Pinoy Reads Pinoy Books discussion

This topic is about
It's a Mens World
Sabayang Pagbabasa
>
Huling Kuwarter ng 2012: IT'S A MENS WORLD ni Bebang Siy (Moderator: K.D.)

Mga Paala-ala sa Ating Sabayang Pagbabasa:
1. Simula na bukas, ika-14 ng Oktubre
2. Walang rules. Free wheeling. 2 days/chapter lang kasi 1st day ang inyong reaksyon. 2nd day ang sagot ng iba sa reaksyon mo. Di magiging aktibo si Bebang para raw hindi tayo maging bantulot na magpahayag ng ating opinyon.
3. Kung babanggit ng buod o kahit anong spoiler gamitin ang tag. Baka wala nang bumili ng libro ng ating mahal na si Bebang kapag nabasa na rito ang lahat-lahat.
4. Unang araw (bukas), reaksyon tungkol sa mga unang pahina kasama ang pabalat. Puwede ring mag-share nang nalalaman ninyo tungkol kay Bebang Siy. May magandang sketch din ang libro sa isa sa mga unang pahina nito. Pakititigan na lang po ng maigi.
Yon lang. Gawin nating masaya ha? Mas maraming nagpa-participate, mas masaya. Masaya lalo na ang mga unang tsapters ng libro so sana masaya tayo. Taglish ang libro, so taglish ang discussion.

@Jzhun,ikinalulungkot ko out of stock na sa greenhills NBS at trinoma NBS wala na iyong natitirang isang book wala naman siguro nakarinig sa atin nun nag-uusap tayo? haha!...may stock sila sa MOA sabi ng clerk. Ewan ko lang kung first edition iyon.

Hindi ko muna babasahin ang thread na ito hangga't hindi ako nakakahanap. Aja!
Ika-14 ng Oktubre: Tungkol kay Bebang at sa Libro
AKING REAKSYON:
Di ko kilala na personal si Bebang Siy. Ni hindi ko pa siya nakakausap. Ngunit nakita ko na siya. Narinig ko na siyang magsalita. Doon sa Readercon noong Agosto. Tinanggap niya ang award para sa Essay Category. Mantakin mong tinalo niya si Ambeth Ocampo (sa Chulalongkorn's Elephants: The Philippines in Asian History) at Elbert Or (sa kanyang After the Storm: Stories of Ondoy)
Nakita ko pa siya sa labas ng venue. Nahiya lang akong kausapin siya. Gusto ko sanang magpa-picture.
Pagkatapos ng event, ilang araw nakita ko ulit ang libro "It's a Mens World." Binili ko na at binasa. Nagustuhan ko.
Pabalat ng Libro: Una kong nakita, bago pa ang Readercon, akala ko kung sino lang batang-batang manunulat. Akala ko nga, yong bata sa pabalat, yong ang sumulat. Yon tipong childhood story nya ito. Una, di ko binili kasi di naman ako interesado sa mens. Binuklat ko pa...
Unang pahina: endorsement ni Ime Morales at Geraldine Borja Flores sino sila? Ngayong nabasa ko na, sakto ang sinabi ni Morales na ilang beses kang bubungisngis sa librong ito. Di nya na lang nabanggit na ilang beses ka ring malulungkot (o baka maiyak ka pa). Gusto ko rin ang banat ni Flores tungkol sa parang photo album ang librong ito. Galing. Dalawang buklat pa...
Dedikasyon: Sino si Resurreccion Wico? Si Sean Elijah Siy, malamang ang paslit ni Bebang. Eh si Wico? Abangan. Isang buklat pa...
Talaan ng Nilalaman: Ito na ang nakakaaliw ng mapa ng nilakhan ni Bebang Siy. Tapos ang Map Legend. Ito na ang lalakbayin natin sa ika-1 ng Disyembre during our First Date Walking Tour with Bebang Siy!
Nabasa ko na ang libro. Ngunit gusto kong ulitin kasabay ninyo.
Kayo, sa mga pahinang ito, may reaksyon din?

Subukan ko muna yong suhestiyon ni Kuya, D.
Salamat, PO! Mwah! :D

AKING REAKSYON:
Una ko lang din nakita si Bebang Siy sa ReaderCon noong nakaraang Agosto.
Sa hallway ng Filipinas Heritage Library, nakasilip sa nakapinid na pintuang salamin, isang babae ang nagmumura. "P***** I**", ika n'ya, "uuwi na ako, ayoko na." Kaming mga nakakarinig sa kanya tawa lang nang tawa sa reaksyon n'ya. Isa pala s'yang manunulat, may akda ng librong nominado sa Essay anthology. Nang tawagin ang libro n'ya bilang winner, lalong lumakas ang mura n'ya papasok sa loob. Nakaupo na rin ako sa loob ng magsalita s'ya sa harapan. Nagbubulungan kami ni Jzhun na nakakaaliw si Bebang. Magnetic ang personality n'ya. At nakumpirma ko sa isa sa mga hurado na talagang maganda ang nagwaging libro ni Bebang. Kaya noong 33rd MIBF, ito ang unang librong binili ko.
Pasensya na kayo, pero kagabi nang umpisahan ko ng basahin ang libro hindi ko na nagawang huminto. Nasa 17th chapter na po ako bago makatulog. “Yung mapa, nakakaaliw. Pamilyar din ako sa lugar na iyan e. D’yan kasi matatagpuan ang Central Church ng United Methodist Church. Madalas kami pumunta doon at kumain sa malalapit na kainan. Aliw din ‘yung mga titolo ng chapters. Ang mga kwentong nakapaloob, may nakakatawa, may nakakalungkot, at may nangungurot.
Mamaya po malamang tapos ko na ang libro; pero kasali pa rin ako sa himayan ng bawat chapters. :)

Sa aking pagkakatanda kaya gusto nang umuwi ni Bb. Bebang ay dahil kasi di naman daw siya nanalo sa mga patimpalak sa pagsusulat. Kaya siguro para maiwasan na ang labis na ekspektasyon kaya siguro gusto niya nang umuwi ng mga oras na yon. Yong pagmumura talaga nakatatawa, kasi di mo expected tas out of the blue ganoon mangyayari. Kahit ako mapapamura dahil pinahalagahan ng mga tunay na mambabasa ang aking akda.
Para sa akin laugh trip talaga yong presentation ni Bb. Bebang, sayang di mo naaabutan Louize. Halagalpak talaga kami si tawa kahit pa si Budjette Tan at Dean Francis Alfar. :D
Xerex! Xerex! Xerex! (Sana makanahanap na ko ng Mens!)
Ryan/Louize: Okay lang kung advance na kayo sa pagbabasa. Iisa-isahin nating talakayin bawat dalawang araw.
Jzhun, humabol ka na. Tsapter 1 na tayo bukas! Kanina, pumunta ako sa NBS Bestsellers sa Robinson's Galleria. May 6 na kopya pero puro mga Pangalawang Limbag (2nd Edition).
Jzhun, humabol ka na. Tsapter 1 na tayo bukas! Kanina, pumunta ako sa NBS Bestsellers sa Robinson's Galleria. May 6 na kopya pero puro mga Pangalawang Limbag (2nd Edition).

Kuya, subukan ko mamayang maghanap dyan sa SM Megamall; sana mayroon pa silang unang paglilimbag ng Mens, nang makasali na rin ako sa malayang talakayan ng akda ni Bb. Bebang. :)
Sige, Jzhun. Sayang, dami kong meetings ngayong gabi. Sana magkikita tayo sa SM Megamall.
Nakilahok sa Unang Araw:
1) Louize
2) Ryan
Salamat sa paglahok. Maagang mga ibon (early birds). Sana dumami pa tayong sumasali dito sa diskusyong. Alam ko, bukod kay Jzhun, sasali rin si Po, Phoebo, Diane, atbp.
Louize, di ko narinig ang mga mumunting pagmumura ni Bebang. Naisip ko lang. Si Bebang ay isang profesora at workshop speaker. Di kaya "in-character" lang sya kasi yon ang gusto ninyang i-portray sa "It's a Mens World"? Di ko sinasabing balatkayo kundi yon ang kabilang side niya na di nya ipinakikita sa loob ng silid aralan o workshop session.
Bebang, sagutin mo ito sa Dec 1, ha?

Mas naka-relate ako sa mapa ni Ms.Bevs (kasi mas kilala ko iyong lugar sa mapa niya kaysa kay Jellicoe Road) pero hindi ko pa rin napupuntahan ang mga lugar na iyon.
Nabasa ko na rin iyong libro ni Ms.Bevs pero gusto kong ulit ulitin kasi nakaka-aliw hehe! at ang mga pangyayari sa buhay niya ay nakaka-touch mapapa-iyak ka nga kapag ikaw ang nasa kalagayan niya kaya saludo ako sa mga pinagdaanan, pagsubok, at hamon ng buhay na nangyari sa libro.
Parang sadyang pinaranas sa kanya ang mga pangyayari upang ma-isulat sapagkat ito'y istorya masasabi kong maihahambing parang kay Anne Frank pero siyempre mas ramdam ko ang pagkaka-salaysay ni Ms.Bevs kasi may mga pinagdaanan din ako katulad niya at naging bahagi sa mga lugar na nabanggit niya sa libro.
Buhay elementarya,highschool at college life! haha! hindi ko makalimutan ang mga pangyayari parang naka-bibigla kasi hindi mo akalain na maka-graduate ka o dahil sa bilis ng panahon ay nakaraos ka rin sa buhay ng katulad sa libro.
Kailan ba magkakaroon ng 2nd book niya? "It's Raining Mens"...
by the way nasa Inquirer newspaper kuya doni iyong The Fort irerenovate ata at pinicture din duon iyong portion ng bahay ni Kaptitan Tiyago, naalala ko nang tayo ay magpunta duon. Mas tumatatak pala sa isipan natin kapag ang mga binabasa natin sa libro ay napupuntahan. Kaya memorable sa akin ang bahay ni Kapitan Tiyago.
Hopefully makasam din ako sa First Date ni Ms.Bevs.
Ika-16 ng Oktubre, 2012. Unang kuwento: It's a Mens World
AKING REAKSYON: Hmmmm?
Narinig ko yong practice na yon (view spoiler) . Pero parang kahit noong dekada '70, parang di na ginagawa. Isang pamahiin. Pero naintindihan ko yong style na dapat ay engaging ang page 1 ng libro. In fact, noong tapos ko nang mabasa ang libro at nakakalat lang sa mga stairs namin, nakita ng anak kong nasa kolehiyo. Binasa ang blurb sa likod at ang unang page ng libro at ngumiti sya. Sabi nya: "Ha? Bakit di ninyo sinabi sa akin ito noon?" Di ko sinagot. Sa loob-loob ko, hindi yan totoo. Pero gets mo? Engaged agad ang reader sa page 1 pa lang.
Aside from that, naka-miss rin ang larong langit-lupa. Nilalaro namin yan ng anak ko, yaya at katulong sa garden noon. Ang lupa ay lupa ang langit ay ang mga bato, plastic chairs, etc.
Di ko yata alam ang Shake-Shake Shampoo. Alam ko ay pepsi-mirinda, bimbiw, tubigan (patintero), yong tsinelas na nakapatong sa lata tapos tinitira ng tsinelas din, chinese garter, tumbang preso, jackstones, teks, dyolens, atbp.
Ano nga ba ang dahilan bakit may mga batang babae na nauunang nagme-mens? Alam ko, sabi ng doctor sa probinsya noon, dahil mas masusustansiya ang kinakain. Pero paanong ang magkapatid na si Colay at si Bebs? Na supposed to be ay pareho ng kinakain?
Po, naku, kinumpara mo si Bebang kay Anne Frank. Sabagay, parang diary na rin ito. Wala pa lang "sexual awakening" dito si Bebs. Baka maging Holmes ang diary kapag nakaroon na ng ala-FHM na "true confessions."

Natural lang siguro na ang unang kwento ay ugma sa titolo ng libro. Ang tanong ko kay JL noon, "Bakit It's A Mens World? May mali yata." Ang pabulong n'yang sagot, "Kasi tungkol sa regla." "Ahhhh, okay," sagot ko naman.
Marami kasing maling paniniwala tungkol sa regla, isa na dito 'yung nabanggit sa libro. Narinig ko na 'yun noong bata ako sa mga older cousins ko. Hindi ko rin naman ginawa, nurse kasi ang Mama ko kaya siguro wala s'yang bilin na ganoon sa akin. Hindi ko rin pinayo sa anak ko. Kung bakit iba iba ang edad ng unang regla, hindi ko rin sure. Ang sabi lang nasa hormones 'yan, at hereditary.
Sabi kapag nagkaregla na mas hinihigpitan na ng magulang, lalo na noong panahon ng kabataan ko. Parang ganoon na nga, kasi noong tumungtong kami ng mga kalaro ko sa edad na 11 at 12, bawal na ang patintero, habulang-taya, tumbang preso, taguan at luksong kalabaw. Baka daw kasi mahipuan kami ng kalaro namin, e dyahe.
Kapag mas marami kang kalarong lalaki, lalo kang pagbabawalan. Kapag nakita kang nakikipaghuntaan sa lalaki, either nanliligaw na daw o syota mo na. Naalala ko tuloy noong grade 6 ako, kasama kong umuwi sa amin 'yung kaklase kong si Geronimo. Tinukso s'ya ng tiyahin at mga pinsan ko na umaakyat ng ligaw. Samantalang manghihiram lang s'ya ng libro,'yung "Biag ni Lam Ang", para sa Feature Writng namin sa Journalism. Noong nag high school na kami, nagladlad na si Geronimo, Geraldine na s'ya. Ang malisya talaga nagsisimula sa matanda.
So talagang, "closer to home" para sa akin itong unang kwento ni Bebang. Bilang babae, naka-relate ako.
Teka lang muna... Bebang, ano na nangyari ke Michael?

Louize wrote: "Sabi kapag nagkaregla na mas hinihigpitan na ng magulang, lalo na noong panahon ng kabataan ko. Parang ganoon na nga, kasi noong tumungtong kami ng mga kalaro ko sa edad na 11 at 12, bawal na ang patintero, habulang-taya, tumbang preso, taguan at luksong kalabaw. Baka daw kasi mahipuan kami ng kalaro namin, e dyahe."
Hindi rin kaya paraan din ito ng mga magulang para iiwas sa kahihiyan ang anak na babae? Kasi sa labis na galaw na hinihingi ng mga laro may posibilidad kasing malaglag ang pasador.
Pero noong inosenteng bata pa ako para sa akin totoo ang pamahiin na yan dahil na rin sa mga crush noong high school na baby face pa; nai-imagine ko kasi sila na pinanghilamos ang unang daloy ng kanilang kabuwanan. Ahihihi... :D
Louize, may tanong ako na matagal ko nang iniisip. Ano yong "wings" sa sanitary napkin? Para saan ang wings? Di naman lumilipad.
Pasador, Jzhun. Napaka-70's. Pinagtawanan ako ng asawa ko noon. Palagay nya wala nang gumagamit ng pasador ngayon. Tela yan eh. Nilalambhan. Nakagamit pa ang sister ko niyan noong mga dekada 70's. Pero pagtuntung ng 80's may sanitary napkin na.
Ang alam ko ay iyong ihi na ilalagay sa mata pag may sore eyes. Tapos yong similya ng isang birhen na lalaki, ipinapahid sa mukha ng kaulayaw nya. Parehong ewan.

"It's a man's world! It's a man's world!" Yan ang paulit-ulit na linya ni Julian Bartolome sa asawa nyang si Amanda sa Dekada '70. Parang sirang plaka. Yung wordplay ay hango sa patriyarkal na kasabihang ito. Parang nagbibigay pahiwatig na tatalakayin nito ang mga isyu patungkol sa kasarian at sa buhay ng isang babae.
Ang unang part ay tamang-tamang opening nga dahil tungkol sa nasabing mens bilang rite of passage ng kababaihan. Ang nagustuhan ko dito ay na-establish kaagad ni Bev ang point of view nya. Isang unique na boses na may pagka-spontaneous ang humor dahil maya't maya may bigla syang maiisip, tapos ikukwento nya na.

KD, 'yung napkin with wings ay may sticky side tabs para walang side leak. I guess metaphor din kasi dahil nga walang side leaks, we are free to move -parang flying.
Ryan, "rites of passage", Onga noh! Parang pre-Hebraic ritual lang.

About the map, nagulat ako na near the area pala ako. Sa mahigit dalawang taon ko nang paninirahan dito, nakadaan naman na ako dun pero hindi ko pinapansin masyado. Anyhoo, moving on...*
It's a Mens World
Narinig ko naman yung practice na nabanggit sa start, pero di pinagawa sa akin ng nanay ko, Thank God. Haha
Minsan naging batang kalye din naman ako, pero hindi ko alam yung Shake Shake Shampoo. Waha.
Kinilig ako. At nainggit.
Dahil hindi ako nagkaroon ng childhood sweetheart, kung childhood sweetheart man ni Bebang si Michael. Hihi.
Chos.
:D
Louize, eh yong "belt-less"? Natatandaan ko noon may "Belt-less Modess". Nauna sa "Whisper with Wings."
Ryan, natatandaan ko yan. Kahit sa movie, paulit-ulit si Vilma. Parang sirang plaka. At parang di na uso ngayon. Dalawang presidenteng babae na sa Pilipinas. Sa Estados Unidos yata, mag-survey. Mas matataas pa rin ang suweldo ng mga lalaki (taking everything into account). Ewan ko lang dito sa Pilipinas. Parang hindi. Pero, hindi ito pag-criticize sa paggamit ni Bebang ng mantra na ito. May instant recall nga eh. Witty.
Ingrid, wala kang childhood sweetheart? Wala yong tipong kalaro mo pero parang iba ang turing sa yo? Sa kuwento ni Bebang at Michael, parang may puppy love si Michael kay Bebang (14 years old posibleng may wet dreams na si Michael - meaning, binata na). Pero si Bebang wala. Naku, dapat sagutin ni Bebang kung noong hinahagod ang likod niya ay walang "nag-tumbling" na mga hormones gaya ng sabi ni Louize.
Diane, ibig sabihin puwedeng may katotohanan ang pamahiing iyon?

Naniniwala ako sa yo. Humabol ka na lang ngayon. Biro lang.
Hintayin natin si Bebang na magkuwento sa Dec. 1 kung itinuturing ba niyang childhood sweetheart si Michael. At, gaya ng tanong ni Louize, kung NASAAN na ba ngayon si Michael at anong kasunod ng kuwentong ito.

Ika-17 ng Oktubre, 2012: Nakaw na Sandali
Isa ito sa mga nangungurot na kwento ni Bebang. Iba talaga ang turing kapag half-Chinese. Nasabi ko ito kasi Chinese ang lola ko sa Father side. Ayaw din ng lola ko sa Mama ko kasi wala s'yang dugong Chinese, ni gapatak. Samantalang ang mga kapatid ng Papa ko puro may dugong Chinese ang napangasawa. E maitim pa man din ang Mama ko, pinay na pinay ang beauty. Pero ang sabi ng Papa ko, "mas mahal ang de color kesa sa puti."
Pero para sa akin tama na pinalo si Bebang dahil sa ginawa n'ya. Kahit gaano ka unfair ang sitwasyon o ang mga tao, dapat hindi natin ibababa ang ating dignidad, hwag tayong mag-resort sa masama. Pero dapat din ipinaliwanag sa kanya ng nanay n'ya kung bakit s'ya pinalo.
Hindi na ba ito nasundan, Bebang?
(view spoiler)
Louize, imaginasyon ko, ang belt ay yong parang nakaligid sa pundilyo ng panty para di gumalaw ang sanitary napkin. Di ako nakakita. Naririnig ko lang dati. Beltless Modess.
At bukas pa ang simula ng Tsapter 2. Diskusyong pa rin ngayon ng Tsapter 1. Pero okay na rin dahil naka-advance ka na.
At bukas pa ang simula ng Tsapter 2. Diskusyong pa rin ngayon ng Tsapter 1. Pero okay na rin dahil naka-advance ka na.

Ay naku!
Ayan nilagyan ko muna ng spoiler tags, bukas ko na lang tanggalin. :)

Ang saya ko akala ko wala na pero nakabili ako ng Unang Limbag, kaso dinaya ako ng NBS kasi nagkaroon ng mark up sa presyo naging P195! Halata pang tinanggal nila ang lumang price tag!
Anyway, nais kong itanong kung bakit ganoon ang konsepto ng pabalat? Sinong nagdisenyo? Sino yong bata? 'Tas natawa ako doon sa mga larawan sa spine, lalo na doon sa piktyur ng may-akda na idinidilat ang mga mata gamit ang kanyang mga kamay (singkit kasi si Beb — wow first name basis, feeling close lang!). Haha! :D
Unang Salaysay: It's a Mens World
Sang-ayon ako sa tinuran ni Ryan na ang pagkakaroon ng mens ay rite of pasage gaya ng pagpapatuli, o mas kilala sa euphemismo nitong "pagbibinyag", sa mga kalalakihan — kasama ang pangangamatis in some territories.
Sa mga akdang nabasa ko dalawang libro palang ang aking nabasa na may kinalaman sa rite of passage na ito:
Una sa akda ni Lualhati Bautista na Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? sa punto-de-bista ng isang babae na di malaman kung paanong bibigyang suporta ang anak na magpapatuli.
Pangalawa, sa Ben Singkol: A Novel ni F. Sionil José na, kawangis ng labis ng pag-aalala ni Beb, si Ben naman ay nababagabag ng kanyang pagiging supot at ang kanyang takot na madiskubre na di pa siya "binyagan".
Kahit na di man kami magkasing-edad ni Beb, nakakatuwa na kilala ko pa rin yong mga larong nilalaro nila noong kabataan niya. Hindi ko alam kung sa Maynila lang nauso ang Shake, Shake, Shampoo pero nilalaro rin naman yan noon. Sa aking pagkakatanda ang layon ata ng laro ay mataya ang lahat ng kalahok, na pakendeng-kendeng ang tinaya na gaya nga ng naliligo gamit ang shampoo (impluwensiya marahil ng isang komersiyal sa TV; I can feel it! sabi nga ni Alex Dixon).
Isa sa nga natatandaan ko noong bata eh, yong ako ang inuutusan ng dalaga kong ate na bumili ng napkin niya sa sari-sari store kaya pamilyar ako sa mga with wings na yan kasama ng ilang brands na sa lahat Whisper ang ayaw ng ate ko. (view spoiler) Yong napkin na may belt lang talaga ang di ako pamilyar. Naiisip ko tuloy na ang napkin yan na may kasama pang suspenders... to keep it secure! Wuhahaha! :D

Ay, yong suspenders pala yong salita na hinahanap ko. At least, magka-frequency yong bagay na nais kong ipa-imagine.
Salamat! :D
Jzhun, tinama ko yong spelling ko ng Whisper. Kanina ko ka iniisip yan. Kanina ang spelling ko ay Wishpher. Baka malito na naman si Ryan.
Parang interesado akong maglaro ng Shake Shake Shampoo. Bebang, sa First Love Walking Tour natin sa Dec 1st, puwede bang i-relive natin ang ilan sa mga laro mo. Mag-street games tayo. Gusto kong kumendeng parang si Jzhun.
Paolo, ilang kembot o kendeng na lang mula sa Manila Bay ang playground ni Bebang. Kasama nga ang Manila Bay sa mapa at doon ang pangalawang setting ng unang kuwento.

Nag-jibe tayo ng idea KD! Gusto ko ngang ituro sa atin ni Bebang 'yan. LOL

Nasa opisina ang nanay ko nang mangyari yon. Wala akong kaalam-alam. At dahil sa hiya, hindi na rin ako nagtanong. Anti-climactic, kumbaga. Nilabhan ko lang pagkatapos kong titigan ng matagal at dumating na lang sa punto na nahulaan ko rin kung ano ang nangyari.
Pero tuloy pa rin ang pagdamit ko ng ibat-ibang costume sa mga barbie doll na laruan, pati na rin ang paggamit ng BMX na bisikleta kapag nasa labas ng bahay.
Yung ritwal na binanggit ni Bebang----narinig ko sa kaklase ko sa high school. Nagkataon na isa siya sa mga sikat na estudyante kaya may timbang ang sinabi niya. Sinubukan ko pagdating sa bahay, pero natawa lang ako nang ginawa ko na------nakiliti ako sa lamig ng tubig at telang dumampi sa pisngi. Naisip ko rin, paano naman kikinis ang mukha ko kung walang sabon na pinahid at pinanghugas? Sa madaling salita, duda ako.
Maraming pagbabago na hindi ko naintindihan-----yung bigat ng damdamin kapag hindi ako pinapansin ng crush ko at yung biglang pag-iyak ko sa klase (at sa harap ng crush ko) dahil marami akong mali sa test ko sa math. Masyado akong moody at sensitive. PMS na pala yon.

Asaan na ba si...
(view spoiler)
Ika-18 ng Oktubre: Nakaw na Sandali
AKING REAKSYON: Aray ko!
Nasaktan ako para sa batang si Bebang. Nasaktan din ako dahil napaala-ala sa akin na nangupit din ako noong bata pa ako. May batang bang hindi nangumit? Mapabarya? Ekstrang ulam? Pagkain sa ref na sinabing wag kainin muna (dahil di pa malamig)? Goodies sa loob ng bag ni Nanay? O binuksan man lang ang regalo kahit di pa Pasko?
Ang pangungupit ko ay barya sa loob ng isang kontayner na babasagin sa loob ng aparador. Doon nilalagay ni Nanay ang mga barya-barya niya. Doon ko naman kinukuha ang pambili ko ng sorbetes. Kapag dumaraan na ang sorbetero ay parang may bumubulong sa akin na pumunta sa tokador at kumuha ng pambili. Ay, kay sarap ng sorbetes lalong lalo na kung taginit.
Pero may grabe rin akong pinsan. Siya at ang kaklase ko ay talagang pumasok sa tindahan at nagnakaw. Gabi yata nila ginawa. Sa bintana dumaan. Nahuli sila. Pinalo siyang talaga ng tiya ko. Mula noon, lumaking rebelde. Hanggang sa mabuwang nang tuluyan.
Nasaktan din ako dahil di ako lumaki sa chitchiria. Sa isla sa probinsiya. Ang meryendang madalas ay mga kakanin: puto, bibingka, halu-halo, palitaw, kutsinta, suman, at yong mga kung anu-anong tinapay sa bakery na di na kailangan ng palaman: karyoka, spanish bread, pina pie, atbp.
Pag naka-Chippy o Cheez Curls o Pretzels ka, mayaman ang tinggin sa iyo sapagka't binibili pa yon sa mainland. Itinatawid sa bangka. Ganoon din ang Pepsi. Walang ref, kaya parang third year high school na ako ng makatikip ng pinipig crunch o pizza (Fiesta pizza) na malamig na dahil umaga pa nang binili sa Maynila at gabi na nang dumating sa isla.
Nasaktan din ako noong naala-ala ko ang ruler na bakal. Meron din kami niya. 2 feet (24 inches) pa! Pero di ginawang pamalo. Ginagawa naming espa-espadahan. Anong sinabi ni Fernando Poe sa pelikulang "Labintatlong Kuba?"

Naka-relate ako sa kwento ni Bebs. Sesegundahan ko ang tinuran ni Kuya D: Sino nga bang bata ang di nagdaan sa pang-uumit at di natakot sa palo ng magulang?
Sa amin, mas madalas manigaw at magpangaral ang nanay ko, kaya tipikal na siya ang namamalo kung may isa sa amin na nagkasala.
Pero 'wag ka, kapag tatay ko na ang nagalit daig pa namin ang may malaria sa panginginig; minsan lang siyang mamalo pero ito yong tipong hardcore, maglalatay talaga gamit pa ang mga kanyang trusty leather belt with matching buckles and bangles. Meron pang isang tagpo na nagmamatigas akong patayin ang TV sa kakalaro ng Play Station dis oras na ng gabi. Ginawa ba naman ng tatay kong mala-actiong star hinablot ako sa kuwelyo ng aking t-shirt (huh? May kuwelyong t-shit? Anlabo! :D) at waring yogist akong lumutang inches from the floor, sabay pompyang.
PLANGAK!
Lumapad ata iyong kuwelong ng aking t-shirt, ayon nagsibli siyang instant panyo habang humahagulgol ako hanggang sa makatulog.
———— ♦ ♦ ♦ ————
Akala nyo tapos na pero may isa pa akong kwento.
Di rin talaga maiiwasan noon na may mga paboritong apo ang mga lolo at lola natin na hanggang ngayon (kung buhay pa ang mga grandparents mo) umiiral pa rin.
Ramdam ko yong inggit ni Bebs nang makitang kumakain yong pinsan nya ng mga chichirya, kaya ala ko yong pakiramdam ng inggit-bata. Ganoon din kasi ako dati lalo na sa mga nakaririwasang pinsan.
Tayo talaga no, noong mga bata impulsive sa ating mga actions. Gagawin at gagawin ang ating gusto tas malalaman na lang natin na may mabigat palang resulta ang ating mga ginagawa.
Ingrid, may nagtitinda pa rin sa amin ng Chiclet at Cherry Balls! Gusto mo ikuit kita? Ahihihi... :D

Sari-sari din ang pamalo sa amin, kung ano ang unang madampot; at bawal umilag kasi kahit saan ka tatamaan. Minsan nadampot ni Mama 'yung lumang yantok na gamit ng kuya ko sa arnis. Inagaw ni Kuya at ipinako sa double deck bed, naging sabitan na ng towel nya. Di na sya nag-Arnis mula noon.
Ngayon may mga edad na kami, kapag nagkakakwentuhan, sinusumbatan namin si Mama sa sakit ng mga palo n'ya noon. Sabi n'ya kailangan daw kasi may isa sa kanila ni Papa ang 'batas militar' (palibhasa military nurse s'ya) kung wala lalaki daw kaming iresponsable.
Masakit talaga mapalo, matagal pagalingin ang mga latay sa katawan, pero siguro kaya 'yun nagawa ni Mama para di malatayan ang pagkatao namin. Pero buti na lang wala pang Bantay Bata noon
Ingrid, Po, nakakatawa naman ang mga ibinahagi ninyong mga personal na karanasan noong bata pa kayo. Kakatuwa. Di ko ma-imagine si Ingrid na pinapalo! Ako napalo, pero di parang ganyan ka-grabe. Ina-aktingan ko. Tapos matatawa ang nanay ko.
Po, naka-spoiler pa ang kuwento ng unang halik mo. Ikaw na ang nakipaglaplapan eh high school pa lang.
Louize, parang tama nga yan. Mas masakit ang salita ng Tatay kaysa sa Nanay. Pag Tatay, kahit di pisikal ang parusa, masakit eh. Eh, paano pa si Jzhun na pisikal pa?

Ika-20 ng Oktubre: Asintada
AKING REAKSYON: Gumanda!
Kababasa ko lang ulit ng dalawang pahinang ito. Noong una, parang wala lang. Ba't nya kasi ginawa yon. Alam ko, ang wife ko, naglagay ng mongo sa ilong. Wala lang nakatuwaan nya noong bata pa sya. Walang magawa. Curious. Tapos di nya matanggal kasi pumasok sa loob. Di nya masabi sa mga magulang niya dahil alam niya, makakagalitan siya. Umabot yata ng dalawang araw, bago sinabi. Nasungkit naman. For two days, isip sya ng isip anong gagawin niya. Naisip niya, bata eh, baka raw tumubo ang monggo at magka-ugat sa bituka niya.
Pero gusto ko ang sinabi dito ni Bebang: Kung meron kang gustong patunayan, ihanda nang bonggang-bongga ang sarili sa mga posibleng mangyari dahil siguradong may kapalit ito.
Parang sa eksperiment lang, kapag may hypothesis ka na, gusto mong magkaroon ng conclusion. Minsan mali. Minsan naman, tama ang hypothesis mo.
Jzhun, andito pala ang "cherry balls" na inaalok mo kay Ingrid. Doon sa Tsapter 2, hanap ako ng hanap. May kinain bang cherry balls yong mga pinsan ni Bebang? Andito pala. Alam mo, di pa ako nakatikim nyan. Sa Dec 1, siguro, dalhin natin ang mga kinakain ng pinsan ni Bebang at ialay natin sa kanya habang nagto-tour?

AKING REAKSYON: Maikli. Nakakaaliw. May Katuturan.
Ang unang tanong sumagi sa isip ko matapos kong mabasa ang Asintada: gagawin at susubukan natin ang mga bagay-bagay pasinungalingan lang ang iba.
Isa ito sa mga gusto kong kaisipan sa aklat na sumasalamin din sa aking pananaw sa buhay ( pang-Miss Uniberse! Shazam-Shamcey Supsup lang ang peg! :D ), iyong tipong di mo hahayaang makahon ka o tumalima sa opinyon ng iba.
Kuya D, yong Chicklet at Cherry balls, may mabibilhan pa ko sa public market namin. Pero yong mga pagkaing gaya ng Hi-C wala na. Kahit yong paborito kong Bon Welt na guybano juice drink wala na rin. Pati na ring yong ice candy na Jolly.
Hayy, mga pagkain at junk foods ng ating kabataan.
Books mentioned in this topic
It's a Mens World (other topics)Kung Wala na ang Tag-Araw / Ano Ngayon, Ricky? (other topics)
The Wolf and the Dove (other topics)
I Know Why the Caged Bird Sings (other topics)
Catch a falling star (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Bebang Siy (other topics)Maya Angelou (other topics)
Cristina Pantoja-Hidalgo (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Jzhun, alam mo, may tatlong "Unang Limbag" na kopya sa NBS SM Megamall kanina. 3rd or 4th rightmost shelf sa ilalim ng mga Bob Ong books. Diniscribe pa talaga.