Tyra (PHR)'s Blog, page 7
October 22, 2012
My Second Baby

“Well, mayroon lang talaga sigurong mga lalaki na mas mabagal kaysa sa iba… Look how long it took me to come to my senses about love. Pero di-hamak naman na mas matalino ako… I know a good thing when I see it.”
Mahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect.What she did not expect was that once she got the account, her world would turn upside-down and she would meet Cain Ledesma who would sweep her off her feet. Pero hindi si Cain ang tipo ng lalaki na naniniwala sa pag-ibig at hindi naman siya ang tipo ng babae na susugal sa isang walang kasiguruhang relasyon. But when she got sick, Cain was there to take good care of her and no other person had ever done that to her. She could not stop her heart from falling for him pero handa na ba siyang sumugal sa buhay kasama si Cain na ang tanging nararamdaman sa kanya ay matinding physical attraction? My second book. My thoughts about it, first I love the cover, I love the color, and I soooo love the teaser. Kung sinuman po ang editor nito, nagpapasalamat ako ng marami sa inyo dahil nakagawa kayo ng magandang teaser that would certainly attract readers. It's not like nagrereklamo ako dun sa teaser ng first book ko, kaya lang kasi andaming parts dun sa teaser na yun ang hindi naman talaga nangyari dun sa book. Anyways, I love how I created my characters here. My heroine here, Anise, is not really your typical heroine. Yung bang basta-basta na lang nagpapadala sa bugso ng damdamin niya. She's practical in every sense of the word. Yun bang tipong kahit gustung-gusto na niya si guy, pipigilin pa rin niya yung damdamin niya for the sake of the people important to her. My hero naman, si Cain, is a playboy and a certified flirt. Hindi rin siya naniniwala sa love. Kaya ang dating kay Anise nung mga advances na ginagawa sa kanya ni Cain, ay dahil lang sa gusto nitong maikama siya. That's why, she did everything in her power para lang maiwasan ang attraction na namumuo sa pagitan nilang dalawa. But of course sa bandang huli malalampasan pa rin nila ang barrier na yun and they would end up together. Hehehe. XP The best thing about this book (ayon na rin dun sa mga nakabasa) was Anise's super adorable and ultra cute twins, Raji and Riku. Their full names are Rajiel and Rikuel. Even their names are cute! Hahaha. Lahat sinasabi na sana meron silang anak na kagaya nung kambal. Well, kahit naman ako, if ever na magiging mommy ako, I want adorable children like them. Madami na ang nagtatanong kung magkakaro'n sila ng sarili nilang mga story. I'm still contemplating about it. But I'm pretty sure, I'm going to write one. If not now, then maybe in the near future. Kailangan ko pang mag-isip ng magandang plot para sa story nila. They deserve that much.

Published on October 22, 2012 01:13
October 15, 2012
My First Baby

She could feel the possessiveness in the way he held her. As if she already belonged to him.
Nakilala ni Serah sa New York ang mukhang European prince sa kaguwapuhan na si Giles Martinez. Pero dahil sa isang maling akala, hindi naging maganda ang unang impresyon niya rito. Nang masundan pa uli ang pagkikita nila, mas malamig pa sa snow sa Amerika ang pakikitungo niya rito. Sa ikatlong pagkakataon na nagkita sila ay nalaman naman niyang makakatrabaho pala niya ito. Si Giles ang musical director sa isang play na siya ang choreographer.
Sa mga rehearsal nila ay pilit niyang iniiwasan ito pero panay ang lapit nito sa kanya. Kahit wala itong kinalaman sa pagtuturo niya ng mga routine ay nagbababad ito sa dance studio at pinanonood siya. That was when she started to be conscious because of his presence. Kapag tinititigan kasi siya nito ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
Ngunit sadyang binibiro yata siya ng tadhana—dahil kung kailan may espesyal nang damdamin na sumisibol sa puso niya para dito ay saka naman huminto ito sa paglapit at panonood sa kanya. At halos madurog ang puso niya nang makita niya na may kasama itong iba.
Okayyyy..... So, this is my first ever book in PHR. First of all, I love the cover. Nagpapasalamat na ako na hindi mga mukhang deformed na artista yung cover ng book na 'to. Kasi 'di ba kadalasan mga mukhang deformed na artista yung cover ng mga PHR book? Haha, ang arte ko lang eh no? Nasa may internet shop ata ako nung makita ko na release na siya. Sobrang laki ng pagkakangiti ko nung nakita ko 'to eh. Four months ko na din kasing hinihintay na ma-release siya. No'n ko lang din nalaman na ang pen name ko pala ay 'TYRA'. Haha. I submitted three pen names tapos ito ang napili ni Sir Jun. It's my real name by the way. Parang hindi lang pinag-isipan yung pen name eh. But I was kind of happy na ito yung naging pen name ko. At least the reader would know na ako talaga ang nagsulat nito.
Nung una medyo hindi pa ko sure kong ito nga ba yung ms na pinasa ko. Kasi naman, iba kasi yung teaser dun sa teaser na pinasa ko. Yung ibang part kasi na nakasulat dun sa teaser, hindi naman nangyari dun sa ms na sinulat ko. Then nalaman ko na minsan talaga binabago yung teaser kapag hindi nagustuhan nung publisher yung ginawa mong teaser. Haha. Isa lang ang ibig-sabihin no'n, hindi ako marunong gumawa ng teaser. XP Ito yung first ever na MS na pinasa ko sa PHR. Sobrang saya ko lang kasi na-approve siya. My thoughts while writing this story, ewan ko. Haha. Ang labo lang eh. But honestly, gusto ko lang na ma-approve siya kasi kailangan ko ng panibagong bagay na gagawin. Kung hindi siguro siya na-approve, hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko ngayon. And well, gusto ko lang din malaman kung pwede ba talaga ako sa genre ng romance. Kalimitan kasi ng sinusulat ko, before ako nag-start for PHR, ay puro adventure/fantasy na may kaunting subtext na romance. Lahat ng alam ko regarding sa romance ay nagmula lang lahat sa mga nabasa kong pocketbooks. Pati yung vocab ko ng malalalim na Tagalog words, dun lang din nagmula. Kaya sana naman, kahit paano, nagustuhan ng mga tao 'tong first book ko. :) TRIVIA: I got the name of Serah from Final Fantasy XIII. Kung familiar kayo dun sa game na yun, then you would know kung sino si Serah do'n. Ang name naman ni Giles ay nakuha ko sa isang historical romance book na ang title ay 'The Guardian'. Siya yung anak nung bidang lalaki at babae do'n. Sobrang natuwa lang ako do'n sa name kaya siya ang ginamit ko. :)
Published on October 15, 2012 04:59
October 6, 2012
Ranting...
Dahil hindi ko maituloy yung sinusulat kong ms (manuscript) naisip ko na magsulat na lang muna dito sa blog ko. Just as the title says, I'm simply going to rant. Naiinis kasi ako sa tinatakbo ng ms na sinusulat ko, as in! I have this nagging feeling na hindi siya ma-a-approve pero kahit gano'n, hindi ko pa rin siya tinitigilan. Todo sulat pa rin ako. Nakakaasar lang. Gusto ko nang magsimula ng bago pero hindi ko siya maiwan. Feeling ko kaunti na lang, mababaliw na talaga ako.
Damn... I hate this.
And it's not as if I'm in love with the characters. No, I'm far from in love. I'm pissed. To the point na gusto ko na silang itapon lahat sa dagat. Argh! My hero is one selfish bastard while my heroine is not exactly lovable. Why did they end up like that? Hell, I feel like a fool for even asking that question. Because no matter what I say, I'm the one who made them that way. Shit lang talaga.
Isa pang bagay na kinaiinis ko ay yung pagkakaro'n ng information overload. As is sobrang daming information. Pero kung hindi ko naman ilalagay yung mga info na 'yon, baka malito lang ng bonggang-bongga yung editor na magbabasa. Well, first, the story was about a guy trapped on an island with a group of tribesmen. Hindi siya makaalis do'n dahil pinipilit siyang ipakasal dun sa isang member ng tribe, which was the heroine.
Because of this God forsaken plot, I invented a lot of things. I invented a name of an island, I invented a tribe that was supposed to be living on that island, I invented beliefs and laws. Heck, I even invented a language for that tribe! Not to mention that tribe’s history. Napakadaming information ang nilagay ko sa ms na 'to. Information that I invented. Can you see how big my predicament is?
Malapit na ‘ko dun sa point na gusto ko na siyang sukuan, pero hindi ko pa rin magawa. And it’s all because of the simple fact na sequel ito nung isa kong ms, entitled ‘The Captivated Painter’. I love that ms. Kaya siguro hindi ko maisuko ‘tong sequel niya. Kahit na gustung-gusto ko na.
Kapag talagang na-approve ‘tong sinusulat kong ‘to, magdidiwang talaga ako. Ng bonggang-bongga! Kahit nga siguro for revision lang okay na sa ‘kin. Haizzzz……
Utang na loob. Please lang talaga.
And that’s the end of my ranting folks. Salamat sa pagbabasa. (If ever mang may makabasa. Hehehe.)
Published on October 06, 2012 19:59
June 13, 2012
Try Lang (Malay mo Pumasa)
Last year, mga August siguro 'yon, nasa may national bookstore ako at tumitingin ng mga libro. Nang mapagawi ako sa corner ng tagalog fiction, binuklat ko yung isang pocketbook ng PHR o Precious Hearts Romances. May nakita akong advertisement, nag-iinvite sila ng mga newbie writers para mag-submit ng manuscript sa kanila. Then an idea just suddenly popped inside my head.
Naisip ko, bakit kaya hindi ako mag-submit? Try lang. Since mahilig naman akong magsulat at mahilig din akong magbasa ng pocketbooks. So gora naman ako.
For almost a month, wala akong ibang ginawa kundi magsulat lang. Kahit may mga times na naiinis na ako dahil hindi ko na alam kung ano ang susunod na mangyayari do'n sa sinusulat ko, tuloy pa rin ako. At 'yon nga, pagkatapos ng isang buwan na pagta-type at pagtitiis sa harapan ng computer, natapos ko na rin sa wakas ang first ever manuscript ko. Yehey!
Excited ko ng ipinasa sa email add ng PHR yung ginawa ko. Nag-reply naman sila at sinabi na i-follow up ko daw yung result after one month.
Sobrang nakaka-tense ang paghihintay (sa totoo lang). Parang gusto mo nang lumipad yung oras para mag-isang buwan na. (Kaso hindi naman 'yon pwede at posible lang 'yon kung meron kang superpowers. Hehe. Hindi ako nag-jo-joke. Pramis!)
Then finally the wait was over!
Fi-nollow up ko na yung result. Kaso hindi sila nag-reply. Nag-e-mail ulit ako sa kanila pero wala pa rin. Hanggang sa lumipas na ang isang linggo at wala pa rin akong natatanggap na email mula sa kanila. Pinanghinaan na ako ng loob. Naisip ko baka hindi natanggap yung manuscript ko. Then three days later, sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nakatanggap ako ng email mula sa kanila.
Guess what pipol?
Approved yung manuscript ko!
Halos magtatalon ako sa tuwa no'n. Para akong nasa cloud nine. Hindi ko akalain na ma-a-apreciate nila yung sinulat ko. Akalain niyo 'yon?
Nai-save ko pa yung comment ni Ma'am Agnes (yung editor nung first approved ms ko), pwede yung basahin (kung gusto niyo lang naman, hehe).
"This is Agnes. Approved na ang novel mo na, "My Lovely Gypsy." Maganda ang kuwento at bilang baguhan ay masasabi kong may potential ang may-akda sa pagsusulat ng nobelang romansa..."
Nakakatuwa na sinabihan ka na meron kang potential. First time lang na may nagsabi sa 'kin no'n. Maski kasi ako hindi ko alam na meron pala akong potential (kahit gaano pa kaliit. hehe).
Kaya message ko para sa mga wannabe writers na kagaya ko, isulat niyo lang nang isulat ang mga naiisip at na-i-imagine niyo. 'Wag kayong matakot na ipabasa sa iba ang mga sinusulat niyo. Malay niyo baka swertehin din kayo (kagaya ko XP) at ma-approved din ang manuscript niyo.
Sige lang ng sige! Kaya natin 'to!
Ganbatte!

Published on June 13, 2012 07:06