Si Quotes
Si
by
Bob Ong3,306 ratings, 4.30 average rating, 444 reviews
Si Quotes
Showing 1-24 of 24
“Kung hindi malaya ang bagay na may buhay, dapat man lang sana ay malawak ang kinalalagyan nito," sabi ko.
"Pero kulungan parin ang kulungan, gaano man ito kalaki," sagot n'ya.”
― Si
"Pero kulungan parin ang kulungan, gaano man ito kalaki," sagot n'ya.”
― Si
“Matagal nang sinabi sa akin ni Lola na ang kagandahan ay sumpa, dahil tulad ng isang bulaklak ay nanaisin kang pitasin ng mga tao. gugustuhin ka nila at aariin, nang walang kasiguruhan kung tunay ka nilang iibigin. Aalagaan ka at pagsisilbihan, ngunit para lamang sa sarili nilang kaligayahan. Mahihirapan kang hanapin ang totoong nagmamahal sa 'yo sapagkat lagi silang matatakpan ng mga taong nag-aagawan para sa iyong puso. Ibibigay nila ang lahat ng hilingin mo at ipagkakaloob nila anuman ang iyong gusto. Dahil alam nilang sa ganitong paraan nila maipapalimot ang totoong kailangan mo. Ipakikita nila ang hindi nila maipadarama. Ipagmamalaki nila ang hindi naman nasusukat. Ipapangako nila sa'yo ang wala sa kanila.”
― Si
― Si
“Nais kong magtaguyod ng pamilyang alam ang pagkakaiba ng sapat at sobra, at kung alin ang para sa amin at alin ang nararapat nang ibahagi sa iba.”
― Si
― Si
“Hindi ka maaaring hindi magmahal kahit pa mapasa iyo lahat. Maaari kang maging pinakamayamang tao sa mundo, pinakamatalino, pinakamakapangyarihan, at walang pangarap na hindi kayang kunin o abutin pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka?”
― Si
― Si
“Kaunti na lang. Malapit na akong isilang sa mundo kung saan mararanasan ang buhay. Kung saan ako magmamahal. At masasaktan. At muling magmamahal nang walang hangganan. Sapagkat ang tanging kaluwalhatian ng buhay ay nasa pag-ibig, at ang sagradong tungkulin ng puso ay ang magmahal, nang walang pangamba sa lahat ng kabutihang maaaring ipadama sa ba sa kabila ng mga pasakit at pagkakamali. Nais kong magmahal. At nais kong magmahal, mahalin, at maranasan ang lahat ng napakagandang hiwaga sa pagitan ng dalawa.”
― Si
― Si
“Kawalan lang ito sa mga naghahanap ng makikita at mahahawakan. Ngunit para sa mga pamilyang nasa puso ang pagdiriwang---katulad ng pamilya ng Batang dahilan ng pagdiriwang---sapat nang kasiyahan ang pasasalamat at dasal.”
― Si
― Si
“Para saan ang pag-ibig na hindi nadarama? At bakit ko hahabulin ang taong ayaw mapalapit sa akin? May puso ako ngunit hindi nito alipin ang isip ko!”
― Si
― Si
“Maari bang malaman ang iyong pangalan?"
"Victoria"
"Kailan kita masisilayan, Victoria?"
"Sa iyong pagsilang”
― Si
"Victoria"
"Kailan kita masisilayan, Victoria?"
"Sa iyong pagsilang”
― Si
“Noon n'ya lang naramdaman ang dagsa ng ganoong uri ng pagmamahal. Patas ngunit walang sukat. Hindi masakit o mapanira. Walang dinudulot na kalungkutan, binabayarang kakulangan, o nambubuyong lakas; kundi tahimik na daloy lamang ng pagpapahalagang wagas.”
― Si
― Si
“Sapagkat ang tanging kaluwalhatian ng buhay ay nasa pag-ibig, at ang sagradong tungkulin ng puso ay magmahal, nang walang pangamba sa lahat ng kabutihang maaaring ipadama sa iba sa kabila ng mga pasakit at pagkakamali.”
― Si
― Si
“Sapagkat hindi lahat ng pagluha ay nakikita sa mata. At hindi lahat ng nangungulila ay may lakas upang lumuha.”
― Si
― Si
“Matagal nang sinabi sa akin ni Lola na ang kagandahan ay sumpa, dahil tulad ng isang bulaklak ay nanaisin kang pitasin ng mga tao. Gugustuhin ka nila at aariin nang walang kasiguruhan kung tunay ka nilang iibigin. Mahihirapan kang hanapin ang totoong nagmamahal sa 'yo sapagkat lagi silang matatakpan ng mga taong nag-aagawan para sa iyong puso.”
― Si
― Si
“Wala akong isinisisi sa mga magulang ko. Naging ako ako dahil sa mga desisyon ko sa buhay.”
― Si
― Si
“Hindi ko alam kung alin ang mas mahapdi: ang mawalan ng minamahal, o ang makilala s’ya nang lubos kung kailan huli na ang lahat.”
― Si
― Si
“Hindi ko alam kung alin ang mas mahapdi: ang mawalan ng minamahal , o ang makilala s'ya nang lubos kung kailan huli na ang lahat.”
― Si
― Si
“Sabi nila, higit na taimtim ang mga panalangin sa loob ng ospital kumpara sa simbahan. Totoo. At hindi ko alam kung mayroon pang hihigit sa mga dasal ko para sa pagbalik ng buhay sa kanyang katawan. Hindi na ito ang mundong nais kong hingahan kung hindi rin ito ang mundong gising si Victoria”
― Si
― Si
“Nagkaroon ako ng pansamantalang trabaho bilang tagalinis sa isang istadyum na pinagsasanayan ng mga boksingero. Sa gabi ay sinusuntok ko rito ang lahat na naisin ng aking mga kamao. Sapagkat hindi lahat ng pagluha ay nakikita sa mata. At hindi lahat ng nangungulila ay may lakas upang lumuha.”
― Si
― Si
“Ilang linggo na rin siyang hindi nagsasalita o tumatayo mula sa higaan. Si Ina. Alam kong naging lubhang mabigat na para sa kanya ang mga pangyayari, lalo ang pagkawala ni Ama. Nakahiga siya noon sa kama, luhaan, at nakapatong ang dalawang kamay sa tiyan nang sabihin sa aking pagod na siya. Hindi ko ito agad naunawaan, ngunit bago pa man ako makapagtanong ay lumipad na siya sa katauhan ng daan-daang paruparo na kakulay ng karagatan. Mabilis na napuno ng mga pumapagaspas na munting pakpak ang kubo na siyang bago naming tinutuluyan mula nang kamkamin ng mga Hapon ang aming tahanan. Ngunit agad ding lumabas ng bintana ang mga bughaw na nilikha at naglaho sa kawalan.”
― Si
― Si
