Ligo Na U, Lapit Na Me Quotes

Rate this book
Clear rating
Ligo Na U, Lapit Na Me Ligo Na U, Lapit Na Me by Eros S. Atalia
2,562 ratings, 3.86 average rating, 140 reviews
Ligo Na U, Lapit Na Me Quotes Showing 1-15 of 15
“Kumikirot ang tyan? Kumikirot ang ulo? Correlation? I therefore conclude na ang utak ay parang tyan, sumasakit kapag walang laman.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“Kaya nga sa fairy tale, lagi na lang sinasabing 'and they live happily ever after' kasi hindi maikwento ano talaga ang naging ending. Nung magpakasal ang prinsesang maganda sa isinumpang prinsipe na naging palaka na bumalik uli sa pagiging gwapo ng prinsipe(matapos mahalikan), hindi pa naman ending yun. Kalagitnaan pa lang ng buhay nila yun. Ilan ang anak nila? Nanganak kaya ang prinsesa ng butete? Ano ang nangyari sa kanila nung tumanda sila? Sino ang unang namatay? kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“Totoo pala na kulang ang salita para sa lahat ng nararamdaman.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
tags: truth
“Meron bang taong walang itsura? Anu yun, abstract?”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“Hindi lahat ng tama, totoo.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“Mabuti na nga siguro yung ganito, na papaniwalain ko sya na hindi ko sya mahal at baka sakali, sa ganitong pamamaraan ay minamahal nya ako.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“Pukang ama talaga, sa karami-ramihan ng pwedeng siksikan nya, bakit sa isip pa.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“Mas sumaya nga lang nang dumating sya. Pero bakit nung umalis sya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa sya dumating?”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“E, kung lahat kami, special... Sino pa ang hindi special? Kaya nga special , hindi pangkaraniwan. Kakaiba. Kung pareparehas kaming special, sino pa ang special? Para maging special, dapat may egg, may dalawang scoop ng ice cream, may ube't leche plan.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“Bakit kahit simpleng pagmamahal ay kinakailangan ng materyal na kapital?”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“Hindi naman porke’t may hiwa at dyoga ay okay na. Titigas na. Hindi naman DPWH ang kargada ko na “Basta may lubak, tambak. Basta may butas, pasak.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
tags: humor
“Pero kung meron talagang may himala, gusto kong muling makita’t makausap si Jen. At kapag nangyari ‘yun, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Huhubarin ko na ang kahihiyan ko. Itatapon ang pag-aastig-astigan. Hindi na baleng iwan nya sa huli kapag nalaman nyang mahal ko sya, na nababaliw na ako sa kanya, na gusto kong maging officially kami na. Kung sakaling magbago sya ng isip, na hindi nya na iiwan ang lahat ng nagmamahal o nababaliw sa kanya, kung sakaling hindi na rin sya nag-astig-astigan o nagmanhid-manhidan, isusumpa ko sa ngalan ng mga lamang lupang hindi matahimik sa pagmumura ko sa gabi at mamatay man ang lasenggero naming kapitbahay… Pukang ama… Hindi ko na sya pakakawalan.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“Kung pareparehas kaming special, sino pa ang special?”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“[D]ahil ang pagmamahal ay hindi lang nararamdaman kundi naiisip din, at kapwa ang pandama at pag-iisip ay pinoproseso sa utak, siguradong tigok on the spot kapag pinabaklas ito.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me
“[M]ay mga taong sukat na lang dumarating at umaalis nang hindi tayo nagmamalay kung saan nanggaling at kung saan na napunta.”
Eros S. Atalia, Ligo Na U, Lapit Na Me