Double Release Day!!

Can't You See That I Love You? “Nababaliw na nga siguro ako dahil lapit pa rin ako nang lapit sa `yo kahit ipinagtatabuyan mo lang ako. Pero mas ikakasira yata ng ulo ko kapag sinunod ko ang gusto mo na lumayo sa `yo.”
Mula nang makilala ni Chrisnelle ang batikang manunulat na si Ashley Sandoval ay hindi na natahimik ang mundo niya. Kung hindi ito tumatambay sa opisina niya ay kinukulit naman siya nito. Ginawa na niya ang lahat para lubayan siya nito. Naroong tarayan at ipagtabuyan niya ito, pero lahat ng iyon ay bale-wala rito.
Malapit na siyang mawalan ng pag-asa na titigil din ito sa pangungulit sa kanya. Hanggang sa yayain siya nito sa isang party. Hindi siya pumayag noong una. Pero nang sabihin nitong hindi na ito magpapakita o magpaparamdam sa kanya pagkatapos ng date nilang iyon ay napapayag din siya. Iyon na ang nakita niyang solusyon sa problema niya.
True enough, pagkatapos ng first date nila, hindi na ito nagparamdam sa kanya. Wala nang Ashley na tumatambay sa opisina niya, wala nang tumatawag, at wala nang nangungulit. Balik sa pananahimik ang mundo niya.
Ngayon ay may bago siyang problema. Kailangan niya si Ashley para guluhin uli ang mundo niya. Pero nasaan na ito? The Enchanted Sailor “Don’t ask me to let go, because you know I won’t.”
Kabilang si Kaieska sa tribong Bulawanon at isa siya sa pinakapipitagang mandirigma ng tribo. Buong buhay niya ay gusto lang niyang sumunod sa yapak ng kanyang ama na pinuno ng mga mandirigma sa tribo nila. But one man changed all that.
Si Arik Villacorta.
Nakita niya ang binata na palutang-lutang sa dagat isang araw na nagpa-patrol siya sa labas ng kanilang isla. Iniuwi niya ito at inalagaan. Arik looked like an angel dahil sa maamo nitong mukha. She thought he would also be as kind as an angel. Pero nang magkamalay ito, napatunayan niyang mali ang kanyang iniisip. Dahil ito na yata ang pinakamayabang at nakakainis na lalaking nakilala niya.
Then an accident happened. And the worst possible thing that could happen happened. Kailangan niyang pakasalan si Arik! Ang pinakamalala sa lahat ay nang matagpuan niya ang sarili na unti-unting nahuhulog ang loob sa lalaking dati ay kinaiinisan niya. First of, I super duper looooovvvveeee the cover! Feeling ko ang swerte swerte ko talaga pagdating sa mga napupunta sa 'king cover. LOL. Hindi ko ini-expect na dalawa ang ma-re-release na book ko today. Mas maganda sana kung hindi pinagsabay, but oh well, andiyan na 'yan. Wala naman akong magagawa kundi tanggapin na lang. Hahaha ang arte lang eh. XD The first one, yung Can't You See That I Love You, medyo matagal na siyang nakabaon sa baul ng PHR. LOL. I think 8 months na yata ang nakakaraan nang ma-approve siya. Imagine, 8 freaking months?? Akala ko nga aabutin pa siya ng isang taon eh. *sigh* This is my 3rd approve MS by the way. But I'm happy na at least release na siya. I love my hero here, Ashley is one of my most favorite heroes, as in! Kasi na-in love talaga ako sa kanya. Hehe. Hindi ako gano'n kadalas na na-i-in love sa mga character na ginagawa ko. In fact, madalang lang na mangyari 'yon. But it was different in Ashley's case. Sobrang na-in love talaga ako sa kanya. I love his flirtatious nature and his persistent ways. Kahit pinagtatabuyan na siya ni Chris, go lang siya ng go. Kahit na nasaktan na siya hindi pa rin siya sumusuko. I think, 'yon talaga ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Hindi ko kasi gusto yung mga lalaki na madaling sumuko, 'yon bang tipong sabihan mo lang na lumayo na, lalayo na agad. Those men have no spine and I just hate those types. The second, The Enchanted Sailor, sequel ito ng The Captivated Painter. Kaya kung nabasa niyo yung first book, then kilala niyo na ang bida ko dito na si Arik. Kung gaano naman katagal na ma-publish yung isa, gano'n naman kabilis na na-publish ito. This is my 7th approved MS. Last November lang 'to na-approve eh, tapos ngayon, ayan, release na. Sobrang frustrated ako habang sinusulat ko 'to, dumatin na ako do'n sa point na gusto ko siyang itapon eh. At ang lakas talaga ng feeling ko noon na hindi 'to ma-a-approve. Pero, ayun, na-approve. Hehehe. Kung natatandaan pa nung mga nakabasa sa story ni Aram, hindi ba inanod do'n si Arik and he mentioned na niligtas siya ng isang grupo ng mga katutubo. So, ayan, most part of the book, tungkol dun sa kung anong nangyari kay Arik during the duration na nawala siya. So book din na ito i-i-introduce ang sandamakmak na character na hindi ko alam kung gagawan ko pa ng story. Dito rin pala lalabas ang minamahal kong master thief. Hehe sana matuwa yung mga makakabasa sa kanya. TRIVIA: The plot of Can't You See That I Love You was made habang nakasakay ako sa bus pauwi sa amin. Kagagaling ko lang no'n sa Summer Workshop ng PHR at nag-iisip ako ng magandang isulat batay dun sa mga natutunan ko. And voila! This novel was born. Hehehe. There's nothing special about the names. Matagal ko na talagang gustong gamitin ang name na Ashley for my hero, and yun nag-isip na lang ako ng name ng heroine na medyo panglalaki. Para baligtad sila. LOL. In Enchanted Sailor naman, well, I made a lot of stuff in this one. The name of the tribe, their customs, their own language. So, just imagine how frustrated I am when I was writing this one. Pati pala yung pangalan nung isla, imaginary lang din. Hehehe. Arik and Kaieska's names, I kind of invented it. Hindi ko siya kinuha sa kahit na anong anime or anything. Dapat talaga ang name ni Arik ay Aris, but then I thought na parang masyado naman yatang ordinary yun. So, I changed it. Si Kaieska naman, I came up with her name after kong mag-research ng sandamakmak na Indian names. Naghalu-halo ako ng mga letters, and boom! Kaieska was born. Her name was supposed to be Kuchinashi, kaya lang naisip ko naman, parang masyado namang Japanese sounding yun. Kaya binago ko lang. Hehehe. XD Anyways, for those out there who happened to visit my blog, please do buy a copy of these two. Domo arigatou! ^^
Published on February 26, 2013 00:47
No comments have been added yet.