Hoy, Pong! Quotes

Rate this book
Clear rating
Hoy, Pong! Hoy, Pong! by Macky Cruz
20 ratings, 4.05 average rating, 10 reviews
Hoy, Pong! Quotes Showing 1-9 of 9
“E, ano lang ba ang pagmamahal kundi ang araw-araw na pagpapasya na pahahalagahan ko ’tong taong ’to nang higit sa lahat? Kapag nagkapatong-patong ang pagkakataon na maramdaman mong hindi kita pinili, para ko na ring sinabi na hindi kita mahal.”
Macky Cruz, Hoy, Pong!
“Napakanormal maging malungkot sa mundong puro kalungkutan. Pero higit sa kalungkutan, ang paglasap. Ang paglasap sa pakiramdam ng naiwan. Ang katahimikang dulot ng kaalaman na minsan sa buhay mo, kinaya mong mabuksan ang sarili mo sa sugal na walang kasiguraduhan. Na ang sagot man ngayon ay hindi, baka sa isang taon, sa ibang tao, baka oo naman.”
Macky Cruz, Hoy, Pong!
“Kaya mong ibaon ang sakit na nararamdaman mo dahil ito naman talaga ang gawain mo.”
Macky Cruz, Hoy, Pong!
“Maraming pagbabago sa mundo ngayon na mas nakakapagpahina ng lakas ng taong pagpasyahan o buoin ang sariling tadhana. Ang pagtakas natin sa mga nararamdaman nating lumbay at paglaho ng pagkatao sa mga bagay na idinidikta ng ibang mas malalakas na tao, ang pagkalimot sa maliliit na bubot ng kaligayahan kapalit ng mga tropeong pinag-aagawan pero wala naman talagang saysay sa mga huli mong sandali.”
Macky Cruz, Hoy, Pong!
“Hindi lang isa ang bayani sa bayanihan.”
Macky Cruz, Hoy, Pong!
“[M]adaling malinlang sa kapangyarihan ng nakaraan at hinaharap kapag maginhawa ang buhay sa kasalukuyan.”
Macky Cruz, Hoy, Pong!
“Ang tanging layunin natin bilang tao ay ang maging ganap.”
Macky Cruz, Hoy, Pong!
“Pare-pareho lang naman kayo. Mainipin, matatakutin, pipiliing sirain ang sarili kaysa harapin ang isinisigaw ng kalooban n’yo.”
Macky Cruz, Hoy, Pong!
“Kapag alam mo na kung kailan ka mamamatay, makakapaghanda ka,” sabi ko. “Gagawin mo na lahat ng gusto mong gawin.”

Tumawa si Raya nang malakas. “Dante, kung ikaw ’yong tipo ng tao na kailangan muna ng mga ganyan bago gawin ang gusto mong gawin, hindi kamatayan ang problema mo.”
Macky Cruz, Hoy, Pong!