Babalik Kang Muli (Chapter 1)


Nang marinig ni Yvonne ang bell na siyang hudyat na tapos na ang last subject nila, nagmamadaling lumabas na siya ng classroom hindi pa man sila tuluyang dini-dismiss ng teacher nilang si Sir Ramil.
Malalaki ang bawat hakbang niya dahil excited na siyang makita ang boyfriend niyang si Randell. Pareho silang graduating student sa taong iyon sa isang public high school sa Cebu. Pagdating niya sa isang puno ng mangga na matatagpuan sa likod ng eskwelahan nila, nakita niyang naroon na nga si Randell at matiyagang naghihintay sa kanya.
“My labs! Kanina ka pa ba?” agad na bati niya rito nang tuluyan siyang makalapit dito. Pagkatapos umuling ay agad siyang niyakap ng nobyo niya kahit na nga ba may mga estudyanteng nakakakita sa kanila. Nasanay na silang pareho na umaktong normal kahit na nga ba alam nilang may mga lihim na nagmamasid sa kanila sa tuwing nagkakasama sila.
Maybe, some of them were thinking that they were too bold and daring for their age. Pero hindi siya nahihiyang ipakita kung gaano niya kamahal si Randell. At kahit high school students pa lang sila, alam niyang hindi iyon hadlang para makasumpong siya ng tunay na pagmamahal mula kay Randell. Kaya sa mga pilit silang iniintriga, hinahayaan na lang niya ang mga ito. Ang mahalaga ay masaya sila ng boyfriend niya.
“How’s your day?” tanong ni Randell sa kanya habang iniipit nito ang ilang hibla ng buhok niya patungo sa tenga niya. Mataman din itong nakatitig sa kanya.
“It was fine. But I feel like better now kasi kasama na kita, my labs. Ikaw, kamusta ang araw mo? Naka-perfect ka ba sa exam niyo sa English?”
Ngumisi ito sa kanya. “I had a one mistake. But that’s okay. Iyon pa rin naman ang pinakamataas na grade sa klase namin. And that’s because of you. Magaling ka yatang tutor.”
Kapag kasi wala silang klase o ‘di kaya kapag magkasama sila tuwing weekends, naging hobby na niya ang i-tutor ito sa mga subjects na nahihirapan ito. At isa na nga doon ang subject na English.
“Monthsary na natin next week, anong gusto mong gawin natin?” tanong ulit ni Randell sa kanya habang pinaghuhugpong nito ang mga kamay nila.
“Kahit ano lang. Basta ang mahalaga, kasama kita,” tugon naman niya na siyang totoong nilalaman ng puso niya. Kahit siguro magkulong lang sila sa bahay nila ay ayos lang sa kanya. Kapag kasama niya ang binata, pakiramdam niya ay masaya na siya. Kontento kumbaga.
“I’ll think of something romantic para sa araw na iyon. For now, kailangan na nating umuwi at marami pa tayong project na gagawin. Isang buwan na lang at magtatapos na ang klase. Sa wakas, ga-graduate na tayo.”
Hinila na siya ng nobyo niya para sana umalis na sa paborito nilang pwestong iyon.
Pero hindi siya tuminag at sa halip ay natatawang hinatak niya pabalik ang binata. “Why? Why are you smiling like that?” nagtatakang tanong ni Randell sa kanya.
At sa pamamagitan ng dalawa niyang kamay ay ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at mataman itong pinagmasdan. “Ime-memorize ko lang ang mukha mo. Para pagdating ko mamaya sa bahay, hindi kita masyadong ma-miss. Ang gwapo gwapo talaga ng my labs ko. Swerte ako kasi ako ang girlfriend mo.” I don't own this photo. Credits goes to the rightful owner. :)And in return, niyakap siya ng mahigpit ni Randell. “Mas maswerte ako na ako ang pinili mong maging boyfriend, Yvonne. You’re the best thing that happened into my life.”
With that, magkahawak kamay na naglakad sila palabas ng school. Bahagya pa nga siyang nakasandig sa malapad na balikat ni Randell.
For her, true love is also for sixteen years old girls like her. Why, she already found her one great love—and that was with Randell.
Nang marating nila ang two-storey house nila ay mabilis na nagpaalam na sa kanya ang nobyo niya dahil pupuntahan pa nito ang tita nito na may pwesto sa palengke para doon ay tumulong. Ang tita Elsie nito na ang nagpapaaral dito dahil ang mga magulang nito ay matagal na panahon na ring naghiwalay at may kanya-kanya nang buhay sa Maynila.
Samantalang siya, dumiretso siya sa loob ng bahay nila kung saan may naghihintay sa kanyang tatlong katulong. Both of her parents were OFWs in London. Once a year lang kung umuwi ang isa sa mga ito kaya maaga pa lang ay natuto na siyang maging independent. But nonetheless, she had no hard feelings for her parents. Naiintindihan naman niya na dahil sa kanya kaya nagpapakahirap na magtrabaho ang mommy at daddy niya sa London. They wanted to give her the best future that they can. And for that, she was grateful.
Binuksan niya ang laptop niya at nag-iwan siya ng message sa Facebook wall ng mommy at daddy niya. That was her way of connecting with them. At nang matapos sa ginagawa ay hinarap na niya ang mga assignments niya.
Napangiti siya nang maalalang ilang araw na lang at magtatapos na sila ni Randell. They were planning of enrolling at the same university in Cebu. Hinihikayat siya ng mga magulang niya na sa Maynila na lang mag-aral pero tumanggi siya. Para sa kanya, masyadong magulo ang Maynila. Kontento na siya sa buhay niya sa Cebu. At lalong kontento na siyang makasama si Randell dito sa Cebu.
Inspired na inspired na sinagutan na niya ang mga assignments niya.

TENTH MONTHSARY nina Randell at Yvonne. Maaga pa lang ay gising na siya para maghanda sa espesyal na araw nilang iyon. Mabuti na lang ay tumapat sa araw ng Sabado ang monthsary nila kaya mas matagal ang oras na magkakasama sila ni Randell.
Mabilis na naligo siya at nagpaganda dahil balak niyang sorpresahin si Randell. Pupuntahan niya ito sa bahay ng tita Elsie nito habang dala-dala ang gift niya para dito. Pero pababa pa lang siya ng hagdan ay siya ang nasorpresa nang makita niyang may mga nagkalat na rose petals mula sa hagdan papunta sa sala ng bahay nila.
And at the heart of their living room, she saw Randell with a bouquet of flowers. He was so damn gorgeous kahit simpleng white na v-neck t-shirt, maong pants at rubber shoes lang ang suot nito. He was that gorgeous. Napapangiti siya habang pababa siya ng hagdan.
“Naunahan mo naman ako. Iniisip ko pa namang sorpresahin ka, my labs.” She was beaming when she said those words.
Iniabot naman ni Randell ang mga bulaklak sa kanya. “Flowers for you. Pasensiya na at walang kasamang chocolates, hindi na kasi kinaya ng budget ko,” nagkakamot ng ulo si Randell nang sabihin iyon sa kanya.
“It’s okay. Kahit nga wala nang flowers, okay lang sakin. Your presence is more than enough for me, Randell. I don’t need flowers, or chocolates. I all I need is you.”
Ginagap ni Randell ang isang kamay niya at dinala iyon sa labi nito at saka iyon kinintalan ng halik. “Happy monthsary, my labs.”
Buong pusong tinitigan niya ang nobyo niya na buong puso ring nakatitig sa kanya. Love was evident at Randell’s face, she was sure of that. “Happy monthsary din, Randell my labs.” And without hesitation, she kissed him on his cheeks, nose, eyes and on his lips.
And Randell did the same thing to her. At sa bawat dampi ng labi nito sa balat niya, it sent her indescribable feelings that even her couldn’t fathom. She was indeed happy.
 At bago pa niya makalimutan ay iniabot niya ang isang box na siyang regalo niya dito at inudyukan itong buksan na iyon sa mismong harapan niya. She wanted to see his reaction.
“Wow! This is nice,” ani Randell habang inilalabas ang isang gold necklace mula sa kahon. “Pero hindi ko ito matatanggap. Masyado naman yatang mahal itong regalo mo.”
Pero maagap na nasansala niya ito. “C’mon, this is my gift to you my labs. Hindi ba pwedeng mag thank you ka na lang and maybe give me another kiss? And just to let you know, I also have the same necklace with the same pendant. So, if I were you, isusuot ko na ‘yan para match na match na talaga tayo.”
Kinuha niya ang necklace mula sa kamay nito at siya na mismo ang nagsuot nito sa binata. “See, bagay na bagay sayo. Parang tayo lang din, bagay tayo.”
Hindi na nagreklamo pa si Randell at sa halip ay mabilis na hinagkan siya sa mga labi. “I also have a gift for you. But not as expensive as yours, sana magustuhan mo.”
“As long as galing sa iyo, siguradong magugustuhan ko kahit ano pa man ‘yun.” And before she could even react, hinila na siya ng binata papunta sa likod bahay nila.
And what she saw really shocked her. Ang noon ay pangarap lang niyang tree house ay nagkatotoo! Bakit nga ba hindi niya napansin na mayroon nang tree-house sa likod bahay nila? Well, bihira na rin naman siyang magawi sa parteng iyon ng bahay nila kaya siguro hindi niya napapansin na ginagawa na pala ni Randell ang tree house na gusto niya. It was a labor of love.
“The best gift ever,” aniya kay Randell saka ito niyakap nang sobrang higpit. “Thank you. Thank you, my labs.”
And together, they climbed at the tree house at doon ay nagsawa sila sa pagkukwentuhan na manaka-nakang nai-interrupt ng paghahalikan nila. For her, it was the most romantic place on Earth.
Magtatanghalian na nang bumaba sila ni Randell para pumunta naman sa paborito nilang restaurant sa Mango Square. Naglibot-libot din sila bago sila nagpasyang bumalik na lang ulit sa tree house pagsapit ng hapon at doon ay magkayakap na na pinagmasdan nila ang paglubog ng haring araw.
Gabi na nang umuwi si Randell.

PAGKATAPOS ng graduation ceremony nina Randell at Yvonne ay dumiretso sila sa bahay ng huli kung saan naghihintay ang ilang mga kamag-anak ni Yvonne para sa isang salu-salo. Hindi nakauwi ang mommy at daddy niya pero ayos lang sa kanya. Naiintindihan naman niyang hindi ganoong kadali para makapag-leave ang mga ito sa kanya-kanyang trabaho para lang umuwi a Pilipinas para saksihan ang pagtatapos niya. Besides, hindi naman siya ang may pinakamataas na karangalan. Honorable mention lang siya.
Nasa kotse pa lang sila ni Randell ay ramdam na niyang may bumabagabag sa nobyo niya. Pero nagpasya siyang ipagpaliban na muna ang pagtatanong dito dahil ayaw niyang i-spoil ang magandang mood ng mga kaanak nila ni Randell. Naroon din kasi sa bahay nila ni ang tita Elsie ni Randell kasama ang ilan pa nitong pinsan.
Nagsimula na ang masaganang hapunan. Everyone was proud of her and Randell. May mga nag-abot pa nga ng gifts sa kanila. At nang matapos ang hapunan, nagpaalam muna siya sa mga ito na aakyat lang siya sa kwarto niya para magpalit ng damit. Isa-isa na ring nagsiuwian ang mga bisita nila.
Pagbalik niya sa sala ay wala na rin doon si Randell. Agad na tinanong niya si Ate Sonia, ang mayordoma sa bahay nila. “Ate, nakita mo po ba si Randell?”
“Nagpaalam siya na pupunta daw siya sa tree house. Puntahan mo na lang daw siya doon.”
Nagtatakang napatango na lang siya. Bakit hindi man lang siya hinintay ng nobyo niya na makababa mula sa kwarto niya? Sa halip na pasakitin ang ulo niya ay pinuntahan na lang niya ito sa tree house.
Nakapatong ang isang paa ni Randell sa upuang gawa sa kawayan habang ang baba nito ay nakapatong sa tuhod nito.
“Hey. Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo, my labs. May problema ba?”
Agad naman na umayos ng upo si Randell pagkarinig sa boses niya. “Come here,” tawag nito sa kanya habang nakabuka ang mga braso nito. Naupo siya sa pagitan ng mga hita nito. Nakatalikod siya dito habang nakapulupot naman ang mga braso nito sa kanya.
“May problema ba?” ulit niya sa tanong niya dito kanina.
“Luluwas na ako ng Maynila bukas para doon mag-aral, my labs.”
That shocked her. Nanigas yata ang buong katawan niya dahil sa sinabi nito. Mabilis na nag-init ang paligid ng mga mata niya maging ang ilong niya. “Ang akala ko ba ay pareho tayong mag e-enrol sa San Carlos University? Bakit biglaan naman yata ang pagluwas mo ng Maynila?”
“Hindi ako pag-aaralin nina auntie sa kolehiyo kaya ang gusto ni mama, doon na lang daw ako sa kanya. Pagtutulungan daw namin na makapasok ako kahit sa isang state university lang. Ayaw ko sanang umalis kasi maiiwan kita dito pero kailangan kong umalis para sa future ko… para sa future nating dalawa if ever na tayo pa rin hanggang sa huli.”
“Aalis ka kahit alam mong sobra akong malulungkot?”
“Yvonne, sana maintindihan mo kung bakit kailangan kong umalis. Kung dito lang ako sa Cebu, malabong makapag-aral ako. At least sa Maynila, naroon ang mama at papa ko na pwede kong hingan ng tulong. Gusto kong makatapos ng kolehiyo para magkaroon ako ng magandang trabaho sa hinaharap.”
“Randell, dito ka na lang,” nahihikbing sambot niya. “Dito ka na lang…”
Pero mahigpit na yakap lang ang itinugon ni Randell sa kanya. She was starting to lose him. That night, she requested na doon ito matulog sa bahay nila. Walang nagawa ang tatlong katulong sa bahay nila nang magkasamang pumasok sila sa kwarto niya.
Aalis na ito bukas ng tanghali. She wanted to be with him for the last time. At kahit masakit, kailangan niyang palayain si Randell para sa ikabubuti ng future nito. Ayaw niyang maging makasarili. Ayaw niyang maging hadlang para matupad ni Randell ang mga pangarap nito.
When they hit the bed, she voluntarily kissed Randell on the mouth. It was one passionate long kiss. At bago pa man magbago ang isip niya, itinaas niya ang damit ng nobyo at pinaglandas ang mga kamay niya sa nakahantad nitong katawan.
Hindi pa defined ang muscles nito pero para sa kanya, hindi iyon nakabawas sa kakisigan nito. Nagtatanong ang mga mata ni Randell nang kusang hubarin niya ang suot niyang t-shirt kasama na ang underwear niya.
“I’m offering myself as a gift to you…” parang bulong lang iyon na nanulas sa bibig niya pero alam niyang umabot iyon sa pandinig ng binata.
At hindi siya binigo ni Randell. Naramdaman niya nang pangkuin siya nito at dalhin sa ibabaw ng kama. Bago siya nito muling hagkan ay pinagsawa muna nito ang mga mata sa katawan niya. Well, ganoon din naman siya.
And moments later, their bodies became one. She succumbed into world of happiness that only Randell could gave her.
Yes, she lost her chastity at the age of sixteen. Pero wala siyang makapang pagsisisi sa bagay na iyon. That night, ipinaramdam niya kay Randell kung gaano niya ito kamahal.
Nang maggising siya kinabukasan ay wala na si Randell sa tabi niya. Nag-iwan lang ito ng isang maikling note sa tabi niya.
My labs,Last night was the best night of my life. You are so beautiful. I’m glad that you were my first, and I was yours. I just want to tell you that this is a long life. We’re not done yet. I’ll be back when the time is right. Live your life while I’m not around. And I’ll also do the same. Just keep in mind that I will be missing you every day.

                                                                                                Randell
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 22, 2013 11:28
No comments have been added yet.