POTPOURRI

(#Samut-Sari)


Land For All


I believe that there should be no private ownership of land. It should be communal and the State must only administer it as what had prevailed in Libya during the golden era of the late Muammar Qadafi. In this regard, land will be for all, and will not be concentrated in the hands of a few greedy, exploitative landlords owning vast haciendas in various parts of our country and, as such, their tenant-farmers are forever shackled to a life of bondage and misery.


Still reverberating in my mind are the words of Macli-ing Dulag, a tribal chieftain in the Mountain Province who was murdered by the forces of evil when he vehemently opposed Cetrophil Corporation — in cahoots with the government — to takeover and use their ancestral or communal land. He said: “How can you own the land? Before your birth, the land was already there. When you die, the land is still there. How can you own it? The land owns us!”


As 50% of the our land is in the hands of only 15% of our population, it’s no wonder that the majority of our people are squatters or illegal settlers in their own country or not even owners of a piece of land to bury their remains when they finally bid adieu to this stupid and revolting order of things in our beloved La Tierra Pobreza.

===============================================================


Buhay-Ermitanyo


Kung minsan, naiinggit ako sa buhay ng isang ermitanyo. Hindi siya naghahangad ng kasikatan o kadakilaan, at lalong hindi nagnanasang maluklok sa kapangyarihan ipagbili man ang kanyang paniniwala at paninindigan.


Hindi niya kailangang magkunwari — tulad ng maraming tao sa lipunan — sa bawat sandali ng kanilang buhay maisulong lamang ang kanilang pansariling mga interes lunukin man ang bahagya pang nalalabing dignidad. Hindi SILA ang talagang SILA tuwing lalabas sila ng kani-kanilang bahay.


Napakasarap marahil na IKAW ang talagang IKAW sinuman ang kahalubilo, o anuman ang pagkakataon. Sabagay, sabi nga, ang pinakamahirap gawin sa buhay na ito ay ang mga bagay na talagang gusto mong gawin, at pinakamadali namang gawin ang mga ayaw mo.

===============================================================


Racial Discrimination


Who says that in this age of modern technology, racial discrimination is a thing of the past?


My eldest son, Lenin Mario, who migrated to Canada with his family a year ago informed me it is rampant in factories owned and operated by white capitalists, whether Europeans or Americans. Colored races, especially Orientals, are being discriminated by the white capitalist bastards as regards salaries and wages compared to what their white counterparts are receiving. He also said they are being treated like shits.


It’s a customary practice, therefore, of those greedy white capitalists salivating for maximum profit to employ and exploit colored migrant workers. Well, what can we expect under the capitalist system? Naturally, the rule of the game is greediness for profit. Everything is being dicatated and manipulated by exploitative policies as it is bereft of respect for human decency and dignity.

===============================================================


Bansang Pendeho


Sa pendehong dahilang dadagsa sa Pilipinas ang dayuhang pamumuhunan (foreign investment) at makatutulong diumano sa pag-unlad ng pambansang ekonomiya, igigilgil na naman ng mga tagahimod ng kuyukot ng imperyalismong Amerikano na susugan o baguhin ang umiiral na Konstitusyon ng bansa (tinaguriang Cha-Cha). Batay sa mga pahayag kamakailan ni Sen. Juan Ponce Enrile, Presidente ng Senado, at ni Espiker Sonny Belmonte ng Kamara, lumilitaw na ang mismong Kongreso ng mga payaso’t sirkero ang nagsusulong nito.


Lumilitaw na ang mga probisyong nagtatakda ng mga limitasyon o restriksiyon sa dayuhang pamumuhunan ang pinanggigigilan o tulo-laway na nais nilang susugan para maiakma sa masibang panlasa ng dayuhang mga kapitalista. Sa mga pagbabagong iyon, pahihintulutan na silang makapagmay-ari ng mga gusali’t lupain sa bansa, gayundin ng 100% kontrol o sapi (stocks) — ngayo’y 40% lamang — sa mga negosyo’t korporasyon. Higit sa lahat, at kasumpa-sumpa, pahihintulutan na rin sila na pasukin at kontrolin maging ang pambayang mga utilidades (public utilities) na marapat lamang hawak ng mga Pilipino, gaya ng transportasyon at telekomunikasyon, ospital at mga paaralan, serbisyo sa tubig at kuryente, daluyan ng pangmadlang komunikasyon o mass media (mga estasyon ng radyo’t telebisyon, mga magasin at peryodiko, atbp.).


Ano pa, kung gayon, ang diumano’y pinangangalagaang sagradong soberanya ng Republikang Mamon? Gusto na yatang ipalamong buung-buo ang bansa sa ganid na bibig ng kanilang sinasantong dayuhang mga mamumuhunan, lalo na nga ang mga kampon ni Uncle Sam. Sabagay, sa panahon pa ng kolonyalismong Kastila, ipinanukala na nga noon pa ng mga ilustradong kasapi sa La Liga Filipina na gawin nang probinsiya, hindi kolonya, ng Espanya ang Pilipinas. Gayundin naman, matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano, iminungkahi naman ng mga Amerikanistang taksil sa bayan (itinuturing pang mga bayani sa ating kasaysayan!!!), at nagtayo pa nga ng mga organisasyong kaugnay nito, gaya ng Partido Conservador at Asociacion de Paz, na gawin nang isa sa mga estado ng Estados Unidos ng Amerika ang laging ginagahasang bansa.


Kayo na ang mag-isip, mga kababayan at kaibigan, kung ano ang kahihinatnan ng bansa sakaling maisalaksak sa lalamunan ng sambayanan ang mga patakarang pangkabuhayang pabor lamang sa mga diyus-diyosang imperyalista!

===============================================================


Sona Sa Republikang Mamon


Naduduwal kami mula pa sa panahon ng diktadurang Marcos hanggang sa kasalukuyang rehimen tuwing tatangkain namin at pipilitin ang sariling pakinggan ang bawat SONA ng nagririgodon sa kapangyarihan na mga panginoong angkan lamang ng iilang pamilyang mahigpit na kumukontrol sa pambansang pulitika’t ekonomiya sa kapinsalaan ng bansa’t masang sambayanan.


Natural, hitik sa hungkag na retorika ang bawat SONA, parang ampaw na hangin ang laman, lalo’t sa kabila ng mga buladas na iyon, wala namang makabuluhan o radikal na pambansang mga pagbabagong nagaganap hanggang ngayon. Tumindi pa nga ang disempleyo’t karalitaan, umalagwa ang presyo ng pangunahing mga bilihin at serbisyo, naging garapal ang nakalululang mga katiwalian sa burukrasya, lalong “ipinanganganak na parang lumot” at namamayagpag sa poder ang mga dinastiyang pampulitika, patuloy na nasasalaula ang mga karapatang pantao at, higit sa lahat, patuloy na nagpapakatuta at masugid lamang na tagahimod ng kuyukot ng dayuhang mga interes — lalo na ng Amerika — ang walang gulugod na pambansang lideratong bentador ng kapakanang pambansa at ng kinabukasan ng susunod pang mga henerasyon.


Ano pa nga ba ang bago? Kahit walang siyentipikong batayan, baka mabuti pang maniwala na lamang kami sa horoscope kaysa mga SONA, sapagkat matapos naming pakinggan ang mga iyon, lagi’t lagi na lamang naming naisisigaw: Putang’na! SANA!

==============================================================


Anak Ng Gunggong At Galunggong


Sa kasagsagan ng mga pagbaha kamakailan sa iba’t ibang lugar ng bansa, hindi lamang ang buhay ng mga tao ang nasalaula kundi maging ang tamang paggamit sa ating wika. Punyeta! Anak ng gunggong at galunggong! Namutiktik mismong sa bunganga pa ng mga itinuturing na matatalinong brodkaster o tagapagbalita sa radyo’t telebisyon ang mga praseng di malaman kung hinugot sa puwit ng kung sinong bakulaw. Nariyan ang TUBIG-BAHA at TUBIG-ULAN na maaari namang BAHA na lamang o ULAN (maliban na lamang kung may IHI-BAHA, LAWAY-BAHA, UHOG-BAHA o IHI-ULAN, atbp.). Bakit di pa sabihing mataas ang baha, o lampas-tao ang tubig, o malakas ang buhos ng ulan? Nariyan din ang praseng walang patumangga kung gamitin — NA KUNG SAAN (sa maraming pagkakataon, NA lamang ang katumbas nito).


Dispalinghado rin kalimitan ang paggamit sa NG at SA. Malimit kong marinig ang pag-uwi NG bahay (bahay ang umuuwi kung gayon na dapat sana’y pag-uwi SA bahay), pagsalubong NG Bagong Taon (di ikaw ang sasalubong kundi bagong taon; sana’y pagsalubong SA). Naiihi ako kapag naririnig ko pa ang “bagong PANGANAK na sanggol, namatay” sa kanilang pagbabalita. Ang galing ng mga sanggol (kung babae) sa ating bansa….sanggol pa lamang ay nanganganak na. Ano kaya ang naging anak, babae o lalaki o tungaw? (LALAKI, di LALAKE, BABAE pero BABAING at LALAKING; marami rin ang nagkakamali sa paggamit sa naturang mga salita).

Isa pa, di iilang ulit ko ring narinig: Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng SUNOG. Natural, APOY ang pinagmulan. Saan nagmula ang apoy — sa kuryente ba, sa may sinding kandila, sa sinindihang gas ba o gasolina, atbp.?


Sa mga babasahin naman, karaniwang kamalian ang paggamit sa RIN at RAW, DIN at DAW, NANG at NG, kahit ng mga nagsusulat na noon pang panahon ni Matusalem. Sa abot ng aming munting kaalaman, RIN at RAW kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowels — A, E, I, O, U at malapatinig na Y at W), at DIN at DAW kapag nagtatapos naman sa katinig (consonants). NG naman kapag ang tinutukoy ay pangngalan (noun — mga tao’t bagay, halimbawa NG usok, NG manok, atbp.) at NANG kapag pamanahon o pang-abay (adverb) at pandiwa (verb) at pang-uri (adjective) ang tinutukoy. Halimbawa, NANG siya’y umalis… NANG nakawin niya ang itlog ni Pedro, NANG batukan niya ang gunggong, tumakbo siya NANG mabilis, ngunit NG malakas na tao dahil tao ang tinutukoy, hindi malakas. Marami pang halimbawang maibibigay. Muling mag-aral na lamang.


Isa pang nakakukulo ng dugo ang karaniwang paggamit sa SIYA sa mga hindi naman tao ang tinutukoy. Masarap SIYA (pagkain pala); masarap SIYANG dilaan at supsupin (sorbetes pala); malambot SIYA (kutson pala); matigas SIYA (karne pala, akala ko’y bangkay); maluwang SIYA (damit pala). Diyos ni Abraham, ako ba’y nananaginip lamang o nasa Jupiter na naman! Idagdag pa nga ang inimbentong mga salita ng “magagaling” na brodkaster na hindi malaman kung kaninong puwit ng bakulaw hinugot tulad ng mga sumusunod: KONSERNADO, KOMENTO, KAGANAPAN, TALENTADO, NOW NA, HINARASS, NIRAPE, DINILIBERATE, DINISCUSS, at marami pang ibang mga salitang may katapat naman sa sariling wika. Sabagay, sabi nga, patuloy ang ebolusyon ng wika hanggang sumusulong ang sibilisasyon at, sa isang banda, ang mismong sambayanan lamang ang makahahatol sa katumpakan ng mga salitang kanilang tinatanggap at nauunawaan.


Marami pa sanang mga kamalian sa wastong paggamit sa ating wika na maaaring talakayin dito ngunit, sa isang banda, baka naman tuluyuan na kaming mabaliw. Anak ng gunggong at galunggong! Pasensiya na po kayo sa bahagya kong natutuhan sa tinapos kong kursong B.S.C.E. (Bachelor of Science in Civil Engineering). Mabuhay po kayo!

===============================================================


Ilang Pahabol


Kaugnay ng kontrobersiyal na RH Bill, mukhang totoo pa rin ang sinabi ni Rizal sa kabanatang Ang Mga Makapangyarihan Sa Bayan sa kanyang nobelang Noli Me Tangere: “Ang Simbahan ang siyang ulo, at ang Pamahalaan ang siyang bisig.”


Bakit hindi buwisan ang mga kinikita ng Simbahan, gayundin ng iba pang mga sektang panrelihiyon? Ang suwerte naman nila. Kanila na ang langit, libre pa sila sa lupa!

==============================================================


Sino ang nagsabing kung minsan ang taong nagsisikap paligayahin ang kapwa ang siya pang pinakamalungkot? Ipinapayo ngang huwag ninyo siyang iwan o iwasan at itakwil, sapagkat hindi niya kailanman sasabihing kayo’y kanyang kailangan.

===============================================================


Maraming tao, lalo na ang mga ignorante, sabi nga ni Mahatma Gandhi, ang nagnanasang parusahan ka dahil sa pagsasabi mo ng katotohanan, dahil tama ka, at dahil ikaw ay totoong ikaw. Hindi dapat ihingi ng paumanhin, sabi niya, ang iyong pagiging tama o dahil maraming taon kang nauna sa iyong panahon.


Kung alam mong tama ka, at kahit nag-iisa ka lamang, huwag matakot na ihayag ang nilalaman ng iyong isipan. Ang katotohanan ay mananatiling katotohanan.

=============================================================== **********



 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on August 27, 2012 21:47
No comments have been added yet.