Sapantahang Wika Quotes
Sapantahang Wika
by
Virgilio S. Almario3 ratings, 3.00 average rating, 2 reviews
Sapantahang Wika Quotes
Showing 1-8 of 8
“Ang pagpapakatáo ay isang hábang-búhay na pagsisikap upang magtamo ng ginhawa dito sa lupà . . . Ang ginhawa ay nagdudulot ng pakiramdam na “singgaan ng liwanag” . . . Natatamo ang pakiramdám na “singgaan ng liwanag” kapag walâng anumang “bigat” ang katawan at kalooban.”
― Sapantahang Wika
― Sapantahang Wika
“Ang masayáhing kalooban ay naging mahiligín sa layaw at bisyo; ang mapayapà ay naging masunurin; ang mayhiyâ ay naging mahiyàin at mahinhin . . . Ang mapagpaubayà ay naging mapagpabayâ, mapagwalâng-bahalà at tamad.”
― Sapantahang Wika
― Sapantahang Wika
“[A]ng táong walâng gunitâ ay walâng batayan ng karangalan. Ang walâng batayan ng karangalan ay walâng ipagpaparangalan, at kayâ magiging lipos ng hiyâ. Ang táong walâng dangal ay maralita at walâng saríli. Ang táong walâng saríli ay madalîng linlangin at maging alipin.”
― Sapantahang Wika
― Sapantahang Wika
“Mula diumano sa “hing+kúha” kayâ “hingúha” ang unang anyo. Bakit naging “hinuhà” (malumi) ang bigkas? . . . Marahil posible nating ihulà, dahil nais iterno ang hinuhà sa maluming bigkas ng “hulà,” “hinalà,” “sapantahà,” “hakà,” at ibáng kapamilyang kilos ng ísip.”
― Sapantahang Wika
― Sapantahang Wika
“Sa matandang Tagalog at wikang Bisaya, ang imaginacion ay “harayà.” Kung minsan, “hirayà.” At ano ang salitâng-ugat ng “harayà”? “Dayà” (ha+dayà, o hi+dayà), na isang singkahulugan ng “linlang.”
― Sapantahang Wika
― Sapantahang Wika
“[A]ng “balighô” ay isang bagay na “imposible.”
― Sapantahang Wika
― Sapantahang Wika
“Ang tagumpay ng panggagáya ay nása reproduksiyon ng pinakamatapat na kopya. Ang tagumpay ng pagkukunwarî ay nása kaganapan ng panlilinlang—ang paniniwalà ng madla (ng nanonood o nakikinig) na totoo ang di-totoo, na totoo ang salungat sa Totoo.”
― Sapantahang Wika
― Sapantahang Wika
“[N]agmula ang “talinghagà” sa praseng “talì ng hiwagà”—isang talìng mahiwagà—isang bigkis ng sari-saring diwà o isang bigkis para sa pagkakaisa ng samot-samot na diwà.”
― Sapantahang Wika
― Sapantahang Wika
