng tukain.
Sa plastic bag ay ganyan ang tingin
Nitong mga hayop sa langit at baybayin.

Kaya bago magtapon ng plastic,
huminto saglit at mag-isip-isip.
Baka pupuwede pa iyang magamit
Kaysa mapunta sa tiyan ng maliliit.

1 like ·   •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 15, 2015 03:48

Bebang Siy's Blog

Bebang Siy
Bebang Siy isn't a Goodreads Author (yet), but they do have a blog, so here are some recent posts imported from their feed.
Follow Bebang Siy's blog with rss.