Bebang Siy's Blog, page 19
March 22, 2019
earnings para sa marso 2019
may natanggap akong email na nagsasabing ako ay nakatanggap ng dividends mula sa PLC. Meron akong 292,000 shares.
ang dividend ko ay more than 14,000. tapos binawasan ng tax, kaya ito ay 13,000 plus na lang.
not bad. ifa-file ko as earnings ito aba.
salamat plc!

Published on March 22, 2019 04:28
March 21, 2019
astig: bionote anthology
I just submitted this as response to an astig bionote anthology call for submission. Dapat pa-nega daw ang paglalarawan sa sarili, or something na hindi ikaw or hindi mo ginagawa, hindi mo napanalunan, basta salungat sa kung ano ka. this collection aims to be a commentary to all the literary community, literary mafia and literary "pader" and institutions and sipsip-buto activities that are present in the philippine literature landscape.
sana makapasa gawa ko. NOT. FEMINIST. here we go:
To the editor:
I am not pleased to submit this honest bionote from our office computer. Please do not tell the government. Baka bawasan ako ng sahod.
Salamat.
Sincerely,
Beverly Siy
Si Bebang Siy ay ay isang nanay, pero wala na siyang oras sa pamilya dahil kailangan niyang magtrabaho nang higit pa sa nararapat na oras sa laksa-laksang gawain sa trabahong gobyerno. What keeps her sane ay ang pagsusulat habang siya ay nasa opisina. Kaya puro nega tuloy ang naisusulat niya lately. Ganoon karami ang nega sa work place niya. Pero, wala, e, kailangan niyang magsulat, working for buwanang sahod and working for this fucked up government are life, but writing is lifer. Kung hindi siya magsusulat, baka bigla na lang siyang mamatay. Brain dead ba. Di puwede. Kawawa naman ang mga anak niya, dalawa sa tatlo, ang liit pa. More written rant ba kamo? Visit www.babe-ang.blogspot.com.

Published on March 21, 2019 09:08
Outline para sa interbyu sa pamilyang Coching
proposed outline ko para sa interview ni mam marabini williamson sa kanyang pinsan na si mam lulu coching tungkol sa tatay nitong si national artist for visual arts francisco v. coching.
ang interview na ito ay tinaguriang ccp cafe at magaganap sa april 6, ccp main lobby, 9am. FREE AND OPEN TO PUBLIC. Bahagi ito ng Performatura 2019.
sana ay makapunta ka, yes, ikaw na nagbabasa nito.
1. Parents and siblings of FV Coching
2. His birthplace (is it pasig or pasay?)
3. His childhood/adolescence/early education
4. First work (art work)
5. First job
6. Most favourite artwork/comics
7. Challenges he encountered as a newbie/batang artist
8. Hobby other than art
9. Binata days
10. Mentor/idol
11. Courtship/intro for Mrs. Coching
12. Career while married
13. Colleagues/partners at work
14. Married life/family
15. Children/siblings
16. Film projects/life with showbiz people
17. FV Coching as a father
18. Challenges he encountered as a father
19. Challenges the family encountered
20. National Artist award
21. FV Coching as lolo
22. Plans of Coching family

Published on March 21, 2019 08:33
March 18, 2019
books para sa curated shelf
ito na ang karugtong ng nauna kong post tungkol sa curated shelf.
ito pa ang mga aklat na naiisip kong nag-impluwensiya sa akin in one way or another.
1. impersonal ni sir rene villanueva
2. libro ni mam sol juvida mendoza
3. umpil directory
4. copyright collective management manual na nabasa ko noong nasa filcols ako
5. abnkkbsnplko ni bob ong
6. si tatang at ang himala ng ating panahon ni sir ricky lee
7. trip to quiapo ni sir ricky lee
8. filipino ng mga filipino ni sir rio alma
9. pag-ibig ni lam-ang children's book ni sir rio alma
10. without seeing the dawn ni stevan javellana
11. pugad-baboy ni pol medina
pero bukod dito, may mga naisulat ako sa journal ko:
anne lammott
raymond carver
personal ni rene villanueva
una kong milenyum ni rio alma
rebecca anonuevo
sa kagubatan ng lungsod ni abdon balde, jr.
lualhati bautista
sa mga kuko ng liwanag ni edgardo m reyes
peso books ni alberto florentino
mga novena
cinema paradiso
hotel na tungkol sa magkakapatid na nagpapatakbo ng hotel, french ito isinalin sa ingles
mye tiburon
dumot ni alan navarra
mango street ni sandra cisneros
lakbay-diwa ni bella angeles abangan
ang silid na mahiwaga edited by mam sol reyes
pero naisip ko, hindi ako maglalagay ng foreign books sa curated shelf ko. so i will trim down these lists hanggang sa maging 15 ang total. nakasumite na ako actually ng 7 kina roy voragen at czyka tumaliuan noong una kong deadline nito. pero hindi na ako ulit naka-submit. andami kong pinroblema at palagay ko ay valid naman ang mga ito. for example, para sa akin, nakakaimpluwensiya lang nang bongga ang libro kapag nakabasa na ako ng mas maraming libro ng iisang awtor. pansin ko rin, karamihan sa mas malaki ang impact sa akin ay iyong na-meet ko ang awtor at kakilala ko. example: rene villanueva, rio alma at lualhati bautista. so bagama't love ko ang prosa ni raymond carver at nagbago ang pananaw ko sa maikling kuwento dahil sa kanya, hindi ko isasali ang libro niya sa curated shelf ko. simple lang, di ko siya na-meet personally. isa pang napansin ko sa mga tinanggap ko sa buhay kong mga awtor at libro ay iyong mga prolific na writer at gawa ng mga prolific na writer. kasi gusto ko, maging ganon din ako, maraming naisulat at isinusulat.
will post again about this. may assignment pa kasi akong short description sa bawat librong isusumite ko kina czyka, malamang i-post ko iyon dito. saka may assignment din akong essay, iyon yata ang ilalagay sa brochure. april 13 daw ang talk ko tungkol dito, sana ay makayanan kong gawin ang lahat by then. kasabay na kasabay pa naman ng performatura. putek!

Published on March 18, 2019 15:43
March 14, 2019
super pagoda
lately, lagi na akong nasa opis. kahit monday. pero nag-off ako ng Tuesday. nagpahinga ako. tapos noong wednesday, sinamahan ko si dagat sa therapist niya. kasama si papa p at ayin. hapon na ako nakarating sa opis. it is becoming a family thing. i am so sad about it. it bleeds us dry of course financially. 650 per therapy, twice a week. pero at least nakikita namin ang improvement. ang alert na ni dagat. he responds to us. wala na rin siyang masyadong gadget. pero namamalo pa rin siya kapag nae-excite siya.
the first time i went with them to the therapist, last wednesday, naluluha ako habang kausap ng therapist ang katabi kong mommy, yakap ng mommy ang anak niyang kasing-edad ni ayin. oct 8 pala ang birthday nito, oct 7 si ayin. pareho sila ng year. the mom was a little older than me. sabi ng therapist sa kanya, hindi po niya kayang maghulog ng barya sa piggy bank, hindi po kaya ng anak ninyo ang humawak ng tong. at marami pang mga bagay na di kaya ng kanyang baby girl. pinapayuhan siya kung ano ang activities na dapat gawin para ma-develop ang skills na iyon sa baby. doon na ako naluluha. hindi ako ang kausap pero luha ko ang nangingilid. sa isip isip ko, ganito rin kami mamaya, bukas,sa isang araw,next week, next month, next year. putangina, kaya ko ba? the fuck. never in my life na naimadyin ko 'to. i know bibigyan ako ng diyos ng mga problema, hirap sa pera, hirap sa magulang, hirap sa mga kapatid, hirap sa trabaho, pero puta, problema sa kondisyon ng anak? no. no. no. no.
the mom listened carefully, ine-explain din niya ang actions ng anak niya, "aaa, gusto niya ng dede, ng gatas." but she was patient, calm, collected. di ko kaya maging ganon. panic na ako sa kaibuturan ko. at litong-lito. bakit ako lord? ba't kami ni papa p? bakit mo kami bibigyan ng ganito? paano na mga pangarap ko for dagat? gusto ko siyang maging piloto someday. gusto ko siyang maging businessman. paano na? no. no. no. mali ka, lord, hindi ito para sa amin. nagkamali ka ng napatawan. bawiin mo na itong joke mo.
noong kami na ang kinakausap ng therapist, minimal naman pala ang negatives. hindi raw nagre-respond sa command na jump si dagat. aba, kahit walang tatalunan, tatalon iyan. hindi totoo iyan. pati nga buto-buto ko tatalunan ng hinayupak na iyan, e. di raw kaya ni dagat na maghawak nang maayos ng panulat. kaya dapat daw sanayin na mag-crayon. hindi raw sumusunod sa kanya agad. aba e bago siyang kakilala. iyak daw nang iyak. aba e bago itong pinuntahan namin. bago ka. bago lahat. at ang mga positive, oooh, parang summer day sa tagbaha season, very mobile, mahusay sa shapes, sa colors, advance ang motor skills. nakalimutan ko na ang iba. di na ako masyadong nalungkot. umalis kami na puno ng pag-asa na delayed lang si dagat, hindi talaga autistic. ganon nga yata sa umpisa, in denial ka ano
habang nag-aabang ng dyip pabalik, hindi ko pa mawari ang dibdib ko. masaya ba, malungkot, may lumbay, namimigat, alanganin? dumiretso kami sa lumina mall sa imus at pumasok sa jollibee. may namataan akong isang 10 year old boy na nakatapat sa eskaparate ng party favors. isa siyang special child. nakatunganga siya sa eskaparate at kung lumingon man sa tao, parang nakatingin pa rin sa kawalan. walang focus ang mata, nakabuka ang bibig, torso lang ang gumagalaw, nakapako sa may tiyan niya ang kanyang mga kamay. may katabi siyang normal na batang babae at pareho silang nakaharap sa eskaparate at sa mesa nito. bigla kong naisip, matalino talaga ang diyos,ano? hindi niya tayo gagawing perpekto kasi gusto niyang maranasan natin, matuklasan natin, kung gaano kalalim magmahal ang isang tao. pag perfect ang mamahalin mo, di ba, kay dali ng lahat? at sa sobrang dali, mapapaisip ka rin, pag-ibig nga ba itong nadarama ko o paghanga lamang? o pagpanig sa convenience? parang joke lang. joke na pagmamahal. masaya lang, ganon.
ang tunay na pag-ibig, madarama mo iyan kapag naroon ka't nananatiling nakaalalay, nananatiling nakagabay, nananatili, para sa isang tao na kayhirap ibigin. kasi andami niyang pingas: hindi niya kayang maghulog ng barya sa alkansiya, hindi niya kayang maghawak ng tong, hindi sumusunod pag pinatatalon, di niya kayang maghawak ng panulat, hindi niya kayang sumunod sa mas matanda, nakatunganga siya sa eskaparate at kung lumingon man sa tao, parang nakatingin pa rin sa kawalan, walang focus ang mata, nakabuka ang bibig, torso lang ang gumagalaw, nakapako sa may tiyan ang kanyang mga kamay.
naisip ko ang magulang ng special child sa jollibee, gusto ko silang makilala, gusto ko silang tanungin ng kumusta, gusto ko silang yakapin nang mahigpit, gusto kong sabihin, wui, kayo rin, kayo rin, mga tunay tayong umiibig.

Published on March 14, 2019 07:15
second earnings ngayong march 2019
last week kumita ako ng 1k sa irc. bumili ako ng 1300 shares sa 1.87 tapos nabenta ko ito sa 1.97.
bumili ako ng ecp sa 14.7.
today ang ecp ay nasa trese pesos na lang. jusko lugi na naman.
anyway, ito yung target ko: 47k, so mga 3k na ang kinita ko for march. 44k na lang.
ang paper loss ko as of today: 173k
i must be crazy

Published on March 14, 2019 06:43
March 7, 2019
unang earning sa march 2019
kumita ako ng 2k sa ecp. nabili ko ng 15 something pesos, nabenta ng 16.62. 1500 shares.
pero ito ang mas malungkot na balita 170k na ang paper loss ko. biggest in history ko ever hahahaha
anyway, may ilang linggo pa ng marso, let's see kung kaya ko pang mag-earn this month.
47k ang target, minus 2k e di 45 k na lang.
wtf, asa pa.

Published on March 07, 2019 08:38
February 28, 2019
short sa earnings for feb 2019
yep, di na nasundan ang earnings ko ngayong feb. so around 13k lang talaga for feb.
so kailangan 47k ang kitain ko ngayong marso.
because 30k plus 17k = 47k
ahahay. meanwhile, tuloy lang ako sa paghulog ng 24k per month.

Published on February 28, 2019 09:31
CCP presents Three-Day Performance Literature Festival
Kung nais po ninyo ng pormal na imbitasyon para sa mga guro at estudyante, mag-PM lamang po sa akin o mag-email sa ccpintertextualdivision@gmail.com.
Daghang salamat po!
CCP presents Three-Day Performance Literature Festival
CCP Complex, Pasay – The Cultural Center of the Philippines brings back the Performatura: Performance Literature Festival on April 5-7, 2019. Free and open to public, it is a three-day event that will feature performances, poetry readings, literature classes, art talks, chanters from the regions, slam poetry contest, film screenings, book fair, art exhibit, and interviews with renowned writers at various venues in CCP.
True to the CCP’s mission of bringing our country’s diverse traditions for the common Filipino to experience, entrance to the festival will be practically free.
However, everyone is encouraged to donate a book which will serve as admission ticket. One book is equal to a whole day admission. Collected donations will go to the CCP’s partner libraries.
Performatura 2019 is the CCP’s way of highlighting the rich tapestry of Philippine artistic traditions that leap beyond the written word while welcoming writers and performers from diverse communities of the country.
Performatura 2019 is a performance literature festival celebrating the intersections of the written word and performance. The word Performatura is a mash up of the word performance and orature or oral literature. Orature is a term coined by Ugandan linguist Pio Zirimu who wanted to raise oral literature to the level of written literature. The festival’s director is poet and performer Dr. Vim Nadera, Jr.
Last Line, Lasting Lines
The theme “Ang Mamatay Nang Dahil Sa Iyo” is an attempt to tackle the issue of changing the last line of Philippine National Anthem through literature and performances. The theme also alludes to issues that are relevant and being discussed in our society today.
The first day of the Performatura is dedicated to literature in general and spoken word performances. Slam poets will have a battle of words in the first ever Performatura Slam Poetry Contest; Resil Mojares will be having one of his first interviews after receiving the National Artist for Literature Award last year; Dumagats from MAUBAN, Quezon Province will stage the epic of Gat Uban; and the audience will witness the launching of the official website of Huseng Batute, the first king of balagtasan. At 12 noon, the literary group Kuwit of the Philippine High School for the Arts will lead a set of literary performances such as storytelling for children.
KomiCoching and Tiempoets
The second day of the Performatura is in honor of National Artist for Visual Arts and Dean of Illustrators Francisco V. Coching. As part of the first segment called CCP Café, the family will give an intimate portrait of Coching as father, uncle and lolo. Amassing more than five million views on Facebook in their radio broadcast, Eastern Samar National Comprehensive High School students will read Lapu-lapu, one of Coching works, in a dramatic fashion in front of a live audience. Pinoy Reads Pinoy Books Book Club will lead a book discussion about Coching’s El Indio. At 12 noon, Tadhana, a spoken word group, will lead a set of literary performances by women spoken word artists.
Noted komiks artists such as Randy Valiente will give tribute to Coching through workshop, talks and art activities. Performatura visitors may view the ongoing Coching Birth Centennial Exhibit entitled Nasaan ka na, Mara-bini? curated by Alice Sarmiento.
The last day of the festival is in honor of the National Artist for Literature Edith Tiempo in commemoration of her birth centennial. Fictionists and poets who were influenced by Tiempo will be having a tribute performance to their beloved mentor through poetry reading and talks. Dumaguete’s Kahayag Dance Company will perform Tiempo’s Bonsai. Featuring Tiempo’s life and works, an interactive centennial exhibit curated by Prof. DM Reyes and Gwen Bautista will also be launched. Performance literature experts Chris Mooney of Singapore and Azam Rais of Malaysia will perform and facilitate a workshop.
CCP partnered with the Book Development Association of the Philippines for the three-day Aklatan All Filipino Book Fair.
For details, check the CCP Intertextual Division Facebook page or
contact Markus Aserit at ccpintertextualdivision@gmail.com, 551-5959 or
0919-3175708.

Published on February 28, 2019 04:34
February 19, 2019
up close: marawi siege
bumisita kanina ang isa sa contributors ng ani 40 na taga marawi. mayroon siyang event dito sa metro manila kaya isinabay na niya ang pagpunta dito sa amin. kailangan kasi niyang pumirma ng kontrata para mabayaran na siya sa kanyang kontribusyon.
during lunch ay ang dami niyang ikinuwento. napakasuwerte ko na naroon ako at ang mga taga-intertextual.
-nasa ground zero ang aming bahay, alam n'yo ba ang ground zero? ito yung lugar na in-air strike nang ilang beses. wasak lahat, 24 barangays kami in marawi city.
-2 years na ang siege pero hanggang ngayon, walang rehabilitasyon na nangyari. bakit? nasaan na ang pondo na binigay na tulong sa atin ng ibang bansa? napakalaking pera niyan. lahat iyan dumaan sa gobyerno dahil hindi naman puwedeng direkta sa amin.
-hanggang ngayon, bawal makapasok sa ground zero. heavily guarded ito ng mga sundalo. mayroon daw kasing mga bomba ang inihulog doon pero di pumutok. pero 2 years na nilang binabantayan iyan, wala namang pumuputok.
-ang mga foreigner, ang mga ngo, nakakapasok sa ground zero. siguro, lalong ipinapakita na kawawa ang marawi, lalong makakatanggap ng pera bilang tulong.
-LGU at mga NGO lang ang kumita diyan.
-yung mga nagso-shooting ng pelikula o kung ano, nakakapasok. pero kami, bawal.
-alam ng mga sundalo kung nasaan ang mga isis, ang eksaktong lokasyon at kung ilan ang mga ito, e bakit buong marawi ang in-air strike? ang binomba?
-noong wala na ang mga isis, hindi pa rin kami pinabalik. ang mga gamit namin, paano na? ang mga ginto, mga pera. sino ang nagnakaw sa mga gamit namin? sino ba ang puwede lang na pumasok sa ground zero? ay di ba mga sundalo lang?
-pagbisita namin doon last year, napansin namin, ang mga pader namin, puro butas. tama ng baril. lahat ng pader, ganon. ano ang ibig sabihin niyon? deliberate ang pagsira sa mga bahay. ayaw na nila kaming pabalikin sa mga bahay namin, ayaw na kaming patirahin doon. gagawin ba iyan ng mga isis? hindi. magtitipid sila. hindi nila sasayangin ang bala nila sa mga pader. deliberate talaga iyan, mga sundalo ang gumawa. may order na sirain talaga ang mga bahay namin.
-paulit-ulit kaming nakipag-usap sa mga head ng mga sundalo. pero nakikinig lang sila. walang reaction, walang action. mga retired general na. wala nang ginagawa. nagpapayaman na lang.
-bihira naman kaming maimbita dito sa maynila. kapag iniimbita kami, ngo ang host at mga foreigner ang audience. ok lang, para makahingi pa ng pera ang mga ngo. kahit paano, may nakakarating sa amin na kakaunti kapag sa ngo pinapadaan ang pondo
-nakakalungkot na napakatahimik ng marawi tungkol dito. matindi ang culture of silence sa meranaw. paano, posibleng kamag-anak ng kamag-anak mo ang mayor! o ang sundalo! kaya walang masyadong nagsasalita, nagrereklamo.
-saka kanino ka magsusumbong ngayong martial law? sa sundalo rin?
-ang livelihood, binigyan kami ng isang dipa na garden, i-gardening daw namin. sapat na ba iyon? ano ang matanim mo doon?
-ibinabalita pa nila, may livelihood training naman daw. 100 na na-train sa pagma-manicure. sa gitna ng gera, magma-manicure kami? tapos baka ang nakapag-training ay 100 pero ang declared ay 500 o 600.
-mayroon daw na electronic na tricycle na ipapamigay sa amin, de charge. pero nasa kampo ng isang opisina ng gobyerno, nakatiwangwang doon kasi di raw ma-release sa publiko dahil hinihintay pang makumpleto ang delivery hanggang ilang daan. isang taon na iyon, baka nadiskarga na, baka sira na ang mga electronic na tricycle na iyon.kasi dapat nga china-charge iyon.
-sa dalawang taon ng siege, isang beses pa lang ako nakatanggap ng relief: isang sakong bigas, bulad na mabaho na, inuuod na (dried fish), diretso sa basurahan, shampoo, sabon, noodles, at mga mumurahin na shorts.
-ang nakasaad sa dokumento ng rehabilitasyon ay tungkol lang sa pagpapatayo ng mga opisina ng gobyerno. nasaan na ang para sa sibilyan? rehabilitasyon ba iyan?
-may bilihan ng boto doon. minsan, binibili ng 5 million ang isang barangay. 10,000 ang isang tao. minsan, hanggang 15,000.
-humihingi ng chance ang isis na makipag-usap para makalabas sila sa marawi. hanggang 3 days, nasa marawi ang mga ito, pero walang pulis o sundalo. lahat daw ng pulis at sundalo, pinapunta sa ibang lugar. after 3 days, nang tuluyang makapasok na sa marawi ang mga isis, pinag-utos ni duterte ang pagbomba sa buong marawi. ni hindi niya tiningnan ang kalagayan ng mga sibilyan bago siya nag-utos. kung sana ay pinakinggan nila ang hiling ng mga isis na makalabas ng marawi, hindi sana mawawasak ang marawi.
-watak-watak na ngayon ang mga taga marawi. may mga nagpunta na sa iligan, sa mga christian na lugar, ang iba ay umakyat sa nueva vizcaya, ang iba, ang mga dalaga ay nagpakatindera sa mga kristiyanong lugar.

Published on February 19, 2019 07:55
Bebang Siy's Blog
- Bebang Siy's profile
- 136 followers
Bebang Siy isn't a Goodreads Author
(yet),
but they
do have a blog,
so here are some recent posts imported from
their feed.