Pinoy Reads Pinoy Books discussion

It's a Mens World
This topic is about It's a Mens World
149 views
Sabayang Pagbabasa > Huling Kuwarter ng 2012: IT'S A MENS WORLD ni Bebang Siy (Moderator: K.D.)

Comments Showing 201-250 of 374 (374 new)    post a comment »

message 201: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jzhun, napakaganda ng kuwento mo. Isang kuwento ng pag-ibig. Ikaw na bihirang maringgan ko ng ganyan. In writing na ngayon. Level up. Salamat.

Phoebe, ako, dahil ako ay workaholic (at bookaholic din) lalo na noong kabataan ko, nakuha ko yan sa mga magulang ko. Lalo na sa Nanay ko na walang tigil sa katratrabaho. Lahat kami sa family, workaholic. Ang mga chinese (or tsino Jzhun) ay nagmula sa China (natural) at ang mga naunang dumayo sa Pilipinas ay madalas mga naghihirap doon (Cultural Revolution) kaya alam nila ang hirap ng buhay at ang halaga ng kuwarta. Kaya sila hardworking.

Ika-9 ng Nobyembre: Ang Aking Uncle Boy

Nakakatawa. Ito na naman kasi ang Nanay niya. Doon sa unang kuwento, nagbababad sa sugalan. Ito naman ay tuwang-tuwa. Malaman ang kuwento. Ang relasyon nila sa kanilang mga pinsan.

Ako, malapit sa mga pinsan sa mother side kasi mayroon kapatid ang nanay ko na matitino ang mga anak at sila ay nakituloy sa bahay namin dito sa Maynila noong naga-aral pa ng kolehiyo. Naalagaan nila kami.

Sa father side naman, hindi. Kasi sila yong mga taga-Maynila at kami yong mga taga-probinsiya. Pero ngayong wala na halos rin silang mga magulang, parang pantay na. Di na sila masyadong mayaman. On speaking terms kami, pero di na close. Mayroon din sa kanilang naging dalagang ina (na during that time ay big deal) at adik sa bawal na gamot (di na nakita mula noong naglayas).

Kayo, kumusta ang relasyon sa inyong mga pinsan?


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Super Inggo

Interesado talaga ako sa kultura ng mga Chinese dahil ang dami kong studyanteng Chinese. Okay naman siguro yung masipag pero si Ape ay "all work and no play" baka kaya din siya nastroke dahil kulang siya sa SAYA

Uncle Boy

Parang may ganito akong tito. Sa barko din sya nagtrabaho at mahal na mahal din siya ng nanay ko. Ngayon yung 3 anak niya lahat na sa abroad siya naman namamahinga dito :)


message 203: by Phoebe (last edited Nov 09, 2012 05:13AM) (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments pahabol lang: ang lungkot naman ng fixed marriage kung hindi sila nagkagustuhan :(

KD: mga magulang ko rin pero di ko alam bakit ako hindi... haha


Ang Aking Uncle Boy
Dati ang mga ka-close ko yung mga pinsan ko sa father side, sila yung mga kababata ko. Ngayon yung mas close ko yung sa mother side. Hindi ko alam kung bakit napalayo na sa kabilang side, siguro kasi pagtanda magkaiba na ang mga hilig.

Ang cute ng Marne Marino. :)
Wala akong kilalang seaman pero ang palaging mga kaklase ko may seaman na tatay. Tulad ng katabi ko dati. Naaawa ako kasi minsan lang sila magkita ng tatay niya tapos pagdumarating ito tuwang tuwa siya.


message 204: by Meltz (new)

Meltz (meltzenciso) | 1 comments Nahuli na ata ako.


message 205: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Meltz, puwede ka pang humabol. Madaling basahin ang libro at may isang buwan pa bago matapos ang diskusyong ito. Oo nga pala, welcome to the PRPB group!

Anna, anong tinuturo mo't marami kang estudyanteng chinese?

Phoebe, di kaya baka ayaw ng magulang mo ang pagiging workaholic nila? Nanay ko kasi inincourage kami. Noong nasa probinsiya pa kami, kanya-kanya kaming gawain sa bahay. Kung aling meal ka magiging tagahugas ng pinagkainan. Kung ikaw ay taga-walis, taga-luto, taga-laba, taga-plantsa, taga-igib, atbp. Ako, ang... taga-laba at sa gabi na taga-hugas ng pinggan!


message 206: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Super Inggo

Sabi ng huling paragraph maghapong nagbabantay ang mumu ni Ape sa groseri, nakikinig sa usapan. Yayks!


message 207: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Nov 10, 2012 04:08PM) (new) - rated it 5 stars

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Super Inggo

Kahit patay na ay nagmumulto pa rin "Business as usual:... haha!


message 208: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Phoebe, sangayon ako. Cute ang "Marne Marino." Akma pa sa boses ng libro. Light at parang naratibong pambata.

Ryan at Po, habol pa ba sa Halloween?

Ika-11 ng Nobyembre: Sibuyas

Ito yong sinasabi ni Po kahapon. Sabi ko di ko na maala-ala. May itatanong ka ba, Po, kay Bebang tungkol dito sa Sibuyas? Ano?

Binasa ko ulit ng marahan ngayong umaga. Parang may kakaibang mensaheng di ko matukoy. Simple lang kung tutuusin pero sa puntong ito, pinagdududahan ko na ang mga kwento ni Bebang na akala ko ay simple. Alam ko kasi may maiisip kayong ibig ipakahulugan si Bebang dito.

Alam nating lahat na gusto nang ibigay ni Bebang ang bente sa matanda. Yon lang ang simple.

Ano sa palagay ninyo ang mas malalim na kahulugan ng kuwento? Halimbawa, yong nasa dulo na "kandahulog"(na mga patatas) na hindi na pinapansin ng tindera at panay na lang ang bugaw ng mga langaw?


message 209: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Nov 10, 2012 04:13PM) (new) - rated it 5 stars

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @KD

Sibuyas!...kamatis, bawang at luya...
(view spoiler)


message 210: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po, ang literal na pagbugaw ay naging trabaho nang pagbubugaw?

Magaling! Ikaw na ang isang henyo sa Panitikang Pilipino!

Ano ngayon ang sinisimbolo ng "sibuyas?" Sa dinami-dami ng puwedeng dekwatin ng matanda, bakit inuna ang "sibuyas"?

Ang sibuyas ay maraming layers (ano ba yan sa tagalog?). Palalim ng palalim.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @KD

Shibuyas!..
(view spoiler)


message 212: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hala, ang lalim na!


message 213: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Sibuyas

Magaling ang interpretasyon mo, Po.

Ang naisip ko naman sa patatas ay ang idiom na "bad potato". Hindi na pinapansin kasi nahulog na. Parang yung matandang walang pinagkatandaan.


message 214: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama. May punto ka tungkol sa patatas, Ryan.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @Ryan, maganda rin ang obserbasyon mo sa patatas. wow! madami pala pwede i-relate sa mga kwento ni Ms.Bevs. Nakaka-aliw. haha!


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments @ K.D.: speech pathologist ako kaya tinuturuan ko ang mga special children magsalita, magkomunika, kumain, etc.


message 217: by K.D., Founder (last edited Nov 11, 2012 02:38AM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po, tama ka. Pag raw maraming interpretasyon ang maaaring isipin ng mambabasa, ang aklat ay maganda. Yan ay sabi ni Doris Lessing (Nobel Prize for Literature Winner). Kaya winner si Bebang Siy!

Anna, ang galing. May speech pathologist pala dito sa pangkat natin! Salamat sa pagsi-share.


Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Natuwa ako sa paliwanag nina Po at Ryan tungkol sa sibuyas at patatas. Ang masasabi ko lang sa kwentong ito ay nakaka-disillusion sa batang si Bebang na madiskubre na ganun ang taong nais nyang tulungan.

Doon naman sa Super Inggo, nalungkot ako rito. Para kasing nabuhay lang si Ape para sa trabaho nya.


message 219: by Apokripos (last edited Nov 11, 2012 08:17PM) (new) - rated it 4 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ikalabing-dalawang Sanaysay — Ang Aking Uncle Boy:

Ang cute ng Marne Marino! Dito ko na-realize na maganda ring magsulat sa wikang banyaga si Bebs. Nagtataka ako? Mayroon na kayang nag-anyaya sa may-akda na gawing children's book ang maiklikng kwentong ito? May potensyal siya!

Sa aking pagpapalagay, si Uncle Boy at kasunod nitong sanaysay ukol kay Ape ang dalawa sa mga kalalakihang binibigyang pugay ni Bebang. Sa pamamagitan ng mga ito nabalanse ang feministang tema ng libro dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng mambabasa ang di-kagandahang paglalarawan ng may-akda sa naging kakulangan ng kanyang ama. Ang dalawang tiyuhin marahil ang nagbibigay ng mabuting ehemplo kung ano nga ba ang isang "father figure" sa mata at batang isipan ni Bebs.

Kapuna-puna rin ang ugnayan ng dalawang magkasunod na sanaysay lalo na kung titignan ito sa anggulo ng pagiging masigasig sa buhay (sa harap ng mga pagsubok), o iyong tinatawag nga nating "kayod-marino" sa salitang balbal (slang.)

Kayo papaano niyo maihahambing o nakita ang pagkakalarawan sa dalawang haligi ng tahanan?



Ikalabing-tatlong Sanaysay — Sibuyas:

Sa simula hanggang matapos ko ito nakasaksak sa aking isipan ang tayutay (idiom) na tuwina nating naririnig sa matatanda: ang pagiging balat-sibuyas, nangangahulugang "sensitibo."

Ipinakita dito ang pagiging sensitibo ng batang si Bebs sa isyu ng kahirapan — kung papaano nito nauudyok ang mga maralita na napipilitang kumapit sa patalim sa kilos na nakita natin sa pagnanakaw na ginagawa ni Lola na nagbabalatkayo bilang kaawa-awang pulubi. Isang tusong modus nga ito dahil bagkus kakaawaan ng makahuhuli ang matanda imbes na isuplong pa ito nang dahil lang sa ilang piraso ng inumit na gulay.

Kinatatampukan din dito kung papaanong ipinagkikibit balikat na lang ng iba ang isyung ito sa ating lipunan, gaya ng pagsasawalang bahala ng mga mamimili sa palengke sa namamalimos na matanda; kung papaanong hindi na pinasin ng tindera ng gulayan ang mga nagkandahulog na patatas, na mas pinipili pang bugawin ang mga langaw (isang simbolismo ng pagpapaalis sa nakaiistorbong pulubi) na, gaya ng huli, namamalimos rin kahit ng nakaw na sandali, ng kakaunting tikim man lang sa mga sariwang paninda.

Naalala ko ang isang siping nabasa ko:
"It's not hunger but indifference that kills."



message 220: by Phoebe (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Sibuyas

Ang ganda naman ng mga interpretasyon ninyo. Dapat nauuna pala ko, parang ang hirap niyong sundan haha lalagay ko na lang naisip ko.

Ang hindi pagpansin sa mga nahulog na patatas ay tulad ng di pagpansin sa mga bulok o pangit na side ng ating bansa. Kumbaga mga nakagawiang hindi na mabago. Tulad ng namamalimos o nagnanakaw. Isama ko pa ang sistema ng lipunan.
Namulat si Bebang sa katotohanan ng buhay. Syempre pag bata ang ituturo sa iyo ay ang kabutihan at kasamaan pero malalaman mo na lang na may blindspots pala.


message 221: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama si Phoebe, ang gaganda ng mga interpretasyong ninyo. Panalo kayong lahat!


BABALA: Bukas, ika-13 ng Nobyembre, ay kabanata ay totoong sensitibo. Mangyaring huwag bumisita at magbasa ang mga kabataan (below 18) sa thread na ito sa loob ng 2 araw.


message 222: by Apokripos (last edited Nov 11, 2012 09:16PM) (new) - rated it 4 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "BABALA: Bukas, ika-13 ng Nobyembre, ay kabanata ay totoong sensitibo. Mangyaring huwag bumisita at magbasa ang mga kabataan (below 18) sa thread na ito sa loob ng 2 araw."

Tama, sensitibo at matapang ang susunod na sanaysay. Sa ganang akin lang, pag-usapan natin ito nang may bukas na isipan. :)


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Hindi ko nga alam kung anung ibabahagi ko tungkol sa kabanata na ito


PATRICK (patrickdanque) | 15 comments K.D. wrote: BABALA: Bukas, ika-13 ng Nobyembre, ay kabanata ay totoong sensitibo. Mangyaring huwag bumisita at magbasa ang mga k..."

I've been 18 for a long time. 0.0


message 225: by Louize (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) Sorry late na ito...

Super Inggo
Usually ganyan nga ang mga panganay ng mga Chinese. Siguro kasi sa kanila talaga ipinapapasan ang responsibilidad ng kabuhayan, kaya nagsusumipag talaga sila. Usually din bunso ang tamad.

Meron dito n'yan sa amin, 'yung Pamplona Lumber. Chines clan ang may-ari, at 'yung panganay ang nagma-manage. Buong angkan nila tauhan doon -asawa, anak, kapatid, hipag, bayaw at mga pamangkin. Hindi 4- storey high ang bahay nila, 2 lang. Pero isang block ang nasasakupan, sa ibaba ang hardware, sa napakalaking lote sa likod nito ang lumber.

Ang Aking Uncle Boy
Sana ako rin may Uncle Boy, kasi ang Papa ko ang Uncle Boy ng mga pinsan ko. Hindi ko na ie-elaborate, understood na 'yun di ba? Sa mother side naman wala akong uncle, only child ang Mama ko.

Tama si Jzhun, nakakatuwa 'yung Marne Marino. Sana mai-limbag din.

Sibuyas
Medyo mabigat ang mensahe nito. Oo, hindi ko rin naiwasang isipin ang simbolismong gustong ihatid nito. Child's eye view ang lahat ng eksena sa loob ng palengke. Nailarawan ni Bebang ang itsura ng palengke, parang lipunan na marungis. Ang mga tindero/tindera, iba't ibang uri ng taong dapat mong pakitunguhan, makasalamuha, o iwasan. Si lolang pulubi ang larawan ng karaniwang mamayang Pilipino. Ginagawa ang lahat ng kaparaanan para mabuhay, kahit pa ibaba ang sarili basta't malamnan ang tiyan. Sibuyas, kasi sensitibo (agree ako kay Jzhun) lalo na sa mata ng bata. Maaga s'yang namulat sa totoong kalagayan ng lipunan na ginagalawan natin.

Pwede rin namang ordinaryong eksena ito sa palengke, totoong nangyayari. Kaya kapag pupunta ka ng palengke mag-ingat, baka madukutan. hehehe


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @Louize, Jzhunagev,K.D.,Phoebe,Josephine,Ryan
Nakakatuwa naman basahin ang mga rebyu at reaksyon ninyo. Ang dami kong nakukuhang ideya.


message 227: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Louize, na-miss kita. Araw-araw, iniisip ko, bakit wala ng post dito si Louize? Kaya ngayong umaga, pinasaya mo ako. Salamat.

Po, tama ka. Yong akala kong simpleng kuwentong pambata ni Bebang, sobrang ang daming anggulo palang puwedeng interpretasyon. Nakakatuwa talaga ang magusap tungkol sa librong pare-pareho ninyong binasa. Lalo't maganda ang libro. Yan ang nakakatuwa sa book club!

Ika-13 ng Nobyembre: Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Uncle Dims

ANG KABANATANG ITO AY SENSITIBO. PATNUBAY NG MGA MAGULANG AY KINAKAILANGAN

Reaksyon ko: Bakit parang nalungkot ako.

"Nakakahiya. Nakakahiya ako."

Parang ang bigat lang sa pakiramdam. May parang ganito akong dala-dala rin kasi. Kaso lalaki ako at humingi na naman ng tawad yong gumawa sa akin. Tapos mahal ko naman sya. Para lang di ko malimut-limotan ang ginagawa niya sa akin noon. Bata pa rin ako. Siguro, 5-7.

Pangasinan. May mga memories ako dyan. Taga-Dagupan ang first love ko. Hay, Tundaligan. Hay, bunoan Bangus. Hay, Lingayen. Pagsinabing Dagupan, pag-ibig ang nasasaisip ko.

Kaya ako, pag may motorsiklong lumalapit sa akin kapag nagdra-drive? Naku, alisto. Kasi karamihan ng hired killers eh naka-motorsiklo. Sabaga'y siguro, wala naman akong atrasong matatawag. Pero, paano naman ang mistaken identity.

Yan lang ang mga naisip ko habang binabasa ko ang napaka-lungkot na kuwentong ito ni Bebang. Gusto ko lahat halos ng mga kuwento, pero ito ang PINAKA sa lahat.

Kayo, ano ang mga nanumbalik na ala-ala sa inyo?

Salamat nga pala, Bebang, sa pagbabahagi. Sana'y talagang naka-move on ka na.


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ikalabing-apat na Sanaysay: Sa Ganitong Paraan Daw Natepok si Uncle Dims

Reaksyon ko: Malungkot, matapang, may aral.

Sa lahat, ito ang may direktang ugnayan sa akin.

Mayroon akong pinsan na hindi malayo sa naging karanasan ng batang si Bebs. Nasa high school na ko nang malaman namin, ng nanay niya (hiwalay sila ng kanyang asawa) at ng mga magulang ko. Nangyari ito noong Grade 4 siya at umaga ang kanyang pasok noon sa eskwelahan. Ikinuwento niyang hinihipuan daw siya ng aming kapitbahay habang nagdaraan siya sa madilim naming eskinita patungong paaralan.

Dalawang beses na nangyari 'yon sa magkahiwalay na pagkakataon na may ilang linggo ring pagitan. Mabuti na lang at nasa hustong gulang na ang pinsan ko at nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin ito sa kanyang ina at sa kanyang tiyahin (nanay ko). Mainam na rin at itinuturo na siguro ito sa asignatura nilang Home Economics kaya may kamalayan na siyang malamang masama ang paglalapastangang ginawa sa kanya. Ang nagtulak sa kanyang gawin ito ay nang naging malala na ang panghihipo sa ikalawang pagkakataon. Pinasok ng putang ama naming kapitbahay ang kamay nito sa zipper sa gilid ng kanyang palda at inililis ang pundya ng kanyang underwear at hinawakan nito ang kanyang ari.

Nalaman ko na lang ito nang inaresto at dinampot ng malapit na presinto ng pulisya ang aming kapitbahay. Napag-alaman ding may ilang buwan na itong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi ko rin malaman, pero nagpuyom at damdamin ko noon. Mabuti na lang talaga at nakulong na siya bago pa man dumating sa kung ano ang mga pangyayari. Magmula noon, tuwing may napapanood ako sa balita na mga babae, lalo na ang mga menor de edad, na pinagsasamantalahan at inaabuso, nagngangalit ako. Sa ganitong paraan din siguro bakit may awa rin akong nararamdaman sa mga dalagang-ina, higit sa babaeng iniwan sa nakabuntis sa kanya. Ngunit ibang kuwento na 'yon.

Hindi ako babae at di ko magagawang malaman kung ano man ang nasa isip nila lalo na ng mga tulad nilang biktima ng pang-aabuso. Ngunit ang insidenteng iyon ang nagpamulat sa akin kung bakit may ilang di magawang ilahad ang nangyari sa kanila; dahil na rin sa takot at pambabanta ng taong gumawa sa kanila nito at ng dulot nitong "stigma" at kahihiyan. Tama si Bebang, hindi dapat mahiya ang biktima dahil di niya ginusto itong mangyari sa kanya. Pero di pa rin maiiwasan nand'yaan ang makakating dila't mapanghusgang mata ng ilan. Batid ko kung bakit nga di magagawang ikuwento ito ng harapan ni Bebang sa kanyang pamilya, maging man sa mga kamag-anak.

Pansinin ninyo ang titulo ng sanaysay:
Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Uncle Dims

Sa tingin niyo bakit kaya nilagyan ng may-akda ng "daw" ito?

Dahil sa paningin ni Bebang, buhat pa nang gawin sa kanya ang kalapastanganang ito, patay na ang kanyang Uncle Dims sa kanyang isipan bago pa man ang karumaldumal na sinapit nito.


Ibalik ang Death Sentence!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Parang ang bigat lang sa pakiramdam. May parang ganito akong dala-dala rin kasi. Kaso lalaki ako at humingi na naman ng tawad yong gumawa sa akin. Tapos mahal ko naman sya. Para lang di ko malimut-limotan ang ginagawa niya sa akin noon. Bata pa rin ako. Siguro, 5-7."

Baka personal, Kuya D, pero may nangyari rin sa iyong ganito?


message 230: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Meron, Jzhun. Pero parang wala namang epekto sa akin. Hindi ko lang nakakalimutan pag may narinig akong ganito.


message 231: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Meron, Jzhun. Pero parang wala namang epekto sa akin. Hindi ko lang nakakalimutan pag may narinig akong ganito.


message 232: by Phoebe (last edited Nov 12, 2012 07:33PM) (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Uncle Dims
Ang natutunan ko sa crim law ay the mere touching of the labia constitutes rape.

Sabi ko nga sa sarili ko kung mayroong mangyaring parang ganyan sa kin, sasapukin ko sya o kaya tatadyakan kung saan pinakamasakit.

Di naman ako kagandahan pero ilang beses na ko naka encounter ng mga bastos. Iisa lang sinabihan ko nito pero banggitin ko na rin dito(wala namang mangyayari), parang ganun din nangyari sa kin pero sa ibang sensitibong parte ng katawan at hindi kamag-anak ang manyak. Sabi ko dati sasapukin o tatadyakan ko kaso kapag nasa sitwasyon ka na, iba talaga ang pakiramdam at lahat nung sinabi ko di sumagi sa isip ko. Nanlalamig buong katawan at di makagalaw o makaisip--ganyan ang pakiramdam. Dahil hindi kasi normal, nasa state of shock ka pa nakaalis na kung sinoman yun. Ngayon naimprove tuloy ang reflex actions ko pero pag hindi mo kasi akalain o biglaan, wala talaga, wala.

Baka kaya may 'daw' dahil ang mga uncle dims ay hindi pa patay o mamamatay.


message 233: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ganda, Phoebe. Marami pang Uncle Dims sa mundo.


message 234: by Apokripos (last edited Nov 12, 2012 08:02PM) (new) - rated it 4 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Phoebe wrote: "Ang natutunan ko sa crim law ay the mere touching of the labia constitutes rape."

Hindi ba maituturing na rape kung hinawakan o dinakma ang babe sa dibdib o suso?

Sana huwag akong idemanda ng ilang babaeng hindi ko sinasadyang "masiko", 'yong alam niyo na, aksidente kong natatamaan yong dibdib. Ito ba naman kasing siko ko ang likot-likot. :D


message 235: by Phoebe (last edited Nov 12, 2012 08:01PM) (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments jzhunagev wrote: Hindi ba maituturing na rape kung hinawakan o dinakma ang babe sa dibdib o suso?"

Ang alam ko rape pag genital or anal orifice. Acts of lasciviousness lang ata sa dibdib. Sige, magtatanong ako tungkol dyan.

Mag-ingat Unjust vexation ang pwede idemanda joke haha.


message 236: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Uncle Dims

Hinahangaan ko si Bebang sa kanyang tapang na ungkatin ang alaala at tuwirang isulat ang ganitong pangyayari sa buhay nya. Alam nating hindi ito madaling gawin.

Sa ating lipunan ay laging merong tayong naririnig na ganitong mga balita. Mismong kamag-anak pa ang mga salarin. Pero may mga pangyayaring hindi naibabalita. May mga pagsasamantalang hindi naitatala ng pulisya. Ang namantala, hindi nasasabat at patuloy pang pagala-gala. Nakikimkim na lang ang sakit at galit sa kalooban ng mga biktima.

Para sa akin ang sinulat na ito ay isang paraan ng pagkakamit ng hustisya. Namatay ang maysala habang nagsasagawa ng isang krimen. Iyon daw ang ikinamatay nya, may kinalaman sa tangkang pagpatay. Pero tila kasama ring siningil sa kanya ang iba pa nyang krimen.


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Isa siguro sa mga maitatanong natin kay Binibining Bebang 'yan sa ating First Date: The Walking Tour, bakit nga ba may "daw" ang titulo ng sanaysay?


message 238: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jzhun, pag nasiko mo't di sinasadya, wala yon. Unless talagang may malisya ka. Pero sabi nga ni Phoebe hindi rape yon.

Rise, di ba yong "daw" ay dahil wala na rin si Bebang na pakialam sa Kuya Dims nya? Kaya ayaw na niyang pumunta sa Pangasinan? Kaya kahit nagkasakit ito'y hindi niya ginawang dalawin?


message 239: by Louize (last edited Nov 12, 2012 09:27PM) (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) KD, hahaha, pasensya na busy na kasi dito sa amin. Malapit na dumating ang mga dayuhan, at may mga kamag-anak na nagpasabing pupunta sa amin para makita sila. May mga bookings din na dapat asikasuhin para sa out-of-town RNR. Syempre, may-bahay ang aligaga sa ganitong mga eksena. :)


Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Uncle Dims

Salamat sa mga nai-share ninyo. Salamat din at sobrang naintindihan ninyo ang damdamin ng isang babae at biktima.

Nalungkot ako ng husto dito. Karaniwan ang ganitong biktima nagiging maliit ang tingin nila sa sarili nila, hindi naman nila kasalanan ang mga nangyari. Sobrang affected ako kasi babae ako at nanay ng isang dalagita. Kung sa anak ko mangyari iyon siguro maghahalo ang balat sa tinalupan. Tama si Ryan, bow ako kay Bebs kasi naging matapang s'ya at ibinahagi ang kwetong ito. Isang aral ito na dapat matutunan -"Babae matapang ka, may boses ka, lumaban ka." (Ako na ang aktibista!)

Ako nasubukan na ring bastusin sa dyip noong teenager (19) ako. May time noon na kailangan kong mag-night shift sa Chowking. Papasok pa lang ako, napasakay ako sa dyip na may mga pasaherong nakainom/lasing na, apat sila. Wala akong choice kung hindi ipaki-abot ang pamasahe ko. 'Yung umabot ng bayad hinawakan ang kamay ko, ayaw ng bitiwan. Sinapak ko s'ya, straight sa mukha, duguan ang ilong n'ya. Susunggaban dapat n'ya ako, buti na lang nakita ng driver sa rear-view mirror. Itinigil n'ya ang dyip, bumaba s'yang may bitbit na tubo (para sa jack lift). Pinababa n'ya 'yung apat na lasing. Natakot din ako noong ginawa ko 'yun, pero 'yun kasi ang instinct ko e noong time na iyon.

Kung bakit may "daw" sa titolo, siguro kasi ilang beses ng pinatay ni Bebs si Kuya Dims sa isip n'ya; at isa lang ito sa mga bersyon niyon.


message 240: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Atapang na babae, Louize! Ikaw na!

Hanggang ngayon ba, ganyan ka pa rin katapang?


message 241: by Louize (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) K.D. wrote: "Atapang na babae, Louize! Ikaw na!

Hanggang ngayon ba, ganyan ka pa rin katapang?"


Di pa ulit nasubukan, pero siguro ganoon pa rin, LOL!
Napagitnaan kasi ako ng dalawang kapatid na lalaki, so maliit pa lang sanay na ako sa street boxing.


message 242: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Wala sa hitsurang mong nangu-umbag, Louize. Ikaw na isang relihiyosa at mahinhin.

Hindi mo ba kinonsider na maging abogado?


message 243: by Louize (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) K.D. wrote: "Wala sa hitsurang mong nangu-umbag, Louize. Ikaw na isang relihiyosa at mahinhin.

Hindi mo ba kinonsider na maging abogado?"


LOL! Aktwali, 'yan ang lumabas sa career assessment ko pagkatapos ng NCEE exam noon. Pero iba ang naging desisyon ni Lord para sa akin.


message 244: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Haha. Parang nahulaan ko ang assessment. Puwede ka pa ring mag-law ngayon. Bata ka pa. Ang lawyer walang retirement kung tutuusin. Kahit uugod-ugod ka na, basta may kliyente, abogado ka pa rin.


message 245: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise K.D. wrote: "Rise, di ba yong "daw" ay dahil wala na rin si Bebang na pakialam sa Kuya Dims nya? Kaya ayaw na niyang pumunta sa Pangasinan? Kaya kahit nagkasakit ito'y hindi niya ginawang dalawin?"

Maaari din, K.D. Pwede rin yung pangunahing dahilang kinuwento lang sa kanya ang pagkamatay kaya "ganito daw ang nangyari". Maraming pwedeng ipakahulugan kaya may lalim ang punto de bista.


message 246: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, yan nga'y itatanong natin kay Bebang. Sasagutin daw niya ang mga tanong natin. Salamat.


message 247: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Nov 13, 2012 01:29PM) (new) - rated it 5 stars

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @K.D.
Hanga rin ako sa katapangan ni Bebang. Lumaganap pa ang pagtulong ng mga pulis sa ganyang estado iyong "Help Desk" tungkol sa mga inaabuso at inaapi kaso sa kasalukuyan eh mismo sila pa ata ang minsan nababalitaan nang-aabuso. Sa ganyan si Lord na ang bahala sa kanila.

Para kay Uncle Dims...
(view spoiler)


message 248: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Panalo! Ayos ka sa trip, Po!


PATRICK (patrickdanque) | 15 comments Sa Ganitong Paraan Namatay si Kuya Dims
Binabasa ko ito sa LRT kanina bago pumunta ng iskwela. At nakikita ko yung katabi ko nakikisilip sa binabasa ko. Sana di naging masama ang tingin niya sa akin. Hihi.
Totoo nga. Sensitibo ito para sa mga miyembro 18 pababa kasama ako. Sa totoo lang, di na masyado bago o shocking ang ganitong mga kwento dahil nakarinig na ko ng mga ganitong pangyayari. Sobrang dami ng ganito sa TV Patrol.
Tapos ipinakita ko ito sa aking mga classmates/kaibigan na Literature students. Yung iba ngumiti at tumawa na lamang. Yung iba naman ayaw tapusin kasi daw vivid ang imagination nya, ayaw niya daw maimagine. OO, alam ko. Napakasama kong tao. Hehe. Pero sinabi ko rin na di lang naman yun ang laman ng libro.
Sobrang hanga ako kay Bebang dahil nga di ba, naishare niya ang napakapersonal na bagay. Kaya hands down.
Bbye. Hehe.


message 250: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Patrick. Sabihin mo sana, maganda ang libro at bumili na rin sila! At mag-join sila ng Pinoy Reads Pinoy Books!!!


back to top