Tyra (PHR)'s Blog, page 5
March 18, 2013
Laziness..
I'm pissed at myself. Seriously, I've been a bum for the last two weeks. I've been busy with other things instead of doing the things that I should been doing. I can't stop myself from reading, as in, I read at least 10 or more books for the last two weeks. Then I found a very interesting American T.V. series, Criminal Minds. At yun, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na mag-marathon. >.< I should been finishing my translation right now, but no, kung anu-anong inaatupag ko. Buti na lang hindi pa ako kinukulit ng editor about this. Dapat kasi last Feb 28 ko pa 'to ipinasa, pero dahil nga sa katamaran ko, ayun, lumampas na ng dalawang linggo. Kasi naman eh, sobrang nakakatamad na talagang gawin ang translation na 'to. The hero was so damn annoying, there came a point where I wanted to strangle him myself. Imagine, chapter 9 na ko but that hero was still in denial. Binuhay na nga niya 'yong bwisit niyang aso tapos hindi pa rin siya makapaniwala na may powers siya. Asar lang. Promise, after this one, sisiguraduhin kong gusto ko yung book na ita-translate ko bago ako pumayag na mag-translate ulit. Then namumroblema pa ako dun sa isa kong MS, the last one from Brainstroming. Dapat sinisimulan ko na yun ngayon eh, pero dahil nga sa bwisit na translation na 'to, prologue at chapter 1 pa lang ang nagagawa ko. Tapos hindi ko pa alam kung paano ko siya gagawin at tatapusin. Once na matapos ko yun, I'm sure pagdududahan ko na naman ang sarili ko dahil hindi na naman ako sure kung papasa sa kanila yung ginawa ko o ano. Hayyy... Please lang, sana naman saniban ako ng espiritu ng kasipagan para matapos ko na ang mga dapat tapusin. I need money na. LOL. XD
Me, being a lazy bum..

Published on March 18, 2013 04:41
February 26, 2013
Double Release Day!!

Can't You See That I Love You? “Nababaliw na nga siguro ako dahil lapit pa rin ako nang lapit sa `yo kahit ipinagtatabuyan mo lang ako. Pero mas ikakasira yata ng ulo ko kapag sinunod ko ang gusto mo na lumayo sa `yo.”
Mula nang makilala ni Chrisnelle ang batikang manunulat na si Ashley Sandoval ay hindi na natahimik ang mundo niya. Kung hindi ito tumatambay sa opisina niya ay kinukulit naman siya nito. Ginawa na niya ang lahat para lubayan siya nito. Naroong tarayan at ipagtabuyan niya ito, pero lahat ng iyon ay bale-wala rito.
Malapit na siyang mawalan ng pag-asa na titigil din ito sa pangungulit sa kanya. Hanggang sa yayain siya nito sa isang party. Hindi siya pumayag noong una. Pero nang sabihin nitong hindi na ito magpapakita o magpaparamdam sa kanya pagkatapos ng date nilang iyon ay napapayag din siya. Iyon na ang nakita niyang solusyon sa problema niya.
True enough, pagkatapos ng first date nila, hindi na ito nagparamdam sa kanya. Wala nang Ashley na tumatambay sa opisina niya, wala nang tumatawag, at wala nang nangungulit. Balik sa pananahimik ang mundo niya.
Ngayon ay may bago siyang problema. Kailangan niya si Ashley para guluhin uli ang mundo niya. Pero nasaan na ito? The Enchanted Sailor “Don’t ask me to let go, because you know I won’t.”
Kabilang si Kaieska sa tribong Bulawanon at isa siya sa pinakapipitagang mandirigma ng tribo. Buong buhay niya ay gusto lang niyang sumunod sa yapak ng kanyang ama na pinuno ng mga mandirigma sa tribo nila. But one man changed all that.
Si Arik Villacorta.
Nakita niya ang binata na palutang-lutang sa dagat isang araw na nagpa-patrol siya sa labas ng kanilang isla. Iniuwi niya ito at inalagaan. Arik looked like an angel dahil sa maamo nitong mukha. She thought he would also be as kind as an angel. Pero nang magkamalay ito, napatunayan niyang mali ang kanyang iniisip. Dahil ito na yata ang pinakamayabang at nakakainis na lalaking nakilala niya.
Then an accident happened. And the worst possible thing that could happen happened. Kailangan niyang pakasalan si Arik! Ang pinakamalala sa lahat ay nang matagpuan niya ang sarili na unti-unting nahuhulog ang loob sa lalaking dati ay kinaiinisan niya. First of, I super duper looooovvvveeee the cover! Feeling ko ang swerte swerte ko talaga pagdating sa mga napupunta sa 'king cover. LOL. Hindi ko ini-expect na dalawa ang ma-re-release na book ko today. Mas maganda sana kung hindi pinagsabay, but oh well, andiyan na 'yan. Wala naman akong magagawa kundi tanggapin na lang. Hahaha ang arte lang eh. XD The first one, yung Can't You See That I Love You, medyo matagal na siyang nakabaon sa baul ng PHR. LOL. I think 8 months na yata ang nakakaraan nang ma-approve siya. Imagine, 8 freaking months?? Akala ko nga aabutin pa siya ng isang taon eh. *sigh* This is my 3rd approve MS by the way. But I'm happy na at least release na siya. I love my hero here, Ashley is one of my most favorite heroes, as in! Kasi na-in love talaga ako sa kanya. Hehe. Hindi ako gano'n kadalas na na-i-in love sa mga character na ginagawa ko. In fact, madalang lang na mangyari 'yon. But it was different in Ashley's case. Sobrang na-in love talaga ako sa kanya. I love his flirtatious nature and his persistent ways. Kahit pinagtatabuyan na siya ni Chris, go lang siya ng go. Kahit na nasaktan na siya hindi pa rin siya sumusuko. I think, 'yon talaga ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Hindi ko kasi gusto yung mga lalaki na madaling sumuko, 'yon bang tipong sabihan mo lang na lumayo na, lalayo na agad. Those men have no spine and I just hate those types. The second, The Enchanted Sailor, sequel ito ng The Captivated Painter. Kaya kung nabasa niyo yung first book, then kilala niyo na ang bida ko dito na si Arik. Kung gaano naman katagal na ma-publish yung isa, gano'n naman kabilis na na-publish ito. This is my 7th approved MS. Last November lang 'to na-approve eh, tapos ngayon, ayan, release na. Sobrang frustrated ako habang sinusulat ko 'to, dumatin na ako do'n sa point na gusto ko siyang itapon eh. At ang lakas talaga ng feeling ko noon na hindi 'to ma-a-approve. Pero, ayun, na-approve. Hehehe. Kung natatandaan pa nung mga nakabasa sa story ni Aram, hindi ba inanod do'n si Arik and he mentioned na niligtas siya ng isang grupo ng mga katutubo. So, ayan, most part of the book, tungkol dun sa kung anong nangyari kay Arik during the duration na nawala siya. So book din na ito i-i-introduce ang sandamakmak na character na hindi ko alam kung gagawan ko pa ng story. Dito rin pala lalabas ang minamahal kong master thief. Hehe sana matuwa yung mga makakabasa sa kanya. TRIVIA: The plot of Can't You See That I Love You was made habang nakasakay ako sa bus pauwi sa amin. Kagagaling ko lang no'n sa Summer Workshop ng PHR at nag-iisip ako ng magandang isulat batay dun sa mga natutunan ko. And voila! This novel was born. Hehehe. There's nothing special about the names. Matagal ko na talagang gustong gamitin ang name na Ashley for my hero, and yun nag-isip na lang ako ng name ng heroine na medyo panglalaki. Para baligtad sila. LOL. In Enchanted Sailor naman, well, I made a lot of stuff in this one. The name of the tribe, their customs, their own language. So, just imagine how frustrated I am when I was writing this one. Pati pala yung pangalan nung isla, imaginary lang din. Hehehe. Arik and Kaieska's names, I kind of invented it. Hindi ko siya kinuha sa kahit na anong anime or anything. Dapat talaga ang name ni Arik ay Aris, but then I thought na parang masyado naman yatang ordinary yun. So, I changed it. Si Kaieska naman, I came up with her name after kong mag-research ng sandamakmak na Indian names. Naghalu-halo ako ng mga letters, and boom! Kaieska was born. Her name was supposed to be Kuchinashi, kaya lang naisip ko naman, parang masyado namang Japanese sounding yun. Kaya binago ko lang. Hehehe. XD Anyways, for those out there who happened to visit my blog, please do buy a copy of these two. Domo arigatou! ^^
Published on February 26, 2013 00:47
February 16, 2013
My 1st MSV Baby

Pero kahit na ano ang gawin niyang iwas ay hindi pa rin niya mapigilan ang atraksyon na nararamdaman para sa binata. At nang tuluyan na ngang nahulog ang loob niya kay Marcus ay saka naman ito kinuha sa kanya…. Okayyyy.... As the title says, this is my first release in MSV. My pen name is Sansa Esguerra. Hehehehe. Medyo matagal ko nang alam na ma-re-release ngayong buwan ang isang 'to, so hindi na ko nagulat nung makita ko siya sa list ng mga bagong release ng MSV. I love the cover, so red and intiguing. Mabuti na lang walang mukha yung mga nasa cover. Alam ko kasi na mga mukhang mga disfigured na tao usually yung itsura ng mga nasa cover ng MSV books. LOL. Ansama lang ng ugali ko. Hahahaha. I hope magustuhan 'to ng mga makakabasa, kahit na wala namang ibang ginagawa yung mga bida ko dito kundi maglandian. As in! Sobrang flirt lang ng hero ko dito. Kada meron siyang pagkakataon na landiin si heroine, hindi niya pinapalampas 'yon. So, they always ended up having bodily contacts. Hehehehe. Someone told me na hindi mo daw makikita ang love sa pagitan ng mga bida ko dito, all you can see is lust. LOL. So I hope kahit paano kiligin sana kayo dito. TRIVIA: The original title of this was You're Everything I Wanted. I guess binago nila kasi masyadong mahaba. My pen name, Sansa, was taken from the name of a character in Game of Thrones. Hindi ako masyadong happy sa napili nilang pen name, actually. But what else can I do? Haha reklamadora lang eh. >.<
Published on February 16, 2013 07:13
February 11, 2013
My Usual Dillema
Okay, so I just passed my 2nd assignment for brainstorming and as usual, feeling ko na naman hindi siya ma-a-approve. My usual dillema. LOL. Honestly, I can't understand kung bakit gano'n na lang palagi ang nararamdaman ko. I can't even believe on my own MS. Well, feeling ko kasi kapag nakakatapos ako ng isang kwento, lagi na lang may kulang or laging may problema. Ewan ko ba. Baliw-baliwan mode na naman ako. So, this MS of mine na kapapasa ko lang, feeling ko hindi siya ma-a-approve because of so many reasons. First, I think masyado nang napa-OA yung conflict ko. As in ang dami nilang problema sa buhay. Hahahaha. My heroine is infertile so takot na siyang pumasok sa relationship dahil yung last na boyfriend niya, iniwan siya kasi hindi siya magkaka-anak. Okay na sana 'tong conflict na 'to actually. Kaya na niyang bumuhay ng isang MS. But no, I just had to add another conflict. Si hero ko naman dito ay ang biological father pala nung bata na inampon ni heroine. Kaya nung natuklasan ni heroine yon, feeling lang niya, ginamit lang siya ni hero at hindi talaga siya mahal nito. Well, maski naman ako, gano'n yung feeling ko. LOL. Sa tuwing may ginagawa o sinasabing sweet si hero, para lang akong tanga na kinakausap siya, 'hindi mo talaga siya mahal, ginagamit mo lang siya para makuha ang anak mo'. O di ba? Ang baliw ko lang. So ayan, doble-doble ang conflict ko, but despite that, sobrang ikli lang niya. The shortest one I've ever written so far. 20k plus na words lang. Hindi lang yon, sobrang bilis din ng pacing. Ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Chapter 6 pa lang yata pareho na silang in-love sa isa't-isa. Kung hindi man 'to returned, tiyak na revise. Baka magpadagdag sila sa 'kin ng scenes. Hehehehe. Sa kabila ng lahat ng problema na nakikita ko sa MS na ito, pinasa ko pa rin siya. At 'yon ay dahil sa isa akong malaking BALIW! Wahehehehe! Wala eh, halos tatlong linggo ko nang ginagawa ang bwisit na MS na 'yon, kaya wala na ko sa mood na ayusin siya at mag-isip pa ng bongga. Kaya bahala na lang si Batman. Kung ma-re-return, eh di return. Kung approve, eh di masaya. Hehehehe. ~Off to Crazyland. XD
Published on February 11, 2013 23:16
January 28, 2013
Unbelievable!
So yeah, wala lang akong maisip na title for this post. But my thoughts right now is like this one, totally unbelievable. Hunter and Aeron's story was just approved!! Until now, I can't believe that it will be approved. Kasi naman the story was a little bit too dark. Kaya nga hindi ako makapaniwala that it will be a straight approve na wala man lang kahit kaunting ipapabago. So super saya ko lang ngayon. XD It was the first time I wrote a story where the heroine was a rape victim. At hindi lang basta rape victim, battered child din siya. Oh di ba? Kumusta naman ako. Sobrang sama ko lang at gano'n ang ginawa ko sa kanya. LOL. But I really felt na kailangan ko siyang gawin para sa story. So kahit na nagdadalawang-isip ako, ginawa ko pa rin. Hehehe. But it paid off. It totally paid off. That's why I'm so freakingly happy right now. Ito din ang unang beses na gumawa ako ng MS na walang masyadong skinship. As in. Madalas kasi sa mga ginagawa ko, whenever the main characters kissed, it always involved tongue. Hehehe. Detailed ang mga kissing scene ko. Hindi lang 'yon basta nagdikit lang yung mga labi nila and then poof! tapos na. Pero dito, isang beses lang nag-kiss yung mga bida ko. Tapos basta nagdikit lang yung mga labi nila. If mababasa niyo 'to, then you would know kung bakit gano'n yung ginawa ko. XP
- Ganito lang ang feeling ko ngayon. So freakingly happy. LOL

Published on January 28, 2013 00:33
January 24, 2013
Hikikomori

Published on January 24, 2013 03:55
January 21, 2013
Translation
Last time I went to PHR's office, aside from signing the contract, Sir Jun also asked us if we want to translate an English novel (i.e. Twilight, Hunger Games, etc.). I immediately said I wanted to, narinig ko kasi na malaki ang bayad kapag nag-translate ng gano'ng book, hehehe. So, Sir Jun said he'll give me Fallen to translaste. Medyo confident ako na gawin siya kasi nabasa ko na yung book. But then last week when they sent me the book, sobrang gulat ko nung mabasa ko siya. It was a different book! Imagine my surprise nung mabasa ko siya. I wasn expecting Fallen written by Lauren Kate, but instead I got The Fallen by Thomas E. Sniegoski. I haven't read the book. Hell, I haven't even heard of it. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto kong i-translate yung Fallen ni Lauren Kate. I'm not really a big fan of the book. Medyo nagulat lang talaga ako. So ayun, they asked me to translate the first chapter of The Fallen. Titingnan yata muna nila kung pwede akong mag-translate. Kaya binasa ko yung chapter 1. No, hindi pala, habang binabasa ko siya, tina-translate ko din siya. Like every sentence na mababasa ko, ita-translate ko. So I have no idea kung ano yung mga susunod na mangyayari. While I was translating it, hindi ko mapigilan na matawa. Point of view kasi nung hero ang ginagamit. So, siya yung nag-na-narrate nung story. Grabe, hindi ko mapigilang maramdaman na parang ang bading lang niya. Hahahaha. Ang sama ko talaga. To think na parang si Percy lang din naman 'yon. Pero at least, Percy was, what, twelve when Lightning Thief was released. Kaya na-fi-feel natin yung maturity niya. But this guy, the hero of The Fallen (his name is Aaron by the way), he was freaking 18 years old! Tapos parang ang immature lang nung point of view niya. But, oh well, hindi ko pa naman nababasa yung buong book so malaki pa ang chance na magbago ang isip ko. The name of the heroine was Vilma. Nung mabasa ko yung name niya, my reaction was like, 'WTF?!'. Ang dami-daming magagandang pangalan d'yan, but the author picked Vilma. So unique and original, right??? Hahahaha. Ampanget talaga. Sana lang hindi yung babaeng 'yon ang partner ni Aaron. Ayoko talaga ng mga damsel in distress types. Mas gusto ko yung mga kick-ass heroines. Kaya nga ayoko kay Bella eh. LOL. Anyways, na-receive ko na kanina yung feedback nila. Medyo mahaba yung comments, pero in the end, sinabi nila na ibibigay na nila sa 'kin yung book. So, ako na yung mag-ta-translate sa kanya. Medyo confident naman ako na kaya ako. Naks. Confident! Hahaha. Malaki naman ang tiwala ko sa aking vocabulary, so gora lang. Ang problema ko lang ngayon ay kung kailan ako makakahanap ng time para gawin siya. May dalawa pa kasi akong MS na kailangang tapusin. Sana pumayag sila na sa March ko na lang simulan. Hehehehe.
- So, this is the cover of the first book. Sana lang talaga magandahan ako sa kanya. Para naman matuwa ako sa pag-ta-translate. LOL. ^^

Published on January 21, 2013 04:33
January 18, 2013
Assignments
Last year, December, just as I mentioned in my other post, I attended the PHR Brainstorming. Yeah, I learned a lot from it and it was sooooooo much fun. I enjoyed being with my co-writers, talking about different sttuffs. And most importantly, I enjoyed the food. God, the food was heavenly. Wala akong reklamo sa lahat ng pagkain na inihain nila sa 'min. Two thumbs up talaga. But on the end of the first day, after nung ginawa naming activity, they told us na kailangan naming gumawa ng at least three stories na mula do'n sa mga plot sa brainstorming. And take note, they gave us a deadline for each story. Wala namang kaso sa 'kin yung deadline. Kasi yung binigay nila sa 'min was 45 days per story. Kahit naman gaano ako kabagal magsulat, hindi naman ako inaabot ng ganyang katagal para lang makatapos ng isang MS. My problem was the stories itself. I'm not really confident with my plots. Well, except maybe the plot I got from the plot auction. I'm currently on chapter nine of my first assignment. Maybe I will be able to finish it tomorrow. But I'm not really that confident na ma-a-approve siya. Yeah, my ussual dillema. Haizzzz....
Falling For Mr. Persistent
(tentative title) This is the MS I'm currently writing. I'm having problems with it because I think it's a wee bit too dark. Yeah, masyado lang akong naging masama sa heroine ko dito. She was a battered child, na na-involve sa grupo ng sindikato and later on became a rape victim. See? Ang sama ko 'di ba??? Kaya nga I'm having second thoughts about this. Feeling ko talaga hindi siya ma-approve. Pero kasi, kailangan niyang pagdaanan lahat ng 'yon eh. 'Yon kasi ang magiging source ng conflict nila nung hero ko. But, oh well, ipapasa-Diyos ko na lang siya. Kung ma-re-return niya, eh di return. But it would really make me happy kung ma-a-approve siya. Hehehe. XD
Ang Puso Ko'y Para Sa 'Yo
(tentative title)Ito naman ang susunod kong isusulat. If ever na magagawa ko siya, this will be my first MS na Tagalog ang title. Hehehe. This was the plot I got from the auction. The plot goes like this, the heroine was a single mother then the hero would fall for her. Pero ayaw nung heroine kasi feeling niya hindi sila bagay, kaya itutulak niya sa ibang babae si hero. But in the end, silang dalawa pa rin ang magkakatuluyan. Pero siyempre hindi naman pwedeng maging gano'n kasimple lang 'yon. Hahaha. I plan to put some twist on it. Sa sobrang pagka-twist baka maging pretzel na siya. LOL.
Mermaid's Symphony
(tentative title)This one, honestly, hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. Hahaha. The plot was supposed to be a story based on a known fairy tale. So obviously, as the title went, based ito sa Little Mermaid. I plan on making my heroine mute/pipi. So yeah, balak ko na namang pahirapan ang sarili ko with this story. LOL. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya i-ju-justify. Kaya siya na lang ang hinuli ko. XP - Ayun, sana lang magawa ko ang lahat ng 'to before mag-March. At sana, sana lang talaga, ma-approve silang lahat. Kung hindi man approve, kahit for revision man lang. Basta 'wag lang return. Hahaha. Wishful thinking lang, lol. :))
Published on January 18, 2013 23:18
January 12, 2013
WOW... O_o
That's my reaction to everything that happened to me today. LOL. I thought magiging ordinaryong araw lang 'to for me, but it turned out to be totally different. Hindi ko talaga ini-expect that things would turn out this way. But I'm really happy that it did. So ano nga bang nangyari today? *drumrolls* I just became a contract writer of PHR!! Oh 'di ba? Sino bang hindi matutuwa at ma-e-excite sa ganyang balita? I went to PHR's office today para kunin yung check ko for my recent approved MS. I met up with my fellow writers and ayun, kagulo na naman sa editorial at accounting. Hahaha. Habang naghihintay kami sa accounting, lumapit sa 'min si Sir Carlo (one of PHR's staffs) tapos sinabihan ako and other two writers na kakausapin daw kami ni Sir Jun (our publisher). Ako naman, sobrang nagtaka. Hindi ko kasi maisip kung ano yung possible reason kung bakit kami kakausapin nung publisher namin. Then Luna said na baka about daw 'yon sa contract. Baka daw papapirmahin na kami ng kontrata. (There's a huge difference kasi between a contract writer and a writer na nagpapasa lang ng MS. Mas madaming benefits ang contract writer. So, super accomplishment na kapag pinapirma ka nila ng kontrata.) Kaya nga hindi ako naniniwala na papapirmahin ako. Kasi tatlo pa lang yung na-re-release ko, parang ang weird lang na bigla-bigla na lang nila akong papipirmahin ng contract. Kaya nung sinabi sa 'min na about the contract nga 'yon, sobrang pagkagulat talaga 'yong naramdaman ko. As in! Sa panlabas, mukha pa kong kalmado, pero deep inside, nagwawala na 'ko sa excitement. Hahahaha! I'm so freakingly happy. It's really one of my goals na maging contract writer ng PHR. I expected na baka next year pa magkatotoo ang goal ko na 'yon. I can't believe na just after more than a year of writing, magiging kabilang na ko sa contract writers ng PHR. I'm really so blessed. :)) And I thank God for all these blessings! Without him, I'm sure hindi ko maaabot ang lahat ng ito. :))
Published on January 12, 2013 06:23
January 8, 2013
First Post of the Year...
My first post for 2013, dapat kahapon ko pa 'to sinulat but since medyo busy ako sa pag-gawa ng teaser at pagdadagdag ng ilang scene dun sa kaka-approve ko lang na MS, hindi ko siya agad nasulat. Kagaya nga ng sinabi ko, I have another approve MS! Yey! Hurrah for me! LOL. It's my ninth approved MS for PHR, so I'm kind of proud of myself. Hehehe. :) This MS is the sequel for Arik's story (if nabasa niyo yung story ni Aram, then kilala niyo na si Arik) and just like the story of Arik, sobrang nahirapan din ako na isulat ang MS na 'to. Sobrang tagal ko din siyang sinulat. More than three weeks siguro. At nang matapos ko siya, kagaya ng story ni Arik, I can't help but feel na hindi na naman siya papasa. Just like its sequel, sobrang dami na namang information ang nilagay ko. Aside from that, another bunch of characters appeared. Tapos nand'yan pa yung feeling ko kung saan-saan na lang napupunta yung story. But to my surprise, ayun, na-approve siya. Sobrang bilis pa ng pagkaka-approve niya. I sent it last wednesday, then it was approved yesterday. Imagine? Wala pang isang linggo, approve na siya? Tapos pinagdududahan ko pa kung ma-a-approve siya o hindi. I really want to have more confidence in my writing. Honestly. Lagi na lang kasi kapag nagpapasa ako ng MS, feeling ko hindi siya papasa. Kaya tuloy kapag nakaka-receive ako ng e-mail na approve yung gawa ko, sobrang nagugulat ako. Kapag naman nakakaipon na ko ng confidence, yung tipong nagkakaro'n na ko ng tiwala sa sinusulat ko, bigla-bigla namang ma-re-return sa 'kin yung MS ko. O di ba? Pagkatapos no'n mawawala na lang na parang bula ang lahat ng confidence na inipon ko. At balik na naman ako sa pagdududa sa sarili ko. Pero nitong mga nakaraan, hindi ko na siya masyadong iniisip. Basta nagsusulat na lang ako. Kung hindi matatanggap, eh di hindi. LOL. Anyways, yung susunod ko ng isusulat after nitong sequel ni Arik ay yung kwento na ng aking master thief. Grabe, kahit hindi pa ako nagsisimula, hindi ko na agad alam kung paano ko siya gagawin. Sobra kasing na-build up ang character ng magnanakaw na yon dito sa sequel na 'to. As in! Yung tipong kapag nabasa mo siya, maiisip mo na 'Wow! Super galing naman ng taong 'to.', so hindi ko alam kung paano ko siya i-ju-justify. Add that to the fact na isa nga siyang magnanakaw. Mabuti sana kung mala-ala Robin Hood siya na binibigay niya yung ninanakaw niya sa mga mahihirap. But no, nagnanakaw siya because its what he does for a living. Haizzzzz...... Pero saka ko na lang siya poproblemahin kapag kailangan ko na siyang isulat. Hehehe. May isa pa 'kong sinusulat ngayon eh. Kaya ito muna ang poproblemahin ko. Meron na 'kong start at meron na rin akong ending, so ang kailangan ko na lang ay kung ano ang ilalagay ko sa gitna. Syempre 'yon ang pinaka-importante kasi dun mo ipapakita kung paano sila na-in love. Dito pa naman ako nahihirapan. Madami akong naiisip na concept, pero hirap na hirap ako na mag-isip ng kilig scenes. Promise! Hindi naman kasi ako yung tipo na kapag may napanood lang na nakakakilig, may paghuhugutan na. Kailangan ko pang mag-isip, as is mag-isip ng mabuti, para lang makasulat ng pwedeng i-consider na nakakakilig. Lagi ko na nga lang dinadaan sa mga flowery words at kung anu-ano pang ka-ek-ekan. Minsan nga, dumadating na ko dun sa point na sobrang na-co-cornyhan na ko sa sinusulat ko. Kapag nangyayari 'yon, pinagtatawanan ko na lang ang sarili ko. Hehehehe. Parting words: Sana ma-release na yung isa kong book this month. Please lang! Pitong buwan ka nang nasa baul. Sana naman maawa na ang editor mo at i-release ka na. >_<
Published on January 08, 2013 01:45