Babalik Kang Muli (Chapter 4)
“Bakit ba ayaw mong maniwala na hindi ako nambababae? Charm, paulit-ulit na lang tayong ganito. Sa tuwing uuwi ako dito sa bahay, wala ka nang ibang ginawa kundi ang bungangaan ako at akusahan ng kung anu-anong bagay. Kailan mo ba ako bibigyan ng katahimikan?”
Halos mapatid na ang pasensiya ni Randell dahil ganoon lagi ang eksena nilang mag-asawa kapag umuuwi siya sa bahay nila. He was getting tired of their set-up. Kung hindi lang dahil sa batang nasa sinapupunan ni Charm ay matagal na niya itong nilayasan. Matagal na sana siyang nagpakalayo layo.
Sino ba naman ang hindi maba-badtrip dito? Napaka-selosa nito. Hindi lang siya makauwi ng alas-siyete ng gabi ay nakakabuo na ito ng kung anu-anong konklusyon.
“Bakit lagi kang ginagabi ng uwi, Randell? Mas marami ka pang oras sa lintik na opisinang ‘yan kesa dito sa bahay! O baka naman sinasadya mo ‘yun para iwasan ako? Iniiwasan mo ako dahil hanggang ngayon, hindi mo pa rin matanggap na kasal ka na sakin. Dahil hanggang ngayon, mahal mo pa rin si Yvonne!”
Naisabunot niya ang mga daliri niya sa ulo niya. “Enough!” malakas na sigaw niya dito. “You don’t know how much I’ve sacrificed for the past few years, Charm. I gave up the most important girl in my life, iniwan ko ang pamilya ko, nagpaalipin ako sa mga magulang mo sa pamamagitan ng pagpasok sa kompanya niyo. Pero kahit anong gawin ko, may masasabi masasabi pa rin sila na hindi maganda sakin. Mamaliitin pa nila ako. You know what, this is nonsense. Paulit-ulit na lang tayong ganito. Nakakapagod, Charm.”
Nakita niya ang paglambong ng mukha nito. “Kaya lang naman ako nagkakaganito dahil mahal na mahal kita, Randell. Ang gusto ko lang naman, umuwi ka ng maaga para hindi ako magmukhang tanga sa kakahintay sayo.”
Napailing-iling siya. “It could have been easy for me to love you kung hindi mo ako niloko. But you deceived me, Charm. At ako namang si gago, mabilis na naniwala sayo. Hindi ko alam na pinipikot mo lang pala ako.”
Yes, pinikot siya lang siya ni Charm. Nang bigla na lang itong pumunta sa bahay nila at nagdeklarang nabuntis niya ito ay nawalan siya ng pagkakataong mag-isip ng matino. Na-intimidate kasi siya sa mga magulang nito lalo na at pine-pressure siya ng mga ito na pakasalan ang anak ng mga ito.
Bago iyon ay nakilala niya si Charm dahil sa isang bago niyang kaibigan. At nang simula nang magkakilala sila ay lagi na itong nakabuntot sa kanya. Hanggang isang gabi ay nagkayayaan silang gumimik kasama ang grupo nina Charm. Hindi niya alam na naparami ang inom niya ng alak ng gabing iyon. Naggising na lang siya na kasama na niya sa iisang silid ang babae at pareho silang walang mga damit. Pero sa isip niya ay hindi niya matandaan na may nangyari sa kanila.
Pero dahil nga sumugod na ito sa bahay nila kasama ang mga magulang nito ay wala siyang choice kundi panagutan ang ‘anak’diumano nila.
At nang ikasal sila ni Charm, doon nagsimula ang bangungot sa buhay niya. Araw-araw ay ipinamumukha ng mga magulang ni Charm na kasalanan niya kung bakit maagang nasuong sa buhay may asawa ang unica hija ng mga ito. All blame was thrown at him. Pati ang sarili niyang ina ay parang na-disappoint sa kanya. Paano’y gustong-gusto nito si Yvonne para sa kanya.
Matapos ang kasal nila ni Charm ay hindi siya muling sumiping dito. Para sa kanya, tama na ang minsang pagkakasala. At doon nagsimula ang problema nila ni Charm. Dahil napansin niyang hindi lumalaki ang tiyan nito. One day, he confronted her.
“Hindi ba’t dalawang buwan na ang tiyan mo noong magpakasal tayo? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalaki ang tiyan mo?”
Nakita niya ang pamumutla ng mukha ni Charm. “Hindi lang talaga siguro ako malaking magbuntis. May ganoon namang mga babae,” palusot pa nito sa kanya.
Pero hindi siya naniwala sa sagot nito kaya isang araw ay inuto niya ito. Kunwari’y niyaya niya itong mamamasyal sila. Tandang-tanda pa niya ang tuwa sa mukha ni Charm nang sabihin niyang lalabas silang dalawa. Pero nang ihinto niya ang kotse sa tapat ng clinic ng isang OB Gyne ay nakita niya ang discomfort sa mukha ni nito.
“Why are we here? Ang akala ko ba ay ipapasyal mo ako?”
“Gusto ko lang i-check kung okay ang baby natin. At kung okay lang na mapagod ka lalo na at pitong buwan na iyang tiyan mo. And come to think of it, ni minsan ay hindi pa kita nasasamahang bumisita sa OB Gyne mo,” sagot niya.
Wala nang nagawa si Charm kundi ang magpatiayon sa kanya papasok sa clinic. Sinuri ito ng doktor. At ganoon na lang ang galit niya nang sabihin ng doktor na hindi buntis ang asawa niya.
“I’m so sorry to tell you Mr. Roa. But your wife is not pregnant. Baka naman po nagkamali lang si misis nang mag pregnancy test siya.”
Hindi na niya hinintay pa ang ibang sasabihin ng doktor. Mabilis na tumalikod siya. Maliwanag pa sa sikat ng araw na niloko siya ni Charm. Niloloko siya nito! God, he could kill her!
Sa sasakyan na siya nito naabutan. “Randell, please huwag mo kong iiwan,” pagmamakaawa ni Charm sa kanya.
“How could you do this to me?” mahinang tanong niya dito. Anger was all over him.
“Ginawa ko lang ‘to kasi mahal na mahal kita, Randell. Mahal na mahal kita. Ipinakilala ka pa lang sa akin ni Renz, nagkagusto na ako sayo. You might find it absurd but I really did love you the first time I saw you.”
“You’re selfish! You’re a wicked scheming bitch!”
“Randell, please… I know, we can work this out. Pwede naman nating buuin ang anak na gusto mo. Huwag ka nang magalit sakin.”
Charm tried to touch her pero mabilis na umiwas siya. “You really think na ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko? Ngayong alam ko na ang totoo, hihiwalayan na kita. Tatapusin ko ‘tong kabaliwan mo.”
Sumakay na siya sa kotse at iniwan niya si Charm na umiiyak kaysa naman mapatay niya ito dahil sa sobrang galit niya dito.
Ilang linggo siyang hindi umuwi sa bahay nila ni Charm. Hindi rin siya pumasok sa kompanya ng mga magulang nito. Bumalik siya sa inuupahang bahay ng mama niya. Pero bigla na lang sumulpot doon ang mga magulang ni Charm at binantaan siya na kapag nakipaghiwalay siya sa asawa niya ay gagawing impyerno ng mga ito ang buhay niya, maging ng pamilya niya.
At hindi mahirap paniwalaang kaya ngang gawing impyerno ng mga ito ang buhay niya. After all, they’re rich and influential.
So to speak, bumalik siya sa bahay nila ni Charm. Pero tuluyan na siyang nanlamig dito. Kung sumisiping man siya dito, iyon ay dahil may pangangailangan siya bilang isang lalaki. Pero ni minsan, ay hindi nito nagawang angkinin ang puso niya.
Sa tuwing magtatalik sila na mag-asawa, ibang babae ang nasa isip niya. It was a sin, but he couldn’t help it. Hanggang sa magdalang-tao na nga ito.
“Sa guestroom na lang muna ako matutulog. Matulog ka na rin at makakasama sa baby kung lagi kang nagpupuyat at nagagalit.”
Hindi na niya hinintay na makapagprotesta pa si Charm. Iniwan na niya ito sa sala at tuloy-tuloy na pumasok sa guestroom. Ilang gabi na rin siyang doon natutulog. Hindi na rin siya nag-akasayang bumaba pa para kumain. Nawalan na siya ng gana.

MAAGANG nagising si Randell kinabukasan. At dahil araw ng Sabado, sa bahay lang siya dahil walang opisina. Nagulat pa siya nang maabutan niya si Charm na nagpe-preapre ng agahan kahit na may katulong naman sila. Ang mga magulang nito ang nag-insist na magkaroon sila ng dalawang katulong.
“Hey, love. Gising ka na pala. Halika’t naghanda ako ng mga paborito mong pagkain.” Maganda ang mood ng asawa niya kaya hindi na rin siya kumibo pa. Dumulog na siya hapag-kainan. Asikasong-asikaso siya nito. Kulang na lang ay subuan siya nito.
“Kumain ka na rin kaya?” yaya niya kay Charm nang makitang nakatanghod lang ito sa kanya. Hindi siya sanay na pinagmamasdan siya nito sa pagkain.
Umupo nga ito sa tabi niya at nagsimulang magsandok ng sinangag sa sarili nitong plato. “May lakad ka ba ngayon?” untag nito sa kanya mayamaya.
Umiling siya. “Wala naman,” matipid na sagot niya dito. “Bakit?”
“Magpapasama sana ako sayo sa mall mamaya. Malapit na akong manganak pero hindi pa tayo nakakapamili ng gamit ni baby.”
Bigla naman siyang na-guilty. Dahil sa halos araw-araw na pag-aaway nila ni Charm ay nakalimutan na niyang gawin ang obligasyon niya bilang asawa nito at ama sa magiging anak nila.
“Sige, before lunch ay pupunta tayo sa mall. Ibibili natin ng mga gamit si baby.”
Ganoon na lang ang gulat niya nang bigla na lang siyang halikan ni Charm sa pisngi. “Thank you! Thank you!”
“Sige na, kumain ka na.”
Hanggang sa matapos silang mag agahan ay maganda ang mood ni Charm. Hindi na lang niya ito masyadong pinansin. At bago nga magtanghalian ay nasa daan na sila papunta sa isang kilalang mall.
“Ipapagawa ko na iyong kwarto na nasa tabi ng kwarto natin para gawing nursery room. Or gusto mong sa room na lang natin si baby?”
“Mas maigi kung mayroong sariling kwarto si baby at ang magiging babysitter niya.” Alam naman kasi niyang hindi ito personal na magiging tagapag-alaga ng baby nila. Charm was born with a golden spoon. Ni hindi nga ito sanay sa mga gawaing bahay, gawaing nanay pa kaya?
“Kunsabagay. Mas maigi na rin iyon para mayroon pa rin tayong privacy.”
Hindi na lang siya umimik. Naghanap siya ng pwedeng pag pagking-an at inalalayang makababa si Charm. Nakahawak ito sa braso niya habang papasok sila sa mall. Pero hindi pa man sila nagtatagal sa pag-iikot sa infant’s section ay naagaw ng isang babae ang atensiyon niya.
Bigla ang pagkabog ng dibdib niya. Para iyong kakawala sa kinalalagyan niyon. It was Yvonne. Parang gusto niya itong sugurin ng yakap dangan lang at nakakapit sa braso niya ang asawa niya. Hindi niya namalayang naitulos na pala siya sa kinatatayuan niya.
Mas maganda na ngayon si Yvonne. A lot prettier than before. At nakit naroon pa rin ang partikular na reaksiyon ng katawan niya kapag nakikita niya ito?
“Love, are you okay?” tanong ni Charm nang huminto siya sa paglalakad. At bago pa man siya makasagot ay sinundan na nito ng tingin ang babaeng tinitingnan niya.
Nakatalikod na si Yvonne at naglalakad papalayo sa kanila. Ni hindi nito nakita na naroroon siya. Pero ano pa nga ba ang saysay kung malalaman nito na naroroon siya?
Naramdaman na lang niya nang dumapo ang isang palad ni Charm sa pisngi niya. “What the hell was that for?!” nagpupuyos sa galit na binalingan niya ito.
“How dare you! Ako ang kasama mo pero ibang babae ang tinitingnan mo. And no, it wasn’t just any other girl! She’s your ex. That fucking stupid ex-girlfriend of yours!” Sinaway niya ang asawa dahil ang lakas ng boses nito. Pinagtitinginan na sila ng mga saleslady at ilang mga nagsa-shopping.
“Don’t make a scene here,” malumanay na sabi niya kay Charm.
“Do you still love her, Randell?” malungkot na tanong ni Charm sa kanya.
Hindi siya nakasagot. Pero alam niya ang sagot sa tanong nito. Mas maliwanag pa kesa sa mga ilaw ng mall ang sagot sa tanong nito.
“Sagutin mo ako. Mahal mo pa ba siya?”
At nang wala pa rin itong makuhang sagot sa kanya ay nagtatatakbo ito palayo sa kanya. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya nagawang sundan ang asawa niya. Bigla siyang inalihan ng takot nang maalala ang sanggol sa sinapupunan nito.
Pasakay na nang taxi si Charm nang makalabas siya ng mall. “Charm!” tawag niya sa asawa. “Charm!”
Pero hindi na siya nilingon pa ni Charm. Nagsimulang umandar ang taxi at wala siyang nagawa kundi ang huminto sa gilid ng kalsada.
Pero hindi pa man tuluyang nakakalayo ang taxing sinasakyan ng asawa niya ay nakita na lang niya nang banggain ng isang humahagibis na truck ang taxing sinasakyan nito pagdating sa may intersection.
“Chaaaarrmmm!” Sigaw niya sa pangalan ng asawa niya. Halos hindi niya alam kung paano siyang nakalapit sa pinangyarihan ng aksidente.
Nauupos na napaluhod siya sa semento nang makitang halos mayupi ang taxing sinasakyan ni Charm dahil sa lakas ng impact ng truck na bumangga sa mga ito. Tumulo ang luha niya nang makitang may tumutulong dugo mula sa taxi.
It must be Charm’s blood. Or maybe, their baby’s…
Hindi niya alam kung sino ang tumawag ng ambulansiya at kung paano siya nakarating sa ospital. He had to be sedated by doctors’ dahil panay ang tawag niya kay Charm at sa baby nila.
Published on September 24, 2013 11:10
No comments have been added yet.