Bebang Siy's Blog, page 38
February 19, 2015
Mula sa Mambabasang si Mark Joseph Arisgado
Rebyu sa Nuno sa Puso (ni Bebang Siy)
Sa isang private message (PM) sa Facebook, sabi ni Ms. Bebang, 'wag ko raw uliting basahin ang Nuno sa Puso dahil "puro kalokohan" lang daw ang isinulat niya roon. Totoo naman! Puro kalokohang payo tungkol sa pag-ibig, relasyon, at mga bagay tungkol sa buhay ang laman ng kaniyang aklat! Subalit ang mga mapagbiro at nakatatawang payo ni "Binibining Bebang" na higit na mabisa at tumatagos, ang siyang dahilan kung bakit inuulit-ulit ko ang pagbabasa ng libro.
Kumpara sa mga librong nagpapayo sa pag-ibig at buhay na may layunin ding magpatawa, madarama ng mambabasa ang "malasakit" sa panulat (at tinig) ni Ms. Bebang. Parang kaibigan mo talaga siya. Walang panghuhusga at pangmamaliit sa mambabasa ang kanyang payo. Inuunawa niya ang sitwasyon at tinutulungan ang nanghihingi ng payo na matukoy ang "tunay" nitong problema na dapat bigyang aksiyon. May mga pagkakataon kasing dapat munang ipamulat at ipaliwanag sa sumulat ang tunay na problema nito bago ibigay ang bagay na sagot. Kaya tila iba ang nagiging payo ni Ms. Bebang sa sagot na inaasahan mambabasa sa simula.
Nakakaaliw ang mga sitwasyong isinama sa dalawang aklat (Oo, dalawa. Isang blue at isang orange, marahil ay dahil di kayang pagsamahin sa isang aklat ang wisdom at sense of humor ni Ms. Bebang). At hindi maiiwasang maka-relate ang sinumang mambabasa sa mga problemang isinama rito. Para sa mga gustong sabay na matawa at matuto, magandang babasahin ito.
PS: Sa totoo lang, maaaring gawing pelikula ang aklat (mala "Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo?").
Nakakaiyak naman, maraming salamat dito, Mark. Makakaasa ka na mas marami pang aklat ang kakathain ng tambalang Beb at Poy. Padayon!

Published on February 19, 2015 21:31
February 18, 2015
Ispesyal na Patimpalak : Pagbibigay-Payo sa Pag-ibig
Habang naghihintay ng Taunang Patimpalak ng Saranggola Blog Awards, minabuti nito na magkaroon ng maikli at naiibang patimpalak na magpapakilala rin ng mga manunulat na Pilipino.
Para sa unang patimpalak, ito ay tungkol sa Pagbibigay Payo sa Pag-ibig
Maaaring lahat tayo ay umibig na; mabuti kung kinaya mo ang kilig pero kung nawindang, nagbale-balentong, napagulong at sinira nito ang balanse mo sa buhay, welcome to the club!
Hindi biro ang umibig, parang bacteria yan. Pwedeng makatulong sayo pero pwede ring makasama.
Kung magiging doktor ka ng puso at magbibigay payo sa usaping pag-ibig, ano ang masasabi mo?
1. Sumulat ng payo tungkol sa pag-ibig.
2. Tumalakay ng Romantikong Pag-ibig. Hindi tungkol sa pagmamahal ng kaibigan o magulang, pag-ibig sa Diyos at hindi rin tungkol sa Pag-ibig sa inang Kalikasan. In short, pang magkasintahan.
3. Bahala ka sa istilo at diskarte, ikaw na rin ang mag-isip ng problema.
4. Payong hindi aabot sa dalawang libong (2,000) salita.
5. Wikang Filipino ang gagamitin.
6. Pwedeng pambata, pwedeng pang matanda at pwedeng may "patnubay ng magulang ay kailangan."
7. Payo at hindi Kwento. magkaiba yun.
8. Para ito sa Labing apat (14) na taong gulang pataas.
Paano sumali?
1. Isulat ito sa iyong blog. kahit bagong gawang blog ay pwede.
2. Magcomment sa baba at ilagay ang link ng iyong isinulat.
3. Siguraduhing ikaw ang gumawa at hindi kinopya lang, tandaan: Ang mangopya sa gawa ng iba ay mawawalan ng totoong Pag-ibig sa loob ng sampung taon!
4. Sa baba ng iyong isinulat, ilagay ang link ng Saranggola Blog Awards (www.sba.ph)
5. I-share sa facebook, twitter at kung saan-saang social media.
6. Hindi ito paramihan ng likes at share. Kailangan mo lang syang i-share dahil yun ang silbi ng payo di ba? Para sa iba at hindi para amagin sa blog mo :)
Sali na!
Ano ang premyo?
1. Ang mapipiling pinakamahusay na payo ay kikilalaning "the next Charo Santos- Concio at maghohost ng Maalala ala mo Kaya. Syempre, joke to.
2. Ang totoong premyo ay P2,000 at mga aklat ni Beverly Siy. Syempre may dedication.
Ang hurado ay si Beverly Siy - ang makabagong diwata ng Pag-ibig.
Wala siyang doctorate sa Psychology at wala ring expertise sa love at hindi rin sya marriage counsellor,
Marami na syang naranasan tungkol sa usaping Pag-ibig. Hindi lahat ay naging maganda. Hindi perfect ang buhay nya lalo na ang lovelife nya. Pero perfect syang judge dito dahil tao sya, babaeng niregla (oo, totoong babae sya), nagmahal, nasaktan at nagmahal ulit. Kakakasal nga lang nya and take note, may baby na silang parating.
Mas makikilala sya sa kanyang mga sinulat na It’s a Mens World at Nuno sa Puso.
Bukas ang Patimpalak na ito mula ika 14 ng Pebrero hanggang ika 6 ng Marso.
Published on February 18, 2015 20:39
Ispesyal na Patimpalak : Pabibigay Payo sa Pag-ibig

February 15, 2015
Mula sa mambabasang si Janine Francisco
Hi Ms. Siy,
I just bought your book today. Nakakatuwa, I was searching for a Filipino novel sa National book Store. Puro classic writers, Inigo Ed Regalado, etc. Then I saw your book. Naka-plastik. Di ako mahilig sa contemporary writers, pero nang nabasa ko ang mga excerpts sa likod, natuwa ako. Made me smile. i just want to say na nakakatuwa ang libro mo, masakit ang laman, pero yung sakit na nakaka-inspire. Thank you at mabuhay ang mga manunulat na Pilipino.
You can check my blog supressednomore.wordpress.com. Puno rin ng kasawian, hahaha, pero kumakapit pa rin. Tulad ng mga tauhan sa iyong akda.
Love,
Janine
Thank you, Janine! Sa uulitin po!

Published on February 15, 2015 19:31
January 29, 2015
more update sa (payment ng) salin ng Paper Towns
Yes, kanina, nakuha ko na ang check mula sa National Book Store through Anvil.
And guess what?
30k ang nakasulat sa check!
Sobrang saya ko dahil hindi na kami kinaltasan ng penalty! So sabi ko, since nandoon ang editor,thank you, thank you, walang penalty.
Tapos kumunot ang noo ng nagbigay ng check sa akin at nagpapapirma sa papeles. Tumingin siya sa editor tapos dinala niya ang papeles dito pagkatapos ko itong pirmahan. Kumunot din ang noo ng editor. Pung! Nagkamali nga ng sulat si editor sa papeles! Haha! Salamat sa pagkakamaling ito. Noong tinanong daw ang editor, iba ang amount na ibinigay niya. 'Yon ngang may penalty. Pero after a few days, noong ipinasulat na ito sa kanya sa isang document, ang naisulat niya ay ang buong amount.
Muli, salamat sa pagkakamaling ito.
Sabi ng publishing assistant (ang nagpapapirma sa akin ng mga papeles), pondo naman daw iyon ng National kaya hindi sila dapat mag-alala. Tahimik akong sumang-ayon. Dali-dali ko na lang na itinago ang check at baka bawiin pa sa akin ang biyaya.
Bago ako nakarating ng Anvil, ikinukuwento ko sa kasama kong si Cathlee Olaes, ang student intern mula sa Bulacan State University, kung magkano na lang ang matatanggap ko para sa salin ng Paper Towns. Naikuwento kong malaki-laki ring bahagi niyon ang pambayad ng utang. Utang sa kapatid kong nagpapa-load (OMG, pati load ng cellphone, hindi na mabayaran, haha!) at utang sa ATM ni EJ na siyang nagsalba sa amin nitong mga nakaraang linggo. Kaya sobrang saya ko nang malaman ko nga na buo ang bayad ng NBS para sa proyektong ito. Para sa tulad naming karaniwang translator, karaniwang manggagawang Filipino, napakalaking halaga ng P4,800 na siyang amount ng penalty.
Pagkakuha ng check ay nagmeryenda kami ni Cathlee sa Robinson's Pioneer. Kasama namin si Billy Candelaria ng PRPB, na nakasalubong namin sa MRT Boni noong papunta pa lang kami ng Anvil nang hapon na iyon.
Siyempre, treat ko. Dahil may surprise treat sa akin ang universe.
Salamat, universe. Hanggang sa uulitin.

Published on January 29, 2015 13:49
January 13, 2015
update sa salin ng Paper Towns
nakuha nga pala kami ni Poy para isalin ang Paper Towns sa Filipino ni John Green. Sori po kung ngayon ko lang ito nasabi. Noong Sept. 8 kami pumirma ng kontrata at bumalik ito sa Anvil noong Sept. 9. Good for three months ang contract.
yes, dalawa kami ni Poy sa pagsasalin. ako ang bahala sa Filipino at si Poy naman doon sa bahaging mahirap isalin sa Filipino. Tadtad kasi ng idioms (sa Ingles) ang nobela. at hindi ako masyadong expert dito. mas magaling din si poy sa pagtantiya ng american sensibility dahil konyo yan lalo na noong high school, puro ingles ang binabasa, hahaha, joke! mas marami siyang nababasang western na aklat kaysa sa akin kaya mas alam niya kung paanong magbuhos ng sentiments ang mga tagaroon. isa pa, teenager na lalaki ang bida sa paper towns kaya mas gamay niya kung paanong mag-isip ang bida.
wala kaming masyadong na-encounter na problema rito, mas practical na problema ang kinaharap namin.
pagka sign ng kontrata, naghintay kami ng downpayment. akala ko, standard iyon sa ganitong uri ng commissioned work.
but no, walang dumating na downpayment. kaya mega inquire ako kay mam ani habulan ng anvil (ipinasa ng NBS ang dirty work sa anvil, pero ang mga nakapirma sa kontrata, NBS). at sabi niya, hindi raw talaga nagbibigay ng downpayment ang NBS dahil marami na itong karanasan sa mga palpak na writer/translator. mga hindi nakakatapos ng trabaho pero nakatanggap ng downpayment.
hmm... bad. very bad. siyempre, nainis ako sa ganon. nakakahiya ang mga ganong tao. they give this profession a bad name.
pero nainis din ako sa NBS. kasi una, part iyon ng business, ang mga risk. kaya dapat kilala nilang mabuti ang hina hire nila. hindi sila magha hire ng kung sino-sino. kung hindi magda down ang nbs, saan kukuha ng panggastos ang writer/translator nila habang nagsusulat/nagta translate? hindi biro ang duration ng trabaho. sa kaso namin, napakatagal din ng paghahanda na ginawa namin. magpo-post ako ng tungkol dito. ikalawa, gagamit kami ng computer, laptop at iba pang gadget. saan kami kukuha ng pambayad ng kuryente? not to mention, naluluma ang gadgets namin dahil sa proyekto nila. nagagamit. naipupuhunan din namin. wala man lang bayad mula sa part nila. ikatlo, ang liit-liit ng bayad. sa unang dinig, anlaki ng 30k. pero ang tagal mag-translate. kakain talaga nang ilang buwan. so kung tatlong buwan kaming walang ibang gagawin kundi mag-translate, aba, 10K a month lang iyon. pang-upa lang ng bahay! e yung tubig pa, kuryente, pagkain namin (meron bang translator na hindi kumakain?)? hay. ikaapat, may 1% penalty per day pag na-delay ang pagsusumite sa output. anak ng...
tapos ayaw mag-down ng NBS?
grabeee.
and to think, wala naman kaming royalty for every copy sold!
kung ganito ang kalakaran, ibig sabihin, hindi ito commissioned work. namumuhunan na rin kami rito. ng time, ng resources, ng talino, samantalang ang nbs, pera lang ang ipinupuhunan. therefore, dapat may bahagi kami sa sales ng product namin. pero wala nga, e. ok na ako doon, walang royalty. pero ang walang down? ke oror talaga! dapat mahinto ang ganitong practice sa publishing industry.
anyway, dahil hindi ako mananalo, pumirma na ako, e, i just asked mam ani to do something and talk to the nbs about this. mali ito, maling practice, dapat mabago.
kaya nag-proceed na kami sa proseso ng pagsasalin.
marami kaming binasa para paghandaan ang mismong pagsasalin. naglabas din kami ng ilang dictionary para mas madaling makapag-consult sa mga ito. pinanood namin ang the fault in our stars. binasa namin ang filipino version nito (pinadala sa akin ito when i was applying as a translator). we bought another john green book (abundance of katherines), we also asked mam ani for a soft copy of another john green book (looking for alaska) nang malaman namin na mayroong references ang paper town sa looking for alaska. see, andami naming puhunan. at hindi dahil mayaman kami or something. dahil gusto namin, maganda ang output namin.
that was the first month and so.
iyong mga sumunod na linggo, hindi na kami nagpanggap. tumanggap na kami ng mga raket para may maipantustos sa mga araw at buwan na magsasalin kami. we had bills to pay, may baon si ej araw-araw. parating na ang pasko, dapat may panghanda kami kahit paano. kaya kailangan namin ng kumikitang kabuhayan. nabinbin tuloy ang pag-usad ng translation.
pagdating ng nobyembre, saka namin binalikan uli ang pagsasalin. medyo hindi rin ito nagtuloy-tuloy dahil may mga raket na nakakahinayang kung hindi tatanggapin. pero may mga araw at linggo na 8-12 hours kami sa project na ito, tutok talaga. literal na nasusuka na ako pag nakikita ko ang paper towns novel.
opisyal na natapos ang lahat ng translation noong dec. 2014. pero dahil ilang stages pa ng editing at proofreading (mula sa part namin, free service na ito dahil ganito talaga kami magtrabaho ni poy, metikuloso!) ang pinagdaanan ng translated work, naipasa namin ang lahat-lahat noong jan. 8 na. 2015 na!
pero noong december, nakatanggap kami ng email mula sa editor ng anvil na nagsasabing itranslate pa raw namin ang iba pang bahagi ng aklat. nagulat ako. ang alam ko, nobela lang ang isasalin namin. i asked for a copy of the contract para ma check namin kung bahagi iyon ng trabaho namin bilang translators. oo raw, ipapadala raw sa amin. wala kaming natanggap na kopya ng kontrata (na signed ng dalawang partido at notarized na). natanggap ko ang kopya namin ng kontrata noong january 12, 2015 na.
malapit na kaming matapos sa part 3 (ang huling part ng nobela) nang ma-receive namin ang email para sa additional translation work (na walang bayad). i decided to translate the said parts kahit na palagay ko ay hindi ito bahagi ng kontrata namin. kaya lalong nabinbin ang pagpapakinis namin sa output namin. actually, nauna pa nga naming isumite ang salin namin ng iba pang bahagi ng aklat kaysa doon sa mismong pinaka-output namin.
anyway, pagka submit namin ng final output, sabi ko sa editor, pakihanda na ang check sana. dahil kapos na rin kami sa budget. i also asked the number of penalty days. Sabi sa amin ng editor, dec. 1 ang nasa contract pero dahil sept. 9 na bumalik sa amin ang kontrata, ang opisyal na deadline ay dec. 9 (a day before my birthday!) at jan.8 namin naisumite ang final output. so 30 days daw dapat ang penalty namin. so that's 30% of P30,000. tumataginting na P9,000. ang laki! pero nagbigay daw sila ng 14 days as grace period. kaya 30 days minus 14 days is 16 days. kaya ang penalty namin ay 16%, equivalent sa P4,800. (bale ang matatanggap na lang namin ay... P25,200. haaay.)
medyo natuwa naman ako rito sa grace period. we deserve it. ayaw ko mang magpasalamat, nagpasalamat na rin ako. pero sinabi ko rin sa editor, actually, may mga pinagawa kayo sa amin na labas sa kontrata that was also a reason for the delay. i also told her, noong pagtawanan niya ang filenames ng mga isinusumite namin sa kanya (example: part 1 paper towns with maximum editing and proofreading of poy and bebang), kahit na puwede kaming magsumite sa inyo ng raw translation work (na puwede naman, allowed sa contract), para lang maiwasang ma-penalize, hindi namin ginawa. because we care for our work and we care for our readers. Sa panig nila, ng editors at publisher, what we did will mean minimum editing and proofreading from their camp, at makakatipid ang NBS dito. sinalo namin ang time na gugugulin ng editor at proofreader nila sa translation namin. kumbaga, sinalo namin ang oras at araw at effort dito ( na naging cause pa ng extra penalty days for us).
wala naman nang ni-reply ang editor dito.
(gusto ko rin sanang sabihin, sige i-penalize ninyo kami pero bayaran ninyo kami for that extra work. hindi rin kasi biro yong extra work na iyon. marami-rami rin.)
gusto ko rin sanang ipanghingi ng discount sa penalty ang napakaraming holiday at special day ng december, haha. pero di ko na ginawa at baka ipa blotter na ako ng kausap ko.
well, ang point ko, if a publisher wants quality work, dapat willing silang magbigay ng downpayment. para matutukan ng creator ang kanyang ginagawa! ayun lang naman. hindi iyong magsa sacrifice pa si creator para lang makapag produce ng quality work. e paano kung ang makuha nilang creator ay walang konsiderasyon sa output at sa mambabasa? sino ang lugi? publisher ba? hindi. dahil ang publisher, nakapamuhunan na, ilalabas na lang ang libro, kasehodang mapangitan ang mambabasa, magbebenta lang iyan nang magbebenta. sino ang lugi? walang iba kundi ang mambabasa.

Published on January 13, 2015 23:06
January 12, 2015
2015 na!
narito ang partial list ng mga gusto kong mangyari ngayong 2015:
family
makapanganak nang normal, walang gastos masyado
sana normal si karagatan -please, please
magkaroon ng magandang college o university, course at scholarship si ej
walang aberyang graduation ni ej
mapaganda ang puntod ng tatay ko
sana makabalik na sa eskuwela si iding
sana tuloy-tuloy ang good relations ko with the verzos
finance
makapagdagdag ng pera sa stocks
makapag-ipon -haaay ang hirap
ma-check ang lupa nina poy sa san mateo-baka puwedeng pagpatayuan ng bahay. nakakapangilo na ang pagbabayad ng upa
buwan-buwan
mai-establish ang philippine authors representative-gusto ko na talaga to. dahil may nakadikit akong raket na may
kinalaman dito, fate tells me, dapat ko na itong i-establish!
gusto ko ng sasakyan kaya lang parang imposible ito this year
personal
matapos ang thesis-kung kakayanin pa, kung papayagan pa ako ng unibersidad naming mahal.
makapagpasalamat sa lahat ng tumutulong, sumusuporta at nagpapakita ng pagmamahal
more spiritual growth for me-more simba, more dasal, more spiritual connection - ito ang kulang sa akin noong 2014.
sana mag-improve ako rito. ramdam ko, ang layo ko sa diyos samantalang andami kong natatanggap na blessings
hahaha so para magbago na ito, noong sunday, nag-mass kami. uli. for a long time! yey!
matutong magmaneho!
makapag-post nang marami sa blog na ito.- sa totoo lang, mula nang nalaman kong marami na ang nagbabasa ng blog na ito, medyo nailang na akong mag-post na lang ng kung ano-ano. parang bigla akong kinabahan :(
work
matapos ang ramon magsaysay- editing ng translation na lang
translation ng rizal without the overcoat (target: summer)
makapaglabas ng mga aklat ang balangay. sana more than one. ebook or printed, okey sa akin.
matapos ang lira books para sa 30th anniv nito
makapaglabas ng collection ko ng mga tula-marami na rin! 12 years worth.
makapagpatuloy sa pagtuturo sa PCC
madagdagan ang monthly at regular na raket
mai-launch ang raining mens
mai-launch ang paper towns
mailabas ang ken spillman translation ko. kahit thru balangay lang. my gad. antagal na neto.
matuloy pa sana ang IP story ko for children. isa pa ito, antagal na rin. my gad.
bless this list.
Hello, 2015. i am so ready for you! Welcome!

Published on January 12, 2015 03:05
January 9, 2015
Rebyu ng Pelikulang English Only, Please!
ni Bebang Siy para sa kolum na KAPIKULPI
Happy YOU year sa lahat ng mambabasa ng KAPIKULPI!
Kamakailan lang ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makapanood ng dalawang pelikulang bahagi ng Metro Manila Film Fest 2014. Ito ay ang English Only, Please! at ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.
Uunahin ko sa rebyung ito ay ang English Only Please! o EOP. Ang verdict ko: nakakatawa, nakakakilig pero mababaw ang nasabing pelikula.
Ang EOP ay pinagbibidahan nina Jenny Lynn Mercado at Derek Ramsay na siyang nakatanggap ng Best Actor at Best Actress Awards sa MMFF. Actually, kaya ko piniling panoorin ang EOP ay dahil curious ako sa husay ng acting ng dalawang artista sa pelikulang ito, at maganda rin naman ang reviews.
Ang EOP ay tungkol sa isang Fil-Am na si Julian na nagtatrabaho sa New York, I think, as a bank analyst, kung tama ang pagkakaalala ko, at kay Tere na isang language tutor na tubong-Bulacan pero naninirahan sa Quezon City.
Sa US pa lang, naghahanap na ng tutor si Julian sa Pilipinas at natagpuan nga niya si Tere sa internet. Nagpunta siya sa Pilipinas dala ang isang liham para sa ex-girlfriend. Puno ito ng masasakit na salita, at ito ang ipinapasalin niya kay Tere from English to Filipino. Nagpapaturo din siya kay Tere kung paanong bigkasin na parang declamation piece ang laman ng sulat. Tinanggap ni Tere ang trabaho dahil ang alok ni Julian ay... $1000 for one month. Yes, as in one thousand dollars. (Dito pa lang, halata nang fantasy ang dapat ay romantic-comedy lang na pelikulang ito, haha!)
Si Tere naman ay isang napaka-hardworking na tutor, tatlo-tatlo ang kliyente niya sa isang araw. Dalawang Korean at isang Pinay na mag-aasawa ng foreigner. Kahit nahihirapan siya dahil palipat-lipat siya ng venue para lang makapagturo, puro home-based kasi ang tutorials niya, ginagawa pa rin niya nang maigi ang kanyang trabaho. At dalawa ang kanyang inspirasyon: ang pamilya niya sa Bulacan na nagpapa-second floor daw ng kanilang bahay, at ang pseudo boypren niya.
Ang problema ni Julian, gusto pa rin niya ang ex-girlfriend niya, kahit na iniwan siya nito sa New York at ipinagpalit sa buhay sa Pinas. Ang problema ni Tere, abusado ang pseudo boypren niya. Sex, pera at gadgets lang ang habol sa kanya. Andami rin nitong ibang babae at higit sa lahat, ayaw makipag-commit sa kanya. Finally, natauhan sina Julian at Tere na walang patutunguhan ang puwesto nila sa relasyon. Kaya nag-promise sila sa isa’t isa na magtutulungan silang limutin ang mga walang kuwentang jowa.
Doon sila na-develop. At nagkatuluyan sila sa ending.
Magagandang puntos ng pelikula:
1. Very Pinoy ang humor. Paborito kong eksena ay ‘yong sa barker at kay Tere. Kung foreigner siguro ang makapanood nito, hindi maiintindihan kung bakit panalo ang eksenang ito. Natatawa rin ako sa paulit-ulit na pagbanggit sa trapik sa EDSA.
2. Maraming Pinoy elements tulad ng videoke at street food (isaw, betamax at balot). Tinuruan ni Tere si Julian na kumain nito. Isa pa ay ang pagtatrabaho ng isang tulad ni Tere sa metropolis habang ang pamilya ay nasa probinsiya. Usually, breadwinner ang nasa metropolis at nagpapadala lang ito ng pera sa mga mahal sa buhay (na mga lasenggo naman at tambay lang, palaasa in short). Pag walang trabaho ay umuuwi ang breadwinner sa kanyang pamilya. Isa pa ay ang presence ng tricycle, dyip at provincial bus. May eksenang nakasakay sa dyip at bus sina Julian at Tere. Wala, kilig moments lang naman. Meron ding papasakay si Tere sa tricycle at nag-side comment pa si Manong Driver sa kanilang dalawa. Ang presence ng Koreans sa Pilipinas ay naipakita rin nang maayos. Nagustuhan ko rin ang job interview ethics ng mga Filipino na siyang opening scenes ng EOP noong iniisa-isa ni Julian ang candidates sa pagka-tutor. May isang nagpa-interview sa isang internet shop na pugad ng mga DOTA players, so napakaingay at di makapag-concentrate ang interviewee. May isang babaeng naka-sexy blouse at heavy make up, para siyang nag-a-apply para sa isang trabahong panggabi! May isa namang bading na naka-heavy make up at costume, parang pang-comedy bar ang ina-apply-an niya, at pagkatapos basahin ni Julian ang ipapa-translate niya sa Filipino, sabi ng bading, “I-PM mo na lang sa akin, then I will translate it for you.” Inutusan pa ang future amo!
3. Mahuhusay ang mga aktor. Hindi OA ang acting. Kaya lang hindi pang-award! Palagay ko ay hindi naging malaki ang effort ng mga aktor sa pagganap sa kanilang role. May mas deserving pa sa mga award na ito.
4. May isang katangian si Tere na kaiba sa usual bidang babae ng romantic films sa Pinas. Hindi siya virginal. Napakaraming eksena sa motel. Hindi steamy ang mga eksena pero ipinapakita doon na nakikipagtagpo siya sa kanyang pseudo boypren sa ganong lugar at laging siya pa ang excited sa kanilang pagkikita. At... mukhang madalas din na siya ang nagbabayad sa “date” na iyon. Kadalasan, ang mga bidang babae sa Filipino films na kauri ng EOP ay wholesome, inosente, naive at hindi malibog. Kabaliktaran si Tere. Aba, realistic!
5. May bookshelves (na puno ng books) sa coffee shop na napili para pagdausan ng tutorial sessions. I love that place. Ilang beses ding nagpakita ng books at dictionary ang EOP. I’m a book advocate!
Pangit na puntos ng pelikula
Mas marami ito. Get ready.
a. Mababaw. Rom-com lang talaga siya. Napakaraming isyu ang natalakay sana ng pelikulang ito. Halimbawa: pagtuturo ng Ingles bilang kabuhayan ng mga Filipino na iba ang inaral noong kolehiyo (sa kaso ni Tere, nursing), mga isyu sa translation, tutal naman ay maraming salitang binibigyang-kahulugan sa buong pelikula, at ang pagdagsa ng Koreans para mag-aral ng Ingles at ang tiwala nila sa mga Filipino para ituro ito sa kanila. Maganda rin sanang ipunto ang pagiging mahusay sa wika ni Tere at siguro ay dahil taga-Bulacan siya, ang tahanan ng dakilang manunulat ng bayan, si Francisco Baltazar. Sana man lang ay nagkaroon ng agenda hinggil sa mga usaping pangwika ang pelikula. Magiging aligned pa rin ito sa kabuuan ng pelikula dahil pamagat pa nga lang, may pangalan na ng wika.
b. Maraming hindi naipakita ang EOP. Halimbawa, bakit magaling mag-Ingles si Tere? Nursing major siya! Sa bahay nila sa Bulacan, hindi naman sila English speaking. Ang kanyang ina ay simpleng housewife, absentee ang tatay (ni hindi ito binigyan ng background!). Walang palatandaan na puwedeng magsabing naging impluwensiya niya ito sa kanyang pagkatuto sa wikang Ingles.
c. Nakaka-distract ang sobrang pink na mga pisngi ni Tere. Palagay ko, color blind ang director, haha!
d. Laging maiksi ang damit ni Tere. Napaka-unrealistic nito lalo pa’t commuter si Tere. Lagi niyang sinasabi, “Trapik sa EDSA.” Pag nag-commute siya nang nakaganon, lagi siyang mababastos. Isa pa, tutor siya. Teacher. Pero may mga damit siya na hindi na pang-teacher. Kahit home-based ang tutorials, madalas ay disente pa rin ang damit ng tutor.
e. The usual pair sa mga romantic films: si Girl, perky, maingay, colorful, mabait sa pamilya, si Guy, mayaman, me galit, seryoso, may something sa loob. Parang lamat. Sa EOP, ganon din ang mga bida. Nakakasawa na.
f. Walang relevance ang Bulacan bilang hometown ni Tere. It could have been any other province. Walang touch of Bulacan culture na ipinakita rito. Sayang.
g. Sabi nga ni Poy (ang asawa ko na siyang kasama ko sa panonood nito), napakababaw ng liham. Malaking bahagi nito ay naipa-translate na ni Julian kay Tere noong nag-a-apply pa lang si Tere sa kanya. Kailangan ba talagang dito umikot ang pagkikita ng dalawang bida? Sana ginawa na lang na mas komplikado ang liham, o di kaya, may iba pang ipinaturo si Julian kay Tere.
h. Puro close up ang shots. Nakakabobo. Para lang akong nanood ng mahabang episode ng teleserye, pero hindi sa TV kundi sa sinehan. Parang ang layunin ng bawat shot ay magkaroon ng mahabang air time ang mga mukha ng lahat ng artista.
i. Maganda sana ang character ng batang inaanak ni Tere. Parang matalino ang bata, very mature at reasonable. Puwedeng-puwedeng magpayo kay Tere. Pero hindi ito na-maximize. Isang beses lang siyang nag-blurt out ng kanyang wisdom. Ang kausap pa niya, sariling nanay, hindi si Tere.
j. Inabangan namin ang malupit na eksena kung saan maha-highlight ang pag-acting nina Jenny Lynn at Derek. Hindi ito dumating. Kaya nawirdohan ako na sila ang nanalo ng awards para dito.
k. May ilang bahagi ang script na pangit. Halimbawa ay ang crucial na ending kung saan nagtatapat na si Tere kay Julian. Wala na akong maalala sa mahahabang linya ni Tere kundi ang pag-uulit-ulit lang ng salitang tanga.
l. Medyo na-cheap-an ako sa mga eksena kasi puro interior lang: sala at kuwarto ni Tere, hotel room ni Julian, mga motel room, mga sala ng bahay ng Koreans, dining area ng isa pang estudyante ni Tere, dining area ng bahay nina Tere sa Bulacan, coffee shop na parang library. At tight shots pa ang mga ito. Pag nasa exterior naman, tight shots din. Parang nakikinita kong budget ang naging hadlang sa sana ay mas diverse na shots ng EOP.
May promise ang team na bumuo ng EOP. Buo ang kuwento nila at nailahad naman ito nang maayos. Siguro ay konting push pa. At konti pang kinis sa script bago nila isalang sa production. At higit sa lahat, lagyan naman nila ng agenda ang pelikula, huwag naman puro kilig-kilig only, please!
Abangan ang rebyu para sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo.
Kung may tanong, komento o mungkahi, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.
Published on January 09, 2015 02:35
December 31, 2014
Mula sa book advocate na si Orly Agawin
Four Years with Flips Flipping Pages (part 1)
by Orly Agawin
Mantakin n’yo? Apat na taon na pala akong miembro ng Flips Flipping Pages! Dati rati, magisa lang ako kung magbasa. Ngayon, maingay na ang mga pagbabasa. May mga ka-inteact na ako. Hindi na malungkot. Kapag napangitan sa binasa, may madudulugan ng reklamo. Kapag maganda naman, may makakasama sa celebration. Kapag ok-ok lang, meron akong nakakasama sa kapihan.
September 2010 noong una akong naimbita na at nagka-schedule para um-attend ng book dicussion. Si Peter kasi ang moderator, kaya medyo nabawasan ang dyahe ko. Late pa kong dumating noon dahil sa Saturday dance class ko, kaya nasa labas ako ng big table nina Peter. Pero OK lang naman daw, sabi ni Peter. Observe-observe lang daw muna ako. I don’t need to participate kung ayaw ko. Basta tingnan ko lang daw kung magugustuhan kong sumali. Wala namang bayad. Walang membership fees. “Basta pumunta ka lang,” sabi nya. No strings attached. If you could read the book before the discussion, the better. No pressure.
WOMAN IN BLACK ni Shirley Jackson ang book of the month noon. Hindi ko na naabutan ang introductions ni Peter, pero nakaabot naman ako sa actual discussion.
Siempre, hindi naman porke bago ako, e hindi na ko mag-pa-participate, ano? Nabasa ko naman ung libro (which was the first book I read in e-format). Epal na kung epal. Bakit ba?
Flips Flipping Pages came to me at a time when I needed a new diversion. Noong mga panahon na yun kasi, I got into a depression that lasted for more than a year. Ayoko nang magtrabaho at magbasa at makipagusap at mabuhay. Kung sinusundan ninyo ang mga kwento ko dito, alam nyo ang sinasabi ko.
From then on, nagsimula akong magkaroon ng bagong diversion. Bagong mga kaibigan din. Ok silang lahat. Walang tapon.
Yes, payat pa ako noon. At mataba pa si Peter. Makikilala ako ng mga kapwa ko Flippers na katulad ng bola ang patalbog-talbog kong timbang through the years. At nagbayad ako sa mga panlalait ko sa timbang ni Peter noon.
Eventually, nakapag-volunteer akong mag-moderate ng discussion. Unang librong minoderate ko ay ang unang Anthology ni Bebang Siy. Yes, ang IT’S A MENS WORLD.
Nagpauso pa ako ng T-shirt Project. Pinapili ko ang mga miembro ng pinaka-bet nilang salita o phrase sa koleksyon ng mga kwento ni Bebang. Tapos gumawa kami ni Shani ng T-shirt design. Tapos pina-print namin. Tapos, yung mga shirts na yun ang pwede lang isuot sa mismong discussion. Ang hindi naka-T-shirt, pangit. O walang lovelife. O pagtsi-tsimisang klosetang-bakla, o lipstick-lesbian.
Ang pinili kong salita ay, Nyemas (para sa puñeta). Glitter-glitteran ang prints ko. Siempre, ako moderator e. Bakit ba? Ginamit ni Bebang ang salitang ito sa isa sa mga kwento nya noong nainis siya sa isang situasyong hindi niya kayang lusutan.
Yung ibang mga Flippers naman, kanya-kanya. May Chicklet (sikat na chewing gum noong 80s), Madugo, Tagos, Regla (usapang coming-of-age kasi ito ng babae, e), Kilig (sa first crush ni Bevs), Award (minsang ginamit ni Peter sa pagtatapos ng kanyang speech bago i-abot ang Reader’s Choice Award kay Bebang para sa IT’S A MENS WORLD), First Crush at marami pa.
At dahil naging malapit sa book club namin si Bebang, napaunlakan niya kami. Pumunta siya sa discussion. Kinabahan ako noong una. Hindi ako sangayon sa pagpunta ng awtor sa mga discussions ng libro nila. Mataas kasi ang pagtingin ko sa prinsipyong Reader’s Response. Mas mataas kaysa sa mismong awtor. Pa’no na magiging malawak ang talakayan kung naroon ang gumawa? E, pa’no kung meron may ayaw ng gawa n’ya? Pa’no kapag kailangan na naming bigyan ng kanya-kanyang ratings ang libro? Hindi man nakakahiya, hindi malabong mag-alangan. Parang nakatungtong ka sa numero. Nababawasan ang academic freedom.
Pero nagulat ako noong sinabi sa akin ni Bebang na gusto n’yang pumunta. Kung OK lang ba? “Hayaan mo, Orly.” Sabi n’ya sa akin noong ininterbyu ko siya ilang araw bago ang discussion. “Doon lang ako sa isang sulok. Promise, hindi ako magsasalita. Makikinig lang ako.”
Aba! Talagang hindi kumibo ni isang beses ang lola n’yo! Nakinig lang siya. ‘Ni hindi siya tumayo o nag-CR. Parang hiyang hiya pa siya. Considering na lahat ng mga nag-attend noon ay natuwa at naaliw sa libro n’ya. Mas tumaas ang respeto ko kay Bevs noon. Totoong nasusukat ang halaga ng gawa, hindi dahil sa kung sino ang nagsulat, kundi dahil sa kung papano ito tinatanggap ng mga mambabasa.
Tapos may mga actual readings kami. I randomly picked ten members to do interpretative readings of their most favorite stories from the book. Excerpts lang naman. Doon ko napatunayan kung gaanong ka-competitive ng mga Flippers. It actually became the highlight of the discussion.
Matapos ang discussion, binigyan siya ni Mother Flipper Gege ng boquet at ilang mga items na binanggit niya sa libro.
Hindi ko na ma-remember kung bakit sobra ang hagikhik ni Bebang dito. Lagi naman siyang ganun e.
Sa unti-unting pagkilala ko kay Bebang, nalaman kong pareho pala ang High School alma mater namin. Dalawang taon lang ang pagitan namin, kaya nagka-abot kami noon sa PCU-UHSM. Pero hindi ko siya nakilala noon. Siguro dahil matangkad ako at maliit siya. Maitim ako at maputi siya. Sa lowest section ako, at sa Cream Section siya. Pero naging favorite adviser niya ang favorite literature teacher ko noong High School, si Ma’am Espie. When we learned about it, mas naging matatag ang pagkakaibigan namin.
At dahil malawak na ang naabot ng technology natin ngayon, the least we can do is let her know how she has changed us wonderfully. Bebang, into an award-winning author, and me into an active reader.
Bebang Siy’s IT’S A MENS WORLD is an anthology of stories written by a Filipina-Chinese author that tackles the issues of growing up, falling in love, and finding one’s identity in a family and a society torn between judging and embracing womanhood. It won the READER’S CHOICE AWARD in 2012. Ngayon, marami nang mga lumabas ng libro si Bebang, ITS RAINING MENS, MARNE MARINO, at NUNO SA PUSO parts 1 and 2, but if you want to get a feel of how Bebang writes about her struggles and how she fights for her own identity, magandang simulan ang inyong Bebang (s)experience sa librong ito.
Siempre, may group photo kaming lahat with the author after the event.
Una pa lang yan. May sumunod pa akong discussion na ako rin ang nag-moderate. Abangan bukas.
Masyado na itong mahaba! To be continued.
P.S. Thank you, Rhett for the wonderful photos. Hanggang ngayon nakikita pa rin namin the fun that we had. I love you! Nanay and I are continually praying for you and your mom!
Ni-repost nang may permiso mula kay G. Agawin. Narito ang orihinal na link:
www.jellicleblog.com/4-years-with-fli...
Daghang salamat lagi, Orly, kapatid. Aaat... kailan ang labas ng RTW project?!

Published on December 31, 2014 06:47
December 29, 2014
Mula sa mambabasa at journalist na si Jord Earving Gadingan
Nabasa Ko Yung Nuno sa Puso
ni Jord Earving Gadingan
Mahal kong mga mambabasa (kung meron man):
Nabasa ko yung Nuno sa Puso. Kambal na aklat ni Bebang Siy mula sa mga advice columns niya sa Responde Cavite. Tungkol ito sa mga problema sa pag-ibig, relasyon, at praktikal na buhay. Dalawa ito (kambal nga e), isang kahel at isang asul ang pabalat. Kung personal mo 'kong kilala, malamang ito sabihin mo: "Si Dyord? Dapat binabasa n'yan hindi "Nuno sa Puso" kundi "Nuno sa Pusong Bato". Say what you want pero binasa ko talaga ito.
"Gawin mong light", ang gaan ng pabalat ng aklat na guhit ni Sean (anak ni Bebang) at cover design ni Poy (asawa ni Bebang). Gaya ng dapat pagsalubong at pagtingin natin sa mga problema sa buhay, kailangan magaan at may kulit.
Hindi ako mahilig sa mga advice columns dahil mukha namang obvious ang sagot sa mga problema noong senders. Hindi ko nga alam kung totoo ba yung mga letter senders. Pero mahalaga ang ganitong babasahin, sa dahilang: Una, kung totoong nag-eexist yung sender, nagkakaroon siya ng avenue para ilabas ang kanyang mga kabigatan sa life lalo na kung wala siyang mapag-kwentuhan. Kapag inipon kasi ito ng inipon, baka sumabog na lang siya one day. Pangalawa, kahit na minsan may desisyon na yung sender sa gagawin niya, nagkakaroon siya ng oras magtimbang-timbang at mag-consider ng mga mas mainam na sagot sa problema niya. Pangatlo, nagkakaroon ng pagsilip ang mga mambabasa sa buhay ng mga tao sa paligid niya at makikita niyang hindi pala isolated case ang problema niya dahil nararanasan din ito ng ibang tao. Kung ang problemang isinasangguni ay hindi pa nararanasan ng mambabasa, magkakaroon siya ng clue kung paano idi-deal ang mga ganitong problema sa hinaharap.
Maganda ang iba't-ibang pag-atake ni Bebang sa mga problema. Hindi siya preachy mag-payo. Bibigyan ka niya ng options na pwede mong subukan. Para ka lang nakikipag-usap sa tropapeeps mo. Ipapakita niya rin sa'yo na hindi siya palaging tama at nasa sa'yo ang huling halakhak kung tama ang desisyon mo.
Isa sa mga paborito ko sa mga isinangguni sa kanya ay 'yung tungkol sa two-timer. Rak na rak ako 'ron katatawa. Napaka-kwela rin ng kanyang mga closing (Ito talaga yung inaabangan ko sa bawat column). Ito ang ilan sa mga paborito ko: Nakalipstick ng itim, Empowering the Prince Charming, Ngumingiti kahit tag-ulan, at Patukso-tukso na lang.
Ang bonus pa rito ay matututo ka ng mga lugar sa Cavite kaya basahin mo na rin!
Ang blogger na walang reader,
Dyord
Ni-repost ito nang may permiso mula kay G. Gadingan. Narito ang orihinal na link:
http://tsa-tsub.blogspot.com/2014/12/...
Daghang salamat, Jord. Kailan uli tayo pupunta sa SLSU?!

Published on December 29, 2014 07:11
Bebang Siy's Blog
- Bebang Siy's profile
- 136 followers
Bebang Siy isn't a Goodreads Author
(yet),
but they
do have a blog,
so here are some recent posts imported from
their feed.