Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan Quotes
Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
by
Lope K. Santos11 ratings, 4.73 average rating, 1 review
Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan Quotes
Showing 1-14 of 14
“Ang “Magtanim ay Di Biro” ay akda ng makatang José Tuason, taga-Balanga, Bataan, na nasa kaniyang akdang Mga Siniphayò ng Pag-irog na siya na rin ang naglapat ng tugtugin.
—Mula sa Ang Panulaang Tagalog ni Iñigo Ed. Regalado, páhiná 187”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan

“Kung paanong may paruparo sa bawat halamang namumulaklak ay gayon ding may mga tula sa mga bagay na naggagandahan.
—Mula sa Ang Panulaang Tagalog ni Iñigo Ed. Regalado, páhiná 180”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
—Mula sa Ang Panulaang Tagalog ni Iñigo Ed. Regalado, páhiná 180”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
“Utang sa matalinong pag-aaral ng gurong Lope K. Santos ang pagbabalak na ipalit ang salitâng “kakana” sa salitâng “cuento.” . . . Ang salitâng kakana ay siyang kahulugan sa Tagalog ng salitâng cuento sa wikang Kastila ayon sa talatingigan nina Padre Noceda at San Lucar. . . . Ang kakana ay isang salitâng panlansangan noong araw. . . . ‘Ako naman ang kakana ngayon!...” o kayâ’y ‘Ikaw naman ang kumana...” . . . Samakatwid, ang kakana ay isang galaw ng bibig, bigkas, . . . paglalahad ng búhay o bahagi ng isang búhay na di isinusulat.
—Mula sa Ang Maikling Kathang Tagalog ni Fausto J. Galauran, páhiná 137”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
—Mula sa Ang Maikling Kathang Tagalog ni Fausto J. Galauran, páhiná 137”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
“[T]áyong mga Filipino ay nabubuhay at namamatay sa pagbibigay-loob, sukdulang sa pagbibigay na iyan sumapanganib ang ating búhay.
—Mula sa Ang Maikling Kathang Tagalog ni Fausto J. Galauran, páhiná 136”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
—Mula sa Ang Maikling Kathang Tagalog ni Fausto J. Galauran, páhiná 136”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
“[K]ahit tawagin man nating “talà” ay may talàng makináng at may talàng malabo rin naman.
—Mula sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 128”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
—Mula sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 128”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
“Kung sa langit nabubuhay
ang sa lupa'y namamatay
ano't pinangangambahan
ang oras ng kamatayan?
—Orihinal na gawa ni Marcelo H. del Pilar at sinipi sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 119”

“Ang galit ay kabanalan
kung ang kinagagalitan
ay ang gawang kasamaan
at hindi ang may katawan
ng taong may kasalanan
—Orihinal na gawa ni Aniceto de la Merced at sinipi sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 119”

“ang mga balita’y bihirang magtapat
kung magkatotoo’y marami ang dagdag
—Orihinal na mula kay Balagtas at sinipi sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 92”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
kung magkatotoo’y marami ang dagdag
—Orihinal na mula kay Balagtas at sinipi sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 92”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
“Ang bugtong na mababaw ay tinatawag na “binayabas” na kung di man tiyak na mababaw ang kahulugan ay mababang uri naman ng katuringan.
—Mula sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 79”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
—Mula sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 79”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
“[M]ay mga sanay o bihasang sa kapalit ng kaunting handog na tumbas-pagod ay maging tagagawa ng sulat na tula ng mga binatang-taring sa nayon. Sinasabing ito raw ang naging tungkulin ni Huseng Sisiw nang panahon niya: ang maging tagagawa ng padalahan, na ang katumbas na pinakaupa ay isang sisiw sa bawat isang sulat na patula.
—Mula sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 77”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
—Mula sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 77”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
“[A]ng “lalauigang mahimbing” ay katumbas sa Kastila ng “puerto seguro” o ang “libingan” sa pahalimbawang pagsasalita.
—Mula sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 66”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
—Mula sa Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian C. Balmaseda, páhiná 66”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
“[M]ayroon na tayong kinatawan sa pananalangin . . . Ang Alagar ay lalaki at ang Katalonan ay babae.
—Mula sa Ang Dulang Tagalog ni Severino Reyes”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
—Mula sa Ang Dulang Tagalog ni Severino Reyes”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
“Ang mga páaralang siyáng punlaan ng mga binhî ng alinmang pánitikan, ay di-maaaring pag-anihan ng mga bungang máiibá pa sa mga bínhing ipinupunlà at sa pag-aalagang sa kanilá’y pinaiiral.
—Mula sa Tinging Pahapaw sa Kasaysayan ng Panitikang Tagalog ni Lope K. Santos”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
—Mula sa Tinging Pahapaw sa Kasaysayan ng Panitikang Tagalog ni Lope K. Santos”
― Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan
“[A]ng paggunita ay hindi lamang pag-alaala. Ang paggunita ay isa ring paglimot. Bahagi ng anumang paggunita ang pagkawala sa isip ng anumang dating batid o alam.
—Mula sa Ang Kasaysayang Pampanitikan Bilang Paggunita ni Galileo S. Zafra, páhiná 8”