Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ligo Na U, Lapit Na Me

Rate this book
Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong.)

Si Intoy, sa kauna-unahang pagkakataon, parang natuto na yatang magmahal pero hindi tiyak kung minahal ba sya o kinailangan. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang Math problems, tama ang sagot, hindi nga lang maipakita na tama ang solution...

Narito, ang isang nobelang(?) may asim ng romansa, pait ng pagkabigo, tamis ng ligaya alat ng pamumuna at anghang ng kaastigan. Handa ka na ba?

185 pages, Mass Market Paperback

First published January 1, 2009

178 people are currently reading
3537 people want to read

About the author

Eros S. Atalia

12 books538 followers
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
1,039 (40%)
4 stars
577 (22%)
3 stars
606 (23%)
2 stars
226 (8%)
1 star
109 (4%)
Displaying 1 - 30 of 138 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 21, 2014
My review after rereading the book in 2014

I reread this book because Professor Eros S. Atalia will be our guest in our book club, Pinoy Reads Pinoy Books on January 10, 2015. This book won over his other works like Tatlong Gabi, Tatlong Araw (2 stars), It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012 (2 stars) and Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) (3 stars). Since this is my fifth time to read a book by him and after meeting him twice in person, I would have a change of heart towards this particular book, his most popular one here on Goodreads.

Sadly, I did not. It's not that this book is nonsense really. I just think that I am too old already for Intoy's rants. The plot is too thin (see the summary in my original review below). What makes the bulk of the book is what's going on inside Intoy's mind as a young man: from what goes on in the classroom particularly the lessons that his teachers in Creative Writing, Political Science, Physics and Ethics are tackling. Then his family particularly how poor they are with parents barely making their ends meet. Finally, all the rests are about his girlfriend Jenny and their relationship or the end of their relationship.

Maaring sabihin na nating ang pagkawala ni Jenny ay metaphorya ng aktuwal na "pagkawala" ni Intoy sa magulong siyudad ng Maynila. Paghahanap ng kanyang lugar sa ilalim ng araw ngayong magsisimula na niyang ikampay ang kanyang mga bagwis upang magsimulang kumita at bumuo ng pamilya. Sa usaping politikal, naririyan ang impluwensiya ng mga pamahalaan at korporasyon na dahilan marahil kung bakit nahihirapan syang humanap ng trabaho. Nariyan ang usapin ng edukasyon kagaya ng "paano makakatulong ang pagiging banal na Katoliko upang mapaunlad ang Pilipinas." Mga tipo ng tanong na masasabing mag-katuturan at makatutulong upang magpalawig ang pagiisip ng mga kabataan (na siyang target ng aklat) sa darating na mga taon na sila naman ang hahawak ng mga posisyon sa gobyerno, pribadong sektor o bilang mga magulang sa kanya-kanyang pamilya. Kung susumahin mo, may mga magagandang punto ang aklat na ito. Pero karamihan nga lamang ay mga usapin o tagulalay ng isang batang lalaki na hindi na talaga para sa akin. Ako na singkuwenta anyos na.

Yon lang. Siguro naman, di ko na babasahin ito sa pangatlong pagkakataon. Tama na.

My review after reading the book in 2011

So that my non-Filipino friends will understand my review, I will first write in English and will later translate in Tagalog, the lingua franca in the Philippines. Normally, my review’s language depends on the book’s but I thought it would be fun to have two reviews so I can practice writing in both.

Ligo na U, Lapit na Me literally means “Take a Bath, I am Near.” This is what's supposed to be horny husbands text their full-time willing wives when they are about to come back home from a hard day’s work.

This is a story of a young Filipino college guy, Intoy in his last year in the university and afterwards his attempt to get a job. On his last year of schooling, he meets Jen a liberated senior who is so beautiful that all guys in the campus want to date her. Enters the plain-looking Intoy who, because of his look and being ordinary (translation: poor) thinks that he has no chance whatsover, totally ignores her. Intrigued, Jen befriends Intoy and they end up as, using their term, ”friends with benefits and perks” (translation: bedmates without commitments). Later, Intoy feels that he is already in love with Jen so he is ready to say “I love you” to her. However, Jen says that she is pregnant and the child is not Intoy’s. So out she goes from Intoy’s life and has to leave the school without finishing college.

The rest of the story is about Intoy missing Jen and his first year in job-hunting. I will not tell you the rest so as not to spoil your fun. Not that I expect you to read a Tagalog novel (I have no non-Filipino friend who can read Tagalog here in Goodreads unless you are a Fil-Am or Canadian-Am and I know you can understand a little but I am sure you do not have a patience to read a full length novel) but I know my Filipino friends here in Goodreads can understand English perfectly and some of them also read this kind of novel so I will stop here. Suffice it to say that it is a typical plain-and-simple love story of young people, very sexually compatible (with each of the many motel encounters plainly described), but the circumstances they are in seem to be saying that they are not meant to be together just yet or maybe forever. The novel ends that way.

As in, bitin. Sabi sa blog: “Tigil na U, Irita na Me”. Over naman. Pero totoo. Anak ng baklang baka (ekspresyon ni Intoy kapag nagagalit). Gaya-gaya puto maya itong si Professor Eros “Intoy” Atalia kay Bob Ong. Naturingan pa namang nagtapos ng BSE-Fil sa Normal University at may master MALL-Fil sa La Salle. Nagkamit pa ng kung anu-anong award sa pagsulat gaya ng Palanca, Gawad Soc Rodrigo at kung ano-ano pang anik-anik na gantimpala sa pagsulat. Pareho sila ni Bob Ong na taga-Visprint. Malay nga natin, si Bob Ong pala at si Eros Atalia ay iisa. Di rin natin masisi si Prof. Atalia dahil ito siguro ang gusto ng mga mambabasa. Magaan lang basahin kaysa nga naman makidalamhati ka sa pagdurusa ng mga karakter sa libro nina Lualhati Bautista, Liwayway Arceo o Ellen Sicat, dito ka na sa kaaliw-aliw na kuwentong naglalarawan ng pangkaraniwang pamilyang Pinoy. Bakit nga ba gustong-gusto ito ng mga tao? Malinis ang pagkakasulat: prosa man o literal. Wala halos typographical errors. Maputi ang papel at kahit medyo mabasa ay di matutunaw. Maganda ang cover kaya di ka magmumukhang weirdong nagbabasa ng tungkol sa mga magsasakang pinapatay sa pilapil, inang nagpapakasakit sa ibang bayan o NPA na patago-tago sa dilim ng gabi o mga kagayang ng mga iyan na paksa na para kang nagdudunung-dunungan habang nakaupo sa MRT. Cool kung ang hawak mo ay Bob Ong o Eros Atalia dahil masa kang may normal na taste kaysa sa intellectual na baka sabihin pa ay high school teacher ka o professor ng Fil101 sa college. Mahiya ang mga nagwa-gwapuhan o nasiseksihan na lumapit sa yo.

Bob Ong. Eros Atalia. Walang pagkakaiba kundi tinalakay ni Eros dito ang job hunting at ang buhay-estudiyante sa kanilang huling taon sa kolehiyo. Isang lalaki at isang babae na parehong mahilig sa sex na walang commitment. Unang pag-ibig para sa mukhang sanggano na si Intoy at isang campus figure na si Jen. Tapos sa sobrang dami ng sexmates ni Jen, nabuntis at nawala sa buhay in Intoy. Ang pagkakalahad ay pareho ng kay Bob Ong. Walang pinakaiba: may mga komentaryong nakakatuwa minsan pero parang narinig o nabasa mo na sa kung saan. Hindi mo lang pinansin dahil hindi kapansin-pansin. Tapos mababasa mo: ha, nakakatawa pala yon? Mahilig rin syang magbitaw ng tanong na sasagutin nya ng pa-pilosopo kagaya ng totoo bang siyam ang buhay ng pusa? Itapon kaya ba nya raw mula sa mataas na gusali. Marami ring brown humour na nakakadiri at nakakarimarim kagay a ng suka, tae na gagawin daw figurines, atbp.


Forgettable work. Librong madali mong makakalimutan.

Waste of money. Sayang ang pera

But this is what most Filipinos read nowadays. Pero ito ang binabasa ng mga Noypi ngayon

So who am I to critique what majority wants to fill their brains with. Walang basagan ng trip!

Who knows, someday, I might write a novel like this? Sabi nang walang basagan...
Profile Image for Ayban Gabriyel.
63 reviews63 followers
August 17, 2011
#4 Libro ng Agosto

"Ligo na U, Lapit na me book and movie fans, please don't hate me"

Isa sa librong matagal ko nang gustong-gustong basahin at ngayong nabasa ko na sya! Nadismaya lang ako.

Isang istorya ang isang karaniwang lalaki na may pangkaraniwang itsura(hindi naman daw sya pogi, pero ayaw nyang masabihan ng may itsura kasi nga naman lahat tayo merun nun)at may hindi masyadong karaniwang pangyayari nang natripan sya ng isang magandang kolehiyalang chick na gawing fuck buddy. Isang love story na from Lust to Love, ang pagka-inlove ni Karl Vladimir Lennon o Intoy for short, sa isang wierdong chick na mahilig magpakamot. High profile chick sa kanilang campus na nagngangalang Jen na di lang maganda may kaya pa. Isang kakaibang relasyon ng isang babae at lalaki na, na pagnangati paki kamot pero walang comitment walang pag-ibig, benepisyo lang.

Sinulat ni Eros Atalia, isa sya ngayong propesor sa isang prestihiyosong unibersidad na nasa loob ng intramuros. Infairness sa author, hindi malaswa ang pagkakasulat nya sa mga bed scene ng mga karakter nya, hindi mga umaatikabong damdamin ang mababasa mo tulad sa Xerex. Konti lang din ang typo error nito, yun nga lang konti lang rin ang laman. Kung istorya, may istorya naman, istorya ng isang pag-ibig na sana, na nilipad ng hangin. Buhay estudyante na sapat lang ang allowance, kwento ng pamilya, paghahanap ng trabaho at kung anu-anu pa. Pero kung may istorya man ito(tulad ng sinabi ko), marami rin itong blah,blah,blah. Mga pasakalye ng sumulat at mga bagay na hindi mo na kailangang malaman dahil alam mo na pero sinulat pa nya. Merun din itong pagpuna sa mga bagay bagay na malamang alam mo na rin, mga banat ng joke na malamang alam mo na talaga( anu ang mas matulis, ngipin o pwet?), mga pagpuna sa mga sabi-sabi at ibang bagay tulad ng pusa sa siopao. At ang taning pagpuna na nagustuhan ko, ang pagpuna sa pag samba, ikapu at mga bagay na may kinalaman sa relihiyon, yun nga lang, puna lang. Puna.

Hindi ko masasabing maganda ito, pero hindi ko rin matantsa kung pangit, at lalong hindi ko ito irerekomendang basahin ng kaibigan o kapatid ko. Gaya nung sinulat ko sa panimula na dismaya ako, kasi hindi tulad ng inaasahan ko na magandang libro, dahil maingay nag titulo nito lalo na sa mga kabataan ngayon. Siguro kung nagustuhan mo ang mga sulat ni Bob Ong magugustuhan mo to, lalo na kung fan ka ng Favorite book of Judas. Wala akong nakita sa librong ito, wala rin akong napulot na kunga anu man, at kung meron man akong nakita, hindi ko na yun dapat pulutin pa.Madaling basahin, madaling intindihin at madali ring kalimutan. Ito yung klase ng libro ayaw ayokong makita na binabasa ko sa publiko.

Hindi naman sa hindi ako nakarelate sa buhay pagibig ni Intoy, pero kung tatanungin, aba'y bihira ang ganyan, at kung makarelate ka man, ikaw nga si Intoy. Hindi naman na bago ang buhay pag-ibig sa akin at lalong lalo na ang pagkabigo.(naks!)Lahat naman ata ng lalaki nakadanas nyan. Ang alam ko lang, mahirap hanapin ang ayaw magpahanap. Lalo na kung hindi mo naman pala talaga kilala ang taong hinahanap mo. At kung ako ang tatanungin mo, tila iba naman ang hinanap ni Intoy, hindi si Jen, kung hindi ang init ni Jen at paglunok nito ng dagta nya.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng adaptasyon ito sa pelikula, at nakasama pa nga ito sa Cinemalaya 2011, at nanalo pa si Intoy ng Best Actor award. Hindi ko rin napanuod ito sa CCP nung Hulyo kasi laging sold out ang ticket at lalo lang itong nagpasabik sa akin na basahin at libro ang lalo lang akong naglumo ng nabasa ko ito. Pero papanuorin ko pa rin to sa Setyembre(kung kailan nakatakdang ipalabas ng pelikula nationwide at na approve ng MTRCB at take note, no cuts :D) OO papanuorin ko ito hindi lang dahil sa sexy scene at sa hubog ng katawan ni Mercedes Cabral kung hindi kung papaano nila nagawan ng pelikula ang librong ito, hindi lang sa bed scene at love eklat ang gusto kong mapanuod ay kung papaano naisapelikula ang mga pasakalye ng sumulat nito.

Sya, tama na siguro to, parang puro nega ang nakatala sa rebyu ko eh,

Nadismaya lang siguro ako, kaya ngayon ako ng bitter ... LOL

ending? wala!

Ligo na ko, bored na me.



Status update last August 15
(Ayus naman sana eh, ayus lang, kaso tulad ng ilang update ko, namumutiktik to sa pasakalye, siguro ganun lang talaga kung ibubuwal ko ang nasa isip ko sa mga bagay-bagay sa paligid, pero tingin ko sa hindi ganitong kaexage(tama ba exage ko?). Siguro nasanay lang ako sa pagbabasa masyado ng seryosong mga nobela, mga nobela ng tradheya. haha!)
Profile Image for Christine.
4 reviews
April 25, 2011
A love, erotic Filipino love story which is easy to read, and comprehend.

Ligo na U, Lapit na Me means Take a Bath, I'm near. That's what horny lovers text each other when they're about to go home from a long, tiring day.

Intoy, a typical, young college student, meets Jen, a drop dead gorgeous school figure and soon became "friends with benefits and perks". They are having sex every lunch-break, that's what they do often, without commitments, no strings attached. Soon, Intoy feels that he is already inlove with Jen and ready to confess his feelings but a heartbreaking news came, Jen is pregnant and the child is not Intoy's. After that day, their roads part ways. They didn't see each other anymore. Jen is gone. Intoy had no idea where jen is. She isn't attending school anymore, she is out of reach. Her lost became a mystery. Where is Jen? Did she committed suicide? Did she leave the country? No one knows. Intoy is very confused, because he's about to confess his feelings. Later, he find ways on how to move on, on how to forget Jen and focus on his job-hunting. He barely forgotten the past but it's still a mystery of what happen to Jen.
It is a stereotype love story of young people, who are sexually compatible but their destiny seem to be saying that they are not meant to be together just *yet* of maybe *forever*.
Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews25 followers
January 6, 2015
Ang kuwento ni Intoy ay sumasalamin sa buhay nagbibinata, mapusok, nakakatawa, pagka-inip, pagiging mahiyain, alaskador, mag-aliw-aliw para mawala ang problema. Binibigyan halaga rin dito ang pagpapahalaga sa relasyon at pamilya.

Tumatalakay din sa usaping seks na kung saan ay nabinyagan ng nakabibighaning dalaga o dalana!. Dalaga na puno ng misteryo, problema sa pamilya, pag-aaral, at relasyon. Nawalang parang bula dahil nabuntis nino? sino? at tuluyan ng na-inlab si Intoy sa kabila ng kinahaharap na problema.

Sa sobrang pagkainis sa buhay ay tatagos ito hanggang sa bumulwak ang kwento ng katotohanan, realidad, at katatawanan bilang si Intoy sa buhay kolehiyo.

Hindi ito kwentong barbero o kutsero. (pwedeng kwentong Bumbero dahil papatayin nito ang apoy na sumisira sa kaisipan natin ukol sa pagpapatiwakal lalo't kapag nagka problema sa buhay pag-ibig, haha!

Profile Image for Honeypie.
783 reviews61 followers
March 16, 2015
I wouldn't normally buy this from a book shop, but since the club that I'm a member in will be meeting the author next week, and I'm a book hoarder myself, GAME!

Hmm.. Well, di ko siya masyadong nagustuhan.

At first, I have no idea what the book is about. But as I read through other people's comments, I was like, "Ahh.. Yun pala yun." Intoy, the lead character, is "in love" with his best friend, Jen, whom he has a "friends with benefits" relationship. But he can't admit it to her, for fear that their "relationship with benefits" will end, or worse, Jen doesn't love him back. So he's content with whatever he/they have.

Intoy has a lot of rants. And I don't think there's anything wrong with that. We all have those, at times. But too much negativity? Maybe about 90% of the 185 pages (Uhm... that's around 167 pages. Haha!) ??! Nakakapagod basahin.

I get it, we all have a lot of reasons to rant about, but I guess I just don't like the way how these complaints felt... paulit-ulit.

Ngunit kahit ganun pa man, mas gusto ko pa rin yung pagtackle ni EA ng sociopolitical issues, rather than the "love story".

Actually, parang wala pala masyadong love story. Parang escapades lang ng isang "nagbibinatang" lalaki sa kolehiyo. Okay sana, kaso parang may kulang. Ang dating sakin ay hindi na-itodo ang aspetong ito ng istorya.

Oh well.

Syempre, ito ang mga comments ko sa ngayon. Baka naman mas maipaliwanag ni EA yung libro niya, kung sakaling may deeper meanings pa ito.

Pero ang hirap din talaga. Ayoko kasi talaga ng masyadong negative. Haha!

---

Kung anong mahirap, mabaho at nakahuhubad-pagkataong trabaho e, yun pa ang maliliit ang sweldo. 'Yung mga mayayaman, papirma-pirma lang, pasita-sita lang, pa-travel-travel lang. Actually, di trabaho ang tawag nila 'dun... negosyo.

Wow, anong pag-iisip ba to. Anyway, mag-eexplain ako. Hindi naman kasi lahat ng "mayayaman" or nasa matataas na pwesto, ay pa-easy-easy lang. Ang dami na nating naririnig o nababasang mga kwento ng mga "yumaman" na tao, dahil sa sikap. At hindi porke't masikap ka, e aasenso ka na agad. Marami kasing factors, teh. Di pwedeng ilagay sa isang box lang ang dahilan ng maraming bagay. Affected ako. Haha! Puro kasi reklamo, bakit kasi hindi subukang "magtrabaho". Haha!

Bakit sunud-sunod ang kabutihang dumarating sa akin sa kabila ng mga katarantaduhang pinaggagawa ko?

Kailangan ko ng trabaho para naman masabi kong mamamayan akong may pakinabang at anak na marunong tumanaw ng utang na loob sa mga magulang.


True, true.

Ano nga kaya’t isang araw ay mapikon na lang ang mga Tsino? Tapos i-recall ang lahat ng kanilang produkto?
Wala na tayong siopao na madalas nating pinagdududahan kung pusa o karton ang laman. Paano pa aalaskahin ang mga may matatabang mukha na tinatawag na siopao?
Wala na tayong noodles na pambansang ulam ng sambayanan. Hindi ko ma-imagine ang isang evacuation area na daratnan ng mga relief goods na walang noodles.


Ang benta! : ))
Profile Image for Eythan.
48 reviews4 followers
July 16, 2013
This is about Karl Vladimir Lennon J. Villalobos, aka Intoy, a graduating college student. He met the most beautiful transferee in his school who befriended Intoy until they ended up being friends with benefits and perks – a sexual relationship without commitments. As the friendship builds, when Intoy was into saying that he had fallen in love with her, Jen confessed that she was pregnant but the child is not Intoy’s. She then disappeared and didn’t able to finish college. The latter part of the story is about Intoy wandering around the city, hoping to forget Jen but ended up missing her.

This somehow depicts Bob Ong’s style – telling the Filipino daily living and enumerating humorous Filipino topics. But then, Atalia’s style is visible as he expounded some topics in his books. The story is actually short yet because Atalia made tactics to broaden the topics presented like when Intoy went in the wash room and from this, Atalia has profoundly discussed some things regarding the toilet bowl.

Sometimes, I consider this style inessential and ineffective because the main point of the story is destroyed as Atalia has mentioned a lot of roundabouts regarding certain topics; unlike that of Bob Ong’s who also uses this strategy yet makes sure that there is the continuity among topics.

On the good side, the trueness of the things Atalia has shown adds points to the book. The books still shows how the present generation acts. The world of sex is very “in-trend” nowadays and Atalia used this as the thematic representation of the adventures of Intoy. After reading this, teenagers specially college students will both laugh and dismay to the reality that the book represents.

Note: I used this in my book review article in De La Salle Lipa’s tabloid, issue no. 1 - 2013.
Profile Image for Sid.
9 reviews7 followers
June 13, 2012
"A Plenty Load of PiSs" para sa librong toh, dahil nanakit ang pantog ko sa mga iilang init ng binitawang salita ng naka lathalang author sa librong to...

Ang ganda sana ng sequence ng istorya, liban sa mga pasakalyeng ikinonekta nya sa tagpo, na hindi naman talaga konektado sa paksa,
ganda ng karakter ni John Lennon este ni Intoy Maharot. Talagang tinupad ng author ang gusto nyang pantasya para sa karakter niyang si intoy, magaling si Eros Atalia, no doubt about that, sa dami ng naachieve nya hindi nakakapagtakang madali xang makaisip ng mga ideas tsaka kwelang tagpo, para magkaron ng laman ang sinulat nya.

Pero i gave 2stars kasi hindi ko maxadong nagustohan ang "BITIN" effect na ending, sorry pero cguro maxadong common ang last words don na "Abangan ang susunod na kabanata". sarap kagatin ng huling pahina maging ang cover ng libro pati ang ilang mga detalyeng hindi ko nafeel para mairelate sa istorya ni Intoy at Jen.

hmmmm mejo korni pero gusto ko don ung romance effect ng dalawang fuck characters. hindi kaya si intoy talaga ang ama ng pinagbubuntis ni jen? ayaw lang ipaako ni jen kay intoy kaya xa nagsinungaling dito na hindi xa ang totoong ama, dahil biktima nya lang naman c intoy ng kanyang makamundong kati sa katawan.

Hoooo...It's Not That Complicated
Profile Image for Hannah.
56 reviews
November 14, 2011
Hindi ako masyado nagbabasa ng mga tagalog na libro. Hindi dahil sa tingin ko eh hindi sila karapat-dapat basahin o kaya eh wala silang binatbat sa mga international books na lumalabas ngayon - mahirap lang talaga maghanap ng mga librong tagalog maliban sa usual na pocketbooks at ghost stories.

Buti na lang nakita ko ito. Naintriga ako sa summary sa likod dahil isa rin ako sa mga taong maraming tanong pero walang mahanap na sagot. Ang libro ay tungkol kay Intoy, na matapos maging close at mapamahal sa kaibigan (at minsan ay kalaro, alam mo na ang ibig kong sabihin [friends with benefits]) niyang si Jen ay bigla na lang siya nitong iniwan. Lahat siguro tayo ay nakakilala na ng ganitong tao - biglang mawawala ng walang pasabi at hindi na magpaparamdam.

Sana totoong may sequel ang librong ito. Sa sobrang pagkagusto ko dito eh mga lampas 20 beses ko na ata itong nabasa. Walang joke.
Profile Image for Ja.
214 reviews33 followers
October 25, 2012
Akala ko, magugustuhan ko ang librong ito ni Eros dahil maraming nagsasabing maganda ito. Patawad, pero hindi ako "nag-enjoy" habang binabasa ko 'to. Mayroong mga oras na natatawa ako pero hanggang doon lang. Hindi ko tuloy maiwasan na ikumpara siya kay Bob Ong. Siguro hindi lang kami nagkasundo ni Atalia at siguro rin, magbabasa pa ako ng ibang akda niya sa ibang pagkakataon nga lang.
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
December 12, 2014
Ligo na U, Lapit na Me ---- isang kwento/nobela kuno ng buhay ni Karl/Intoy/Dude kapiling ang kanyang friends with benefits and perks/fuck buddy na si Jen.

In fairness, matino ang karakter ni Intoy. Maliban lang dun sa pagiging fuck dude nya, gusto ko yung pa-deep na suplado na medyo alaskador at may sapak sa uta na personalidad nya. Ganoon din kasi ako. Ang kaso nga lang, hindi ako nakakabingwit ng fwb.

Kung anong kinaladlad ng pagkatao ni Intoy yun naman ang kinamysterious ni Jen. Wala man lang kwento tungkol sa pagkatao niya bukod sa pagiging makati. Nakakacurious tuloy kung saan siya napunta. Baka kinuha ng alien. Hahahah

Grabe ang istorya, mala-nobela na sinusubaybayan ko dati sa mga tabloid. Sinasabayan ang mga istorya na kadalasan ay nababasa ko lamang sa pantasya.com (ooops. . . wag mo nang tangkaing tignan, makasalanan!) . Hindi naman masyadong mahalay, hindi rin naman masyadong bastos. Iniisip pa rin siguro niya ang magiging reaksyon ng mga kabataan nyang mambabasa.

Gustong gusto ko rin yung mga segue niya ng kung anek-anek na binabanatan naman ang pinakatrip kong batikusin -- ang bulok na sistema at warat na lipunan ng bansa. Mapapansin nga na walang kinalaman sa kwento ang ibang isinasalaysay nya dito pero sigurado naman na kapupulutan ito ng aral. Malakas ang loob ni Eros sa mga ganitong usapin na minsan nga ay di ko malaman kung seryoso siya o nagbibiro nanaman. Minsan kasi kawalang hiyaan ang sinasabi niya. Hahahah. Pero isa lang masasabi ko sa istilo niya, NAPAKATOTOO. Sabi nga niya parang Kapuso, walang kinikilingan, serbisyong totoo lang.



Aaminin ko bitin ako sa kwento, dapat pala siguro inuna kong basahin yung Peksman. Sabi kasi dun daw nagumpisa yung kwento ni Intoy e.

Must To Be Read: Peksman!

Pero unahin ko muna yung meron ako.
Next: It's not that complicated




Profile Image for Earl.
749 reviews19 followers
December 4, 2012
Isang hindi karaniwang kuwento ng pag-ibig (o kawalan nito).

Mula sa aking blog (http://www.theearlyincentive.blogspot...)

Kung hindi lang dahil sa isa sa mga mentor ko ang pumuri nang wagas sa pagsasapelikula nito, hindi ko talaga ito babasahin. Bago lumabas ang pelikula, hindi naman siya naging patok. Bukod pa rito, tunog jejemon ang mismong pamagat ng aklat, at para sa isang taong nagnanais magkaroon ng koleksyon ng mga mahuhusay na akda sa Filipino, parang aksaya lamang ito ng pera at panahon.

Sa pagbuklat ko ng nobelang ito, natuklasan kong tama pala talaga ako. Walang pa-deep, walang pilosopikal, walang pampakilig. Isa lamang itong karaniwang nobelang "coming of age," tungkol sa isang lalakeng ayaw umamin na siya'y in love, isang babaeng walang talagang pakialam sa love, at sa isang tila pag-iibigang walang pinangakong kasiyahan kundi ang pagtambay sa coffee shop at pagkakama ng isa't isa. Sa huli, isa itong nobela ng wagas na pag-ibig na nauwi sa kasawian, subalit isang kasawiang mananatili bilang isang bahagi ng buhay na kailangang magpatuloy at ipagpatuloy.

Subalit higit na mahalaga ba ang tanong ng pagiging kayo, kung ang pagmamahal ay nakikita sa bawat maliit na sandali?
Profile Image for E Reyes.
126 reviews
September 3, 2011
"Sa likod ng paastig-astig kong papel, na suplado, na mapili, na hindi nagseselos, na walang pakialam sa buhay ay mararamdaman niya...may isang Intoy na nagmamahal na talaga. Hindi suplado. Duwag lang."

A story of a boy named Intoy and his feelings for Jen, the girl he loved and had sexual interactions with, and his sometimes wise, sometimes wacky/crazy thoughts about the world.

---
1. I found some typo errors.
2. Masyadong madaldal. Noong una, humahanga ako sa pag-segway niya - from the plot to discussing his opinions. Later on, napahaba ang usapan, naiwan ang kwento.
3. Not really erotic, though hindi pa talaga ako nakakabasa ng erotic - puro love scenes pa lang na OA sa description - pero parang hindi talaga 'to dapat mag-fall under that. Medyo balbal lang ay may lamang ilang eksenang sensitibo pero hindi erotic sa kabuuan.
4. Medyo hindi maganda yung pagkakakabuo ng character ni Intoy (lead/speaker). Parang hindi akma yung ilang bahagi.

Nagustuhan ko pa rin naman.
Profile Image for Neri.
9 reviews
December 23, 2014
Nalito ako sa katotohanan at pag-iisip ni Intoy. Nakulangan ako sa ending pero may point din naman ang magtapos nang ganun.

Hindi naman lahat na-eexplain. Hindi lahat ng nangyayari sa buhay naiintindihan. Minsan (o madalas) magulo tayo mag-isip at naglalaro ang diwa natin ukol sa mga bagay-bagay sa paligid.

Naalala ko si Bob Ong dahil dito pero mas gusto ko istilo ni BO dahil mas diretso. Parang ginamit si Intoy para mag-isip ang mambabasa. Ngunit ok din namang teknik kung ang nais e pukawin ang masa.

Kaya 3 bituin - 2 para sa laman at dagdag na isa sa nais ipahiwatig.
Profile Image for Bong.
122 reviews64 followers
August 6, 2013
Pukang ama talaga, sa karami-karamihan ng pwedeng siksikan ni Jen bakit sa isip pa?

- Karl ladimir Lennon J. Vilalobos (Intoy)

Ito na ang unang na FuBu (Fuck-Buddy) na nabasa ko. :D

Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis kay Intoy. Sabagay nakaramdam sya ng pagmamahal. Pero sa relasyon na mayroon sila ni Jen, kung sino ang maunang main-love, syang talo. Syet! HAHA
Profile Image for Serene.
22 reviews9 followers
April 14, 2013
Ang bitin lang. -_- Daming kaekekan ni Eros. Pero dahil college student din ako nakakarelate ako. Nakakarelate dahil nagaaral ako sa State U. Hindi dahil ganun din ang lifestyle ko kay Jen. HAHA. Nalaman ko din n di pala nafifreeze ang alak. Bagong kaalaman. :D
Profile Image for Joey alabanza.
36 reviews12 followers
December 28, 2010
read these guys and challenge urself into real love erotic pinoy story...
eros convince us to know and lern wat is real love and its consequences....
Profile Image for Math Teacher.
14 reviews5 followers
May 3, 2012
Okay.

Bakit dos lang ang rating ko sa Ligo na U, Lapit na Me?

Kung ilalarawan ko ang akdang ito ni Prof. Eros S. Atalia, siguro ang gagamitin kong salita ay ALANGANIN.

Alanganin akong natawa sa mga tangka nya sa pagpapakwela.

Alanganin akong nadala sa mga dapat sanang umaatikabong eksena nina Jen at Intoy.

Alanganin akong nakumbinse sa mga ideolohiyang tinangkang ipasok ni Atalia sa bawat pahina.

Alanganin akong nakidalamhati kay Intoy sa ginawa nyang paglimot kay Jen.

Alanganin akong naniwala na si Eros Atalia ay kaliga ni Bob Ong pagdating sa paglikha ng mga kontemporaryong panitikan na ganito ang genre.

Nabasa ko na rin ang Peksman. Four out of five ang rating ko dito. Pero hindi nagkakalayo ang naramdaman ko nang basahin ko ang librong ito (Ligo na U) ni Eros. Ang katwiran ko noon, ibase natin sa susunod na gawa. Baka mas magustuhan ko yung sunod.Kaso wala naman akong nakitang kaibahan. At ang totoo, mas na-enjoy ko ang mga dagling idinagdag ni Eros dun sa una nyang libro. Iyon ang maituturing na hindi alanganin. Hindi bitin ang pakwela. Hindi bitin ang lalim. Hindi pilit. Natural.

Maikli lang naman ang librong ito kung tutuusin. Pero ang totoo, nahirapan akong tapusin. Hindi ko mapalampas na hindi mapansin ang ilang mga typo errors, grammar slips, at misspelling. Hindi naman ako grammar nazi o kung ano man. Naghahanap lang ako ng tama lalo't nababasa ito ng madla. Seryosong tanong, anong ginawa ng editor? (o meron nga ba itong editor? Hindi ko rin alam.)

Maging ang intensyon ni Atalia na ipasok ang paniniwala nya at mga ideolohiya pagdating sa mga usaping pambansa, hindi ako masyadong nakumbinse. Hindi kagaya ni Ong (pasensya na sa pagkukumpara)na "seamless" ang pagkonekta sa istorya (kunsabagay, ito mismo kasi ang paksa ng istorya), hindi naging natural sa akin ang naging atake ni Atalia. Walang kaisahan sa eksena, tipong ninais lang lamnan ng ganitong ideya ang bawat pahina.

Biased naman talaga ang review kong ito dahil nga Bobongpinoyism ang relihiyon ko. Umaasa lang akong makakatagpo pa ako ng ibang mga kontemporaryong manunulat na hindi naman nasa kalibre ni Ong ay hindi naman nalalayo.

Profile Image for Chelsea Anne.
49 reviews
October 17, 2012
Titulo pa lang ng libro eh medyo napukaw na ang atensyon ko. Nakaka-"hmmm" ang dating. May halong katatawanan, maiinit na tagpo, adventures ng job hunting at side comments tungkol sa mga isyu ng Maynila at pagkabigo sa pag-ibig ang kwentong 'to.

Masasabi kong sobrang magkataliwas ang karakter ni Karl Vladimir Lennon aka Intoy (tagapagsalaysay ng kwento/pangunahing tauhan) at ng kanyang love interest/ka-friends with benefits and perks na si Jen. Kung gaano ka-bukas ang buhay ni Intoy, ganun naman kahirap ispelengin ang kay Jen. Pukang ama ng baklang baka. Sa aking pananaw, Intriguing ang tema ng istoryang 'to kaya pumatok sa karamihan.

Medyo hindi lang ako nakiliti sa pagpilit na pagsisiksik ng ilang komentaryo na ni-re-relate sa mismong kwento kahit hindi naman dapat, pampadagdag lang eh parang pinahaba lang tuloy at medyo nawala 'yung focus sa tunay na paksa ng istorya.

May matinding pagkakahalintulad ang pagsusulat ni Atalia at Ong kung ibabase sa atake ng pagpapatawa kaya't hindi kataka-takang magaang basahin ang librong ito. Ang Ligo Na U, Lapit Na Me ang unang libro ni Sir Eros Atalia na nabasa ko. Ayos naman, madaling sakyan at nakakabitin 'yung ending kaya't panigurado.. hindi ito ang huling akda ni Atalia na babasahin ko.
Profile Image for Valerie.
33 reviews30 followers
November 22, 2012
Nauna kong panoorin ang pelikula nito. Isa kasi ito sa may pinaka- nakaiintrigang pamagat, at mukhang maganda yung plot.
Dati lagi kong sinasabi ng mas maganda nang ilang beses ang version ng libro kayse version ng movie-- pero natatangi ang Ligo na U, Lapit na Me.

Mas nagustuhan ko ang pelikula kasi mas maayos. First person point of view kasi ang nobela, at mas maayos ang pagkakahalo ng pagsasalaysay at eksena sa buhay ni Intoy kapag pelikula. Pagdating sa libro: Ang gulu- gulo! Magsisimula sa isang pangyayari, biglang mapapatanong tungkol sa isang paksa, pag- uusapan yun-- hanggang sa malayo na sa pinaka- kwento. Nakakahilo. Simula pa lang, ganun na, kaya patalu- talon ako. Kapag nararamdaman kong lumalayo na naman si Intoy sa 'usapan,' magfa- fast forward na ako ng ilang pahina (oo, pahina, hindi lang talata).

Hindi ko na rin siya tinapos. Ang naisip ko na lang, "Sabagay, napanood ko naman na yung pelikula. Alam ko na ang mangyayari."
Profile Image for Emong.
90 reviews17 followers
December 28, 2014
Nauna ko mapanood ang pelikula bago mabasa ang libro. Nabigyan naman ng justice ang libro pero iba pa din kapag ikaw ang gumagawa ng mga eksena sa imahinasyon mo. Mas detailed at mas makulay(hindi ko maipaliwanag kaya makulay nalang).

Ang kwento ni Intoy at ni Jen na siguro ang pinaka kakaibang love story kung love story man ito na nabasa ko. Isang lalake na bukas ang isipan at isang babae na sobrang lalim at mahirap arukin. Iba sa mga katulad nito na kwento kung saan naglalandian lang ang mga karakter tapos ay happy ending na. Eto kakaiba may kwento nanaman sa loob ng kwento mga paliwanag sa mga bagay na di natin minsan napapansin na nabigyan buhay ni Atalia.

Binilisan kong matapos ang libro naghahangad ng magandang ending pero mali pala ako. Maghihintay nanaman ako. Nakakabitin, nakakaburaot hahaha!
Profile Image for Mae.
38 reviews
August 13, 2011
I don't really read books from Filipino writers (but I read Bob Ong's), this book was recommended to me by a college friend. And since I didn't have my full attention to this book, I didn't read everything written in it. Well, it was purely green (referring to what's written in there). And the humor, I liked it but I don't really think it does fit my standards regarding about the books that I read. That's what I hate, you know. When every time, Filipino writers writing in Filipino language, describing the things in a darkest way. Almost like a poison for the minds of the readers. But of course, I opened my mind to the good traits of this book. But I don't think it had a good storyline and would be better for everyone if I recommend it, because seriously, it was like a threat.
Profile Image for Chenley Cabaluna.
166 reviews5 followers
August 1, 2013
Ako na ata ang pinaka mababaw na tao pero hindi ko naaapreciate yung mga part na nag-iisip si Intoy, Kase andami n'ya iniisip, ang layo layo ng nararating, kung saan saan na napupunta, nabibitin ako!!! Gusto ko more on Jen and Intoy. Gusto ko puro tungkol lang halos kay Jen at Intoy. Siguro madami nakaka appreciate nung thinking out loud moments ni Intoy pero bias ako, gusto ko yung landian part lang. hahahaah!

Pag nag iisip si Intoy, sumasakit ulo ko hahaha, para akong nagbabasa ng Encyclopedia (yes, I'm old like shit, I experienced the so called Encyclopedia lol. baka hindi makarelate yung mga youngsters haha!)Napakadami n'yang idea! Kaya nilayasan ni Jen ehh!! ooops. spoiler alert. hahahaah! Tama na nga baka makwento ko buong book! Wahaha!
Profile Image for Gil Nambatac.
Author 1 book34 followers
June 7, 2012
Ligo na u, lapit na me.

Isang obra na nagpapakita kung ano ang kasalukuyang estado ng kabataang Pilipino. Konserbatibo? Hindi! Sa librong ito makakapasok ka sa utak ng mga kabtaan at malalaman mo rin kung ano ang nasaisip nila kung ipahaharap mo ng iba't ibang isyu ng bansa (o sa mundo). Nagsisilbi itong salamin sa mukha ng indibidwal na kabataang Nopi. Walang palya. Isa itong manwal sa pagbabago na tinatahak ngayon ng mga kabataan sa bansa. Nasasa iyo na kung sasang-ayon kayo kay Eros Atalia...

see more: http://hailgil.blogspot.com/2012/06/f...
Profile Image for Raisa.
32 reviews
August 19, 2012
Hindi ko naappreciate yung paligoy-ligoy na pagsalaysay ni Intoy.
Mas gusto ko sana kung straight to the point nalang (pero hindi naman ito dyaryo).
Kahit na ganun, may mga komentaryo si Intoy na tumatak sa isip ko.
Profile Image for Janielle De Leon.
13 reviews
May 26, 2018
Hindi kinaya ng inosente kong utak. Pero tinapos ko. Mahirap na kung walang closure sa istoryang ito. Kahit na hindi tunay na closure, okey lang at nakita ko naman ang salitang closure sa huli. Okey na.
Profile Image for Billy Ibarra.
192 reviews17 followers
June 23, 2022
Prequel ng Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako pero yung mga nasabi na ni Intoy sa naunang aklat na 'yon ay inulit niya pa rito. Mas marami pang rant si Intoy sa mga bagay-bagay kaysa sa kung tungkol saan ba ang nobela.
Profile Image for FG Castro.
14 reviews
July 10, 2023
Ang "ligo na u lapit na me" ay mensaheng ipinapadala ng mga malibog sa kanilang kasintahan o kalaguyo kapag sila'y pauwi na at umaasang may gagawing makamundo.

Ito'y di ko makita bilang nobela kundi bilang serye ng mga sentimyento ni Intoy (pangunahing tauhan). May reklamo sa kung anuano: ang mga asignatura, kahirapan ng pamilya (pornograpiya ng kahirapan na naman), at relasyon. Ang kuwento mismo'y di ko malaman kung paano rereaksyunan dahil di masakyan dahil ang mga mahalagang tagpo'y natabunan ng mga paksang kung anuano at mga biro at hirit na hindi malinaw kung ginawa upang masabing kakaiba mag-isip ang sumulat.

Ang may-akda'y may gawad na Palanca kaya't sabihin na lang nating hindi ito ang kanyang pinakamahusay na gawa. O marahil ang kaalaman ko sa popularidad nito ang nagtaas ng aking mga inaasahan sa labas ng nararapat.

Ito ay isang bestseller. Okay. Walang sorpresa doon. Kinakain ito ng mga Pilipino ang mga ganitong "makaka-relate" na bahagi ng buhay, kahit pa wala itong sustansya. Dapat sana'y nagbibigay-taas ang panitikan. May mga akdang maaaring nag-eengganyo at nagpapaisip, ngunit hindi kasama ang "Ligo" sa mga ito.

May mga magtatangol na magsasabi na basta naeengganyo ng isang bagay ang mga tao na mmagbasa, ito'y isang hakbang patungo sa tamang direksyon. Maaring mabasa ang propaganda. Nababasa ang fake news. Nababasa ang kabastusan na syang dahilan kaya mabenta ang tabloid.

Naging pelikula itong Ligo. Maganda sana kapag may mga aklat na ginagawang pelikula upang mas mailapit ito ng masa, subalit hindi sa ganitong paraan.

"Isang salamin ng realidad" ang nagdulot ng papuri mula sa ilang mga tao. Para sa akin, kung gusto ko ng realidad, tututok ako sa tunay na mundo. Ang mga libro'y dapat magbibigay ng pananaw o hahamon sayong pananaw. Nakaramdam ako ng kalungkutan para sa mga nagnanais na makita ang realidad sa pagsasalaysay.
Profile Image for Zet.
38 reviews
September 2, 2020
Excited pa naman ako dahil ngayon ko lang mababasa ito at dahil maraming reviews na maganda raw. Pero sobrang na disappoint ako.

Masyadong maraming paligoy ligoy sa istorya, lalo na kapag nagbibigay ng bagay na inahahalintulad nya sa kung ano man ang kasalukuyang nangyayari o nararamdaman ng protagonist.

Kung tutuusin, halos pwede mong kalahatiin ang libro at alisin yung mga "filler" lang. Walang epekto ito sa mismong plot.

Halos pilitin ko na lang ang sarili ko na tapusin ito dahil sayang naman yung pinambili ko. Hindi manlang ako na-engage o nag-look forward sa susunod na kabanata. Wala ring eye-opening na mga mensahe o anupaman.

Sayang.
Displaying 1 - 30 of 138 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.