Bebang Siy's Blog, page 20
February 19, 2019
target earnings from stock market per month ano ne?
so mid feb na. my god, wala pa ulit nase-sell ang lola mo. i still need 17k na earnings para pasok pa rin sa banga ang target ngayong feb.
kinakabahan na ako, marami akong wrong buys! 131k na ang loss ko as of today.
naka-gtc ako bukas, sell ko ecp ko sa halagang 15.96.
balak ko nga palang ipamonetize ang mga leave ko. at yung makukuha kong bonus sa june ay ihuhulog ko uli sa stock market. para mapaaga ang pagkakabuo sa 1m in stock market.
wohooo, sana matapos na itong journey na ito.

Published on February 19, 2019 07:25
February 17, 2019
gala vs ermitanyo
mommy duties muna
as much as possible, inilalabas ko sina dagat at ayin. kasi pag wala ako, nasa bahay lang ang mag-aama.
minsan, nasa tapat lang kami ng bahay. lalo na kapag walang naka-park na mga sasakyan ng sari-saring kapitbahay. minsan, sa gabi, kapag nakakauwi ako nang maaga, mga 9 or 10, umiikot kami ng isang buong block, naglalakad kaming tatlo, maghe-hello kami sa tanim na kalamansi ng kapitbahay na tatlong bahay mula sa amin. pahihipuin ko ng kalamansi sina dagat at ayin. lakad uli hanggang sa bahay na may mailbox na nakatayo sa labas ng gate nito. triangle ang mailbox at lagi kong tinatanong kina dagat kung anong shape nito. noong una, sinasagot pa nila ako, kalaunan, hindi na. baka nagsawa. hahawak at iikot sila sa pole kung saan ito nakatundos. katapat ng bahay na iyon ay isang poste ng ilaw kaya doon din ako naghuhugis-ibon para matuwa sina ayin sa aking anino. kakampay ako tapos sasabihin ko, bird, bird, gagayahin ako ni ayin pero di niya mage-gets na ang gusto kong ipakita ay ang anino ko. si dagat, wala lang. parang walang nakikita. hahawak siya sa gate ng bahay na may triangle mailbox, sisigaw ng hello. buti at di lumalabas ang may ari. ang next stop namin ay ang batuhan sa corner house and lot. may maliit na landscaping doon na one foot ang taas, may puti at itim na batong nakabaon sa semento. pataas at pababa ito at may flat na area, para siguro sa mga paso. walang halaman at paso rito kaya inaakyat-baba ito nina dagat. paborito ito ni ayin, tinatraverse niya horizontally ang landscaping na ito, ikinikiskis sa pader ang sariling likod. akala mo talaga ay professional mountaineer. aabot sila sa pinakakanto, naroon ang isang street sign na unfortunately ay kinakalawang na ang pole at burado na ang mga nakasulat sa signs nito. favorite ito nina dagat at ayin, niyuyugyog nila ito kagaya ng ginagawa natin noon sa maliliit na puno hanggang maglaglagan ang bunga nito at mga insekto. minsan, kaming sinaway ng dalawang lalaki sa katapat na bahay. sira na raw kasi ang pole, kinakalawang na. baka raw madisgrasya ang mga bata. ang ginawa ko ay pinahinto ko ang dalawa sa pagyugyog sa pole, at lumarga na kami. babalik na lang kami pag wala na ang mga tito na k.j. next stop is a sari-sari store. pero di kami bumibili diyan. ang gagawin lang ng dalawa ay aakyat sa sementadong bench na nagfe-frame sa pinaka opening ng tindahan. mula sa bench ay tatalon sina dagat at ayin hanggang sa kalsada. paulit- ulit sila hanggang sa magsawa. may bagong pakulo si dagat dito sa area na ito, minsan ay naglalakad siya sa parang pilapil na semento, sa likod niya ay mga halaman. at mula sa pilapil na ito ay tatalon siya uli papunta sa kalsada. minsan, gagayahin siya ni ayin, minsan hindi. madalas kasing sumasabit si ayin sa mga halaman. naiirita siya doon. may nakabaon sa semento na tig isang tile sa may gilid ng tindahan. naka-diamond shape siya, hindi pa-square. tinatanong ko rin ang mga bata ng hugis nito. sasagot si dagat ng kwer. kahit hindi pa-square ang orientation ng tiles. pa-diamond. nalilito siguro siya sa akin, kasi iyong tatak ng kotse ng kapitbahay namin ay mitsubishi at ang tatak nito ay laging tine-trace ni dagat gamit ang daliri niya, pag tinanong ko siya anong shape niyon, ang isasagot niya ay triangle at iwawasto ko naman ito. diamond kako. pero tama siya kung tutuusin, triangle kasi pati ang pagkaka-arrange ng tatlong hugis ng tatak nito. anyway, maglalakad uli kami. this time, nakakapit na ako sa dalawang bata. mas busy na kalye ito kaysa sa kalye namin. maraming dumadaan, mga kotse,pedicab at motorsiklo. pauwi pa lang ang mga tao. noong bata ako, alas-siyete, nasa bahay na kaming lahat puwera ang tatay kong lasenggo. sa paglalakad namin from there, dire-diretso lang kaming tatlo, wala nang next stop. although lagi naming binabati ang aso sa isang tindahan na nasa garahe ng bahay. bukas ang garahe at doon nakatali ang isang asong puti, na cute, pero matapang. lagi kaming tinatahulan nito kahit wala kaming ginagawa sa kanya. pagkalampas doon, kakanan na kami uli pabalik sa kalye namin. u-turn. malapit sa u-turn na ito ay isang tindahan ng mabait na tita at bata. lagi si ayin doon. aakyat siya sa one foot na semento para lang umupo. siya ang stepping stone para ka makabili sa tindahan. mabait sila roon kasi mura maningil sa patahi, bente lang sa sirang zipper ng pantalon ni dagat at bente uli sa sirang zipper ng palda ko. although ako ang pinaghanap niya ng zipper, mura pa rin para sa akin ang singil ni tita. mabait din ang bata dahil dati ay binigyan niya kami ng chalk. bumibili ako noon kaya lang wala raw silang chalk. ibinigay na lang niya sa akin ang chalk na gamit niya sa school, putol-putol na ito, pero marami. gumuhit si ayin sa gate namin gamit ang mga chalk na ito: linya-linya, di mo mawawaan. pag naroon pa ang bata sa tindahan, tatanungin niya kami kung bibili kami, iiling ako, kasi lagi kong nalilimutan magdala ng pera pag mag-iikot kami. pag wala ay sisilipin ni ayin ang tindahan. hirap pa siyang maabot ang pinakamukha ng tindahan, tingkayad to the max na siya pero noo pa lang niya ang sumasayad sa edges ng tindahan. finally, pag nagsawa na si ayin, lalakad uli kaming tatlo pabalik ng bahay. ang last na engkuwentro ay ang mabagsik na aso ng kalapit na kalapit na bahay. nasa loob ito ng gate, nakatali. di ko pa siya nakikita nang buo so di ko alam kung gaano kalaki. pero masungit ito, at kapit na kapit si dagat sa damit ko pag dumadaan kami rito. feeling niya, anytime ay maaabot siya nito. ibinabaon pa niya mukha niya sa damit ko. bully naman iyong aso, lalong lalakasan ang tahol.
ilang hakbang lang, nasa tapat na uli kami ng bahay. maghahabulan.kami. o kaya mamimitas ng dahon sa tabi itong si ayin at isu-shoot at ilalaglag ang mga ito sa butas na may grills na nasa ibaba lang ng pinto namin. minsan, uupo pa kami sa sementadong upuan ng tapat na bahay. buti, wala pang nakatira doon. aywan kung sino ang may ari. sayang ang bahay, nabubulok na ang kisame. kung sino-sino tuloy ang nagpa-park sa bukas nilang garahe at tapat niya. pag naka-quota na sa dugo namin ang mga lamok, papasok na kami. balik ang makukulit sa loob ng bahay. at least, nakapag-off nang 10 to 15 mins ang resident (pun intended) ermitanyo namin, si papa p.

Published on February 17, 2019 10:58
park ng San Rafael Executive Villa
minsan naman, dinadala ko sa park ng subdivision sina dagat at ayin. pinapakain ko sila ng lupa doon, este, pinahahawak pala. takbo-takbo sila doon sa court. palukso-lukso sa sementadong steps papunta sa gazebo. akyat-baba sa hagdan ng gazebo. hanggang mapagod.
favorite ni ayin ang magsaboy ng lupa sa ulo ni dagat. at sa akin. siyempre, iiyak si dagat kasi napupuwing siya. papaluin ni dagat si ayin, iiyak din iyong isa. mag-iiyakan sila habang naghahanap ako ng patpat pamalo sa kanilang dalawa.
kahit tanghaling tapat, malilim sa park na ito. ayokong nagpupunta rito sa hapon, mga 4pm onwards, may mga binatilyong nagbabasketbol. panay tapon ng plastik ng ice tubig kung saan-saan. gusto kong pagtatatampalin e sabay sigaw ng di kayo tinuruan ng nanay n'yo?
para iwas high blood, sa tanghali na lang kami ng mga bata. may mga bench doon na gawa sa mahabang kahoy na ipinatong sa malalaking bato. mayroon ding poso na hindi na gumagana. sa gitna ay isang gazebo nga na minsan ay pinagdausan ng misa noong 2018. maraming puno lalo na sa bandang sementadong bahagi ng park, dati pala iyong swimming pool na tinabunan na dahil mahal daw imintina. nagkalat ang tuyot na dahon, puwedeng maupo sa mga ugat ng puno na nakausli sa lupa. walang damuhan dito pero ok lang, puwede na rin maupo dahil hindi marumi. kaunti na lang ang tae ng aso. dati, noong wala pang gate at bakuran ang park, laging matae rito, labas-masok kasi ang mga aso. marami ding basura. kung sino-sino kasi naglalaro sa court. ngayon, may gate at bakuran na, mas malinis. minsan, pagdating namin doon, naabutan ko pa ang pandakot at walis. gusto ko sanang magwalis, makatulong man lang. kaso walang bantay iyong dalawa.
naisip ko dati na i-propose sa homeowners association na mag-imbita ng magtitinda ng halaman at bulaklak doon. libre renta. pero ang bayad nila, magtatanim sila ng halaman at ime-maintain ang area ng kanilang tindahan. didiligan nila ang mga itinanim nila. mga one year iyon, after that, puwede nang maningil ng renta ang asosasyon. pag maganda na at mahalaman ang park, puwede nang iparenta ang buong park sa mga gustong magdaos doon ng event. sa mga nangangampanya diyan, hello, hello. para maipagawa naman ang isang estruktura sa likod ng gazebo, mukhang kubeta ito, na palagay ko ay dapat naman na may kubeta nga sa park. ang malilikom na pondo mula sa renta ay gagamitin para maipagawa ang kabilang bakod, para mapalitadahan ito at mapinturahan.
sa ngayon, may pa-zumba pag weekend. 30 pesos per session. gusto ko sana i-suggest ang tai chi at wushu, lalo na for kids, kaso laging tanghali kung bumangon si ej. sino naman magde-demo doon. ako?
kahapon, sinubukan kong turuan ng siyato si ayin. nakapulot ako ng matabang sanga at baby na sanga. ipinatong ko ang baby sanga sa dalawang maliit na bato at pinalipad ito gamit ang chubby sanga. naghanap uli ako ng baby sanga at sinet up ito para kay ayin. alam n'yo ginawa ni ayin? hinampas nang hinampas ang baby sanga, akala mo, may galit sa baby sanga. wag, anak, sabi ko. e kung yung mga basketbolistang nagkakalat ng plastik na lang ang hampasin mo nang ganyan? nangingiti si ayin, may twinkle sa kanyang mga mata.
kahapon din, first time kong nagdala ng mga laruan sa park. natuklasan ni dagat na puwede palang pagkarerahin sa lupa ang mga laruan niyang kotse, lalo na si akwin, ang kotseng pula na binili ni papa p sa bailen. natuklasan din niyang puwede palang pagulung-gulungin sa lupa ang mga bilog at donut-looking niyang laruan. si ayin, ayun, paitsa-itsa pa rin ng lupa, iniintay na mapikon ang dagat.

Published on February 17, 2019 10:56
February 12, 2019
talk ng balangay sa kwago book bar
last feb 9, nasa kwago book bar kami, ibaba ng warehouse 8, la fuerza compound, chino roces, makati. relaunch siya ng nasabing book shop at may pa-event ang may-ari na si cyzka tumaliuan. isa sa naimbitahang magsalita ang balangay. kaya naman todo support ako kay papa p. aba, baby niya ang balangay! so naghanda siya ng presentation prior to feb 9 at iyon nga ang kanyang tinalakay. heto ang key points:
1. paano nagsimula ang balangay
as usual ikinuwento ang love story namin. noon daw naging kami, iyon din ang time na bumaba siya as president ng cavite young writers association at ako as president ng linangan sa imahen, retorika at anyo. pareho kaming mulat sa kakulangan ng panitikan sa cavite at iba pang bahagi ng bansa, at mas kalunos-lunos na hindi nakakarating ang lokal na panitikan sa mismong komunidad na pinagmumulan nito. kaya itinayo niya ang balangay para magkaroon ng outlet ang mga gusto pa naming gawin sa panitikan at sa mga komunidad. awa ng diyos, wala namang nagyihi sa crowd.
2. projects tulad ng mga libro, workshops at seminars
inisa-isa rin niya ang mga libro na nalathala under balangay. ako ang ipinagpaliwanag ni papa p sa librong biyak. which i really wanted to share kasi nag-flop iyan hahaha ang yabang ko, ayan, flop tuloy! ikinuwento rin ni papa p ang mga workshop na ibinigay namin through the years sa iba't ibang bahagi ng bansa. yes, marami na rin kaming napuntahan like bacolod, sagay, manapla, quezon city, manila (museo marino), manila (with lumad kids from davao and bukidnon), marawi (noong 2013, wala pa si duterte), antipolo (kasama ang mga sama dilaut o badjao), laguna, etc.
3. suportahan ng writers ang small press
ibig sabihin, wag pakataasan ang expectations. malayong-malayo sa mainstream ang operation ng small press. inexplain ni papa p kung bakit 50% ng profit ang napupunta sa writers. dahil kinikilala ng balangay ang effort ng writer para maibenta rin ang kanyang mga akda dahil nga limitado lang ang kayang gawin ng isang small press.
after his talk, nag-thank you na ang moderator na si karl (isa rin sa owners ng kwago), he showed our books and advertised them. pero di ako nakatiis, tumayo ako at sabi ko, may idadagdag po ako.
ikinuwento ko ang "soft side" ng business, ang mga hidden na sakripisyo namin ni papa p. ikinuwento ko na ang gulo ng bahay namin, inaapakan ng mga bata ang manuscripts, sinisira ang knobs ng printer, pinupunit ang mga papel at iba pa, ikinuwento ko rin na hindi kami kumita sa ebook dahil talo kami sa wika. wala pang bumibili ng ebooks noon sa wikang filipino. well, i think until now, wala pa ring bumibili nito. (kaya di ko nakikitang effective ang ginagawa ni mina esguerra na marketing strategies para sa aming mga libro dahil wika pa lang, magkaiba na ito. may laban siya sa international stage, kami, waley.) sinabi ko rin na dahil ako ang laging nakakalabas at exposed sa publishing industry at lit scene, ang mga imbtasyon sa akin ay extended kay papa p at sa balangay. ginagamit ko rin ang contacts ko to help balangay. maaga pa lang, nalaman naming walang kikitain sa publishing. kaya nag-decide kami na isa sa amin ang dapat na magtrabaho. kaya full time akong nagtatrabaho ngayon sa ccp. para i-finance ang ibang dream projects ng balangay. i also shared that i don't dare abuse my position in ccp to sell balangay or balangay books. never kaming nagbenta sa mga book fair at zine fair na inoorganisa ko under intertextual division. i ended my very very short talk with an appeal for the audience to patronize local lit, because local is national.
puno ang lugar, sobrang saya ko na makita ang crowd na ito. mga bata pa sila, around 20s, 30s. nakilala ko si zach, isang matangkad na lalaki na inglesero, intense makinig, matalino magtanong, gusto niyang magbasa ng tula niya pagkatapos ng mga talk kaya ipinakilala ko siya kay kim, ang nag-asikaso ng buong program. nakilala ko rin si lakan, isang 34 year old na spoken word artist who dreams to organize a poetry festival dahil wala pa raw gumagawa nito ever. hahaha natatawa na lang kami ni poy, bata pa si lakan sa komunidad, i guess. na-meet ko rin si lyra garcellano, artist na nag-talk about her work, na kamangha-mangha kasi very provocative, very disturbing. isa siya sa nag-edit at nag-publish ng traffic, iyong journal tungkol sa arts nina antares bartolome (anak ni heber bartolome!) at ni miss rica estrada (i know, super small world!)
naroon din si ina, of course, kasi magsasalita siya after namin. kasama niya si vito at ang aso nilang si twenty na sobrang sobrang gentle. para siyang lola na mabait! hindi ako dog person pero dahil sa sobrang gentle ni twenty, nagi akong fan ng mga aso! nandoon din sa event si alan navara, ang lodi ko sa nakakatawang panulat, dahil matalino siya magpatawa. nakita ko rin si ekis- si christian vallez ng lira, si sophie,ang anak ni cyzka, smart girl. ang bungad ba naman sa akin, who are you? sabi ko, tita bebang. sumimangot siya. tapos bigla ring napangiti, you're the writer of that puke book! tangina ang tawa ko.
nakita ko rin si tad ermitano, isang sound artist. he was being interviewed by roy voragen (one of the curators of kwago, partner din siya ni czyka) in front of the audience. naisip ko tuloy ang launch ng a curated shelf version ko! baka pwede kong gawing launching event ng biyak! o di ba? ang saya, kumbaga 2 in one na. pwedeng doon din i-announce ang winner ng criticism ng works ko, isa sa mga pakontes ng SBA. o 3 in 1 na! at celebration ng 10th anniv mo, blog! omg ! 4 in 1 na! kahit kelan ang tipid ko talaga,haahaha!
we had a great night ni papa p. ang plano namin, saglit lang kami, uwi agad kami kasi si ej at bianca lang ang naiwan kina dagat at ayin. we arrived 2:50 pm, nakaalis kami mga 8:30pm. grabe! nakainom ako ng isang beer, 80 pesos. nakakain ako ng kani salad, 120 pesos, isang set ng california maki, 150 pesos. ayos ang buto-buto.
more power to kwago book bar, sana tauhin pa ito at sana ay marami pa ang bumili ng libro doon. mabuhay ka, mommy czyka tumaliuan!

Published on February 12, 2019 08:57
dream book
sa relaunch ng kwago book bar, binanggit uli ni ina stuart santiago sa akin ang offer niya na mag-publish ng libro ko ngayong taon. may lump sum akong matatanggap na 40k even before lumabas ang libro.
gulat na gulat pa rin ako. overwhelmed is the right word. matagal na niyang nabanggit sa akin ito. akala ko, parang tinatanong lang niya kung magkano ang tamang presyo para makapagsimula at makapgtapos ng isang libro ang isang writer, nagbanggit siya ng 40k as presyo. sabi ko, palagay ko, ok ang presyong iyan. a few days ago, piniem niya ako about it. hindi ako agad nakapag-reply. nagulat ako. ganon pala talaga siya kaseryoso.
ipa-publish daw niya ang manuscript ko under everything's fine, ang publishing company nila nina bolix ortega, bf ni bolix at ni vito, bf ni ina.
na-pressure akong bigla. i really don't know what to say. parang naisip ko rin na baka di ko ito kayang gawin ngayong taon! pero paano na ang personal goal ko na 1 book per year?
kung magsusumite ako ng manuscript, ano-ano ang mga ito? ano ba dream book projects ko?
solo
the old mens and the sea- one year na journal sa unang taon ni dagat
pooritang turista- travel essays ko, marami-rami na rin ito, mostly nasa blog lang
koleksiyon ng kuwento- idea ito ni papa p, pero ang totoo, hindi ako masyadong confident sa aking stories sa totoo lang
kapikulpi- matagal ko nang gustong i-send ito sa visprint, wala lang talaga akong time i-compile ang mga essay ko rito
colection ng comics for children- mga 20+ works ko na napublish sa gospel komiks. at magpapa illustrate ako sa mga babae lang.
first love- short story na parang novella, love story, may sarili kong illustration
antolohiya
lila- opkors, antagal na nito, long overdue
sanaysaya- i already have in mind kung sino-sino ang mga i-include ko rito
book about book- essays about books, reading, literature, criticism, mostly written by prpb members
hilakbot book- nakaka-miss na ang gumawa ng libro kasama ang hilakboters!
marami-rami din pala. may offer din ang ateneo de naga press sa akin through kristian cordero. nakakahinayang naman na hindi samantalahin ang pagkakataon. baka dumating ang araw, kahit anong pilit ko ay wala nang gustong maglabas ng libro ko.
pero sa uri ng sked mayroon ako, paano ako makakapagsumite nito? not to mention, kailangan ko ring mag-thesis uli dahil sa pressure naman ng boss kong si mam liebei. gusto kasi niya, ako na ang mag-division chief, mahirap daw na may iba pang makakuha ng posisyon na iyon. oo nga naman, pero feeling ko, di ko pa kaya, hay. baka kailangan ko nang mag-overnight somewhere makapaglibro uli at makausad din sa m.a.

Published on February 12, 2019 08:22
February 8, 2019
minor characters
kayraming umaaway sa akin or naiinis sa akin kaya gumagawa ng mga hakbang na ikinaiinis ko rin naman. for example, nagtalo kami ni miss nikki tungkol sa isang bagay na di nagawa ng sm na in-assign niya sa amin. i reported it to her and it seems kinakampihan pa niya ang sm. its ok with me but i just wanted to point that out to her na ang sm na iyon ay hindi sumunod sa napag-usapan.
her name is muchik. kinausap ko siya ng feb 2 na kailangan naming magbigay ng certificate para sa mga performer ng pasinaya sa library per group at per individual. she said ok. pero sabi ni miss nikki, hindi raw per individual ang bigay ng certificate. what they can do raw is to type in the group certificate the names of the individual performers. that was good enough for me. so sinabi niya iyon kay muchik sa harap ko and muchik agreed.
so ang napag-usapan, muchik will email the certs to miss nikki and miss nikki will print them.
come feb 3, inabot sa akin ni muchik ang certificates na panggrupo, walang names ng individuals. sabi ko, bakit wala? hindi na siya sumagot. akala niya, tatanggapin ko iyon. of course not. iyon na nga lang ang bayad namin sa performers, e. certificate! diyosmiyo tatanggalin pa niya pangalan ng individual. so sabi ko, pakipalitan ang certs, iyong may name ng individuals within the group certificate. sabi niya, wala akong laptop. sabi ko, i will provide you a laptop. sabi niya, may wifi ba ang laptop na ipapahiram ninyo? tinanong ko si erika, sabi ni erika, meron. sabi ni muchik, hindi yata abot dito ang wifi, walang wifi sa library.
for god's sake, e di maghanap ng signal.
so sabi ko, gusto mo i-delegate mo sa asm mo. because i thought the girl who was beside her all the time was the asm. yun pala volunteer lang.
di na sumagot si muchik. we gave her a laptop, pero dahil wala raw talagang signal, sabi ko na lang, i-save mo sa usb, i will provide a usb then ibigay niya kay miss nikki para i-print.
after a few hours and performances, nalaman ko, si stacy na ang tumatrabaho. siya ang nag-e-email kay miss nikki. sabi ko, bakit? ayaw daw kasi pumayag ni miss nikki na sa usb i-print ang certificates. di raw kasama iyon sa usapan namin. tama. but it wasn't our fault, bakit nag-iinarte pa siya, nasa harap na niya ang usb, it was her sm's fault kaya dapat maging cooperative siya sa sm niya para ma-release ang certificates na yan, di ba? i was so irritated. grabe. parang, ano ba, bakit di na lang natin gawin mga trabaho natin.
so anyway, finally, na-email ni stacy ang certificates kay miss nikki at na-print. they were handed to me para ibigay ko sa performers. guess what, andaming errors. as in. ang sm at asm ang nag-type, kayraming wrong spelling sa names! nakakahiya dahil nasa letterhead siya ng ccp at signed siya ni miss clottie! ay kennat bilib how mediocre dis sm is.
anyway, i decided to inform miss nikki about the delay of the release of the certs because of what muchik did. some of the artists have already gone home. i told her dapat nag-delegate si sm. may asm naman. that's what i kept telling muchik. she did it late na. tapos saka sinabi ni miss nikki na walang asm, volunteer lang iyon. pero na-delegate pa rin ni muchik, hindi lang agad-agad. sabi ni miss nikki, it's a matter of priority. her priority is to run the show, puwede namang maghintay ang certificate. sabi ko, sinabi natin ang certificate, feb 2. ano, feb 3 na, patapos na ang pasinaya, wala pa rin? she did the certificates pero not following instruction naman, di ba?
nakakairita na kinakampihan pa niya ang sm kahit mali na ito.
sayang at di ko pa nasabi sa kanya na the sm did not ask the tech kung ready na ang v.o. na pang-intro sa bawat performer. ako ang nakapansin, bakit walang intro. ito namang tech hindi rin sinabi sa amin,wala palang v.o. na pang-intro. pang-feb 2 lang daw ang naibigay sa kanila. walang feb 3. so sabi ko kay muchik, its ok, let's just ask our emcee to read the intro about the performer. iyon nga ang nangyari.
imagine, kung di ko napansin, buong araw na walang nag-iintro sa mga performer. feb 3 also, ni hindi niya napansin na nakapatay ang 2 set ng ilaw sa stage for god's sake.
in fairness, di lang si sm ang bulag. lahat sila roon: taga intertextual, taga library, tech, sm, volunteer. walang nakapansin na patay ang 2 set ng ilaw sa stage. walang tumawag ng tork!
ako pa ang nagsabi, bakit hindi ninyo ipinabukas ang ilaw doon? saka pa lang naisip ng mga tao na kaya pala madilim sa stage area ay dahil sa nakapatay na mga ilaw!
anyway, that was feb 2 and 3. noong feb 6, nakasabay ko si miss nikki s bundy clock so binati ko siya, good morning miss nikki, amputa, hindi ako pinansin. parang walang nakita! bastos. i really find her rude, actually. iyong katarayan niya is just an excuse, but she's just plain rude. dati, mabait naman sa akin. nakakausap nang maayos, binigyan pa ako ng libro para sa batang sining zone. tapos biglang isang araw, pasigaw at pabalagbag nang makipag-usap sa akin. nagkasabay kami sa elevator, i asked her about readathon project, sabi ba naman, sa bastos na paraan, ba't mo 'ko kinakausap, ito boss ko, siya kausapin mo. since then, i try not to talk to her anymore. no. i don't need to waste my time talking to rude people. but it can't be helped dahil may mga proyektong kailangan naming pag-usapan like pasinaya. ganon pa rin siya, bastos pa rin makipag-usap sa akin, hahaha. so i let her be. baka masaya siyang nambabastos ng tao, ano?
i remember how nice she was when she was asking if she could borrow picture frames from the batute production which are technically still mine dahil hindi pa tumatakbo ang reimbursement ng mga ito. mabait lang pag may kailangan.
kita ko ugali mo, uy. bistado na kita. kaya kung ako sa iyo, manalangin kang wala kang kakailanganin sa akin o sa sinuman sa amin sa buong taon dahil lulunukin mo lahat ng kabastusan mo, i swear. but don't you worry, kahit minsan akong naging iskuwater at walang pinag-aralan ang nanay ko, alam ko kung paanong magturing ng kapwa tao.
this woman and the sm, minor characters of my life. marami pang minor characters sa work place ko, na napagtanto ko, kaya pala malimit akong nine-negate, iniirita or saying things behind me is because they are trying to make it big in the story called my life. nope, won't let them.
ano nga sinasabi natin pag nagbubugaw ng langaw? shoo? okay. shoo!

Published on February 08, 2019 09:53
first earnings for arts and hearts month
Hi! im so happy today. nabenta ko lahat ng ecp ko!
noong jan 15 at 31 nakabili ako 18,500 shares ng ecp.
16000 shares sa 15
2500 shares sa 16.7
na-sell ko ang lahat today sa 16 pesos at kumita ako ng around 13k.
wala pa akong binibili uli but i plan to buy plc again. though medyo mabagal umangat ito, grabe. hmmm baka ecp uli. nasa 15.6 na naman nag-close. relatively, mababa.
i hope maka 17 k pa ko bago matapos ang feb. para pasok sa target ang earnings natin! yahoo.

Published on February 08, 2019 07:47
February 5, 2019
saglit sa san rafael, noveleta
so tulad last week, nakagala na naman kami. at this time, sa beach naman.
ito kasing si poy ay nakamulatan kong naglalaba. siyempre, nagalit ako kasi trabaho ni ej iyon. di niya dapat ginagawa ang task ni ej kasi siyempre mapapagod siya at hindi na naman kami makakalabas as a family. may pasok na naman ako starting wednesday and just thinking about it brings dread to my heart. kaya feeling ko, i really deserve to go out and enjoy weekends with him and the kids.
kaya naman, pagsapit ng mga alas-tres, sabi niya, tara na. sabi ko, saan? sabi niya, secret.
pero magtsinelas lang daw kami. magdala raw kami ng sapin, so nagdala si bianca ng kumot na pansapin. aba, sa maragondon ba kami uli? puwede, mas maliwanag kaming makakarating this time. actually, kahit saan, ok sa akin, wag lang sa bahay namin. kagaya ng nakagawian, nag-empake kami ng extra na set of clothes ng mga bata, mga bote ng gatas at cellphone-wallet combi.
sumakay kami ng bus pa-cavite city. di ko narinig ang destinasyon namin nang magbayad si papa p sa kundoktor ng baby bus. pero 75 pesos ang singil sa aming tatlo (ako, poy at bianca, kalong namin sina dagat at ayin). akala namin ni bianca, sa cavite city uli kami, sa park doon.
nag-enjoy ako sa pagtanghod sa bintana ng baby bus, sa kaliwang side ako naupo, kalong ko si ayin. napakarami at sunod-sunod pala ang lumang bahay sa kawit, ilang minuto bago mag-st. mary magdalene church. ang gaganda ng bahay at karamihan sa mga ito, in the state of decay na. sana ay magawan ng paraan na masalba. nakakatuwa rin kapag ang dinadaanan ng sasakyan ay mga bahay, imbes na commercial establishments. nakakasilip ka sa paraan ng pamumuhay ng tagaroon. may karakter. unlike kapag naiipit ka sa edsa, tapos ang matutunghayan mo ay mga building na lugar ng kalakal at trabaho. or sa kaso ko nang maging kabitenya ako, aguinaldo highway. magkaiba ang feeling, nakakamanhid iyong commercial establishments. walang sundot sa pagiging tao mo.
pagkaraan pa ng mga bente minutos, nasa noveleta na kami. ang bayan ng mga bayani, sabi ng kanilang arko. sa poblasyon ng noveleta, naging busy ang lanscape. nariyan ang munisipyo. maraming tindahan, may eskuwelahan, bakery, may furniture store, may punerarya (alvarez ang pangalan at established 1888 daw! historikal!) may mga construction. isa rito ay isang mababang building, parang two o three storey building at ang nakasulat sa tarp ay primark, the biggest developer of town centers. black at dark blue ang kulay ng tarp. pangkaraniwan, para ngang times new roman lang, ang font ng primark. pero pag-aari ito ng mga sy, as in henry sy. pag-aari ng sm. nalaman ko ito last jan 22, 2019 during the pbby board meeting sa bahay ni mam nina yuson. ikinuwento ng bookstores rep namin, si mam na may-ari ng pandayan, na aktibo na sa pagpasok sa mga rural na lugar ang sm sa pamamagitan ng primark. hindi ko ito narinig nang maigi kaya ipinaulit ko ito kay mam at pina-spell pa. never heard kasi. sino na sa atin ang nakarinig sa company na primark? wala pa, di ba? kaya naman, nagulat ako nang makita ito sa noveleta. ito na nga. nagpapahaba na naman ng galamay ang sm. walang katapusan. buong pilipinas yata ay gustong sakupin nito.
maya-maya pa ay panay tubigan na ang natutunghayan ko sa bintana ng bus. napapalibutan ito ng mga puno at halaman. parang mga biko ng tubig. kay ganda pagmasdan. ang daming ibon ang paikot-ikot sa ibabaw ng mga biko, at kahit mabilis ang bus, walang trapik, alam kong hindi maya ang mga ibon na iyon, mas malalaki nang bahagya ang ibon doon, at ang iba ay puti ang dibdib. nadaanan namin ang villamar resort, at busy pa ako sa pagturo kay ayin sa mga ibon na paikot-ikot sa biko ng tubig na katabi ng signage ng villamar nang biglang pumara si papa p. doon na pala kami. magdadagat pala kami!
naku, wala kaming panligo! ayan ang nangyayari kapag biglaan lagi ang lakad hahaha!
pagbaba namin ay tumawid kami ng kalsada. itinuro ko uli kay ayin ang mga ibon. tapos ay sabi ni papa p, baka may gusto kayong bilhin diyan, itinuro niya sa amin ang isang sari-sari store. baka raw kasi mahal sa loob ng villamar. bumili kami ng tig-iisang bote ng coke, royal at sprite, dalawang fudgee bar at isang rebisco, total of 72 pesos. sayang at walang sitsirya si lolang tindera dahil iyon sana ang gusto naming bilhin. naglakad na kami sa mabuhangin/maalikabok na inner road papunta sa villamar, mga 8 minute-walk ito. bagama't tirik ang araw ay di naman hassle dahil magkabila uli ang biko ng mga tubigan. sa dulo ng inner road ay arko ng resort, sa kanan ay isang malaking bahay, sa kaliwa naman ay isang maliit na bahay na ang maliit na lanai ay siyang parang cashier. naroon ang isang matandang babae, isang matandang lalaki at dalawang dalaga (ang isa ay mukhang tomboy sa ikli ng buhok). sa dingding nakasulat ang entrance fee na 30 pesos per head at ang five years old and below ay libre. sabi ng matandang babae, ninety kayo. nagbayad na ako habang sina bianca at poy ay dumiretso na sa papasok sa pinaka-resort. sa tabi ng maliit na bahay ay isang one-storey structure na pahaba. ang nakalagay sa may bukana nito: store/restaurant. sa harap naman ay parang railing na gawa sa kahoy at sa likod nito ay dagat. sa tabi nito, sa kanan, isang 2 storey building. sa baba nito, nakalagay, shower room.
malawak ang espasyo mula sa arko hanggang sa mga structure na nabanggit ko. later on mare-realize ko, para ito sa mga nagmamaniobrang mga sasakyan at puwede rin naman bilang parking lot.
kumaliwa kami mula sa cashier, nasilip namin na parang may private event na nagaganap sa store/restaurant dahil sa presensiya ng dalawang tower ng mga lobo sa isang entrance nito. pagliko ko ay isang hilera ng mga table na gawa sa kawayan at kahoy ang bumungad sa akin, may bubong ang mga ito na gawa sa nipa. marami-rami ang tao, pami-pamilya. in fact, di kami agad nakakita ng bakanteng table. kaya dumiretso kami sa dalampasigan, bumaba kami ng hagdan at naglagay ng mga gamit sa pahabang semento sa mababang pader na naghihiwalay sa dalampasigan at sa table/picnic area.
ang pangit ng dalampasigan. black ang buhangin at may basura. brown ang tubig. naalala ko ang beach ng tanza oasis. ang ganda-ganda ng hotel at ng swimming pool nito, pero pangit ang beach. dito sa villamar, may mga bata sa buhanginan, may mga nagsiswimming sa dagat. mataas pa ang araw, mainit sa balat, nakakasilaw din. binihisan na namin ang mga bata. buti talaga at may dala kaming extra na damit. patawa naman ito si papa p. sana ay nakapagdala rin kami ni bianca ng extra na damit kung nasabi niya nang maaga na beach ang pupuntahan namin. hindi sapat ang clue na "magtsinelas kayo."
pero ako, kahit may pamalit ay hindi rin maliligo. graduate na yata akong talaga sa swimming excursions. ayoko ng nagsi-swimming sa dagat, feeling ko, tatangayin ako nito sa malalim. tipong pag-angat ko ng mukha, mga tatlong milya na ako sa dalampasigan. no! pero ok sa akin ang mag-diving. nae-enjoy ko ang diving.
kaya kanina, sa villamar, sa dalampasigan lang talaga kami. sinamahan ko si ayin sa paglalaro ng buhangin at pagtatampisaw sa tubig. tuwa naman siya, ok na rin. nakaupo ako sa isang putol ng kawayan na mukhang naanod lang doon. gumawa ako ng bola-bolang buhangin, dalawa. gagawa sana ako ng olaf kasi may mga sanga sa dalampasigan, itutusok ko sana sa bola-bolang buhangin, pero pag pinagpapatong ko ang dalawang bola-bola, nafa-flat ang nasa ilalim. kaya ang resulta, isang bundok na lang ang nagawa ko, bundok ng buhangin na parang may bewang. pinalibutan ko ng shell ang base ng bundok, nilagyan ko rin ng shells ang bewang ng bundok, at sa pinakatuktok ay nagtusok ako ng heart-shaped na dahong tuyot. si ayin, paisa-isang tusok ng mga shell sa bundok, puwede na rin. pero ang pinakaimportante niyang role ay breakwater. pag nakaharap siya sa bundok namin ay nakatalikod siya sa mga alon kaya ang puwitan at likod niya ang sumasalubong sa maliliit na alon. di basta-bastang nasisira ang aming bundok.
sina dagat at poy naman ay ilang hakbang ang layo sa amin. walang pantaas si dagat, gusto rin nitong magbabad sa tubig, lumayo sa baybayin papunta sa 1 foot na depth ng tubig. kaso, di makalayo sa dalampasigan si poy dahil naka-maong pants ito, at wala ngang dalang pamalit, hahaha. hinihila niya pabalik si dagat sa buhanginan. imagine dagat's frustration, ano? ligong-ligo na, pero may kj siyang ama! so nagkasya na lang siya sa paglalaro din sa may dalampasigan. picture nang picture si poy. ako ay di maka-picture dahil naiwan sa bag ang cell ko. si bianca, bantay ng lahat ng bag namin, kawawa! e pano wala ring pamalit na damit itong si bianca.
mas maraming ibon sa dagat kaysa sa mga biko sa may highway. migratory birds daw iyon sabi ni poy. paminsan-minsan, itinuturo ko ang mga ito kay ayin. pansin kong mabilis ang mata ni ayin sa ibon. sa labas ng bahay namin, minsan sabi niya sa akin, bored, bored, akala ko, nagsasabi ng estado ng damdamin niya, ahaha! char lang. tapos may itinuro si ayin habang nakatingala. aba, may maya nga, nakikisilong sa katapat na bahay namin. paikot-ikot uli ang migratory birds sa dagat ng noveleta. dalawang pulutong ang mga ito, isa malapit-lapit sa dalampasigan, ang isang pulutong ay sa may bandang gitna ng dagat. nakakapagtakang walang pulutong sa direksiyon ng sinag ng araw na papalubog. baka naiinitan din ang mga ibon o nasisilaw.
may batang lumapit sa amin nang binubuo ko ang bundok ng shells. tinatanong niya kung nag-eeskuwela na si ayin. sabi ko, hindi pa, 2 pa lang siya, e. ilang taon ka na kako, isinenyas ng kanyang kamay ang 5. warren daw ang pangalan niya at ang mama raw niya ay ang babaeng may tuwalyang blue sa leeg, nakatayo ito sa tapat ng isa sa mga mataong mesa sa may table/picnic area. taga putol daw siya. sabi ko, saan iyan, sa kawit ba? sabi niya, sa putol. naku, di ko alam kung saan iyon, haha! may kuya daw ba si ayin. oo sabi ko, sabay itinuro ko sina dagat. aba, bakit ganito ang mga tanong nito, ano ba ito, nag-a-apply na manliligaw? guwapo naman ang bata at ang nakakatuwa sa kanya ay matatas magsalita. buo ang mga pangungusap niya, nakakasagot sa mga tanong. unlike dagat, paisa-isang salita pa rin ang alam.
but... no. may gatas pa sa labi si ayin. saka na iho. pero di ko naman inawat si warren nang tulungan niya kaming maglagay ng mga bato pandagdag sa shells sa base ng bundok. pagkatapos ay nagsawa siya sa amin ni ayin dahil hindi kami umaalis sa aming puwesto. tumakbo siya't nagbabad sa dagat, kasama ang iba pang bata roon.
si bianca, nakahanap na ng bakanteng table. pero siningil daw siya. napabayad tuloy ako ng P100! buti at mura. kung hindi ay ipakikipaglaban ko talaga na ilibre na lang iyon sa amin dahil hello, wala pa yatang isang oras ang pag-upo roon ni bianca at hindi rin naman kami kumain sa mesang iyon.
maya-maya pa ay palubog na ang araw. sabi ni papa p, beb, o. at ipinagyabang niya ang tanawin. oooh, so iyon pala ang sagot niya sa tanong sa utak ko na, ba't mo naisipang dito kami dalhin, aber? in fairness, ang ganda ng sunset. buong-buo ang araw, wala ring makikitang bangka o barko sa dakong iyon ng laot. ang lawak ng langit, walang building, walang obstruction. mabuti rin at walang nakasinding videoke at walang maingay na sasakyan o istorbong tunog ng traffic gaya sa manila bay, kaya na-enjoy namin nang lubos ang tahimik na paglubog ng araw.
bago tuluyang magdilim ay nag-picture-picture kami kasama si bianca. sabi ko kay papa p, ipost mo pati iyong nakaupo kami sa dalampasigan, lagay mo, manila bay, haha! fake news?!
bago tuluyang magdilim, umahon na kami para banlawan ang mga bata. may bayad pala ang shower, bente! so sana ay ginawa na lang nilang P50 ang entrance kasama na ang shower, di ba? kaloka! anyway, sabi ni poy, bente lang daw ang ibinayad niya for ayin and dagat dahil bata lang naman daw ang nag-shower, sabi ng matandang lalaki na nagbabantay sa shower area. yes, di kami nag-shower ni papa p dahil di rin naman kami makaka-shower dahil siguradong lalabas sa shower room ang mga bata. doon lang kami sa gripo sa may bungad ng shower rooms nagbanlaw ng mga bata kaya di ko nakita ang loob ng mga ito. maayos kaya? mukha kasing luma na ang facilities nila. pero at least may ganong facilities di gaya ng sa patungan beach noong 2017 bday ko grabe. walang gripo, magbobomba ka sa poso! walang ilaw sa cr na gawa lang sa kahoy at isinasabit lang ang tali sa kapiraso't nakausling kahoy para maisara ang pinto. nightmare. ay kennat. at kung makasingil sila sa cottage ay libo ha. 1k to 1.5k. samantalang table lang iyon na may bubong na nipa. anyway, itong sa villamar, talagang sementadong structure ng mga shower room, so makatarungan ang bente per head. bago kami makabalik ni papa p sa mesa namin, may nakita kaming babaeng matanda na postura, hindi mukang pang-beach ang itsura. nakapalibot sa kanya ang matandang lalaki na naniningil sa shower room, ang lalaking naningil kay bianca ng P100 for the table at isa pang matanda.
nang mabihisan na ang mga bata, nagpaalam ako kay papa p dahil gustong kong mag-vlog. pumasok ako sa store/restaurant at natuwa ako kasi maluwag ito, maaliwalas. may apat o limang table na pang-apatan at malapit sa exit/entrance na malapit sa cashier kung saan kami nagbayad ng P30 ay isang mahabang table, may apat na matandang lalaki ang kumakain ng sitsirya sa bandehado at nagkukuwentuhan. sa counter ng restaurant ay isang kabataan na mukhang tomboy, maamo kasi ang mukha, mukhang babae pero maikli ang buhok at naka-shirt ito, payat. tinanong ko kung may nao-order ba doon na pagkain. sabi niya, nag-last order na po kami, sarado na po. pero kako meron? sagot niya, oo. at ibinigay niya ang menu. mura naman ang food from 80 to 200 pesos. sa likod ng androgenous na taong ito ay hanggang kisame na shelves na parang sari-sari store, sa unang baitang, pinakamalapit sa kisame, may gray na marmol na may engrave na gorgina maria viniagre, proprietress. palagay ko, ito iyong matandang babaeng postura na nakita namin ni papa p sa tapat ng shower area. sa baba ng marmol, may bote ng san miguel light at maliit na karton, nakasulat dito 50 pesos, pilsen, 50 pesos, red horse, nalimutan ko na. sitsirya tulad ng chippy, nova at piattos, 35 isa. bumili kami ng chippy. meron ding century tuna, 50 pesos. meron ding mantika, toyo, asin. meron ding modes, 11 pesos. as in iyong sanitary napkin! akala mo kung ano na, ano? sa tabi ng counter, may isang glass cabinet na kinalalagyan ng mga luma, kupas nang souvenir items ng villamar (maliliit na shirt, as in iyong isinasabit sa windshield) at pouch. meron ding luma at kupas nang cap na ang nakasulat ay tagaytay city. sa ibaba ng mga ito ay ilang kaha ng sigarilyo. nagbebenta rin sila niyon. sa isang sulok makikita ang videoke at sa tapat nito ay isang juke box.
nag-vlog na ako. sayang at di ko nabanggit sa vlog na mababait ang staff, pansin din ni papa p. at mukhang mabait ang may-ari dahil mukhang nagtagal ang staff niya sa kanyang patnubay.
nanghihinayang ako sa villamar. maganda ang lokasyon nito, di masyadong malayo sa maynila at madaling puntahan, isang baby bus lang mula sa sm bacoor, kung galing ng baclaran ay isang baby bus lang din. ang ganda ng view. may mga room na puwedeng rentahan, 500 daw per room for two good for 12 hours. at mukhang may malalaki rin na room pampamilya. pero marumi ang tubig, brown. marami-rami din ang basura sa dalampasigan. im sure hindi lahat ay galing sa amin na beachgoers nito. sabi ni papa p, marami daw na ganong beach sa cavite, nalaos dahil dumumi ang dagat, hindi dahil sa dumi ng cavite kundi sa dumi ng maynila. parang bituka ang problema natin, ano? dugtong-dugtong. kaya sana, makarating din ang instant linis ng manila bay sa mga baybayin ng cavite.

Published on February 05, 2019 13:02
January 31, 2019
earnings sa ism
akala ko ay wala nang papasok na income mula sa stocks ko!
guess what, ngayong jan 31, nabenta ang ism ko at kumita ito ng 19k! panalo!
ganito iyan, naka-gtc ang lahat ng ism ko sa halagang 6.65, 6.7 at 6.75. calculated sa 50 cents ang earning ng bawat share.
then iyong huling batch ay hindi ko na-gtc. pero ibinenta ko na rin on the same date dahil tumaas nang hanggang 7.07 ang ism. so binenta ko na ang lahat.
im so happy, kasi di ba may target akong 10k per week na earnings? so around 40k dapat per month. pero natuklasan ko sa aking journal, ang inilagay ko pala initially ay 30k per month. so i guess medyo malapit sa target ko ang kinita ko para sa enero.
ang pinagbentahan ko ay ibinili ko ng ecp sa halagang 15 pesos. naka-gtc siya ngayon sa 16. sana mabenta ko in a few days. kapag nabenta, may kita akong 16k. let's see kung mangyayari nga iyan.
kung masusunod ko ang 30k per month na target earnings ko, makakakuha ako ng 360k for 2019. namputsa, anlaki niyon. at ibig sabihin, marunong na talaga ako mag-buy and sell. ibig sabihin, puwede na akong mag-retire, ahahaha! iyon pala ang punto, ano, kung saan-saan ko pa pinaikot.
harinawang mangyari ang mga target. kasi noong 2018, nagawa ko naman ang target ko. pero ipon iyon, hindi earnings mula sa stocks. magkaibang bagay. pero ano ba why end with negativity? it's possible. muntik mo na nga ma-reach ang 30k ngayong enero, bebang. you can do this!

Published on January 31, 2019 10:00
January 29, 2019
maragondon sa gabi
kagabi nagpunta kami ni papa p at ang mga bata sa maragondon. hinamon ko kasi si papa p na lumabas naman kami at dalhin sa mga gubat o nature inspired places ang mga bata. aba, magfo-four na, nang finally umalis kami at lumarga pa-maragondon. ako naman si patol, sumama naman, bitbit sina dagat at ayin.
after 2 hours, dumating kami sa naic terminal. nag-aalangan na ako dahil alam kong madilim sa sinasabi niyang ilog. e anong gagawin namin sa madilim na ilog? makakapagtampisaw ba kami doon? baka sarado na kung anuman iyon na puwedeng mapuntahan doon. sabi ni papa p, open to public iyon, so pwede tayong magpunta anytime.
so feeling ko, di talaga na-reaLize ni papa p itong destinasyon namin. which is the ilog ng maragondon.
so nagtrike kami from naic terminal to simbahan ng maragondon. 70 pesos ang singil sa amin pero dahil sobrang layo pala nito, nagbigay na kami ng 100. sa mismong simbahan kami ibinaba at doon ay nakakita kami ng plaza/park at isang gym na buhay na buhay because of a basketball game. sabi ni papa p, sakay pa raw kami ng isa at magpahatid sa kaingin or sa hanging bridge. 35 pesos hanggang doon. only to find out, malapit lang pala iyon, nalalakad lang, pinaikot-ikot kami ni kuyang trike driver dahil puro sarado daw ang daan pa-hanging bridge.
so finally, nakarating kami sa akyatan papunta sa hanging bridge. the fuck ang dilim, haha! alam nyo yung setting ng mga pelikulang horror starring buwaya galore? ganon. mani ang amazon. sobrang mapuno ang lugar at meron ilog sa gitna. akyat baba ang daan so akyat baba din kami para makarating sa hagdan ng hanging bridge. kinarga ko si ayin, at nanguna na ako sa paglakad sa hanging bridge. nakakatakot ang ambience pero ewan bakit ang tapang ko. walang makita sa kabilang dulo ng hanging bridge. pitch black. sa ilalim ay ilog na maitim sa dilim, buwan lang ang tanglaw na in fairness ay napakaganda. parang ahas na mahaba, puti, ang sinag nito sa pagtama sa ilog. ang nasa isip ko'y hindi ako mamamatay dito, gamit na gamit ang tulay na ito, sa amin pa ba ito mapipigtas? aba'y natural, hindi. so naglakad na ako nang naglakad. nang nasa gitna na ako, saka ako inalihan ng takot. may iba pa bang daan pagdating natin sa kabila, tanong ko kay poy. wala, sagot niya. ibig sabihin babalik tayo rito pagkarating natin sa dulo? oo, sabi niya.
doon na ako kinabahan. ang tagal namin doon, mabigat kami, tapos babalik pa kami? baka maubusan kami ng suwerte! kinabahan na ako. kahit gawa naman sa malalaking kahoy at mga metal pipe ang hanging bridge. abot-abot ang kaba ko. pero di ako nagpahalata kay papa p. baka mag-panic din iyon. so, pinakalma ko ang sarili ko. tinanggal ko ang mga buwaya sa imahinasyon ko. makakarating kami sa kabila, makakatawid kami.
iyon nga ang nangyari. pagdating namin sa kabila, may isang ilaw doon na tumatanglaw sa mga pababa sa isang komunidad daw ng mga mangingisda (ayon kay papa p). sabi ko, baba ba tayo? gusto kong bumaba doon kasi baka may iba pang daan. ayoko nang bumalik sa tulay! isa pa ay naiinip na sina ayin sa kalong namin, gusto nang maglakad-lakad. so ibinaba ko si ayin at naglakad kami pababa. sa mga nakausling ugat ng puno kami tumatapak. after a minute, may nakasalubong kaming mga residente doon, matandang babae at lalaki, may dala silang ilaw, parang gasera. sa laki ng liwanag nila, nakita namin ang nasa may bababaan pa namin: isang aso. sabi ni papa p, wag na, may aso. kinulit ko pa rin si papa p, sabi ko tara, baba tayo. so humakbang pa kami nang kaunti hanggang sa mapalapit sa aso, wala naman itong ginawa. may dumating uli na mga residente doon, pasalubong sa amin. sumabay ang aso sa pag-akyat. paglampas nila sa amin, naiwan na naman kami sa dilim. wala kaming idea kung ano ba ang bababaan namin. kaya pumihit na rin kami ni papa p para umakyat at bumalik sa hanging bridge.
pagdating uli sa tulay, kinarga uli namin ang dalawa. maya-maya, may dumating na apat na adult, halos kababaihan. nagkakantiyawan sila kung may pagkain pa sa pupuntahan nila. ang ingay nilang mag-usap at ang bilis maglakad sa tulay. nasa likod namin sila at alam naming inip na inip sila sa amin ni poy. pero anong gagawin namin, nangingimi pa ang mga tuhod sa taas ng aming kinatatapakan! inilawan kami ng leader ng group nila, iyong nasa unahan. babaeng maikli ang buhok parang lalaki. itinutok niya ang flashlight sa mga kahoy na tinatapakan namin. nanginginig ang buong tulay sa dami namin. 6 adults, 2 kids. puta, kapag napigtal ito, di ko alam kung kaya kong maka-survive. una na akong mamamatay sa takot. hindi sa lunod. naiimadyin ko talaga lahat ng buwaya, nagko-converge sa ilalim ng tulay pag ganong oras: 6:45 pm.
finally, nakatawid kaming lahat! pati ang mga kasabay naming residente. naglakad kami ni poy paahon, palayo sa lugar na iyon. napansin kong makikitid ang mga kalsada, actually, para siyang mga eskinita na maaliwalas. akyat-baba ang mga daan. aaa... parang daanan ng tubig na pabago-bago ang isip!
sina dagat at ayin ay paminsan-minsang tumatakbo, paminsan ay kinakarga namin. sa dulo bago kami lumiko papuntang main road, sa poste ng ilaw, may apat o limang babaeng nakaupo at sa tapat nila ay balde at palanggana. nagbebenta pala sila ng seafood! may isda, may hipon! parang gusto ni papa p na bumili kaya lang, mahihirapan kaming itransport iyon. wala kaming maayos na lalagyan. sayang! may isang babaeng nakasakay sa motorsiklo, parang isa siya sa buyers ng mga tindera doon.
naglakad kami uli hanggang marating namin ang plaza. doon kami nagtagal nang husto. maliit lang ito at simple pero maganda ang placing ng mga halaman, parang alaga naman ang mga ito. may tagdan at watawat sa gitna ang park, sa kaliwa, estatwa ng dalawang lalaki. ayon sa metal engraving sa baba nito, ang apelyido ng dalawa ay de dios. sa kanan naman ng plaza ay isang historical marker tungkol sa liberation guerillas, mga gerilya na lumaban noong panahon ng hapon at nag-evolve years after.
sa tumbok ng lupang daanan papasok ng parke ay ang malaking bunganga ng isang gym. may naglalaro ng basketball. girls! at mukhang opisyal na competition ito dahil maraming tao sa gym na iyon, may banda pa para mag-cheer sa bawat team at may mga streamer at banner pa ang mga nanonood. ang star player ng isang team ay isang teenager na maganda at rebond ang buhok, na hndi niya tinali or tinirintas. as in nakalugay ito. noong una, tawang-tawa ako, what an inconvenient way to play basketball. pero later on, nalaman ko, siya pala ay shooter! asset siya ng group. sa saglit na naroon kami, nakadalawang shoot siya, imagine.
umupo kami saglit sa bleachers at nakinood sa laban ni miss rebond. enjoy sana kaya lang, si dagat ay kumakawala sa yakap namin at mukhang may balak na manggulo sa pinakagitna ng gym. nakakahiya! e dayo lang kami doon. kaya umalis din kami after some time. namalagi kami sa plaza/park, patakbo-takbo ang mga bata doon, akyat-baba sa mga letters ng letter standee na maragondon. naobserbahan ko ang mga nakatambay sa plaza: mga estudyante na nakasalampak sa lupa (wala nang damuhan), isang pamilya na may mga bata rin sa isang bato na mesa at mga upuan, isang grupo ng mga bading na nagpapraktis ng sayaw sa ilalim ng flag pole, ang isa sa kanila nakapekpek shorts at sa malayo, akala ni papa p ay babaeng long legged, tingin daw siya nang tingin at ang ganda raw kasi ng legs, hahaha! sa labas ng plaza ay nakahilera ang mga trike drivers, nag-aabang sila ng mga magpapahatid sa mga "eskinita" o di kaya ng mga tulad naming luluwas pa nang ganong oras: 8pm. may angel's burger, minute burger, frank burger, chooks to go, 711 at alfamart. sabi ni papa p, anong gusto mo, angel's burger o minute burger, ililibre kita.
di ako maka-decide. feeling ko kasi dapat sa maayos na kainan kami kumain para puwedeng mag-cr or something. so naghanap kami ng makakainan after 30 minutes. wala, naglakad kami nang naglakad palayo sa sentro (sa plaza), hanggang sa nakakita kami ng ihawan na akala namin ay may mga mesa, wala pala, hahaha, so nagtanong na lang kami doon. maglakad daw kami pakanan at may gas station, doon kami makakasakay paluwas ng bacoor. may bus pa raw nang ganoong oras.
yes, wala na kaming balak kumain. dahil sa area na iyon, nakakatakot na ang mga sasakyan: mabibilis na!
on the way sa gas station,nakakita kami ng kainan: olarte pizza. nag-order kami doon. tapos nakakita din ako ng lugawan: mhie at dhie ang pangalan. pumasok agad ako rito, isang lalaking maraming tattoo ang nag-serve sa amin nang umorder ako ng isang lugaw na plain at tokwa. akala ko ay kakainin ni dagat dahil paborito niya ang lugaw, hindi pala. nako nakakainis. pero nakaupo kami doon kaya napahinga nang kaunti. si papa p ay binalikan ang pizza sa olarte at doon na rin namin kinain, sa may lugawan. minadali ko na rin ang pagkain ko sa tokwa. ang lugaw ay ipinabalot ko rin eventually. in between ay nagsasalitan kami ni papa p sa pagsaway kay dagat kasi buryong na ito, labas na nang labas ng lugawan samantalang napakaraming sasakyan na dumadaan nakakatakot. si ayin ay enjoy lang sa pagkain ng pizza habang karga ni papa p. nacurious sa amin si kuyang may tattoo. tinanong niya kung taga saan kami at nang malaman niyang sa bacoor, sabi niya, tumutugtog daw siya doon, sa may bayanan. percussionist pala si kuya, drummer, sa live band at sa mosiko. wow, natuwa ako. artist pala si kuya. na nagtitinda ng lugaw. mukahng business nila ang lugawan na iyon. sayang at wala ako sa huwisyong makipagkuwentuhan dahil nanghihila na si dagat palabas, papunta sa bangketa. sabi pa ni kuya, sa isang araw daw ay tutugtog sila sa silang. sabi ko, friend niya ang vice mayor doon. napatingin lang sa akin si papa p. e wala na kasi akong masabi. lately, medyo disappointed siya kay aidel, kung kailan daw naging politiko ng silang, saka nawala ang advocacy para sa panitikan at local culture. sabi ni kuya, dapat may sasakyan na kayo. sabi ko, ewan ko nga diyan, ayaw mag-aral mag-drive. kung alam lang ni kuya kung gaano ako ka-frustrated sa area na iyan, haha! baka maawa siya sa akin. sabi ni kuya, ano raw ang ginawa namin sa maragondon, sagot namin, wala, namasyal lang. natatawa siya sa amin.
i know weird at baka nga maisip din niya na masasamang loob kami. may bagong motorsiklo kasi na nakaparada sa tapat ng lugawan niya. doon siya tumapat habang nakikipag-usap siya sa amin. nang mag-order din ako ng softdrink, sabi niya ay wala, wala raw kasing delivery. pero later on naisip ko, baka ayaw lang niyang kumuha ng softdrinks sa loob dahil maiiwan mag-isa ang tindahan niya at motor.
well, what do you know, sino nga ba ang di magdududa sa mga turistang lunes ng gabi kung mamasyal sa maragondon? may bitbit pang tsikiting. baka akala ni kuya ay props namin.

Published on January 29, 2019 09:25
Bebang Siy's Blog
- Bebang Siy's profile
- 136 followers
Bebang Siy isn't a Goodreads Author
(yet),
but they
do have a blog,
so here are some recent posts imported from
their feed.