fooleveunder > fooleveunder's Quotes

Showing 1-30 of 564
« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 18 19
sort by

  • #1
    Bienvenido L. Lumbera
    “Ang utak ang kabán ng aking mga pangarap, ang buóng aklat ng aking buhay. At doo’y nakatitik ang aking mga ligaya na inuulit-ulit kong mulíng danasin sa pangarap. At doo’y lagì kong iníingatang huwág ulíng mabuklat ang mga dahon ng aking mga kalungkutan.

    Mula sa Dugô at Utak ni Cornelio S. Reyes”
    Bienvenido L. Lumbera, Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo

  • #2
    “Ang pag-asa ay hindi pag-asa kapag nakikita na ang inaasahan. Sapagkat sino ang aasa sa nakikita na? Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, ito'y hinihintay natin nang buong tiyaga.
    Roma 8:24–25”
    Anonymous

  • #3
    Inio Asano
    “Dream big, everyone! Because dreams are free! But don't forget to be realistic about your abilities and financial needs. Otherwise you're in for some serious disappointments in life!”
    Inio Asano, Goodnight Punpun Omnibus, Vol. 1

  • #4
    F. Sionil José
    “No stranger can come battering down my door and say he brings me light. This I have within me.
    -Istak”
    F. Sionil José, Dusk

  • #7
    “Sa alinlangan nagmumula ang mga bagong karunungan, iniluluwal nito ang mga bagong pagpapakahulugan sa daigdig at sa sarili.”
    Jerry B. Gracio, Informal: Mga Pilíng Personal na Sanaysay

  • #8
    “Tanging yaong nagsisikap na gumawa ng lalong makabubuti para sa kaniyang mga kababayan, mataas man o mababa ang kinalalagyan, ang tunay na makabayan. Nasa kabutihang tinupad ng isang nasa hamak na posisyon ang dangal at luwalhati; samantala,
    ang munting kabutihang tinupad ng isang nasa mataas na puwesto ay tanda ng kapabayaan at kawalang-kakayahan. Nakikilala ang tunay na karangalan sa mga payak na palatandaan ng kaluluwang matuwid at matapat, hindi sa kinang ng karangyaan at palamuting bahagya nang maipantakip sa mga kasiraan ng ating katawan. Nakakamit ang tunay na karangalan sa paglinang ng ating talino upang matutuhang kilalanin ang katotohanan at sa pagtuturo sa ating puso upang kasanáyang mahalin ang katotohanan. Sa pagkabatid sa katotohanan, naaarok natin ang ating mga katungkulan at ang katarungan, at sa pagtupad ng tungkulin
    at sa pagkamakatarungan, nagiging kagalang-galang at matuwid táyo sa anumang
    kapanahunan ng búhay.”
    Apolinario Mabini, The Philippine Revolution

  • #10
    Bill T. Arnold
    “Just as sin and death entered the world by one man, so salvation and life came into the world through one righteous man, Jesus Christ.”
    Bill T. Arnold, Encountering the Book of Genesis

  • #12
    Kengo Hanazawa
    “It's not about how long you've lived! It's about what you've been doing with all your time.”
    Kengo Hanazawa, I am a Hero: Complete Series

  • #15
    Antoine de Saint-Exupéry
    “And now here is my secret, a very simple secret: It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye.”
    Antoine de Saint-Exupéry, The Little Prince

  • #17
    “A man's heart is an interesting thing. The more you try to suppress your emotions, the more they overwhelm you; the more you try to forget, you remember!”
    Muneyuki Kaneshiro, 僕たちがやりました 7 [Boku-tachi ga Yarimashita 7]

  • #18
    Lualhati Bautista
    “Ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos. (Tranquil shores are only for those who boldly oppose raging waves during storms.)”
    Lualhati Bautista, Dekada '70

  • #18
    Bob Ong
    “Dahil ang matalino, kung hindi magbabahagi ng kaalaman, ay wala ring pinagkaiba sa bobo.”
    Bob Ong, 56

  • #18
    Bob Ong
    “[M]arami sa atin ay nagkaedad lang na mga bata.”
    Bob Ong, 56

  • #19
    José Rizal
    “[B]inigyan ñg Dios ang bawat isa ñg sariling isip at sariling loob, upang ding mapagkilala ang likó at tapat; paraparang inianak ñg walang tanikalá, kundí malayá, at sa loob at kalulua'y walang makasusupil, bakit kayá ipaaalipin mo sa iba ang marañgal at malayang pagiisip? Duag at malí ang akalá na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilay nilay.”
    José Rizal, Liham para sa Kababaihan ng Malolos

  • #20
    Lualhati Bautista
    “Anu't anuman, dito naganap ang mga unang pangamba ko, na ang anak ko'y hindi na isang estudyante sa loob ng kampus...unti-unti'y nagiging bahagi na rin siya ng mas malawak at balisang lipunan, ng mga bagong tao ng ngayon na siyang magpapasiya ng bukas: isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon.”
    Lualhati Bautista, Dekada '70

  • #21
    William Shakespeare
    “If the dull substance of my flesh were thought,
    Injurious distance should not stop my way;
    For then despite of space I would be brought,
    From limits far remote, where thou dost stay.
    —Sonnet 44”
    William Shakespeare, Shakespear's Sonnets

  • #22
    “Kapag sinabi ng isang tao o isang relihiyon na nasa kanila lamang ang Diyos, inaangkin nila ang Diyos at ikinukulong siya sa isang set ng mga paniniwala. Isa itong malaking pagkakamali dahil hindi mo maaring i- contain ang isang Diyos na transcendent. Hindi sinasabi ng Panginoon na mahal kita dahil banal ka, o mahal kita dahil maganda ka o mahal kita dahil maputi ang kulay ng iyong balat o mayaman ka o lalaki ka. Sinasabi ng Panginoon, mahal kita. Iyon lang”
    Jerry B. Gracio, Informal: Mga Pilíng Personal na Sanaysay

  • #23
    Bienvenido L. Lumbera
    “A, hindi sapat na alam mo ang pangalan ng iyong kapwa upang masabing siya'y ganap mo nang kilala.
    (Pagsambang Bayan ni Bonifacio Ilagan (1978))”
    Bienvenido L. Lumbera, Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo

  • #25
    William Shakespeare
    “My grief lies onward and my joy behind.
    -Sonnet 50”
    William Shakespeare, Shakespeare's Sonnets

  • #26
    Macky Cruz
    “Kapag alam mo na kung kailan ka mamamatay, makakapaghanda ka,” sabi ko. “Gagawin mo na lahat ng gusto mong gawin.”

    Tumawa si Raya nang malakas. “Dante, kung ikaw ’yong tipo ng tao na kailangan muna ng mga ganyan bago gawin ang gusto mong gawin, hindi kamatayan ang problema mo.”
    Macky Cruz, Hoy, Pong!

  • #27
    “In the first-person perspective, where you're the one and only protagonist, your eyes show you a world that's exclusive to you. It's your world. Do other people's stares really matter at all?”
    Sini, About Death

  • #30
    “[H]indi ang nakasuot ng abito ang tunay na alagad ng Diyos kundi ang lahat ng nagpapahayag ng Kaniyang Kaluwalhatian sa mga gawaing mabuti at kapaki-pakinabang para sa lalong nakararaming nilikha Niya, pagsusumikapan kong maging tapat sa iyong kalooban hangga’t may lakas ako sa pagtupad nito.”
    Apolinario Mabini, The Philippine Revolution

  • #31
    “[A]ng paggunita ay hindi lamang pag-alaala. Ang paggunita ay isa ring paglimot. Bahagi ng anumang paggunita ang pagkawala sa isip ng anumang dating batid o alam.
    —Mula sa Ang Kasaysayang Pampanitikan Bilang Paggunita ni Galileo S. Zafra, páhiná 8”
    Lope K. Santos, Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan

  • #32
    Virgilio S. Almario
    “[A]ng táong walâng gunitâ ay walâng batayan ng karangalan. Ang walâng batayan ng karangalan ay walâng ipagpaparangalan, at kayâ magiging lipos ng hiyâ. Ang táong walâng dangal ay maralita at walâng saríli. Ang táong walâng saríli ay madalîng linlangin at maging alipin.”
    Virgilio S. Almario, Sapantahang Wika

  • #33
    “Extravagance is Avarice's twin; it is both immoderate and shameful. Ambition grows everlasting, you see, should one hold one thing, another they'll wish. There is no limit nor bound upon it, for always more can be gained in excess.”
    Nagai Go, La Divina Commedia, Vol. I

  • #34
    Bob Ong
    “Pero sino ba ang sabay na umibig at naging matalino?”
    Bob Ong, 56

  • #35
    William Shakespeare
    “Why lov’st thou that which thou receiv’st not gladly,
    Or else receiv’st with pleasure thine annoy?
    Sonnet 8”
    William Shakespeare, Shakespeare's Sonnets

  • #37
    Macario Pineda
    “[A]ko’y hindi matapang . . .[A]yoko lámang maging duwag.”
    Macario Pineda, Halina sa Ating Bukas

  • #38
    Virgilio S. Almario
    “Ang pagpapakatáo ay isang hábang-búhay na pagsisikap upang magtamo ng ginhawa dito sa lupà . . . Ang ginhawa ay nagdudulot ng pakiramdam na “singgaan ng liwanag” . . . Natatamo ang pakiramdám na “singgaan ng liwanag” kapag walâng anumang “bigat” ang katawan at kalooban.”
    Virgilio S. Almario, Sapantahang Wika

  • #39
    Joselito D. Delos Reyes
    “Ginagamit natin ang sariling pamantayan upang sabihing mali o hibang ang iba sa kanilang ginagawa. Gayunman, ayaw nating husgahan tayo ng iba batay sa pamantayan ng nanghuhusgang ito.”
    Joselito D. Delos Reyes, iStatus Nation



Rss
« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 18 19