Stainless Longganisa Quotes
Stainless Longganisa
by
Bob Ong9,046 ratings, 3.84 average rating, 261 reviews
Stainless Longganisa Quotes
Showing 1-14 of 14
“Ang maganda sa pag-asa, hindi ‘to nakukuha sa’yo nang hindi mo gusto.”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon… ”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“May mga librong magkakasundo ang sinasabi, at meron din namang mga nagpapatayan ng opinyon. May libro para sa kahit anong edad, kasarian, lahi, relihiyon, edukasyon, at katayuan sa buhay. May mahal at mura, malaki at maliit, makapal at manipis, pangit at maganda, mabango at mabaho, may kwenta at wala.
Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.”
― Stainless Longganisa
Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.”
― Stainless Longganisa
“Naniniwala ako na kung wala kang nagagawa sa kinatatayuan mo ngayon wala ka ring magagawa sa kung saan mo man gusto magpunta.”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya."
"Kung nasira ko man ang araw mo, o kung hindi mo ito inkinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat."
PERO
"Kung may magsasabi mn sa hinaharap na: "sana nagpatawa ka na lang!" yun ay opinyong handa kong tanggapin.”
― Stainless Longganisa
"Kung nasira ko man ang araw mo, o kung hindi mo ito inkinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat."
PERO
"Kung may magsasabi mn sa hinaharap na: "sana nagpatawa ka na lang!" yun ay opinyong handa kong tanggapin.”
― Stainless Longganisa
“Lahat ng mga salitang yan may dating sa'yo. Sabi kasi ng isip mo.”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao. Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. Kasabay ng pagbangga mo sa sariling mga takot, kamangmangan at egotismo.”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“...kapag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang “sandali lang” o “teka muna”. Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa...bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya.”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“Masama na ba talaga ngayon ang gumawa ng mabuti at kailangan mo na itong ipaliwanag?”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“I'm a bad person, like you, in the same way that you are a good person, like me.”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“Sino nga ba ang misteryoso: Ang taong alam mo na ang talambuhay at takbo ng isip pero hindi ang pangalan, o ang taong alam mo ang mukha, tirahan, edad, at pangalan pero bukod doon e wala nang iba?”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“Ayon kay Georges Simenon, ang dahilan daw ng pagsusulat n'ya ay "to exorcise the demon in me." Totoo yon para sa karamihan ng mga manunulat. Ang pagpuksa sa mga personal na demonyo ang nagsilbing makina sa likod ng mga di na mabilang na sanaysay, kwento, at tula. Ang manunulat ay biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat.”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
“Masipag na bata. Kaya lang nakalimutan n'ya na wala sa mga ginagawa natin ang makakapagsabi nang sapat kung sino tayo. Dahil lagi tayong higit sa kahit anong trabaho na nagawa at gagawin natin.”
― Stainless Longganisa
― Stainless Longganisa
