Babalik Kang Muli (Chapter 2)
Mabilis na lumipas ang mga araw. Yvonne decided to take up Journalism at San Carlos University. And in a span of few months, she gained new friends and acquaintances. Pero sa kabila niyon, hindi pa rin mawala sa puso niya ang pangungulila kay Randell. She was missing him terribly.
Kamusta na kaya ito? Saang school kaya siya nag-aaral? Okay lang kaya siya? Ilan lang iyon sa mga tanong na lagi na lang pumapasok sa isip niya.
At nang matapos ang unang sem nila ay nagpasya siyang lumuwas ng Maynila. Paano’y naging madalang na ang komunikasyon nila ni Randell. Bihira na itong mag-text sa kanya at kung minsan ay hindi na rin nito nagagawang sagutin ang mga tawag niya. At dahil sa mga pangyayaring iyon, nagsimulang mabuhay ang takot sa dibdib niya.
“Ate Sonia, pupunta akong Maynila bukas. Early in the morning ang flight ko at baka sa Martes na po ang uwi ko,” aniya sa katulong isang hapon pagkagaling niya sa school.
“Aba’y paano kapag tumawag ang mommy at daddy mo? Anong sasabihin ko kapag tinanong nila kung anong ginagawa mo sa Maynila?”
“Tatawagan ko na lang po sila bukas pagkarating ko ng Maynila,” tugon niya.
“Aba’y mag-iingat ka doon. Maraming loko-loko sa Maynila, hija. Baka kung mapaano ka.”
“Ate Sonia naman. Big girl na ako. Malapit na nga akong mag-eighteen.”
“Oo nga, ano? Tatlong buwan na lang at kaarawan mo na. Magiging isa ka nang ganap na dalaga.”
Nginitian niya lang ang kawaksi at saka nagpasintabing pupunta siya sa kwarto niya para siguraduhing wala siyang maiiwang gamit para sa travel niya. Excited na siyang makita si Randell dahil halos pitong buwan rin silang hindi nagkita. Excited rin kaya itong makita siya ulit? Bukas na bukas ay malalaman niya ang sagot sa mga tanong na matagal nang naglalaro sa isip niya.
SA ISANG masikip na eskinita huminto ang taxi na sinasakyan ni Yvonne. Napatingin siya sa paligid. Maraming bata ang naglalaro sa kalsada kahit tirik na tirik ang araw. May namataan din siyang mga tambay na nagkukuta sa harap ng isang tindahan.
“Ma’am, ito na po yung address na nakasulat sa papen ninyo.” Doon lang parang natauhan si Yvonne. Nagbayad na siya at saka bumaba ng taxi.
Kipkip niya ang shoulder bag niya at sa isang kamay naman niya ay hila-hila niya ang may kaliitan niyang maleta na naglalaman ng mga damit niya.
Nang mapadaan siya sa umpok ng mga tambay na ang ilan ay naka-hubad baro pa, narinig niyang may ilan sa mga ito ang sumipol sa kanya. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito.
Nagtanong siya sa isang ale na nagtitinda ng banana cue kung saan ang eksaktong bahay na nasa address book niya. Fortunately, alam ng matanda ang kung nasaan iyon.
And soon enough, she was knocking on a door that she guessed was originally painted with color green but has faded as time goes by. Isang babae na marahil ay naglalaro sa kwarenta pataas ang edad ang nagbukas ng pinto sa kanya. Maaliwalas ang mukha nito at may nakahandang ngiti sa mga labi.
“Ano pong kailangan nila?” tanong sa kanya ng babae.
“Magandang umaga po. Hinahanap ko po kasi si Randell Roa. Ayon sa address na ibinigay, dito daw po siya nakatira?”
Lalong lumuwag ang pagkakangiti ng ginang. “Ano po ang kailangan niyo sa anak ko? At kaanu-ano mo si Randell?”
So, this is Randell’s mom. Nagmano siya dito. “Ako nga po pala si Yvonne Sta. Maria. Girlfriend po ako ni Randell. Nandiyan po ba siya?”
“Pumasok ka muna. Wala pa si Randell pero mayamaya lang ay nandito na rin ‘yun. Mukhang malayo pa yata ang pinanggalingan mo. Galing ka pa ng Cebu?”
“Opo. Kakagaling ko lang po ng airport,” magalang na sagot niya.
Marami pa silang napagkwentuhan ng mama ni Randell. And she liked her a lot. She was bubbly full of stories. Pahapyaw na naikwento rin nito ang kabataan ni Randell sa kanya.
Sa pagitan ng pagkukwentuhan nila ay pasimpleng pinasadahan niya ng tingin ang kwartong inuupahan nila Randell. It was just a small room. Siguro ay kalahati lang iyon ng kwarto niya sa Cebu. And to think na anim katao raw ang sama-samang nakatira doon. Wala na nga halos dibisyon ang buong kwarto. She imagined how hard it must be to sleep at night.
Wala pang isang oras ay dumating din si Randell. Noong una ay nanibago pa siya sa hitsura nito. Randell looked taller, bigger and more handsome than ever. And suddenly, there was this familiar erratic thumping in her chest. Her heart was starting to beat so fast.
God, how she missed this man.
Agad na lumapit siya sa binata at yumakap dito. “I missed you.”
Pero sa halip na sagutin siya ay dumistansiya sa kanya si Randell. “Kailan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka.”
What’s wrong with him? Ayaw ba nitong makita siya? Gayong siya ay nag-effort pang lumuwas para lang makita ito!
“Are you not happy to see me?” naghihinampong tanong niya dito.
Tumikhim ang ina ni Randell na marahil ay agad na naramdaman ang tensiyon na nagsisimulang mabuo sa pagitan nila ni Randell. “Lalabas lang ako saglit at may bibilhin lang ako diyan sa may kanto. Babalik din ako siguro pagkatapos ng kalahating oras.”
Alam niyang alibi lang iyon ng mama ni Randell. She knew that the old woman just wanted to give them privacy so they can really talk their heart out.
“Hindi ka ba masaya na nagkita ulit tayo, Randell? Pitong buwan… pitong buwan tayong hindi nagkita. I’ve missed you so much that’s why I’m standing here in front of you. I missed you so much that it hurts ‘coz I feel like you’re not feeling the same way. Sa ating dalawa, ako lang yata ang naka-miss.”
Akmang tatalikuran na niya ito nang hagipin ni Randell ang isang braso niya. Niyakap siya nito ng mahigpit. “I’m sorry. Hindi ko lang inaasahan na darating ka. Nahihiya ako sayo kasi dito lang kami nakatira. Nagsisiksikan kami sa isang maliit na kwarto. Tapos—”
Pinutol niya ang kung anumang sasabihin pa nito sa pamamagitan ng isang halik. “That’s not what I want to hear. I want you to tell me that you missed me, too,” aniya matapos ang halik na pinagsaluhan nila.
“I missed you, Yvonne. I missed you so much. And if you really want to know how much is so much, I’ll let you know by this.” Dinala nito ang isang kamay niya sa pagkalalaki nito. His manhood was in full erection kahit na nga ba may pantaloon pa na nakasagabal sa kamay niya.
“You’re naughty!” humahagikhik na sabi niya dito.
Niyakap ulit siya nito ng mahigpit. “I just missed you so much.”
“Yvonne, hindi naman sa hindi kita gustong patuluyin dito, pero nakakahiya naman sayo kung dito kita patutulugin. Mayamaya lang ay darating din ang mga pamangkin ko galing sa eskwela. Pero kung gusto mo talaga, pwede naman tayong makitulog ‘dun sa katropa ko,” nag-aalalang sabi ni Randell.
“May malapit namang mga hotels dito, right? Samahan mo na lang ako. Hanggang Monday ng tanghali ako dito. And I want you to stay with me, please?”
Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito pero sa huli ay tumango na rin ito. Pagbalik ng mama ni Randell ay nagpaalam sila na aalis na para makapag check-in na rin siya sa pinakamalapit na hotel.

PAGLABAS ni Yvonne sa banyo ay naabutan niya si Randell na nakatayo sa tabi ng bintana. Parang kay lalim ng iniisip nito. Pero kahit ganoong seryoso ang anyo nito, hindi pa rin niya maiwasang hangaan ang taglay nitong kakisigan.
“Ang lalim naman ng iniisip mo, my labs,” basag niya sa katahimikan habang papalapit siya dito. Naka-roba lang siya dahil kakatapos lang niyang mag shower. She decided to take a bath dahil sobrang lagkit ng pakiramdam niya dahil sa init ng panahon sa Maynila.
Nginitian siya nito. “Halika nga dito.” Lumapit naman siya dito. She was welcomed by his able arms. And damn, his embrace felt so warm and familiar. Indeed, she was resting at the most precious place on earth.
“Ba’t ba ang ganda ganda mo?” seryosong tanong nito na nagpahalakhak naman sa kanya.
Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. “Eh, ba’t ang gwapo gwapo mo?”
“Asus! Binola pa ako. Baka naman marami ka nang manliligaw sa SCU?”
Agad namang tumango siya. “Maraming nagpapalipad-hangin. Pero wala akong type sa kanila. Kasi, may mahal na ako. At ang pangalan niya ay Randell Roa,” buong pagmamahal na pahayag niya dito.
“I love you, too. And thank you for loving me despite our differences. Kahit mahirap lang ako—”
Mabilis na sinaway niya ito sa pamamagitan ng paglalagay ng hintuturo niya sa labi nito. “Huwag mong pababain ang tingin mo sa sarili mo, Randell. Dahil kahit kailan, hindi ko tiningnan kung ano ang estado mo. Masaya ako sa piling mo. Masaya ako kasi ako ang mahal mo. At mahal kita kasi iyon ang ibinubulong ng puso ko. We can be happy even though we’re not the wealthiest couple on Earth. And I don’t mind living on a small house for as long as I’m with you.”
“You’re such a wonderful girl, Yvonne. You’re kind, sweet, caring and humble. Minsan tuloy iniisip ko, do I really deserve you? Do I deserve your love?”
Hinaplos-haplos niya ang pisngi nito. “Why are you saying all of these, Randell? You know that you can always tell me what’s bugging you inside.”
Niyaya siya ni Randell na maupo sa kama. For a moment, all they did was stare with each other. Iyong tipong nagpapakiramdaman kung sino sa kanilang dalawa ang unang magsasalita. Hanggang sa sumuko na rin si Randell sa pakikipagtitigan sa kanya.
“Hindi ako nakapag-enroll last sem. At hindi pa rin ako makakapag-enroll this coming sem. Nagtatrabaho ako sa Andoks bilang crew. I need to work para makatulong sa pamilya ko.”
“Ang akala ko ba kaya ka pumunta dito sa Maynila ay para mag-aral ka?”
“That was the initial plan. Pero maraming nangyari pagpunta ko dito. Nabuntis ang ate ko. Ang mama ko nawalan ng trabaho. Si papa naman ayaw akong suportahan sa pag-aaral ko. Hindi ko na muna ipinilit na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil pakiramdam ko mahihirapan ako. Hindi naman ako ganoon katalino kagaya mo. Pero kung ako lang talaga ang masusunod, gusto ko talagang mag-aral. But I guess, this is my faith,” malungkot na saad ni Randell.
Awang-awa siya dito. Hindi niya naisip na mahirap pala ang naging kalagayan nito sa pagluwas nito sa Maynila. She knows that it was hard not to be able to fulfill your dreams.
“Kung doon ka na lang kaya sa Cebu? Malaki naman ang savings ko sa bangko. I don’t mind sharing it to you.” Hindi naman kasi siya magastos kaya halos kalahati ng ipinapadala sa kanya ng mga magulang niya ay inilalagak niya sa bangko. Bata pa lang siya ay tinuruan na siya ng mga magulang niya na matutong magtipid.
But Randell refused to her proposal. And she understands him. Siyempre, may pride ito bilang isang lalaki. “Makakaipon rin naman ako. Sa ngayon, kailangan ko na lang munang magtiis. Kapag nakaipon na ako, mag-aaral din ako.”
“Kung kailangan mo ng tulong, andito lang ako, Randell. Nandito lang ako…”
Randell hugged her tight and she could feel his vulnerability right at that moment. She wanted to console him that everything’s ‘gonna be alright. But she couldn't think of the right words to say. So instead, she started kissing him. She kissed him on the eyes, nose, and cheeks until she reached his lips. There was this splendid feeling whenever she’s kissing him.
Randell removed her robe and started to caress her. At sa bawat madaanan ng kamay nito ay nag-iiwan iyon ng kakaibang init sa pakiramdam niya. He was setting her on fire. And as if it wasn’t enough torture, his mouth started to wander in every delicate skin of her body.
At parang may sariling isip naman ang mga kamay niya at kusa iyong dumako sa laylayan ng t-shirt nito. Kinailangan nilang maghiwalay sandali para tuluyang maalis ang mga sagabal na saplot sa kanilang mga katawan. And when they were already naked like babies, Randell joined him in bed.
While he was busy touching her everywhere, she was also making her way to up to his beautiful body. Her hands stroked his broad shoulder extending to his chest, down to his flat stomach and finally rested on his groin.
“I need you now,” bulong niya kay Randell.
And she didn’t have to wait for decades. He slowly entered her and she was welcomed by this searing pain. But it was tolerable. Habang tumatagal ay nawawala ang sakit at napapalitan iyon ng hindi niya maipaliwanag na kaligayahan.
Habang pabilis nang pabilis ang paggalaw nito sa ibabaw niya ay palakas na palakas naman ang ungol na kumakawala sa bibig niya. And soon, they both reached their climax. Pabagsak na nahiga ito sa tabi niya pagkatapos. Pero kahit na mukha itong pagod, nakangiti pa rin ito.
Iniyakap niya ang mga braso niya sa katawan nito hanggang sa makatulog siya sa tabi nito.
Published on September 23, 2013 07:23
No comments have been added yet.