Pinoy Reads Pinoy Books discussion

This topic is about
It's a Mens World
Sabayang Pagbabasa
>
Huling Kuwarter ng 2012: IT'S A MENS WORLD ni Bebang Siy (Moderator: K.D.)
message 251:
by
PATRICK
(new)
-
rated it 4 stars
Nov 14, 2012 06:08AM

reply
|
flag
Di bale, mahirap talaga itong ginagawa natin na puro Pinoy Books ang binabasa. Sinasalunga natin ang uso. Uso ang YA. Baduy ang Librong Pinoy. Bakya ang Tagalog. Mas sikat ang mga nobelang ingles lalo na kung mga kilalang manunulat. Pero, ito ang tama. Bumibili tayo ng mga librong limbag sa Pilipinas. Napadaan ka na ba sa printing press? Kung saan ay may mga ama o kuya na nagtratrabaho roon? Sa ginagawa nating ito, nagpapatuloy silang nakakapaghanap buhay. Dami ko nang nasabi, hah.
Ika-15 ng Nobyembre: Nakakapagtakang Nagtataka Pa
Ang kasalanan ng mga magulang. Bow. Naghiwalay. Tapos pinagpapasapasahan ang mga anak. Doon ka MWF. Dito ka, TTHS. Pag Linggo, bahala ka na kung saan ka. Parang bola. Ayon,gumulong. Ewan ko. Dati noong 70's or 80's, may stigma pa ang batang nanggaling sa tinatawang noong "broken homes." Kagaya na rin ng pagbibigay ng stigma sa mga disgrasyada o kahit sa mga beki. O tinataasan ng kilay ang mga atheist. Yon, dati yon eh. Ngayon ba, meron pa? Parang kung meron man, naiibsan na. Nagiiba na ang panahon. Nagiging mas liberal ang mga tao.
Pero anong tinggin ninyo sa mga magasawang naghihiwalay? Kung kayo ang isa sa mga partido ng hiwalayan, paano ang gagawin ninyo para hindi maapekuhan ang anak? Paano ninyo papaniwalain ang sarili ninyo na mabuti pa rin kayong magulang? Hindi ba selfishness ang paghihiwalay?

Buti pa si ate Louize, sana ganun din ako. (ate po ba itawag ko?)
Patrick, ilang taon ka na ba? (curious lang)
KD, tama.
guilty ako sa YA haha pero para sa kin pangit naman ang mainstream na lang palagi.
Phoebe, nagbabasa rin ako ng YA. Tama ka, minsan dapat paiba-iba kasi may mga nagagaling ding YA.

Ang galing ni Bebang. Ano nga ulit ang tawag sa ganitong paraan ng pagsulat?
Ipinakita rito kung paano nakakaapekto sa mga anak ang paghihiwalay ng mga magulang.
Tingin sa mga mag-asawang naghihiwalay?
siguro sa sobrang palagayan ng loob, nagkasawaan na sila. Parang wala na kasing bago, ganun.
Hypothetically speaking, pag ako ay isang partido ng hiwalayan *katok* *katok* ipapaliwanag ko sa mga anak ko na iba naman ang role ng tatay at ang role niya bilang isang asawa. Kung naging mabuti siyang ama, papaliwanag ko kung pano siya naging mabuting ama. Kung hindi naman mabuti, hindi ko naman sila ipagkakait. Siguro para hindi masyadong malala ang pasalit-salit, dapat maghiwalay kami bilang magkaibigan para pag magkikita hindi sobrang trauma ang mga bata. O kaya naman magkaibigan sa iisang bahay pa rin. Kung magkaroon ng panibagong mahal, siya na ang humiwalay sa bahay.
[Hindi yan mangyayari sa kin, tatanda kaming magkasama (kung sino man yun haha). Naniniwala kasi ako sa law of attraction baka may mangyari pag sinulat ko yun ^ na walang pangontra HAHA.]
Sa tingin ko hindi naman selfish dahil papano kung di na talaga pupwede? Parang isang banga(vase?) na nabasag, mahirap buoin ang mga pira-piraso. At kung mabuo man, hindi na tulad ng dati.
(syempre ang mga sagot ko ay batay sa sarili ko lamang, hindi ko naman alam ang pakiramdam ng mga taong nasa hiwalayan/mga anak nila)

Sa panahon ngayon normal na ata kapag galing ka sa broken family. kaliwat kanan ang istorya.
Kung maghiwalay man ay sana hindi maapektuhan ang mga anak kahit may pagkaka-iba ng ugali at gusto sa kinalaunan o sadyang nagka-sawaan sabi nga ni Phoebe.
Sana ay hindi ang anak ang sasalo ng mga kahirapan. May mga pamilya sa showbiz na naghiwalay pero maayos naman na-itaguyod ang kanilang mga anak, "collateral damage" ika nga!..hindi iyong lalong malulugmok sa pagkakamali.
Sabi nga nila.."magmeet-halfway" kayo...

Simpleng simple ang pagkakasulat ng bahaging ito. Ang simbolo ay binigyang buhay sa kung papaano ito inilimbag. Parang magkabilang panig ng 'table tennis'. Pasin n'yo ba ang bola ng larong ito? Bahagya lamang na lalapat sa mesa at papaluin na naman pabalik sa kabila. Ganyan ang pakiramdam ng batang pinagpapasahan ng mga magulang, parang walang gustong kumupkop sa kanila ng seryoso.
Ang mga anak naniniwala tayo na bunga ng pag-ibig: pag-ibig ng mga magulang, pag-ibig ng Diyos. Pero ang mga batang mula sa 'broken family' mahirap nilang tanggapin ito. Kasi nga naman kung bunga sila ng pag-ibig bakit naghiwalay ang mga magulang nila. Pero walang ibang sagot kundi pag-ibig din. Dapat mahalin ng mga magulang nang totoo ang mga anak nila, ipaliwanag nilang maigi, aminin kung ano ang pagkakamali nila at humingi ng tawad. Dapat ihanda ng mga magulang ang sarili nila sa epektong dulot nito sa mga anak nila, dahil meron at meron talaga. Nang sagayun, hindi tuluyang maligaw ang mga bata. Kadalasan daw a 'broken child' begets a 'broken family'.
Ganda, Louize. Ba't pag ikaw na ang nagpayo, parang napaka-convincing. Nanay na nanay!
Well, ako kasi. Ni minsan di ko inisip na makipaghiwalay. Sakit lang ng ulo ang magkaroon ng third party.
Well, ako kasi. Ni minsan di ko inisip na makipaghiwalay. Sakit lang ng ulo ang magkaroon ng third party.
Oo nga, Louize, gawa kaya tayo ng thread na ikaw ay magbibigay ng payo sa mga kabataang miyembro ng pangkat? Saya siguro. Mas masaya pang lalo kung live kasi sabi ng apo ni Veronica (si Paolo) ay maganda ang boses mo.

Bwahahahaha!

Tugma nga ang porma ng kwentong ito sa tema. Larawan ng paglaki na tila isang bola sa laro ng buhay. Sa dalawang kolum ng pagkakasulat nito nasasalamin ang dalawang magkalabang panig. Walang middle ground. Hindi na nga dapat pagtakhan ang kaso ng hiwalayan ng mga magulang at magkarelasyon. Sang-ayon ako sa mga payo ni (Tiya) Louize. Kailangang magiging matatag ang mga anak sa harap ng ganitong sitwasyon. Kailangan ng bukas na isipan.

Julie at Reev, hindi pa huli. Parang 2 weeks pa at siguradong makakatapos kayo. Hintay namin ang mga reaksyon ninyo.
Ika-17 ng Nobyembre: Milk Shakes and Daddies
Isa sa pinakapaborito kong sanaysay sa libro. Paglalarawan ng relasyon ni Bebang sa kanyang ama. Malungkot. Ginawang shock absorber ang mga bata upang i-justify ang mga maling ginagawa ng matatanda.
Mga tanong:
1) Tama ba ito?
2) Kung kayo si Bebang noong mga panahong iyon, magsasalita ba kayo?
3) Totoo ba na ang babaeng mahahaba ang buhok ay nangaakit ng lalaki?
As usual, hihintayin ko pa rin ang mga interpretasyon ninyo sa kuwento. Naisip ko lang na magtanong.

Tama, naging shock absorber si Bebang. Ayos lang naman maglabas ng sama ng loob pero dapat sa tamang paraan o kaya sa tamang tao. Marahil walang masabihan ng problema ang kanyang tatay. Naawa ako, dinaan na tuloy niya sa pagsipsip ng milk shake dahil wala rin siyang magawa.
1) Tama ba ito?
Sa tingin ko hindi. Hangga't maaari dapat sigurong hindi sinasabi sa bata ang masasamang bagay na ganyan. Sobra na nga ang hirap na naranasan niya sa paghihiwalay ng magulang niya. Tsaka nanay niya yun eh. Mahirap pa naman, ang bata madaling maniwala sa mga sinasabi ng mas nakatatanda.
2) Kung kayo si Bebang noong mga panahong iyon, magsasalita ba kayo?
Siguro oo, medyo pasaway kasi ako at baka masagot ko siya.
3) Totoo ba na ang babaeng mahahaba ang buhok ay nangaakit ng lalaki?
Hindi ko alam. Baka yan ang preference ng tatay ni Bebang haha
Sa mga sinabi ng tatay niya sa kanya, sa tingin ko may feelings pa siya tsk tsk. Bitter eh haha.
Salamat, Phoebe. Yan din ang tinggin ko. Kahit ganoon ang mga magulang ni Bebang, mapagmahal siyang anak.
Mahaba kaya ang buhok ni Bebang ngayon? Abangan sa ika-1 ng Disyembre.
Mahaba kaya ang buhok ni Bebang ngayon? Abangan sa ika-1 ng Disyembre.

haha mahaba nga ata

Tama ba namang siraan sa anak 'yung Nanay n'ya? Tamang ihalimbawa sa Milkshake 'yang Tatay n'ya -puro lamig lang at lasa, walang sustansya! Pasensya na Bebs.
1. Tama ba ito?
S'yempre pa, hindi. Considered as verbal abuse 'yun.
2. Kung kayo si Bebang noong mga panahong iyon, magsasalita ba kayo?
Baka hindi lang salita, lalayasan ko pa s'ya. Walang pwedeng mangganun sa Mama ko, kahit Papa ko pa.
3.Totoo ba na ang babaeng mahahaba ang buhok ay nangaakit ng lalaki?
Siguro 'yung long-haired ang dapat sumagot nito. Pwede rin naman mang-akit 'yung short-haired e. LOL

tamang-tama at lumitaw ito sa aking Twitter feed... :)
The Story of Menstruation by Walt Disney: http://geektyrant.com/news/2012/11/17...
Phoebe at Louize, agree naman ako ng mali. Pero kung naging mas matanda ba si Bebang, kunwari 18 na siya, at nagve-ventilate ang tatay niya sa kanya, mali pa rin? Para kasing may history yong sinasabi ng tatay niya na "hinuhuthutan siya ng pera" ng nanay at lola ni Bebang. Wala lang. Umiikot ang imagination ko. Kasi di ba chinese tatay nya at parang may kaya yong pamilya kumpara siguro sa pamilya ng nanay ni Bebang?
Ganyan rin kasi yong tatay at nanay ko noon. Mayaman pamilya ng tatay ko kaysa nanay. So, noong bata pa ako, naririnig ko na may panunumbat (immature pa sila noon) ang tatay ko na mas mayaman sila. Ganoon siguro noong panahon iyon. Isyu pa kung sino ang mas mayaman. Ngayon kasi, parang wala nang ganyan. At least sa amin ng wife ko at sa ibang mga kaibigan ko. Hindi sa mga properties kundi sa kung sinong mas mataas ang suweldo. Marami akong friends na ang wife mas mataas ang suweldo pero hindi isyu.
Reev, salamat ulit sa link. Nakakatuwa. May ganyan pala.

masaya ako kapag nasasabi ng mga tao na parang bob ong ang estilo ko. pero sa totoo lang, nahihiya ako kay bob ong hahahahaha ..."
Grabe, super sulit ang pagaantay (wag na yung pagbili eh) ko sa libro mo, ate Bebang! tumbling ako kagabi kakatawa! super naka relate ako, lalo na 2-3 taon lang ang agwat mo sa akin (alam na alam ko ang mga sikat na candy noon) dagdag pa ang mala-armalite na bibig(nahiya akong gamitin ang bunganga) nating nanay. hehe. salamat sa libro mo, napatawa uli ako ng tunay, after a year na malayo ako dyan. Sana may kasunod pa ito. :)

1) Tama ba ito?
Hindi. Yun nga lang kaysa sa ibang babae magsabi ang tatay ko eh di mabuti na ako ang kasama nya.
2) Kung kayo si Bebang noong mga panahong iyon, magsasalita ba kayo?
Hindi. Nakita ko din mag-away tatay at nanay ko at di ko naman masyadong ugali ang makisawsaw sa kanila pero syempre iyak iyak ako sa tabi. Paawa effect. Para maisip nila na hindi lang sila ang apekatado pati din ako
3) Totoo ba na ang babaeng mahahaba ang buhok ay nangaakit ng lalaki?
Hindi no! Pero maikli buhok ko. Kanya kanya lang yang style. Walang basagan ng trip! haha!

Sa tingin ko kapag 18 na siya, ayos na kasi nasa tamang pag-iisip na siya, at mas mauunawaan na niya ang sitwasyon at yung pinagsasabi ng tatay niya ay pwede lang namang bugso ng damdamin. Kaso nga lang ppwede na siyang sumagot at sabihin ang kanyang nais sa kanyang tatay.
Yung hinuhuthutan siya ng pera, baka kasi siyempre siya yung padre de pamilya kaya kargo niya halos lahat ng pangtustos. Mas mayaman nga ata yung tatay niya. Pero kung yun ang palagi niyang sinusumbat marahil gusto niyang ipamukha kung gano siya kaimportante sa pamilya o kaya naman siya yung mas mabait/kawawa sa magulang na naghiwalay.

Kahit ano pa ang age ng anak mo, hindi dapat sinisiraan 'yung ina o ama nito. Kahit ano pa ang pinagkagalitan ng mag-asawa, magulang pa rin 'yun para sa anak. Hindi mo lang sinisiraan 'yung ina o ama ng mga anak mo, sinisira mo rin pagkatao nila, kasi doon sila nanggaling. Para mo nang itinuro sa anak mo na kapag sila ang nagka-asawa at nagkagalit sila dapat gayahin ka n'ya. Uulitin ko, a 'broken child' begets a 'broken family'

1) Tama ba ito?
Hindi ko alam kung tama ba ito o mali. Basta ang alam ko lang, hindi ko ito gagawin sa magiging anak ko.
2) Kung kayo si Bebang noong mga panahong iyon, magsasalita ba kayo?
Noong ako ay napatira sa tatay ko, madalas din syang magsabi ng kung anu-ano tungkol sa nanay ko—gaya ng kung paanong mas matalino sya kesa sa nanay ko—na sya ay kumuha ng kursong medisina habang si Mommy ay B.S. Zoo lang ang natapos etc. Di naman na makakadepensa ang nanay ko dahil patay na sya, ngunit ang mga sinasabi ng tatay ko ay sapat para maintindihan ko kung bakit sya ganun. Besides, 14 na ako noon, may sarili na talaga akong pag-unawa noong panahong iyon. Nauna kasing maging propesor si Mommy noon samantalang si Papa ay lab technician pa lamang sa unibersidad kung saan sila nagta-trabaho noon. Wala namang masama sa pagiging lab technician di ba? Pero piho ko ay big deal sa kanya ito dahil supposedly mas mataas ang job grade/position ni Mommy.
Anyway, marami pa syang reklamo tungkol sa nanay ko at kagaya ni Bebang, nakikinig lang din ako sa kanya. Hinahayaan ko na lang. Pinalaki kasi ako ng lola ko na huwag sasagot sa mas nakakatanda o magri-reason out [Although, this didn’t help me for thinking that for someone who was supposedly confident of his intelligence, he was being a tad too defensive.]
3) Totoo ba na ang babaeng mahahaba ang buhok ay nangaakit ng lalaki?
This is pure baloney! Halos buong buhay ko ay mahaba ang buhok ko [mula noong ako ay anim na taong gulang pa lang ay mahaba na ang buhok ko, umiksi lang ito noong ginupitan ako ng stepmother ko ng gupit lalaki]. Tamad kasi akong magpagupit. ^_^
Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Uncle Dims
Hahabol ako… I’ve had a few close calls although not as grave as the one that happened to Bebang. Noong ako ay labindalawang taong gulang, iniwan kami ng tiyahin ko—nagpunta sya sa Pangasinan para sunduin ang asawa nya at naiwan kami ng mga anak nya. Ako ang pinakamatanda, sumunod sa akin ay ang grade four na anak ng kapitbahay namin na nagtrabaho sa Maynila at sa amin pinagkatiwala ang bata. Sumunod ay ang tatlong pinsan ko na lalaki, nalimutan ko na kung ilang taon sila, parang walo pa lang ang panganay at nasa tatlong taon pa lang ang bunso. First year high school na ako noon, maiiwan ang dalawang pinakabata sa bahay habang kaming tatlong mas nakakatanda ay nasa paaralan. Hindi naman ako nag-atubiling iwan sila sa bahay dahil may pamilya na nangungupahan sa baba ng bahay namin at marunong magtimpla ng gatas yung ikalawa sa bunso. Ganito ang buhay namin ng halos dalawang buwan. Pag-uwi ko ng bahay, pagkatapos kong magluto at pagkatapos naming kumain, ay aakyat na kaming lahat at doon na kami hanggang makatulog.
Noong unang gabing wala ang tiyahin ko ay inakyat kami ng magnanakaw, kaya kahit na may tatlong malalaking kwarto sa taas ng bahay, minabuti kong doon kami sa salas sa taas matulog kung saan pwede kaming mahiga ng tabi-tabi sa lapag [sinubukan namin doon sa isang kwarto dahil malaki at kasya kami sa lapag kaso ay may daga at natakot akong makagat]. Araw-araw ay manghihiram ako ng dalawang libro sa aklatan namin—isang Nancy Drew at isang Hardy Boys. Madalas sa hindi, nakakatulugan ko ang ilaw namin at di ko na napapatay dahil sa pagbabasa. Isang araw, sinabihan ako ng isa sa mga bata [yung grade four], na yung asawa palang lalaki noong nangungupahan sa amin ay nahuli nyang umakyat at for some unknown reason, tinititigan pala kami habang natutulog. The next night, nahuli ko syang umakyat, at mga ilang sandaling hinayaan ko syang nakatingin sa amin saka ako bumangon. Talagang lumabas ako ng kulambo namin, tinitigan ko lang sya ng matagal. Nagpaliwanag sya sa akin na pinapatay nya lang ang ilaw dahil napansin nyang bukas. Di ako kumibo, tinitigan ko lang talaga sya. Pagbalik ko mula sa paaralan noong araw na yun, wala na silang buong mag-anak sa bahay namin. ^_^
Noong ikalawang mangyari sa akin ito, second year high school naman ako [I was 13]. Umalis na ako sa bahay namin sa Samar at doon na ako nakatira sa tiyahin ko sa B.F. Homes. Konti lang kami sa bahay at marami pang spare rooms sa taas at walang tao doon kaya doon ako pinatulog. Di naman ako takot kaya okay lang sa akin. One time, yung pinsan ng mga pinsan ko sa father side [mother side ang kamag-anak ko], dumalaw. May iba pa silang barkadang nandoon pero ng mag-alisan na ang mga yun, inakyat ako sa kuwarto noong pinsan nila. Ang seradura ng kuwarto ay sira, kaya hindi ko talaga naila-lock yung pinto. Nasa tokador ako noon ng pumasok ang pinsan nila, [I think he was almost in his thirties], tumayo ako mula sa pagkakaupo tapos tinanong ko kung ano ang kailangan nya. Binalikan nya ako ng tanong, in English. Something like, “Can I kiss you?” Tinitigan ko lang sya, binitawan ko yung suklay at lumapit ako sa may pinto, unfortunately kung nasaan sya banda. Tinititigan ko talaga sya habang naglalakad ako sabay labas ng kuwarto. Buti na lang, hindi nya ako hinabol. Kinatok ko talaga ang pinsan ko na babae kahit ala-una pasado na, nakikitira rin sya doon dahil nagkokolehiyo na sya. Nagtaka sya dahil nakikitulog ako sa kuwarto nya at di nya maiwasang magtanong dahil noong bumangon sya ng alas-singko, tinanong sya noong guy kung may sinabi ako sa kanya sabay alis ng bahay. I never saw him again, thank goodness.
Marami pang nangyaring ganito sa akin, may lolo pang humawak sa kamay ko sa jeep. Di rin ako nagsalita, tinitigan ko lang yung lolo. Unlike when I was a kid, hindi na ako kalmadong tao ngayon, siguro ay mananapak na rin ako kung gagawin sa akin ulit ito.
Nakakapagtakang Nagtataka Pa
Tingin sa mga mag-asawang naghihiwalay?
Okay lang sa akin ang mga mag-asawang naghihiwalay. Like any other contract, there should also be a revocation of a marriage contract. Sinasabi ko ito dahil lumaki ako sa isang pamilya kung saan ang aking tiyuhin ay nambubugbog. Buti kung bugbog lang, binibitin nya patiwarik ang pinsan ko, minsan ay itinatali nya ito sa poste at nilalatigo ng kawad ng kuryente. Kung ganito naman ang nangyayari araw-araw ay mas mabuti pa talagang maghiwalay na lang kesa mamatay kayo lahat [unless of course, they want to]. I'm pretty sure that "for better or worse" and "'til death do us part" didn't mean to stick together even if it's like this and die together anyway. Just saying. :(
Louize, ang linaw na. Talaga ngang di tama, ano? Naglaro kasi yan sa isip ko dahil ginagawa yan ng mga magulang ko sa isa't isa noong lumalaki kami. Tapos, baka unconsciously nagagawa ko rin o nagawa ko rin sa anak ko. Yon bang wala kang intensyon na manira at naghihinga ka lang ng sama ng loob. Lalo na siguro pag isa lang ang anak mo. Ay naku, yang nanay mo talaga ang kulit kulit.
Jho, binasa ko ang mga komento mo. Salamat. Nakakalungkot isipin na talagang may mga manyak. Marami ring nag-manyak sa ate ko noon. Mabuti't wala akong naengkuwentro para sa anak ko. Ang lalaki ba talaga, manyak? O meron hindi. Parang ako may minanyak din.
Ika-19 ng Nobyembre: First Date
Heto na yong gagawin natin sa ika-1 ng Disyembre. Two weeks from now!!! Handa na ba kayo?
Sabi sa akin ni Bebang, ito raw ang ginawa nila ng BF niya ngayon (na mame-meet nating lahat sa Dec 1st). Parang anniversary rin nila ang Dec. 1st kaya naisip niyang gawin ito.
Mga Tanong:
1) Kayo, saan kayo nag first date? Bakit?
2) Saan ang inyong first kiss?
3) First love ba ninyo ang inyong first date?
4) Sinong nagbayad?
5) Ang first date ba iyon ay nagkaroon ng second date, third, etc.?
Sagot ko:
1) Sa sinehan. Bakit? Di ko na matandaan. Siguro pareho naming gusto na mag-churvahan sa dilim. Di ko na matandaan kung kaninong ideya. Sa Baguio ito eh. Pare-pareho naman namin na pasyalan na ang mga magagandang tanawin. Tapos baka may makakita sa amin. Taga-roon ako. Taga-Pangasinan sya. Corni naman kung magho-holding hands kami sa Burnham. Di naman kami makakalayo kasi wala pa akong sasakyan noon.
2) First kiss? Doon din! Porky's pa ang palabas.
3) Yes, first ko yon sa lahat ng puwedeng maging firsts.
4) Ako! Pero yong mga susunod madalas siya. Dahil siya ang mayaman.
5) Oo, nasundan at nasundan ng mga dates doon sa Baguio, Dagupan at maging dito sa Maynila. Kaso, di kami nagkatuluyan.
Umagang-umaga, maraming revelations. Ikaw? Share mo naman ang maiinit na tagpo ng iyong firsts.

Julie, ang sad naman. First love, first bangungot. Sobra kayang memorable pag first love, first kiss, first dance.
First dance ko, sa grade 6. Ang tugtog pa ay "El Bimbo."
First holding hands ko, third year high school. Pawis na pawis ang kamay ko.
First kiss ko, fourth year college, nangangatog ang baba ko sa nerbiyos. Napansin pa niya, kasi di niya first kiss.
First... (wag na lang ito) hahaha

Phoebe, naging interesting tuloy para sa akin na makita ka sa personal. Di bale, yan na rin ang FIRST DATE mo. Date kayo ng baby mo. Yay!

Wala na kong maidaragdag pa sa mga magaganda at makahulugang opinyon ng ating mga kaibigan sa bahaging ito; nabanggit na nila ang nais kong rin sanang ipabatid.
Ikalabing-anim na Sanaysay: Milk Shakes and Daddies
Nang matapos ko ito, naalala ko ang I Know Why the Caged Bird Sings ni Maya Angelou. Hawig o homage kasi ang katapusan ng sanaysay sa huling bahagi ng libro. Oo, masakit sa puson, nakabibitin. Tulad ng nangyari kay Angelou, na isa ring dalagang ina, ang dami kong tanong sa huli. Anong nangyari? Anong karanasan pa ang pinagdaanan ni Bebang sa maaga niyang pagbubuntis? Ano nga ba ang kahulugang maging isang ina lalo na kung magsisimula ka pang bumuo ng isang pamilya'y sira at kulang na ito sa simula pa lamang.
Ikalabing-pitong Sanaysay: First Date
Matapos kong basahin ito, nalaman ko na kung bakit pala ganoon ang plano natin sa darating na Disyembre 1. Magrereklamo nga sana ako dahil nais kong mapaaaga ang ating pagtalakay sa aklat, pero buti na lang hindi, napahiya tuloy ako. Haha! :D
Nakakakilig basahin ito, pramis. Kasi, hindi ko pa man nababasa ang sinulat na ito ni Bebang, trip ko na talaga dating makipag-date na sa museum ang setting. Palasak na kasi ang mall, bukod pa sa Booksale at NBS lang ang nais kong puntahan doon. Ang kaso, dyahe naman kung sa museo gagawin ang date (kahit pa kakilala't naging kaibigan mo na ang babae, oo, nakakahiya pa rin), unang-una kasi baka ma-turn off sa akin ang babae at isiping boring at sobrang nerd ako. Nyahaha! :D
Anyway, milkyway, sachet, Clara Olé, nais ko na ring isiping napasaya ko ang
Okay, para sagutin ang ilan sa mga katanungan:
1.) Kayo, saan kayo nag first date? Bakit?
Sa lansangan! Kasi lagi kaming magkasabay na naglalakad tuwing pauwi at hinahatid sa kanilang bahay. Pero, ang official first date namin sa isang branch ng Iceburg's (noong di pa ito kasikatan) sa Tutuban Mall matapos ko siyang ayain magsimba sa Simbahan ng Tondo. Kaya First Date kasi doon niya inamin na, alam n'yo na, at ayon, nakamit ko nga ang kanyang matamis na... "Oo". Waahoooo! ^.^
2.) Saan ang inyong first kiss?
Partner ko siya sa opening dance number noong junior prom. Pareho kasi naming hilig ang magsayaw. Yong First Kiss nangyari noong nagwawaltzing-waltzing kami matapos ang isang love song na di ko na matandaan. Siguro nakadagdag sa sitwasyon na puro strobe lights lang at may kadiliman (Ang kabataan talaga at ang dilim, talagang magkaibigan *ngiti*).
Wala, bigla na lang nangyari. Siguro sa nag-iibigan, at sa lalaking tulad ko na hindi talaga marunong tumiyempo, ang first kiss (kahit pa man din siguro roon sa mga nagliligawan at magkasintahang simula pa lang nagkakakilala) bigla-bigla na lang talagang nangyayari. Tingin ko, nadoon ang sinasabi nilang magic. Oo, matamis ang first kiss. Nagtawanan na lang kami pagkatapos. Pero walang hiyaan, di rin awkward. Natural lang talaga. Wahhoooo! Naka-first base na ko! ^.^
3) First love ba ninyo ang inyong first date?
First girlfriend ko siya, siguro first (true) love na rin yong masasabi. Siya, may naka-on noong second year, pero di rin naman daw sila nagtagal.
4.) Sinong nagbayad?
Ako ang nagbayad siyempre. High school pa lang namin kami noon kaya ang pera nanggagaling lang sa pahingi-hingi sa magulang. Pero pinag-ipunan ko talaga ang First Date na yon, ha! Nagdugo ang bulsa ko, (di dahil sa mens, ha) dahil sa PHP70 pa ang isa ng halo-halo noon. Haha! :D
5) Ang first date ba iyon ay nagkaroon ng second date, third, etc.?
Second date namin sa Jolibee matapos manood ng isang play sa FEU, pero di ata second date yon kasi kasama rin namin ang mga barkada. Ang tipikal na dates namin yong paglalakad namin papauwi habang kumakain ng fishball, french fries at shake o samalamig na sago't gulaman na binili sa kanto.
Hindi namin nagtagal, halos 8 months lang kami naging mag-on. 4th year na kami noong mag-break, pero friendly break naman siya dahil pareho naming desisyon na maghiwalay. Naramdaman na kasi namin na malapit nang magkaiba ang landas namin, bukod pa sa hindi na kami magkaklase. Nagpapasalamat na lang din ako kasi kahit papaano hindi siya naghanap ng iba o nagpasulot sa iba.
Hindi na ako sumali sa sayaw o cotillion noong Senior High school prom namin. Naupo na lang ako sa bleachers; nakipagbiruan sa mga kaibigan, lalo na roon sa ibang mga walang ka-partner noong prom. Hindi ko na rin siya hinanap para makasayaw uli. Isinayaw ko na lang yong ibang mga babae kong kaibigan at kaklase na ayaw ayain ng iba.

1) Kayo, saan kayo nag first date? Bakit? sa robinson's manila, shusiya ba yun? Haha at may kasama ako.
2) Saan ang inyong first kiss? sa convenience store. ;p
3) First love ba ninyo ang inyong first date? oo at sana last :)
4) Sinong nagbayad? hahahahahaha hati kasi may kasama nga ako
5) Ang first date ba iyon ay nagkaroon ng second date, third, etc.? naku hindi ko na nabilang ang mga sumunod pa

wala. =.="
#EllaSabatera - okay lang yan dear. Basta wag lang masyadong assertive. hihihih.
Pwede bang magshare? ang nice naman ng usapan nyo about first date. (lurker resurfaces)
Ella, sige, sige. SHARE! :) Mapapalad ang mga may ishi-share. Sila ay mga biniyayaang magkaroon ng dyowa noong araw.

Mababasa ito sa kanyang blog post na Winner!
Ano man ang mangyari, winner ka pa rin sa mga puso namin Miss Bebang!
We heart Mens! ^.^

Ano man ang mangyari, winner ka pa rin sa mga puso namin Miss Bebang!
We heart Mens! ^.^"
Aww...kahit na, ang sweet naman ng mga mahal niya sa buhay.
Darating din ang award na yan. Tama si jzhunagev winner ka pa rin sa min!! :D
Ganda nga, Jzhun. Sa talento ni Bebang, marami pang nominasyon ang darating dyan. At balang araw, sabi mo nga, darating din ang awards sa kanya. Kaya dapat siyang mag-subi ng pang-taxi! Sayang, sana nag-attend ako dahil malakas akong sumigaw ng "Go Bebang!" Next time, pupunta na ako dyan.
Ika-21 ng Nobyembre: Ang Piso
Ang matapang na nanay na nakipag-away sa konduktor at drayber ng Nova Transport. Tama lang. Noong nagko-commute ako nakinig ko na ang ganitong mga kuwento. Di lang nga ako nabiktima. Ang usual na kinakagalit ko ay ang price difference ng Del Pilar (4 blocks away from Munoz Market) at mismong Munoz Market. Yong ibang driver, mas mura pag Del Pilar lang. Yong iba, pareho na sila. Ito yong nasa La Salle pa ako naga-aral at di ako nage-LRT bagkus nagdyi-dyip ng dalawang sakay. Taft-Quiapo-Quiapo-Munoz o Taft-Harrison-Harrison-Proj 8. Dadaan yon sa Del Pilar. Masaya namang mag-dyip. Mas enjoy ko sa dyip kaysa bus. Sa bus kasi, may option na patayuin ka at isisiksik ka doon sa loob ng istribo. Tapos minsan, mainit pa. O doon ka sa bahagi na nakataas ang tuhod mo dahil may gulong. Ito yong lugar na pinakahuling pinipili ng mga sumasakay dahil nakakangawit pag matagal kang uupo at mahirap sa mga trabahador ng S.M. dahil naka-palda sila ng medyo maiksi.
Wala lang. Di ko maisip ang itatanong sa inyo. Sigurado akong may mga karanasan kayo sa loob ng bus. Share nyo na lang.
Ito na lang. Sa punto de vista ni EJ habang nagaganap ang insidente. Tipong, sa mata ng isang bata... (sa palagay ninyo?)

Bawat piso mahalaga, ikaw nga.
Lahat naman siguro ng mga nagko-commute dumaan sa mga mapagsamantalang drayber ng jeep o konduktor ng bus. Sa panahon nga naman ngayon na lahat umaaray sa pagtaas ng gaas, napapaaray din ang riding public sa tuwing hihingi ng umento sa pasahe ang samahan ng FEJODAP at mga TARANTODA (!). Hehehe... :D
May isang nakakatawa na nakakainis na tagpo ako noong nasa kolehiyo pa ako na di nalalayo sa inilalahad ng sanaysay. Sabado pero inaatasan pa ring kaming magsuot ng uniporme ng aming eskwelhana. Papauwi na ako kasama ang ilang kaibigan. Sumakay kami sa paparating na dyip at nang makaupo, sinabi kong ako na muna ang magbabayad para sa kanila't sisingilin na lang ang mga kaklase ko pagbaba dahil buo ang pera ko. Nang magbayad ako, "Ma, tatlo po, estudyante", kamukat-mukat bang sabihin ng TARANTODANG drayber na,"'Pag Sabado daw walang estudya-estudyante. 7.50 ang pamasahe."
Hindi ba bulag ang mamang ito? Nakita naman niyang nakauniporme't isinakay niya kami galing sa eskwelahan, tapos di raw kami estudyante!?
Aba, at nakipagtalo nga ako. Di ko papalampasin na lamangan ako ng mamang 'to sa ilang sentimong kulang sa sukli ko. Sabi ko: "Pwes, ibig bang sabihin no'n kapag Sabado ipagpapaliban muna ng pilay na sasakay sa bulok n'yong dyip ang kanyang kapansanan?! Na hindi na muna senior citizen ang mga matatandang kahit may ID pa sila para patunayan ito tuwing Sabado?!"
Nag-eskandalo talaga ako sa loob dyip habang tumutulak ito papuntang Divisoria. Ano pa't ibinigay din naman ng drayber ang aking sukli sa huli. Pero na-realize ko hindi dapat ako umasta ng ganoon para sa ilang sentimo lang. Naisip kong sa kakarampot na halaga ipinakita kong wala akong pinag-aralan, naka-uniporme pa man din ako.
Oo, naalala ko si #amalayer sa pagkukuwento ko. Buti na lang din may kamahalan pa ang mga de-kamerang cellphone noon, kung mayroon man, iyong mga kamerang pang-piktyur-pikyur lang. Kung di, nakikila siguro akong si #amastudent. Ewan nga ba. Sa tuwing nasisiil ang ating karapatan, nag-aalburuto na lang tayo bigla, at nakakalimutang mag-isip at lumagay sa tama.
*bow*
Kahit naka-uniporme ka kasi ng pang-high school, mukha ka pa ring nasa pre-school. Joke. Salamat, Jzhun.

Ang Piso
Ayoko ng LRT at MRT dahil sobrang napipisa ako kaya araw-araw kong tinatyaga ang halos 2 oras sa bus papuntang trabaho. Hindi pa naman ako nakaranas ng overpricing pero ang palagi ko lang nararanasan ay yung ibabalik nila yung iba sa binayad ko tapos ibababa na sa ibang lugar dahil ako na lang ang pasahero. [Nakakainis kapag sasabihin nilang hanggang city hall lang sila o kaya naman Lawton, eh kaya nga ako sumakay ng Taft para diretso na. >:( ]
Naalala ko yung essay ni Lourd de Veyra na Attack of the Killer Buses!
Napakita rito ang karakter ni Bebang, palaban. Nakakatawa kasi halatang halata na, lumulusot pa ang drayber. Pero nakakainis dahil may mga taong ganito.

Speaking of...
Ito pa nga ang weird. Kung kailang nagtatrabaho naman ako, saka naman ako sinisingil na student fare ng PHP 7.00. Haaayy, buhay! Pero sa mga pagkakataong 'yon, tahimik na lang ako. Haha! :D

Hindi ko alam kung san ko nabasa, narinig o natutunan ito pero may sense naman at fool-proof sya—yan ay kung hindi ikaw yung fool. :) Anyway...
Mas maganda ang merienda time sa hapon ang First Date. At sang-ayon ako kay Ms. Bebang. Dapat may nakatakdang oras ito. Allow me to explain the logic...
Merienda sa hapon kasi:
1. Hindi ganon ka-gastos. Kung hindi maganda ang takbo ng date, hindi ka manghihinayang. Atsaka sa totoo lang, ang hirap kumain ng marami sa harap ng taong kinikilala mo pa lang.
2. Itakda ang oras ng date (mga 2 hrs tops hanggang 4 o 5pm). Sabihin na may lakad ka pagkatapos ng inyong tagpuan dahil...
3. Madali naman ito i-cancel kapag nag-eenjoy ka at pwedeng mag extend ang date hanggang dinner. :)
Kapag dinner nagsimula agad kasi, tapos hindi okay yung date, baka obligado ka pa (bilang maginoong lalaki) i-hatid diba.
Ms. Bebang, tama po ba ang nabasa ko...sine is a no-no pero out of town is okay sa First Date? :)
Books mentioned in this topic
It's a Mens World (other topics)Kung Wala na ang Tag-Araw / Ano Ngayon, Ricky? (other topics)
The Wolf and the Dove (other topics)
I Know Why the Caged Bird Sings (other topics)
Catch a falling star (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Bebang Siy (other topics)Maya Angelou (other topics)
Cristina Pantoja-Hidalgo (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)