WOW... O_o
That's my reaction to everything that happened to me today. LOL. I thought magiging ordinaryong araw lang 'to for me, but it turned out to be totally different. Hindi ko talaga ini-expect that things would turn out this way. But I'm really happy that it did. So ano nga bang nangyari today? *drumrolls* I just became a contract writer of PHR!! Oh 'di ba? Sino bang hindi matutuwa at ma-e-excite sa ganyang balita? I went to PHR's office today para kunin yung check ko for my recent approved MS. I met up with my fellow writers and ayun, kagulo na naman sa editorial at accounting. Hahaha. Habang naghihintay kami sa accounting, lumapit sa 'min si Sir Carlo (one of PHR's staffs) tapos sinabihan ako and other two writers na kakausapin daw kami ni Sir Jun (our publisher). Ako naman, sobrang nagtaka. Hindi ko kasi maisip kung ano yung possible reason kung bakit kami kakausapin nung publisher namin. Then Luna said na baka about daw 'yon sa contract. Baka daw papapirmahin na kami ng kontrata. (There's a huge difference kasi between a contract writer and a writer na nagpapasa lang ng MS. Mas madaming benefits ang contract writer. So, super accomplishment na kapag pinapirma ka nila ng kontrata.) Kaya nga hindi ako naniniwala na papapirmahin ako. Kasi tatlo pa lang yung na-re-release ko, parang ang weird lang na bigla-bigla na lang nila akong papipirmahin ng contract. Kaya nung sinabi sa 'min na about the contract nga 'yon, sobrang pagkagulat talaga 'yong naramdaman ko. As in! Sa panlabas, mukha pa kong kalmado, pero deep inside, nagwawala na 'ko sa excitement. Hahahaha! I'm so freakingly happy. It's really one of my goals na maging contract writer ng PHR. I expected na baka next year pa magkatotoo ang goal ko na 'yon. I can't believe na just after more than a year of writing, magiging kabilang na ko sa contract writers ng PHR. I'm really so blessed. :)) And I thank God for all these blessings! Without him, I'm sure hindi ko maaabot ang lahat ng ito. :))
Published on January 12, 2013 06:23
No comments have been added yet.