Pinoy Reads Pinoy Books discussion

It's a Mens World
This topic is about It's a Mens World
149 views
Sabayang Pagbabasa > Huling Kuwarter ng 2012: IT'S A MENS WORLD ni Bebang Siy (Moderator: K.D.)

Comments Showing 151-200 of 374 (374 new)    post a comment »

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments K.D. wrote: "Louize, damang-dama ko ang sinsiredad ng reaksyon mo. Tunay na nanggagaling sa puso. Salamat!

Krizia, isi-share mo sa amin ang mga ipinuno mo sa mga puwang?"


Syempre! :)


message 152: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Krizia. Hintayin namin.


message 153: by Phoebe (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Ang Lugaw, Bow.
Mukhang nailahad niyo na lahat ang mga simbolismo sa kwento.
Kaya ang masasabi ko lang: ang kwento'y simple lang pero nakakaantig ng puso.


Bayad-Utang
Hindi na nga kailangang humingi ng tawad sa kasalanan noon pero parang na-konsensya siya sa ginawa niya kaya bumabawi siya.

K.D. wrote: Di kaya ang ama ni Dilat ay si Michael, na childhood sweetheart ni Bebang? Kaya ganoon na lang ang pagmamahal ni Bebang kay Dilat?

kuwago at wall clock, pwede.. :D intriga haha

Bedwetting
Hindi ako nagising na basa ang kama. Palagi akong nagigising pag naiihi, naaalala ko kasi tuwing gabing gabi natatakot akong lumabas ng kwarto para umihi haha. Siguro naka-lampin naman nung mas bata pa.


message 154: by Louize (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) Ika-29 ng Oktubre: Bayad-Utang

Iniisip ko kung ilang taon lang kaya si Ancha noon; kung halos baby pa talaga (dahil natutulog nga ng walang panty, diba?), bakit naman grabeng napalo? Normal naman ang bedwetting hanggang 4-5 na taon. Pero, Bebang dapat lang magbayad ka ng utang! hehehe

Ang bedwetting or nocturnal enuresis ay isang bagay na hindi dapat ikagalit ng magulang, pero dapat bigyan ng pansin. Matinding pasensya din ang kailangan. Maaaring may nakatagong medical problems ang isang bata o teenager kapag nangyayari ito.
-mabagal mag-mature ang bladder ng bata than usual;
-pwedeng constipated s'ya;
-may bladder infection;
-kulang ang anti-diuretic hormones n'ya;
-namana sa magulang;
-emotional stress.

Ang kadalasan na dahilan ay namana sa magulang. Kung ang isa sa magulang ay ganito noong bata, ganoon din ang anak. Kaya kung ang magulang ay namamalo dahil sa bedwetting, malamang napapalo din kasi s'ya dahil dito noong bata pa s'ya.


message 155: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Louize, salamat sa pagbahagi mo ng mga posibleng dahilan ng bedwetting. Ganun pala yun.

Bayad-Utang

Natawa ako sa strategy ni Bebang para malipat ang sisi sa kapatid. Pilya.

Bata pa lang mabilis na mag-isip. Diskarte lang talaga. Haha.


message 156: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Phoebe, Louize, so nagkakaisa tayo na dapat magbayad si Bebang kay Ancha. Dapat sa tour, imbitahan si Ancha at doon mag-sorry (once and for all). Parang Wish Ko Lang at si Bebang ang letter sender. (Teka, may Wish Ko Lang pa ba?)

Ryan, natuwa rin ako sa sharing ni Louize. Nanay na nanay. Salamat, Louize.

Ika-30 ng Oktubre: Shopping.

"Eto ang papel ko noon. No'ng bata ako. Eto rin pala ang magiging papel mo ngayon," natatawang sabi ni Mami. "Kahit gan'to ang papel mo, piliin mong mabuti ang isusulat mo rito. Sagot naman ang mahalaga, e."

Yan para sa akin ang award-winning line ng kuwentong ito. Ang mga magulang laging on-the-watch-out kung ang buhay ba ng anak niya ay may improvement kumpara sa buhay niya noong ganoong edad niya. Ako, bilang tatay, gusto ko, MAS ang anak ko kaysa sa akin. Gusto ko mas malayo ang marating niya. Marating niya ang di ko narating. Pero di ibig sabihin ay ko siya babayaang maghirap. Nakakapagpatatag ang mga problema at mga kabiguan. Hayaan ko siyang kumampay sa sarili niyang mga pakpak.

Ang mahalaga ay kung ano ang isusulat. Tama ito. Wag nang maghangad ng magandang school kung di kaya. Nasa estudyante yan. Nasa naga-aral. Hindi mahalaga ang branded na clothes. Ang mahalaga, malinis. Hindi mahalaga ang maganda kotse. Ang mahalaga ay functional at di ka basta ititirik sa gitna ng EDSA. Hindi mahalaga ang magandang bahay. Ang mahalaga ay ang mga nakatira. Aanhin mo ang bahay ng bato, kung ang nakatira ay kuwago? sabi nga noong tula sa elementarya. Mas gugustuhin ko ang kubo, kung ang nakatira ay tao.


message 157: by Ingrid (new) - rated it 4 stars

Ingrid (gridni) | 157 comments Ang Lugaw, Bow
Wala akong masyadong insights
It's sad though, and well, thankful ako na hindi ko pinagdaanan yun

Bayad-Utang
Same sentiments, na parang di na kailangang humingi ng tawad at bumabawi naman siya sa pamangkin niya so ok para sa akin yung ganun

Shopping
Medyo unfair in my opinion yung ganun, na parang kung anong ginamit na papel, yun din ang gagamitin niya. Same with hand-me-downs. Kung ako tatanggap, hindi ko maiiwasang magreklamo. Sa unang gumamit bago, pagdating sa akin syempre gamit na. Kung afford naman bakit di bumili ng bago (HEHE). Pero true enough, mas mahalaga yung nakasulat kaysa pinagsulatan. And well, for practical reasons na din na ginagawa yung ganun.


message 158: by Phoebe (last edited Oct 31, 2012 06:33AM) (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments KD: Sa Pinyapol, di talaga siya nagdala ng inumin :)
At nakakatawa inimagine ko naman yung mala-wish ko lang na eksena HAHA

Shopping
Natuwa ako rito kasi 2 pahina lang napakita na yung kahalagahan ng pera sa pagkukuripot ng nanay niya tsaka yung 3 perspectives ng tao (view spoiler)

Agree ako sa inyo na mas maigi kung MAS ang anak kaysa sa magulang kasi kung hindi, parang wala rin silang naranasan o natutunan noon. Siyempre ang tao for improvement naman talaga dapat at hindi patalikod ang hakbang.

Kung yung sa gamit magdadagdag lang ng kakarampot, di na sana ipagkait sa bata kung mas maganda naman yung quality. Ngunit kung talagang kapos, ayos lang din at eventually mauunawaan naman ng anak yun (at least meron siya at hindi niya na kailangang manghingi sa mga kaklase).


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Shopping

yey nakahabol ako :) Sa pagbabasa ko nitong buong libro napansin ko ang pagkatipid nilang pamilya. Nakikita ko sarili ko sa nanay niya! haha Papel lang nga naman bakit kailangan pa maganda. Pero ito naisip ko, ang bata iba mag-isip. Ngayon napakakuripot ko pero noong di pa ko kumikita at bata pa ko syempre pagmay gusto ako, pambura man o damit, pilitin ko nanay ko bumili pero pagsinabing ng nanay ko na "HINDI PUWEDE" ng 10x beses gets ko na yun. haha Kailangan may konting pilit factor pero kung ayaw magpapilit eh di wala. Mukhang kawawa. haha

Asintada

May naalala lang ako sa kwentong to kaya pasingit. Noong bata ako may gusto din ako patunayan sa sarili ko at yun ay hindi babaon ang bala ng stapler sa hinlalaki ko. Nasa tindahan ako ng tita ko at nakita ko yung stapler. Tapos "no-so-bright idea" stinapler ko hinlalaki ko. Tama ako hindi nga bumaon pero dumugo naman daliri ko ng konti at medyo mahapdi siya. Para akong kinagat ng baby vampire.


message 160: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Ingrid, for practical reasons nga. At siguro naituturo din sa bata ang hindi maging maluho na ibibigay lahat ng magustuhan.

Phoebe, buti napansin mo yung saleslady na meron ding sariling reklamo. Sa maliliit na detalye na tulad nito makikita ang talas ng panulat ni B.

Krizia, mahirap nga talaga ipaintindi sa bata kasi di pa nila pansin ang pagba-budget ng pera.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Shopping...practicality is the best policy.

Naalala ko noong ako'y bata kahit magkanda hagulgol sa kaka-iyak eh dead ma si Mader sa gusto kong laruan at ang sasabihin niya eh wala tayong kakainin sa bahay.

Kakatuwa naman ngayong malaki na ako at tamang may nadaanan kami mag-ina na nangungulit ang kanyang anak sa pagbili ng laruan eh naalala ko sarili ko nun at sinabi ng aking Mader,"oh! ayan anak ganyan ka dati oh!"..haha!


message 162: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Po, sa bata, laruan o pagkain, ang hirap pumili!


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Nung bata ako hindi importante ang pagkain. Laruan talaga saka damit! haha


message 164: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Pag meron ka na nga namang raruan, hindi bale na na kumalam ang tyan. Parang si Gollum, hawak-hawak ang my preciouuuuuus. hehe.


message 165: by Louize (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) Ika-2 ng Nobyembre: Shopping

Tama si Pheobe, 2 pahina lang pero maganda ang mensahe. Walang masama sa pagtititpid basta't hindi mo naman ginugutom at hinahayaang magkasakit ang anak mo dahil sa sobrang pagtitipid, di ba? Dapat talaga bata pa lang itinuturo na iyon sa anak, lalo na ngayong mahirap kumita ng pera at malalim ang pinaghuhugutang bulsa. Ipamulat sa bata na ang bawat sentimong matitipid ay sa kanila rin naman mapupunta. Pwede pang magpabili ng "pinyapol" kapag may sobra, hehehehe.

Noong bata pa si Sabel, este kami, sa Paco Market kami ipinamimili ni Mama ng school supplies, pati tela para sa uniform, at shoes; mula elementary hanggang high school. Normal sa amin na pang wallpaper ang pambalot ng libro; mas importante na kumpleto ang libro namin at hindi kami manghihiram sa iba. Pero sinisigurado lagi ni Mama na maayos ang uniform namin, kumpleto ang butones, walang butas na medyas, na-shine ang sapatos, kumpleto ang baon at pamasahe. Hindi rin kami nagproblema sa mga projects, kapag may kailangan nabibili naman.

Hindi dahil sa walang pambili, modest living kasi ang palaki sa amin. Basta't naibibigay kung ano ang kailangan namin. Dala namin 'yun hanggang college at kahit working students na kami. Kami ng kapatid kong sumunod sa akin, 2 years ang pagitan, ang notebook namin noong college ay 'yung blue log book na makapal. Buong sem na namin gamit 'yun para sa lahat ng subjects.

Kagaya ni KD, magulang na rin ako ngayon, at ang gusto ko MAS din ang anak ko. Di naman s'ya spoiled (weh) at maluho, pero dahil academic scholar s'ya since elementary, we make sure na natatapatan naman naming magulang n'ya ang sipag n'ya sa school kapag may minsang hiling s'ya.

Ganito yata kapag bakasyon, napapahaba ang comment. Pasensya na.


message 166: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Louize wrote: "Dapat talaga bata pa lang itinuturo na iyon sa anak, lalo na ngayong mahirap kumita ng pera at malalim ang pinaghuhugutang bulsa. Ipamulat sa bata na ang bawat sentimong matitipid ay sa kanila rin naman mapupunta."

Panalo, Louize. Magandang pamana sa anak ang ganitong pangaral dahil bibitbitin nila hanggang sa paglaki at isasalin naman sa mga anak.


message 167: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Nov 03, 2012 02:46PM) (new) - rated it 5 stars

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments SHOPPING...ping! ping! ping!
(view spoiler)


message 168: by K.D., Founder (last edited Nov 02, 2012 06:46PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ika-3 ng Nobyembre: Hiwa

1) Bakit kaya hinati sa 5 ang sanaysay?
2) Saan nanggaling ang dugo?
3) Noong mapagtanto nila na napakabata pa ni Bebang sa edad na walo, upang magkaroon ng mens, ano pa ang iniisip nilang puwedeng pinanggalingan ng dugo?
4) Bakit puwedeng manood ang mag kamag-anak sa butas? Bakit pati na ang lalaki na si Uncle Asis ay puwedeng sumilip? May batas ba ang sa ating bansa na nagpro-proteksyong sa mga kababaihan (o maging sa kalalakihan) sa ganitong pagkakataon?
5) Sinabi ni Bebang "Pag may tindahan, may tambay." Habang inaabot ni Bebang ang gunting, bakit di siya tinulungan ng mga tambay?
6) Bakit hiniwalay niya sa dalawang salita ang gunting at ito ay naging gun-ting?

Yan ang mga tanong sa isip ko. Baka kayo may tanong na bakit "Hiwa" ang titulo ng sanaysay. Well, maaaring galing ito sa "nakakahiwang katotohanan." Katotohanang ano sa palagay ninyo?

Di ko alam ang kasagutan.


PATRICK (patrickdanque) | 15 comments Hiwa
Alam niyo yung feeling na dahil open ending ang nangyari sa isang kuwento, e naiinis ka? Eto yun eh. Naiinis ako dahil walang nakitang dahilan ang pagdugo. Nainis ako dahil gusto ko malaman kung saan nagmula iyon. Pero dahil sabi ni awtor, ayun nandun na. Move-on na lang tayo.
At bakit hiyang hiya ang bida natin nung nakabukakey siya sa kanyang kamag-anak? Eh samantalang ang bata bata niya pa. (Or sadyang inosente pa talaga ako?) Nagkaroon ako ng kamulatan sa mga private parts ko nung natuli na ako eh, which was around 10 or 11.
At isa pa, bakit nga ba,Hiwa?


message 170: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Patrick, dahil sa ikaw ang bata pa, ang masasabi ko lang ay ang "hiwa" ang kabaliktaran ng "bukol."

Masyadong mahiwaga ang sanaysay na ito. Sabay sabay nating i-wish na magpapaliwanag si Bebang Siy sa Disyembre 1.

O sinadya niyang maging mahiwaga?


message 171: by Phoebe (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Hiwa
Hindi ako masyadong kumportable sa pagbasa nitong maikling kwento. Ewan ko, baka kasi masyadong sensitibo sa kin ang nangyari.

Sa tingin ko hiwa dahil hiwa ang chapters, hiwa kaya sya nagkaroon ng dugo at hiwa dahil sa ano niya >.<

Yung inooperahan siya, ang alam ko bawal yun. Napaka dyahe naman.

Gusto ko yung ideya ng painting o art work sa kisame para naman hindi ka masyadong conscious at nerbiyosin kung ano man ang kalikutin sa'yo.

Carton cutter din naging trabaho ko noon haha.


message 172: by K.D., Founder (last edited Nov 02, 2012 09:56PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Phoebe, 5 ang sanaysay. Kadalasan ang hinihiwa ay 2 lang ang resulta matapos hiwain. Kapag 3 o mas marami, parang ginayat na o tinadtad.

Naoperahan ba sya? Parang makaintindi ko (ako bilang married na) ay I.E. lang. Ibig sabihin ay internal examination. Naka-guwantes at kinapa-kapa ang loob ng matres niya. Nakita siguro na naroon pa sa bukana ang simbolo ng pagka-birhen (hymen).

Di kaya nag-internal bleeding si Bebang? Like meron siyang benign cyst?


message 173: by Phoebe (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Kapag 3 o mas marami, parang ginayat na o tinadtad.
Ah okay haha

Ay oo nga hindi pala siya naoperahan pero ang dyahe talaga pag may ibang taong nanonood.

Kung internal bleeding bakit nag mantsa sa damit? naku wala kong alam sa mga ganito -.-


message 174: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayos lang yan, Phoebe. Masuwerte ka. Marami akong kamag-anak at kaibigan na nakakaranas na kung anu-anong tumutubo sa kanilang female reproductive organs. Tsaka pag raw tumuntong sa edad na puwede nang makipag-seks (ano bang term dito), dapat regular na ang paps smear. Sabagay, iba naman ang paps smear.


message 175: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Hiwa

Palagay ko rin sinadyang maging ma-hiwa-ga. Kaya hiwa-hiwa-lay ang pagkakakuwento, hindi linear. Dahil maselang parte ng katawan ang inakalang nahagip ng gunting, sobrang nag-alala ang mga kaanak, naging overprotective sa bata, gustong matiyak ang kaligtasan nito. Tumatak sa bata ang reaksyon ng mga nakapaligid sa kanya. Ang estilong ginamit ay maaaring paraan para maisalin din sa mambabasa ang pagkabahala at confusion ng pangyayaring ito.


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Hiwa

Diba natural lang talaga na magalala ang mga matatanda lalo na kung may tuyong dugo ang shorts mo pero ngayon lang naisip na bakit ang matatanda hindi masyadong nilalagay ang sarili nila sa lugar ng isang bata? Hindi nila nilalagay ang sarili nila sa lugar nung bata, kakahiya nga naman, wala ka nang maitatago. Eh buti kung puro tiyahin lang nya andun.

@K.D.: makipagtalik?


message 177: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Nov 03, 2012 02:54PM) (new) - rated it 5 stars

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Hiniwa-HIWA!?...
(view spoiler)


message 178: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan, husay! Ikaw na ang hari pagdating sa wordplay. Di ko naisip yan. Hiwa. Mahiwaga. Hiwa-hiwalay. Sakto nga. Ito talagang si Bebang, kunwari light lang ang mga kuwento pero may malalim na ilalim.

Krizia, may term doon sa edad na posibleng maging sexually active na ang babae. Salamat na rin.

Po, ngayon ko lang na-realize na ang hiwa ay puwedeng nasa likod. Butt crack sa Ingles yata. Walang direct translation sa Tagalog.


message 179: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise K.D., isang interpretasyon lang naman. Makahulugan kasi ang istorya at pwedeng tingnan sa iba't ibang paraan. Ang maganda ay nakakadagdag ang mga reaksyon natin sa kahulugan kaya lalong lumalalim ang 'Hiwa'. :p


message 180: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo nga. Gumagandang lalo ang aklat ni Bebang habang hinihimay natin. Walang kaibahan doon sa babae na habang tititigan ay lalong nagiging kaakit-akit.


message 181: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Lalong tumitingkad habang tinitingnan ang bawat anggulo.


message 182: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hubaran ang aklat!


message 183: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise No need. Walang dust jacket.


message 184: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ika-5 ng Nobyembre: So Ayaw Mo Sa Palayaw Mo?

Erres > Budang > Bu > Dang > DANG! (Bigatin)

Charisse Ann > Ancha > Cha > Hans > Inchang > Insiyang > Match (Chain Chan Su)

Kimberly > Kim > Kimpot > Kim-kim > Kimmy > Sakang > Sax > Unano > Nano > Nans > Nancy (may touch of elegance).

Columbia > Colay > Mia > Olay > Pango > Colsi > Galizin > Criselda > Cris

Beverly > Beb > Bebs > Bebski > Palits > Pal > Bibyang > Bebang > Babes > Bebang Hibang > Bangkay

Nakakatawa lang.

Kayo, sinong nagpangalan sa inyo? Saan kinuha? ano ang tawag sa inyo bukod sa tawag sa inyo ngayon? Paano nagiiba-iba ang mga palayaw ninyo?


message 185: by Rise (last edited Nov 05, 2012 11:13PM) (new) - rated it 4 stars

Rise So Ayaw Mo Sa Palayaw Mo?

Ryan. Puro kasi letrang "R" ang simula ng mga pangalan ng magkakapatid sa side ng tatay ko. Laging pinagkakamalan na kapangalan ng isang singer, pero Rey-an naman yung singer.

Mga palayaw: Ray/Rye/Ry/Rise. Yung panghuli ang preferred ko. Minsan tinatawag ako ng nanay ko na Ryan-boy. Minsa naman tinawag ako ng lola ko na Yan-yan.


message 186: by Phoebe (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments So Ayaw Mo Sa Palayaw Mo?
Simula noong bata pa ako hassle na ang pagpapakilala. Banyaga kasi at hindi pa common kaya hirap na hirap silang basahin. Maski mga teacher "Pobi" ang basa. Automatic na itinatama ko "Feebee po" (hanggang college). Tapos ang ilan hirap intindihin, ilang ulit talaga dapat hanggang sa magsesettle na lang sa "Pibi o P.B." pagod na ko eh. Ayun tapos noong high school "Poybi", "Foybi", "Fobi" at kahit anong gusto nilang itawag wala akong pakialam haha. wala, gusto lang nilang bagu-baguhin ang tawag, gusto lang mang-asar/maging close sa kin. Syempre meron ding "Phoebs/Fibs". Pero talagang "Pb" at "Phoebe" ang natitira. "Ebe" o kaya "Bi" tawag ng nanay ko.

Tatay ko ang nagpangalan sa kin. Kinuha sa pattern ng ate ko na P ang simula. Nakita lang niya sa dictionary.

Pasensya at talagang hinimay ko pa puno't dulo. ^^


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments So Ayaw Mo Sa Palayaw Mo

Ang dami kong palayaw, depende sino may tawag

sa bahay: Anna pero nung bata ako An-an (pangit parang kailangan lagyan ng Nizoral)
nung gs: Krizia
nung hs: Kri
nung college: Zia
ngayon: Z na lang natira

pero ako okay na ako sa Anna :)


PATRICK (patrickdanque) | 15 comments So Ayaw Mo Sa Palayaw Mo

Patrick naging Pat tapos naging Teng (dahil raw sa malaki kong tenga.)
Sa school naman, dalawa ang Patrick kaya ako Danque lang ang tawag (kahit ayoko) tapos naging Dunks. Hahaha.
Pero ngayon Pat na lang, finally. :)

Natuwa ako nung part na naging bangkay yung name ni Bebang. Masaya talaga ang chapter na to.


message 189: by Louize (new) - rated it 4 stars

Louize (thepagewalker) Ika-5 ng Nobyembre: Hiwa at So Ayaw Mo Sa Palayaw Mo

Hiwa:

Kapag nagbabakasyon ang mga pamangkin dito sa amin, mas doble ang ingat namin; kasi sagutin namin sila sa magulang nilang nagtiwala sa amin na alagaan sila.

Dahil nga siguro sa nature ng karinderya, maraming lalaki ang paroo't parito, mas malalim ang pag-aalala na umukilkil sa utak ng mga pinsan at tyahin ni Bebang. Para makasigurado, ipinatingin sa doktor ang mahiwagang hiwa. 'Yung doktor, hindi man lang ba n'ya ipinaliwanag sa mga matatanda kung ano ang trauma na pwedeng ibigay sa bata ng examination na gagawin n'ya? May waver ba na pinirmahan ang mga magulang? Bakit in viewing public? Sarap lang kutusan 'yung mga matatanda, lalo na 'yung doctor!


So Ayaw Mo Sa Palayaw Mo?:

Nakakatuwa pakinggan ang palaway ng mga magkakapatid lalo na kung malaki ang pamilya. Kadalasan 'yun ang terms of endearment nila, di ba? Inayawan ko lang ang palayaw ko noong mauso 'yung commercial ng Del Monte Catsup noon, "Catsup please, Louise." Laging tagline 'yun kapag lunch break.

Kadalasan ang alam ko "first name" or "given name" ang karaniwang inaayawan ng tao. Pinagaganda ng husto ang palayaw para makabawi, nilalagyan "h" para mas maganda pakinggan. Noong bata ako, ayaw ko sa "given name" ko kasi mahaba, mahirap isulat sa papel. Hindi kasya sa Gr1 paper ang malalaking sulat, at mahabang pangalan. Nasa number one (1) na ang ibang kaklase ko, ako nasa pangalan pa rin. Pero ipinaliwanag sa akin ng Papa ko kung kanino ako ipinangalan at bakit. Secret na lang 'yung detalye na 'yun, pero simula noon proud ako sa pangalan ko at nag-aral akong mabuti.


message 190: by Apokripos (last edited Nov 05, 2012 08:20PM) (new) - rated it 4 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ikasiyam na Sanaysay: Hiwa

Sa aking palagay isa ito sa mahahalagang sanaysay sa libro dahil ipinakita nito ang pagkakahiwa ng kamalayan ni Bebs mula sa kawalang-muwang patungong kamulatan ng kanyang pagkababae.

Napatanong ako sa sarili, bakit nga bang kailangang dumaan tayo sa kahihiyan bago natin matuklasan o magkaroon ng kamalayan ukol sa ating katawan, kasama't sukdulan na rin sa ating kamalayang sekswal (sexual maturity)?

Nariyan ang pagpapatuli sa lalaki, sa kantiyaw na nagbibinata na tatangkad (kasama na rin ang pangangamatis ni "Jun-Jun". At ang pagreregla nga sa kababaihan.



Ikasampung sanaysay: So Ayaw Mo sa Palayaw Mo

Nakakatuwa at waring nakaugnay ako sa sanaysay na ito dahil kantyawan rin naming magkakapatid ang magbigay ng palayaw, na sa katotohan nama'y panunukso, sa isa't isa.

Sa tanang buhay ko wala akong palayaw, basta kilala lang talaga ako sa pangalan dahil na rin siguro na karaniwan na ito.

Natawa ako doon sa huling parte na "bangkay". Haha! :D

Ngunit sa ngayon, dapat lang tawaging Blossom si Bebs, kasi blooming ang lablayf! (Hahay, nang-intriga pa!)


message 191: by K.D., Founder (last edited Nov 06, 2012 01:15PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, maganda nga ang rise. Parang laging nakatayo! Ray-Ann Fuentes: Ikaw at ako / Hindi man magkalahi ay dapat matutong magmahal... (napakanta tuloy ang matanda).

Phoebe, hirap nga yan. Ang mga Pinoy pa naman di masyadong napro-pronounce ng maayos ang "P" o "F" at lalong nalilito na ang "Ph" ay dapat i-pronounce ng "F" kagaya ng Philippines. Tapos yong xxxxbe ay malabo't at di alam na matigas dapat. Kilala mo ba si Phoebe Cates? Cute yon. Dekada '80.

Anna, ayon! Anna pala at di Krizia ang preferred mo. All the while. Saan galing ang Krizia? Ganda at unique.

Pat, talaga yan ang preferred mo? Maganda ang Dunks!

Louize, depende rin kasi yata yan sa hospital. Malamang maliit lang ang hospital at di masyadong particular sa privacy ng mga kabataan.

Yon daw pagdadagdag ng "h" ay suwerte. Nabasa ko yan sa interview kay Lolita Carbonnel (yong folk singer noong 70-80's?) naging Lolitah: "Nakatanggap ako ng sulat mula sa amin / Nakalarawan doon ang mga ala-ala..."

Jzhun, bakit nag-regla na sa unang kwento, tapos dito wala pa? May dahilan ba kung bakit hindi ginawang chronological ni Bebang ang pagkakasunud-sunod ng mga kuwento?

Anong tukso sa iyo noong bata ka pa?

Ako meron. Pero gaya ng kay Louize, secret na lang. Baka may magalit sa akin at tawagin akong ganoon. Napipikon pa rin ako.

Ay, di pala ako nag-share ng derivation ng name ko. Kasi ang K.D. ay alias ko lang. At ayaw kong gamitin ang totoo kong palayaw o pangalan. Pero may mga makukulit na ginagamit pa rin. Tinggin ko, parang nagpapa-cute sila. Ayoko sana eh. Kaso, alangan naman pigilin ko eh pangalan ko yon. Ayos na sa akin ang K.D. Puwede ring Kuya D. Kasi "D" naman ang term of endearment ng Nanay at Tatay ko sa akin. Pag wala akong ginagawang masama at di sila galit sa akin. Ang spelling ng Nanay ko dyan ay "Dei" (pronounce: Dee). Wag sanang gamitin ang Dee kasi babaeng character yan na malaki ang dede sa erotikong obra ni Edgardo M. Reyes na "Laro sa Baga." Ginampanan ng ate ni Christine Reyes. Kalimutan ko na ang pangalan.


message 192: by Ingrid (new) - rated it 4 stars

Ingrid (gridni) | 157 comments Hiwa

No comment. Medyo weird ang story na ito for me.

So Ayaw mo sa Palayaw Mo

Madami na din akong naging palayaw. Longest running na yata ang "Ing", pinakabago ang "Ingga", at pinaka-weird ang "Lola"


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments @K.D.: krizia - russian designer ata. Yung nasa department store! haha nagustuhan ng Mama ko habang nagbabasa siya ng Vogue. haha Anna - St. Anne daw, mommy ni Mama Mary


message 194: by Phoebe (last edited Nov 06, 2012 05:39AM) (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments KD: Oo, nakilala ko si Phoebe Cates dahil na rin sa nanay ko. At nacurious ako kaya pinanood ko ang Gremlin. :)
Actually isang strategy ko yun, ginagamit ko sa mas matanda sa kin pag di nakukuha pangalan ko sasabihin ko, "tulad nung kay Phoebe Cates" tapos maaalala na nila haha.
Pero kahit ganito mahal ko pangalan ko hehe. :)

Ikaw pala ano mga naging palayaw mo?


PATRICK (patrickdanque) | 15 comments Kuya KD, parang Dunkin' Donuts. Hahaha.


message 196: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
naging Lola ka na? Sa America yata, cute ang Lola kagaya noong movie na "Run Lola Run." Ang bigkas sa Lola ay low-la.

Anna, onga. Nasa bible ba si St. Anne? Wala lang, napaisip lang ako.

Phoebe, oo naman. Maganda ang pangalan mo. Na-remind sa akin ang Daphne. Ganyan din. Kelan ko rin lang nalaman ang tunay na pronounce. Parang yong tatay-tatayan ni Edward sa Twilight: "Carlisle" - pronounce ko dyan habang binabasa ko yong libro (noong kasikatan nito at wala pang movie) ay kar-lis-le.

Ipi-PM kita sa mga nicknames ko. Ayaw ko nang i-broadcast kasi alias ko lang ang K.D.

Pat, Dunks parang sporty kasi. Pero tama ka, donut nga!

Ika-6 ng Nobyembre: SUPER INGGO

Ang pinaka-mensahe nito para sa akin ay ang sobrang sipag sa trabaho at nawalan na ng "balance" ang buhay. Galit ang asawa dahil napapabayaan siya. Tapos, akala mo, dahil masipag ka, gusto ka ng mga katrabaho mo. Yon pala, naguusap sila pagtalikod mo. Tapos pag patay ka na, sa halip na magaganda ang maririnig mo, lalabas pa rin ang mga pintas sa yo. Nakakaawa lang ang mga taong ganoon. Napinsala pa ng sobrang sipag ang katawan.

Kaya lang, parang well-lived naman ang buhay dahil kung naging masaya ka naman sa ganoong pagsisipag, eh bakit ba. Buhay mo yon.

Ikaw, paano mo bina-balance ang buhay mo? Sigurado ka bang balance?


message 197: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Nov 10, 2012 04:07PM) (new) - rated it 5 stars

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @K.D.-Naalala ko tuloy ang discussion ng The Remains of the Day?...

Super Balance
(view spoiler)


message 198: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Para lang caller sa radyo. Tambayan 101.1. San ka pa? Salamat, Po.


message 199: by Apokripos (last edited Nov 07, 2012 07:45PM) (new) - rated it 4 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ikalabing-isang Sanaysay: Super Inggo

Unang Reaksyon: Akala ko talaga tungkol ito sa teleserye noon na kinatatampukan ni Makisi Morales. Tapos bago ko simulang basahin, nagpe-play sa utak ko yong kanta ng Rocksteady na Superhero, na OST ng palabas.

Yoon pala tungkol ito sa Ape ni Bebs, si Domingo.

Pansin ko talagang hardwired na talaga sa mga Chinese na masisipag sila. May isa o dalawa akong kilala na kagaya ni Ape.

Una, 'yong Instik na may-ari ng isang kilalang bakery noon sa Tondo na binibilhan ko ng pandesal na aming itinitinda tuwing umaga. Halos kasing tanda niya na rin yong panderya niyang nanlilimahid. Gayunman, pinipilahan pa rin ang kanilang pandesal at may ilan pa ngang galing sa ibang lugar na dumadayo pa para makabili lang doon. Nang natigok ang matandang Instik na may-ari binago ng mga anak niya ang postura ng bakery, piniturahan, pinaganda. At alam niyo ba ang sumunod na nangyari? Gaya ng amo nito, nalugmok din ang panaderya, waring sinudan ang tangi nitong kilalang amo sa hukay. Ngayon, isa na itong vulcanizing shop. Parang walang alam na bihis ang lugar na iyon kung di panglilimahid, kasi maputik, magrasa ang bagong tayong negosyo sa establisimento. Pag-aari ito ngayon ng kanyang bunsong anak.

Pangalawa, yong Instik na dating may junk shop sa amin. Kahit ganoon ang negosyo nila, wag ka may fourth floor na bahay yon. Sinubukan kong ligawan yong anak niyang dalaga noon dahil pareho kami ng pinapasukang sa unang taon namin sa mataas na paaralan. Ngunit di rin nagtagal at nagsisimula pa lang uminit ang aming... uhm... pagkakakilala sa isa't isa hindi naging kami. Lumipat na kasi siya ng papasukang eskwelahan: sa isang private Chinese school. Noong nagbenta ako ng ilang mga "junk" — mga plastic, basyo ng bote ng patis, suka, at sopdrinks — nakibalita ako sa isang taong itago na lang natin sa tunay niyang pangalang Boy, isa sa mga tauhan sa shop, kung ano nang nangyari sa kanya. Sabi nakapag-asawa na raw ngayon ng isang Chinoy na may puwesto sa isang mall sa Divisoria; nakatira daw sila ngayon sa Binondo. Mula noon hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako sa "paghihiwalay" namin. Kasi naman, masarap magluto ng bringheng lutong Intsik ang kanyang Mama. Sayang! Kasama ng bringhe ang simpleng pangarap ko noon sa isang malaking bahay na may fourth floor.

(At napakuwento talaga ako ng pagkahaba-haba! Nyha! :D)

Ipinakita ng sanaysay na masisigasig ang mga uri nila, pero gaya nga ni Ape at ng dalawa pa sa itaas, waring wala na silang alam gawin sa mga buhay nila bukod sa nasadlakan at nakamulatang pamumuhay.


message 200: by Phoebe (last edited Nov 07, 2012 07:40PM) (new) - rated it 5 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Super Inggo
Ayun nahilo lang ako sa Fookien words haha
Tulad ni jzhunagev may kakilala rin ako. Kaso nga lang hindi siya Chinese pero malamang-lamang na magiging ganun din siya. Grabe kasi workaholic. Buti na lang ngayon medyo natututo na rin siyang magrelax.
Nakakainspire din minsan ang mga ganyang tao, san kaya sila nakakahugot ng motibasyon/inspirasyon?

KD: hihintayin ko yung message mo ah haha


back to top