Babalik Kang Muli (Chapter 3)

Pagdating na pagdating ni Yvonne sa Maynila ay agad siyang dumiretso sa bahay nina Randell. It was Sunday kaya alam niyang nasa bahay lang ang binata dahil day-off nito sa trabaho.
Pero papasok pa lang siya sa eskinita nina Randell ay napansin na niyang maraming tao ang nagkukumpulan sa harap ng bahay ng mga ito. Mas lalong bumilis ang mga hakbang niya. Atat na atat na siyang marating ang pakay na bahay. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa pinto ay tinatawag na niya ang pangalan ng nobyo niya.
“Randell!  Randell…”
Pero ganoon na lang ang gulat niya nang pagpasok niya sa bahay ng mga ito ay naabutan niya itong seryosong nakaupo katabi ang mama nito. Sa harap naman ng mga ito ay isang mayamang mag-asawa. Sa tabi ng mayamang mag-asawa ay nakita niya ang isang nakayukong babae. Bigla siyang kinabahan.
“Randell…” tawag niya ulit sa nobyo niya. Nilingon naman siya nito pero hindi ito nagtangkang tumayo para salubungin siya ng yakap na siyang inaasahan niya.
“And who are you, young lady?” mataray na tanong ng babaeng mukhang espasol ang mukha. “Can’t you see, we’re having some serious talk here? Will you please go out because obviously, you’re interrupting us.”
“I’m Yvonne, Randell’s girlfriend. And I want to talk to him,” matapang na saad niya.
Noon tumayo ang babaeng mukha talagang espasol ang mukha dahil sa sobrang kaputian. “Then from now on, you’re no longer Randell’s girlfriend. He’s marrying our daughter since he got her pregnant.”
“Pregnant? No, it’s can’t be, ma’am. I’m Randell’s girlfriend.” Nagsimulang gumaralgal ang boses niya. “Randell, sabihin mo sa kanila na ako ang girlfriend mo.”
Lumapit sa kanya ang babeng espasol at dinuro-duro pa siya ng pamaypay nito. “Oh, come on, don’t you know that cheating does exist. Your boyfriend here, cheated on you. He fucked our daughter, got her pregnant, so we’re compelling him to marry her. So now, get out!”
Pero hindi siya kayang sindakin nito. Tinabig niya ang babaeng espasol at saka inilang hakbang ang agwat nila ni Randell. Lumuhod siya sa harap nito at saka ginagap ang mga kamay nito. “Let’s get out of here. Hindi mo pakakasalan ang babaeng iyan dahil ako mahal mo, hindi ba? Di ba, my labs?”
Pero nanatiling tikom ang bibig ni Randell at nakita niyang parang namamasa ang mga mata nito.
“Please, don’t do this to me,” pagmamakaawa niya.
“I’m sorry. I’m so sorry.” That was all Randell could mutter in between sobbing.
Hilam ang luhang tumayo siya at saka nagtatakbo palayo sa lugar na iyon. Randell is getting married! Unfortunately, she wouldn’t be the lucky girl. She lost the very first man whom she offered her love, trust, soul and everything.
Dala ng panlalabo ng mga mata niya dahil sa luhang ayaw paampat sa pagtulo, hindi niya namalayang narating na pala niya ang highway at nasa gitna na siya ng kalsada. Ang tanging rumihistro sa isip niya ay ang biglaang pagpreno ng isang magarang sasakyan sa harap niya. Ilang hibla na lang at mahahagip na siya niyon.
Nagpapakamatay ba siya? Well, pwede na rin sigurong mamatay na siya. Wala na rin namang saysay kung mabubuhay pa siya ngayong ikakasal na sa iba si Randell.
“Miss, are you okay? Nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong ng driver ng kotse na hindi niya alam na nakababa na pala at nakalapit sa kanya.
“Why didn’t you hit me? I want to die. I want to die…” At parang dam na muling umagos ang mga luha niya.
Hindi niya inaasahan ang susunod na mangyayari. The owner of the car hugged her so tight and told her words that struck her. “Maybe it’s not yet your time to die. Kailangan mo pang magpaalam sa mga relatives mo, sa mga kaibigan mo at higit sa lahat, sa mga magulang mo. Have you said goodbye to them already?”
Pagkarinig niya sa salitang ‘magulang’ ay bigla na naman siyang napahagulgol. Nangunyapit siya sa leeg ng estrangherong hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa kanya.
Dinala siya nito sa kotse nito at inilayo sa lugar na iyon. What was she thinking? Bakit niya gugustuhing mamatay gayong kadarating lang ng parents niya galing ng London? She hasn’t made new memories with them yet pagkatapos ay iiwanan na niya ang mga ito?
Sa isang park siya dinala ng lalaking muntik nang makabangga sa kanya dahil na rin sa sarili niyang kagagahan. “Kung kailangan mo ng taong makakausap, I’m just here. I’m willing to listen.”
“Sorry nga pala sa nangyari kanina. I was just so emotional. I found out that my boyfriend is marrying another girl because he got her pregnant. I was so hurt because I didn’t know he was cheating on me. He told me he loved me. He told me I mean the world o him. Nd suddenly, this thing came in. I was so dazzled I didn’t notice I was already crossing that pedestrian lane. But thank you. Thank you for not hitting me, for not killing me.”
“Nang sabihin mo kanina na gusto mo nang mamatay, I got so sad. Because there are a lot of people in this world who would want to stay alive but death seems to be inevitable for them. Let’s say, they have leukemia  You’re lucky because you’re just broken-hearted.”
His words touched her inner soul. Yeah, she was lucky.
“I’m Luke, by the way.”
“My name is Yvonne.”
And thus started their friendship; a friendship that developed into something special.

SA BAHAY NINA LUKE. Magkatabing nakaupo sa isang kahoy na upuan sina Luke at Yvonne. Bahagya pang nakahilig ang ulo niya sa balikat ng binata. Magkasabay na pinagmamasdan nila ang papalubog na araw habang mabining tinatangay ng hangin ang ilang hibla ng buhok niya.
“Thank you for coming,” mahina ang boses na sabi ni Luke sa kanya.
Tinitigan niya ito. Luke was smiling at him. Nagsikip ang dibdib niya nang makita ang pagmamahal na nakarehistro sa mga mata nito. “Siyempre, pwede ba naman kitang tanggihan? You said you wanted to say goodbye to me.”
Marahang tumango ang binata sa kanya. Umabsent siya sa klase niya at nagtungo ng quezon City dahil personal na tumawag sa kanya si Luke. Gusto daw nitong magpaalam sa kanya. And really, she wanted to cry because she doesn’t to let him go but she had to.
“I will miss you, Luke.”
“Me too. But don’t you worry; I’ll be your guardian angel. I’ll be watching you while I’m in heaven.”
“Luke…” Hindi na niya napigilan ang maiyak.
Naalala niya ang sinabi nito noong muntik na siya nitong masagasaan. “Nang sabihin mo kanina na gusto mo nang mamatay, I got so sad. Because there are a lot of people in this world who would want to stay alive but death seems to be inevitable for them. Let’s say, they have leukemia  You’re lucky because you’re just broken-hearted.”
Luke has a leukaemia. And anytime soon, he’d leave her. That’s why she’s saying goodbye to her. It was so painful. The thought of losing him makes her ‘wanna cry for more. Perhaps, she could cry a river and still miss Luke.
Minsan, iniisip niya na masyadong unfair ang mundo. Kung sino pa iyong mababait, iyon pa ang unang kinukuha ni kamatayan. But Luke made her understand that it was his faith. The impending death was his faith.
For the past six months na nakilala niya si Luke, hindi niya maiwasang mahulog ang loob dito. He was intelligent, kind-hearted, sweet and a real gentleman. It was so easy to fall for him. Kaya nga nang sabihin nitong mahal siya nito, hindi na siya na siya nahirapang sabihin na mahal niya rin ito. Partly because she also wanted to make him happy. But if truth be told, yes, Luke has special place in her heart.
“Promise me that when I’m gone, you would still continue to live and love. There’s so much love in your heart, Yvonne. Don’t let your pass hinder you from being happy in the near future.”
“But I won’t be that super duper happy anymore because you won’t be there, Luke.”
“Just be happy. No one needs to be super happy life. Always remember that.”
Tuluyan nang nakalubog ang araw nang yayain niyang pumasok sa loob ng bahay si Luke. Katulong ang private nurse nito ay isinakay nila ito sa wheelchair nito.
Siya mismo ang naghatid sa silid nito. “Sleep tight, Luke,” aniya sa binata nang pumikit na ito.
And just few hours after their talk, Luke left them peacefully. Dumagundong ang malakas na tili niya sa buong kabahayan nang ideklara ng doktor na patay na nga ito.

“Nooooo! Nooooo!”
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 23, 2013 14:07
No comments have been added yet.