Pinoy Reads Pinoy Books discussion

It's a Mens World
This topic is about It's a Mens World
149 views
Sabayang Pagbabasa > Huling Kuwarter ng 2012: IT'S A MENS WORLD ni Bebang Siy (Moderator: K.D.)

Comments Showing 301-350 of 374 (374 new)    post a comment »

message 301: by K.D., Founder (last edited Nov 22, 2012 01:03PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Phoebe, suwerte naman ng binibigyan ng sukling dapat ay sa iyo. Instant cash!

Jzhun, pabata ka nang pabata. Para lang si Benjamin Button! (tama ba? si Brad Pitt?)

Reev, aling oras kaya sa maghapon ang kadalasang ginagawang dating time? Feeling ko, gabi pa rin. Pero bilang ama, siguro mas papaboran ko kung ang date ng anak ko ay hapon. Para may araw pa! :) Kaso, parang wala pang time mag-date ang anak ko. Buti na lang.

Ika-23 ng Nobyembre: BFFx2

Kuwento ng dalawa o tatlong pagkakaibigan. Si Bebang at si Jocelyn at si Penpen at may nabanggit din syang Sangsang. Ayan na naman ang wordplay. Penpen. Sangsang. Parang may lyrics ng tatlong kanta ng Beatles at di ko alam ang dalawa. Alam ko lang yon: "Some are dead and some are living / In my life / I loved them all..." kasi kanta yan ni Bette Midler! :) Di ko na rin naging paborito ang Beatles kasi generation yan ng kuya ko o sa probinsiya namin noon ay walang FM radio station. Meron lang AM at ang mga pinapatugtog ay Tagalog kaya't lumaki ako sa musika ni Freddy Aguilar, Rico Puno, Imelda Papin, Eva Eugenio, Sharon Cuneta, Hagibis, Asin, VST and Co, Singsing, Dulce, Pilita Corrales, Hotdog, The New Minstrels, Vernie Varga, Jose Mari Chan, Anthony Castelo, Gino Padilla, Keno, Lilet, atbp.

Anyway, kuwento rin ito ng friendships noong elementary at high school. Friends ko ng elementary ay sina Renato at Claro. Allan ang nickname ko noon at tinawag naming C.A.R. ang friendship namin. Sinusulat namin yan sa mga notebook namin. Ang ate ko naman may 6 na friends at tinawag nila ang grupo nila na Chicklets '78. Corny lang. Pero ganyan talaga ang elementary pupils.

Sa college naman, may close friend akong dalawa. Pero di na kami nagkikita at wala akong intensyon na hanapin sila sa Facebook. Wala lang. Wala akong tiyaga. Sa akin kasi, basta mahal (hindi bromance, basta mahal as in mahalaga) ko sila at iniisip ko na lang na kahit nasaan sila, yong memories ng friendship naroon lang at siguro balang araw magkikita-kita ulit at naroon pa rin ang friendship. Kung hindi naman magkita-kita ulit, basta nasa isip (at nasa puso) ko ang mga kaibigan kong iyon. Palagay ko nasa America ang mga iyon. Pero dahil di ko sila nakikita, sa isip ko, ganoon pa rin ang hitsura nila.

Bakit ganoon? Pag may nakita tayong (after so many years) dating classmate sa elementary o high school, nagugulat tayo at sinasabi sa sarili nating: "ay, ang tanda na nya!"

Pero di natin alam na ganoon din ang sabi sa atin. Di lang nga natin sinasabi kasi di magandang unang bati yong: "ang tanda mo na!" o "ay, ang taba mo!"
:) Kasi masakit yon! :)

Kayo, kumusta ang mga close/best friends ninyo noong elementary at high school? Nagkikita-kita pa ba kayo?


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Iyong mga friends ko nuong elementary at HS karamihan ay na sa ibang bansa na busy mode na sila duon pero malaki ang pinagbago nila kasi dati silang hindi nag-aaral pero ngayon ang sisipag nila magtrabaho at malaki ang pag-unlad sa kanilang buhay sa ibang bansa kung may ganoon din programa ang ating bansa di sinsana'y marami nang mahihirap sa atin ang may magandang pinagkakakitaan at mas marami ang mananatili sa ating bansa.


message 303: by Louize (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) Pahabol!!!

First Date:
Sasagutin ko na lang ang mga tanong ni KD. Kasi 1st date, 1st BF, at 1st lahat ang hubby ko.

Mga Tanong:
1) Kayo, saan kayo nag first date? Bakit?

McDonald's Remar, Cubao. Para maiba naman; sa Unibelt kasi kami nag-aaral, kaya h'wag na doon. Tsaka, may maliit na bookstore noon sa loob ng AliMall, nag-alok s'ya na bilhin 'yung The Wolf and the Dove ni Kathleen Woodiwiss. Isang linggo ito pagkatapos ng birthday ko.

2) Saan ang inyong first kiss?
Hinatid n'ya ako sa bahay, pagkatapos ng Christmas School Dance.

3) First love ba ninyo ang inyong first date?
Oo.

4) Sinong nagbayad?
Si Mardie. Matagal n'yang pinag-ipunan 'yun kasi nga birthday ko, at estudyante pa lang kami noon.

5) Ang first date ba iyon ay nagkaroon ng second date, third, etc.?
Maraming marami, hanggang Honeymoon. LOL


message 304: by Louize (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) Ang Piso

Noong Grade 1 ako, Piso ang bayad sa school bus. 'Yung kulay-Mongol at malalaking bus noon. Oo, piso kada sakay noon, kasi minsan may sundo ang mga bata. Hindi katulad ngayon na monthly ang bayad, sumakay ka o hindi. At dahil salbahe ako, hindi ako sumasakay sa school bus kahit may piso akong pambayad. Sa dyip ako sumasakay, mula Paco hanggang Legarda. Sa dyip kasi .25 centavos lang ang pamasahe; may Santa orange at Sunflower biscuit na ako sa piso. Minsan may magic pencil pa, kapg naka-ipon. Halos isang taon akong ganoon, halos pitong taon pa lang ako. Kaya lang nabuko ako nang makasakay ko ang kapitbahay namin sa dyip, at nagsumbong sa Mama ko. Pumayag naman s'yang mag-dyip ako, kaya lang hatid-sundo na ako ng kasama namin sa bahay. Doon na natapos ang maliligayang araw ko, at nang extrang Piso.

Lahat naman yata ng bus commuters nakaranas na ng hindi magandang experience sa iba't ibang kaparaanan. Bagay na bagay ang katagang "Haragan ng Kalsada." Ma-aksyon sa labas at loob nito. Ang di ko makalimutan na experience sa bus ay hinid ako pinagbabayad sa GLiner kapag sumasakay ako noong bata ako. Siguro akala ng kundoktor kasama ko 'yung katabi ko.


message 305: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po, tama ka. Kung may magandang trabaho lang dito, disin sana'y di na aalis ang mga magulang ng mga bata upang kumayod sa ibang bansa. Kawawa na naman. O kawawa nga ba? Sino ba sa inyo ang mga batang ang mga magulang ay nasa ibang bansa upang magtrabaho? Alam ko si Paolo Kuhelyo pero parang wala sya dito sa diskusyon.

Louize, nakakatuwa. Isa kang anak mayaman kasi may school bus ka. Pero pasaway ka at nagdyi-dyip pa rin. Cute!!! Sarap mong kutusan (kung ako ang tatay mo) LOL.


message 306: by Louize (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) K.D. wrote: "Louize, nakakatuwa. Isa kang anak mayaman kasi may school bus ka. Pero pasaway ka at nagdyi-dyip pa rin. Cute!!! Sarap mong kutusan (kung ako ang tatay mo) LOL. "

Sa totoo KD, hindi kami mayaman (wish ko lang), kaya nga nanghihinayang akong ibayad 'yung Piso sa school bus. Kaya lang, kagaya ng ibang magulang, gusto ng Mama ko na safe ako sa pag-uwi. Atsaka, siguro dahil ayaw ko rin 'yung mga kasabay ko sa school bus. Kinakain kasi nila kapag uwian ay Chippy at Cheese Curls. Ako na ang inggitera!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments 'Nay Louize, saan kayo sa Paco dati? Ako'y dating natira sa La Purisima, isang kanto sa tinatawag nilang Kapampangan (ewan ko kung ito rin ang tawag niyo roon dati) na talipapa na malapit sa ilog.

Magandang Umaga po! :)


message 308: by Louize (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) Ay, taga-Legarda, Sampaloc kami noon. Sa Paco Catholic School ako nag-elementary. Hindi ako masyadong pamilyar sa mga lugar sa Paco, maliban sa palengke at sa bilihan ng mga furniture doon.


message 309: by Apokripos (last edited Nov 22, 2012 07:41PM) (new) - rated it 4 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ikalabing-walong Sanaysay: BFFX2


Kuro-kuro ni Kukurukoko:
Sa tuwina, lagi rin ako napapaisip kung ano na nga rin ba ang nangyari sa ilan sa mga kaibigan ko noong elementarya. May ilan na ilang kanto lang ang layo ng bahay mula sa amin at kung minsa'y nakakasabay sa dyip.

May partikular akong kaibigan noong Grade 5 hanggang 6, si Ricky. Sanggang-dikit kumbaga at lagi kaming magkasama n'yan. Sabay kaming naglalaro ng sipa sa tanghali bago ang klase (pangahapon kasi ang mga Grade 5 ano man ang seksyon), kaya pareho rin kaming amoy araw kapag dinatnan. Naglalaro rin kami at nagpapalitan ng mga nakulektang tau-tauhang Power Rangers na pinaglalaban-laban namin kasama ang kanilang kaaway tulad sa paborito naming TV show sa channel 2.

Hindi ko makakalimutan si Ricky, kasi katabi ko siya noong grumadweyt kami (nakahiwalay kami sa aming magulang sa aming setting arrangement) tapos bigla na lang siyang naghahagulgol. Basta di ko alam kung bakit. Sabi niya tears of joy daw. Sabay tinawanan ko, at nagtawanan na kami.

Matapos ang seremonyas ng pagtatapos naging busy ako sa paghanap ng mataas na paaralang papasukan kasama ng pag-atupag sa mga requirements para sa completion ng elementarya — na kalamita'y hihingan ka ng titser ng ilang kahon ng Liwanag floor wax, bahala ka na kung red o white.

Nang unang buwan ng First Year ko, bigla kong naalala si Ricky. Nasaan na kaya siya? Saang high school kaya siya pumasok? Hanggang ngayon di ko pa rin alam ang naging kapalaran ni Ricky. Tulad ng karanasan ni Bebang, wala akong ibang alam sa kanyang buhay maliban sa namataan ko ang kanyang Nanay noong gradweysyon na kamukha niya.

Kamusta na nga kaya si Ricky?


message 310: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Louize, ganyan nga ang reklamo ng anak ko noong maliit pa sya. Pag may pagkain ka raw sa bus maraming humihingi. Kahit kendi na galing sa bibig mo, pag trip ng ibang bata, ipapaluwa sa iyo hahaha. Eh pag ikaw ang pinakamaliit ate o kuya mo lahat ng nasa higher grades. Tapos siksikan sa school bus. Pero bilib ako sa iyo. Ang anak ko ay 3rd year high na sumubok mag-commute. Ayaw namin syang mag-commute noong 1st and 2nd year high school kasi iba na ang panahon ngayon. Pero noong maranasan nyang mag-commute, mahirapan yata. Kaya the following year ay school bus ulit sya.

Jzhun, may nobelang ganyan. Parang "Nasaan si Ricky?". Dalawang nobelang tagalog sa isang libro. Ricky - sinong Ricky ba ito? Baka yong Ricky na nabugbog ng call boy na isa sa mga power rangers noong araw?


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Jzhun, may nobelang ganyan. Parang "Nasaan si Ricky?". Dalawang nobelang tagalog sa isang libro. Ricky - sinong Ricky ba ito? Baka yong Ricky na nabugbog ng call boy na isa sa mga power rangers noong araw"

Haha! :D

Ito ata 'yong nobelang sinasabi mo Kuya D.!

Kung Wala Na Ang Tag-Araw / Ano Ngayon, Ricky? by Rosario de Guzman-Lingat


message 312: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayan nga, meron akong kopya nyan!


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Naalala ko tuloy yung bestfriend ko nung mabasa ko to!

Ever since grade 4 kami bestfriends na kami. Kahit hindi kami masyadong nagkikita ganun pa din samahan namin. Naalala ko pa na naging magbestfriend kami kasi parehong 24 ang bday namin at paborito namin si Angelu de Leon sa TGIS! haha


message 314: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Cute yang si Angelu de Leon. Nakakasabay ko dati sya sa Slimmer's sa Ali Mall. Mga early 90's. Tapos yong isang guy sa TGIS naman ngayon sa Fitness First sa Wynsum. Nakita ko sya minsan nagbibihis, may salompas sa likod. Wala lang time flies at mukhang mas matanda ako sa kanya pero di ko pa naranasang maglagay ng salompas sa katawan ko.


message 315: by Phoebe (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments KD: mahirap lang kasi sumakay pag gabi nakakaparanoid pa minsan haha

BFFx2
Nung gradeschool wala akong kaibigan. Ako kasi yung taong hindi niyo nakikilala, yung tipong di nakakausap at yung kaklaseng kilala lang sa pangalan. Introvert kasi ako (hanggang ngayon pero unti-unti ko nang binabago ang aking sarili). Pinipilit pa ko ng teacher ko noon na makipaghalubilo, sa loob loob ko naman ay iritang irita ako! Ayun grade 6 ang una kong true friend, si Joanne, tapos noong graduation iyak ako nang iyak. Umalis kasi siya, papuntang Saudi.
Noong highschool, sa awa ng Diyos, nagka 3 akong kaibigan na hanggang ngayon ay nagkikita-kita pa kami. Tapos nadagdagan pa kaibigan ko nung College. :D


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Feevee, kaibigang madaragadan pa dahil sa pag-sali mo sa PRPB! Yey! ^.^


message 317: by Phoebe (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments jzhunagev wrote: "Feevee, kaibigang madaragadan pa dahil sa pag-sali mo sa PRPB! Yey! ^.^"

tama! isa sa mga dahilan ko kung bakit ako sumali :D
(feevee talaga? haha)


message 318: by Reev (new) - added it

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Reev wrote: "Pahabol sa usapang "First Date"...

Hindi ko alam kung san ko nabasa, narinig o natutunan ito pero may sense naman at fool-proof sya—yan ay kung hindi ikaw yung fool. :) Anyway...

Mas maganda ang ..."


Btw, First Date tips lang yan pag hindi pa kayo ha. Pag FIrst Date ng mag-irog na, aba'y kung ako ang tatanungin...gusto ko breakfast pa lang magkasama na kami...hanggang midnight snack. :)


message 319: by Josephine (last edited Nov 24, 2012 01:33PM) (new) - rated it 5 stars

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Ikalabing-walong Sanaysay: BFFX2

Kagaya ni Phoebe ay hindi rin ako palakaibigan at mas lalo namang hindi ako nagsasalita. Ngunit sa hindi malamang dahilan, maliit pa ako ay pinupuntahan na ako ng ilan sa mga bata na kapitbahay namin saka ilan sa mga kaklase ko. Siempre alangan namang paalisin ko sila... ang naaalala ko, nakikinig lang ako sa mga kwento nila, at nakikipaglaro kapag nasa mood.

Ang una kong best friend - si Jihan - di pa yata kami nagsasalita, may mga larawan na kaming dalawa. Lagi nya akong pinupuntahan sa bahay - noong una ay para makipagkwentuhan, noong lumaon, para tulungan ako sa gawaing bahay.

Sobrang swerte ko sa mga kaibigan, gaya na lang ni Jihan, mula noong masilip nya sa sala namin at makita nyang nakabitin patiwarik ang isa sa mga pinsan ko habang kaming iba pang mga bata ay nakatingin - ay hindi talaga ako pinabayaan kahit kailan. Kapag kailangan ko ng uniporme, o ng libro - binibigyan nya ako - mas matanda kasi sya ng isang taon sa akin kaya sa akin napupunta ang mga aklat nya. Noong nasa kolehiyo ako, pinadalhan nya ako ng pera buwan-buwan sa loob ng isang taon dahil nagthe-thesis na ako noon at ang allowance ko sa scholarship ay hindi sapat.

Napakarami kong kwentong kaibigan kaso parang hindi magkakasya rito saka aabutin ako ng siyam-siyam sa pagkukwento haha. Pag kailangan ko ng driver, andyan si Liv at si Amber kahit saan ako magpunta pwede kong hatakin. Noong ako ay maglayas sa bahay ng tatay ko at bumalik ako para sabihin sa kanila na di na ako babalik, andyan si Mhy at si Gadiel - literal na sinamahan ako para makipag-usap sa tatay ko. Hindi sila natakot kahit kilala nila ang tatay ko at alam nilang masyado itong intimidating. Andyan din si Belle na naniniwala sa talento ko, at si Len, si Adrian, KimKath, Rey, AlvsYen, EnJane, at marami pang iba.

Iisa lang ang common ground nila: di sila nagsawa na puntahan ako sa bahay/apt/dorm para kausapin ako at yayaing lumabas. Kahit na hindi ako ganoon sa kanila. Nagising na lang ako isang araw na di ko na pala kayang mabuhay na wala sila dahil sobrang naging parte na sila ng buhay ko. Di naman sa ayaw ko kapag dinadalaw nila ako noon, kaya lang dahil sa mga nangyari sa akin noon ay para bang hindi ako interesado sa mga tao. Buti na lang, I was too polite to tell people to get lost. LOL. Otherwise, I would've found myself alone and I would've lost such precious, precious people.


message 320: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Reev, definitely hindi na first date yong maghapon magkasama at aabutin pa ng midnight. Di ba tanan na yang sinasabi mo?

Jho, teka, bakit naman ibinitin ng patiwarik ang pinsan mo?

Nakakatuwan naman na may mga taong mahal na mahal ka kahit hindi mo naman lubusang nire-reciprocate ang mga efforts nila sa yo. Base ito doon sa sinabi mong pinupuntahan ka sa bahay/apartment/dorm para yayaing lumabas kahit hindi ka ganoon sa kanila. Buti hindi sila nag-isip na laging ikaw na lang ang nililibre. Sila na nga ang tunay na kaibigan, sapagka't nagbibigay ngunit di naghihintay ng kapalit. Suwerte ka.


message 321: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ika-25 ng Nobyembre: Emails

"Masarap ang buhay kahit gaano ito kakomplikado o kahirap. Ang mga bagay tulad ng sakit na nararamdaman 'pag may nawala sa buhay natin e, dapat pa nga yatang i-celebrate. Dahil ibig sabihin nito ay nagmahal tayo. At 'yon lang naman 'ata talaga ang nagbibigay ng halaga sa buhay."

Para sa atin ito ang parting words ng libro. Parang conclusion ba. Di mahalaga sino si Alvin at ano siya sa buhay ni Bebang (Hinala ko BFF sila at nagkaroon ng tampuhan. Tapos si Alvin eh beki dahil muntik nang tumili dahil sa daga).

Di na rin mahalaga sino si Genesis. Baka ito yong asawa ng sister ni Alvin. Magkakapisan sila sa bahay. Caretaker si Alvin. Tagapag-alaga ng matatanda.

Para sa akin, gusto lang sabihin ng kuwento na may mga pangyayaring masakit (pagkamatay, pagkakasakit, o pagkawala ng direksyon sa buhay) ngunit ang mga ito ay may dahilan. Kahit gaano pa man kasakit dapat nating tanggapin at patuloy na umasang gaganda muli ang takbo ng atin buhay at magkakakakulay muli ang ating hinaharap.

Mga tanong ko:
1) Agree ba kayo sa lesson na sinasabi ko? O may iba kayong pakahulugan sa huling kuwentong ito?
2) Sinu-sino ang namatay sa pamilya o kaibigan ninyo na labis ninyong dinamdam? Bakit?
3) Kung kayo ay nasa ibang bansa, kailang kayo huling umuwi sa Pilipinas? Bakit?

Yon lang. Yehey! Tapos na natin ang libro. Sa mga tatlong huling araw at sa unang kalahati ng Disyembre, puwede pa ring mag-post dito yong mga gustong humabol sa diskusyon. Ang susunod na aklat ay uumpisahan nating pagusapan sa Bagong Taon, ika-1 ng Enero, 2013. Naghahanap ako ng moderator? Sinong may gusto? Malamang "Agos" na ito.


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kuya Dims, hindi kaya si Alvin Yapan 'yang kausap ni Bebang sa email.

Matanong nga si Binibining Bebang kung bakit niya isinama ito, at sa huli pa.

Si Ayban ang iminumungkahi kong maging pinuno sa ating pagtalakay sa Mga Agos sa Disyerto. Yey! ^.^


message 323: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayban? Hala, Ayban, nominated ka na!


message 324: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Ayban? Hala, Ayban, nominated ka na!"

Kailangan ko na pala bumili ng Agos.
Magkano nga po yung libro, Amba?


message 325: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Di ko maala-ala. Pero parang P250 yata. Newsprint.


message 326: by Phoebe (last edited Nov 25, 2012 08:02AM) (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Josephine: ang babait naman ng mga kaibigan mo. answeet :D

Emails
Nahirapan akong intindihin agad ito haha 2 beses ko pa binasa. Parang nagbabasa kasi ng bawal, parang chismosa na third party

1) sang-ayon naman po ko

2) Sinu-sino ang namatay sa pamilya o kaibigan ninyo na labis ninyong dinamdam? Bakit?
Yung lolo ko. Siya na kasi yung super close kong lolo, paborito rin ako nun dati. Nai-spoiled pa ko dati at lahat ng trip niya ako yung sinasama niya. Ako rin taga timpla niya ng kape. Tapos kapag pinapagalitan ako, inis na inis ako. Pero nung nawala siya, na-miss ko yung nagagalit siya sa kin. Nung inililibing na siya, ako yung humahagulgol talaga. Dun ko lang narealize na di ko na siya makakausap, di na makakapagkwentuhan at di na makikita.

Yey~ tapos na
nakakatuwa rin yung pasasalamat :D

Salamat sa daddy ko, meron na ko nung Agos :)


message 327: by Josephine (last edited Nov 25, 2012 05:01PM) (new) - rated it 5 stars

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Phoebe wrote: "Josephine: ang babait naman ng mga kaibigan mo. answeet :D

Emails
Nahirapan akong intindihin agad ito haha 2 beses ko pa binasa. Parang nagbabasa kasi ng bawal, parang chismosa na third party

1) ..."


@Phoebe Salamat! Oo nga... sobrang sweet sila and more... sobrang swerte ko sa kanila. On another note, itanong ko lang sana kung saan nabili ng daddy mo ang Agos.

@K.D. Yung tiyuhin ko kasi, mahilig mambugbog. Pag meron syang hindi magustuhan, namamalo sya, pag minalas-malas ka, nanlalatigo sya gamit ang kawad ng kuryente. Minsan naman, may variety, nambibitin sya patiwarik, o minsan, nilalagay nya sa sako ang pinsan ko, o di kaya ay itinatali nya sa poste sa sala namin habang nilalatigo. My youngest cousin was only four years old when all this started. Kaya mahal na mahal ako ng best friend ko, na-witness nya na nakabitin yung pinsan ko. Aksidente lang nyang nalaman, di naman kasi ako pala-kuwento noon. Nagtataka kasi sya kung bakit alas dos na ng hapon, sarado pa rin ang buong bahay namin. E may parte ng bahay namin na may disenyong butas ang semento namang dingding, sumilip sya doon at sobrang nagulantang sa nakita. [I think this incident changed her life immensely, suddenly she had so many fears in life, and most of all, it's as if she took it upon herself to take care of me. My only regret is that because of this incident, she was forced to grow up alongside us (she was only 11 at the time, the only person outside of that house to ever see what was really happening inside)].


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Miss Jo, magkuwento ka naman about your first date! Yiiheee! :D

(view spoiler)


message 329: by Apokripos (last edited Nov 25, 2012 05:34PM) (new) - rated it 4 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Sa mga ngyon pa lang nagbabasa ng It's A Mens World, maari pa kayong makahabol!

At kung may mga tanong kayo sa may-akda, inaayayahan namin kayong dumalo sa Meet and Greet Bebang Siy: the First Date Walking Tour!

Yey! ^.^ Limang borlogs na lang magkikita na tayo! Partey! Partey!




message 330: by Josephine (last edited Nov 25, 2012 05:53PM) (new) - rated it 5 stars

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments jzhunagev wrote: "Miss Jo, magkuwento ka naman about your first date! Yiiheee! :D

[spoilers removed]"


@jzhunagev, haha! Natawa naman ako. Okay lang, in-skip ko to kasi, di ako sure kung sino ang first date ko. Yung isa sa mga blocmate ko ba o yung isa sa mga brod ko. Ugh. Sorry man. Lol. Pero sa palagay ko, yung isa sa mga brod ko noong college ang first date ko.

Sobrang malulungkutin ako noong college dahil andami kong issues sa buhay, kaya naman tulog lang ako kung hindi nagbabasa. At dahil nga lagi lang naman akong nasa kuwarto sa dorm ko, at hindi talaga ako palasalita, one time, pagbaba ko na lang sa lobby ng Women's dorm, nalaman ko na may flowers na naghihintay sa akin galing sa brod ko at niyayaya akong manood ng movie [Evita]. At yung isa sa mga sis namin ang umoo para sa akin, dahil nga tulog ako noong dumating si Kuya, LOL. Dahil umoo ang sis namin para sa akin, sumama ako. Just to set the record straight, I have nothing against him, wala pa lang talaga sa isip ko ang romance noon dahil nga marami akong issues sa buhay.

Sa SM Megamall yata kami nanood ng sine dahil ang bukod-tanging sinehan lang sa UPLB noon ay lumang luma na at puro surot na para bang isang pirma na lang nila ay guguho na yung building. Anyway, he was very nice to me and he insisted on paying for everything, from our lunch in Kenny Roger's [he chose my food--baby back ribs with muffins and salad and the works] to the movie and fare. He even bought the soundtrack of the movie for me. Kaso, dahil nga emotionally stunted pa ako at that time, sobrang awkward ng date, di ako nagsasalita pwera na lang kung may questions sya tapos sobrang iksi pa ng sagot ko.

[Just imagine a female version of Mr. Stevens on "The Remains of the Day" on a date. LOL! ^_^]

Anyway, feeling ko yan ang first date ko. Pag hindi ay yung blocmate ko na lagi akong kinukulit and I thought that the only way he would stop is if I said yes so I did. We watched a movie-I forgot what-and I forgot where. The only thing I remember is that I fell asleep inside the cinema paggising ko, credits na. LOL. Tapos nagdinner kami sa KFC. Unless our groupdate with his roommate counts, I think this is our first date. [Yung mga group date na yun, darating sya madalas sa dorm, kasama ang mga roommate nya at yayayain nila akong magdinner. At dahil ayoko naman na ako lang ang girl, yayayain ko naman ang mga friends ko na girls and we will all go together. Noong nagtransfer na sya sa Diliman, his roommates would still go to my dorm every Thursday of the week and ask us out... this went on until we all graduated. To date, I'm still friends with these guys, and we still go out occasionally, the latest was when we went to Iloilo last October for the wedding of one of our friends. We treat each other as family.


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Nakakakilig naman ang first date mo, Miss Jo (kahit tamihik ka). :D Thanks for sharing!

(view spoiler)


message 332: by Josephine (last edited Nov 25, 2012 06:05PM) (new) - rated it 5 stars

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments jzhunagev wrote: "Nakakakilig naman ang first date mo, Miss Jo (kahit tamihik ka). :D Thanks for sharing!

[spoilers removed]"


@jzhunagev haha, you're very much welcome and thanks as well for wanting to know. Tsinek ko yung mga movie ni John Travolta and apparently nauna nga yung date ko with my blocmate [dahil nauna ipinalabas ang Michael-December 1996 kumpara sa Evita na Feb. 1997] kaso dahil siguro seryoso ang brod ko talaga sa akin, at the back of my mind, I considered him my first date. Sobrang nahihiya nga ako sa kanya, he was such a gentleman, good-looking, intelligent [magaling sa Math. which most definitely I'm not], and way much more fair-skinned than me, lol. To date, I still feel a bit guilty because I think I treated him badly although at the same time, I can't help being the way I am.


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Josephine wrote: " To date, I still feel a bit guilty because I think I treated him badly although at the same time, I can't help being the way I am."

Siguro, sa lalaking tunay na nagmamahal, maiintindihan 'yon. Yihheee! (Okay, masyado na talaga akong intrigero) :D


message 334: by Phoebe (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Josephine wrote: "@Phoebe Salamat! Oo nga... sobrang sweet sila and more... sobrang swerte ko sa kanila. On another note, itanong ko lang sana kung saan nabili ng daddy mo ang Agos. "

Naku po, yung daddy na binanggit ko ay yung nakabunot sa kin sa kris kringle. Hindi ko pa siya kilala. *ahem*
yung nakabunot sa kin, pa-PM mo po kay Ms. Jo :)


message 335: by Josephine (last edited Nov 25, 2012 06:44PM) (new) - rated it 5 stars

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments jzhunagev wrote: "Josephine wrote: " To date, I still feel a bit guilty because I think I treated him badly although at the same time, I can't help being the way I am."

Siguro, sa lalaking tunay na nagmamahal, maii..."


@jzhunagev Haha! Salamat, salamat! That eases my mind off a bit. ^_^

Emails

Mga tanong ko:
1) Agree ba kayo sa lesson na sinasabi ko? O may iba kayong pakahulugan sa huling kuwentong ito?
Agree ^_^

2) Sinu-sino ang namatay sa pamilya o kaibigan ninyo na labis ninyong dinamdam? Bakit?
Marami... feeling ko nga noon, lahat na lang ng mahal ko nawawala.

Una na lang ang Mommy ko. Namatay sya sampung araw pa lamang mula noong ako ay kanyang ipinanganak. Feeling ko, kahit lola na ako ay daramdamin ko pa rin ito. Hindi naman araw-araw haha. Pero kasi, iba pa rin ang may nanay.

Ikalawa ay si Kuya Tito. Sya ang nagsilbing tatay ko habang lumalaki kami. Sobrang bait nya sa aming mga bata. Madalas nya kaming ilabas at pakainin ng halo-halo -- kasama ang best friend kong si Jihan at ang pinsan kong si Vincent. Namatay sya noong grade four ako [9 yrs old], dahil napagdiskitahan at nasaksak ng addict.

Ikatlo ay ang lolo at lola ko - sila ang nagpalaki sa akin. Namatay sila noong 10yrs old ako, marahil ay dahil matanda na rin sila. Mahal na mahal ko sila at kahit hindi sila masyadong nagsasalita ay ramdam ko naman na mahal na mahal nila ako.

Ikaapat ay noong mamatay ang pinsan ko na laging binubugbog. Hindi talaga ako iyakin noon, kaya kahit noong namatay sina Nanay at Tatay at si Kuya Tito ay hindi ako umiyak. Ma-pride akong tao so I kept it all in. Pero noong namatay ang pinsan ko, pakiramdam ko, sukdulan na. Pakiramdam ko, sobrang unfair na talaga ng buhay sa akin, sa amin. Kasi, hindi nya deserve na mamatay nang hindi man lang nararamdaman kung paano maging masaya at mahalin ng kanyang mga magulang.

His death gave me nightmares for weeks. And while I never truly cried while I was awake--at night--I would dream about how he was being beaten in the past while the rest of us would simply look on and I would wake up with a start, crying. This only ended when one night, I dreamed about him saying that I shouldn't worry about him anymore because he was already happy and that he was with my mom already and that she would take care of him.

Ikalima ay noong mamatay ang brother-in-law namin. Sobrang biglaan, masakit dahil talagang kapatid ang turing ko sa kanya.

Ikaanim - few weeks after mamatay ng brother-in-law ko, nakunan naman ako sa panganay namin. The feeling is simply indescribable.

Ikapito - just this year, a friend of mine passed away. Masakit kasi andami kong regrets - ang hindi ko sya na-meet in person for one. Ikalawa, kakakilala pa lang namin this year, bakit naman kinuha sya agad sa akin. He was a unique person, a force to be reckoned with. Napapatawa nya ako at napapagaan ang loob ko tuwing naguusap kami. Sobrang strong ng personality nya, nagkasundo kami dahil pareho kami ng advocacy at hilig sa buhay and mainly because he understood me, and most of all--he truly cared.

In the end, I can only surmise that such is life. We lose people who are dear to us but new ones will come into our lives; and while they can never replace the ones we lost, these people can help us deal with the pain that comes with that loss.


message 336: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jho, salamat sa pagbabahagi ng mga personal na istorya ng buhay mo. Kung narito ka lang sa tabi ko, siguro I would have given you a hug. Sobrang nakaka-touch yang mga sharings mo. LOL.

sige na nga *group hug* na. LOL.


message 337: by Ingrid (new) - rated it 4 stars

Ingrid (gridni) | 157 comments Habol-habol din!

Naisip ko lang na kaiba dun sa mga nauna, dun sa kwento ng Ang Aking Uncle Boy, naisip ko kapatid ko. Kung mauutangan ko ba siya ng ganun kalaking halaga sa hinaharap kung kinakailangan, o kung pauutangin ba niya ako. So complicated relationship. HAHAHA.

Sa ibang kwento, di ko na alam kung anong sasabihin, hehe
:)


message 338: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ika-27 ng Nobyembre: Pasasalamat

Nagkomento si Phoebe na maganda ang pasasalamat so binasa ko ulit ngayong umaga:

EJ (Sean Elijah) - ang anak ni Bebang. Di na nya binanggit ang pangalan ng ama. Hindi kaya Michael? :) Naiintriga lang ako nasaan na si Michael? Akala ko tuloy si Reev at si Michael ay iisa!

toothbrush - feeling ko, naghiraman talaga sila. Kasi noong tina-type ni Bebang ito, sumagi yan sa isip nya!

Ronald Verzo - hindi ito si Michael. Kasi mukhang mabait at kelan lang niya nakilala. Hindi rin ito si Alvin kasi di takot sa daga

Sir Rio Alma - ang makata! Yay! Makonsiyensya tayong di pa nakakabasa ng alin man sa sandamakmak na libro nya.

Mam Karina A. Bolasco ng Anvil - ito siguro yong kasama ni Bebang sa awarding during Readercon.

Sir Jun Balde - na meet ko na rin sa Readercon. Magaling tumula! Pero di pa rin ako nakabasa ng aklat nya. Nakakahiya talaga.

Alvin Buenaventura - parang hindi si Alvin na takot sa daga kasi boss nya eh. So andito sa Pilipinas at wala sa Canada.

Binanggit din sina Jun Cruz Reyes, Efren Abueg, Eros Atalia at ang mga "kababata ko sa Ermita." Wala si Michael. Nasaan na kasi si Michael? :)


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kuya Dims, si Ms. Gwen Galvez po ang kasama ni Binibining Bebang noong Reader Con. Siya po ang Marketing Manager ng Anvil habang si Karina Bolasco naman ang General Manager. Natural talagang dapat pasalamatan dahil kung hindi nagtiwala at sumugal sa di matatawarang talento ni Ms Bebs, e, di mailalathala ang libro.

Isang barangay nga ata ang pinasalamata ni Bebs sa kanyang Pasasalamat. Haha! :D


message 340: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat sa pagtatama, Jzhun. Ikaw na talaga ang miyembro ng inner sanctum ng mga manunulat!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ako po kasi ang alila ng manunulat at patnugot. Alipin sa guilid-guilid. Haha! :D


message 342: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ikaw na ang dakilang alilang makikinig sa mga paguusap nila. Kalaunan, magiging mas magaling kaysa sa kanila. May ganitong mga kuwento.


message 343: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pagsasara ng Diskusyon:

Ngayong linggong ito ang huling paguusap ng grupo tungkol sa napakagandang aklat na ito ni Bebang Siy. Ngunit hindi natin isasara ang thread na ito. Papanatilihin nating bukas para sa mga magbabasa pa at gustong makipaghuntahan sa atin.

Para sa linggong ito, isu-summarize ko ang ilan sa mga tanong na sinagot ni Bebang Siy noong Sabado, Dis. 1.

Tapos isu-summarize ko ang mga participation ng mga miyembro at bibigyan ko ng kaunting premyo ang tatlo sa mga pinaka-aktibong lumahok sa online discussion. Ito ay upang bigyang pugay ang nagpumilit na makatapos at ang mga ubod tapang na nag-bahagi ng kanilang mga karanasan sa buhay. Mga katapangang punukaw ng aklat ni Bebang Siy.

Okay? So puwede pang humabol. Kahit sa aling topics or chapters ng libro. Sagutin ang mga tanong at mag-share ng kanyang mga personal na karanasan.

Ngayong linggo na lang!!!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Nakalimutan kong itanong noong Dis. 1 kung bakit may "daw" iyong pamagat ng "Sa Ganitong Paraan Daw Natepok si Kuya Dims". Hehehe... :D

Pati pag-iisip ko ata natepok ng mga oras na 'yon.


message 345: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo nga. Itanong mo pagdating ng next discussion. Maglalaan tayo ng oras para sa pagpirma ni Bebang sa mga libro ng newbies.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments may mga gusto rin akong itanong...


message 347: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, sa Pebrero na yang mga tanong mo, Po. Alam ko, di sasagot si Bebang dito. Mas gusto nya ang harapang pagsagot.

Kahit sa summary ng mga sagot niya noong Sabado, hindi ko masyadong ee-elaborate. Kasi, baka makapagsabi ng spoilers tapos may lurkers na balak bumili at magbasa ng libro so baka mawalan ng gana. Bitin pa rin ang summary ko. Para lang talaga doon sa mga lumahok sa online discussions tapos hindi nakarating unfortunately noong Sabado.


message 348: by K.D., Founder (last edited Dec 04, 2012 07:30AM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ito na, yong mga naala-ala ko pang mga tanong at mga sagot (hindi verbatim) noong Sabado, ika-1 ng Disyembre 2012:

Nasaan na si Michael?
Di na sila nagkikita. Mahirap lang pala si Michael. At hindi ito ang tunay nyang pangalan. Parang yong mga kaibigan mo noong bata ka pa di ba? Parang na outgrow mo na sila.

May sexual meaning ba ang "Pinyapol?"
Sabi ni Bebang: Wala. Pang-Mingaw ka, K.D. ha? hehehe

So, napaano ka sa "Hiwa?"
Baka may namantsahan lang daw siya ng dugo ng kung ano noong mahulog. Sobrang dami raw nagte-text at email kay Bebang dahil sa kuwentong ito.

BTW, nakilala namin ng personal si Di Pe o John na pangalawang kuya ng daddy ni Bebang. Doon mismo sa tindahan na nabanggit sa "Super Inggo."

Ang "Marne Marino" ay ilalabas na libro ng Anvil (kung di ako nagkamali ng dinig).

May metaphors ba sa "Sibuyas?" Remember ang sibuyas at patatas?"
Sagot ni Bebang: Actually, ang bata roon ay si EJ at ako yong nanay. Kaso, parang off sa libro dahil biglang grown up na ang POV ko. Kaya pinapalitan ng editor.

Uncle Dims...
Marami rin daw nag-email at nag-text sa kanya na kinukuwento ang kanilang mga similar experiences. Parang may mga Bantay Bata pa o Gabriela. Pero lumabas lang na marami palang ganito at pangkaraniwang kaso lang kasi hinipuan lang daw sya at di naman ni-rape.

(Yon lang di na kami nagfollow up question. Nahiya naman kami).

Anong ibig sabihin ng tulang "Nakakapagtakang Nagtaka Pa?"
Reaction ni Bebang: Si K.D. ay di sanay sa action poetry (not sure kung tama ang dinig ko). Parang pingpong ito. Papalit palit. Palipat lipat.

(Oo nga haha. Hayaan mo, Beverly, magbabasa na ako ng maraming poetry books).

BTW, ngayon ko lang nabasa ito. Habang nire-rebyu ang libro. Ay, may dedication palang sinulat dito sa libro ko (kasi pinapirmahan ko) si Beverly.

Ibabahagi ko lang sa inyo:

Mahal kong K.D.,
Sobrang pasasalamat ang alay ko sa iyo. Napakalaking task itong pag-oorganisa ng grupo at lalo na ang First Date natin. Then ... Super tagumpay! Congratulations! Paa sa panitikan, para sa bayan!
Love,
Bebang


(Ako na! hehehe)

Si Jocelyn ay di iyan ang tunay nyang pangalan para protektahan siya.

Si Alvin ay hindi gay or bi kahit takot siya sa daga. Hindi rin siya si Alvin Yapan. Siya ay ikakasal na this year. Naging close sila ni Bebang noong nag-abroad ito. Dati parang usual friends lang.

Ayon na. Yon lang ang mga natandaan ko. Ako na isang operado hahaha. Chos. Basta di ko ikukuwento lahat para next time ay sumama kayo kasi puwede pa ring pagusapan ang libro kung may katanungan ang mga miyembro sasali sa Walking Tour 2. (Peb 17 sa Las Pinas). Baka pati pag kinuwento ko lahat ay ma-spoil ang mga babasa pa ng libro.

Kaya doon sa hindi pa nakakabasa ng libro, bumili na at basahin ito Akala ko noon mababaw, yong pala, may lalim pero masaya pa ring basahin!

Bago matapos ang linggo ay saka ko na lang ita-tally kung sino ang tatlong bibigyan ng premyo. Tatlong pinakamalaki ang participation sa online discussion ng "It's a Mens World." Tandaan, puwede pang humabol.


message 349: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yey! Tapos na ang panahon ng diskusyong para sa napakagandang aklat na ito ni Bebang Siy.

Salamat sa mga lumahok sa thread. Narito ang ranking (mas maraming malalaman at on-time na posts may maraming puntos):

1) Phoebe = 21
2) Louize = 20
3) Jzhun = 19
4) Ryan = 13
5) Po = 12
6) Ingrid = 11
7) Jho = 10
8) Patrick = 6
9) Krizia Anna = 5
10) Julie = 2
11) Diane = 1
12) Paolo = 1
13) Shiela = 1
14) Maria Ella = 1
15) Reev = 1

Hindi na masama. Kinse kayong sumali.
Di ko pa alam ang premyo. Konti pabuya lang para sa Top 3. Ibibigay ko sa susunod ng meet up. Peb. 17 sa Las Pinas para sa "Mga Agos sa Disyerto."


message 350: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yong mga magbabasa pa, puwede pa rin kayong mag-post dito at asahang may sasagot sa inyong mga kumento. Kawala-walaan ako siguro hahaha.

Yong mga nagbabalak pa lang na bumili, huwag magatubili. Bili na! Napakagandang libro!!!


back to top