Bebang Siy's Blog, page 32
December 7, 2015
Mula sa mambabasang si Aubrey Paladan
Hello po! I'm a fan and a reader. Tawang tawa po ako sa libro n'yong It's Raining Mens saka It's A Mens World. Lalo na po sa part ng IRM na nag-edit kayo ng work ng isang writer tapos nagreply yung fictional character para mag-explain. :) Keep writing po, God bless. smile :)
Aubrey, daghang salamat! Sa uulitin!
Aubrey, daghang salamat! Sa uulitin!

Published on December 07, 2015 15:57
December 1, 2015
Children's Book Publishers sa Pilipinas
Para po sa mga guro ng Negros Occidental na sumali sa Bookmaking Workshop ng Museo sang Bata sa Negros na ginanap sa lungsod ng Badolod at Sagay noong Nob.24 at 25, maaari po ninyong ikonsidera ang sumusunod na publishers para sa inyong mga akdang pambata:
Adarna House
109 Scout Fernandez corner Scout Torillo Streets, Barangay Sacred Heart, Quezon City 1103 Philippines
Telephone: (02) 352 6765 • Fax local 125
E-mail: adarnahouse@adarna.com.ph
www.adarna.com.ph
Lampara Books
83 Sgt. E. Rivera St., San Francisco del Monte, Brgy. Manresa 1115, Quezon City, Philippines
Telephone: (02) 414-6188 Fax No. (02) 367-6222
E-mail: inquiry@lamparabooks.com.ph
www.lamparabooks.com.ph
Tahanan Books (Ilaw ng Tahanan Publishing, Inc.)
Unit 402, Cityland 3 Condominium, 105 V.A. Rufino corner Esteban Street, Legaspi Village, Makati City, Philippines 1229
Telephone: (02) 813-7165
E-mail para sa editorial queries: fran@tahananbooks.com
www.tahananbooks.com
Chikiting Books (Vibal Publishing)
Manila Office
G. Araneta Ave., cor. Ma. Clara St.,Quezon City
Telephones: (02) 712-2722 · 712-9156 to 59 Fax: (02) 711-8852
E-mail: inquire@vibalpublishing.com/ rbrigino@vibalgroup.com
Visayas Office
0290 Unit 202 Cebu Holdings Center,
Cebu Business Park, Cardinal Rosales A, Cebu City
(032) 233-0173 · 233-0176 · 233-2568
Fax: (032) 233-2983
vpcebu@vibalpublishing.com
www.vibalpublishing.com/products/chik...
Anvil Publishing, Inc.
Publishing Department, Anvil Publishing Inc., 7th Floor Quad Alpha Centrum Building, 125 Pioneer Street, Mandaluyong City 1500
Telephones: (02) 477-4752, (02) 477-4755 to 57 Fax: +(02) 747-1622
publishing@anvilpublishing.com, jsbersales@publishing.com
www.anvilpublishing.com
THE BOOKMARK, INC.
264 Pablo Ocampo Sr. Extension Avenue, San Antonio Village, 1203 Makati City, Philippines
Telephone: (02) 895-8061 — 65 Fax: (02) 897-0824
bookmark1945@gmail.com
www.bookmarkthefilipinobookstore.com
OMF Literature
776 Boni Avenue cor. Pinatubo Street, Mandaluyong City
Telephone: (02) 53.143.03 Fax: (02) 53.143.03 loc. 307
Email: omflit.boni@gmail.com
www.omflit.com
Mas mainam po na magpasa ng book proposal kasama ang isang bahagi ng inyong manuskrito (sa mga nabanggit na publisher). Sa book proposal po ay babanggitin ninyo ang inyong background, kung tungkol saan ang inyong akda, sino ang target market nito at ano ang unique selling point ng inyong akda.
Narito naman po ang mga organisasyon at grupo na maaaring makatulong sa inyong paglalathala ng mga akdang pambata. Marami din silang inilulunsad na mga gawain at kompetisyon na maaari ninyong lahukan.
Kuwentista ng mga Tsikiting (Kuting)
Pakihanap po ang Kuting sa Facebook, may account po sila doon.
President (as of Nov. 2015): Glenda Oris
Philippine Board on Books for Young Children (PBBY)
109 Scout Fernandez cor. Scout Torillo Street, Quezon City, Philippines
Telephone: (02) 352.6765
E-mail: pbby@adarna.com.ph
www.pbby.org.ph
The Center for Art, New Ventures & Sustainable Development (CANVAS)
1 Upsilon Drive Ext., cor. Zuzuareggui St., Alpha Village, Diliman, Quezon City
Telephones: (02) 436-4509, (02)-216-7750
E-mail: info@canvas.ph, gigo@canvas.ph
www.canvas.ph, www.lookingforjuan.com
The Philippine Chapter of the Society of Children's Book Writers & Illustrators (SCBWI)
c/o Beaulah Pedregosa Taguiwalo (taguiwalo8888@yahoo.com/0917-787-4956)
c/o Dominique Garde Torres (nikkigtorres@yahoo.com/0905-347-1668)
scbwiphilippines@gmail.com
www.scbwiphilippines.wordpress.com
Sana ay makatulong ang lahat ng skills na natutuhan ninyo sa ating Bookmaking Workshop para sa paghahanda ng inyong manuskrito at book proposal. Mag-email po lamang sa akin sa beverlysiy@gmail.com kung sakali pong may maitutulong pa ako at ang isa pa nating lecturer, si Ronald V. Verzo II.

Published on December 01, 2015 20:47
Mula sa mambabasang si Kloyde A. Caday ng Mindanao
PPS (na mataas), sayang po at naubusan na ng stock ng It's a Mens World sa Abreeza. I heard about it from my friends so as soon as I got to Gensan, I immediately bought this book. Ito rin ho talaga ang reason bakit nagsend ako ng email sa iyo. A few hours ago, I finished reading the book and it got me laughing and sighing as well. Sa surface level, maaaring sabihin ng readers na layon mo lang ang pagpapatawa sa kanila at iyon lang. You really achieved that, Ma'am, pero what I really like is how you included smithereens of your life to mean something about them. I like how small, even unnoticeable details become metaphors (e.g., piso, milk shakes) that hold spiritual truths. Gusto ko rin po ang organization ng essay ninyo. It 's a collection of essays not told in chronological order, pero may organic unity po. I love the innocence being depicted in the book as well. Paborito ko po yung 'So Ayaw Mo sa Palayaw Mo?' Tawa lang po ako nang tawa, at naremember ko po yung times na chill lang ang buhay, no'ng bata pa ako. Saludo po ako sa honesty at boldness niyo sa book na ito (at pati rin ang long-term memory mo. Hehe. Narealize ko na may mga ala-ala pala nung pagkabata na pwedeng hugutin upang makalikha ng sining. Ang dami kong sinabi sa loob ng parentheses kaya hanggang dito na lang.).
Katulad niyo, nais ko ring magsulat, at gusto kong magconcentrate sa creative nonfiction o essays. Isa po kayo sa mga iniidolo ko. Rock and roll!
Kloyde A. Caday
Maraming salamat, Kloyde! At masaya akong makilala ka sa Davao noong Philippine International Literary Festival 2015. Sana ay magkrus uli ng ating landas sa hinaharap!

Published on December 01, 2015 20:02
November 13, 2015
strange range
Noong isang araw, nakakita ako ng paunawa ng batas na nakapaskil sa isang pader sa Pasay. Heto ang nakalagay:
Bawal umihi rito . Ang hindi sumunod sa batas na ito ay magbabayad ng P500 hanggang P1,000 at makukulong din .
Pagbabayarin ka na, ikukulong ka pa! Sobra naman. Pero ganon talaga, kailangan ay may matinding parusa para matuto ng disiplina ang mga Pilipino, lalo na ang mga lalaking Pilipino.
Pero hindi naman talaga ito ang nagpayanig sa akin. Ang nagpayanig sa akin ay ang pagkakaroon ng range ng penalty.
Di ba? Bakit may P500, bakit may P1,000? Ang halaga ba ng penalty ay depende sa dami ng ihing kayang ilabas ng isang tao? Kung isang tabo, P1,000 agad, kung isang kutsarita lang, P500? Pero puwede rin namang ang halaga ng penalty ay nakadepende sa iihi. P1,000 kung Pilipino at P500 naman kung iba ang lahi mo.

Published on November 13, 2015 10:21
Press Release (Isang tanaga tungkol sa K to 12)
ni Beverly Siy
High school ay aasenso
At ito ang sikreto:
May magsasakripisyo,
Guro sa kolehiyo.
* Ang tanaga ay isang anyo ng katutubong tula sa Pilipinas. Binubuo ito ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Published on November 13, 2015 04:52
November 12, 2015
Pasinghap-singhap Ngayon (Isang tanaga tungkol sa K to 12)
ni Beverly W. Siy
Pasinghap-singhap ngayon,
Hindi nga makaahon,
Paano pang lulusong
Sa dinagdag na taon?
* Ang tanaga ay isang anyo ng katutubong tula sa Pilipinas. Binubuo ito ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.
Pasinghap-singhap ngayon,
Hindi nga makaahon,
Paano pang lulusong
Sa dinagdag na taon?
* Ang tanaga ay isang anyo ng katutubong tula sa Pilipinas. Binubuo ito ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Published on November 12, 2015 04:53
October 31, 2015
Poli-politika
ni Beverly Siy para sa kolum na Kapikulpi ng lingguhang pahayagan ng Imus, ang Perlas ng Silangan Balita
Ilan sa mga natutuhan ko’t naiisip sa politika nitong mga nakaraang araw, linggo, buwan:
Bawat kandidato, may tagapondo. Sino ang tagapondo? Ang mayayaman, ang mga negosyante. So ang halalan, hindi naman talaga halalan kundi sugal. Ang mayayaman at mga negosyante ang tumataya. Ang nakataya, kinabukasan ng bayan. Ang halalan pala ay isang uri lang ng libangan.
Importante sa mga politiko ang bilang ng botante sa isang lugar. Kapag konti ang botante sa isang lugar, dedma na lang si politiko diyan. Hindi na iyan bahagi ng Pilipinas na kailangan niyang pagsilbihan.
Nanggagago lang si Duterte at ang mga kasama niya sa partido. Kunwari, hindi siya tatakbo sa pagkapangulo. Nag-file pa nga siya ng certificate of candidacy (COC) para sa pagka-mayor. Akala tuloy ng marami, hindi na nga siya tatakbo bilang pangulo. Iyon pala, may rule sa halalan/eleksiyon na puwedeng palitan ng partido ang tao na patatakbuhin nila bilang pangulo kung sakaling may mangyari sa tao na orihinal nilang pinag-file ng COC sa pagkapangulo. Hanggang Disyembre pa puwedeng magpalit ang bawat partido ng taong patatakbuhin sa pagkapangulo. Grabe, ginagawa lang tayong tanga ng mga ito.
Para mapabilis ang pagpapatayo mo ng negosyo, gawin mong partner sa negosyo ang mga taong kukunan mo ng kung ano-anong permit. Iyan ang dahilan kung bakit pagbaba sa puwesto, kayraming mayor, vice mayor, at iba pa, ang biglang nagiging matagumpay na negosyante ng sari-saring business.
Kapag nanalo si Mar Roxas bilang pangulo, magiging first lady si Korina Sanchez. Kaya ba ito ng sikmura ko? Parang hindi. Lord, help us.
Importante para kay Pangulong Noynoy na ang papalit sa kanya ay kakampi niya. Dahil kung hindi, siya na ang magiging GMA the second. Kakasuhan siya’t ihahabla ng kung sino man ang mauupo.
35 pa lang ako, pero sawang-sawa na ako sa mga politiko natin. Pare-pareho lang sila. Walang bago sa kanilang mga sinasabi, ginagawa, ipinapangako. Hindi nasosolusyunan ang mga dati nang problema dahil pare-pareho ang paglutas nila rito. Palagay ko, kulang sa pagkamalikhain ang mga taong ito at ang mga think tank nila. Sa panahon ngayon, ang kailangan natin ay mga taong bukas sa bagong ideya, may tapang na harapin ang mga bagay-bagay nang may bagong perspektiba.
May tsismis na si Chiz Escudero ay maka-Binay. Kaya lang naman ito kumampi kay Grace Poe ay para pabanguhin ang sariling pangalan. Pero naniniwala itong ang mananalo talaga ay si Binay sa pagkapangulo at siya naman sa pagka-vice. So mababalik daw ang tandem nila. Ito ang tunay na horror story. Lord, help us.
Kaya ganito ang sitwasyon natin bilang mga Pilipino ay dahil pinababayaan natin na mangyari ito sa atin. In short, wala tayong ibang puwedeng sisihin kundi ang mga sarili natin. Kung gusto mong mabago ang sitwasyon mo, gagawa at gagawa ka ng paraan, hindi ba?
May mga lugar sa Pilipinas na hindi kailanman nabibisita ng pangulo. Isang kaibigan namin ang taga-Patnanungan, isa sa mga isla ng Polillo sa lalawigan ng Quezon, ang nagkuwento na ang tanging pangulo na nakarating sa kanila ay si Gloria Macapagal Arroyo. Pero hindi pa ito pangulo nang pumunta ito doon. Nangangampanya pa lang ito at namigay pa raw ng papel. Dagsa ang tao, akala’y pera ang ipinamimigay sa lahat, haha. Kung ang lugar na ito, na malapit-lapit pa nga sa sentro, ay bihirang-bihira nang mabisita ng pangulo, paano pa kaya ang iba?
Kapag politiko ka o public servant, secondary lang ang iyong kabaitan. Ang pinakaimportante ay handa kang baguhin ang pangit na sitwasyon ng iyong nasasakupan. Iyan ang mas makabuluhan. Sa ngayon, hindi kailangan ng bayan na ito ang kabaitan.
Ikaw, kumusta? Ano ang mga naiisip mo tungkol sa paparating na eleksiyon?
Para sa tanong, mungkahi o reaksiyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.

Published on October 31, 2015 03:35
Bumabagyo kahit Marso (Isang dalit tungkol sa Climate Change)
ni Beverly Siy
Bumabagyo kahit Marso.
Tagtuyot naman pag Hulyo.
Nabaliktad na ang mundo
Ng magsasakang si Pedro.
Bumabagyo kahit Marso.
Tagtuyot naman pag Hulyo.
Nabaliktad na ang mundo
Ng magsasakang si Pedro.

Published on October 31, 2015 03:02
October 30, 2015
Todo Man ang Pagsasaka (Isang Dalit tungkol sa Climate Change)
ni Beverly Siy
Todo man ang pagsasaka
Kung ganyan pa rin ang klima,
Ang iluluwa ng ipa:
Bigas na malapulbura.
Todo man ang pagsasaka
Kung ganyan pa rin ang klima,
Ang iluluwa ng ipa:
Bigas na malapulbura.

Published on October 30, 2015 03:01
October 27, 2015
bayan o sarili?
kaninang umaga, 8:00 am, nagpasya akong uminom ng gatas kahit na alam kong dapat ay umaalis na ako ng bahay papunta sa Greenmeadows (sa Greenmeadows ako nagtu-tutor ng Filipino). isang oras ang palugit ko sa biyahe =7 minutes na lakad hanggang sakayan sa K-J st., 13 minutes pa-15th Avenue, 20 minutes pa-Greenmeadows via e. Rodriguez Sr Avenue, at 20 minutes na lakad mula sa kanto ng Greenmeadows Jollibee hanggang sa bahay na pupuntahan ko.
dahil mainit ang tubig na ipinanggatas ko, hinintay ko pa itong lumamig nang konti. 8:10 am na ako nakaalis ng bahay. lakad-takbo na naman ang peg ko sa kahabaan ng kalsada namin, ang k-8th Street. pero malayo pa lang, pansin ko nang trapik papuntang aurora boulevard. shet, kako, male-late na akong tunay. ang ginawa ko, naglakad ako nang ilang kanto, naisip kong baka mas mabilis pa kung lalakarin ko na lang ito.
pero bigla akong nakakita ng tricycle. alam nito ang pasikot-sikot para makarating ako sa aurora blvd. cor. 15th ave. manong, magkano? tanong ko. bente lang, sagot niya. wag nyo pong idaan sa trapik ha? sabi ko. oo, akong bahala, sagot niya. at pinaarangkada na nga niya ang tricycle. mga 8 minutes lang, nasa aurora boulevard na kami. sabi niya, ayun po ang 15th. ave. itinuro niya ang isang kanto mula sa kinaroroonan namin. baba agad ako ng tricycle, bayad at tawid. harvard st. pala iyong pinagbabaan sa akin. paglingon ko sa direksiyon na pa- 15th ave., napansin ko ang couple sa unahan ko. naghihilahan, para silang nagta-tug of war. mapapangiti pa sana ako, kasi ang unang pumasok sa isip ko e naghaharutan iyong dalawa.
aba, hindi pala!
hawak ng lalaki ang pulsuhan ng babae, nagpupumiglas ang babae. kinakatkat niya ang kamay ng lalaki. ang ginawa ng lalaki, sinampal niya ang babae gamit ang libre niyang kamay. pak.
gimbal ako. pota. anong nangyayari? binilisan ko ang lakad ko palapit sa dalawa. linga-linga ako, saan ba may pulis? aba parang taxi, kung kailan mo kailangan, saka sila wala.
iyong babae, nagtakip ng mukha gamit ang libre niyang kamay. gumagawa siya ng sampal shield. niyugyog ng lalaki ang pulsuhan ng babae. halatang galit ang boses ng lalaki, hindi ko lang maintindihan ang sinasabi nito. putcha, dapat may umawat dito. pulis, pulis. Linga-linga uli ako. wala talaga. binilisan ko pa ang lakad ko papunta sa nagsasampalan.
e binilisan din ng dalawa ang lakad nila! by the time na nasa kanto na kami ng 15th avenue at aurora, nakaisang sampal pa ang lalaki. ang gulo na ng buhok ng babae. bawat taong madaanan nila, nililingon sila, pero walang ginagawa. as in tingin lang talaga ang ginagawa ng mga ito. ako naman, binibilisan ko pa rin ang lakad ko, pati paglinga-linga ko. WALANG PULIS, OH MY GOD. pero iniisip ko na rin kung makakasakay pa ako ng dyip pa-Greenmeadows sa area na iyon. punuan na kasi ang dyip pagdating sa kantong ito. kaya, nanghihina ako habang bumibilis ang paa ko dahil alam kong mas maliit ang tsansa kong makaabot nang tamang oras sa Greenmweadows.
tumawid ang dalawa sa kabilang panig ng 15th avenue. May hardware store doon, at sari-sari store. nanampal na naman iyong lalaki. shet. shet. pota. isang tumpok ng lalaki ang dinaanan ng couple sa may tapat ng angel's burger. ang ginawa ng mga ito, sumunod lang ng tingin. huwaw, useful creatures. tumawid na rin ako. puro bus kasi sa may bandang bakery ng 15th ave. nakailang sampal na ang lalaki, tangina, nagpa-panic na ako. dumaan kami sa condo kung saan nag-oopis ang filcols. naiisip kong kumaliwa doon at baka makahingi ako ng tulong sa guard ng condo doon, saka kina kuya ricol at ran. kaso baka naman biglang mawala iyong dalawang sinusundan ko.
noong malapit na ako sa dalawang nakatalikod, bigla silang lumiko sa nakabukas na pinto ng isang junk shop. liko rin ako. pagbaling ko, nakita kong nakahandusay ang babae, sapo niya ang tiyan niya. naka-duster siyang dark brown, gulo-gulo ang buhok at stressed na stressed ang itsura: kunot ang noo, tinatakasan ng kulay ang mga mata. sa bandang ulunan niya, isang matabang lalaki na may edad na. nasa 50's siguro. kalbo at malaki ang tiyan sa kanyang pagkakaupo. may kausap siya sa cellphone. nasa kaliwa ko si mr. sampalista. hindi pala siya katangkaran, halos ka-height ko lang, at mukhang early 20's. may hitsura.
sabi ko kay mr. sampalista, hoy, tumigil ka na. kanina ka pa, a! bawal yang ginagawa mo.
sabi ni mr. sampalista, sino ka ba? anong pakialam mo?
nguyngoy lang ang babae. nakaupo pa rin sa sahig.
sagot ko, bawal 'yang ginagawa mo. ibig sabihin, labag sa batas! pipiktyuran kita!
binuksan ko ang bag ko at hinanap ang camera sa loob nito.
sabi ng lalaki, ito kasi, e, sabay turo sa babae, sinusundan ako!
shet. natigilan ako. baka magnanakaw iyong babae. baka dinudukutan niya ang lalaki o hinahablutan ng cellphone.
sabi ko na lang, e di... maghanap kayo ng presinto. doon kayo mag-usap.
nakita ko na ang camera sa aking bag, nakalabas pala ang baterya nito, ampoga. so in-assemble ko pa sa harap ng dalawa ang camera para mai-on ko ang tangi kong armas.
biglang bumangon ang babae, ate, wag po, wag n’yo po siyang piktyuran. kasalanan ko po kung ba’t niya ako sinasaktan. wag po, maawa po kayo.
hindi umimik ang lalaki. humihingal siya, siguro'y sa sobrang inis. mapula ang eyebags niya, halatang inis at pagod na. nakatingin lang sa amin ang matabang matandang lalaki.
sabi ko, manong tumawag nga po kayo ng pulis.
Tumango si manong. hindi tinatanggal ang cellphone sa tenga niya.
nag-hysterical ang babae. ate, kuya, wag po! huhu, wag po. ako po ang kawawa pag ginawa nyo yan. iiwan po nya ako!
huwat? ano to, sa isip-isip ko. iiwan? tagasaan ba sila? wala ba siyang pamasahe pauwi?
Nanatiling walang imik si mr. sampalista. Tas lumabas ito ng junk shop. tumingin pa muna sa akin at sa camera, bago naglakad palayo.
lumabas din ako. sumunod ang babae, hawak niya ang laylayan ng bestida niya. umiiyak pa rin siya. ate, wag, ate. uhuhu.
lumabas din ang matandang lalaki, na palagay ko ay may ari ng junkshop. tatlo kami, sinundan namin ng tingin si mr. sampalista.
anong oras na, sa isip-isip ko. putcha, late na ako. pero parang weird na basta ko na lang iiwan ang babae doon.
asawa mo 'yon? tanong ni sir MJO (mukhang junkshop owner).
hindi po. hindi kami kasal, live in po. pero baka kasi iwan niya ako. magsusumbong na ‘yon sa pamilya niya.
anong isusumbong niya? tanong ko. umaarangkada na naman ang numero unong tsismosa sa buong barangay ng kamias hahaha!
kasi po kanina, gusto ko sanang paliguan niya anak ko, may anak po ako sa pagkadalaga. ‘yon po ang isusumbong niya.
ilang taon na, tanong ko. mga 8:25 na ito. wala, late na ako, habang nakatayo ako sa harap ni ate, pasimple akong tumitingin sa mga dyip, punuan talaga. so... pagbigyan na lang ang tsismosa kong esophagus.
apat po. anak ko ‘yon sa pagkadalaga (yes, inulit talaga ni ate ito), sabi niya sa pamilya niya, pamangkin ko lang ang anak ko. kaya di po nila alam na may anak ako. kanina, inutusan kong paliguan niya yung anak ko, sabi niya, mamaya na. e pinilit ko siya, kasi may bukol iyong anak ko, kailangan pong makaligo na yon.
tapos ganyan na? sinasaktan ka na? tanong ni sir MJO.
kasi po ang kulit ko, sinundan ko pa po siya sa labas.
e kahit na. hindi ka nya dapat sinasaktan. para yun lang, e, sabat ko.
nagalit po talaga siya. iiwan na po nya ako. huhuuhu.
Ngawa na naman si ate.
hayaan mo na, mabuti nga, hiwalayan mo na ‘yan. gusto mo ba ‘yan, sinasaktan ka? sabi ni sir MJO.
wow ang galing magsalita ni sir mjo. salute.
buntis po kasi ako huhuhu
sabi ng neurons ko: fuuuuuck. Buntis ka pa pala.
sabi ng bibig ko,e di lalo mong dapat hiwalayan yan! kung di ka buntis, baka sobra pa ginawa niyan sa 'yo.
hindi, kasalanan ko naman po kasi.
i was like... helo, girl, bagong milenyo na, dalawa na ang babaeng presidente ng pilipinas. me tumatakbo pa ngayong 2016, malamang manalo rin. bakit hinahayaan mo pa ring maapi-api ka ng taong dapat nga e mag-aalaga at magpoprotekta sa iyo? iba na ang panahon para sa ating mga babae, 'te. anube.
pero hindi iyan ang lumabas sa bibig ko, siyempre. the ever tsismosa in me asked, anong pangalan mo?
april po.
anong apelyido mo?
karadal (or caradal, kasi binigkas lang naman niya, hindi ini-spell.)
ilang taon ka na?
23.
tagasaan ka? si sir MJO na ito.
taga-Samar po. Samar din po siya.
hindi, saan kayo nakatira ngayon?
Diyan po sa may 178 po. imation. (or aymeyshon something. yan ang bigkas niya. at yes, naalala ko ang number ng bahay dahil kamukha ito ng sa amin, 128!)
saan papunta iyong ka-live in mo? baka balikan ka niya rito, tanong ko.
sa katipunan po.
aaa, may sakayan na rito papuntang katipunan. di na siguro babalik dito yon, sabi ni sir MJO.
8:35 na. ano na, kumusta ang tutorial career ko?! pero ano na ang gagawin ko sa babaeng ito? parang walang pera, nakasuksok ang kamay niya sa bulsa ng kanyang bestida. mukha pa rin siyang nagugulumihanan. magbibigay ba ako ng pera? sasamahan ko ba siyang mag-report sa pulis o barangay? patingin-tingin siya sa direksiyon na pinuntahan ng lalaki. hahabulin pa ba niya iyon? anak naman ng...
april, punta ka na lang sa barangay. I-report mo yung ginawa niya para magka-record siya, sabi ko na lang. kating-kati na akong umalis.
po? hindi po, ayoko po.
hmmm... ano bang magandang sabihin? nakatanga na lang kami ni sir MJO sa kanya. dead air.
hiwalayan mo na 'yan, ha? sabi ko.
oo, ne, bata ka pa, makakahanap ka pa ng magmamahal sa iyo. kahit pangit, basta hindi nananakit, sabi ni sir MJO.
in fairness, rhyming. haha nakakatuwa talaga si sir, hindi ko akalaing napakahusay magsalita. ang itsura kasi ay iyong parang tumanda na sa katatambay lang sa kanto, malaki tiyan, pakamot-kamot sa bahagi ng bewang na pinagbakatan ng brip.
oo nga, tama. uulitin niya sa iyo 'yan pag di mo siya hiniwalayan, sulsol ko na rin.
paglingon ko sa kalsada, naka-spot ako ng taxi na paparating. tiningnan ko si sir mjo. manong, kayo na po ang bahala. late na po kasi ako.
pumara ako't bumaba ng bangketa. mabilis kong binuksan ang pinto ng taxi pag hinto nito. sakay. at hindi na ako lumingon. Umusad nang kaunti ang taxi. Wala na kami sa tapat ng junk shop.
sabi ng orasan sa dashboard: 8:42. ikukuwento ko ba ito sa estudyante ko? baka isipin niya, nasisiraan na ako ng ulo. the other week, nakakita ako at nagpapulis ng lalaking nagja-jakol. iyon, ikinuwento ko sa kanya at takot na takot siya para sa akin. pero etong insidenteng ito, pag ikinuwento ko sa kanya, baka isipin niyang produkto lamang ng creative juices ang lahat at gumagawa lang ako ng excuse sa pagiging late.
hindi lang iyan ang naisip ko habang ninanamnam ko ang aircon sa taxi (bihira lang kasi akong magtaxi). inisip ko rin si april. sigurado ako, mas matitinding sampal pa ang matitikman niya mamya pag nagpang-abot na sila ni mr. sampalista sa kanilang bahay. lalong manggagalaiti iyon kay april dahil may tumulong dito at ipinahiya pa siya (si mr. sampalista) ngayong umaga. sigurado ako, pag nalaman ng pamilya ng lalaki na may anak sa pagkadalaga si april, aapihin na rin ng mga ito si april. sigurado rin ako, pagkapanganak niya ay bubuntisin siyang muli ni mr. sampalista. sigurado rin ako, by the time na maisip ni april na worthless talaga ang lalaki at karapat-dapat lang talagang iwan ito, mga pito na ang anak nila.
ang sakit sa dibdib.
dapat na ba akong matuwa dahil kahit paano ay nahinto ang pananampal ni mr. sampalista kay april dahil sa pangingialam ko? hanggang doon na lang ba talaga ang kaya kong gawin?
e putcha, ang hirap naman kasing tumulong nang all the way kapag weekday. kalahati ng puso mo, gustong magdulot ng pagbabago. ang kalahati, bumibiyahe na papunta sa trabaho.
sabi nga ni heneral luna, bayan o sarili?
kapwa o datung?
pumili ka.

Published on October 27, 2015 02:30
Bebang Siy's Blog
- Bebang Siy's profile
- 136 followers
Bebang Siy isn't a Goodreads Author
(yet),
but they
do have a blog,
so here are some recent posts imported from
their feed.