Bob Ong Quotes

Quotes tagged as "bob-ong" Showing 1-15 of 15
Bob Ong
“Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon… ”
Bob Ong, Stainless Longganisa

Bob Ong
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
Bob Ong

Bob Ong
“ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matututunan ka pag kausap mo, yung makikita mong naging marunong at mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng mga libro.”
Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin

Bob Ong
“Pilipino ako, sapat nang dahilan `yon para mahalin ko ang Pilipinas.”
Bob Ong, Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?

Bob Ong
“kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata ako. parehas lang naman palang nakakapagod. at least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.”
Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin

Bob Ong
“the problem is, lahat na lang kasi ng pelikula pinipilit gawing pampamilya. one size fits all. kaya tuloy ang material for movies nagiging too mature for kids and too cheesy for adults.”
Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin

Bob Ong
“Nasasaktan ako dahil sa kabila ng lahat, mahal ko ang Pilipinas.”
Bob Ong, Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?

Bob Ong
“Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa...bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya.”
Bob Ong, Stainless Longganisa

Bob Ong
“MHARILYN:
Naku, sobrang thank you po, talaga!

URSULA:
Bakit sobra? Hindi ba pwedeng eksakto ang--eksaktong thank you? Sayang naman yung sobrang hindi na magagamit!”
Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin

Bob Ong
“...pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.”
Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin

Bob Ong
“kuhang-kuha natin ang mga katarantaduhan ng hollyeood, pero hindi ang kaunting pagiging responsable ng mga kanluraning bansa sa isyu ng pagtayo sa sariling paa.”
Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin

Bob Ong
“Wala akong isinisisi sa magulang ko. Naging ako ako dahil sa mga desisyon ko sa buhay.”
Bob Ong, Si

Bob Ong
“Kawalan lang ito sa mga naghahanap ng makikita at mahahawakan. Ngunit para sa mga pamilyang nasa puso ang pagdiriwang---katulad ng pamilya ng Batang dahilan ng pagdiriwang---sapat nang kasiyahan ang pasasalamat at dasal.”
Bob Ong, Si

Bob Ong
“Turuan mo ang mga taong mag-isip. Tulungan mo ang kapwa mong maging maalam. Dahil ang matalino, kung hindi magbabahagi ng kaalaman, ay wala ring pinagkaiba sa bobo.”
Bob Ong, 56

Bob Ong
“Huwag mong ipagkatiwala ang panlasa mo sa kakayahan ng iba ngumuya.”
Bob Ong