Translation
Last time I went to PHR's office, aside from signing the contract, Sir Jun also asked us if we want to translate an English novel (i.e. Twilight, Hunger Games, etc.). I immediately said I wanted to, narinig ko kasi na malaki ang bayad kapag nag-translate ng gano'ng book, hehehe. So, Sir Jun said he'll give me Fallen to translaste. Medyo confident ako na gawin siya kasi nabasa ko na yung book. But then last week when they sent me the book, sobrang gulat ko nung mabasa ko siya. It was a different book! Imagine my surprise nung mabasa ko siya. I wasn expecting Fallen written by Lauren Kate, but instead I got The Fallen by Thomas E. Sniegoski. I haven't read the book. Hell, I haven't even heard of it. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto kong i-translate yung Fallen ni Lauren Kate. I'm not really a big fan of the book. Medyo nagulat lang talaga ako. So ayun, they asked me to translate the first chapter of The Fallen. Titingnan yata muna nila kung pwede akong mag-translate. Kaya binasa ko yung chapter 1. No, hindi pala, habang binabasa ko siya, tina-translate ko din siya. Like every sentence na mababasa ko, ita-translate ko. So I have no idea kung ano yung mga susunod na mangyayari. While I was translating it, hindi ko mapigilan na matawa. Point of view kasi nung hero ang ginagamit. So, siya yung nag-na-narrate nung story. Grabe, hindi ko mapigilang maramdaman na parang ang bading lang niya. Hahahaha. Ang sama ko talaga. To think na parang si Percy lang din naman 'yon. Pero at least, Percy was, what, twelve when Lightning Thief was released. Kaya na-fi-feel natin yung maturity niya. But this guy, the hero of The Fallen (his name is Aaron by the way), he was freaking 18 years old! Tapos parang ang immature lang nung point of view niya. But, oh well, hindi ko pa naman nababasa yung buong book so malaki pa ang chance na magbago ang isip ko. The name of the heroine was Vilma. Nung mabasa ko yung name niya, my reaction was like, 'WTF?!'. Ang dami-daming magagandang pangalan d'yan, but the author picked Vilma. So unique and original, right??? Hahahaha. Ampanget talaga. Sana lang hindi yung babaeng 'yon ang partner ni Aaron. Ayoko talaga ng mga damsel in distress types. Mas gusto ko yung mga kick-ass heroines. Kaya nga ayoko kay Bella eh. LOL. Anyways, na-receive ko na kanina yung feedback nila. Medyo mahaba yung comments, pero in the end, sinabi nila na ibibigay na nila sa 'kin yung book. So, ako na yung mag-ta-translate sa kanya. Medyo confident naman ako na kaya ako. Naks. Confident! Hahaha. Malaki naman ang tiwala ko sa aking vocabulary, so gora lang. Ang problema ko lang ngayon ay kung kailan ako makakahanap ng time para gawin siya. May dalawa pa kasi akong MS na kailangang tapusin. Sana pumayag sila na sa March ko na lang simulan. Hehehehe.
- So, this is the cover of the first book. Sana lang talaga magandahan ako sa kanya. Para naman matuwa ako sa pag-ta-translate. LOL. ^^

Published on January 21, 2013 04:33
No comments have been added yet.